You are on page 1of 8

Pakasa: Pamumuhay Cristiano

Tema: Pag papakumbaba isang katangian na dapat taglayin ng isang JHAISONYTES.


Layunin:
1. Maihayag ang kahalagahan nang pagiging mapag – pakumbaba.
2. Na malaman na may gantimpala ang Diyos sa mga taong namumuhay ng may
pag papakumbaba.
3. Malaman ang mga babala ng Diyos sa mga taong nag mamataas.

Pagpapakahulugan:
Pag papakumbaba- In English Submission
Kababaang loob
Pagsuko
Pagpapasakop
Pagpapasailalim
Pagsunod
Pagpapahinuhod
Pagpapakumbaba
At ito po ng mga pinaka malapit na kahulugan ng pagpapakumbaba.
Mga kapatid ko ang pag papakumbaba po ay isang paraan din naman upang tayo ay makalapit at
makapag lingkod sa ating Diyos ng buo
Na dapat at tayo ay magpakumbaba sa ting Diyos sapagkat alam naman natin na maraming mga bagay
ang Hindi natin magagawa kung wala ang patnubay ng ating Diyos Ama.
Na dapat ay tayo ay mag pakumbaba sa banal na harapan ng ating Diyos.
At kapag ginawa natin ito ay nilalagay natin ang ating sarili sakamay at kapang yarihan ng ating Diyos
Ama.
Na marami ngang mga bagay na hindi natin kaya at naniniwala tayong ang Diyos lamang makagawa sa
mga bagay na hindi natin kayang gawin.
Ang pag papa kumbaba ay ang pagsuko natin sa Diyos ng ating sarili sapagkat tayo ay kanyang nilalang.
Alam naman nating na kung wala ang ating Diyos Ama ay wala tayong magagawa kaya nga kung ating
isusuko ang ating sarili sa Diyos ay alam natin na tayo nasa kanyang pangangalaga.
May mga taong marami ng narating sa buhay at kung mamuhay ay parang kaya na nila ang lahat. May
lumalaki ang Ulo por ke sila ay nakakaangat na sa buhay ay hindi na nila kinikilala ang Diyos.
Na dapat eh kapag ikaw ay nakakaangat na sa buhay ay dapat ganon kaparin tulad ng dati.
Na mahirap kaman o mayaman ay dapat nasa kababaang loob padin ang iyong pamumuhay.
Bagkus kung ikaw ay sagana sa yaman ay ipaglingkod mo ito sa diyos upang ang mga biyaya nya say iyo
ay maibalik mo ito sakanya.
Sapagkat may babala ang ating Diyos at Panginoong Jesus sa taong mapagmatas.
Mamaya po ay ating matatalakay ito sa pagpapatuloy ng ating pag aaral.
Ang pag papakumbaba ay isa sa mga mahirap isapamuhay sapagkat ang mga ibang tao
mapgpaimbabaw ngunit ang sabi ng Diyos sa mga ito ay mamuhay kayo ng may kapakumbabaan.

Dito palamang po mga kapatid ko ay lubos ang unawa na ating natangap.


Sapagkat ang sabi ng talata na kung ikaw ay may magpakumbabang loob ikaw ay mag tataglay ng
kaharian ng langit
At ang maganda pa sa salita ng Diyos na ito sa kanila ng kaharian ng langit.
Mga kapatid ko isa ang katangiang ito na tagalay ng ating Panginoong Jesus Christo na kanyang
ipinamalas at isinapamuhay nung sya ay nandito sa lupa siya na bagamat ay Diyos ay hindi nya tinuring
na Diyos ang kanyang sarili bagkus sya ay nagpakababa.
Kaya dapat kung tayo ay tinawag na Cristiano ay ating gayahin ang mga katangiang ito na taglay ng
ating Panginoong Jesus at isinapamuhay ang mga ito.

Paunang pananalita.

Ang pagpapakumbaba ay pagkilala nang may pasasalamat na umaasa tayo sa Panginoon—na


nauunawaang palagi nating kailangan ang Kanyang tulong. Ang pagpapakumbaba ay pagkilala na ang
ating mga talento at kakayahan ay mga kaloob ng Diyos. Hindi ito tanda ng kahinaan, kakimian, o
takot; pahiwatig ito na alam natin kung saan nagmumula ang ating tunay na lakas. Maaari tayong
maging kapwa mapagpakumbaba at walang takot. Maaari tayong maging kapwa mapagpakumbaba at
matapang.

Si Jesucristo ang ating pinakadakilang halimbawa ng pagpapakumbaba. Noong siya ay nag katawang
tao dito sa lupa, palagi Niyang kinikilala na nagkaroon Siya ng lakas dahil sa pag-asa Niya sa Ating Ama.
Sabi Niya: “Hindi ako makakagawa ng anuman mula sa aking sarili. … Hindi ko hinahanap ang aking
sariling kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin”

(Juan 5:30).
30 Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking
naririnig: at ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't hindi ko pinaghahanap ang aking
sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.

Sa talatang ito mga kapatid ko na sabi ng ating Panginoong Jesus na hindi ang kalooban ko kundi ang
kalooban ng Ama na nag sugo sa akin ang sabi ngPanginoong Jesus
Dito mga kapatid ko na talagang ang lahat ng ginawa oh ginagawa ng ating
Panginoong Jesus Cristo para lahat sa Ating Ama na makapangyarihan sa lahat.
Palalakasin tayo ng Panginoon kapag nagpakumbaba tayo sa Kanyang harapan. Itinuro ni Santiago:
“Ang Diyos ay sumasalungat sa mga mapagmataas, subalit nagbibigay ng biyaya sa mga
mapagpakumbaba. … Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at kanyang itataas kayo”

Ano kaya ang dahilan kung bakit ipinag uutos ng Diyos kung bakit dapat tayo ay mag pakumbaba.
Isa ang talatang ito ang mag bibigay unawa na tayo ay dapat magpakababa.
Bakit nga ba kailangan tayo ay mag pakumbaba mga kapatid.
Binigyan tayo ng kasagutan na nasususlat sa.

Santiago 4:6, 10
6 Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang Dios
ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga
mapagpakumbaba.
Ating narinig mga kaptid ko na kung tayo ay nag papalalo tayo ay sumasalungat sa
kautusan at kung tayo naman ay nag papakumbaba ay tayo ay mag tataglay ng
biyaya.
At ang sabi pa ng talata ng.
1 Juan 2:16
16 Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang
masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama,
kundi sa sanglibutan.
Dito mga kapatid ko ay bigyan natin ng pansin ang kapalaluan sa buhay.
Na hindi po galing sa Diyos ang kapalaluan na ito kundi sa sanlibutan.
Ano po ba ang kapalaluan na ito.
Ito ang pride, katasan ng kaisipan, kayabangan, pagpaparangalan.
Kapalaluan ng buhay pride of life.
Dapat lang po nating taglayin ang ang kababaang loob na katangian na itunuro ni
Cristo.
Sapagkat tayo ay Cristiano na ipinamumuhay ang mga katangian ni Jesus Christo.
Sapagkat ang sabi sa talata ay ang kapalaluan sa buhay ay hindi galing sa ama kundi
sa sanlibutan.
Alam naman po natin na ang diablo ng gumagawa ng kasamaan sa sanlibutan tayoy
kanyang dinadaya upang tayo ay makasuway sa ating Panginoon kaya dapat po
tayong maging matalino upang tayo ay hindi magsakala.
Ating pong saliksikin at bulay bulay bulayin ang mga salita ng diyos araw at gabi
upang tayo ay makapapamuhay naaayon sa kalooban ng ating Panginoong Cristo.

Tingnan po natin mga kaptid ko ang pangangaral ng ating Panginoong Jesus sa templo sa mga tao at sa
kanyang mga alagad.
Sa talata ng

Mateo 23:1-12

1 Nang magkagayo'y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad,

2 Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises.

3 Lahat nga ng mga bagay na sa inyo'y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa't huwag
kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi, at hindi ginagawa.

4 Oo, sila'y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga
balikat ng mga tao; datapuwa't ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri.

5 Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao: sapagka't
nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang
mga damit,
6 At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga,

7 At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila'y tawagin ng mga tao, Rabi.

8 Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay
magkakapatid.

9 At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa
makatuwid baga'y siya na nasa langit.

10 Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagka't iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid
baga'y ang Cristo.

