You are on page 1of 13

DISKRIMINASYON

SA

MANGGAGAWA

CAMILLE LIBREA
BSCS 2G (N)

MGA NILALAMAN

Titulo ng Pahina I

Dedikasyon II
Pasasalamat III

Depinasyon nang Terminolohiya IV

Panimula

Diskriminasyon sa Manggagawa

Simula

Gitna

Wakas

Konklusyon

Reaksyon

Bibliograpiya

Dedikasyon

Para sa mga Tao (Manggagawa)


Ang aklat na ito ay sa mga tao na sadyang inihanda upang mabigyan

ng makabuluhan at kawili wiling pagsasanay ang mga naghahanapbuhay.

Layunin nito ay malinang ng mga tao ang kanilang kasanayan at kakayahan.

Inaasahan na huhubugin ang kakayahan ng bawat isa upang maging

handa sila sa susunod na antas at tungo sa mas malawak pang Gawain.

- May

Akda

Pasasalamat
Ang tukulin na maitaguyod nang maayos at matagumpay kundi man

marangal na paghahanapbuhay.

Sa kabila ng kahirapan ng panahon at halos kawalan ng hanapbuhay

ng karamihan ginawa po naming ang aming makakaya upang magampanan

ang gawaing inilalatag sa amin.kamiy lumapit sa mga taong alam naming

hindi pagkakait ng kanilang tulong; kung kayat sa pagtaas ng demand sa

pagdami ng mga empleyado na nabibigyan natin ng kinabukasan sa pang

araw na pamumuhay.

Maraming pong Salamat!

Depinisyon ng Terminilohiya
Age Discrimination hindi nabibigyan ng oportunidad sa kadahilanang

hindi na kayang gampanan ang mga gawain batay sa kanyang edad.

Disabilidad ito ay itinuturing na diskrimasyon dahil sa unang impresyon

pa lang nakabatay ang mga tao sayo. Kapag may kulang na agad na parte

ng katawan o may kapansanan ka hindi ka makakapasok sa trabaho.

The Nature of Prejudice hindi siya kaagad makakapagdesisyon dahil siya

ay nakabatay sa kanyang haka-haka tungkol sa iyong katayuan sa pamilya.

Pride ito ay hindi lamang regular na pag-uugali sapagkat nagiging matigas

ang mga tao dahil lamang sa isang pagkakamali, hindi nilang naiisip ang

posibleng mangyare kapag ito ay pinatagal pa.

Panimula
Sa panahon ngayon ay napakarami ng tao na nabibilang sa

unemployed o age discrimination sa ating lipunan. Marahil ay isa na nga

itong senyales na tanggap nang ating mga kapwa mamayan ang pagiging

grupo ng tambay sa kanto, walang ambisyon sa buhay at nagpadalos- dalos

sa desisyon.

Nandiyan din yung korupsyon may mga nakaupo kasi sa gobyerno na

inaabuso ang kanilang kapangyarihan, nagnanakaw sa kaban ng bayan. Yung

pagtakbo sa eleksyon, pagnanakaw lang pala ng intensyon. Kaya tuloy ang

mayayaman, lalong yumayaman, ang mahihirap lalong naghihirap dahil sa

ganitong klase na nahirang na mga opisyales.

Hindi lingid sa ating kaalaman ang pangungutya at diskriminasyon sa

mga taong nabibilang dito yaong mga indibidwal na lantaran ang

pagkadisgusto sa kanila.

DISKRIMINASYON SA MGA MANGGAWA


Diskriminasyon

Ang diskriminasyon ay ang pagtrato ng masama sa isang tao o grupo.

Maari rin itong katulad ng paghihiganti sa kapwa. Dahil dito napipilit,

nabibigyan ng maling kahulugan, o ipinagwawalng bahala pa nga ng mga tao

ang mga katotohanang salungat sa kanilang mga opinyon.

Lahat ng tao ay pantay pantay sa mata ng diyos. Subalit sa kabila

nito, laganap parin and diskriminasyon sa buong daigdig. Nakakalungkot

mang isipin ang katotohanang ito ay hindi lamang nagpapatunay na

napakasama ng panahong kinabubuhayan natin kundi ipinapakita rin nito na

talagang hindi perpekto ang tao.

Mga dahilan kung bakit may Diskriminasyon.

Istado ng Pamilya

Uri ng Pamumuhay

Kapansanan

Rehiliyon

Kulay

Kasarian

Edad

Lugar ng Pinagmulan
Itsura

Pride

Istado ng Pamilya

Inilalarawan ng Alituntunin ang Katayuan ng Pamilya bilang pagiging

isang relasyon ng magulang at bata. Itoy maaari rin naangangahulugang

isang uri ng relasyon ng magulang at bata na maaring hindi batay sa dugo

o pag ampon, pero batay sa pangangalaga, pananagutan, at pangako. Ang

ilan sa mga halimbawa ay ang pangangalaga ng mga magulang sa mga bata

(sa pamamagitan ng pag ampon, anak anakan, at amain/inahin),

pangangalaga ng mga tao para sa mga tumatanda magulang o mga

kamaag-anak na may mga kapansanan, at mga pamilya na pinamumunuan

ng mga lesbian, bakla, bisexual o transgendered na mga tao.

