You are on page 1of 8

Bicol for Christ Community Church

YOUTH FELLOWSHIP

(Speaker): Pabati, kamustahan…


(Speaker): Welcome sa ating lahat 😊 welcome sa ating Youth Fellowship ngayong 4th week ng
month of July. Kamusta naman guys so far ang July ng lahat? Ok lang ba? Ako Gusto mag
pasalamat sa Lord dahil naging maayos ang kasal nila Joe at Wen 😊 pinag pray ko rin na “Lord
wag nyo po sana hayaan mag karoon ng Hustle sa kasal ni joe, wen 😊umulan man, nasa
reception na tayo nun. Diba 😊
-Ngayong buwan ng July ang series message na tina-tackle natin ay pinamagatang Faith that
Grow. Kung saan pinag uusapan natin dito ang paglago ng pananampalataya natin sa
Panginoong Diyos. (itanong mo sa ktabi mo: kamusta faith natin sa Lord? Kamusta Devotion?)
Bago tayo mag proceed sa kung ano yung 4th topic natin nagyon, balikan muna natin itong mga
previous topic na pinag usapan natin. Ang una ay:

1. Faith grows in stages. – dito pinag usapan natin na ang paglago ng pananampalataya natin ay
stage by stage. (ok) Wag nating iwasan o wag tayong mag skip sa mga stages o challenges satin
para mas lalong mag grow ang faith natin sa Lord. At ganon din yung seed like faith na meron
tayo katulad ng mustard seed na dapat lumalago rin, katulad ng isang puno. (diba, tanda nyo
kng gano kalaki yung mustard seed pagtumubo na) wag rin natin kalimutan na: “Little faith has
never accomplished BIG things” hindi tayo makaka accomplished ng malaking bagay kung ang
pananampalataya natin hindi lumalago. Hindi tayo makakapag move ng problem like mountain
kung kasing liit lang ng buto ang pananampalataya natin. Pero kung may paglago ang
pananampalataya natin, asahan mo malaki at marami tayong maa-accomplished para sa
Panginoon, para narin sa sarili natin. (maliwanag po?)

(Speaker): Sumunod naman ay:


2 Faith grows by Obedience. – Para tumubo at lumago ang itinanim na buto ano ang mga
kaylangan nya? Lupa, tubig, hangin at ano pa? Araw. Ganon rin sa pananampalataya natin. Para
lumago yung pananampalataya natin kaylangan natin ng Obedience. Obedience sa salita ng
Diyos. Pag sinabi ng Lord na: ito ang gawin mo, wag mong gawin yan, makinig sa magulang,
sumunod kay pastor kay leader etc… sumunod tayo. Alam ng Panginoon kung ano ang ikakabuti
natin. Sabi nga ni ate joan “Disobedience hinders growth.” (Tama ba?) dini-delay o pinipigilan ng
disobedience natin ang paglago ng faith natin at yun ang gustong gusto mangyari ng kalaban.
Yung hindi natin pagsunod. Kaya kung gusto nating lumago ang pananampalataya natin, lets
Obey Gods words. (Maliwanag? Na iintindihan po?)
(Speaker): (ok) At ang pangatlong topic na pinag usapan natin ay:
3. Faith grows by Hearing. – Isa rin sa importanteng bagay para lumago ang Faith /
Pananampalataya natin ay ang pakikinig. Katulad ng Obedience napakahalaga ng pakikinig. Sabi
ni kuya rael: “Listen To His Voice, Don’t refuse His Voice, Be Ready For His Voice and Tune In
Tp His Voice”

