You are on page 1of 2

a) Ano ang tema ng akdang pampanitikan at sinu-sino ang mga tauhan?

Ang tula ay patungkol lamang sa pagbibigay respeto sa ating kapwa ano man
ang maging kasarian nito. Ang pagrespeto sa mga kapwa nating kabilang sa LGBT.

b) Ano ang pangkasalukuyang kalagayan na nabanggit o mababanaag sa akdang


pampanitikan?

Ginagawang basehan ang uri ng kanilang pagrespeto kung ano ang iyong kasarian.

c) Sumasalamin pa ba sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa akda?

Sumasalamin sa kasalukuyan ang mga pangyayari na nabanggit sa akda. Sa


kasalukuyan, ang mundong ating kinagagalawan ay lubhang mapanghusga. Ito ang
nararanasan ng ating mga kapwa na LGBT. Patuloy silang nakakaranas ng mga
diskriminasyon at kawalan ng respeto sa mga taong nakapaligid sa kanila. Pang -
aalipusta na pagtuturingng mapanghamak na publiko sa tuwing may sasabihin na
animo'y nakakarindi sa tenga ng iba. Kasama rin ang d pantay na oprtunidad sa
bawat kasarian lalo na't higit pa sa mga propesyong may kwalipikasyon.

d) Anong bisa sa kaasalan, kaisipan, at damdamin ang masasalamin sa akda? 

Hindi natin maipagkakaila na ang mga LGBT ngayon na pinoprotektahan na


ng batas ay may diskriminasyon pa rin sila na nararanasan. Halimbawa sa paaralan,
sila ang laging tinutukso at ginagawang katatawanan. Sa pamilya naman at tahanan
ay hindi sila tinatanggap at minsan ay itinuturing pa na kahihiyan sa kanilang
tahanan. Maging sa media naman minsan mapapanood natin na sila ay laging
pinagmumukhang salot sa lipunan at tinitingnan bilang mga bastos at walang
pakinabang na mamamayan. Makikita sa akda na dapat nating salaminin ang ating
sarili at lalo pang lawakan ang pag unawa sa komunidad ng LGBT.
e) Sa iyong palagay, paano malulutas ang mga problemang nabanggit sa 

Respeto at pagtanggap ang tanging susi nang sa gayon ay mabuksan ang


pagkakataon sa LGBT na maipakita ang kanilang kakayahan. Kung ang publiko ay
handang makinig sa mga sasambiyin ng mga kasapi nito, magkaroon ng
malawakang pag unawa't pagkakaintindihan sa pagitan ng bawat isa. Mapa lalaki,
babae, tomboy, bading, paminta o transexual man, lahat tyo ay may pantay-pantay
na antas. Walang mababa at wala ring mataas. Ang isang komunidad na may pantay
na pagrespeto sa isa't - isa anuman ang kasarian ay parang baryong may sandamukal
na kapistahan, tanging kasayahan ang mamamayagpag sa ating lahat bilang kabuuan.

You might also like