You are on page 1of 5

Iba’t Ibang Klase ng Ako

Sino ba dito sa inyo yung sawa na sa batikos na wala namang katotohanan?


Sino ba dito yung nagtitimpi lang sa pang-aalipusta sa kanya ng karamihan?
Sino ba dito yung ilang ulit ng nabigo sa pagmamahal?
Ikaw ba yung klase na sanay na sa anumang dagok kaya carry mo na lang?
Ikaw ba yung tipong ginawa mo nang career ang pagmamahal?
O baka kayo rin pala yung daig pa ang isang artista dahil memoryado mo na ang pag-ngiti kahit
sobrang hapdi na?

Iba't Ibang klase ng Ako

Sa mundong kinatatayuan ko,


Andami palang klase ng ako
Sa realidad na ginagalawan ko,
Maraming tulad ko,
At sa klase ng lipunan na kinagisnan ko,
Isa rin pala ako sa dinami daming tulad niyo.

Siguro ngayo’y nagtataka kayo,


Kung bakit ko nawari ang mga ito,
Kaya nagtatanong ang isip n’yo,
Kung ano ba talagang ibig sabihin ko,
Nanabik ang mga tenga ng madla,
Upang pakinggan ang kwento,
Ng isang simpeng ako na tulad niyo.

Maaaring iisa lamang ako sa pisikal na anyo,


Subalit sa abilidad at kakayahan, andaming ako.
‘Yung tipong, “Pareha pala tayo”
‘yung klaseng, “Oy, ganyan din ako.”

Oo, alam kong may limitasyon ang kakayahan ko,


May sukdulan ang pwedeng ipagyabang ko,
May wala ako na meron kayo,
Subalit di tayo nagkakatalo,
Dahil pwede rin naman kasing meron ako na wala kayo.
Yung tipong "Sana all" na linyahan ninyo.

Isang ako na takot sa gitna ng kawalan,


Ako, na duwag sa pagharap sa katotohanan
Isang ako na madalas mang-iwan, kaya madalas napag-iiwanan
Ako, na kalkyulado ang kilos dahil sa ayaw makarinig ng salita sa iilan,
Hindi sa ako ay duwag pero kasi andaming andiyan sa paligid ko,
Kunyari kaibigan at suportado ako,
Subalit pinangungunahan lang pala ang galaw ko.

Ako rin pala ‘yung kunwari malakas sa mata ng iba,


Yung kunwari ‘okay lang’, kahit ang sakit na,
‘yung ‘sige kaya ko pa’ kahit sa loob ay sumusuko na
‘yung tipong papaiyak na, pero ‘di pwede dahil ikaw ang kawawa sa harap nila.

Ako rin ‘yung lumalaban sa kabila ng mga batikos na puro naman kasinungalingan,
‘yung natuto ka na lang ibalewala ang istoryang sayo’y ibinabato kahit wala man lang tamang
basehan
Ako ‘rin yung nagmahal, Inaraw-araw nang masaktan,
Pero ni minsan naisip ko rin, “kaya siguro ganito dahil kahit papano,
Minsan na rin akong minahal at nakasakit ng tao.

Ako rin ‘yung tipong “bahala na”


Yung nagkikibit-balikat na lang, dahil tutal, bawat galaw ko rin naman,
‘issue’ sa kanila.
‘yung tahimik ka nalang sa tabi at kunwari walang pakialam sa pangyayari
Kahit ang mga salita’t sumbat nila’y ‘di kailanma’y nagawa mo’t nasabi.

Nakauniform ka kesyo wala ka pa ring patutunguhan,


Kinukwestiyon pa rin ang iyong makakamtan,
Nakashort ka kesyo malandi na daw at di bagay dahil para sa kanila, yung ganda para sa kanila,
Nakabase sa kutis at kinis.
Nakapalda ka kesyo Santo Santita,
Pinag uusapan ka pa rin nila at hinahanapan ka ng maaring ikapanghusaga.
Magdamit ka rin naman ng simple,
Ayun sasabihan ka naman ng nakakadiri,
Magdamit ka ng bongga,
Maririndi ka lang sa boses nilang panay sabi ng maarte.

Andami pala talagang ako,


‘yung ako na mas alam nila at ‘yung ako na alam ko.
‘yung ako na ‘di pa kilala
Pero parang alam na nila ‘yung buhay ko, kung makaasta.

