You are on page 1of 4

Title: How to be bless by God

Text: Psalm 37:23-25


Makikita natin sa sinasabi sa ating text na ang steps nating mga anak
ng Diyos or tayong mananampalataya ay ordered by the Lord. At lagi natin
tatandaan na ang way ng Panginoon ay always victory makikita natin sa
verse 24 na bilang isang kristiyano tayo ay minsan nagkakamali at
nadadapa pero hindi tayo hinahayaan ng Panginoon natuluyang bumagsak
at lagi natin tatandaan nandyan lang ang kamay ng ating Panginoon para
ibangon or itaas tayo.
Makikita natin sa kwento ni Peter na noong gusto nyang maglakad sa
tubig dahil nakita nya ang Panginoon Jesus. Makikita natin na nung una
nakapaglakad siya dahil buo pa ang pananampalataya nya pero nung
nakita nya yung mga malalaking alon ay natakot sya at nawala yung focus
nya sa Panginoong Jesus.
Kayat sya ay unti unti lumubog pero makikita natin na nung sya ay
humingi ng tulong sa Panginoong Jesus ay kaagad siyang nakaahon at
dahil dun natin makikita na sa ating buhay ay madami tayong trials and
problems na pwedeng humila satin pababa pero kapag tayo ay hihingi ng
gabay at tulong sa Panginoon ay panigurado na tayo ay makakaahon.
1. Go to church - Hebrews 10:25
Bilang isang kristiyano dapat lagi tayong pumunta sa church at hindi
nalalate. Hindi lang sa Sunday morning service kundi sa lahat ng Services
katulad ng Gospel hour, at prayer meeting. Wala namang pinagkaiba ang
mga services eh lahat yan ay pagbibigay ng papuri at pasasalamat sa ating
Panginoon. Amen! Meron mga kristiyano na sapat na sakanila ang
umattend ng Linggo ng umaga pero sabihin ko sainyo mga kapatid Hindi
Yun sapat.
Paano tayo ibbless ng Panginoon kung linggo ng umaga lang tayo
nagaattend ng church? Para yung nasa advertisement na humingi Yung
isang matanda ng fita dun sa lalake pero kalahati lang binigay kaya
kalahati din ang kotye na binigay sakanya, makikita natin dyan na kapag
tayo ay umaga lang aattend ay kulang din ang pagbless satin ng
Panginoon. Isa pa sa pagattend sa church ay kailangan umaattend tayo ng
may tamang motibo.
Hindi Yung aattend ka dahil sa isang tao. Dapat kapag tayo ay
aattend sa church ay aattend tayo Hindi dahil tayo ay kakanta sa choir,
aattend tayo Hindi dahil tayo ay tutugtog bilang musicians, aattend tayo
Hindi dahil nakasanayan na natin ang umattend. kundi aattend tayo dahil
mahal natin ang Panginoon at buong puso natin gustong bigyan siya ng
papuri at pasasalamat. Amen. yan po Yung mga kailangan natin tandaan
bilang isang kristiyano na para tayo ay ibless ng Panginoon kailangan tayo
ay pumunta sa church na may tamang puso at motibo.
2.Be generous (tithe) malachi 3:8-11 Luke 6:38 Luke 21:1-4
To be able to bless by our God kailangan natin maging generous or
mapagbigay. tandaan natin madaming uri ng pagbibigay. meron yung
nagbibigay na padabog, may nagbibigay na napilitan lang, meron din Yung
mga nagbibigay na susundan pa ng tingin at meron din Yung nagbibigay
na bukal sa kanilang mga puso. at bilang isang kristiyano nasaan kaya tayo
dun? Amen tanungin natin ang ating mga sarili. at tandaan natin na sa
pagbibigay sa Panginoon kailangan may tamang puso tayo. maliit man yan
o malaki kapag yan ang Tama sa puso mo at sa harapan ng Panginoon
iblebless nya yun. at gusto ko lang linawin na kapag tayo ay nagttithes
Hindi pa po yan pagbibigay sa Panginoon. kundi ang tithes ay pagsasauli
palang sa binigay satin ng Panginoon.
kahit anong bagay yan. sa tithes ang 10% ay sa Panginoon yan. iba
