You are on page 1of 959

The Knightless Princess

by SexyKisser

The Knightless Princess By Sexykisser

=================

The Knightless Princess

The Knighless PrincessWritten By: SexykisserFebruary 2014 - PresentCopyright ©All


Rights ReservedFacebook Fanpage: Sexykisser's Stories (External Link)

=================

TKP 01

01: Pierce 

Nakatitig ako sa boyfriend kong si Kharl. Nasa canteen kami ngayon dahil break na.
Kanina ko pa napapansin na tahimik sya at mukhang may gustong sabihin.

"Uh.. Kharl?" Napanguso ako dahil hindi talaga sya tumitingin. "Uy, a-anong iniisip
mo?"

Ngayon ay tumingin na sya saakin. Nanginginig ang mga mata nya at hindi iyon mai-
focus saakin. Para bang nagi-guilty sya sa isang bagay na hindi ko naman alam.

"Princess.. m-magbreak na tayo.." Parang nabingi ako sa sinabi ni Kharl saakin.


Anong sinasabi nya? Nakikipagbreak sya saakin?

"Kharl, hindi nakakatawa." Medyo nanginginig yung kamay ko. Mukha kasing hindi sya
nagbibiro sa mga sinasabi nya, mukhang sobrang seryoso ng mukha nya. At nagsisimula
na akong kabahan.

"Two months, princess.. akala ko magwo-work, hindi pala.." Yumuko sya at tinitigan
ang table.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ito biro. Nakikita ko iyon sa mga mata nya. Parang
bumigat bigla ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kausapin sya?
Makiusap? Magtanong kung bakit?

Tumayo sya. Tumingin pa sya saakin ng limang segundo na para bang may hinihintay
sya saakin. Nagtitinginan na ang ibang mga estydyante saamin. Palagi namang may
nanunuod saamin kaya sanay na ako.
Tumalikod na sya saakin. Sumakit bigla ang puso ko. Para bang hindi ko na sya
makakausap pagkatapos nyang sabihin iyon. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Iyon lang yun? Pagkatapos nyang sabihin na magbreak kami, tatalikod na lang sya?
Hindi ganyan ang Kharl na kilala ko.. hindi iyan si Kharl na alam kong mahal ako.

"W-wait.. Kharl, kung nagbibiro ka hindi ka nakakatawa.." Sabi ko at tumayo para


lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang siko nya para patigilin sya sa paglalakad.

Pathetic. Oo, alam ko. Hindi sya nagbibiro at alam kong nagsisimula na akong
makiusap. Nagsisimula na ring dumami ang mga nagtitinginan. Nagbubulungan na sila.

"Look, Princess. I don't like you anymore. Lets just end it." Tinanggal nya ang
pagkakahawak ko sa kanya. Halata sa mga mata nya na pinipilit nyang tapangan ang
boses nya para masaktan ako at lumayo na lang sa kanya.

"Kharl.." Mangiyak ngiyak na tawag ko sa kanya. There's no way I would let him end
this relationship just like that. "I-I love you.."

"You don't. 2 months palang tayo, that's impossible." Natatawang umiling iling sya.
Nakatingin sya saakin na parang ako na ang pinaka tangang babae sa mundo na naloko
nya.

Tumalikod na sya saakin. Nakikita ko ang mga tao sa gilid na pinapanuod kami. Yung
iba ay lihim na nakatingin, yung iba naman ay ngising ngisi.

"See? Edi nagbreak rin kayo! Prinsesa-prinsesahan ka pa kasi eh, anong feeling mo?"
Napatingin ako sa babaeng nakaupo kasama ang mga kaibigan nya. Hindi sya nakatingin
saakin pero alam kong ako ang sinasabihan nya. She is Victoria. Sya ang palagi kong
nakakaaway simula palang nang maging kami ni Kharl.

Tinignan ko lang sya, without saying any word, I left.

Hindi ako ganun. I used to be a btch, bakit ganun yung inarte ko kanina? Lagi akong
nakikipagsagutan sa kanya whenever sinisimulan nya ang away, because I know Kharl
will be there kung aawayin na talaga ako ni Victoria and her friends.

I used to be treated as a Princess in this school kasi boyfriend ko si Kharl na


syang mayaman, running as valedictorian, teachers' favorites, friend ng lahat, at
the same time kinakatakutan. Kaya simula ng maging boyfriend ko sya, nagiba ang
turing saakin. Isa lang akong normal studentyante, may kaibigan, kumakain ng payapa
sa canteen, nakakapaggala, nagka-cut paminsan minsan. I was a normal highschool
girl before.

Nagiba iyon ng naging boyfriend ko si Kharl. I became everyone's topic. I became


every girl's dream dahil nga boyfried ko si Kharl. Nakilala din ako, but no one
would dare touch me. Well, except for Victoria. Pinsan sya ni Kharl, sikat rin sya
kagaya ni Kharl, at kahit na anong sabihin sa kanya ng pinsan nya ay hindi nya
sinusunod.

In short, I am treated as a Princess, at least I was.

Lumabas na ako ng gate. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang nakipagbreak
saakin si Kharl. Anong nangyari sa kanya? Sa natatandaan ko, sobrang lambing parin
naman namin. I know he loves me too, pero bakit ganun?

As I was walking, I can hear whispers. Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi
nila, pero sigurado akong ako yun.

Hindi ko na lamang sila pinansin.

Kinabukasan, maaga akong pumasok para maiwasan ang bulung bulungan. Paniguradong
mas kalat na yun ngayon. Bakit ba kasi naisip-isipan kong magboyfriend ng sikat--
worse, yung pinakasikat pa? Hindi ko man lang naisip na hindi rin naman talaga kami
magtatagal dahil hindi naman kami bagay. Hindi naman babaero si Kharl eh, ang alam
ko pa nga, tatlo palang ang nagiging Girlfriend nya, lahat pa iyon naging seryosong
karelasyon nya.

Umupo ako sa upuan kung saan ako talaga nakaupo. Tatlo palang naman ang mga kaklase
kong naandito. Pero nang makapasok ako, talagang nakatingin sila saakin.

Bakit ang big deal sa kanila? Ano pa kayang matatanggap ko mamaya? Paniguradong
matutuwa ang mga studyanteng nagalit saakin noon nang maging kami ni Kharl.

Matapos ang sampong minuto, marami rami na rin ang nagdatingan.

"Hi Princess!" Biglang sigaw ni Audrey. Napabuntong hininga ako. Isa sya sa mga
kaibigan ni Victoria.

Nagiwas tingin ako at hindi sya pinansin. Dati, hindi naman sya nagsasalita tuwing
nakikipagaway saakin si Victoria, pero ngayon malakas na ang loob nya. Sabagay,
kanino sya matatakot? Eh wala naman na si Kharl para ipagtanggol ako.

"How's life? Or rather, How's the break up treating you..?" Nanunuksong tanong nya.
Malakas ang boses nya. Madami sa mga kaklase ko ang nakatingin. Agad akong sinugod
ng hiya. Nahihiya talaga ako.

"Audrey, please. Wala akong ginagawa sayo.." Mahinang sabi ko. Sinusubukan sanang
pigilan sya.

"Oh, naandito na pala ang feeling prinsesa! Ang aga ata!" Napapikit ako ng mariin
ng marinig naman ang boses ni Victoria. The Princess b*tch is here.
"..the difference is, wala na syang savior ngayon. My, my poor
Princess." Natatawang sabi ni Audrey.

Pakiramdam ko ay lulubog na ako sa kahihiyan. Sila kasi ang grupo na iiwasan mo


talagang makabangga dito sa school dahil mga bully sila. Bakit ang tagal dumating
ng unang teacher namin? Limang minuto na lang, darating na yun. Sa ngayon,
kailangan ko munang magtiis.

"Knightless Princess!" Natatawang sabi ni Victoria.

"Brilliant! Mabuti nga sayo! Masyado ka kasing assuming eh." Sabi naman ni Sandra.
Isa pa sa mga kaibigan ni Victoria.

"Break na kami, pwede ba, tumigil na kayo!" Naiinis na sabi ko. Eto ang mahirap eh,
yung walang kang kakampi. Yung nagmumukha kang kawawa sa lahat ng mga nanunuod,
yung dati ginagalang ka, pero ngayon wala. Hindi ko naman hiningi lahat iyon, bakit
nagkakaganyan sila? Napatingin ako sa Bestfriend kong si Loraine, nasa harapan sya,
may mga kausap, yung mga naging kaibigan ko rin. Nanunuod sila habang
nagbubulungan. Nang makita nila akong nakatingin, ay sabay sabay rin silang nagiwas
ng tingin.

I sigh.

"Ha! Ang loser mo kasi alam mo yun?" Tumatawang sabi ni Victoria.

Napakapit ako ng mahigpit sa armchair. I can't take this anymore! Pero ano bang
magagawa ko? Kahit magsasagot man ako, wala rin. Ako parin ang talo.

Tumayo ako, aalis na lang ako. Pero bago ako makalabas ay naramdaman ko ang
paghawak saakin ng kung sino.

"Hindi pa tayo tapos, bastos ka ba?"

"Ano pa bang gusto mo, Victoria? Break na kami ng pinsan mo, ngayon, isaksak mo sya
sa baga mo--"

Hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil naramdaman ko ang mahigpit na pagsabunot


nya sa ulo ko.

"Wow ah, matapang ka parin? Bakit, anong bang pinagmamalaki mo?! Sinong magliligtas
sayo?" Sigaw saakin ni Victoria habang nakahawak parin sa buhok ko.

Narinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko. Yung iba ay nagulat at napatayo pa.
Pero wala sa kanila ang nagtangkang pigilan si Victoria.
"Give me the juice," Nakangising sabi ni Victoria.

"Here." May nagbigay sakanya ng isang bottled juice. Napalunok ako.

"Do you still remember what you did to me before?" Tanong nya saakin. Agad kong
naalala yun. Binuhusan ko sya ng juice sa mukha noon. But that was only because she
spilled water on my shirt. Ang sabi nya hindi sinasadya, pero i know better than
that! Isa pa, wala naman nakakita saamin nun. Magkaiba yun sa ngayon. Hindi pa pala
sya nakaka-move on.

"Victoria, pl--" I was about to beg her, pero hindi nya ako hinayaan magsalita.
Tinulak nya ako sa sahig.

Napasalampak ako. Pakiramdam ko ay aping api na ako. Bakit wala man lang tumulong?
Akala ko sa palabas lang nangyayari to. Akala ko, hindi naman nakakahiya yung
ganito, pero nakakahiya pala talaga. Pakiramdam ko ang liit liit ko. Na sobrang
natatapakan ako.

Binuksan nya ang Bottled juice at pinanuod ko syang ibuhos iyon sa ulo ko. Gumapang
ang juice sa mukha ko, pababa ng damit ko.

Nilunok ko ang hikbi pero naglabasan na ang mga luha ko. Katabi ko na ang pinto.
Bakit hindi ako makaalis?

Nagulat ako nang may magabot ng isang plastik ng harina kay Victoria. A-anong
gagawin nya doon?

"Victoria, don't.." Pagmamakaawa ko. Hindi.. pakiusap. Sana hindi. Gusto ko ng


lumubog sa kahihiyan. I want to die. Just take me! Ayoko ng ganito.

Pero ginawa nya. Binuhos nya iyon sa buong katawan ko. Nagtuloy tuloy na naman ang
luha ko. Ang malas ko. Iyon lang ang naisip ko.

"Victoria, tama na. Kawawa na oh." Sabi ng isang kaklase kong lalaki. Kasunod ay
tawanan.

Gusto kong tumayo at tumakbo. Pero alam kong paglabas ko, pagtitinginan rin ako.
Ano bang itsura ko? Malamang ang puti-puti ko na. Ang kaya ko lang naman gawin ay
maghintay ng swerte ngayon.

Kharl.. where are you? Nasaan yung Kharl na alam kong hinding hindi ako pababayaan
magkaganito? Naalala ko tuloy yung nangyari noon. Nakikipagsabunutan ako sa
dalawang babae. Kasalanan ko iyon dahil hindi ko na naman napigilan ang kasungitan
at ang pagka arogante ko. Ako na ang nabubugbog noon, then he came. Galit na galit
sya sa dalawa.
Gusto ko na sanang mapangiti. Parati syang dumadating tuwing nagkakaproblema ako.
Believe it or not, pero sa dalawang buwan na yun, alam kong minahal nya ako. I know
he did. He has to be.

"What's.." Nakarinig kami ng malamig na boses. "..happening here?" Bored ang boses


ng may ari.

Napatingin ako sa labas ng pinto at nakakita ng lalaking.. nakakasilaw. Nakakasilaw


ang itsura nya. Natural ang medyo brown na buhok nya. Malalim, malamig at masungit
ang napakaganda nyang mga mata. Pababa sa ilong nyang perpekto ang tulis at
tangos.. sa labi nyang mamula-mula at manipis. Ang mukha at panga nya na parang
isang masterpiece sa ganda..

Nag tataglay sya ng masungit at tahimik na itsura. Mukhang hindi pala-salita. Mukha
syang tinatamad at gustong matulog. Kung suotin nya ang uniform namin.. parang..
kakaiba. Napakagwapo nya. Ang lamig-lamig ng itsura nya, at nakakaintimidang
titigan.

Nakatingin lang din sya saakin. Walang kahit na anong pinapakitang emosyon, mukhang
tinatamad, mukhang na-istorbo.

"O-oh my.. sya ba yung transferee daw?" Narinig kong bulong ng kaklase ko.

"Sya ba yung Pierce? Shet! Pangalan palang kinikilig na ako! Totoo palang gwapo.."

"A-are you Pierce?" Tanong ni Victoria, halata kong nanginginig ang boses


nya. "What room are you? Dito ba?" Binitawan ni Victoria ang hawak nyang harina.

Tumingin muna sya saakin, halatang nagtataka kung bakit puro harina ako sa katawan
lalo na sa mukha. "I guess." Simpleng sagot nya.

"A-ahm.. I'm Victoria." Ngumiti si Victoria sa kanya at nilahad pa ang kamay. Nang


hindi iyon inabot nung lalaki ay binaba rin nya. "What do you need? A-ahmm.. need
some help?" Nagpapacute na tanong nya.

Tumapak papasok ang lalaki na mayroon naiinis na tingin kay Victoria. "What I need,
is you to move aside, papasok ako."

T-teka-- sino sya?

=================

TKP 02
02: The Bad Boy 

Tinitigan ko ng mabuti yung lalaki. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya. All
my life, kay Kharl lang ako humanga. Sa kanya lang ako nagkagusto. Sa kanya lang
talaga ako nagka-crush.

Agad na tumabi si Victoria para paraanin yung lalaki. Ano nga ulit ang pangalan
nya?

"Sya yung Pierce diba?"

"Oo sya yun! Akala ko ba kaklase natin sya?"

Narinig ko mula sa labas. Ni hindi nga nila napapansing may nakaupo sa lapag at
namumuti dahil sa harina. Mas napansin pa nila yung Pierce.

Kahit naman ako, napansin ko talaga sya..

Bago maglakad papasok si Pierce, tinignan nya muna ako. Nakaramdam ako ng hiya
dahil alam kong maputing maputi ang mukha ko ngayon. Nag iwas agad ako ng tingin sa
kanya. Yumuko na lang ako.

Wala syang ginawa, sabagay.. Bakit naman nya ako tutulungan? Desperado ko naman
masyado ngayon. Nagtuloy tuloy sya sa upuan at nakita kong umupo sya sa bandang
hulihan sa gitna.. yung pwesto ko sana.
Tumingin saakin si Victoria mula sa pagtititig kay Pierce.

"Oh well, humihinga ka pa pala." Nanunudyong sabi ni Victoria. Kitang kita na


masaya sya sa ginagawa nya. Natutuwa syang ginaganito ako.

Nagtawanan naman yung mga kasama nya.

"Let's go Victoria, parating na si ma'am." Sabi ng isa nyang kaibigan.

Tinignan ulit ako ni Victoria, nakangisi sya kagaya ng palaging nyang pinapakita.
Tumalikod sya saakin.

Tumayo na ako. Dahan dahan akong lumabas ng room. Aano ako doon? Hihintaying ang
teacher namin para magsumbong? Para saan pa? Panigurado namang kaaawaan lang ako
doon.

Tumuloy ako sa CR. Umupo ako sa nakasaradong toilet bowl. Nakatitig lang ako sa
kawalan. Hindi ko napansing halos isang oras na rin pala akong namamalagi sa loob.

I sigh. Kanina pa ako umiiyak. Ano bang nangyayari saakin, eh hindi naman ako
ganito? Why am I even letting them treat my just like that?

Kumuha ako ng mahabang tissue at pinunasan ang sarili ko. Ngayon ko lang naisipang
magpunas. May ilan-ilan kanina na pumapasok sa loob ng CR, buti na lang maraming
cubicles dito at hindi na nila ako kinakatok. Bihira naman ang nagdadatingan dahil
class hours ngayon.
Tinignan ko ang relo ko. Meron pa pala 1 hour and 10 minutes bago magbreak time.
Wala pa naman sigurong studyante sa labas. Nakakahiya kasi ang itsura ko.

"Nakita mo ba yung transferee?"

"Hindi eh, yung Jyn ba?"

"Oo! Si Pierce"

"Grabe, nakita nyo ba kung gaano kasungit syang tignan?! Sana kaklase na lang natin
sya!"

"You bet! Magiging akin yang Jyn na yan!"

"Balita ko na kick out yun sa dati nyang school?"

"My gosh! I never seen someone as hot as him in my entire life!"

Napakunot na lang ako. Mga ka-year level ko ata sila. Yung kaklase namin ngayon na
si Pierce ang pinaguusapan nila. Ganun ba talaga kapag gwapo, agad agad sumisikat?

"Teka, narinig nya din ba yung about sa break up ni Princess and ni Kharl?"

Literal na napasapo ang sa noo ko.

"Oo naman! Sino bang hindi makakaalam nun?"


"Swerte na rin yang si Princess, kahit papaano nagtagal pa sila ng two months!"

"Talaga! Knowing na hindi naman pala talaga gusto ni Kharl si Princess? Maki mo
yun? Natagalan sya ni Kharl! haha"

"Sila na kaya ni Elaine ngayon."

"Really? Poor Princess.."

Hindi ko na alam ang gagawin ko nang marinig ko ang pangalan ni Elaine. Si Elaine
ay ang babaeng matagal nang nililigawan ni Kharl noon, ang balita ko, hindi naman
naging sila. Kagaya ng ilang sikat, ganun rin si Elaine. Maganda sya, sobrang
maganda.

Pinagpagan ko na lang suot kong uniforme at lumabas na nang marinig na nakalabas na


ang mga nagdadaldalan kong school mates.

Last year ko na ito bilang high school. Titiisan ko na lang siguro.

..Si Kharl kaya? Ang bilis naman nya akong ipagpalit? O baka naman ginawa nya lang
akong insrumento para sagutin sya ni Elaine? Pero bakit ganun? Bakit hindi ako
kumbinsido? ..Kasi alam kong nagustuhan din ako ni Kharl. Nagustuhan rin nya ako,
minahal nya ako.. alam ko yun.

Pinunasan ko kaagad ang luhang bigla na lang pumatak sa kanang pisngi ko. Tanga
lang eh, bakit kinukumbinsi ko ang sarili ko eh, eto nga, iniwan nya na ako.

Nakakainis. Nakakains si Kharl. Bakit ganun sya? Ang alam ko hindi naman sya ganung
klaseng tao.. hindi naman sya manggagamit. O iyon lang talaga ang alam ko?
Mabilis kong nilakad ang kahabaan ng school. May mga nakatingin kasi eh. Ano bang
problema nilang lahat? Nakakainis na.

Malapit na sana ako sa labas nang mapahinto ako. Alam ko naman na eh. Pero bakit
ang sakit nung makita ko na? Para bang pinupunit ng maraming beses yung puso ko.

"Jade." Seryosong banggit nya sa pangalan ko. Jade? Sa naalala ko, hindi nya ako
tinatawag sa second name ko. Sya ang nagsimulang tawagin akong Princess noon, kaya
sa first name ko na rin ako nakilala. Sinabi nya pa sa akin na ako raw ang prinsesa
ng buhay nya. Lies.

Oo, magkaharap kami ngayon. Kung ipagpapalit nya ako agad-agad, sana naman hindi
ganito. Yung may pagala-gala pa sila ng bago nya, tapos holding hands pa? Sana
sinampal na lang nya ako!

Pinilit kong pigilan yung luha ko. Hindi ako iiyak sa harapan nya. Ano yun, sobra
sobrang stupid ko na ba para iyakan yung taong.. walang pakialam?

"I think you two need to talk," Mahinhin na sabi ni Elaine at ngumiti. Ngumiti rin
sya saakin ng totoo. Nakakainis, bakit ang ganda nya masyado?

Nang makaalis si Elaine ay hinintay kong magsalita si kharl. Pero hindi. Hindi sya
nagsalita. Hindi sya makatingin sa mga mata ko.

"Sana sinabi mo na lang agad.." Mahinang sabi ko kay Kharl. Alam ko namang


naiintindihan nya kung ano ang ibig kong sabihin. "Hindi yung ganito."
"I'm sorry." Nakayukong sabi nya. Nagso-sorry sya. At alam ba nya kung ano yung
masakit? Kasi alam kong sincere sya sa paghiningi ng sorry. At alam din ba nya kung
ano pa yung mas masakit? Yung hindi yung sorry nya yung kailangan ko.

"Okay lang!" Ngumiti ako tapos yung traydor na luha ko, bumagsak. Luckily, hindi
nya nakita kasi nga nakayuko sya kaya agad ko yung napunasan. "Pakisabi na lang sa
pinsan mo, tigil-tigilan nya na ako." I tried to sound okay. Sana lang epektibo
dahil ayokong kaawaan nya ako. He's a good guy. Alam ko yun.

Nilagpasan ko na sya. Kasi yung pesteng tubig sa mata ko, babagsak na talaga ng
tuloy tuloy.

"Jade, sorry talaga." Narinig kong sabi nya sa likod ko.

Hindi ko sya pinansin. Tuloy tuloy pa rin akong sa paglakad. Lalo kasi akong
naiyak. Kapag lumingon ako, yung luha sa mata ko, kitang kita na.

"Jade, I'm sorry.. forgive me. We can still be friends."

Bakit ang kulit nya? Hindi ba sya aware na nasasaktan na ako? At ano? Friends?
Friends?!

"Jade.." Makulit na tawag nya saakin.

Hindi ko natiis. Tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mukha nya nang
makita ang mukha ko. Yes, I'm crying. Mas ayos siguro kung malalaman nyang
nasasaktan ako. Knowing him, the gentleman, the perfect guy, the dream guy, the
good guy.. alam kong ayaw nyang makakita ng kahit na sinong nasasaktan sa paligid
nya. Pero mas masasaktan ako kung nasa paligid parin nya ako. Hindi naman ako yung
tangang ipagsisiksikan yung sarili nya sa taong.. hindi naman sya ang gusto.

"Tama na Kharl.. Ano pa bang gusto mo? Are you happy kasi nasasaktan ako?" Tanong
ko. Of course alam kong hindi sya nasisiyahan, pero I need to do this. "Kung
hihiwalayan mo ako, sana h'wag mo na lang din ako lapitan. Masakit eh."

"Hindi sa ganun Jade, I'm really sorry--"

"Is that all you can say? Sorry? Kasi hindi ko kailangan yan Kharl." Umiling
ako. "Lets just pretend like we never knew each other. Sa paraang yun, matutulungan
mo pa ako."

"We can be friends.."

"I don't wanna be JUST your friend! Hindi mo ba maintindihan yun? Now, all im
asking for you is space. Para mawala rin tong nararamdaman ko dito.." Hinawakan ko
ang bandang dibdib ko.

Nakita ko ang lungkot sa mata nya. Pwede bang h'wag na lang syang magpakiya ng awa?
Hindi ko naman kailangan yun eh!

"You don't love me.. what you feel is just a.. temporary feelings. 2 months lang
naging tayo." Paalala na naman nya. Ang alam ko, nasabi nya na yan.Sinubukan nya
akong lapitan muli.
Humakbang ako papalayo. Totally disgusted with what he said. "Temporary? Kharl
naman.. Oo two months lang tayo.. pero hindi kasi tayo pareho eh. Kasi sa two
months na yun, minahal kita. At isipin mo ng stupid, tanga, bobo o ano pa man ako,
pero sa dalawang buwan na yun, minahal talaga kita.. at ang tanga tanga ko."

Tinignan ko sya at lumabas na ng school. Hindi ko aakalaing iiyak nga ako sa


harapan nya. I never knew i will pull out such an annoying drama in my 16 years of
living.

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng school. Himala kasi hindi ako pinigilan
ng guard. Siguro kasi naawa sya saaki dahil umiiyak ako. Natawa ako, naaawa? Hah! i
don't need that.

"T-tama na! Hindi ko na uulitin!" Nakarinig ako ng lalaking sumisigaw. Mukha syang


nakikiusap at nahihirapan.

Hindi malayo saakin ang tunog kaya lumapit ako. Only to found out.. Oh my, is
that.. Pierce?

"Nagaaral ka," Sabi ni Pierce habang hawak hawak ang kwelyo ng kaklase naming
lalaki. "Pero hindi mo alam kung sino dapat ang kinakalaban mo." Malamig na sabi
nya, kitang kita ko ang mahigpit na hawak nya sa kwelyo ng kaklase naming si Ron.

"S-sorry! H-hindi na mauulit!" Nauutal na sabi ni Ron. Napangiwi ako sa itsura nya.


Paano nagawa ni Pierce ang ganun? Binugbog nya ba ang kaklase namin?

Malakas na binitawan ni Pierce ang kwelyo ni Ron, halos nauntog tuloy sya. