You are on page 1of 8

BIYERNES SA IKA-19 LINGGO

SA KARANIWANG PANAHON
PANIMULA
Matapos ang pananalangin ng Rosaryo at ng Nobena
tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.
Babasahin ng namumuno ang sumusunod:

Namumuno Magandang hapon po sa ating lahat, Ngayon


ay nagdiriwang tayo ng Biyernes sa
Ikalabing-siyam na Linggo sa Karaniwang
panahon.

Ang nais lang ipunto ng Ebanghelyo sa ating


buhay-Kristiyano ay maging maayos at
matapat ang relasyon sa isa’t isa. Dapat
tingan muna ng magkasintahan kung
magiging wasto ang kanilang sibil at
espirituwal na pagsasama. At ang bawat
pangako na binibigkas sa kasal ay kailangan
wagas, at ang pamilyang ibubuo ay dapat
ipatatag at ippagmalaki nang maayos. Kaya
sa ating pamumuhay sa daang ito, nawa’y
maging matatag, mabuti, at maayos ang

1
bawat relasyon ayon sa mga mata ng Diyos at
sa tamang landas ng pamumuhay.

ANTIPONA
Isaalang-alang mo, Panginoon, ang iyong tipan, at huwag
limutin kaliman ang mga nagdurusa. Bumangon ka, O
Diyos, iyog ipagsanggalang sa iyong usapin at huwag
limutin ang hiyawan ng iyong mga kalaban.
-Salmo 73:20; 19, 222, 23

Magsitayo ang lahat.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono Manalangin Tayo.
O makapangyarihang Diyos, ikaw ay buong
giliw naming tinatawag na Ama. Loobin mong
mabuhay kami bilang mga anak mo sa isip at
damdamin upang matamo ang pamanang
walang hanggan.

Alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong


Panginoon namin, nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen.
Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.
PAGBASA |Josue 23:1-13|
Tagabasa Pagbasa mula sa aklat ni Josue.

Noong mga araw na iyon, tinipon ni Josue sa Siquem ang


lahat ng lipi. Pagkatapos, tinawag niya ang matatanda, ang
mga hukom, ang mga pinuno at mga tagapangasiwa sa
Israel, at sila’y humarap sa Panginoon. Sinabi niya: “Ito
2
ang ipinasasabi sa inyo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel:
‘Noong una, ang inyong mga ninuno ay nakatira sa kabila
ng Ilog Eufrates. Isa sa mga ito si Tare na ama ni Abraham
at ni Nacor. Sumasamba sila sa ibang diyus-diyusan.
Tinawag ko si Abraham buhat sa lupaing iyon at dinala ko
siya at pinatnubayan sa buong kalawakan ng Canaan.
Pinagkalooban ko siya ng maraming inanak at inapo.
Naging anak niya si Isaac, at naging anak naman nito si
Esau at si Jacob. Ibinigay ko kay Esau ang kaburulan ng
Seir bilang bahagi niya. Ngunit si Jacob at ang kanyang
mga anak ay nagpunta sa Egipto. Sinugo ko si Moises at si
Aaron, at sa tulong ng mga himala’y pinahirapan ko nang
katakut-takot ang mga Egipcio. Sa gayong paraan ay
hinango ko kayo roon. Inilabas ko sa Egipto ang inyong
mga ninuno at nakarating sa Dagat ng mga Tambo.
Hinabol sila ng mga Egipcio at itinaboy papunta sa dagat.
Ang inyong mga ninuno’y nanalangin sa akin, at pinalatag
ko ang dilim sa pagitan nila at ng mga Egipcio. Pinaguho
ko sa mga ito ang nahating dagat at sila’y natabunan ng
tubig. Nasaksihan ninyo ang mga ginawa ko sa mga
Egipcio. At matagal kayong nanirahan sa ilang.

“Pagkatapos, dinala ko kayo sa lupain ng mga Amorreo sa


silangan ng Jordan. Binaka nila kayo, at pinapagtagumpay
ko kayo sa kanila. Pinuksa ko sila at nasakop ninyo ang
kanilang lupain. Nilabanan kayo ng hari ng Moab, ni Balac
na anak ni Zipor at sinugo niya si Balaam na anak ni Beor
upang sumpain kayo. Ngunit hindi ko dininig si Balaam, sa
halip pinagpala niya kayo. Sa gayun, iniligtas ko kayo sa
kamay ni Balac. Tumawid ako ng Jordan at sumapit sa
Jerico. Nilabanan kayo ng mga taga-Jerico at ng mga
Amorreo, Perezeo, Cananeo, Heteo, Gergeseo, Heveo, at
Jebuseo. At sila’y nalupig ninyo sa tulong ko. Ipinasalakay
3
ko sa mga pukyutan ang dalawang haring Amorreo at
pinalayas ko sila bago kayo dumating. Walang kinalaman
sa pangyayaring iyon ang inyong mga tabak at pana.
Binigyan ko kayo ng lupaing hindi ninyo binungkal.
Pinatira ko kayo sa mga bayang hindi kayo ang nagtayo.
Kumakain kayo ngayon ng ubas at olibo na galing sa mga
punong hindi kayo ang nagtanim.’”

Tagabasa Ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN |Salmo 135|


Ang pag-ibig ng Maykapal
ay tunay na walang hanggan.

