You are on page 1of 1

ANG PAG-IBIG NG DIYOS

Ang paglinang ng pag-ibig sa Diyos ay hindi lamang basta dahil sa pagkakaroon ng


kaalaman tungkol sa kniya. Gaya ng mapatutunayan ng mg alingkod ng Diyos sa buong daigdig,
lumalago ang tunay nap ag-ibig sa Diyos habang nakikilala ng isa ang Kaniyang personalidad, at
lalo pa itong sumisidhi habang nagiging pamilyar ang isa sa kung ano ang iniibig ng Diyos, kung
ano ang kinapopootan niya, at kung ano ang knaiyng mg apinipili at mga kahilingan.
Marami tayong paraan kung paano natin maipapakita ang pagmamahal natin sa Diyos.
Una na riyan ang pagmamahal natin sa ating kapwa, katulad ng ginawa ni Jesu Kristo ssa krus
para sa ating kaligtasan. Maipakikita rin natin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang
kautusan na ating mababsa sa Bibliya at kailangang ipasarili rin natin ito. Mahalaga ring maglaan
tayo ng isang araw para samabhin ang Diyos at magpasalamat sa kaniya. Sa pamamgitan nito,
masisiyahan ang DIyos na makakita sa ating ginagawa ang mga ito.
Para sa akin, wala akong nakikitang nararapat kong baguhin bilang pagtugon sa
pagmamahal ng Diyos sa akin. Ang nakikita kong nararapat kong gawin ay ang pagtibayin at
palawigin pa kung ano man ang ipinakikita kong pagtugon sa kaniyang pagmamahal. Magmula
noong nagsimula ang pandemya, hindi na halos ako nakakapunta sa simbahan dala ng
pangambang madapuan ng sakit na COVID-19 ngunit hindi ibig sabihin nito ay naglaho na ang
pananampalataya at pagmamahal ko sa Kaniya.
Ika nga nila, kahit pa simba ka ng simba kung ang ugali mo naman ay mas malansa pa sa
isda, wala rin itong kuwenta. Para sa akin, sa simpleng pananalangin bago kumain at matulog,
pagkagising sa umaga, tuwing may biyayang dumarating, pagpapakita ng respeto sa kapwa at
pagpapahalag sa lahat ng kaniyang likha ay isa nang hakbang upang mapatunayang hindi
kailanman maglalaho ang pananampalataya ko sa knaiya. Kahit pa dumating man ang maraming
pagsubok, hinding-hindi ko parin siya susukuan sapagat nagtitiwala ako sa kaniyang
kapangyarihan at alam kong may kapalit itong biyaya.
Ang ating buhay ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Kailangan natin itong pahalagahan sa
pamamagitan ng pagmamahla sa ating buhay at sa mga tao, bagay at hayop sa ating paligid.
Dapat rin nating tandaan na ito ay para sa ating Diyos. Magpasalamat tayo sa mga biyayang atin
gnatatanggap at maging masaya kung ano man ang mayroon tayo sa ating buhay.

You might also like