You are on page 1of 2

Sa paglalakbay ng ating buhay, marami tayong pagdadaraanan-- na maaaring

makapagpatibay o makapagbibigay lakas o maaaring makapagbibigay ng kahinaan sa


katauhan ng isang tao. Sa buhay natin, ang pinakamahirap na karanasan ay ang
pagkakataong makagawa ng kamalian, mabigo, mawala sa landas na tinatahak.

Marahil ang pinakamahirap na damdaming nadarama ng isang tao ay ang pagkabigo


sa isang bagay o sa isang nagawang kamalian. Kadalasan, nagkakaroon kayo ng
kawalang-pag-asa at naiisip ninyong kayo’y talagang walang muwang. Pagkatapos,
pagpapasiyahan na ninyong talagang wala na kayong magagawa.

Marahil katulad kayo ni inday na laging umiiyak tuwing makagagawa ng isang


pagkakamali, o di kaya’t sinisikap niyong itago ang inyong mga kabiguan sa
pamamagitan ng pagtapang- tapangan at pag tawa nang malakas dahil sa inyong
kabiguan. Maaari din naman kayong gumawa ng dahilan.

Subali’t wala sa alinman sa mga parang ito ang makakatulong para mapaglabanan ang
inyong mga pagkakamali.

Maraming bagay ang dulot sa taong nakaranas ng kabiguan o nakagawa ng kamalian.


Ilan sa mga halimbawa nito ay ang kabiguan sa pagibig, trabaho , sa Pag-aaral! , mga
suliranin sa buhay at mga bagay na kailangan harapin. Sa bawat pagkabigo,
mararamdaman ang iba’t ibang pasakit at pait sa buhay. Tanging mga luha, kasabay
ng pagtanggap sa kabiguaan o kamalian at pagharap sa mga problema, ang sandata.
Ang pagsubok ang bubuo sa atin sapagkat may mga aral na naibibigay. Ang pagsubok
na ito ay sinusubok kung gaano ka katatag sa buhay, gaano ka katibay.

Sa inyong pagkatututo na may kinalaman sa inyong kabiguan at pagkakamali ang


dapat ninyong tandaan ay hindi kayo lamang ang nabibigo at nagkakamali. Lahat ay
nagkakamali at nakakaranas ng kabiguan. Ang mahalaga ay kung paano ninyo
tatanggapin. Maaring may matutunan kayo rito o lubusan na kayong mawalan ng pag-
asa. Kung may natutunan kayo sa isang pagkakamali, samakatuwid, naging
kapakipakinabang ang inyong pagkakamali sapagka’t hindi na ninyo uulitin ang
pagkakamaling naggawa nyo.

Ang mga bagay na matututunan natin mula sa karanasan natin ay magiging alaala
nalang ito, alaalang may kamanghang-manghang aral na makukuha at idadala natin
hanggang sa pagtanda sapgkat may napulot tayong aral sa mga karanasan o nagawang
kamalian. Sa bawat pagkadapa at kabiguan, natututo ang tao na maging matatag sa
kanyang paninindigan sabay may mga aral siyang mapupulot. Ang bawat aral na
napupulot sa mga karanasang ito ay humahasa sa buong pagkatao ng isang nilalang.
Ngunit ang pag-iwas sa problema at takot na bumangon sa isang kamalian, ay marka
ng isang talunan, talunan na walang natutunan mula sa kanyang karanasan at hindi
handang harapin ang panibagong bukas.

Hindi masama ang magkamali—ang masama ay hayaan natin ang ating mga sarili na
patuloy nating paniwalaang tapos na ang lahat sa atin. Puno ang buhay ng mga bagay
na hindi natin inaasahan. Malay natin, nakatago sa mga kabiguan ay isang bagay na
tuluyang makapagpabago sa ating buhay.
Magiging higit na masaya kayo at mas higit na maunawaan nyo kapag lagi ninyong
isaisip na walang sinumang tao sa mundo ang walang kapintasan at walang sinumang
tao sa mundo ang perpekto. Ang bawa’t isa sa atin ay may tanging kakayahan o
makakayanan o makagagawa na ilang bagay na mabuti. Ngunit lahat tayo’y may mga
suliranin o kamalian sa isang bagay o iba pa. Ang mahalaga ay may natutunan tayo sa
bawa’t pagakakamaling nagawa natin.

You might also like