You are on page 1of 1

Piez, Jhona Mae C.

KPWKP
HUMSS – 11 Bravery Binibining Color
Pagsuporta
Magandang umaga po sainyong lahat, matanong ko lang po, sang ayon po ba kayo sa same sex
marriage? Kasi ay nababalitaan ko ito sa aking mga kaklase, lalo na sa ating bansa, marahil
lumaki tayo sa pamimiwala na ang kasal ay isang sagradong pagbubuklod ng dalawang
nagmamahalan na babae at lalaki, at ayon sa bibliya ay ang lalaki ay para lamang sa babae, baka
ito ang isang rason kung bakit hindi pinapatupad ang same sex marriage sa pilipinas.
Kung hindi niyo po pala ako kilala, ako po si Jhona Mae Piez na 16 taong gulang at ako po ay
nakatira sa Dayap, Calauan Laguna. May ibabahagi lang po ako tungkol sa aking kilala na mga
miyembro ng (lgbtq community) ang iba ay matagumpay sa kanilang pamumuhay at ang iba ay
mga artista. Sila ang nagsisilbing modelo at inspirasyon lalo na sa mga kabataan ngayon.
Lahat tayo ay may parehong damdamin at emosyon sa loob natin, anuman ang ating kasarian.
Lahat tayo ay nararapat na tratuhin nang pantay-pantay at may paggalang. Kung magiging legal
ang same sex marriage sa ating bansa, Hindi ito makakapigil sa sinuman na maging masaya.
Dapat tayong matutong pahalagahan at igalang ang damdamin ng bawat isa, anuman ang isipin
ng iba. Dahil walang masama sa pagiging totoo sa iyong sarili. Ayon kay Jóhanna Sigurðardóttir
“It is absolutely imperative that every human being’s freedom and human rights are respected,
all over the world”.
Lahat tayo ay pantay-pantay, hindi basehan and estado natin sa buhay para manglait tayo ng
ibang tao na wala lamang gusto kundi ang maging masaya, at wala tayong karapatan na mang
husga ng tao dahil maging tayo man ay hindi perpekto. Hindi masama ang magmahal basta hindi
ka nakakaapak o nakakasakit ng ibang tao.
Hindi naman kasalanan ng mga "lesbian", "gay" at maging "bisexual" kung anong gusto nilang
desisyon sa kanilang buhay, dahil ipinakita lang nila kung ano talaga sila. Walang masamang
ipakita ang iyong tunay na pagkatao, ang masama ay yung husgahan ang mga pagkatao nila.
Magkakaiba man tayo ng gusto, respeto pa rin ang ating kailangan. Hindi kasi natin pwedeng
diktahan ang pagmamahal o ating puso. Kaya yung kapwa natin na nabibilang sa (lgbtq
community), hindi nila kasalanan yun dahil nagmahal lang naman sila. Kalayaan ang gusto
nilang matamasa. Kaya hayaan nating maranasan nila ito habang nagpapakatotoo sila sa kanilang
sarili. Ang petition na ito ay para magising ang mga tao sa natutulog nilang diwa para
matulungan natin ang mga ating kapwa na biktima ng diskrimination at para mamulat ang ating
bayan sa kung anong kayang gawin ng ating kapwa na miyembro ng (lgbtq community). Ayon
kay Cristina Marrero “Love is a wild fire that cannot be contained by any mere element known
to man.”

You might also like