You are on page 1of 4

MGA KASABIHAN

1. “Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,


Tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.”

Ang lahat ng mangayayari sa sarili nating buhay ay dulot ng ating sariling desisyon, kung ikaw ay
umangat dahil ito sa walang tigil na pagkayod at pagpupursigi. Ngunit, kung ikaw ay pumaibaba ay huwag
maninisi ng ibang tao. Ang ibang tao ang magiging ambag lang sa magiging desisyon mo, ngunit sa huli ay
ikaw pa rin ang pipili ng kapalaran mo. Ikaw, patungo ka ba sa kaayusan o kaguluhan?

2. “Ang tao na walang pilak,


Parang ibong walang pakpak.”

Ang isang ibon na walang pakpak ay walang kakayahang lumipad. Kung ito ay ihahalintulad natin sa
buhay ito ay walang kakayahang umasenso. Sa ating lipunan, ang mga salat sa salapi ay inaapi. Mayroong
malaking pagitan at harang sa pagitan ng nakaaangat at nasa laylayan. Sa panahon ngayon, salapi na ang
nagapapatakbo ng halos lahat ng bagay. Kung wala kang pera, mababa ang tyansa na ikaw ay aasenso.
Ngunit, ang kalagayan na ito ay gawin nating inspirasyon upang tayo ay lalong magpursigi.

3. “Bago ka bumati sa ibang uling,


Pahirin mo muna ang iyong uling.”

Lahat ng tao ay mayroong kapintasan, maging ang mga kilalang personalidad. Dahil dito, igalang
natin ang sari-sariling pagkakaiba. Isipin natin na walang perpektong tao. Kung tayo ay manghuhusga,
marapat lamang na tingnan muna natin ang sarili nating kapintasan. Maaring ang ipinipintas natin sa ibang
tao ay tinataglay rin natin sa ating sarili. Maiuugnay ito sa isa pang kasabihan na “ang magnanakaw ay
galit sa kapwa niya magnanakaw.”
4. “Kapag ang ilog ay matahimik,
Asahan mo at malalim.”

Ang mga taong hindi masalita ay pinag-iisipan muna ang kaniyang mga sasabihin. Sa panahon ng
alitan, hindi pagiging duwag ang pagpili na manahimik na lamang. Ito ay tanda na tinitimbang mo ang mga
pwedeng kahantungan ng mga sasabihin mo. Ugaliin na pumili ng tamang mga salita upang maiwasan o
hindi na lumala pa ang alitan.

5. “Ang isip ay parang itak,


Sa hasa tumatalas.”

Ang kakayahan ng isang tao ay huhusay lamang sa pamamagitan ng paghasa rito. Ang itak man
kung hindi ginagamit ay pupurol at kakalawangin. Sa larangan ng edukasyon, mayroong mga mag-aaral na
mabilis umintindi ng mga aralin at meron din naming hindi. Ngunit, kung ito ay pagtutuunan ng pansin,
kung aaralin lamang ng higit pa sa oras na inilaan ng mga mabilis umintindi, darating ang panahon na
magiging pantay na ang kani-kanilang kakayahan.

MGA SALAWIKAIN

1. “Malaking puno,
Ngunit walang lilim.”

Sa isang lipunan, hindi mawawala ang mga taong mayroong higit pa sa sapat ang tinatamasa.
Maihahalintulad ito sa isang puno na walang lilim. Marami siyang pwedeng ibahagi sa iba ngunit mas
pinipili na sarilinin. Ang anumang bagay na nasa atin ay walang pakinabang kung ito ay walang
matutulungan. Huwag nating sayangin ang magandang maidudulot ng pagbabahagi ng kung anuman ang
meron tayo.
2. “Sabihin mo kung sino ang mga kaibigan mo,
Sasabihin ko ang iyong pagakatao.”

Kung anong ugali na mayroon ang iyong kaibigan ay ganon din ang iyong magiging ugali. Kaya’t
hanggat maari ay pumili tayo ng mga kaibigan na kapakipakinabang, nang sa gayon tayo ay maging isa ring
kapakipakinabang na indibidwal. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masasabing tama ang salawikain na ito
dahil mayroong mga tao na hindi basta-basta nagpapadala sa udyok ng iba. Gayunpaman ito sana ay
maging paalaala upang maiwasan ang maling pagpili ng kakaibiganin.

3. “Ang bakal ay nasisira ng sarili nitong kalawang.”

Ang pagkalugmok ng isang tao ay dulot ng sarili niyang pagkakamali. Tayo ang gumagawa ng sarili
nating kapalaran. Ang bawat desisyon na ating gagawin ay mayroong magiging resulta, maaaring mabuti
o masama. Kapag ang tao ay mayroong kaalitan, ang sarili niyang galit ang magpapahamak sa kanya. Kung
kaya’t umiwas sa mga bagay na makapagdudulot ng kapahamakan sa sarili maging sa ibang tao.

4. “Ang unggoy balutin man ng ginto,


Hayop at unggoy pa rin ang asal nito.”

Ang tao na mayroong hindi magandang asal, kahit na ito ay magbihis pa ng samut-saring alahas
ay mananatili pa rin ang ganoong asal. Mayroong pagkakataon na kahit sabihin na nagbago na ang isang
tao ay mananatili sa isip ng mga taong nakapaligid sa kanya ang kaisipan na hindi maganda ang asal nito.
Gayunpaman, manatiling nasa katuwiran at maging huwaran.

5. “Ang oras ay ginto.”

Ang oras ay isang konsepto na nagsasaad ng panahon o pangyayari. Kapag ito ay lumipas, hindi na ito
maaaring ibalik pa. Huwag nating sayangin ang bawat oras na lumilipas. Bawat segundo ay mahalaga.
Gamitin natin ito sa makabuluhang bagay.
MGA SAWIKAIN

1. “Bantay salakay”

Kasingkahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan.

2. “Ibaon sa hukay.”

Kasingkahulugan: kalimutan.

3. “Tinik sa lalamunan.”

Kasingkahulugan: hadlang o balakid.

4. “Magdilang anghel.”

Kasingkahulugan: magkatotoo sana ang sinabi.

5. “Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.”

Kasingkahulugan: hindi totoo ang sinabi.

You might also like