(Speaker): Kaninong voice o salita? Sa salita ng Diyos. “Makinig sa salita ng Diyos, wag tanggihan
ang salita ng Diyos, Maging handa tayo sa salita ng Lord at mag focus (tune in) sa salita ng Lord.
-Sa isang istudiante, papaano sya makakasagot, makakapasa sa exam kung hindi sya nakikinig sa
lesson ng teacher, diba, hindi sya matututo. Ganoon rin sating mga Kristiano, kaylangan nating
makinig sa salita ng Diyos upang lumago mag grow ang pananampalataya natin. (Naiintindihan
po?) Kaya nga raw dalawa ang tenga natin para mas mag focus tayo sa pakikinig. Imagine-nin
mo nalang kung isa lang ang tenga mo tapos dalawa ang bibig mo, ano kaya mangyayari xD

(Speaker): Yan yung tatlong mahahalagang bagay na kaylangan natin para lumago ang
pananampalataya natin. Faith Grows in Stages. Faith Grows by Obedience. Faith grows by
Hearing. At ang pang apat na topic na pag-uusapan natin ngayong araw ay:

Faith grows by Speaking.


-Handa na bang makinig? (iTabi muna natin yung mga bagay na puwedeng makaagaw ng
atensyon natin sa pakikinig ng message ni Lord at mag pray muna tayo)
-Faith grows by Speaking, o may paglago ang pananampalataya natin kapag sinasabi natin ito o
ini-express or naniniwala tayo dito. (Naiintindihan?)
Example: pauwi kana galing school pero kulang na yung pamasahe natin. (Problema yun) Pero
nandun yung faith natin na tutulungan tayo ni Lord. Kaya nag pray at sinabi natin “Lord na
niniwala po ako sa inyo na tutulungan at hindi nyo po ako pababayaan.” Inex-press mo yung
pananampalataya mo sa Lord sa pamamagitan ng panalangin, nanalig ka at nag tiwala ka sa
Diyos. Kaya ang nangyari, sinagot ni Lord ang panalangin mo nakapulot ka ng 5k.
-Ano ang mararamdaman at sasabihin mo sa Lord? (Thank you po Lord 😊) mas lalo kang mag
titiwala sa Lord at yung faith natin sa ay mas lalong titibay, mag go-grow. Ang tawag po jan ay:

The Faith of God (Faith that speak)


(Speaker): Hindi lang basta salita yung pananampalataya natin kundi may kasamang gawa, kilos
at pagtitiwala. (Naiintindihan po?) Basahin po natin ito:
Marcos 11:22-23
22Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumampalataya kayo sa Diyos” 23Sinasabi ko sa inyo ang totoo,
kung may pananampalataya kayo, maari ninyong sabihin sa bundok na ito, Lumipat ka sa dagat!
At kung hindi kayo nag aalinlangan kundi sumasampalatayang mangyayari iyon, mangyayari nga
ang sinabi n’yo. (Explain ni Speaker)
(Speaker): (Naiintindihan po?) Kaylangan lang natin manampalataya. Yung pananampalatayang
naniniwala, nag titiwala, na nanalig na mangyayari nga ang pinag pray natin sa Lord. Mahirap
ang may pananampalataya tayo pero nag dududa, o may doubt. Basahin natin yung: “At kung
hindi kayo nag aalinlangan kundi sumasampalatayang mangyayari iyon, mangyayari nga ang
sinabi n’yo.” Diba? basahin pa natin to:

In this passage Jesus, teaching His disciples. “…have faith in God” (Explain ni Speaker)
(Speaker): Tinuturuan ni Jesus yung mga Disciple nya na manalig sa Panginoon. At ganon rin
satin, na maniwala tayo at sumampalataya tayo sa kung anong kayang gawin ng Panginoon. At
wag mag duda. (Maliwanag po?) Basahin po natin ito:
Saying faith is a higher faith than asking faith. It takes to ask, but there is a faith that goes
beyond asking to a faith that speaks. (Explain ni Speaker)
-Mainam sa isang tao kung meron syang pananampalataya sa Diyos, pero mas Mabuti ang
pananampalatayang walang pagdududa at nagtitiwala sa Diyos.
-Kuya Emman. (Naiintindihan po?)

