You are on page 1of 15

Kelan pa?

By: imsyntaxerror
---
Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala

Haaaay. Kelan pa kaya?

Bawat araw sinusundan


'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

Bakit kaya umiiwas


Binti ko ba'y mayroong gasgas
Nais ko lang magpakilala
Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala

Kilalang kilala namna kita eh. Kilalang kilala.


Pero ako?
Kilala mo ba ako?
Kilala mo nga, alam mo ba?

Bawat araw sinusundan


'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim


Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Kahit ilang ulit ko pang sadya-in na mabundol ka, di mo parin ako mapansin.
Kahit ilang ulit pa kitang kausapin, di mo parin makita.

Dito'y mayroon sa puso ko


Munting puwang laan sa'yo

Bawat araw sinusundan


'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

Kahit pa man lagi akong deadma, Ikaw parin.


Ikaw parin ang minamahal ng puso kong tanga.

Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking lihim


Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Kelan pa kaya Franco?

Haaays.
Nandito ako ngayon sa cafeteria namin.
Lunch na, pero wala parin akong gana.
Na alala ko naman sya.
Kung gaano sya ka sweet sa pinopormahan nya�ng si Tiara.
Bakit ba kasi hindi nalang ako?
Ewan ko ba sa mga lalake. Nasa harap na nga nila, di pa nila makita. Eh kung
tusukin ko kaya mga mata nila nang may dahilan na sila para di kami makita?
�April.�
�Hoooy. Kumain ka na.� Pag tawag sakin ng katabi ko.
Na balik ako sa katotohanan pag-tawag nya sakin.
Ako nga pala si April Mendoza. Mayaman, Matalino, Mabait, Maganda, Nag-iisang anak,
at taga pag mana. 4th year Highschool na ako sa East HighSchool.
�Kumain ka naman oh.� Klaire. Yan ang bestfriend kong babae. Sya lagi kong kasabay.
Kahit saan mapunta, kasama ko sya. Classmates kami since 1st year. Buti pa nga tong
babaeng �to. Walang ka proble-problema sa buhay. I mean, happy go lucky lang.
Happy go lucky rin naman ako eh. Ewan ko ba kung ba�t ako nagkakaganito
�Naririnig mo ba ako?� tinignan nya lang ako.
�Ayoko�ng kumain.�
�Bahala ka nga.� Kumain nalang din sya.
pa ulit-ulit lang na pa-play sa iPad ko yung kanta�ng yun. pang pito�ng beses na
nga ata to ngayon eh.
�Oh, anyare dyan?�
�Di pa nakain, Jeff. Ayaw nya daw.�
�Ayaw nanaman?� tumabi sa akin yung taong nag mamay-ari ng boses na yun.
�Bes, kuma-in ka naman kahit konte.� Sya ang bestfriend ko. Jeffrey Tan. Kababata
ko yan. Bestfriend ko since mga bata pa kami. Happy go lucky. Di mo makikitang may
problema sya. Madalas, sya tinatakbuhan ko pag may problema ako.
�Oh na, kakain na.�
�Tamo to. Eh kung alam ko lang na si Jeff lang pala makakapagpaka-in sayo, sana,
kanina ko pa tinawagan yan. Langya.�
�Tsss.�
�HAHA. Cute ng bespreen ko.� Kinurot nya ako pisngi. Sinamaan ko lang sya ng
tingin. Sya naman, ngumiti lang nang nakakaloko.
Loko�ng lalake to.