Namumuno O pasalamatan ang Panginoong Diyos


pagkat s’ya’y mabuti, ang kanyang pag-
ibig ay pangwalang-hanggan at
mananatili. Pinakadakilang Diyos ng mga
diyos ay pasalamatan, ang pag-ibig niya
ay mananatili at pangwalang-hanggan.
Makapangyarihang higit kaninuman itong
Panginoon, ang kanyang pag-ibig ay
mamamalaging panghabang-panahon.
TUGON.

Namumuno Nang mailabas na’y siya ang kasama


habang nasa ilang, ang kanyang pag-ibig
ay mananatili at pangwalang-hanggan.
Pinagpapatay n’ya yaong mga haring may
kapangyarihan, ang pag-ibig niya ay
mananatili at pangwalang-hanggan.
Maging mga haring bantog noong una ay
4
kanyang pinatay, ang kanyang pag-ibig ay
hindi kukupas at pangwalang-hanggan.
TUGON.

Namumuno Ang lupain nila’y ipinamahagi sa kanyang


hinirang, ang pag-ibig ng Diyos ay
mananatili at pangwalang-hanggan.
Ipinamahagi niya sa Israel, kanyang mga
lingkod, hindi kumukupas at mananatili
ang pag-ibig ng Diyos. Nang tayo’y
masakop ng mga kaaway, pinalaya tayo,
ang kanyang pag-ibig ay mananatili, hindi
magbabago. HULING TUGON.

Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.


EBANGHELYO | Mateo 19:3-12 |
Aleluya! Aleluya! Tanggapin n’yo ang salita na di sa tao
nagmula kundi sa D’yos na dakila. Aleluya! Aleluya!
- 1 Tesalonica 2:13

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Mateo.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

Kung may insenso, magsusuob nito.

Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay


Hesus at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong
na ito: “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki

5
ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?” Sumagot
si Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulutan na sa
pasimula’y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At
sinabi, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina,
at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging
isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama
ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Tinanong siya ng
mga Pariseo, “Bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki
ang kanyang asawa ng kasulatan sa paghihiwalay bago
hiwalayan iyon?” Sumagot si Hesus, “Dahil sa katigasan ng
inyong ulo kaya ipinahintulot ni Moises na hiwalayan
ninyo ang inyong asawa. Subalit hindi gayun sa pasimula.
Kaya sinasabi ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa
kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at
mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. At ang mag-asawa sa
babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin.”

Sinabi ng mga alagad, “Kung ganyan po ang kalagayan ng


lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-
asawa.” Sumagot si Hesus, “Hindi lahat ay makatatanggap
ng simulaing iyan kundi yaon lamang pinagkalooban ng
Diyos. Sapagkat may iba’t ibang dahilan kung bakit may
mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan, dahil sa
kanilang katutubong kalagayan; ang iba, dahil sa
kagagawan ng ibang tao ay nagkagayon sila; mayroon
namang hindi nag-aasawa alang-alang sa ikauunlad ng
paghahari ng Diyos. Ang makatatanggap ng simulaing ito
ay tumanggap nito.”

Pagkatapos sabihin ni Hesus ang mga bagay na ito, siya’y


umalis sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila
ng Ilog Jordan.

6
Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!
Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.
Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng
Banal na Eukaristiya.

PANALANGIN NG BAYAN
Pari Nakikilahok sa paglikha ng Diyos ng bagong
buhay ang mga asawa at maybahay. Ialay
natin ang ating mga panalangin ngayon para
sa mga magulang at mga anak. Panginoon,
punuin mo ng iyong pag-ibig ang aming
mga tahanan.

Namumuno Ang Simbahan nawa’y tunay na maituro sa


kanyang mga miyembro ang totoong dangal
ng kasal at tulungan ang mga mag-asawa na
manatiling magkasama sa banal nilang buhay
may-asawa, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, punuin mo ng iyong pag-ibig
ang aming mga tahanan.

Namumuno Ang mga pinuno ng gobyerno at mga


mambabatas nawa’y magpatupad ng mga
batas at tuntunin na nagtatatag ng tahanan at
hindi sumisira nito, manalangin tayo sa
Panginoon. Panginoon, punuin mo ng iyong
pag-ibig ang aming mga tahanan.

Namumuno Ang mga dumaranas ng mga pagsubok sa


kanilang buhay may-asawa nawa’y
makatanggap ng biyaya na makapagsumikap
isabuhay ang kanilang mga pangako,
7
manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon,
punuin mo ng iyong pag-ibig ang aming
mga tahanan.

Namumuno Ang mga pamilyang nasira dahil sa diborsyo


at paghihiwalay nawa’y makatagpo ng
suporta at pang-unawa sa kanilang kapwa
tao sa kanilang komunidad, manalangin tayo
sa Panginoon. Panginoon, punuin mo ng
iyong pag-ibig ang aming mga tahanan.

Namumuno Ang mga yumao nating mga kamag-anak at


kaibigan nawa’y magtamo ng kaligayahan at
kapayapaan sa walang hanggang tahanan ng
Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, punuin mo ng iyong pag-ibig
ang aming mga tahanan.

Namumuno Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling


mga kahilingan. (Tumigil sandali.)

Maglaan ng sandaling katahimikan.


Pari: Manalangin tayo.
Diyos ng pag-ibig, nilikha mo kaming lalaki at
babae upang ipagpatuloy ang iyong gawaing
lumikha. Ang pagmamahal namin sa isa’t isa
nawa’y sumalamin sa iyong pananahan sa
aming buhay. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.

You might also like