You are on page 1of 2

1.

) intentional relationship – you aim to connect, you have a good motive and a goal to build a good
relationship and in the way you can do that is by encouraging, equipping and challenging each
other to grow/mature toward in Christ. Sa pagbubuild ng good relationship, kinakailangan na
maramdaman yun, di sapat na we care in words, ang pinakaimportante dito yung actions na
pinapakita mo sa disciple mo para ma-win mo sya sa Panginoon. Kapag meron problema,
nandyan ka para -iencourage sya sa pinagdaraan nya na wag panghinaan, bagkus maging
testimony ka sa mga napagdaanan mo at palakasin mo sya. Equipping nang sa gayon siya rin ay
di lang magiging tagapakinig ngunit tagapagpahayag din ng salita ng Diyos, dahil yun naman ang
gusto ng Panginoon satin, ang maipakilala natin siya sa mga di pa nakakakilala sa Panginoon.
Kapag di mo, ini-equip ang iyong disciple sa mga salita ng Diyos, wala roon ang growth di sya
lalago o magmamature kasi nanatili lang sa kanya ang salita ngunit di naibabahagi sa iba na
nangangailangan din ng salvation o kaligtasan. Di sya magiging fruitful kasi di sya nakakabahagi
ng salita ng Diyos. Ang pagiging equip din sa salita ng Diyos, kapag dumaan sa isang pagsubok o
may doubt sya sa decisions ang iyong disciple, ang salita ng diyos na natanim sa kanyang puso
dahil equip sya ang magagamit nya para mapagtagumpayan ang isang pagsubok o magkaroon
ng kalinawan sa mga nais gawing desisyon ng iyong disciple. Challenging kasi lahat tayo ay
dapat makaranas nito dahil ditto, we learn, we experience and we become strong the more na
nachachallenge tayo, dapat di tayo makulong sa comport zone natin, kasi wala ang growth and
maturity doon.
2.) Discipling is an aim and an act of building a good relationship with other disciples with a purpose
of loving God and loving people.
3.) Pinapakita ng core truth na ang pagdidisciple ay pagmamahal mo sa iyong kapwa at lalong lalo
na sa Panginoon. Sa iyong kapwa dahil gusto mo din sila mailigtas o magkaroon ng salvation,
kaya patuloy mo silang iniencourage kapag may pagsubok na pinagdaraanan, pinalalakas o ini-
equip ng salita ng Diyos para sila ay lumago at maging matatag ang chinachallenge nang sayon
ay sila ay matuto rin, maging malakas at magiging testimony din sa iba balang araw. Ito ay
pagmamahal sa Panginoon dahil tanda ito ng ating pagsunod sa kautusan ng Panginoon na
sinabi nya sa Mateo 22:37-39, nakasaad dito na: ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang
buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito
naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
Kapag minahal natin ang ating kapwa, tanda ito ng pagmamahal sa Panginoon dahil sinusunod
natin sya, kasi kung totoong mahal mo, susundin mo. Ganun sa mag-aasawa diba saka sa mga
magulang natin, sumusunod tayo sa kanila kasi mahal natin sila. Sa pagdidisciple, kailangang
Makita yung action not the words, kailangan Makita yung care and love, yung fruit of the spirit
na inaasahan satin ng Panginoon.

1.) What do you suppose Jesus included in his all-night prayer? He prayed for his 12 disciples
2.) What can you learn about Jesus’ strategic purpose for the selection of the Twelve from 9:1-
6? He send his 12 disciples na walang ibang dala kundi ang salita ng Diyos na kanilang
ibabahagi. Binigyan nya ng kapangyarihan at authority ang mga disciples para palayasin ang
mga demonyo at magpagaling ng mga sakit. Natutunan ko po ditto na kapag nasa sayo ang
Diyos o ang salita ng Diyos, ihahanda ka nito sa anumang laban o pagsubok, anumang
problema ang dumating ay malalampasan mo, anumang pakana ng kaaway ay maitataboy
mo, anumang mga sakit ay kaya mong pagalingin.
3.) What power and authority was given to the disciples? What power and authority can we
expect to receive from Jesus today? power and authority to drive out all demons and to cure
diseases
4.) What was Jesus’ role with the disciples after their return (9:10)? Patuloy silang palakasin at
isend pa sa iba’t ibang lugar upang magbahagi ng salita ng Diyos
5.) What questions do these passages raise for you?
Nireraise sakin nito na tayo ay may kakayahan ding magtaboy ng demonyo at magpagaling
ng may sakit kung nasa atin ang salita ng Diyos at ito’y buhay sa atin
6.) What verse or verses have particularly impacted you? Rewrite key verses in your own
words.

You might also like