(Speaker): May pananampalataya nga pero nag do-doubt naman tayo, anong silba, diba. Ang
sumunod naman ay: Speak What God Says. Basahin po natin it:
The progression and growth of faith is related to what you say or speak forth with the very
words of your mouth. (Explain ni Speaker)

(Speaker): Alam nyo ba guys na nakadipende rin sa paglago ng pananampalataya natin ang mga
salitang lumalabas sa bibig natin. (Isipin natin ah): Kung palaging mabubuti at magagandang
salita ang lumalabas sa bibig natin, example yung sina sabi natin tuwing lingo ‘blessed speaking
movement: “God bless you, coram deo, mahal kita sa Panginoon o kaya nag po-Po at Opo tayo”
nakikita sa buhay natin yung paglago. Lalo na kung sa labas ng simbahan natin ginagawa yan.
Nag liliwanag rin tayo sa ibang taong nakakakita at nakakarinig satin. (Sasabihin nila: Christian
ka no) 😊
(Speaker): Pero kung mga panget, negatibo at hindi magagandang salita ang lumalabas sa bibig
natin. Hindi nakikita ang paglago ng pananampalataya sa buhay natin. Hindi rin tayo nag
liliwanag sa ibang tao. (Mahirap nyan ang sabihin satin: Kristiano ka pala?)
-Ano ang mas magandang pakinggan yung “Kristiano ka no! o Kristiano kapala? Na may
kasamang question mark. Na kwe-kuwestiyon ang pagiging Kristiano natin kung mga panget na
salita ang naririnig satin. (Kristiyano pala yan, bakit ganyan sya mag salita?)
(Speaker): Habang ginagawa ko ang message na ito, nakakuha rin ako ng reflection na… (ako,
kamusta kaya ang mga salitang lumalabas sa bibig ko mabubuti ba o hindi) Basahin po natin ang:
Kawikaan 4:20-22
20Anak pakinggan mong Mabuti ang mga itinuturo ko sa iyo. 21Huwag mong kalilimutan kundi
ingatan sa puso mo. 22Sapagkat magbibigay ito sa iyo ng malusog na katawan at mabahang
buhay. (Explain ni Speaker)
(Speaker): Verse 22, magbibigay ito sa iyo ng malusog na katawan at mabahang buhay. Diba na
kakagaan ng loob at pakiramdam yung mga mabubuti at magagandang salita. God bless you,
coram deo, mahal kita sa Panginoon, ingat ka palagi etc… Pero kung puro trash talk ang
naririnig at lumalabas sa bibig natin, sinong hindi ma stress? diba. Baka nga ng dahil jan
makahanap pa tayo ng kaaway. Basahin pa natin ang:

Kawikaan 18:21
Ang salita ng tao’y makapagliligtas ng buhay o kaya’y makamamatay. Kaya mag-ingat sa
pagsasalita sapagkat mga bunga nito’y aanihin mo. (Explain ni Speaker)
(Speaker): Isang reminder sakin pati sating lahat na: mag-ingat sa pagsasalita sapagkat mga
bunga nito’y aanihin mo. Kapag Mabuti ang salitang binitawan natin, aani tayo ng Mabuti, pero
kung nag salita tayo ng panget, negatibo at hindi maganda, yun rin ang aanihin natin.
-Diba may kasabihang “Kung ano ang itinanim sya rin ang iyong aanihin” basahin pa natin ito:
Solomon makes it plain that what we say can curse us or bless us, and states directly in
Proverbs 18:21: “Death and life are in the power of tongue” (Explain ni Speaker)

