You are on page 1of 2

“LGBT”

Mapagpalang hapon sa ating lahat. Bago ko simulan ang talumpating ito


nais ko lamang magpakilala sa inyong lahat ako si Genelyn Marquez na
nais ipabatid o sabihin ang aking saloobin, opinyon at explinasyon tungkol
sa aking napiling paksa.

Ang paksa o napapanahong isyu na aking napili ay ang LGBT. Ano nga ba
ang LGBT? Ang LGBT ay ang mga taong nagmahal lamang ng kapareho
nila ng kasarian. Marami o iilan sa ating mga Pilipino ang mahilig
manghusga kung anong kasarian natin madami din naman ang sang ayon
kung ano sila at kung sino sila. Ang pagiging LGBT ay hindi isang sakit na
nakakahawa o delikado sa ating buhay. Ngunit, Ito ay nagiging inspirasyon
pa para may patunayan sila sa buhay na di ka dapat nagpapahusga sa ibang
tao kasi alam naman natin sa ating sarili na "NO BODIES PERFECT"
marami sa iilan ang nagtataka o nakakabuo ng katanungan sa kanilang
isipan na, bakit ganyan sila kung gumalaw ? Sino ang tomboy sa kanila? o
Salot kayo sa lipunan? Unang una sa lahat hayaan natin silang tanggapin
ang kanilang mga sarili na may respeto, at tayo bilang kanilang
nasasakupan kailangan rin nila ng ating respeto tulad ng pag respeto natin
sa mga kapwa natin. Pangalawa, walang tomboy sa bisexual at ang
pagiging bisexual hindi tumutukoy sa iisang kasarian, ang kahulugan ng
bisexual ay naaakit sa babae at lalaki. isipin nalang natin na meron silang
isang puso pero nais na magmahal ng kapareho nila o magkaibang kasarian
ngunit, ang opinyon ng iba "ang landi mo naman", "haliparot mga bisexual
kase gusto dala-dalawa", Nais ko lang din sabihin ulit ang aking opinyon
na hindi ganun ang nais naming mabuo sa inyong isipan kaya nandito ako
para ipaliwanag sa inyo ang paksang aking napili. Pangatlo , Ang LGBT ay
hindi salot sa lipunan kung kaya nama’y mas pursigido sila na maipakita sa
mga magulang nila na hindi hadlang ang kanilang mga kasarian upang
makamit ang mga pangarap nila sa buhay. Kung titingnan sa aspeto ng
relihiyon madami ang taliwas sa LGBT dahil ang pagiging Tomboy, Bakla
at Transgender ay isang kasalanan sa diyos. Hindi ako nanghihikayat na
ang bawat isa saatin ay maging bisexual , ipinapaliwanag ko lamang sa
inyo kung ano ang tama niyong isipin , hindi kita ng mata o buka ng bibig,
dahil sa bawat salitang ating nabibitawan madami ang nasasaktan, kaya
mag ingat sa bawat salita na ating bibitawan para wala nang masaktan ang
damdamin. At Bilang pagtatapos ng aking talumpati nais kong
magpasalamat sa inyong oras upang makinig sa aking talumpati at nawa'y
may natutunan at naintindahan kayo sa aking mga sinabi.

You might also like