You are on page 1of 2

Difference between Performing / Worshiping

may 2 entablado ang isa ay para sa performance at ang isa naman ay para sa Pagsamba

malaki ang pagkakaiba ng performing at worshiping though parehas itong

nasa stage ( entablado ) pero mag kaiba ang purpose nito

pag sinabi naming Performing ( Performance ) ang nakikita mo lang ay ang sarili mo

kung gaano ka kagaling or kasikat na magkaroon ng privelege na makapag perform sa isang malaking

entablado

at pag sinabi naman po nating Worshiping unang una po hindi po ito patungkol sa atin

kung gaano tayo kagaling o ano ang katayuan natin. It's not about us

it's about Jesus na namatay sa krus para lingapin tayo mula sa kapahamakan at ang tanging

naitataas lang po ay hindi ang ating sarili kundi ang Diyos na may likha ng langit at lupa ang Siyang

lumalang sa atin at Siyang nagbigay sa atin ng Buhay na ganap

ANO YUNG MGA BENEFITS SA BUHAY NATIN SA PAGLILINGKOD SA DIYOS


O SA PAG PAPAGAMIT NATIN PARA SA KANIYANG KALUWALHATIAN

Healthy Relationship

- Magiging maayos po ang relasyon natin sa ating kapwa/ magulang/ kaibigan andun napo

yung marunong tayong magpatawad sa ibang tao na nakasakit sa atin at hindi nagtatanim

ng anumang sama ng loob sa ibang tao at yung pagkukusang gawa natin

Confidence

- Josue 1:9

9 Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o
mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man
magpunta.”

andun na yung Confidence natin dahil hindi tayo nag iisa sabi sa Kanyang Salita na Kahit saan man tayo
magpunta ay kasama natin ang Diyos
Realize your gifts/talent

- Yung akala mo wala kang talent talaga pero habang pinapagamit mo yung buhay mo kay Lord kino-
Commit mo ito sa Kaniya unti unti narealize mo dati taga bawal kalang ng bata sa sunday school tapos
ngayon Sunday school teacher kana tapos binless kapa ni Lord nilagay ka sa back up singer at habang
nagtagal nahasa na ang iyong boses ngayon ikaw naman ang Worship Leader

sa Musician naman dba naging curious ka sa pag gigitara or pag da drums kaya habang P&W yung
atensyon nasa instruments at nagopen ng door si Lord para sayo na makasama sa gawain Niya at maka
dalo sa ganitong pagtitipon nag commit ka sa gawain binless ka ni Lord at natuto kang mag drums/gitara
o kahit ano payan at habang nagtagal ay nagbubunga ang pagsasanay natin sa pagtugtog at mas
humuhusay pa tayo

Kaya Malalaman lang natin ang gifts at talent natin habang naglilingkod tayo sa Diyos habang Kino
Commit natin ang buhay natin sa Kanya, hindi na tayo magsasabi ng wala akong talent eh ito lang ako
pero kung ipagkakatiwala natin sa Diyos ang buhay natin ire-reveal Niya sa atin kung ano ba yung
kakayahan mo kung saan ka magaling at kung mag desire tayo sa ibang ministry ibibigay ni Lord yan
magtiwala lang tayo sa Kaniya

Encouraged to Lead

2 Timoteo 2:15

15 Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya
at tama ang paggamit sa salita ng katotohanan.

- Andun na yung time na dati tayo yung mahiyain dba yung lagging inaaproach ng mga youth Pero
ngayon ikaw naman yung mag eencourage sa mga bagong youth na nahihiya/ mahiyain tapos i-
encourage mo siya na “alam moba ganyan din ako dati Pero thankful ako sa Lord sa mga tao na
ginamit Nya sa buhay ko na maging ganito na ako ngayon” and hindi ka nahihiya sa pag she-
share ng Word of God

Becoming an example for other

1 Timoteo 4:12

12 Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging
halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at
malinis na pamumuhay.

- Ayan nagiging magandang example tayo sa ibang tao na kahit hindi na natin sabihin ay nakikita
naman ito kung papaano tayo mamuhay, unang una sa pagsasalita, ugali, pag-ibig at yung
malinis na pamumuhay na nga

Learn the Bible

Colosas 3 : 24

23 Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo
naglilingkod at hindi sa mga tao. 24 Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at
alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.

At ang pinakamahalaga sa ating paglilingkod ay matuto tayong magbasa ng Bible, mag-devotion, mag-
pray dahil kung puro galing lang ang pinairal natin ay parang nagiging performance nalang ang ating
ginagawa pero kung nagbabasa tayo ng Bible lumalalim tayo sa ating Pananampalataya through
devotion ay mas nagiging effective naman tayo sa ating Ministry At nakikita din natin ang pagkilos ng
Panginoon sa bawat tao na nakakasalamuha natin, nababahaginan natin ng Kanyang Salita. Sikapin natin
na ang Worship natin ay laging Worthship

You might also like