Yung offering. madami kasing kristiyano na kapag naghulog na sa offering
basket ay akala na nila at nagbigay na sila sa Panginoon. example dyan ay
si Pedro ay may 100 pesos at si juan ay may 1000. sa 100 pesos na yun
ang binalik ni pedro sa Panginoon ang 10 pesos na tithes at nagbigay siya
sa offering ng 40 pesos. at si juan nagbigay sya ng 100 pesos para sa
Panginoon. sa tingin niyo sino ang nagbigay ng Tama ? Yung nagbigay ng
malaki? or Yung nagbigay ng konti pero nasunod Yung tamang pagbibigay.
so dyan makikita natin mga kapatid na Ang pagbibigay sa Panginoon ay Di
nasusukat sa kung gaano kalaki ang nabigay mo kundi dapat Tama ang
motibo at bukal sa puso mo ang pagbibigay. isang lang po sa financial tayo
maging mapagbigay kundi pati rin sa mga materials na kung may
pinaglumaan kana at nakita mo na may nangangailangan ay ibigay mo na
dahil mas kailangan nila.
Amen. at isa sa pinakaimportante na pagbibigay Din Hindi lang sa
financial at material kundi sa pagpray natin sa bawat isa or sa ibang tao
kasi ibig sabihin nun ay nagbibigay tayo ng oras para ipanalangin ang mga
kapwa natin mananampalataya. so dyan natin makikita na para tayo ay
ibless ng Panginoon kailangan natin maging generous in every aspects of
our life.
3.Have a delightful life with God - psalm 37:4
Bilang isang Christiano dapat tayong magkaroon ng kaaya ayang
buhay sa harap ng Diyos. sa kabutihan ng ating Panginoon or makikita
natin sa araw araw na pagiingat Niya satin nararapat lang na ibalik natin sa
kanya ang papuri. sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng maayos na bu
hay sa harap ng Diyos. sa kabutihan ng ating Panginoon or makikita natin
sa araw araw na pagiingat Niya satin nararapat lang na ibalik natin sa
kanya ang papuri. sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng maayos na
buhay sa harap Niya. at tandaan natin na kapag tayo ay delightful sa harap
ng Panginoon lahat ng gusto ng ating puso na naaayon sa kagustuhan ng
Panginoon ay kanya itong ibibigay.
Di naman madamot ang ating Panginoon eh. kahit nga Minsan Di
Tama buhay natin eh palagi parin mabait ang Diyos satin. kaya makikita
natin na bilang isang kristiyano lagi tayo mamuhay ng Tama sa kanyang
harapan. upang mabigyan natin ng papuri at pasasalamat ang Diyos. Dahil
mahirap ang mamuhay na Wala sa kalooban ng Diyos dahil kung Wala
tayo sa kalooban ng Diyos ay mapapahamak lang tayo. pero kapag tayo
naman po ay namumuhay ng Tama at delightful sa harap ng Diyos tayo ay
magkakaroon ng prosperous life.
4.Meditate and apply God's words - joshua 1:8
Bilang kristiyano kailangan natin imeditate ang word of God. Meaning
kailangan pag aralan ng husto para maunawaan at ma i apply sa buhay
para magkaroon tayo prosperous life and good success,kasi kapag hindi
natin mineditate ang salita ng Diyos hindi din natin ito mauunawaan at
kapag hindi natin maunawaan ano nga naman ang ma i apply natin. At
kahit maunawaan din natin ang salita ng Diyos kung hindi din natin to i
apply o isabuhay wala ding kwenta at hindi din tayo ibless ng Panginoon, at
kahit saan tayo magpunta at anuman ang narating natin,hwag natin walain
ang salita ng Diyos. Tandaan natin na Ang biblia na to ay madami ng
nabagong buhay. kahit pa yung pinakamasamang tao or kahit anong
estado mo sa buhay. lagi natin tatandaan na ang salita ng Diyos ay kayang
baguhin ang sinuman. Wag din po natin kakalimutan na Ang salita ng
Diyos ay comfort natin sa lahat ng sitwasyon kaya't kaylangan natin tong
basahin, unawain at iapply sating mga buhay.

You might also like