Buti pa nga yan, may Lovelife.
Ako rin naging bridge nila ng Kasintahan nya. Eh pano kasi, to-torpe torpe.
Kain lang ako ng kain nang biglang may pumasok na isang grupo ng lalake sa
cafeteria. Sila Ethan, kasama ang tropa nya.
Papunta sila sa amin.
�Oy pare.� Pag bati ni bes sa mga lalakeng yun.
�Oh.� Nag man hug sila lahat. �Mabuti naman at kumain na yan.� Tinuro nya ako.
Ako nanaman ang nakita ng pinsan kong si Ethan. Alam nyo ba kung bakit? Kasi,
kasama lang naman nya ang lalake�ng alam nya�y kahia-an ko. Tropa kasi sila.
At ang lalakeng yun ay si Franco Rene Santana. Ang lalakeng matagal ko nang mahal.
Ang lalakeng di minsan, di lang man nakita ang lihim na pag tingin ko sa kanya.
Kaibigan ko lahat ng tropa ni Ethan, maliban sa kanya. Nag-uusap kami pero di kami
close kagaya ng iba. Awkward kaya.
�Tigil tigilan mo nga ako Ethan.�
�HAHA. Ano?� natatawa�ng sabi nya.
�Ewan ko sayo.�
�HAHA.� Saka umupo sila sa kabilang table. Gosh. I can�t take it. Sakin sila lahat
naka tingin. Malamang diba? Alam nila eh. Manhid lang talaga yang si Franco. -,-
Langya to�ng lalakeng to. Lagot sakin to mamaya. Wala lang talaga ako samood
makipag barahan sa kanya. Kaya barang bara ako ngayon.
�Hi April� pag bati sakin ng mga tropa nya.
�Hello.� Sumubo ako ng pang huli. Di ko na talaga kaya dito.
�Tara na. Library tayo.� Pag yaya ko sa kanila.
Alam naman siguro nila kung bakit, eh.
Bago kami umalis, bumaling muna ako sa pinsan ko.
�Lagot ka sakin mamaya Ethan. Wag kang mag papatulong kay Threa.� Nakita kong
tumawa lang sya.
�Halaaa ka.� Nakisali si Franco doon.
Inirapan ko sya at patuloy nang lumabas.
Imbyerna talaga to�ng pinsan ko.
�Sus. Pa alis-alis, gusto namang makita. Pag wala, panay hanap. Eh, pag nanadyan
naman sa malapit, panay iwas. Niloloko mo na ata sarili mo eh.�
�Ewan ko sayo.�
�Nga naman, April. Gaga ka din kung minsan no?�
�Isa ka pa. Eh, nyo lang naman yan kasi may mga lovelife kayo. Ikaw, may Seven ka
na. At yang isa dyan, nakakalimutan na ako kasi may Ira na.� Pag paparinig ko sa
bestfriend ko.
�Hoy hoy. Anong nakakalimutan?�
�Bakit? Hindi ba?�
�Hindi naman talaga eh.�
�Sus. Second choice nyo lang ako eh.�
�Oy, hindi ah.� Sabay nilang sabi.
Di na ako sumagot. Pumasok nalang kami sa Library
Dito ko gusto kasi malakas ang wifi.
Una kong binuksan ang twitter.
Pag open ko pa lang, nakita ko na pangalan nya.
Rene Gwapo @itsrenepogi
Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong gawing lambing, di mo parin
pansin. ~Kelan pa?
2minutes ago
Natulala ako sa nabasa ko.
�April, look oh. Tweet ni Rene.�
�Nakita ko na.�
�Bes, sino kaya yan?�
�Aba malay ko. Paki-alam ko. Eh lovelife nya yan.�
�BITTER� sabay nilang sabi.
�Psh.�
Nag tweet nalang din ako.
April Mendoza @aprillovesyou
You are the CSS to my HTML. ~Ener <3 Ang manhid mo. -,-
1minute ago
Wala na akong magawa, nag bukas ako saglit ng wattpad at nag basa ngupdates.
Haays buhay.
Binalikan ko ang Twitter ko.
