You are on page 1of 1

Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: _____________ Iskor: _______________

Paaralan: __________________________ Guro: _____________________ Asignatura: _EsP 8


Manunulat: Joseca A. Bagon Tagasuri: Ma. Cecilia P. Muyco, P-I, Pablo L. Eulatic Jr. PhD.
Reggie B. Enriquez
Paksa : Ang Kahulugan ng Pasasalamat; Q3-W1-LAS3
Layunin : Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at
mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat; EsP8PBIIIa-9.1
c. Nabibigyang-kahulugan ang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap mula
sa kabutihang loob ng kapwa.
Sanggunian : Bognot, RM. , Comia R. et.al, 2013,Edulasyon sa Pagpapakatao 8 Kagamitan ng Mag-
aaral, 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Ave., Pasig City, Philippines, Vibal
Publishing House,Inc. p.240-241;

NILALAMAN Ang Kahulugan ng Pasasalamat

Gaano nga ba kahalaga ang pasasalamat? Ano ba ang kahulugan nito? Sa pasasalamat, tayo ay
nagpapakita ng gawi ng isang taong mapagpasalamat at pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa
ng kabutihang- loob. Ang salitang ito ay gratitude sa Ingles, nagmula sa salitang Latin na gratus (nakakalugod),
gratia (pagtatangi o kabutihan), at gratis (libre o walang bayad). Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na
kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay magiging birtud.
Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng biyaya, isang pusong marunong
magpahalaga sa mga magagandang biyayang natatanggap mula sa kapwa. Isang mahalagang bahagi ng
pasasalamat ay ang pagpapakumbaba at kilalanin mo ang tulong ng ibang tao na ikaw ay naging matagumpay
Mahalagang tandaan ang pahayag na “No Man is an Island”. Tayo ay nangangailangan sa bawat isa
kaya maraming mga pagkakataon na kilalanin natin ang ating kapwa at gayon din makikilala nila ang ating
kabutihang-loob.
Ang Pasasalamat sa simpleng paraan ay nagdudulot ng kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng
loob. Kinikilala mo ang kaniyang pagkatao na nag-alay ng tulong lalong-lalo na sa oras ng kagipitan. Subalit
kung ang pasasalamat ay espesyal na birtud, dahil nagagampanan mo ang iyong moral na obligasyon, ang
kawalan ng pasasalamat (ingratitude) naman ay isang masamang ugali na nagpapababa sa iyong pagkatao
bilang isang indibidwal.
GAWAIN 1
Panuto: Gamit ang graphic organizer, magbigay ng sariling pagpapakahulugan sa salitang
PASASALAMAT.

PASASALAMAT

GAWAIN 2
Panuto: Suriin nang mabuti ang mensahe sa larawan. Magbigay ng iyong kaalaman sa pahayag na ito.
May limang puntos sa bawat katanungan.
May nakapagsabi na ba sa iyo ng mga katagang ito?
____________________________________________
____________________________________________
Ano ang iyong mararamdaman kapag nakarinig ka ng
ganitong salita? Bakit?
_______________________________________________
_________________________________________

You might also like