You are on page 1of 1

REFLECTION PAPER NO.

2
DATE: September 11, 2021

Written Reflection Notes


Summary of the Homily:
     Ang Homiliya na tinalakay sa misa ay ang tatlong mahahalagang aspeto sa
pagdadala ng Panginoon. "Redeem" na kung saan mag-aalay sa templo kapag
naipanganak ang unang anak na lalaki, pangalawa ay "Purification" na kung saan dapat
maging malinis ang babaeng bagong panganak bago pumunta sa templo, at ang huli ay
"Encounter" na kung saan nagtagpo at nauugnay ang Luma at Bagong Tipan.
Ipinaliwanag din kung ano ang mga aral at halaga ng tatlong aspetong ito, kung ano
ang mga parte nito sa ating buhay.

Lesson learned from the Homily:


     Aking natutunan na ang ating buhay ay pag-aari lamang ng Diyos at ito'y ipinahiram
lamang sa atin, kaya't ang tungkulin natin ay alagaan ang buhay na ito. Dahil ang buhay
natin ay hiram, hindi natin ito dapat dumihan at sayangin hanggang sa maibalik na natin
ito sa ating Diyos. Isa pang importanteng natutunan ko ay ang pananampalataya natin
sa Panginoon, hindi dapat tayo mawalan ng pananampalataya sapagka't ang ating mga
panalangin ay tutuparin ng Diyos kahit gaano pa ito katagal.

Application to my Life:
     Sa aking pang-araw-araw na pamumuhay ay hindi ako titigil sa pananampalataya sa
Diyos sapagka't mahal niya ako, tayong lahat, at dahil pinagkalooban niya tayo ng
buhay. Mamahalin ko din ang aking kapwa katulad ng pagmamahal ng Diyos sa ating
lahat at pahahalagahan ko ang buhay na ipinagkaloob sa akin, iingatan ito at gagamitin
sa maayos na paraan. Ipagpapanalangin ko din na maging makabuluhan ang buhay
hindi lamang ang akin, kundi ang iba pang taong malapit sa akin at mga taong
nananampalataya sa Diyos

My Prayer:
     Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, humihingi po ako ng tawad sa aking mga
nagawang kasalan, sa isip, salita, at sa gawa. Ako po ay nagpapasalamat sa pang
araw-araw na buhay na iyong ibinibigay at sa walang sawa ninyong pagmamahal at
pagprotekta sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Nawa'y lagi ninyo po kaming
gabayan, kami po ng aking pamilya, gayun din po ang aming mga kaibigan at iba pang
mga taong nananalangin sa inyo. Maraming salamat po at patawad pong muli, Amen.
    

   

3-BSME ACE RUSSEL T. MANGUIAT MS. ALICIA M. JAVIER

You might also like