You are on page 1of 1

Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: _____________ Iskor: _______________

Paaralan: __________________________ Guro: _____________________ Asignatura: _EsP 8


Manunulat: Joseca A. Bagon Tagasuri: Jhun Ree M. Descartin, MT- I , Ma. Cecilia P. Muyco
Lorelie C. Salinas
Paksa : Ang Hiwaga at Halaga ng Pamilyang Pilipino; Q3-W4-LAS#2
Layunin : Nakikilala ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal; EsP8PBIIIc-10.1
b. Nahihinuha ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang gabay ang
katarungan sa pamamagitan ng pag-unawa ng hiwaga at halaga ng pamilya.
Sanggunian : Bognot, RM. , Comia R. et.al, 2013,Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa
Mag-aaral, Quezon City,Philippines, Vibal Publishing House,Inc. p.268 - 270

NILALAMAN
Ang Hiwaga at Halaga ng Pamilyang Pilipino
Ang pamilya ang pinakapangunahing yunit ng ating lipunan. Isang hiwaga kung papaano napapalapit at
nalalayo ang pamilya sa iyong pagkatao. Napapalapit sa iyo ang pamilya kung ang mga ugnayan na maaaring
ikinatutuwa mo o ikinaiinis mo ay nakasentro sa iyo . . Ikaw ay bunga ng pagtugon ng dalawang taong
nagmamahalan at nagiging hatol o husga ang iyong pagkatao sa mga taong nagpalaki sa iyo. Samakatuwid,
ang pagiging malapit ay tumutukoy sa iyong pangunahing pamilya. Ang pamilya naman ay napapalayo sa iyo
dahil sa magkakasunod na relasyon mula sa iyong pag-iral. Ang ugnayan mo sa iyong mga lolo at lola, mga
tiyuhin at tiyahin, iba pang mga malayong kamag-anak o ka-angkan. Ito ang nagpapatunay ng pagiging malayo
ng pamilya mula sa iyo.
Sa kasalukuyan, may mga suliranin tulad ng kawalan o humihinang pagpapahalaga sa kabanalan,
kawalan ng paggalang sa buhay at kamatayan ay iilan lamang sa mga patunay ng di pagkilala sa halaga ng
pamilya sa paghubog ng iyong pagkatao.Naipakikita nito ang pagkakaroon ng kawalan ng katarungan sa bawat
pamilyang Pilipino. Ang pamilya ay mahalaga dahil dito magsisimula ang paghubog ng mga birtud tulad ng
paggalang. Sa bawat pamilya may mga paraan ng pagpapakita ng paggalang gabay ang katarungan na dapat
kilalanin ng bawat miyembro nito.
HALIMBAWA
 Maging mapagkumbaba. Huwag ipagyabang ang mga karangalang natatanggap
 Pagbibigay ng halaga sa mga taong nakakatulong sa iyo.
 Pagtulong sa mga nangangailangan nang walang hinihintay na kapalit.
 Paggalang sa kapwa anuman ang katayuan niya sa buhay.

GAWAIN 1
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang MALAPIT kung ang pangungusap ay tumutukoy sa iyong
pagiging malapit sa pamilya at MALAYO naman kung ito ay tungkol sa pagiging malayo ng pamilya.
______________1. Ikaw ay isang bunga ng pagmamahalan ng iyong ama at ina.
______________2. Kung ano ang puno ay siya ring bunga. Ito ay hatol ng ibang tao sa iyo.
______________3. Lumaki ka sa iyong mga lolo at lola kaya hindi mo lubos na nauunawaan ang iyong ina.
______________4. Gusto mong maging isang doktor dahil nakikita mong doktor ang iyong mga tiyuhin.
______________5. Labis ang pagbibigay ng atensyon ng mga magulang sa iyo na minsan ay ikinaiinis mo.
______________6. Sabi pa kayo raw ay mga angkan ng mga GURO kaya di malayong maging guro ka rin.
______________7. Tuwang tuwa ka sa iyong mga kapatid. Alam mong lahat ay kaya nilang ibigay sa’yo.
______________8. Dahil sa sama ng loob mas ninanais mong makitira sa iba mong kamag-anak.
______________9. Isang malaking biyaya sa iyo ang iyong mga magulang na labis ang pag-aalaga sa’yo
_____________10. May magandang dulot na ikaw ay naging apo ng lolo at lola dahil mas nakikilala ka ng iba.

GAWAIN 2
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang sitwasyon.Sagutin ang kasunod na tanong na makikita
sa ibaba. (5 puntos)
Lumaki ka sa isang pamilyang pinahahalagahan ang edukasyon. Ninanais ng iyong mga magulang na
ikaw ay makapagtapos din ng pag-aaral dahil yon ang kanilang pangarap para sa iyo. Paano mo ipakikita ang
paggalang sa halaga ng iyong pamilya?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
__________________________________________________.

You might also like