You are on page 1of 3

Spoken Poetry

(Pantay na Guhit: Tungkol sa Pagtanggap)

Hello! Kamusta ka? Okay ka lang ba? Kumain ka na ba?


Mga linyahan na sobra ng nagagamit ng lipunan. Hindi
ba’t parang nakakasawa na pakinggan? Well, heto ako,
nandito ako para sayo. Imbis na bigyan kita ng tsokolate,
susulatan kita ng tula tulad nito. At may supresa pa ako!
Isang maliit na tulay para makarating sayo. Sana
magustuhan mo. Ngayon papunta ako sa classroom mo,
naghahanap ng tsyempo upang hindi na mag-feeling
lumpo, pero may narinig ako. “Omg interested daw siya
sa both genders.” “Hoy! Member daw siya ng LGBTQ+
Community.” Ano raw? Ako’y nagulat sa narinig ko…
pero naisip ko na sino ba ako para humusga sa isang tulad
mo. Kaya’t lumapit ako sayo para malaman ko kung ano
ang sinasabi nila. Tinanong ko kung ano ang pinag-
uusapan nila at sinabi mo na bisexual ka. Natulala ako sa
nabanggit mo na parang wala akong alam sa ganitong
mga bagay. Na para bang papel lang ako na naghihintay
sa isang pluma upang magkaroon lamang ng nilalaman sa
bawat pahina. Binanggit mo ng tuloy-tuloy kung ano ka.
Kung anong feelings na mayroon ka.
Bago lang lahat ng narinig ko.
Ang araw ko ay tunay na nakakapanibago.

Tinuro mo sa akin ang iba’t-ibang kasarian. Mapa-lesbian,


Transgender, Pansexual at iba pa. Araw-araw na
pakikinggan kita. Sa lahat ng hinaing at problema
pakikinggan kita. Sabi ng iba na kakaiba ka. Eh ano
naman diba? Dahil sa interaksyon natin na ito, natutunan
ko na-rumespeto kung ano ang pagkatao ng isang tao.
Nararapat lamang tanggapin ang bawat isa kung ano man
sila. Magustuhan man nila ang kaparehong kasarian at
higit pa. Diba “love has no boundaries” bakit hindi nalang
hayaan ng gobyerno at lipunan na magmahal ang isang
tao na mayroong Kalayaan? Bakit tuloy-tuloy parin ang
pangungutya at panghuhusga sa kanila? Bakit kailangan
pang ipilit sila sa isang “tuwid” na kalsada? Gets
“tuwid”? Hindi sakit ang pagiging kakaiba, bagkus ito ay
isang biyaya. Hindi man maramdaman ng bawat isa ang
kanilang nararamdaman, matuto tayong makiramdam man
lang.
Ang tulad mo ay isang tao, hindi ka kailanman isang
bagay na walang saysay. Inaamin ko na nandito ako.
Nandito ako para sayo. Susuportahan kita sa anuman ang
gusto mo. Kahit ano pa man ang maramdaman mo. Kahit
ang lahat man satin ay nasa isang pantay na guhit, nawa’y
kasing pantay din nito ang pagtingin natin sa LGBTQ.

You might also like