(Speaker): Sa mga nag daang QT natin, na banggit rin ang tungkol sa dila, diba. Kaya pa alala
sating lahat na pag ingatan natin ang mga salitang lumalabas sa ating bibig. (Naiintindihan po?)
Ang sumunod na subtopic natin ay: Believe What You Speak.
-Basahin po natin ito: The moment that we face a situation, the response in our heart is
expressed by out mouth and we speak what we believe. (Explain ni Speaker)
(Speaker): Totoo ba to? Sa mga panahon na nasa isang sitwasyon tayo, kung ano ang nilalaman
ng puso natin, sa labi o bibig natin lumalabas yung gutong I expressed ng puso natin. Tama ba?
-Example: hindi mo na mapigilan yung nararamdaman mo kay Kras, gustong gusto mo ng
sabihin na Kras mo sya, kaya ang ng yari: sinabi mo na sa kanya Kras mo sya. Problema ang
sagot nya “kuya friend lang tayo” syempre hindi mo na mababawi yung binitawan mong salita
kaya para hindi halata nasaktan o napahiya, sasabihin mo nalang: It’s a prank xD Joke lang :D

(Speaker): Pero seryoso na tayo, sa slide na ito, nag papaalala satin na… kung ano ang laman ng
puso natin, sya ring madalas na lumalabas sa bibig at labi natin. At kung minsan o madalas, ito
ang pinaniniwalaan natin: we speak what we believe. Dahil galing ito sa puso natin.
-May dalawang epekto ang ganitong… …sabihin na nating pag-uugali. Isang Negative at positive
side. Nag bigay rin ng warning ang Panginoong Hesus kapag hindi maayos ang puso natin.
Basahin po natin ito: mahaba haba to ah

Mateo 12:33-37
33Nakikilala ang puno sa bunga nito. Kung Mabuti ang puno, Mabuti rin ang bunga nito. Kung
masama ang puno, masama rin ang bunga nito. 34Mga lahi kayo ng ahas! Paano kayo
makakapagsalita ng Mabuti gayong masasama kayo? Sapagkat kung ano ang laman ng puso ng
isang tao, ito ang lumalabas sa kanyang bibig. 35Ang mabuting tao ay nag sasalita ng Mabuti,
dahil puno ng kabutihan ang kanyang puso. Pero ang masamang tao ay nagsasalita ng masama
dahil puno ng kasamaan ang kanyang puso. 36Tinitiyak ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom,
mananagot ang bawat isa sa mga walang kuwentang salitang binitiwan niya. 37Sapagkat
ibabatay sa mga salita mo kung paparusahan ka o hindi. (Explain ni Speaker)

(Speaker): Ako, aminin ko malakas akong mang asar at mag biro kaya natakot ako dito ng
nabasa ko ito. Basahin ulit natin yung v36-v37. Kamusta yung mga salitang lumalabas sa bibig
natin? xD ☹ Yung mga simpleng biro o joke na lumalabas sa bibig natin, diba. Sa verse na ito
kabahan na tayo. Dahil Jesus Christ ang nag sasalita sa verse na ito, maging aware tayo sa mga
salitang lumalabas sa bibig natin kung Mabuti ba ito o hindi, kung nakakatulong ba ito sa kapwa
natin, sa sitwasyon natin o hindi. (Maliwanag po?)
-Ito yung sinasabi ko sa inyong Negative side ng “The moment that we face a situation, the
response in our heart is expressed by out mouth and we speak what we believe.” Kung puno
ng kasamaan ang laman ng puso natin, kasamaan rin ang lumalabas o ini- expressed ng bibig
natin. (Naiintindihan?)

