Buksan ang puso’t isipan, upang lubos na maunawaan,
Ang isyung m a y kaugnayan, sa mapanghusgang lipunan. Halina’t pakinggan, ang paksang tunay na makabuluhan, Ito ang aking tula, patungkol sa diskriminasyon sa kasarian.
Bakit ba ito’y nagaganap sa lipunang ating kinabibilangan?
Ang kilos ba’y isinasagawa upang ang kapuwa’y lamangan? Bakit ba ito’y hindi tuluyang m a wa gl it sa mentalidad ng iilan? Ano ba ang sapat na katwiran upang sila’y mahadlangan?
Ito ay kinakaharap ng karamihan sa kanilang kinalalagyan,
Anuman ang kasarian diskriminasyo’y tiyak na mararanasan. Sa kutya ng mapanghusgang lipunan sila’y hindi makaliligtas, Mga kapintasang salita’y nagmumula sa m g a mapagmataas.
Sa halip na b aw at kasaria’y tanggapin bilang kasapi ng lipunan,
Pagkasira ng pagkatao’y nagpapahirap sa kanilang katayuan. Hahayaan na lang bang maging ganito ang kanilang kalagayan? O magiging huwaran upang ipaglaban ang kanilang karapatan?
Marapat lamang na isipin ang m g a kinikilos tungo sa kapuwa
Galangin ang kasarian ng b a wa t isa upang mukha’y mapunan ng t u w a Magkaroon ng magandang layunin at tunguhin sa buhay Sapagkat lahat tayo’y magkakapantay-pantay
Sa pagtatapos ng aking tula ay nais ko lamang mag-iwan ng paalaala
Huwag kang m a t a t a k o t mapagtagumpayan ang buhay dahil lamang sa panghuhusga Sapagkat tayo’y magkakaiba ng kalagayan, sitwasiyon, at sapatos na dinadala.