You are on page 1of 1

PANGALAN: GENESIS D.

DE NIEVA PETSA: IKA-6 NG DISYEMBRE TAONG 2022


BAITANG AT SEKSIYON: 12 HUMSS-CDUA

TALUMPATI TUNGKOL SA DISKRIMINASYON

Diskriminasyon. Sa paglipas ng panahon, diskriminasyon ay wala pa ring nagiging


solusyon.
Isang salita na walang magandang dulot sa lahat.
Isang salita na ang epekto nito ay hindi maganda sa mga tao.

Kung tatanungin ko kayong lahat ngayon, naranasan niyo na bang maliitin?


Naranasan niyo na bang husgahan? Apihin?
Naranasan niyo na bang makaramdam na parang hindi kayo kabilang?
Na parang inaapi or nilalait kayo dahil hindi at hindi kayo pinipili dahil kung sino kayo.

Diskrimasyon. Bumabase lamang tayo sa panlabas na anyo at hindi sa kakayahan.


Halimbawa na lamang sa patimpalak sa pagandahan, namumukod tangi lagi ang mga
mapuputi at matatangkad.
Ito ay basehan ng katangian ng mga kritiko sa pagpili ng kanilang isasalang.

Diskriminasyon. Minamaliit, hinuhusgahan, sinasaktan, nasasaktan.


Diskriminasyon. Isa ang LGBT community na nakakaranas ng diskriminasyon.
Ito’y isang komunidad na kung saan ipinaglalaban nila ang kanilang karapatan, na kung
saan kung ika’y kabilang sa kanilang komunidad ay wala kang ibang natatanggap kundi
panghuhusga, pang-aapi, at diskriminasyon sa ibang tao.
Ngunit ngayon, marami ng parte ng LGBT community na kayang iwagayway ang
kanilang bandera, na kayang ipaglaban kung sino sila.
Diskriminasyon. Diskriminasyon, na kahit sa pamilya natin ay nakararanas tayo ng
diskriminasyon.

Diskrimasyon na hindi dapat natin linangin


Diskriminasyon na hindi dapat natin ipagmalaki.
Diskriminasyon na kailangan natin wakasan.
Diskriminasyon na kailangan nating labanan.

Walang mabibiktima ng diskriminasyon kung hindi natin ito hahayaang mangyari.


Pakatandaan natin, ikaw, ako, tayong lahat ay hindi perpektong tao.
Maliban na lamang kung ika’y perpektong tao, ngunit nilalang tayo ng Diyos ng iba -iba,
nilalang tayo ng pantay-pantay, nilalang tayo ng Diyos ng may pagkakaiba.
Higit sa lahat, linangin natin ang pagmamahal at bigyan ng respeto ang bawat isa sa atin.
Kung gusto mong respetuhin ka ng iba, respetuhin mo muna ang iyong sarili.

You might also like