You are on page 1of 2

Gawain sa Pagkatuto

Araling Panlipunan 8
Unang Markahan – Ikalawa at Ikatlong Linggo

Pangalan: Lawrenz Nhoelle Tamano_ Petsa: _________ Seksiyon: ________________

Blg. Ng MELC:1.2

MELC: Napapahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at


mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat etnolinggguwistiko at relihiyon sa daigdig)
(AP8HSK-Ie-5)

Pamagat ng Aralin: Natatanging Kultura ng mga Rehiyon, Bansa at Mamamayan sa


Daigdig

Gawain Bilang 1. Thank You Letter


Sundin ang mga sumusunod.
1. Batay sa natutunan tungkol sa Heograpiyang Pantao, sumulat ng isang LIHAM
PASASALAMAT
2. Isaalang – alang ang sumusunod na hakbang sa gawaing ito:
a. Pumili ng isang tao na iyong padadalhan ng Liham Pasasalamat maaaring
kapamilya, kaibigan o taong nakaimpluwensya sa iyong buhay.
b. Ilagay sa liham ang iyong saloobin hinggil sa kahalagahan ng relihiyon sa
pagkakakilanlan ng mga tao o grupo ng mga tao.
c. Gawing batayan sa pagsulat ng liham ang rubrics sa pagmamarka
Mahal kong kaibigan,
Nagsulat ako ng liham upang ipahayag ang taos-pusong pasasalamat sa hindi
matatawarang tulong at pagmamahal na ipinamalas mo sa akin. Labis akong nagpapasalamat
marahil hindi sa mga kapakinabangang natamo ko sayo, kundi dahil ikaw ang nagsisilbing tulay
upang baguhin ko ang aking sarili. Hindi man madali ang proseso ng pagbabagong minimithi,
nandiyan ka pa rin upang umagapay. Ipinakita mo ang aking pagkakamali ng walang
panunumbat at pinadama ang pagkalinga na hindi ko naranasan kanino man. Iminulat mo ako
na kailangan kong maging matapang at hindi habang buhay aasa sa iba. Ngunit maliban sa
akin pasasalamat, nais ko lang din na magbigay sayo ng kalaman tungkol sa kahalagahan ng
relihiyon sa pagkakilanlan ng mga tao o grupo, una dito ay upang mabigyan natin ng respeto
ang bawat isa o bawat pangkat na kinabibilangan ng mga tao. Ang Pilipinas kase ay nagbibigay
ng malaking halaga sa Relihiyon. Ito’y dahil na din sa impluwensiyang nakuha galing sa
pananakop ng mga banyagang Kastila ng mahigit sa 300 na taon. Ito ay binibigyang halaga
dahil ito ang nagpapatay ng ating espirituwal na buhay at paniniwala sa Panginoon. Sa
pamamagitan ng relihiyon tayo ay na bibigyan ng gabay, lalo na sa mga pagkakataong hindi
natin alam kung ano ang gagawin. Marami ring aral ang ating makukuha sa relihiyon katulad ng
mga magagandang asal at ang pagtrato ng mabuti sa kapwa. Ngunit, ang relihiyon ay isa
lamang sa mga instrumento upang tayo ay mapalapit sa Diyos. Ang mahalaga ay ang personal
na relasyon mo sa Panginoon at ang pag trato mo sa kapwa mong tao. Bukod rito, ang ating
buhay ay puno ng paghihirap at mga pagsubok. Kapag tayo ay may pananalig sa Diyos,
madaling ipagaan ang mga mabibigat nating problema.
Marami ring relihiyon ang ating makikita sa buong mundo at dapat lamang itong i
respeto at bigyang halaga.

Ang iyong kaibigan,


Lawrenz Nhoelle

You might also like