You are on page 1of 3

Ang Matututuhan Natin sa Dalawang Haligi

INTRODUCTION

Ipagpalagay na mayroon kang kailangan na sagutin na exam o pagsusulit.


Kapag naipasa mo ito, makaka-graduate ka. Kapag hindi, sorry na lang.
Ang good news, yung mga topic sa exam na iyon, napag-aralan mo na nung
nakaraang taon. Ibig sabihin, sariwa pa sa isip mo yung mga konsepto roon.
Ito ngayon ang tanong: magrereview ka pa ba?
Hindi ba kahit na alam na alam mo na yung i-e-exam mo, babalikan mo pa rin
yung mga binasang mong mga libro mula sa mga propesyonal, aalalahanin yung mga
itinuro ng mga eksperto mong guro mula sa mga notebook na sinulatan mo, at hindi
lubusang aasa sa sarili mong kakayahan?

BODY

Noong panahon nila Haring Solomon, gusto rin ng Diyos na Jehova na ipaalala
sa kaniyang mga lingkod ang makasagisag na pundasyon ng kaniyang mga prinsipyo.
Ipinakita niya ito sa pamamagitan ng dalawang malalaking haligi sa kaniya
mismong templo. Para mas maintindihan. alamin natin ang mga sukat nito.
[Basahin ang 1 Hari 7:15]. Upang mai-visualize ng mas mabuti, puwede nating
tignan ang unang larawan sa ating workbook.
Ang dalawang haligi na ito ay punong-puno ng tanso. Masasabi nga natin na
halos purong tanso ang ginamit upang maigawa ito. Binanggit pa nga na nakakalula
ang dami ng tanso na ginamit para gawin ito. Talagang hindi tinipid ni Haring Solomon
ang materyales sa pagbuo nito. Bakit? Dahil ito ang mga naging pundasyon ng templo
ni Jehova, at, ang resulta? Naging napakatibay nito.

Kamusta ka naman? Gaano ka-tibay ang iyong “pundasyon” sa mga prinsipyo ng


Diyos na Jehova? Punong-puno ba ito ng “tanso” o hinahaluan natin ng ibang mga
materyales upang makatipid?
Kapag napapaharap ba tayo sa mga problema, ginagamit ba natin ang mga
natutunan natin sa Bibliya o hinahaluaan natin ng mga payo ng mga sanlibutan?
Mas mabuti kung mag-iingat tayo rito.
Maganda rin kung lagi nating aalalahanin ang ibig sabihin ng mga haligi sa
templo.
[Basahin ang 1 Hari 7:21].
Ayon sa reperensya, ang ibig sabihin ng Boaz ay “Sa Lakas”. Habang ang Jakin
naman ay “Itatag Nawa [ni Jehova] Nang Matibay.”
Ito ay nagsisilbing paalala sa mga pumapasok sa templo dahil mababasa nila sa
mga haligi na “Itatag nawa [ni Jehova] nang matibay [ang templo] sa lakas.’
Dahil sa ating di-kasakdalan, tayo ay nakakalimot. Sa kasamaang-palad,
madalas ang nakakalimutan natin ay ang mga nagawa na sa atin ng Diyos na Jehova
sa mga panahon kung kailan tayo ay nangangailangan.
Mabuti nalang, simple lang ang solusyon dito. Sabi nga nila, ang gamot lamang
sa pagkakalimot ay paalala.
Kung kaya katulad ng dalawang haligi sa templo noon ni Jehova, napakabuting
ipaalala sa ating sarili ang kaniyang lakas sa pamamagitan ng palaging pagbabasa at
pagbubulay-bulay ng Bibliya.
Bilang karagdagan na punto, [Basahin natin ang cross-reference sa Awit
127:1].
Oo, ang Diyos na Jehova ay laging tumutulong sa kaniyang mga lingkod lalong-
lalo na sa mga laging nanghihingi. Kaya lahat ng mga matitibay na mga kapatid ay
laging inaalala na si Jehova ang nasa likod ng lahat ng kanilang buhay at lakas.
Kapag inaasa natin sa Diyos na Jehova ang mga hamon sa buhay…ang tawag
doon ay tiwala;
Kapag lagi mo ito ginagawa – kapag lagi kang nananatiling gising, matapang,
at malakas – sa harap ng mga pagsubok…ang tawag doon ay pananampalataya [1
Corinto 16:13].
Kaya tulad ng nakalagay sa workbook, mabuting itanong ang ating sarili: “Paano
ko ipinapakitang umaasa ako kay Jehova?”

CONCLUSION
Bilang pagtatapos sa bahaging ito, pakisuyong tignan natin yung larawan sa
ating workbook. Makikita natin yung isang babae na napangaralan siya ng isang
kapatid. Ngayon habang nag-aaral siya napansin niya na mayroon siyang mga
kailangang baguhin sa buhay upang paglingkuran ang Diyos na Jehova.
Nang maharap ba siya sa hamon na ito, inisip ba niya na, “Ah hindi ko naman
siguro kailangan talagang iwan ang paninigarilyo at yung iba ko pang mga libangan kasi
wala naman akong tinatapakan na tao.”?
Hindi. Tuluyan niyang inabandona ito upang ialay ang sarili niya sa Diyos na
Jehova.
Katulad ng nakalagay sa 1 Hari 7:15, “purong tanso” ang inilagay niya bilang
pundasyon pagdating sa mga pamantayan sa buhay at ang purong tanso na ito ay
walang iba kundi ang mga prinsipyo ni Jehova.
Gaya ng nabanggit natin kanina kung saan kapag may exam na nakasalalay ang
pag-graduate mo ay hindi mo ipapaubaya sa sarili mong stock knowledge, hindi rin
natin puwedeng iasa sa sarili nating kaalaman o sa kaalaman ng sanlibutan ang
pagharap ng mga hamon sa buhay dahil ang nakasalalay naman dito ay buhay o
kamatayan.
Kaya patuloy na manampalataya kay Jehova, sa kaniyang mga pundasyon,
at sa mga haligi na nagpapakita ng kaniyang lakas.

You might also like