You are on page 1of 1

PANALANGIN NG BAYAN ( Linggo, Disyembre 18, 2022 )

Ika-4 na Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

PARI : Tuwina tayong inaanyayahan ng Panginoong maging katambal Niya sa


pagtupad ng Kanyang plano. Dahil sa ating mga kahinaan, ipanalangin
natin ang Kanyang tulong sa atin at sa mga mahal natin.

Komentaytor: (Ang ating itutugon sa bawat panalangin )

PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN

NAMUMUNO
1. Para sa mga namumuno ng Simbahan, lubos nawa silang manalig sa Diyos,
lalo na sa harap ng pagsubok at maging laging tapat sa Kanya. Manalangin
tayo sa Panginoon.
2. Para sa mga namumuno sa ating bansa, sila nawa ay makapagbalak ng mga
gawaing ganap na alinsunod sa mga utos at plano ng Diyos. Manalangin
tayo sa Panginoon.
3. Para sa ating mga kabataan, makapagplano nawa sila para sa kanilang
kinabukasan alinsunod sa kalooban ng Diyos, sa tulong ng dasal at payo ng
mga magulang, kaibigan at kamag-anak. Manalangin tayo sa Panginoon.
4. Para sa mga nagdurusa, makatagpo nawa sila ng kailangan nilang lakas para
sa pag-ayon sa plano ng Diyos para sa kanila, sa pakikiisa ng kanilang mga
kamag-anak at mga kaibigan. Manalangin tayo sa Panginoon.
5. Para sa ating mga mahal sa buhay na yumao, makamtan nawa nila ang
ipinangakong buhay na walang hanggan. Manalangin tayo sa Panginoon.

PARI : Panginoong Diyos, biyayaan Mo kaming tumulad sa halimbawa ni Hesus


na masunurin Mong Anak at gawin Mong tapat na kasangkapan ng Iyong
plano ang aming buhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman

You might also like