You are on page 1of 3

Ayan, goodevening po.

Ang topic po na pag-uusapan natin ngayong gabi ay;

Faith that moves mountains,


At ang ating pong key verse ay makikita po natin sa;
Matthew 21:18-22

Ayan bago tayo magproceed dun sa ating verse for tonight; idefine muna natin ano ba ‘yun faith, and
ang sabi ni Google.

What is faith?
Faith is the assurance of things hoped for, the conviction of things not seen.

Ayon. Ibigsabihin diba, ‘kapag sinabi nating faith, we believe doon sa bagay na kahit na hindi pa natin
nakikita, tayo ay naniniwala. Amen. And that’s faith. Ayun yun pananampalatayang inaasahan mo, na
kahit hindi mo pa nakikita, naniniwala tayo. And alam natin na marami nang napatunayan sa mga
bible characters na because of their faith, gumaling sila, nagkaroon ng miracle, nangyari yung mga
bagay na inaasahan nila, and that is because of “Faith”.

Ang sabi nga, sa ating mga Kristyano, hindi, “to see is to believe”, pero sa atin daw “believe, and you
will see” maniwala ka muna, at doon mo makikita yun mga kayang gawin ng pananampalatayang
meron ka.

Ang sabi po sa;

1 Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.
HEBREWS 11:1

Ayon, ayon yung nabanggit na natin kanina, na ang pananampalataya ito yun confidence/ ito yung
pag-asa na meron tayo sa ating Panginoong Hesus. Na even we do not see, pero nararamdaman natin.

And, next ayan, sa atin pong key verse;


Matthew 21:18-22

18 Kinaumagahan, nang si Jesus ay pabalik sa lunsod, siya'y nakaramdam ng gutom.


19 Nakita niya ang isang puno ng igos sa tabi ng daan at nilapitan iyon. Wala siyang nakitang bunga
kundi mga dahon lamang. Kaya't sinabi niya dito, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” Agad na
natuyo ang puno.
20 Nakita ng mga alagad ang nangyari at sila'y namangha. “Paanong natuyo agad ang puno ng igos?”
tanong nila.
21 Sumagot si Jesus, “Tandaan ninyo: kung kayo'y mananalig sa Diyos at hindi mag-aalinlangan,
magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan, kung sasabihin ninyo sa
bundok na ito, ‘Umalis ka riyan, at tumalon ka sa dagat,’ mangyayari ang inyong sinabi.
22 Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung nananalig kayo.”

Amen. Dito nakakamangha yung mga bagay na kayang gawin talaga ng Panginoon. At dito nagkaroon
lang din ako ng reflection na ‘yun doubt, yun pag-aalinlangan, kinakailangan ialis mo talaga sa buhay
mo, at ilagay mo talaga sa puso mo, na maniwala at manalig lang tayo sa Panginoon, dahil doon
magsisimula na makita mo ang mga nakaka amaze na bagay, dahil yun faith talaga na meron tayo kay
Lord, naniniwala rin ako na yun yung kumikilos para mangyari yun mga bagay inaasahan mo.
And, sabi po dito;
ANG PANANAMPALATAYANG MAYROON KA SA ATING PANGINOON ANG KIKILOS UPANG MAGING
POSIBLE ANG BAGAY NA SA TINGIN MO AY IMPOSIBLE.

Ayon. Minsan, sa buhay natin naiisip natin “kaya ko ba “to? Diba, minsan natatanong natin sa sarili
natin, kung magagawa natin yung isang bagay.
Dahil minsan naiisip natin na parang imposible na mangyari, pero dito, makikita natin na kahit dun sa
mga bagay na akala natin ay imposible, ay nagiging posible dahil kay Lord, dahil dun sa faith na meron
ka. And yun isa sa story sa bible yung about sa 12 yrs na na dinudugo, diba instantly napagakagaling
siya ng Panginoong Hesus dahil sa kaniyang Pananampalataya, yung grabing pananampalataya na
mahawakan ko lang ang laylayan ng damit ng Panginoong Hesus, ay gagaling na ako” And dahil dun sa
Faith na meron siya, gumaling siya, at doon naging posible ang bagay na imposible, dahil sa Lord.
Dahil wala naman talagang imposible para sa Panginoon. And marami pang mga bible characters na
talagang makikita natin how powerful faith is. Kung anong kayang gawin nang pananampalataya na
meron ka para sa ating Lord.

Kaya kung may mga bagay din tayong hinihingi sa Lord, humingi lang tayo + ‘yun faith na ibibigay yon
ng Panginoon in His perfect time.

And, next po, is naglagay din ako dito ng tatlong keys, kung paano natin mas mapapalalim yun faith na
meron tayo, na yung sinabi doon sa verse na “If you have faith and don’t doubt , you can even say to
mountain, ‘May you be lifted up and thrown into the sea,’ and it will happen.
And yung mga nilagay ko rin dito, ay aware na rin naman tayo, and it’s a reminder nalang din para sa
atin.

1) Hear, then Apply.


17 So faith comes from hearing, that is, hearing the Good News about Christ.
Romans 10:17
"Sikapin natin na hindi lamang tayo maging tagapakinig, kundi maging tagasagawa."

Ayon, yun pagsusumikap talaga na gawin yun kalooban ng Lord. Na once na nakapakinig tayo,
dumaretso yon sa puso natin sa isip natin, na iapply natin kung ano man yung mga bagay na
natutunan natin mula dun sa Word.

And sabi nga, that we must put it into action. Diba, yun sinasabi din na, Faith without action is dead.
Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay, kaya dito, yung pagsusumikap din talaga
natin na araw araw mas magrow yun pananampalataya na meron tayo, na mas mag deepen pa yung
pagkakakilala natin sa Lord.

2) Believe
Believe the Word of God, without doubting or wavering.

Ayon, yung doubt, ialis natin sa buhay natin. At patuloy lang tayong maniwala sa mga pangako at
salita ng Lord, patuloy nating panghawakan.

6 But when you ask, you must believe and not doubt, because the one who doubts is like a wave of
the sea, blown and tossed by the wind. 7 That person should not expect to receive anything from the
Lord.
James 1:6-7
"MANIWALA AT PATULOY NA MAGTIWALA."

Ibigsabihin kung hindi ka naman naniniwala, ano pang inaasahan mo. Diba most importantly, is we
must believe, and if we believe, we will receive.
And yung 3rd po is;

3) Speak
13 It is written: “I believed; therefore I have spoken.” Since we have that same spirit of faith, we also
believe and therefore speak, 14 because we know that the one who raised the Lord Jesus from the
dead will also raise us with Jesus and present us with you to himself.
2 Corinthians 4:13

Ayon, dito kung ano man yung naranasan natin sa presensiya ng Panginoon, we must Speak. And
doon, maraming maiinspire, maraming maeencourage na sumunod rin sa Lord. And ito rin yung nais
din talaga ng Lord, na win souls, make disciples.

Ayon, everyday it’s a decision para sa atin piliin na gawin kung anoman yun kalooban ng Lord. Na yung
pagsusumikap din talaga na yung Faith na meron tayo ngayon ay mas lumago, mas maggrow
hanggang sa magbunga.

Ayon, hear, then Apply God’s Word. Believe. Speak the promises of God. As Jesus says to the person
with that kind of faith, you “shall have whatsoever you say… and believing, you shall receive.” Na
kung ano man yung hingin natin, kung ano mang nais natin, hingin natin ito sa Lord ng may
pananampalataya at tiyak na marreceive natin yon.

You might also like