You are on page 1of 3

Bakit nandito ako?

BY: Laura Gaile Tagacay

Kung dalawa lamang ang kasarian na nilikha,

Bakit may ako? bakit may sila?

Kung dalawa lang kasarian na nilikha,

Ano nga ba ako?

Ano na nga ba ang nangyari sa mundong ito?

Bakit nga ba pag ika’y bakla ay salot ka?

Mga tao na puno ng negatibo ang saplot ,

Dinamitan ng galit at puot.

Bakit ba ang bilis niyo manghusga?

Mga pinaparanas niyong puot,

Mga salitang tumatagas sa puso.

Bakla,tomboy, salot sa lipunan!

“Hoy bakla! Mas magarbo ka pa sa babae.

Hoy tomboy! Nasaan ang iyong mio.

bakla! Psst 150.”

Bakla, tomboy mga salot sa lipunan kayo!

Kasarian? Kasarian.

Gaano ka nga ba kahirap tangapin.


Mga mata na halos laging nakamasid,

Mga salita na humihiwa sa damdamin mong mahina.

Ano na nga ba ang nangyari sa mundong ito?

Masyado na itong delikado.

Mundo na mistulang patimpalak dahil sa mga taong akala mo’y hurado.

Nasaan na ang karapatang pantao kung sa Babae at lalaki lang may epekto.

Tawagin man nila akong bakla salot alam ko sa sarili ko na wala akong tinatapakang tao.

Tawagin man nila akong tomboy, bayot, paminta o kung ano paman ang maibato,

Malinis ang aking puso at hindi ko kailangan patunayah sarili ko sa utak ninyong sarado.

Kung anong kasarian o pagkatao mayroon ako paninindigan ko ito.

Sanay ng husgahan ng lipunan,

Kailangan ko nang masanay.

Babae o lalaki, wala man ako duon,

Alam ko tanggap ako ng ibang mga tao.

Lesbian, Gay, Bisexual, transgender o kung ano pa man ang iyong kasarian,

lahat ay dapat tratuhin ng pantay.

Parepareho tayong tao na may karapatan

Hindi basehan ang kasarian upang magkaroon ka ng karapatan.


Isa, dalawa, tatlo, o apat paman na kasarian,

bawat isa ay dapat nating igalang.

kasi kung gusto mo ng respeto, simulant mong galangin ang nasa paligid mo

sisimulan mo ito sa sarili mo lalo na sa kapwa mo.

You might also like