You are on page 1of 1

PANALANGIN NG BAYAN ( Lunes, Disyembre 19, 2022 )

Ika-limang Araw ng Simbang Gabi

PARI : Pinasisigla ng hangarin ng Panginoon sa ating kabutihan, tayo’y dumulog


ngayon sa Kanya kasama ng ating mga kahilingan.

Komentaytor: (Ang ating itutugon sa bawat panalangin )

PANGINOON, NANANALIG KAMI SA IYO

NAMUMUNO:

1. Ang mga namumuno ng Simbahan, nawa maging inspirasyon sa lahat ang


kanilang halimbawa ng katapatan at bukas-palad na paglilingkod sa
sambayanan. Manalangin tayo sa Panginoon.

2. Ang mga namumuno sa ating bansa, sila nawa ay magkamit ng karunungang


magbubuklod sa pagkakaisa at pag-unlad ng mga mamamayan. Manalangin
tayo sa Panginoon.

3. Ang mga matatanda sa ating mga mag-anak at pamayanan, nawa ay patuloy


silang maghandog ng karunungan at panalangin at kailanman ay di mag-
alinlangan sa tanging pagmamahal sa kanila ng Diyos. Manalangin tayo sa
Panginoon.

4. Ang mga nagdurusa at maysakit, nawa ang biyaya ng ganap na kagalingan at


pag-asa ay makamtan nila. Manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang ating mga mahal sa buhay na yumao, makamtan nawa nila ang walang
hanggang kapahingahan sa piling ng Poong Diyos. Manalangin tayo sa
Panginoon.

PARI : Panginoon, buksan Mo ang aming mga puso sa pagtanggap sa Iyong Salita
nang buong pananalig, bukas-palad at naniniwalang hangad Mo ang aming
kabutihan at walang imposible sa Iyo. Isinasamo namin ito sa
pamamagitan
ni Kristong aming Panginoon.

LAHAT: AMEN

You might also like