11 Datapuwa't ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo.

12 At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas.


Paliwanag
7Sa maga talatang ito mga kapatid ang tinutukoy ng ng ating Panginoong Jesus ay
ang mga pareseo na sila ay mahilig magpalapad ng ng kanilang papel sa mga sa
pamilaiahan na gusto nilang tinatawag guro o Rabi ngunit ang sabi naman ng ating
Panginoong Jesus ay huwag huwag kaying patawag sapagkat isa lang ang inyong
Guro.
8Datapuat huwag kayong patwag na na Rabi oh guro sapagkat iisa lang ang inyong
guro at kayoy magkakapatid
Dito mga kaptid ko sa nais ng Panginoon na tayo ay pantay pantay sapagkat tayo ay
magkakapatid.
9Ni huwag din ninyong tawaging Ama ang sinoman dito sa lupa sapagkat iisa lang
ang ating ama ang sabi ng Panginoon kundi ang ama na nasa langit.
Tama nga mga kapatid na iisa lang ang ama kaya huwag sinuman ang mag tatas ng
kanyang sarili na sya ang ama sapagkat ang karangalang ito ay para sa Diyos
lamang.
10At huwag kayong patawag na Panginoon sapagkat iisa ang Panginoon at ito ay
ang Christo ang sabi ng ating Panginoong Jesus.
12Kaya sabi ng ating Panginoon Jesus na ang mag matas ay ibaba at ang mag
pakababa ay itataas.
Kaya huwag nating tularan ang mag pareseo nung una sila ay mahilig magpalapad
ng kanilang mga pagkatao sa mga tao. na sila ay lubos na sumusunod mga utos ng
Diyos. Na kanilang tinatanyag ang kanilang sarili na sila ay sumusunod sa kalooban
ng Diyos ngunit sa paningin ang Ating Diyos sila ay nagmamatas sapagkat inaari
nila salanilang sarili na sila ay Guro Ama at Panginoon.
Atin pong narinig mga kaptid na ayaw ng Panginoon na ituring ang bawat tao nasil
ay isang guro ama Panginoon sapag ang karangakang ito ay para sa ama lamanag at
sa ating Panginoon Jesus.
Alam nyo po ba na pati ng ating Pananalangin ay.
At tiniruan din po tayo ng ting Panginoong Jesus na kung papano tayo manlangin
upang itoy maging dalisay at hindi ito makita na pag papa imbabaw lamang sa mga
tao.
At ito ay nasususlat sa.
Mateo 6:5-6
5 At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga
mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga
sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang
sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

6 Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung


mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at
ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.
Mga kapatid ating narinig ang pati sa Pananalangin may tamang paroseso o
kapamaraanan na itunuro ang ating Panginoon. Tulad ng talata na na ito.
Na ng sabi nang Panginoon ay kapag tayo po ay manlangin ay tayo ay pumasok sa
kwarto at isa ang pinto at doon tayo manlangin sa ating Diyos na hindi natin
nakikita.
Bakit po kaya ito iniutos ng Panginoon?
Sapagkat ang nais ng Panginoon ay maging dalisay ang ating Pananalangin
Upang itoy hindi maging pakitang tao lamang.
Ito heto pa po ang talata na talagang inuutos ng Diyos na kailangan tayo ay
magpakumbaba sa bawat oras.
Sapagakta pati sa pagdalo sa salo salo ay nag bigay ng aral g ating Panginoon.
At ito ay mababasa sa.

Lucas 14:7-11
7 At nagsalita siya ng isang talinghaga sa mga inanyayahan, nang mamasdan niya
na kanilang pinipili ang mga pangulong luklukan; na nagsasabi sa kanila,
8 Pagka inaanyayahan ka ninomang tao sa kasalan, huwag kang uupo sa pangulong
luklukan; baka mayroon siyang anyayahang lalong marangal na tao kay sa iyo,
9 At lumapit yaong naganyaya sa iyo at sa kaniya, at sabihin sa iyo, Bigyan mong
puwang ang taong ito; at kung magkagayo'y magpapasimula kang mapahiya na
mapalagay ka sa dakong kababababaan.
10 Kundi pagka inaanyayahan ka, ay pumaroon ka at umupo ka sa dakong
kababababaan; upang kung dumating ang naganyaya sa iyo, ay sa iyo'y sabihin niya,
Kaibigan pumaroon ka pa sa lalong mataas: kung magkagayo'y magkakaroon ka ng
kaluwalhatian sa harap ng lahat na mga kasalo mong nangakaupo sa dulang.
11 Sapagka't ang bawa't nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay
matataas.