Kapansanan

Ipinagbabawal ang diskriminasyong pangtrabaho kung nakabatay ito

sa kapansanan (Disability). Tinutukoy ng diskriminasyon ang di

magkapantay-pantay o hindi makatarungang pagtratong kaugnay sa pag-

upa, pagtitiwalag, o pagtaas sa ranggo ng may kapansanan. Bawal ang

diskriminasyon laban sa mga may kapansanang tao kung kaya nila nag mga
tungkuling pang trabaho. Halimbawa, kung kaya ninyo ang lahat ng mga

tungkulin ng isang trabaho pero hindi kaya inupahan ng isang kumpanya

dahil lang sa inyong pag gamit ng upuan de gulong, itinuturing na

diskriminasyon na iyan.

Relihiyon

Ganito ang sabi sa The Nature of Prejudice Kahindik hindik ang

laging ibinubunga kapag ginagamit ng mga tao ang kanilang relihiyon para

bigyang katuwiran ang (makasariling tunguhin) at pansariling interes ng

isang grupong etniko. Sa ganiyong sitwasyon nababahiran ng diskriminasyon

ang relihiyon , Ayon sa aklat din iyon, ang lalo nang kapansin pansin ay kung

paanong ang maraming relihiyosong tao na dating maka diyos ay biglang

magtatangi. Ang simbahan na para lang sa isang partikular na lahi, ang

pagkakapootan at karahasan sa pagitan ng mga sekta, at ang terorismong

ginagawa sa ngalan ng relihiyon ay katibayan na totoo ang pananalitang

iyon.

Kulay / Kasarian / Edad

Ang diskriminasyong ito ay ipinagbabawal kung nakabatay sa kulay,

kasarian o edad. Tinutukoy ng diskriminasyon ang hindi magkapantay

pantay sa nasabing katangian o pagtaas sa ranggo ng mga taong mas

matanda kaysa sa 40 taon. Halimbawa, kung mas mataas ang sahod ng


isang lalaking empleyado kaysa sa sahod ng isang babaeng empleyado kahit

na pare-pareho lang naman ang kanilang trabaho at kung nagtiwalag ang

isang kumpanya ng isang matandang empleyado upang palitan siya ng isang

mas batang empleyado ay itunuturing na itong diskriminasyon.

Lugar ng Pinagmulan at Itsura

Ayon sa aking nabasang diksyunaryo, ang mga nagtataguyod nito ay

naniniwala na nakadepende sa lahi ng pagkatao o kakayahan ng isa at may

isang lahing nakakahigit sa iba, lugar na pinagmulan at itsura. Pero gaya

ng binabanggit sa The World Book Encyclopedia, ang mga mananaliksik ay

wala pang natutuklasang basehan sa siyensiya na magpapatunay sa

gayong pag-aangkin na may isang lahi na nakahihigit sa ina. Ang labis na

kawalang katarungan na itataguyod ng rasismo (lahi), gaya ng sistematikong

pagkakait sa kapwa tao ng kanilang mga karapatan, ay masaklap na

katibayan na batay sa kasinungalingan at maling akala.

Pride
Kung dahil sa pride ay maging mapagmataas ang isa o mayabang, mas

malamang na mauwi ito sa diskriminasyon. Hamilbawa, kapag mataas ang

pride ng isang tao, baka isipin niyang angat siya sa iba o mamaliitin niya ang

iba na mababa ang pinag aralan o mahihirap. Mas madali rin siya maniwala

sa propagandang nag aangat sa kaniya ng bansa o grupong etniko. Para

makuha ang suporta ng mga tao at siraan ang mga itinuturing na naiiba o

hindi kanais nais, itinanim ng mga tusong propagandista, gaya ng diktador

na si Adolf Hitler ng Nazi, sa isip ng mga tao na nakahihigit ang kanilang

bansa o lahi.

Konklusyon

Ang mga biktima ng diskriminasyon ay maaari na magsampa ng

reklamo ng personal o sa pamamagitan nang abogado o isang asosasyon sa

registry ng Civil Court ng lungsod kung saan naninirahan, dala ang mga

katibayang batayan ng hindi tamang pagtrato o aksyon. Maaari ding ibigay

ang mga Statistical datas na sanhi ng diskriminasyon.

Reaksyon

Bilang pag iwas sa diskriminasyon, kailangang kilalahin ng mga

tagapag empleyo, mga tagapagbigay ng serbisyo o may mga may ari ng

lupa at ng publiko ang mga isyu sa mga karapatang pantao batay sa


katayuan ng pamilya. Kung ang kanilang mga pangangailangan ay hindi

kinikilala o sinusuportahan, ang mga tagapa alaga ng pamilya a

karaniwang humaharap ng mga hadlang sa pagkuha ng pabahay mga

trabaho, at serbisyo.

Ang mga tagapag alaga sa pamilya ay protektado rin mula sa

diskriminasyon. Ang proteksiyon na ito ay umaaplay kahit na ang

tagpagbigay alaga ay may kaugnayan.

Bibliographiya

Ang Equal Employment Opportunity Commission U.S. ay isang pederal na ahensiya

na nangangasiwa at nagpapatupad ng mga sibil na batas karapatan laban sa lugar ng

trabaho diskriminasyon. Estados Unidos Kongreso, 2 Hulyo 1965, Washington, D.C.,

Estados Unidos.

Ang RDO (Ordinansa para sa Diskriminasyon sa Lahi) ay isang anti-diskriminasyon

batas pagsasabatas sa Hulyo 2008 upang protektahan ang mga tao laban sa

diskriminasyon, harassment at paninirang sa lupa ng kanilang mga lahi.


Ang Ontario Human Rights Code ay isang batas sa Canada lalawigan ng Ontario na

nagbibigay sa lahat ng tao pantay na karapatan at pagkakataon nang walang

diskriminasyon sa mga tiyak na lugar tulad ng pabahay at mga serbisyo.

You might also like