Nag tweet ako ulit.
April Mendoza @aprillovesyou
Sana, ang buhay, parang wattpad. Para lahat, imposible. ~haaay buhay.
1 minute ago
Binuksan ko ang Interactions ko.
Laking gulat ko sa nakita ko.
Rene Gwapo @itsrenepogi
�@aprillovesyou: Sana, ang buhay, parang wattpad. Para lahat, imposible. ~haaay
buhay.� Sana nga. :)
Oh gooosh.
Tapos may isa pa.
Rene Gwapo Favorited your tweet.
You are the CSS to my HTML. ~Ener <3 Ang manhid mo. -,-
JesusChrist! Nasa Heaven na ba ako? HAHA.
Nakita ko�ng may nag DM sa akin.
Ethan Pogi @akosiethan
HAHA. Kilig ka naman?
Gagong lalake to.
Pinsan ko ba talaga to? Nakaka walngya na ah?
April Mendoza @aprillovesyou
Mukha mo. Ba�t naman daw ako kikiligin? Mukha neto. Tumikhim ka nga.
Nawalan na ko�ng gana. Nag pa-alam nalang ako sa kanila na punta muna ako sa locker
ko. Kuha nalang ako�ng libro.
Nag lalakad ako papuntang locker na�ng may naka bangga ako.
Pano ba naman kasi, tinitignan ko yung tweet nya.
Pinulot ko kaagad yung mga na laglag na notebooks ko.
�Ay, s-sorry.� Teka. Kilala ko yung boses na yun ah.
�Rene?�
�Oy, April. Sorry ha. May ka text kasi ako.� Tinulungan nya ako�ng pulutin yung mga
notebooks at libro ko.
�Ako na.� Sabi nya.
�Wag na. Ako na.� Pero mapilit eh. Edi bahala sya.
�Thankyou ha.�
�Walang ano man. Sorry ulit ha. Sge una na ako.� Ok. If I know, pupuntahan mo
nanaman si Tiara. -,-
Pagkadating ko sa locker ko, nagulat nanaman ako sa nakita ko.
Isang sticky note.
Ba�t ba ang manhid manhid mo? Di mo ba talaga makita?
-Anonymous.
Aba, sino nanaman tong gong gong na to. Nilingon lingon ko yung paligid.
Wala naman ibang tao.
At ang huling nandito lang naman kanina ay si Rene.
Baka kay Rene to galing?
Teka? Ano pa, April? Wag kang assuming. Masasaktan ka lang.
Pag bukas ko ng locker ko, may isang Rose. Color Blue. Takte. Favorite ko to ah?
Napa ngiti ako dahil sa nkita ko.
Nakaka curious naman yang �Anonymous� na yan.
Tinignan ko ulit tweeter ko.
May bagong tweet sya.
Rene Gwapo @itsrenepogi
Blue Roses. :)
Takte. Mas nagiging assuming tuloy ako. -,-
Naman.
Tan-tanan mo na ako.
Kasi, sa ginagawa mo, mas minamahal kita.
-,-
Bago ako umalis, nag iwan din ako ng sticky note. Baka naman bumalik sya diba?
Kung sino ka man, mag pakilala ka na. I want to know you.
-April. :)
-
�ANOOOOOOO?!� napatakip ako ng tenga ko.
Wagas maka sigaw tong dalawa.
�Oo nga kasi. Palambutin mo nga yang utak mo minsan.�
�Eh, baka sa kanya nga galing.�
�Hindi nga sabi. May Tiara na sya. Ang tigas din ng bungo mo no?�
�Eh, pano mo ipapaliwanag yung mga tweet nya, yung blue rose? Sge na.�
�Alam mo, isa ka pa. Hindi nga sabi. PERIOD.�
�Haaays. Bahala ka nga.�
Sino nga kasi yun?
Sigurado naman akong hindi sa kanya galing yun.
Ano naman daw paki-alam non sa akin?
�Malay mo naman diba? Na ikaw nalang din yung hinihintay nya.�
�Loko ka rin no? Ako? Hihintayin nya? Ni hindi nga lang yung makapag �Hi� sakin.
Hintayin pa kaya. Isip isip nga.�
�Ewan ko sayo�ng babae ka.�
�Nga naman, bes�
�Sge pa. Palakihin nyo pa ulo ko. Pag ako nasaktan ng todo, i-uumpog ko yang ulo
nyo.� Sabi ko sa kanila.
*PAK*
Langya. Sabay ba naman daw slang bumatok sakin.
�Bahala ka sa buhay mo. Try to figure things out. Nang malaman mo ang totoo.� Bes.
�Ang laki nyo�ng tulong.� Sarcastic na pag kakasabi ko.
�Well, thankyou.� Sabi nilang dalawa.
Nag ring na yung bell, Biology na.
Hay salamat . Si sir Ave pala ngayon.
Nag si pasukan na ang mga kaklase ko.
At usual, tabi sakin tong Pinsan ko.
�Hi daw pinapasabi ni Rene.� Napatingin ako sa kanya.
�Shut up.�
�Ayaw mo maniwala? Bahala ka.�
�Eh pano naman kita papaniwalaan? Kung puro nalalaman mo lang eh kalokohan?�
�Haha. Marunong din naman ako mag tino, noh. Lalo na sa Threa, babes ko�
�Alam mo ikaw, ang corny mo.�
�Chee. Init ulo.�
Tapos nag start nang mag discuss si sir.
Ako naman, lipad utak ko.
�Ok class, open your book to page 77. Answer letter A & B in a one whole sheet of
paper.�
Nilabas ko na yung papel ko.
Nag simula na akong mag sulat.
Biglang may kumuhit sakin.
�April, share tayo ng book. Naiwan kasi akin.� O sure.
Ay teka.
Pakshet. Si Rene pala to?
Automatic namang umalis ang pinsan ko�t umupo si Rene sa gilid ko.
Tinignan naman ako ni Harvey at Sam.
�Ehem. Ehem.� U-ubo ubo daw kunyare nilang sabi.
�Hoy kayong dalawa. Mag sitigil kayo.�
Narinig kong tumawa lang si Rene.
�Sorry boss.� Harvey. Tapos sumaludo pa ang Loko.
-
Natapos na ang klase, ayoko pang umuwi.
Niyaya ko tng mga kaibigan kong tumambay muna kami kung saan.
Sabi ni Bes, may practice daw sila. Kaya namn, sabi ko, manuod nalang muna kami.
Ang galing talaga ng Bestfriend ko.
Habang nanunuood, nag scan ako sa phone ko.
Daming GM.
Pero isa lang yung binasa ko.
Yung kanya.
From: Rene <3;
You are the CSS to my HTML. <3
-
~Gd Afternoon guys. Waiting for her. Di ko pa kasi sya nakikita. Di bale nang di
nya ako pansin, makita ko lang sya. Osge, txt lang kayo.
GM. Mag reply ka sana.
Ok. Si Tiara nanaman.
Di ko nalang sana binasa.
=,=
-
Days passed, ganon lang araw araw.
Walang pinag bago. -,-
Kelan pa kaya mag babago ang lahat?
Haaays.
Papunta ako�ng locker. May iiwan ako. Bigat sa bag nitong PE. Eh kasi, may activity
sa Mapeh mamaya.
Nag lalakad ako�ng naka tungo. Sinisipa sipa ko yung bato.
Hanggang sa may nakabunggo ako.
May mga nahulog na papel.
Pero yung isa�ng color blue na sticky note ang naka pukaw ng atensyon ko.
Teka, ito yung iniwan ko sa locker ko nong isang araw ah?
Napa angat ang ulo ko.
Rene?
�Sorry. Sorry. Sorry.� Dagli nya�ng pinulot yung mga papel na parang walng
nangyari.
Tinulungan ko sya.
�Sorry ulit April. Sge una na ako.� Tapos kumaripas na sya ng takbo.
Ok.
Pumunta ako sa locker ko.
May sticky note nanaman.
Not now. I just want to tell you I love you.
-Anonymous.
Hindi nga si Rene to,
Di nya sulat kamay eh.
Pero, familiar.
At ayoko nang isipin kong kanino. Dag dag sakit lang yan sa ulo.
Nag open nalang ako ng Twitter ko.
April Mendoza @aprillovesyou
Sino ka ba kasi Anonymous?
1minute ago
Pagkatapos kong mag tweet, pumunta na ako�ng Room.
Mag quiz kasi sa Math.
Mag babasa muna ako.
Pero takte lang. Basa ako nga basa, ni isa wala namang na pasok sa kokote ko
Di parin ma wala sa isip ko yung nakita ko kanina.
Yung Na laglag na note.
Yung mga letter
Yung mga flowers.
Sino ka ba kasi anonymous? Ako�y na wiwindang na kakaisip sayo.
Inhale.Exhale.
Wuhoooo.
Focus.
-,-
Basa parin ako nga basa. Di ko parin ma intindihan.
Pinalo palo ko ang ulo ko at hinilamos ang kamay ko sa mukha ko.
AHHHHHHHHHHH!
�Hoy! Bes, na pano ka.�
�Na wiwindang na ako kakaisip dyan sa anonymous na yan.�
Napalakas ata ang pagkasabi ko.
Buti na nga lang, yung mga pasaway lang ang nandito.
EH sino pa ba?
Edi ang Pinsan ko at ang Tropa nya.
Napatingin sakin si Rene. Tapos biglang kinuhit sya ni Marvin. Tas bigla silang nag
tawanan.
Argggh.!
Bigla namang natigil ang tawanan nila nang dumaan ang isang babae.
Si Tiara.
�Pare, si Tiara oh.� Marvin
�Witweew.� Harvey/Sam/Adrian
�Hi Tiara.� Ethan. Sabay kindat pa. Takteng pinsan to. Nang iinis talaga eh. -,-
�Mas sitigil nga kayo.� Saway ni Rene
�Ang ganda ni Tiara no?� sabi nanaman ni Ethan. Pesteng lalake to.
Tinignan ako ni Ethan.
Umu-usok na ako sa galit. Baka di ko mapigilan at masakal ko tong pinsan ko.
�Relax sisy.� Klaire.
�Hinay hinay lang, bes.�
Tinignan ko ng masama si Ethan.
�Oh. Someones jelous.� Sarcastic na pagkakasabi nya.
Ibinato ko yung Math book ko sa kanya. At walang anong lumabas ng room. Di ko
alintana kung natamaan ba talaga sya.
Mamaya ka sa bahay.
Hah, gagong to.
Walangya talaga.
Pag naman nasa bahay, parang anghel. Pero pag kasama nya tropa nya, puta, nagiging
satanas ang puta. =,= Langya tong pinsan ko. Imbis na ilakad ako dyan kay Rene,
inaasar pa ako. Ang gago no? Eh, sya nga. Lagi kong nilalakad yan kay Threa. Arghh.
�HOOOOOY.� Sigaw ni Klarie.
�Gaga ka talaga.�
�Eh bakit ba. Tama lang naman yun ah?�
�Yun na nga eh!�
�Ha?�
�Hindi si Ethan ang tinamaan mo.�
�Anoo? Eh sino?� imposible!
�Edi yung lalakeng mahal na mahal mo na kahit pa ang sakit sakit na, mahal mo
parin. Na kahit na umiyak ka na kakaisip kung kelan ka pa nya papansin.� Pag singit
nanaman ng bestfriend ko.
Fuuudge. -,-
Kelangan ba talaga sabihin yun?
May pagka gago din tong bestfriend ko no?
Shiiit.
Double Shiit. -,-
Di ko alam pero imbis bumalik ako sa room para mag sorry, napunta ako sa canteen.
Bumili ng isang Chocolate bar.
Tapo tumakbo ako papuntang Roof Top.
Kinuha ko iPad ko at nag Tweet.
April Mendoza@aprillovesyou
Shhiiit. Sorry. Mahal na mahal kita.
1minute ako.
Pagka post, bigla nalang inoff ko yung ipad ko.
-
Nakatulog pala ako.
Anong oras na ba?
Almost 12.30 na.
Di man lang ako nakaka feel ng gutom.
Ayokong kumain.
Bumaba ako para puntahan ang mga kaibigan ko.
Saktong pagbaba ko, nanduon sila. Tila may hinahanap.

Kasama nila sila Adrian. At, ang tropa nya. Pero wala ang pinsan ko at si Franco.
Tsss. Wla namang paki-ala sakin ang mga yun. Nag lakad lang ako ng wala sa sarili.

�Shit. April.� Tumakbo papalapit sakin si Adrian. Ni yakap nya ako ng mahigpit. Nag
sitinginan silang lahat kay Adrian na kasalukuyang nakayakap sakin.

Di ako nakapag salita.

�Saan ka ba nanggaling, ha?� usal sakin ni Adrian.

�Ano ba April? Balak mo ba kaming patayin sa pag aalala?� usal nanaman sakin ng
bestfriend ko.

�Sis, san ka ba nang galing.?� Klaire.

Di parin na bitaw sakin si Adrian.

�April. Mag salita ka naman oh.� Pero imbis mag salita, ni yakap ko sya pabalik.
�Yan.� Pag banggit ko sa pangalan nya. �Yan, sorry.�

�Shhh. Ba�t ka nag sosorry?�

�Kasi pinag-alala ko kayo. Yan, sorry talaga.�

�Shhh. Tama na. Wag mong nang uulitin,April.�

�Bes, walaka pang kain.�

�Ayoko�ng kumain.� Napatingin sila sakin.

�April, kelangan mong kumain.� Adrian.

�Wag kang ganyan, April.� Marvin.

�Halika. Sa canteen tayo.� Adrian.

Nag pahila lang ako sa knila.

Sakto namang pag alis namin, ay ang pag dating nang pinsan ko.

At ng di inaasahang tao.

Si Rene.

�Fck. San ka ba nang galing?� napatakbo sya sakin at niyakap ako. �Akala mo ba
nakakatuwa? Akala mo ba di ako nag alala? Eh, ano nalang sasabihin nila tita? Wala
ka pang kain. Gusto mo ba talagang mag kasakit.?� Usal nya sakin.

�Akala ko, wala kang paki-alam sakin, Insan.�

�Ano ba naman yan? Tanga ka ba? Kuya mo din ako.�

�Kumain ka na.� Dagdag nya.

�Ayko.�

�Ano?! Gusto mo ba talaga magkasakit? Araw-araw k nalang ganyan.�

Di na ako nagsalita pa. Tinignan ko sya. Bakas sa mga mata nya ang pag-aalala.

Ayoko nang mag assume.

Nag lalakad kami. Bigla akong inakbayan ni Adrian.

�Wag mo nang uulitin, ha?� bulong nya sakin.

Napatingin ako sa kanya.

Yan si Adrian. Isa sa pinaka close ko sa tropa ng pinsan ko.

Para ko na ring kapatid yan. Ma alaga sakin. Alam nya rin yung kay Rene.

Adrian�s;
Tama na.

Ayko na sya�ng nakikitang nasasaktan.

Kahit man lang sana palihim, maparamdam ko sa kanya.

Oo, mahal ko sya. Matagal na.

Alam ko namang di nya ako kayang mahalin.

Kasi, si Rene lang ang mahal nya.

Kaya na sasaktan ako, sa tuwing nakikita sya�ng malungkot dahil sa ungas na yun.

Lalo na kanina, nong makita kong misirable sya.

Pero doon ako sa ikakasaya nya.

Kaya gagawa ako ng paraan para sa ikakasaya nya.

Someone�s;

�Alam mo, ikaw nalaman talaga mahal nya, eh. Gago ka lang talaga.�

�Mahal ko naman sya eh.�

�Mahal mo naman pala eh. Ba�t ayaw mong ligawan.?�

�Kasi natatakot ako.�

�Lintek na takot yan.�

�Wag kang mag alala. Ngayon na alam ko nang mahal nya din ako, ako na mismo ang
gagawa ng para-an.�

�Aba. Dapat lang.�

�Saka, wag kang mag-alala. I-ingatan ko sya.�

�Dapat lang no. Kasi pag nakita ko pang may mga luha sa mata nya, di lang kita
bubugbugin, aagawin ko pa sya syo.�

April�s;

Linggo na din ang nakakalipas simula nong nangyari yun.

Di na ako inaasar ni Ethan at 24/7 nang nakabantay sakin si Adrian. Kahit di ko sya
Classmate. Kung hindi sya ang kasma ko, sinisigurado nya�ng kasama ko ang
bestfriend ko o di kaya si Klaire. Di na nya hinahayaang mag isa ako.

