You are on page 1of 1

Spoken Poetry

Entablado ng Buhay (Group 3)

Sa entablado ng Buhay, ang tala ng pag-asa’y nag aanyaya


Mga iba’t-ibang kasarian, ay dapat mamuhay ng payapa
Ngunit sa bawat galaw, may hadlang at laban
Diskriminasyon, ay wag itungo sa karahasan.

Nagtakda ng batas ang ating pamahalaan


Upang bigyang wakas ang kasamaan
Lalo na sa mga gawaing 'di makatarungan
Ito ang nagsilbing ating sandalan
Nagbigay pag-asa rin sa kabataan
“Sila ang kabataan ng ating kinabukasan”

Sa SOGIE at pagkakapantay, ating mga puso’y naglalaban,


Pagmamahalan at pagtanggap, sa bawat isa’y dapat maramdaman,
Sa pagkakaiba-iba, ang pag-iintindi ang nararapat na kalabasan.

Sa maling akala, kasarian ang batayan,


Pagkakakilanlan ay nakasalalay sa anyo't anyan,
Subalit sa puso't isip, ang pagkakaiba'y nawawala,
Diskriminasyon, hadlang sa pagkakaisa, 'di matatawala.

Babae't lalaki, sa mundo'y may sanghaya.


Karapatang Indibidwal kanilang tinatamasa
Respeto't pag-asa, sa puso naipapadama.
Mananaig ang karapatan sa kanilang pagpapasya
Sila ang atin namang pakinggan, boses nila'y bibigyang bisa.

Kaya’t sa entablado ng buhay, hawak kamay tayong mananalig


Walang Iwanan, walang mananaig
Sa pag-awit ng pagkakaisang kilanlan, ay ating ititindig.

You might also like