You are on page 1of 2

Dati, on fire ka.

Dati, puno devotionals mo.


Dati, panay worship songs playlist mo.
Dati, laman ka ng Church.
Dati, masaya kang naglilingkod.
Dati, sabik na sabik ka sa Word.
Dati, ang dami mong God-given dreams.
Dati, lagi kang nananalangin.
Dati, hindi mo nami-miss ang Sunday.
Dati, excited kang mag Win ng kaluluwa.
Dati, sobrang committed ka sa Kaniya.
Dati, grabe ka makatalon sa praise and worship.
Anong nangyari at ikaw'y biglang lumayo?
Nawala na ba ang apoy ng pananampalataya at pag-ibig sa'yong puso?
Ngayon, kamusta ka na?
Nagsawa at napagod ka na ba?
Mga pagsubok at problema sa buhay ay wag mong sukuan.
Isuko mong lahat kay Kristo, lumuhod ka sa kanyang paanan.
Lalo kang mahihirapan pag wala ka sa piling Niya!
Di pa naman huli para bumalik ka
Lagi kang welcome kay Lord.
Ikaw pa ba? Mahal ka Nya, sobra.
Mas masarap mabuhay kasama Siya.
Ang hirap nang malayo sa Kanya.
Tara, balik ka na. Ika'y miss na miss na Niya!
Bumalik na kay Kristo, hangga't maaga...
Kapag ikaw'y nasa kay Kristo, ikaw ay panalo
At kailanman, hinding hindi matatalo
Umulan man ng problema
Siguradong kayang kaya
Sapagkat Siya ang iyong kasama.
Hangga't maaga, sa piling ni Kristo ikaw'y bumalik na
Sapagkat nalalapit na ang pagbabalik Niya.
Buong puso ka Niyang tatanggin,
Mga kasalanan mo dati ay Kanya ng lilimutin.
Mahal na mahal ka Niyang tunay,
Pag-ibig na wagas at walang kapantay

100
” IKA-100 TULA “
Ako sa ngayon ay namamangha
Sa ika isang daan nagawa kong tula
Ako ay nagugulat at nabibigla
Di ko mawari na aking magagawa
Na dating sa isipan lang nagsisimula
At ngayon sa tulong ng Maylikha
Sa pagbibigay ng karunungang diwa
Na umpisahan ko na rin ang mga salita
Na nilapatan ng malikhaing tugma
At pagpinagsama-sama magiging isang tula
Kung iisipin, ito ay masasabi mong kakaiba
Na di kadalasan mo lang dito nababasa
Dahil hindi ito yung tulang basta-basta
Sapagkat ito yung ayon sa salita ng Bibliya
Na nagpapahiwatig ang dakilang si Jehovah
Ang makapangyarihan Dios na dapat idiklara
Sa ating gagawin at sa buhay ng bawat isa
Oh, Hesu-Kristo
Di magsasawang ipamahagi kabutihan Mo
Na dinulot upang maayos ang buhay ako.
Sa paggabay na binigay mong talento
Nais ko'y bigyan Mo ng kapangyarihan ito
Upang lahat ng makakapagbasa ng tula nito
Magbigay inspirasyon sa kanilang pagkatao.
Ganun din na ang dalangin ko para sa iyo
magkaroon ka ng tunay na relasyon kay Kristo
Na kung saan iniwan Nya, Kanyang trono
Upang ipamalas ang pag-ibig na alay Nya sa'yo
Sa mga taong makasalanan na tulad ko
At malaman nila gaano Mo, oh Hesus seneryoso
Na mailigtas Mo ang bawat isa sa mundo
Manumbalik lamang sila sa piling Mo
At mamuhay sa kabanalan ng Banal na Espiritu
Kaya binabalik ko sa Iyo ang buong kapurihan
Karapat dapat Ka lamang pasalamatan
At itanghal ang Iyong kaluwalhatian
Dahil kung hindi Sa'yong grasya at kahabagan
Wala na sana ako dito sa iyong harapan
Kaya tanggapin Mo ang aking kakayanan
Sa mga salitang nilapatan ng tugmaan
Na naging isang tulang may kabuluhan
At paksang na ayon sa iyong kalooban
Upang ang maitaas lamang ang Iyong ngalan
Na ikaw Hesus ang Dios na makapangyarihan

You might also like