You are on page 1of 1

Bawat isa sa atin ay may kinatatakutan.

May iba na takot sa gagamba, insekto, apoy,


takot sa multo, takot sa ahas. May ilan din na takot sa dugo. Pero maniwala ka kapag
sinabi ko na mas maraming tao ang takot na masaktan, takot na magkamali, takot na
mahusgahan, takot na hindi matanggap ng ibang tao, at marami pang iba. Para sa
ilan, sapat na itong dahilan upang sumuko, upang hindi ipagpatuloy ang buhay. Eh
ikaw, saan ka ba takot?
Isa ka ba sa mga natatakot magkamali? Yung pakiramdam na baka masundan ng isa
pang kamalian ang mga maling desisyon mo sa buhay. Yung tipong hirap kang pumili
ng daan dahil natatakot kang mawala o baka naman natatakot ka na masaktan muli at
makasakit ng iba? May iba naman na takot sa panghuhusga. Natatakot na pag-usapan,
at maging sentro ng chismisan. Sila ang mga taong takot na matahin ng lipunan.
Natatakot na baka hindi matanggap ng iba o baka ikaw yung tipo na takot mag-isa, takot
maging malungkot. May iba rin na takot tanggapin ang kototohanan, kahit paulit-ulit
na sampalin nito ay pilit pa ring kumakawala.

Hindi masamang matakot. Ang masama ay matakot na lamang, at patuloy na lamunin


nito. Hayaan mong ipaalala ko sa iyo na hindi pagsuko ang sagot sa mga takot mo. Ang
takot ay hinaharap, kinakailangan nga lang nito ng matibay na kalooban at katapangan.
Mahirap kalabanin ang ating mga kinatatakutan ngunit hindi ibig sabihin ay tatalikuran
na natin ito.

Ako, natatakot din ako. Natatakot ako sa maraming bagay, ngunit mas natatakot ako na
sumuko. Natatakot ako na sumuko na lamang at tanggapin ang aking pagkatalo.
Natatakot ako na hindi ko na ulit makita at maranasan ang sarap at hirap ng buhay.
Natatakot ako na hindi ko na ulit maramdaman at magmahal at mahalin. Mas natatakot
ako na hindi ko na ulit makita ang mga mahal ko sa buhay. At lalong mas natatakot ako
na maalala ako sa mundo na ito bilang isang tao duwag at sumuko sa hirap ng buhay.
Ikaw, saan ka mas natatakot?

Marami tayong kinatatakutan sa buhay pero hangga’t may isang dahilan ka para maging
matatag, lumaban ka.

Hangga’t may isang taong bumubulong sa tabi na “kaya mo yan”, lumaban ka.

Hindi matatanggal ng kahit na anong gamot ang mga takot na ito. Ngunit kung may
natutunan man ako sa pananatili ko dito sa mundo, ito ay sulitin ang bawat oras.
Mabuhay, at hindi mabuhay sa takot.

Natatakot, pero nananatiling buhay.

You might also like