You are on page 1of 2

Ang aking natutunan sa Ikatlong Markahan ay ang Pagmamahal ng Diyos, Kahalagahan ng Buhay, at

Pagmamahal sa Bayan. Sa Unang Modyul, natutunan ko na ang Diyos ang unang nagmahal sa tao mula sa kanyang
pagkalikha. Ang pagmamahal ng Diyos ay hindi masusukat at ang tugon ng tao dito ay ang pagmamahal sa Diyos.
Ang espiritwal na pakikipag-ugnayan sa Diyos ay itinuturing na pagmamahal sa Kanya. Ito'y nagbibigay inspirasyon
para maunawaan ang karunungan at kalooban ng Diyos. Ang pagmamahal sa Diyos ay pangunahing daan sa
pagkilala sa Kanya, nagbibigay ng liwanag sa Kanyang kabutihan, at nagiging sentro ng pananampalataya ng tao.
Mahalaga ang pagtitiwala sa walang hanggang pagmamahal at kabutihan ng Diyos sa buhay ng tao. Narito ang ilan
sa mga katangian ng pagmamahal ng Diyos: nagbubuklod sa lahat ng tao, biyaya ng espiritu, banal at walang
hanggan, at nakapagbibigay ng lunas o kagalingan at pagbabago sa buhay ng tao. Ito naman ang mga hakbangin
upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos: Una, buksan ang kaisipan at pukawin ang kamalayan upang masuri
ang bawat karanasan at sitwasyon sa buhay. Pangalawa, uriin ang mga potensiyal na karanasan at kaalaman na
maaaring magbunga ng pagmamahal sa Diyos. Pangatlo, isaalang-alang ang lahat ng kaalaman at pagmamahal sa
anomang hakbangin tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos. Ikaapat, maglaan ng regular na panahon
upang paunlarin ang pagmamahal sa Diyos. At panghuli, Makilahok sa mga pangkatang gawain ng iyong simbahan.

Sa ikalawang modyul natutunan ko ang kahalagahan ng ating buhay. Sa modyul na ito, natutunan ko ang
mga etikal na batayan sa pagpapasya: Una, ang personal na batayan Pangalawa, ang institusyonal o propesyonal na
batayan .At pangatllo naman ay ang mga universal na etikal na prinsipyo. Natuklasan din natin ang bioethics na
isang espesyalisadong larangan ng pag-aaral na sumusuri sa mga etikal na implikasyon ng mga pag-unlad sa
medisina at biyolohiya dulot ng teknolohiya at siyensiya. Nakaloob sa paksang bioethics ang aborsiyon, genetic
engineering, euthanasia/mercy killing, at organ transplant at organ donation. Narito naman ang mga hakbangin tungo
sa pagpapatibay ng moral na paninindigan: Una, kilalanin at pag-aralang mabuti ang isyu. Pangalawa, suriin ang
mga potensiyal na isyu. Pangatlo, balikan ang mga kaugnay na etikal na pamantayan mula sa institusyonal
hanggang sa unibersal. Pang-apat, sumangguni sa iba't ibang tao. Panglima, brainstorming. Panganim, pag-lista ng
mga kahihinatnan. At panghuli ay ang pagpapasiya. Ang moral na pagpapasiya ay mahalaga sa pagbibigay halaga
sa buhay, lalo na sa kasalukuyang panahon na puno ng mga isyu at pagbabago. Dahil sa kumplikasyon at lawak ng
mga argumento at isyu kaugnay ng buhay, lumitaw ang larangan ng bioethics.

At sa panghuling modyul natutunan ko ang Pagmamahal sa Bayan. Ang patriyotismo ay ang pagmamahal
sa bayan. Mayroong dalawang uri ng patriyotismo batay sa literature: Tao na nagpapakita ng pag-uugnay ng sarili sa
bayan at Tao na mayroong malasakit sa kapakanan ng bayan. Ito ang tao na nagpapakita ng pag-uugnay ng sarili sa
bayan: Ang taong may pagmamahal sa bayan ay kilala ang bayang pinag-uugnayan niya ng kaniyang sarili at may
patriyotismo ay nangangahulugan ng may pagmamalaki sa bansa. Sa kabila ng pagtuligsa sa mga lider sa politika,
mahalagang tandaan na ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay din sa partisipasyon at kontribusyon ng bawat
mamamayan, kaya't kailangan nating ipakita ang ating pagmamahal sa bayan hindi lamang sa salita kundi sa mga
gawa at kilos natin. Marami pa rin sa atin ang nahihirapang ipakita ang pagmamahal sa bayan kahit matagal nang
pinag-aaralan at pinag-uusapan ang konsepto nito dahil sa kakulangan ng pag-unawa ng ilan sa kahalagahan ng
pagiging makabayan at sa hindi nila pagtingin sa kapwa Pilipino at sa bayan bilang mahalaga. Ayon kay Neils Mulder
(2012), sa kaniyang artikulong "The Insufficiency of Filipino Nationhood", ang kakulangan ng pagkakabuo ng
konsepto ng patriyotismo o pagmamahal sa bayan ay nakaugat sa pagkabigo ng mga mamamayan na linangin ang
mentalidad na ang bawat tao ay iisa bilang mamamayan ng iisang bansa. Kahit may mga isyu sa pamahalaan, bawat
Pilipino ay may obligasyon na mahalin at alagaan ang Pilipinas bilang pasasalamat sa pagkakakilanlan at kalayaan
na ibinigay nito sa kanila. Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa partisipasyon at kontribusyon ng bawat
mamamayan, kaya mahalaga na ipakita natin ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng mga gawa at kilos,
hindi lamang sa salita. Ang pag-unawa ng bawat Pilipino bilang iisang lahi at kung anong mayroon ang Pilipinas at
ang magpapalalim sa ugnayan ng mga mamamayan sa kasaysayan at sa bansa. Kailangan nating magtulungan
upang maisakatuparan ang pagpapabuti at pag-unlad ng bansa. Hindi lang dapat salita ang "Panatang Makabayan,"
kailangan nating isakatuparan ito sa pamamagitan ng ating mga gawa.

You might also like