You are on page 1of 2

NAME: Je-ann Digal DATE: May 20, 2021

YEAR & SECTION: 10 HOPE


Pagtanggap at paggalang sa ibat-ibang kasarian upang itaguyod ang pagkapantay-pantay
ng tao sa lipunan.

L.G. B. T o Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender isang


communidad na may iba- ibang kasarian. " Ang lalaki ay
para sa babae at ang babae ay para lalaki". Pero paano
kung ang isang tao ay hindi lalaki o babae?. Tatanggapin
at i- rerespeto niyo pa rin ba sila? Hindi na ito bago sa
ating mga pandinig dahil ito ay karaniwan at
napapanahong paksa. Paksang pinaguusapan at minsan
ay pinagaawayan. Bakit kaya? Bakit hindi sila matanggap
at nirerespeto ng iba? Bakit kriminal ba sila?
Pagkakapantay-pantayng kasarian ay
nangangahulugan na ang mga kalalakihan at
kababaihan ay may pantay-pantay na karapatan at
responsibilidad sa lipunang kinabibilangan. Ang
pagkakapantay-pantay ng kasarian ay tungkol din sa
pakikibahagi ng tungkulin para sa ikauunlad ng lahat.
Kung mahahadlangan tayo ng kasarian na makita ang
kahinaan at kalakasan ng bawat indibidwal, maari itong
maging dahilan ng diskriminasyon sa bawat isa
Noon,
ang mga
taong parte ng LGBT community ay
ginagawang katatawanan lamang. Kung ikaw
ay bakla, wala kang ibang natatanggap kung
hindi diskriminasyon at pangaapi mula sa
lipunan. Ngunit ngayon marami nang LGBT na
winawagayway ang kanilang bandera at
ipinagmamalaki kung sino sila subalit , hindi parin mawawala ang deskriminasyon at panglalait
na natatanggap nila sa lipunan, at lubos parin silang di katanggap tanggap ng mga ito.
Kinakailangan nating bigyan pagkakatong maipakita ng
mga kababaihan ang kanilang potensiyal na
makakatulong sa ikauunlad n gating bansa. Baguhin
na natin ang ating pananaw sa kanila. Isulong natin
ang Gender Equality sa Pilipinas. Ang problema ay
hindi ang mismong myembro ng LGBT kundi ang
pagiging mapanghusga ng mga tao. Kailangan natin
na mas tingnan ang mga aspeto at anggulo na kung
saan sila ay tao lamang. Buksan natin ang ating mga
mata, isipan at puso at subukang unawain ang isat-isa.
Ang pagiging iasng LGBT ay hindi isang sakit na
kailangan nating lubayan at hanap ng lunas, sapagkat
kailangan silang tanggapin, respetuhin, unawain, at
mahalin tulad ng pagmamahal natin sa iba. Dahil kagaya natin tao din sila.

You might also like