(Speaker): Hindi ko gustong sabihin na masama lahat ang laman ng puso natin ah, kundi isang
pa alala isang reminder sating lahat (Kasama nako dun) na kapag nasa isang situwasyon tayo,
wag tayo basta basta mag padalos dalos o pabigla bigla, wag tayong mag papadalasa emosyon
natin. Dahil nakaabang lang ang lakalaban natin, na kapag may isang maliit na pagkakamali
tayo, yari tayo sa kanya.
-Ngayon basahin at tingnan naman natin yung positive side ng “The moment that we face a
situation, the response in our heart is expressed by out mouth and we speak what we
believe.”
On the positive side, this can work for us, too, when we understand this principle. If we
confess with our mouth what God says, and believe it in our heart, we’ll have what we say.
(Explain ni Speaker)
(Speaker): (Naiintindihan po?) Kapag nasa isang sitwasyon tayo na hindi maganda pero puno ng
kabutihan ang laman ng puso natin, puno ng salita ng Diyos ang laman ng puso natin, kabutihan
rin ang lalabas at I e-expresses ng bibig at labi natin diba.
-Example: may problema tayo na sobrang laki at hirap. Pero yun nga Mabuti ang laman ng
puso natin puno ng salita ng Diyos. Ano ang sasabihin natin? kabutihan diba. If we confess with
our mouth what God says, and believe it in our heart, we’ll have what we say.
-“Ay sabi ni Lord kapag may problema at pagsubok ako, lumapit at magtiwala lang ako sa
kanya” Ganon dapat! The moment that we face a situation, the response in our heart is
expressed by out mouth and we speak what we believe. (Naiintindihan po?)

(Speaker): Paniwalaan mo, magtiwala ka at sumampalataya ka na hindi tayo pababayaan ng


Diyos. Anumang problema o pagsubok ang dumating satin. (Maliwanag po?) Basahin po natin
ito:
If God’s word finds lodging in out heart and we embrace it, we immediately confess victory
instead of defeat when the challenge comes. Then we have what we say – VICTORY! (Explain
ni Speaker)

(Speaker): Kaya sana kung nasa panget at mabigat na situwasyon tayo, Oo mahirap, pero
kaylangan nating wag mag padala sa sitwasyon o sa emosyon. Instead yung salita ng Diyos ang
isipin, pairalin natin sa puso natin at dun matatagpuan natin ang Victory over defeat.
(Naiintindihan po?)
-(Ok) at ang last subtopic natin para sa araw na ito ay: Take your Stand in Faith. O panindigan,
paniwalaan mo ang pananampalataya mo sa Diyos. Basahin po natin ito:
God is waiting for you to get the word in your mouth and speak it forth, believing it in your
heart! (Explain ni Speaker)

(Speaker): Hinihintay at binabantayan tayo ng Panginoon na sabihin natin o lumabas mis mo sa


bibig natin ang paniniwala, pananampalataya natin sa kanya na nanggagaling sa puso natin.
Tinitingnan ni Lord kung tunay at totoo ba ang pananampalataya natin sa kanya. (Naiintindihan
po?)
-Halimbawa nga, may problema tayo, tinitingnan at binabantayan tayo ni Lord kung tatawag ba
tayo sa kanya, kung hihigi ba tayo ng tulong sa kanya mananampalataya ba tayo sa kung anong
kayang gawin. Basahin po natin ito:
Jeremias 1:12
Sinabi sakin ng Panginoon: “Tama ang nakita mo, at nangangahulugan iyon na nagbabantay
ako para siguraduhing matutupad ang mga sinabi ko” (Explain ni Speaker)

(Speaker): Oo kung minsan sa sobrang laki, bigat ng problema at bilaan pa nga kung dumating,
na o overwhelm tayo,
-Nakakalungkot nga rin dahil may pag may problema ang ibang tao, imbes na lumapit, tumawag
sa Lord, lumalayo pa sila. Kaya isang reminder sating lahat na wag tayong makakalimot sa Lord
kapag may problema tayo. Kaylangan nating mag stand firm at Take a Stand sa Faith natin para
hindi tayo basta basta matalo ng kalaban. (Maliwanag po?)
-Kaya sana sa pagtatapos ng message natin ngayong araw, may natutunan sana tayo.
Faith grows by Speaking.
The faith of God. (Faith that Speak)
Speak What God Says.
Believe What You Speak.
Take your Stand in Faith.
(Speaker): Wag nating kakalimutan para mas lalong mag grow ang pananampalataya natin sa
Lord, dapat ay lumalabas sa bibig natin ito at naniniwala, nag titiwala, at sumampalataya tayo
sa kung anong kayang gawin ng Panginoon sa buhay natin. 😊
-end
-To God be the Glory.

You might also like