You are on page 1of 3

“Ang Kwento sa likod ng Karera”

Spoken Poetry

Apatnapu’t tatlong taon na kung ating babalikan


Mula nang magsimula itong ating panambahan
Panambahan na nagbunsod ng matibay at matatag na samahan
Samahang walang ibang layunin kundi itaas ang Banal Niyang Pangalan
Ang Pangalang Hesus na higit pa sa alin mang pangalan

Hayaan niyo sa mga oras na ito


Mag balik-tanaw tayo sa isang istorya
Istorya na ang Diyos ay ang bida at itong mga kabataan ang naging saksi sa eksena
Ito’y kwento na may kalakip na positibo at negatibo
Pagsubok para sa mga kabataang naging miyembro dito
Pero inuna pa rin ang Diyos kaysa sa tawag ng mundo

Pansin mo ba ang ikot ng mundo?


Bawat galaw natin ay kontrolado
Kaaway na hindi makuntento
Ang sirain tayo, Siya’y laging desidido

Naaalala mo pa ba ang mga panahon na kailangan mong pumili at magdesisyon


Mga panahon na kailangan mong magsakripisyo para lang tahakin ang direksiyon patungo kay
Kristo
Sa pag attend sa simbahan ay di ka pinapayagan
Pagluha at panghihina ay patuloy mong nilalabanan
Mga pagkakataong hindi ka nila maunawaan
Tanging sarili mo lang at ang Diyos ang nagiging kublihan
Pero bilang isang kabataan at anak, tayo ay susunod na lamang kaysa mauwi sa labis na
pagtatampuhan o awayan
Pinili mong ayusin ang iyong pag aaral para lamang makuha ang kanilang kalooban
Lahat nang gawain sa bahay iyo nang sinubukan
Kulang na lang pati pinggan ng kapit-bahay iyong hugasan
Para lamang mapayagan sa gawain sa simbahan

Ika’y sumama sa pag eensayo at paghahayo


Habang pinagsasabay ang mga nakaatang na modyulo
Mga magulang mo’y minsan ng problemado
Dahil ang akala ikaw ay nasa sentro, iyon pala ay nasa hayo

Naalala mo ba ang mga panahon na first time mong dumalo sa pagtitipon


Yung nagulat ka na sobrang nagtatatalon at nagsisisigaw ang katabi mo
Napatanong ka pa nga sa sarili mo, teka church ba to?
Sinubukan mong sumabay kaso ang problema ikaw ay sintunado
Ang awkward pa nga e kasi di mo alam that time ang liriko

Tinaas mo nang konti ang iyong kamay para makasabay sa mga tao
At pagkatapos ng kanta naramdaman mong tila may nagbago
Parang bumigat ang iyong kapaligiran
Nakita mo silang nakapikit at iyong pinagmasdan
Nagsimulang muli ang musika at sabay-sabay na umawit ang mga tao
Wala kang ideya iyon na pala ang turning point ng buhay mo

(Insert Heart of Worship)


Im coming back to the heart of worship……………

Napatigil ka habang nakatulala, na sa konting liriko nagbago ang pakiramdam mo


Tila ba may kung anong kumukurot sa puso mo at iyong napagtanto kung bakit sila kumakanta,
sumasayaw, tumatalon, sumisigaw ay dahil ka’y Kristo
Ang dahilan ng lahat ng to, ang dahilan din kung bakit pati kayo ay naririto
Ngayon, ang bawat pagpatak na nang iyong mga luha ay hindi na dahil sa sakit at pagdurusa
Kundi dahil na sa kapangyarihan ng Diyos na siyang umibig sayo at nagpalaya
Ang rason kung bakit ka madalas nagpapakumbaba,
Ang dahilan kung bakit ka may pananampalataya
Bunga iyon ng pag-ibig ng Diyos at ang kanyang mayamang biyaya

Ngayon ang tanong, Sino ba ang bida ng pelikulang ito?


Ako ba? ikaw ? Sila? Tayo?
Walang iba kundi Si Hesu- Kristo
Na kung wala siya wala din tayo
Oo, Si Hesus
Si Hesus na mahal na mahal ka
Si Hesus na hinahanap hanap ka
Si Hesus na pangalan mo ang sinisigaw
Si Hesus na ako ay tanggap
Si Hesus na ikaw ay lahat lahat
Si Hesus na nagpapatawad
Si Hesus na anak sayo ang tawag
Si Hesus na naiintindihan ako
Si Hesus na nagkatawang-tao
Si Hesus na kukumpleto ng mundo ko
Si Hesus na namatay para sayo
Si Hesus na ireregalo ang langit para lamang sayo

Kaya kapatid gumising ka, muli mo sanang balikan ang pag-ibig mo noong una
May oras pa, simulan mong muli bago matapos ang kwento nang iyong istorya
Hindi na importante ngayon kung nauuna ka o nahuhuli sa karera
Ang mahalaga ang magpatuloy ka hanggang sa maiputong sayo ang korona

You might also like