Bakit ba kasi ang Tanga ng puso ko?

Kung sana, si Adrian nalang ang minahal ko. Buti pa kasi sya, binibigyan ako ng pag
papahalaga.

Pero wala eh, tanga talaga tong puso ko.

Ayaw pang kalimutan si Rene.


Mag isa ako ngayon.

Nasa classroom lang ako.

Malapit ng intrams kaya busy ang lahat.

Si bes, may practice ng volleyball. Si klaire, may practice sila sa cheerdance. At


ang pinsan ko, kasama ang tropa nya.

At ako, ito, suot-suot ang headset ko.

Napa nap ako sa armchair ko.

Di ko din namalayan na di na natunog ang headset ko kasi tapos na. As in, lahat ng
kanta sa playlist ko.

May narinig akong usapan ng mga babae.

�Ateeey. Alam you na ba?�

�Malamang hindi pa.�

�Naman eh.�

�Ano ba kasi yun?�

�May FlashMob daw mamaya.�

�Ha?�

�Yeah . May ligawan daw mamaya. At ang tibay nitong si guy. Nag pa alam pa sa
pricipal.�

�Talag tey? Sino naman yang lalakeng yan?�

�Hindi ko kilala. Pero sabi nila, taga section daw natin.� Dahil sa narinig ko, mas
lalo pa ako�ng naging interesado sa topic nila.

�Wow. Ang swerte ni girl. Eh, sino ba si Girl.�

�Di ko alam. Pero basta. Mamaya nalang daw.�

Sino kaya yun?

Ok. Hell I care.

Wala na akong paki-alam sa mga bagay na yan.

Nagising ako dahil sa vibrate ng fone ko.

3.30 na pala.

Whole day lang ata kami nag freetime.

From: Klairelalu;
Sissy, nasa room ka pa?
Agad naman akong mag reply sa knya.

Ilang minuto lang, nandito na sya.

�Halika na kasi.�

�Saan ba kasi?�

�Sa 2ndfloor nga diba?�

�Ano bang meron?�

�Basta!�

Hinila nya ako papunta�ng taas.

Pero ang kinagulat ko, tinakpan nya ang mata ko.

�Anong pakulo ito?�

�Basta. Wla ka bang tiwala sakin?�

�Sayo meron. Sa kalokohan mo, wala.�

�Wait a minute. Patience is a virtue, right?�

�Left ako eh.�

�Naman eh.�

�Blabla. Oo na. Nasan si Bes?�

�Basta.�

Hanggang sa nasa taas na kami.

Biglang nag kagulo.

May mga grupo ng lalake sa baba.

Si Ethan, ang tropa nya, si bes, si Adrian.

At iba pang lalake.

Nanduon din si Rene.

Ok.

Nangmakiata nila ako, nag simula na sila.

Sumayaw sila nang di ko maintindihan habang naka form ng I ? U. Tapos..

Nang matapos ang kanta, nag form sila ng S-O-R-R-Y. Bawat isa, may hawak na letter.

Tapos yung last,

W-I-L-L-Y-O-U-B-E-M-Y-G-I-R-L
At ang nakahawak ng question mark,

Ay si Rene. Tapos, naka tingin sya sakin.

Ano to?

Gagalaw pa sana si Rene ulit ng biglang...

�YEEEES. Oo Rene� napalingon kami sa babaeng yun,

Si Tiara.

Ganun yun?

Pinapunta nila ako dito para ipamukha sakin na di ako mahal ni Rene?

Totoo nga yung narinig ko.

Taga section nga namin.

Tinignan ko sila.

Animoy mga langgam na nabulabog.

Di ko sila tinignan pa.

Tumakbo ako papalayo.

Papunta sa roof top.

Nanaman.

Ang sakit. Ang sakit sakit.

Akala ko, ok na ako.

Akala ko lang pala yun. :(

Lintik na pag-ibig. >_<

Rene�s;

Lintik lang.

Panira tong babaeng to.


-,-

Di ko naman talaga mahal yan eh.

Kaya nga di ko niligawan.

Ayoko sa kanya.

Ibang iba sya kay April.

Pero lintik lang.

Pag may nangyari kay April, sasakalin ko tong babaeng to.

Nakita ko si Adrian na sinundan si April

Letche.

>,<

Di ko namalayang nasa harap ko na pala tong babeng to.

�Yes Rene.� Ni yakap nya ako.

�What are you talking about?�

�Diba, ako yung kanina?� ngisi ngising sabi nya.

�Sorry pero hindi yun para sayo.�

�Ano? Ginagago mo ba ako?�

�Hindi kita ginagago. Nag sasabi ako ng totoo. Simula pa lang, si April na ang
mahal ko.�

�What the.? But you told me you��

�Sorry.� Tinanggal ko na ang pagkayakap nya sakin.

Tumakbo ako papunta doon sa direksyon na dinaanan nila April.

Teka?

Papunta kong rooftop ah?

Aissh.

Wag na madaming sat-sat.

Umakyat nalang ako.

At tama nga ako.

Nanduon nga sila.

Nakita ko si Adrian, nakayakap kay April na umiiyak.

�Yan.� Napalingon sya sa pag tawag ko.


�Iwan ko muna kayo. Mag usap kayo.� Hinalikan nya si April sa noo at umlis na.

Papunta na sya sa direksyon ko.

�Ayusin mo yan. Kundi, kagot ka mamaya.� Pagkasabi nya noy bigla nalang tumunog ang
pinto.

Nilapitan ko sya.

Naka-upo. Umiiyak. Yakap yakap ang mga paa.

�April.�

�What do you want? Ano?�

Parang nanigas ako nong marinig ko ang boses nya.

�Diba, pinapunta mo lang naman ako doon para ipamukha sakin na sya mahal mo? Na
kahit kelan di mo ako matutunang mahalin. Diba?� tinignan nya ako. �Ba�t di ka
makasagot dyan?�

Nilapitan ko sya at niyakap.

�Ano ba? Anong gusto mo? Diba masaya ka na? Masaya ka na na saktan ako? Diba?�

�April, hindi.�

�Anong hindi?�

�Hindi para sa kanya yun.� niyakap ko sya ng mas mahigpit. �Para sayo yun.�

�Hah. Tigil tigilan mo nga ako sa kalokohan mo. Di ako natutuwa.�

�Hindi kita niloloko.�

Pero imbis na sumagot sya, umiyak sya. pinag papalo nya ang dib-dib ko.

�Nakakainis ka. *snif* Alam mo bang masakit? *snif* ilang taon. Ilang taon, Rene.
*snif* Taon ang hinintay ko.�

�Nakakainis ka.� Pinapalo nya parin ako.

�April, ako si Anonymous.�

Napahinto sya sa sinabi ko.

�Tama na. Ayoko nang marinig ang kasinungalingan mo.�

�Totoo lahat ng sinasabi ko.�

Niyakap ko sya ng mas mahigpit.

�April, mahal kita. Matagal na.�

�Nakakainis ka!!�

�April, totoo.�
�Alam mo bang mahal na *snif* mahal din kita? Kahit na ang gago gago mo? *snif*�

Napaingiti ako sa sinabi nya.

�Talaga?�

�Bobo ka ba?�

Niyakap ko sya ng mahigpit pa.

�Pano ba yan? Eh, di mo pa sinasagot yung tanong ko. May utang ka pa sakin.�
Tinignan ko sya. Nakangiti. �May I have your answer?�

�YES.� Sabi nya nang nakangiti.

�It means?�

�Yes.�

Napabitaw ako sa narinig ko.

Napatalon ako.

�Oh yess. Yess.� Talon parin ako ng talon. �SINAGOT NA AKO NI APRIL. HOOOO!�

�Hoy. Para kang timang.� Tumayo na rin sya. nilapitan ko sya.

�ILOVEYOU, April.�

�ILOVEYOUTOO, Rene.�

And with that,

I kissed her.

THE END.

You might also like