You are on page 1of 2

Pangalan:

Antas:

ESP 8
Ikatlong Markahan Modyul 1
Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa
ALAMIN
MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matatamo ang sumusunod na kakayahan


1. Natutukoy ang mga natanggap na biyaya mula sa kabutihang-loob ng kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat
2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita o kawalan ng pahalaga sa mga tulong na natanggap

Panood at Pakikinig sa kantang “ Awit ng Pasasalamat” Inawit nina: Musikatha Kidshttps://youtu.be/pcEFh6UcSgM

Gabay na Tanong:
1. sino ang hinahandugan ng awit pasasalamat?______________________________________________________________________
2. ano ang dahilan ng pasasalamat?__________________________________________________________________________________
3. sino pa ang gusto mong pasalamatan? Ano ang ibig mong sabihin sa kanila?
_______________________________________________________________________________________________________________
4. ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng pasasalamat?
________________________________________________________________________________________________________
5. tama ban a umasa sa pasasalamat ng mga taong natulungan? Bakit?
_________________________________________________________________________________________________________________

Pasasalamat, Isapuso Natin

Ang pagpapasalamat ay isang mahalagang birtud na nararapat taglayin at isabuhay ng isang tao. Hindi magiging ganap ang
kasiyahan ng tao kung hindi niya naibabalik ang pasasalamat sa mga taong nakatulong sa kaniya. Kadalasan, sinasabi na may entitlement
mentality ang mga taong hindi marunong magpasalamat. Iniisip nila na hindi nila kailanagang magpasalamat dahil nararapat lamang nilang
tanggapin ang ibinigay sa kanila dahil para talaga sa kanila iyon.
Ito ang dahilan kung kaya iniiwasan ng ibang mga responsableng samahan o organisasyon ang magbigay ng dole-out. Ayaw nila na
mamihasa natangap nalamang ng tanggap ang mga binibigyan at mawala na ang kanilang pagsisikap upang magtrabaho. Nakalimutan na
ngang magpasalamat ay nakasanayan pang lumahad na lamang at umasa sa iba. Itinuturing na kabastusan sa kulturang Pilipino ang hindi
pagpapasalamat. Higit na malalim ang nagiging interpretasyon sa kawalan ng pasasalamat na natutungo sa kawalan ng utang na lob kung
ang sitwasyon ay ukol sa pagkalimot ng magpasalamat sa mga taong nakatulong na marating ng isang tao ang kaniyang matagumpay na
kinalalagyan.
Walang isa man sa atin ang maaaring mabuhay sa sarili lamang. Hindi maaaring matugunan ng tao ang lahat ng kaniyang mga
pangangailangan gaano man siya katalino, kalakas, o kayaman. May mga kakulangan siyang tanging ang kapuwa niya lamang ang
maaaring makapagbigay. Gayundin naman, hindi maaaring ang anomang talent at biyayang kaloob sa isang tao ay sarilinin nalamang niya.
Mahalagang ibahagi rin ito sa kapuwa lalo na sa mga nangangailangan. Sagana ang kaloob ng Diyos sa bawat isa, ngunit iba’t iba nga
lamang. Hindi niya ipinagkaloob lahat ng iisang tao lamang upang mapagtanto natin na kailangan natin ang iba, at kailangan din nila tayo.
Ang birtud ng kababaang-loob ang magpapakita sa atin ng katotohanang ito, at ito naman ang pag-uugatan n gating pagiging
mapagpasalamat sa ating kapuwa sa kanilang mga nagawa para sa atin at ang uuwian nito ay an gating pagpapasalamat sa Diyos na siyang
bukal ng lahat ng biyayang ating tinatanggap.
Ang pagpapasalamat ay pagkilala sa mga biyayang kaloob sa atin at naktutulong maliit man o Malaki sa ating dinadaang sitwasyon,
suliranin o kagipitan. Pinakamataas na anyo ng pagpapasalamat ang inuukol natin sa Diyos sapagkat siya ang may likha ng buhay na taglay
natin at siya ang pinagmumulan ng lahat ng biyaya. Ginagamit niya an gating kapuwa sa pagkakaloob ng kaniyang mga tulong at biyaya.
Bukod sa benipisyong kultural at espirituwal na bunga ng pasasalamat, natuklasan ng siyensya na mayroon ding mabubuting bagay na
nangyayari sa ating kartawan kapag lagi tayong nagpapasalamat. Sa karamihan bng araw, ang pasasalamat ay nagpapahayag ng emosyonal
na reaksyon sa magandang bagay na nangyayari o natatanggap natin. Subalit maaaring ito ay maging isang nakagawiang ugali. Ang mga
taong mapagpasalamat, ayon sa pananaliksik ay mas masaya at malusog. Sa isang pag-aaral noong taong 2003 ng mga eksperto sa
pasasalamat na si Robert Emmons ng University of Califonia sa Davis, at si Michael McCullough ng University of Miami, hiniling nila ang
isang pangkat na ginamit nila sa pananaliksik na gumawa ng record ng lahat ng bagay na sila ay nagpapasalamat, at ang isang pangkat
naman ay hiniling nila na ilista ang lahat ng mga bagay na nakagugulo sa kanilang buhay. Pagkatapos ng ilang linggo, ang mga pangkat na
mapagpasalamat ay mayroong mas positibong pananaw, nageehersisyo nang madalas, mas masaya, at malusog.nagtipon din si Emmons ng
mga listahan ng kaniyang mga datos, at sa iba pang siyentipiko ng magandang bunga sa kalusugan ng lagging may pasasalamat.
Halimbawa, ang pagsasabuhay ng pasasalamat ay nauugnay sa 23 porsiyentong mas mababang Stress hormone cortisol at nafdala sa pitong
porsiyentong pagbabawas sa biomarkers ng pamamaga sa mga pasyenteng mayroong conjested heart failure.

