You are on page 1of 3

Come and See ang salitang Come na ginamit ni Hesus ang ibig sabihin ay imbitasyon sa kanila

ang SEE ay ang ibigsabihin ay promise sa kanila, makikita po natin noong natagpuan ni Hesus si
Felipe sinabi niya dito sumunod ka sa akin, ibig lang pong sabihin na pag sumunod tayo sa ating
Panginoong Diyos ay hindi niya tayo papabayaan sa halip ay magkakaroon tayo ng personal na
relasyon sa kanya at magkakaroon ng meaning ang ating buhay. ibang klase po ang pagsunod sa
ting panginoong Diyos dahil nagbibigay ito ng liwanag at direksyon sa ating buhay kapag
sumusunod tayo sa kanya maeenlighten tayo at nakikita natin sa ating buhay ang mga Milagro ng
panginoon diyos at nakikita din niya ang kapangyariahan ng Diyos sa ating buhay. Mga kapatid
gusto ninyo po bang makita ang Milagro at kapangyarihan ni Diyos sa inyong buhay? Isa lang po
ang paanyaya sa atin SUMUNOD tayo sa kanya. At alam po ba ninyo na kapag sumunod tayo sa
kanya ang ating relasyon sa kanyan ay mas lalong mapapa-igting.
Mga kapatid kapag tayo ay sumunod sa kanya katulad ni Felipe inaanyayahan na magkaroon
tayo ng apat na bagay na hango sa salitang COME

C-ommited kailangan nating maging committed sa kanya napakaimportante po ng commitment


sa lahat ng bagay at alam na alam po ninyo iyan lalo na sa mga may asawa at may pamilya na
dahil kung andun ang commitment mo sa inyo asawa at sa inyong pamilya ang buong buhay mo
ay ilalaan mo lamang sa kanila, ilalaan mo para mahalin at maglingkuran sila bilang nanay o
tatay sa pamilya tama po ba? Ganun din po sa pagsunod natin sa ating Panginoon kailangan ng
commitment kailangan din nating ilaan ang ating buong buhay para paglingkuran Siya sa
pamamagitan ng pagmamahal natin sa ating kapwa lalong lalo na sa mga nangangailangan at
higit sa lahat maglalaan tayo ng ating panahon para sa kanya, panahon na makapagdasal at
makapagsamba sa kanya.

O-bedience pag sinabing obedience ikaw ay nagpapakababa sa ano mang nais ng Diyos sa iyong
buhay, eto po palagi kong binabangit sa aking mga pagbabahagi sa pagsunod sa ating Panginoon
hindi naman importante kung mayaman ka, hindi naman imporatante ang taas ng pinag-aralan
ang importante ay yung kaya nating mamatay sa ating sarili araw-araw para mas matuto tayong
abutin ang mga kapatid nating mas nangangailangan ng pagkalinga at pagmamahal. Dahil sa
mata ng Diyos lahat tayo ay pantay-pantay at ang batayan ng Diyos ay kung paano tayo
nagpakababa upang magbigay ng kongkretong pagmamahal sa ating kapwa.
M-ove you will be moved, merong pag galaw na nagyayari hindi stagnant, gagalaw ka from this
place to another place, sa pagsunod sa ating Panginoon kailangan nating lumabas sa ating
comfort zone, gawin ung mga bagay na hindi naman natin ginagawa like for example Mother
Theresa of Calcuta anong ginawa niya mula sa ibang bansa pumunta siya sa India para
maglingkod sa mga pulubi sa lansangan, nililibot niya ang bawat kalye sa Calcuta, at dinadala
niya ang mga pulubi sa kanilang kumbento para linisin gamutin pakainin, kung tutuusin hindi
naman niya dapat iyon ginagawa, maari siyang mahawa ng mga sakit o mahirapan at meron
namang ibang pwedeng gumawa noon pero ng dahil sa sumunod siya sa tawag ng Diyos sa
kanyan na maglingkod at magbigay ng kalinga at pagmamahal sa mga nangangailangan buong
puso pa din niya itong ginawa dahil sa kanyang tugon na sumunod at dahil din sa kanyan
pananampalataya sa Diyos na tumawag sa kanya. Sa ating buhay naman ngyun hinihiling lang ng
ating Panginoon na unti-unti lumabas tayo sa ating comfort zone para makita natin ang
pangangailangan ng ating kapwa at mula doon gumawa tayo ng mga maliliit na bagay para
maipadama natin sa kanila ang pag-ibig ng Diyos.

E-xample sa pagsunod natin sa tawag ni Hesus hinihikayat tayo na maging halimbawa sa ibang
tao isang mabuting halimbawa sa kanila dahil sa mga karanasan mo sa Diyos dahil sa pagsunod
sa kanya ang iyong buhay ay mahihing mabuting ehemplo sa ibang tao, at ang iyong buhay ay
hindi lang magiging pagpapala sa mga kasama mo sa bahay bagkus gayun din sa ibang tao na
nakakasalamuha mo katulad din ng nagyari kay Felipe noong sumunod siya kay Hesus sinabi
niya ang kanyang naging karanansan kay Natanael sabi niya “Natagpuan namin si Hesus na taga-
Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at
gayun din ang mga propeta.” At etong si Natanael ay nagdududa pa kaya anong sabi niya “May
nagmumula bang mabuti sa Nazaret?”

Mga kapatid sa pagsunod sa ating Panginoon hindi nawawala sa atin ang mag-alinlangan na
katulad ni Natanael minsan napapatanong tayo kaya ko ba? Paano kong gagawin yan eh sarili ko
nga lang hindi ko maayus. Pero ano ang sabi ni Hesus kay Natanael Bago ka pa tawagin ni
Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” Tayo din mga kapatid bago pa
tayo tawagin ni Hesus na sumunod sa kanya alam na niya kung ano ang ginagawa natin, alam na
niya kung ano ang kakayanan natin. Kaya sa pagpapatuloy natin ng banal na misa hingin natin
ang biyaya at gabay ni Hesus na nawa’y sa pagtawag niya sa atin para sumunod sa kanya ay
bigyan niya tayo ng biyaya ng kababaang loob na tanggapin ang ating mga kahinaan at palakasin
ang ating loob upang buong puso nating tangapin ang kanyang tawag na sumunod na kanya na
COMMITTED, OBEDIENT, willing to MOVE and be an EXAMPLE upang sa gayon maging
daluyan din tayo ng kanyang pag-ibig sa iba na katulad ni Felipe at ni Natanael. Amen

You might also like