Lucas 14:7-11 Mababaw na alin


Napansin ni Jesus na ang pinipili ng mga panauhin ay ang mga upuang pandangal.
Kaya't sinabi niya ang talinhagang ito sa kanila. “Kapag inanyayahan ka sa isang
kasalan, huwag kang uupo agad sa upuang pandangal. Baka may inanyayahang mas
marangal kaysa sa iyo. Baka lapitan ka ng nag-anyaya sa inyong dalawa at sabihin sa
iyo, ‘Maaari bang ibigay mo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayon,
mapapahiya ka at doon ka uupo sa pinakaabang upuan. Mabuti pa, kapag
naanyayahan ka, doon ka muna maupo sa pinakaabang upuan. Kapag lumapit sa iyo
ang nag-anyaya at kanyang sinabi, ‘Kaibigan, dito ka sa kabisera,’
mapaparangalan ka sa harap ng lahat ng mga panauhin. Sapagkat ang
nagmamataas ay ibababâ, at ang nagpapakumbabá ay itataas.”
Paliwanag.
Sa talatang ito mga kapatid ko ay mayroong babala an nabanggit ang ating
Panginoon.
At itoy kanyang sinasabi sa talinghaga na pananalita.
Ang sabi ng Panginoon Jesus na kapag po tayo ay inanyayahan sa isang kasalan oh
handaan ay huwag nating kunin ang mas matas na upuan o pwesto bagkus ay
umupo ka sa mamabang luklukan.
Sapamuhay bilang tao o manampalataya mga kapatid ko ay ayaw po ng ating
Panginoon Jesus na tayo ay nag mamatas bagkus dapat tayo ay mag kababa.
Sapagakat ito ang nais ng ating Panginoong Jesus. Natayo ay mabuhay sa
kapkumbaban sapagkat ang babala o sinabi ng ating Panginoon ang mag matas ay
ibaba.
Wala rin naman saysay mag kapatid kung tayo ay maging mayabang o mapagmatas
sapagkat ang sabi ng Diyos ang magmatas at kanyang ibaba.
Tularan po natin ang katangian ng ating Panginoon mga kapatid ko kay Cristo
sapagkat kahit siya ay Diyos ay pinili nyang sumunod sa kalooban ng ama upang
kanyang masunod ang ang kautusan ng Ama para sa ikaliligtas ng bawat isa.
Kaya mga kapatid o ay ating sikaping makasunod sa kalooban ng ama upang ang
ating pamumuhay ay maging dalisay at maging karapatdapat sakanya.
Tulad ng ating Panginoon Jesus na kahit siya ay Diyos na ay kanya paring
itinatagubilin ang kanyang sarili sa Diyos Ama na makapang yarihan sa lahat.
Tingnan po natin ang talatang ito.

Mateo 26:39
39 At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na
nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon
ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
Dito sa talatang ito mga kapatid ko na lubos ang pag dalangin ng ating Panginoong
Jesus sa Ating Diyos ama upang kung maari ay ilayo sakanyang ang Saro o ang
pagkapako sa krus sapagkat bilang siya ay nagkatawang tao ay mararamdaman nya
talaga ang sakit oh pasakit na gagawin sakanya ng mag tao.
Dito talagang dumalangin sya sa ama na kung sana nga ay ilayo sakanya ang pag
hihirap na iyon ngunit ang ating Panginoon Jesus na kahit sya ay Diyos ay kanya
paring taglay ang pagpapakumbabang sumunod sapagkat ang sabi ng Panginoon ay
ang iyong kalooban ang mag hari.
At sa tin naman pong pananampalataya mga kapatid nakung tayo man ay may
idinadalangin sa ating Diyos at kung hindi ito natutupad ay dapat ay hindi tayo nag
daramdaman sapagkat alam ng Diyos ang makakabuti para sa atin
Mas mabuti na tayo ay manlangin at taglayin ang katangian ng ating Panginoong
Jesus Christo na kahit anong bagay ay itinatagubilin parin niya sa ating Diyos ama
tulad ng sinalita ng ating Panginoong Jesus na ngunit ang kalooban nyo ama ang
mag hari.
At alam ko nakung ganito ang ating Panaligan sa ating Diyos ay tiyak na tayo ay
nagpapakumbaba sa ating Diyos sapagkat na kahit gusto mo ang isang bagay ay
sakanya mo parin ito itanatagubilin kung karapatdapat ito para syo.

