You are on page 1of 1

Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: _____________ Iskor: _______________

Paaralan: __________________________ Guro: _____________________ Asignatura: _EsP 8


Manunulat: Ma. Cecilia P. Muyco Tagasuri: Jhun Ree M. Descartin, MT- I , Pablo L. Eulatic Jr.
PhD. Reggie B. Enriquez
Paksa : Ang Pasasalamat Bilang isang Birtud; Q3-W2-LAS3
Layunin : Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o
kawalan nito; EsP8PBIIIa-9.2
c. Naipamamalas ang mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa araw-araw
na pamumuhay;
Sanggunian : Bognot, RM. , Comia R. et.al, 2013,Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Kagamitan ng Mag-
aaral,2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Ave., Pasig City, Philippines, Vibal
Publishing House,Inc. p.240-241;
________________________________________________________________________________________
NILALAMAN
Pasasalamat Bilang Isang Birtud

Hindi lamang tayo nagpapasalamat sa taong pinagkakautangan ng loob. Maaaring ring gawin ang
pasasalamat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa nang mabuti sa ibang tao.
Ang simpleng pasasalamat ay nagdudulot ng kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng loob.
Kinikilala mo ang kaniyang pagkatao na nag-alay ng tulong sa iyo lalo na sa oras ng kagipitan.Sa bawat paulit-
ulit nating paggawa ng pasasalamat, ito ay nagiging birtud. Ito ay magiging bahagi ng ating pag-unlad bilang
tao. Mababasa sa Epeso 1:6, “Magbigay ng Pasasalamat sa Panginoon. Siya ay mabuti, ang Pag-ibig Niya ay
walang hanggan.” Ito ay nangangahulugang ang lahat ng bagay ay dapat na pinasasalamatan. Sa araw - araw
ng buhay natin, maraming mga magagandang pangyayari na dapat nating ipagpasalamat. Mayroon tayong
Diyos na laging nagbibigay ng biyaya. Maraming mga bagay ang maaari nating gawin bilang pagpapakita na
tayo ay nagpapasalamat.
HALIMBAWA
Paraan ng pagpapakita ng pasasalamat:
a.) Pagsunod sa utos ng ating mga magulang;
b) Pagpapakita ng paggalang sa pamilya, nakatatanda, at may awtoridad;
c.) Tumulong sa mga nangangailangan;
d.) Pagkilala sa mga mabubuting nagawa ng kapwa; at
e.) Pagpapahalaga sa mga taong nagbibigay ng kabutihan.
GAWAIN 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling sanaysay na inilalahad. Salungguhitan ang tamang salita
mula sa loob ng panaklong upang mabuo ang tamang mensahe nito.
1. Ayon sa Epeso 1:6 , ang Panginoon ay mabuti, ang (kapangyarihan, pag-ibig) Niya ay walang hanggan.
2. Ang pagsunod sa mga (utos, gawain) ng magulang ay paraan ng pagpapasalamat.
3. Maging mapagsalamat sa Panginoon,maraming (pagsubok, magagandang) pangyayari na dapat
ipagpasalamat.
4. Ang pagpapakita ng (paggalang, ngiti) sa pamilya,nakatatanda, at may awtoridad ay isang pasasalamat.
5. Isang paraan din ng pasasalamat ang pagpapahalaga sa mga taong nagbibigay ng (pera, kabutihan).
6. Ang (Pasasalamat, paggalang) ay hindi lamang para sa pinagkakautangan ng loob.
7. Maaaring isa sa paraan ng pagkilala o pagpapasalamat ay ang pagbibigay ng munting (salapi, regalo).
8. Ang pagtulong sa nangangailangan ay nagbibigay (lungkot, saya) sa sarili.
9. Simula pa noong tayo ay bata pa ay naturuan na tayo ng salitang ( paki . salamat).
10. Maraming pagkakataon na tayo ay nakakatulong upang (umunlad, bumagsak) an gating kapwa.
GAWAIN 2
Panuto: Isulat sa loob ng hugis puso ang limang taong gusto mong pasalamatan at bigyan ng maikling
paliwanag kung bakit.

You might also like