Kaya ngayon, andito ako.


Tutal, mas alam niyo pa naman ang istorya ko,
Kayo nalang maging ako.
Sa inyo na ‘tong buong pagkatao ko,
Ipapaagaw ko na ang trono ko,
Ipapaubaya ko na inyo itong sarili ko na tulad lang rin naman ninyo.
Nais ko lang sabihin sa inyo,
Andaming ikaw, andaming ako sa mundo.
Pero, nakakatuwang isipin na,
sa mga sinasabi ko,
Sa mga hugot ko,
Sa mga hinaing ko,
Sa iba’t ibang klase ng ako,
Sa aaminin o igigiit niyo,
Minsan nasabi mong, tulad mo rin pala ako,
Ganyan din naman ako.
Maaaring di mo tanggap na pareho tayo,
‘di ka nag-iisa, dahil mayroong ako na tulad mo,
At mayroong kayo na katulad ko.

Iba’t ibang klase ng ako.


Iba’t Ibang Klase ng Ako

Sino ba dito sa inyo yung sawa na sa batikos na wala namang katotohanan?


Sino ba dito yung nagtitimpi lang sa pang-aalipusta sa kanya ng karamihan?
Sino ba dito yung ilang ulit ng nabigo sa pagmamahal?
Ikaw ba yung klase na sanay na sa anumang dagok kaya carry mo na lang?
Ikaw ba yung tipong ginawa mo nang career ang pagmamahal?
O baka kayo rin pala yung daig pa ang isang artista dahil memoryado mo na ang pag-
ngiti kahit sobrang hapdi na?

Iba't Ibang klase ng Ako

Sa mundong kinatatayuan ko,


Andami palang klase ng ako
Sa realidad na ginagalawan ko,
Maraming tulad ko,

Siguro ngayo’y nagtataka kayo,


Kung bakit ko nawari ang mga ito,
Kaya nagtatanong ang isip n’yo,
Kung ano ba talagang ibig sabihin ko,

Maaaring iisa lamang ako sa pisikal na anyo,


Subalit sa abilidad at kakayahan, andaming ako.
‘Yung tipong, “Pareha pala tayo”
‘yung klaseng, “Oy, ganyan din ako.”

Isang ako na takot sa gitna ng kawalan,


Ako, na duwag sa pagharap sa katotohanan
Isang ako na madalas mang-iwan, kaya madalas napag-iiwanan
Ako, na kalkyulado ang kilos dahil sa ayaw makarinig ng salita sa iilan.

Ako rin pala ‘yung kunwari malakas sa mata ng iba,


Yung kunwari ‘okay lang’, kahit ang sakit na,
‘yung ‘sige kaya ko pa’ kahit sa loob ay sumusuko na
‘yung tipong papaiyak na, pero ‘di pwede dahil ikaw ang kawawa sa harap nila.

Ako rin ‘yung lumalaban sa kabila ng mga batikos na puro naman kasinungalingan,
‘yung natuto ka na lang ibalewala ang istoryang sayo’y ibinabato kahit wala man lang
tamang basehan
Ako ‘rin yung nagmahal, Inaraw-araw nang masaktan,
Pero ni minsan naisip ko rin, “kaya siguro ganito dahil kahit papano,
Minsan na rin akong minahal at nakasakit ng tao.
Ako rin ‘yung tipong “bahala na”
Yung nagkikibit-balikat na lang, dahil tutal, bawat galaw ko rin naman,
‘issue’ sa kanila.
‘yung tahimik ka nalang sa tabi at kunwari walang pakialam sa pangyayari
Kahit ang mga salita’t sumbat nila’y ‘di kailanma’y nagawa mo’t nasabi.

Nais ko lang sabihin sa inyo,


Andaming ikaw, andaming ako sa mundo.
Pero, nakakatuwang isipin na,
sa mga sinasabi ko,
Sa mga hugot ko,
Sa mga hinaing ko,
Sa iba’t ibang klase ng ako,
Sa aaminin o igigiit niyo,
Minsan nasabi mong, tulad mo rin pala ako,
Ganyan din naman ako.
Maaaring di mo tanggap na pareho tayo,
‘di ka nag-iisa, dahil mayroong ako na tulad mo,
At mayroong kayo na katulad ko.

Iba’t ibang klase ng ako.

You might also like