Isaisip

Ang Kababaang-loob (humility) ay ang pagkilala at pagtanggap sa sarili sa tunay na kalagayan o katayuan nito.

Ang pagiging mapagpasalamat ay pagkilala ng isang tao sa kabutihang ginawa ng kapuwa sa kaniya .

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang kahulugan ng pasasalamat sa iyo?
2. Ano ang mga gusto mong ipagpasalamat sa iyong buhay?
3.Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng birtud na pasasalamat?
4.Paano naipapakita ng isang tao na siya ay nagpapasalamat?
5.Sa palagay mo, alin ang mas mahalaga ang mapasalamatan o ang magpasalamat?

Isagawa - Punan Mo Ako!


Panuto:Magbalik-tanaw samga pangyayari sa iyong buhay.Ano-anong sitwasyon o suliranin ang hindi mo malulutas kung hindi dahil sa
pagtulong ng iba?Ilista ito sa talahanayan sa ibaba.

Mga Sitwasyon o Suliranin Paano Nalutas Tao/Mga taong Uri ng tulong na Ibinigay
Sa buhay na nangailangan nakatulong
ka ng tulong
1.

2.

3.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang T kung tama at M kung Mali.

_____1.Ang taong walang utang na loob ay walang kaibigan.


_____2. Ang taong may ugaling magpasalamat ay nakapokus ang atensyon sa pangangailangan ng iba.
_____3.Ang taong mayroong birtud ng pasasalamat ay hindi humihingi ng kapalit sa kanyang nagawang kabutihan.
_____4.Ang taong marunong magpasalamat ay mahusay makipagkapwa.
_____5.Higit na mainam ang magbigay ng pasasalamat kaysa sa maghintay ng pasasalamat.

Karagdagang Gawain – Pasasamat Mo…Ipamahagi Mo

Panuto: Gumawa ng isa sa sumusunod at lagyan ng dedikasyon ng pasasalamat sa mga nagawa nila para sa iyo.Maaaring para sa
magulang, kaibigan, guro, Diyos, at iba pa.

1.Card
2.Poster
3.Bookmark

Inihanda ni:

ANABEL M. MALABANAN
ESP TEACHER

You might also like