You are on page 1of 1

Ang ating mundo’y nilalamon ng panlalait

Hindi pantay an trato sa kapwa


Na nagdudulot ng ng pagkabagsak ng bawat isa,
Ito’y masama, kapwa natin ang naapi.

Diskriminasyon, isang salita subalit libo libo ang nakadadama


Nalulungkot, nasasaktan, emosyon na ating nararamdaman
Inaapakan at binabalewala sitwasyon na ating nararanasan at nasisilayan
Hanggang kalian ito matatapos kung tayo tayo lang din naman ang
nagbababa sa ating kapwa.

Magkakaiba man an ating lahi,kulay,sekswalidad at estado sa buhay


Ngunit hindi ito dahilan upang husgahan at mang-husga
Tayo ay tao lamang na may indibidwal na pagkatao
Tanggapin natin ang bawat isa nang sa gayon lahat ay magkaisa.

Panahon na upang umaksyon, baguhin ang nakasanayang pang-


didiskriminasyon
Sa mundong puno ng panghuhusga
Walang maiiwan, sama sama tayo
Isang layunin, diskriminasyon ay tigilan.

You might also like