You are on page 1of 1

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: ___________ Iskor: ___________

Paaralan: __________________________ Guro: _____________________ Asignatura: _EsP 8


Manunulat : Deborrah J. Deypalubos Tagasuri: Ma. Cecilia P. Muyco, P-I, Pablo L. Eulatic Jr. PhD.
Reggie B. Enriquez
Paksa : Ang Epekto ng Pasasalamat ; Q3-W3-LAS2
Layunin : Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang
maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay
nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Kabaliktaran ito ng
Entitlement mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay
karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. Hindi naglalayong bayaran o
palitan ang kabutihan ng kapwa kundi gawin sa iba ang kabutihang ginawa sa
iyo. ; EsP8PBIIIb-9.3
b. Nasusuri ang maaaring epekto ng pagiging mapagpasalamat sa maraming
bagay na napapasaiyo.
Sanggunian : Bognot, RM. , Comia R. et.al, 2013,Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Kagamitan ng
Mag-aaral,2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Ave., Pasig City,
Philippines, Vibal Publishing House,Inc. p.246
______________________________________________________________________________________
NILALAMAN Ang Epekto ng Pasasalamat

“Gratitude letting other know you see how they’ve helped you”, Ang pasasalamat sa kasabihang ito
ay pagpakilala sa mga bagay o kabutihang naibigay ng kapwa sa atin. Sa pag-aaral ng Institute for
Research on Unlimited Love (IRULL), may magandang naidudulot ang pagiging mapagpasalamat sa ating
kalusugan.

HALIMBAWA
 Nakadadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan ang
paglalaan ng labinlimang (15) minuto bawat araw na magtuon sa mga bagay na pinasasalamatan.
 Ang taong mapagpasalamat ay mas pokus ang kaisipan at mas malayo sa depresyon.
 Nagkakaroon ng mas malusog na presyon ng dugo at pulse rate ang pagiging mapagpasalamat.
 Mas mahusay sa gawain at malusog ang pangangatawan ang mga mapagpasalamat na tao kaysa
hindi.

May mga benepisyong makukuha sa pasasalamat gaya ng mga sumusunod:


1. Nagpapataas ng tiwala sa sarili;
2. Nalalampasan ang paghihirap at masamang karanasan;
3. Pagkakaroon ng matibay na moral ng pagkatao;
4. Nakabubuo ng mabuting samahan ng kapwa;
5. Naiiwasan ang negatibong emosyon; at
6. Nakakatulong upang maiwasan ang pagkahilig sa materyal na bagay
.
GAWAIN 1
Panuto: Unawain nang mabuti ang isinasaad sa bawat aytem. Tukuyin ang tamang salita na bubuo
sa pangungusap. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang. (2 puntos bawat bilang)

a. Pokus b. 15 Minuto c. pangangatawan d. presyon ng dugo e. materyal

_____1. Ang mga likas na mapagpasalamat na tao ay mas ____________ang kaisipan.


_____2. Ang pagiging mapagpasalamat ay naghihikayat upang mas malusog na __________ at pulse rate.
_____3. Ang paglalaan ng ____________ bawat araw na magtuon sa mga bagay na pinasasalamatan ay
nakadagdag ng likas na antibodies
_____4. Nagiging mas malusog ang _____________ at mas mahusay sa mga gawain ang mga
mapagpasalamat na tao kaysa hindi.
_____5. Laging tumulong upang hindi masasanay sa pagkahilig sa ____________ na bagay.
GAWAIN 2
Panuto: Bumuo ng islogan na nagpapahiwatig ng Epekto ng Pasasalamat sa kapwa. Isulat sa
loob ng kahon gamit ang krayterya.
Kaangkupan 2puntos konsepto 2puntos pagkamalikhain 1punto kabuuan 5puntos

You might also like