You are on page 1of 10

TEKSTO: Lucas 14:25-35

TITULO: IKAW BA AY MATAPAT NA ALAGAD


Paunang Salita
Nang iwan ng Panginoon ang Great Commission ay ibinilin Niya
na gawin nilang alagad ang lahat ng mga bansa. Sila ay
bautismuhan at turuang sumunod sa Kaniyang mga salita.
Nangako ang Panginoon na laging sasakanila hanggang sa
katapusan ng sanlibutan. Subalit bakit ang iba ay nararanasan
ang Panginoon, ang iba hindi? Paano nga ba malalaman ang
nagkukunwaring alagad at sa tunay na mga alagad? Ating
aaralin ang mga tinuran ng Panginoon mula sa aklat ng Lucas
14:25-35
Balangkas
Tayo ay magiging matatapat na alagad ng Panginoon:
KUNG IIBIGIN NATIN SIYA NG HIGIT SA LAHAT V.V. 25-26
Nagtakada ang Panginoon ng isang uri ng pag-ibig sa Diyos na iba sa uri ng pag-
ibig natin sa ating sarili at sa ating kapwa. Maaaring hindi ito katanggap-tanggap
sa iba subalit ito ang nararapat upang maunawaan natin ang pagiging matapat
na alagad.
Ibigin Siya ng higit kaninuman. Mabigat ang pananalita dito ng Panginoon
sapagkat sa mga Taga-silangan ay mahigpit ang relasyon ng magkakapamilya at
ang impluwensiya ng pamilya ay panghabang buhay. Hindi naman ibig
pakahulugan ng Panginoon na kamuhian natin ang ating pamilya o kaanak
subalit sa pagkakataong kailangan tayong mamili ay dapat manaig ang pag-ibig
natin sa Diyos. Dapat nating mahalin ang ating pamilya subalit hindi higit sa pag-
ibig natin sa Panginoon. Sapagkat ito ay magiging malaking balakid sa pagsunod
natin sa Kanya. Gayundin naman sa ating mga asawa. Mahalin natin sila ng hindi
nagiging kaagaw ng Diyos.
Ibigin Siya ng higit sa ating mga sarili. Isa pang katangian ng matapat na alagad
ay ang umiibig sa Panginoon ng higit sa kanyang sarili. Ito ay madaling sabihin
ngunit hindi madaling gawin. May dalawang uri ng pag-ibig na ganito:
▪▪ Mayroong nagmamahal sa Diyos dahil sa pagmamahal niya sa kanyang sarili.
Ang ganitong tao ay nagmamahal lamang sa Diyos dahil may mga bagay siyang
inaasahan. Ang problema lamang sa ganitong uri ng pag-ibig ay hindi naman
lahat na inaasahan niya ay ibinibigay ng Panginoon at kung magkagayon ay
nanlalamig siya sa pananampalataya. Ito ay isang “selfish love”
▪▪ Mayroong nagmamahal sa Diyos dahil pinahahalagahan Siya at
pinasasalamatan sa lahat ng bagay na ginawa Niya. Ito ay isang pagtanaw ng
utang na loob. At ito ay pag-ibig na tumutugon sa pag-ibig ng Diyos. Kinikilala
niya na bago pa man ang anuman ay iniibig na siya ng Diyos at ibinigay na ang
pinakamahalagang kaloob -- ang Kanyang Anak. Nagbubunga ito ng “sacrificial
service.”
Tayo ay magiging matatapat na alagad ng Panginoon:
KUNG SUSUNDIN NATIN SIYA SA LAHAT NG PAGKAKATAON V.V.27-33
Ang isyu ng pag-ibig ay magdadala sa atin sa isyu ng pagsunod. Paano nga ba natin
mapipapakita ang ating pagsunod kay Jesus? Hindi ito mapapatunayan ng salita
lamang kundi ng paggawa. Ayon nga sa tinuran ng Panginoon sa Juan 14:21a “Ang
tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ay siyang umiibig sa akin.” Paano
nga ba tayo makasusunod kay Jesus?
▪▪ Sa pamamagitan ng pagpasan ng ating krus. Ang pagbubuhat ng krus para sa
mga Romano isang bagay na nangangahulugan ng kamatayan. Bawat isang alagad
ay marapat na magbuhat na kanyang krus bilang pagsunod tulad din ng ginawa ng
Panginoon. Ang pagiging martir ay marapat na laging nasa puso ng isang alagad.
Hindi ito kailangang ipilit sa kanya. Ang pag-ibig kay Cristo ay dapat na laging
mananaig kaysa ating mga natural at labis na pag-iingat sa ating mga sarili o selfish
love.
Sa pagtataya ng magugugol. Dahil dito ay pinapayuhan ng Panginoon ang
sinuman na naglalayong sumunod sa Kanya na isipin itong mabuti. Ang pagtaya
sa magugugol o “counting the cost” ay kailangan upang ang sinuman ay
magkaroon ng matibay na desisyon ng pagsunod. Ang dahilan kung bakit hindi
lumalago ang iba ay dahil wala silang matibay na desisyon ng pagsunod sa
simula pa lamang at hinahayaan nila sa bawat hakbang ay mag-struggle sila
kung susunod nga ba sa Panginoon o hindi. Anu-ano nga ba ang pumipigil sa
ating makasunod sa Kanya? Mga bagay na pumipigil sa atin na Siya ay ibigin?
Ang relihiyon kung magkagayon ay kasangkapan ng paglilingkod at hindi excuse
upang pagtakpan ang ating kakulangan ng pag-ibig at pagsunod.
Maihahalintulad natin ito sa mga pagdadahilan ng mga Judio na dahil nag-alay
na sila sa Templo ay wala na silang maitutulong sa kanilang mga magulang sa
kanilang pangangailangan.
Tayo ay magiging matatapat na alagad ng Panginoon:
KUNG PAHAHALAGAHAN NATIN SIYA NG HIGIT SA RELEHIYON V.V.34-35
Ang salaysay dito tungkol sa kaharian ng Diyos ay nagsimula sa katanungang,
“Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?
(V.3) Kausap ng Panginoon ang pinaka-relehiyoso at pinaka-legalistic na mga
Judio noon at ito nga ang mga Pariseo. Ang relehiyon ay mabuti kung
naigaganap nito ang layunin kung bakit ito naroroon. Kung hindi ay para itong
asin na nawalan na ng alat na wala ng paggagamitan. Kung ang itinuturo nito ay
ang pagsunod lang sa kanyang mga palatuntunan hindi nito naituturo sa tao ang
pagiging maka-Diyos.
Paglalagom
Mayroon tayong kapilian kung ano ang ating bibilhing gamit -- isang
mumurahin subalit madaling masirang kasangkapan o isang may
kamahalan subalit matibay naman at nagtatagal --ano kaya ang ating
pipiliin? Ang mahusay na desisyon ay piliin ang pangalawa. Ganito rin
ang Kristiyanismo. Ating suriin at tayahin ang kakailanganin at
magpasiya tulad ng isang matalino upang maging sakdal ang ating
pagpsiyang makasunod ng buong-buo sa Panginoon anuman ang
mangyari sa ating tatahakin.

You might also like