You are on page 1of 3

ISANG MAPAGPALANG GABI PO SA ATING LAHAT MGA KAPATID, AT PURIHIN ANG DIYOS

SA KANYANG KABUTIHAN, AMEN!


Magbabasa po ako ng talata sa bibliya at pakinggan po ninyo o di kaya'y pkisundan po ninyo mga kapatid,
Praise God!
sa aklat po mga Awit ganito po ang naksulat 119 : 135 --- PASILANGIN MO ANG MUKHA MO SA
IYONG LINGKOD: at ITURO MO SA AKIN ANG MGA PALATUNTUNAN MO, AMEN....

Ngayon po ang unang araw ng biyernes ng taong kasalukuyan o 2022 Praise God at ito rin po ang unang
bukas ng ating Prayer meeting para sa panibagong taon na ito Praise the Lord.
Mga kapatid back to the future muna po tayo, pero dito lang po tayo sa last year sa 2021 Praise God!
" Magbigay ng ilang patotoo batay sa kabutihan ng Diyos, ( Naamaze ako kay God o nakakaamaze si God
yan po ang nasasambit ni si Gem Praise God., at madalas po nating naipapatotoo ang ganito nagpapasalamat
po ako sa Diyos sa kanyang kabutihan at sa pag iingat niya at mga ilan pang buhay na patotoo ang ating
naisishare sa ating mga kapatid at ang iyan po ay napatunayan natin sa ating sarili na BUHAT AT TOTOO
ang ating Diyos na pinaglilingkuran at tinitiwalaan mga kapatid.
Praise God!
Kung magtatanong po ako ngayon lalu sa mga kabataan/youth gayon din po tayong mga magulang na eh
sakop parin po tayo sa tanong na ito kasi meron din po tayong mga magulang, tama po? Praise God.
ANO ANG PWEDE MONG GAWIN O PWEDE NATING GAWIN O IBIGAY BILANG ANAK
PARA ANG ATING MGA MAGULANG ( AMA / INA ) PARA PO MALUGOD SILA SA
ATIN.....PRAISE GOD.
cge nga po, any volunteer
meron o walang tutugon ay ipapasok na ang TITLE ng exhortation ang:

TITLE: PAANO MALULUGOD ANG DIYOS!

Maikling panalangin:
palakpak sa Panginoon:
paupuin ang mga partisipant:

Sa aklat ng Mateo mga kapatid chapter 22:37-38


v37- at sinabi sa kaniya"ibigin mo ang Panginoon mong Diyos, ng buong Puso mo, ng buong Kaluluwa mo,
ng buong Pag iisip mo
v38 - ito ang dakila at pangunang utos.

#Number 1:
malulugod po pala ang Diyos kung iibigin natin siya ng buong buo mga kapatid, siyempre po hindi maari
yong iniibig natin ang Diyos tpus iniibig din naman natin ang sanglibutan Amen, Praise God ( magbigay ng
maikling halimbawa sa asawa yong merong kabit.) ang resulta magulo o magkakagulo tama po.

#Number 2 po:
Sa aklat po ng Hebre 11:7-- sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Diyos tungkol sa mga bagay na
hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang
sangbahayan na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng
katuwiran na ayon sa pananampalataya. Amen
( ilaborate ang talatang binasa tungkol sa pagsunod ni Noe.)
------- Ang lubusng pagtitiwala sa Diyos, ay ang pananalig na alam niya kung ano ang higit na makkabuti.
basahin ang Jeremias 29 : 11--- sapagkat nalalaman ko ang mga pag iisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng
Panginoon, mga pag iisip tungkol sa kapayapaan, tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pag asa sa
inyong huling wakas. Praise God! bagaman meron po tayong pag iisip ipagkatiwala prin po natin ito sa
Diyos spagkat nalulugod ang Diyos kung titiwala po tayo ng buong puso. Amen.

#Number 3 po
sa aklat po ng Genesis 6 : 22 -- Gayon ginawa ni Noe, ayon sa lahat na iniuutos sa kaniya ng Diyos ay gayon
ang ginawa niya. Praise the Lord.
ano po ba ang iniutos ng Diyos kay Noe alam npo natin ito mga kapatid, ang gumawa ng daong ( ilaborate o
ipakita ang sukat kung paano sumunod ng buong buo si Noe.)
-- Malulugod po pala ang Diyos kung susunod tayo sa kanyang iniuutos, ano po ba ang iniutos ng Diyos sa
atin Praise God, na siyang sinasabing pangalawang utos sa aklat po ng Mateo 22 : 39 -- at ang pangalawang
katulad ay ito, Iibigin mo ang kapuwa na gaya ng iyong sarili. Praise the Lord.

#Number 4
sa aklat po ng Colosas 3 : 17 -- at anuman ang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa
pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Diyos sa pamamagitan niya. Amen!
ano man daw po ang ating ginagawa ipagpasalamat natin ito sa Diyos, at nkakalugod po pala sa Diyos kung
ginaganap po natin ang palaging pagpapasalamat Praise God.

#Number 5
sa aklat po ng 2 Corinto 5 : 9 -- kaya't ang amin namang pinagsisikapan, maging sa tahanan man, o di man,
ay maging kalugodlugod kami sa kanya.....
mga kapatid sabi po ni apostol Pablo pagsumikapan po nating maging kalugod lugod sa Diyos, sa paningin
Diyos hindi man po tayo perpekto ppagsumikapan po nating maging matured sa paglilinkod sa ating Diyos
na lagi nating pinapatotoo na mabuti ang Diyos. Praise God

last verse npo tayo mga kapatid sa aklat po ng Mga Awit 14 : 2 -- Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak
ng mga tao mula sa langit, Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa, na hinahanap ng Diyos.
Praise the Lord.....mga kapatid tinitingnan po tayo ng Diyos, binabantayan niya po tayo sa mga ginagawa,
kya sa psimula po ng taong ito gawin po natin ang nararapat ang maging kalugod lugod po tayo sa paningin
ng ating dakilang Diyos. Amen

salamat po sa Diyos sa munting mensahing ito nawa nkaragdag po ng kalakasan sa bawat isa at sa kung
anuman po ang kakulangan Diyos npo ang magpupuno, sa Diyos po ang kapurihan at ibinabalik ko na po sa
ating Emcee.......

You might also like