You are on page 1of 1

Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: _____________ Iskor: _______________

Paaralan: __________________________ Guro: _____________________ Asignatura: _EsP 8


Manunulat: Ma. Cecilia P. Muyco Tagasuri: Jhun Ree M. Descartin, MT- I , Pablo L. Eulatic Jr. PhD.
Reggie B. Enriquez
Paksa : Ang Kahulugan ng Pasasalamat ; Q3-W2-LAS1
Layunin : Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o
kawalan nito; EsP8PBIIIa-9.2
a. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng pasasalamat ;
Sanggunian : Bognot, RM. , Comia R. et.al, 2013,Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Kagamitan ng Mag-
aaral,2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Ave., Pasig City, Philippines, Vibal
Publishing House,Inc. p.244-245;
________________________________________________________________________________________
NILALAMAN Ang Halaga ng Pasasalamat
Ang pagkalimot ay isang pagpapatunay ng hindi pagpapahalaga sa taong nagsakripisyo upang sa
simpleng paraan na inialay niya ay maging maganda ang iyong buhay.
Sa kabila nito, kailangang maging malawak ang iyong kaisipan sa mga taong hindi marunong
magpasalamat. Huwag mong isipin na tinuturuan mo lamang sila na maging abusado; nasa proseso pa sila ng
pag-unlad sa pagiging sensitibo sa kapuwa at sa epekto ng kanilang ginagawa sa kapwa.
HALIMBAWA
May isang guro na nagbigay ng buong buhay niya sa pagtuturo. Isinakripisyo ang buhay pamilya at
hindi nag-asawa para sa kanyang mga mag-aaral . Subalit, hindi man lamang siya nabigyan ng pasasalamat ng
kaniyang mga estudyanteng nakapagtapos sa pag-aaral. Gayunpaman, hindi siya naghihintay ng pasasalamat
bagkus naging masaya siya sa naabot ng kaniyang mga mag-aaral na naging matagumpay sa buhay.
GAWAIN 1
Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang sitwasyon ,pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na
katanungan sa ibaba. (5 puntos)

Si Mang Anton ay nakitang palakad-lakad sa daan. Siya pala ay apat


na araw ng naglalakad mula Pangasinan hanggang Maynila. Dahil sa
kasalatan sa pera, ang kaniyang asawa at mga anak ay namatay dahil sa
matinding sakit. Pumunta siya sa Maynila upang hanapin ang mga natitira pa
niyang kamag-anak. Paminsan-minsan ay bumibili siya ng limang pisong
kanin sa buong araw niyang paglalakad. Kahit kulang sa pagkain,
nagbabahagi pa rin siya sa mga nadadaanan niyang mga pulubi. Marami ang
naantig sa kaniyang kabutihang loob sa kapwa. Para kay Mang Anton, habang
kalooban ng Diyos na siya ay nabubuhay, ay patuloy pa rin siyang
magpapakita ng kabutihan sa mga taong nangangailangan.

Kung ikaw ay makatatagpo ng katulad ni Mang Anton, ano ang iyong gagawin? Paano mo siya tutulungan
bilang pasasalamat sa kanyang kabutihan?

GAWAIN 2
Panuto: Magsulat ng sampung salita na puwedeng maiugnay sa salitang “Pasasalamat”. Piliin ang
mga salita sa loob ng kahon na makikita sa ibaba.
Pagkilala biyaya lungkot pagtulong kabutihan pagbibigay
1. _____________________________________ 4. _____________________________________
2. _____________________________________ 5. _____________________________________
3. _____________________________________

You might also like