Ano po bang sa sarili nyo na pangyayari sa buhay nyo na tanging Diyos t Panginoon
lamang ang iyong inaasahan.
Ako masasabi nung ko ako ay naaksidente talagamg halos gumubo ang aking
mundo mga pangarap dahil kung iisipin mo payapa kanpag gising mo ng umaga na
ikaw ay papasok sayong trabaho ng mootor ka dahil ito ng gamit mong
transformation pagpasok t paguwi sa trabaho tapos mang yayari sayo bigala nag
babayhr ka bigla kananalng bingangga tapos kala simpleng bangalaang tapos
symepre tatayo ka ngunit dika naktayo dahil nabaliana kapala ng binti.
Opo mga kapatin ganon po ang nagngyaribsaken ning araw na yon Dec 17 2018
lunes diko makakalimutan yon sapagkat nung araw na yon ay niligtas ako ng Diyos
at binigayn ako ng Diyos ng pangalwa o madami na sapagpagkat di namanlang
naman yon ang una na ako ay nasangkot sa aksidente opo mga kapatid maraming
beses na ngunit tunay na mahabagin ang Diyos sapagkat patuluy nyaparin akong
bibigyan ng pagkakataon upang mabuhay atyun nga nung nangyaribsaken yon ay
aking lubos na dinalangin sakanya na huawag nyakong papabayaan sapagkat
sobrang lingkot ko dahil napindala ang king katawan nung araw nayon at kung
iisioin maraming nadamay mga mahala mo sa buhay asawa mo anak nanay mo
tatay mo kapatid mo. Lubos ang sarili mo Pinasiyal Pisikal Emosyonal dami
napaektuhan. Ngunit akoy nag pakumbaba sa Diyos at itoy aking idalangin lahat
sakaya at bunga nag pag ibig nya itoy aking nalampasan after 4 months akoy
nakalad st nakpasok muli sa trabaho.
At marami pang mga pagsubok na dumating sakin oh samin ng king pamilay.
Tulad ng na denge ang king asawa noon at na operahan ang king anak sa appendix
At itoy nang yari lamang ng sunod sunod na buwan. Ngunit itoy aming nalampasan
Dahil itoy aming idalangin sa Diyos na hindi nya kami papabayan.

Pang huling Pananalita


Mga kapatid ibig ng Diyos na tayo ay mabuhay sa kababaang loob. Tulad ng ginawa
at ipinakitang ehemplo ng ating Panginoon Hesukristo nung sya ay nag katawan tao
at nabuhay dito sa lupa. mga kaptid kung inaari natin na tayo ay Cristiano ay dapat
ito rin ay ating taglayin ang pagpapakumba sa lahat ng bagay sa lahat ng pag
kakataon sapagkat ang pag papakumbaba sa sa ating pamumuhay at paglilingkod
ay simbolo ng pagpasakop natin sakanyang kapangyarihan. Amen puba ?
Siya ay nagpaka baba hanggang ang ating Panginoon ay mamatay oo namatay
hangang sa Crus.
Sapagkat syiya ay nagpapakumbaba sating Diyos ama na nasa langit na sinunod nya
ang kalooban ng Ama upang tayo mangaligtas at matubos ang ating mga kasalanan
upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanangan sa mga taong namumuhay
tulad ng ating Panginoon Jesus Christo.
Mga kapatid ko alam ko at alamm natin na tayo ay may kanya kanyang
pinagdadanan sa buhay kabuhayan man yan oh kalusugan kung ikaw ay kapos o
ikaw ay may karam daman.
Wala ng mas higit na maganag gwain kundi ang idalangin mo ito sa Diyos at itaas
sakanya ang lahat ng iyong problema sapagkata ang ating Diyos ama mahabaging
Diyos hindi ka naya pababayaan.
Kaya kung anoman ang ating pinagdadanan kakulanagan sa pinasiyal man pang
spiritual oh pangkalusugan wala nang mas hihigit na gawin kundi amg idalangin at
lumuhod at mag pakumbaba ka sa Diyos sapagkat siya ang tagapagbigay ng lahat
ng bagay.
Pumunta tayo sa isang sulok ng inyong tahanan o kwarto at don ka manalangin sa
Diyos na hindi mo nakikita. At ikaw ay kanyang sasagutin sa iyong mga dalangin.
Amen po ba.
At dito kona po tinatapos ang aking aral sa oras na ito nawa ang aral na ito ay
nagbigay ng unawa at kalakasan sa ating pananampalataya maraming maraming
salamat po.

You might also like