You are on page 1of 5

6 NA SUSI SA TOTOONG PAG-SAMBA

1. Ang pag-samba ay hindi tungkol sa kung ano ang


makukuha mo sa sambahan.
2. Ang pag-samba ay tungkol sa Diyos.
Una. Nasa loob tayo ng church hindi para
tumanggap. Kundi mag bigay.
1 Cronica 16:29
Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang
marapat sa kaniyang pangalan; Mangagdala kayo ng
handog, at magsiparoon kayo sa harap niya; Inyong
sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan.

Ang pagsamba ay alay natin sa Diyos


Hebreo 13:15-16
Kaya't lagi tayong mag-alay ng papuri bilang
15

handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring


mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating
pagkilala sa kanyang pangalan. 16 At huwag nating
kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa
kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng
Diyos.
Pagsuko. Kailangan makilala kung sino Siya at
tumugon ayon sa Kanyang kalooban.

Pag aalay ng pagsamba sa pamamagitan ng pag sunod


kagaya ni Abraham. kahit hindi niya alam kung saan
s’ya nito dadalhin, pero dahil kilala niya ang Diyos,
madali siyang sumusunod. Alam ni Abraham na ang
Diyos na lumikha ng lahat ng bagay ay marapat na
alayan ng pagsamba sa pamamagitan ng kaniyang
pagsunod.

Pangalawa. Ang pagsamba ay pagbibigay ng


kaluwalhatian sa Diyos. HINDI sa tao.
Ang pagsamba ay patungkol sa Diyos na ang
layunin ay maitaas at mapapurihan Siya. Atensyon at
Pag-galang.

Awit 95:6-7
6
Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at
magsiyukod; Tayo'y magsiluhod sa harap ng
Panginoon na May-lalang sa atin. 7 Sapagka't siya'y
ating Dios, At tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at
mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong
didinggin ang kaniyang tinig!

Awit 96:8
8
Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol
sa kaniyang pangalan;
Kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa
kaniyang mga looban.

3. Ang pagka-makasarili ay nakakasira ng pagsamba.


HINDI IKAW/AKO ANG SENTRO NG
PAGSAMBA.
Dapat ang Diyos ang malugod sa mga handog na
papuri ng mga praise team, pastor, mga nagbibigay ng
mensahe. Hindi ikaw o ako.
Hindi pumapasok sa ating isipan ang mga
mensahe ng pastor o nagbibigay ng mensahe dahil ang
focus natin ay ang ating sarili, hindi kung paano natin
mapapapurihan ang Diyos.
ANG TOTOONG FOCUS AY NASA DIYOS.
Ang totoong pagsamba ay ikaw ang performer at
ang worship leader at pastor ay mga director at ang
Diyos ang audience.

4. Ikaw ang magdedesisyon sa sarili mo kung sasamba


ka o hindi.
Lucas 10:41-42
Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha,
41

Martha, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming


bagay, 42 ngunit iisa lamang ang kailangan. Pinili ni
Maria ang mabuti at ito'y hindi aalisin sa kanya.”

Ikaw ang pipili kung ano ang iyong prayoridad.

Tandaan mo, ang paglilingkod sa Diyos ay bunga


ng iyong totoong pagsamba sa Kaniya at hindi
kabaligtaran. Maglilingkod ako dahil sinasamba ko
Siya.

5. Ang “Pagsamba” ay salitang gawa.

Ito ay isang bagay na ginagawa mo at hindi


ginagawa ng iba para sa’yo.
Kahit na ang isang simabahan ay walang pastor o
may humalili na tagapagsalita na medyo nabubulol ay
pwede ka pa din magpakumbaba sa harap ng Diyos at
sumamba.
ANG HINDI PWEDENG GAWIN: Sisihin ang
pastor o tagapagsalita dahil boring at sisihin ang
kumakanta dahil sintunado.

IKAW ANG MAY RESPONSIBILIDAD SA IYONG


PAGSAMBA.

Inaasahan ng Diyos na ibibigay mo ang best mo sa


kanya.

Awit 29:2
“Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan,
sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan.”

Tinitingnan muna ng Diyos ang naghahandog


bago ang handog. Ang pagbibigay ng trabahong
pwede na ay repleksyon ng kondisyong ng puso mo.

6. Ang pagsamba ay ang ating buong pamumuhay at


ito ay hindi isang beses lamang ginagawa sa isang
linggo.

Ang pagsamba ay pagpili ng mga bagay na


nagbibigay ng kaluguran sa Kaniya sa bawat sandali
ng iyong buhay. Pag pinili mo na sundin Siya ay
sumasamba ka sa Kaniya ng buong puso.
Roma 12:1
12 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa
masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap
sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang
handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito
ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

Gawa 2:42, 46-47

42
Inilaan nila ang kanilang mga sarili upang matuto sa
turo ng mga apostol, magsama-sama bilang
magkakapatid, magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at
manalangin. 46 Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa
Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang
mga tahanan, na masaya at may malinis na
kalooban. 47 Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan
sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa
kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.

1. Ang pag-samba ay hindi tungkol sa kung ano ang


makukuha mo sa sambahan.
2. Ang pag-samba ay tungkol sa Diyos.
3. Ang pagka-makasarili ay nakakasira ng pagsamba.
4. Ikaw ang magdedesisyon sa sarili mo kung sasamba
ka o hindi.
5. Ang “Pagsamba” ay salitang gawa.
6. Ang pagsamba ay ang ating buong pamumuhay at
ito ay hindi isang beses lamang ginagawa sa isang
linggo.

You might also like