You are on page 1of 1

KYLIH CHAMIE L.

CADIZ
ABM 12-DECISIVENESS
POSISYONG PAPEL
Sang-ayon kaba sa DepEd Order No. 32, s. 2017?
Bago ako magpahiwatig ng aking opinyon. Ano nga ba ang nilalaman ng DepEd order no. 32,
s. 2017? Ito ay tungkol sa pagpapahintulot sa pananamit ng pambabae ng mga gay at panlalaki
ang mga lesbian sa loob at labas ng paaralan. Tinatawag din itong cross-dressing na
tumutukoy sa pananamit ng isang tao ng kabaligtaran ng tradisyunal na pananamjt ng kanyang
pisikal na kasarian o seksuwal na oryentasyon. Kung ako ang tatanungin sang-ayon ako dito.
Dahil naniniwala ako na tayong lahat ay may pantay-pantay na karapatan para sa mga bagay
na nais nating gawin.

Bakit nga ba marami parin ang tutol dito? Nagsisimula yan sa pagiging parte nila ng LGBTQ
community. Maraming isyu ang lipunan para sa mga gay at lesbians. Isa sa mga paulit-ulit
nilang mga sinasabi ay ang lalaki ay para lang sa babae at ang babae ay para lang sa lalaki. Na
hindi raw lumikha ang diyos ng gay at lesbian. Kaya sila ay makasalanan at salot sa lipunan ang
tingin sakanila ng karamihan. Bawal mag cross-dressing dahil ampangit o malaswa tignan.
Maraming mga bersikulo gaya ng 1 Corinto 7:2-16 at Efeso 5:23-33 na malinaw na
ipinapabalita ng bibliya na sa pagitan lang ng babae at lalaki ang pag-aasawa. Ngunit alam
naman nating lahat na hindi natin mapipigilan ang ating mga nararamdaman dahil kung mas
lalo nating pinapigilan mas lalo naman itong lumalala. Wala tayong kawala dito kaya’t hindi ko
masisisi ang iba kung ano ang kanilang naging pasya. Makasalanan at salot sa lipunan? Oo
nagkakasala sila ngunit ano pa ba ang magagawa nila? Iyon sila iyon ang nararamdaman nila
iyon ang isinisigaw ng puso nila paano nila ito mapipigilan. Mas magkakasala lang sila sa diyos
kung magsisinungaling sila at paulit-ulit na itanggi ang totoong sila. Higit sa lahat hindi sila
salot sa lipunan dahil kadalasan lalo na ang mga gay sila yung mga taong biniyayaan ng mga
talento. Marami nang napatunayan ang LGBTQ community sa atin bakit hindi iyon matanggap
ng iba? Sa pag cross-dressing sa paaralan maaring pagbigyan nalang natin sila dahil hindi
naman ito makakabawas sa pagkatao mo. At sa mga LGBTQ nadadala nila ng maayos ang
kanilang mga kasuotan.

Wag sana natin silang husgahan agad dahil hindi naman sila tulad ng inaakala mo.
Pagkinilala mo sila dun mo makikita na hindi totoo ang mga pinagsasabi ng lipunan sakanila.
Sana’y mabigyan ng patas na karapatan,oppurtunidad, at kalayaan mula sa diskriminasyon ang
bawa’t isa. Pahintulutan cross-dressing hayaang suoting ng ating mga LGBTQ ang kanilang nais
suotin sa loob man o labas ng paaralan. Tanggapin sana natin sila ng buong puso. At mabigyan
sila ng kalayaan na ipahayag o ipakita ang kanilang mga nararamdaman.

You might also like