You are on page 1of 1

Diskriminasyon sa LGBTQ+ Community

Isang mapagpalang umaga sa ating lahat. Bago ko simulan ang talumpating ito ay nais ko
lamang magpakilala sa inyo. Ako po si Christian B. Duque na nais ipabatid o sabihin ang
aking saloobin, opinyon at explinasyon tungkol sa aking napiling paksa.

Ang paksa na aking napili ay diskriminasyon sa LGBTQ+ Community. Dito sa ating


mundong kinagagalawan, bakit ang ikatlong lahi ay hirap nating tanggapin? Diskriminasyon,
panlalait, at pangungutya ang aming natatanggap. Bakit kami ay hirap niyong tanggapin at
bigyang importansya? Bakit? Dahil ba sa kami ay kakaiba? Marahil kakaiba ang aming
pagkilos pero ni minsan ay hindi naiiba ang aming puso at damdamin, sa halip kami pa ang
lubos na mapagmahal, sa pamilya, kaibigan at karelasyon. Kaya’t lubos na ipinagtataka ng
aking pag-iisip kung bakit malayo ang loob ninyo sa mga ito.

Una, salot sa lipunan, salot na kami ay kutyain, salot kung kami ay tratuhin. Lagi nating
pakakatandaan at itatak sa ating isip, na lahat tayo dito sa mundo ay pantay-pantay. Marapat
lamang na pantay ang ating pagtingin at walang mataas o mababa sa mata ng Diyos.
Pangalawa, R.E.S.P.E.T.O. Respeto, na kung saan hindi namin maramdaman tuwing
binabanggit niyo ang salitang “Bakla! Bakla! Paano ka ginawa? Bakla! Bakla! Masunog ka
sa empyerno”. Itong mga salitang ito ang siyang nagpapababa sa amin at higit sa lahat, itong
mga salitang ito ang siyang pumapatay sa amin. Pangatlo, kami ay magsisilbing inspirasyon
dahil kami ay kakaiba. Sapagkat kaya naming maging doctor, maging abogado, maging tatay,
maging nanay o anak. Ito ang paraan upang ipakita namin sa inyo na pagmamahal lang ang
nais namin. Kaya wala kayong karapatan na kami ay husgahan, sapagkat hindi lingid sa aking
kaalaman na ladtaran ang talentong nai-aambag namin dito sa lipunan. At lagi nating itatak sa
ating puso’t isipan na lahat tayo dito sa mundo ay pantay-pantay, marapat lamang na pantay
ang pagtingin mapababae man, lalaki, bakla o lesbian pa iyan. Sapagkat naniniwala ako na
walang intelihenteng tao ang hindi nagkakamali. Huwag tayong mapangmata sa iba at higit sa
lahat, hindi ikaw ang pinakaperpektong tao sa mundo.

Bago magtapos ang araw na ito, nais ko lamang ipahayag sa inyong lahat, kami na
ikatlong lahi, banderang bahaghari ay hindi tutumba. Sa aking pagtatapos, nais ko lamang
ipabatid sa inyo na kung hindi mo kayang mahalin o tanggapin ang katulad naming naiiba,
irespeto mo na lang kami bilang isang tao.

You might also like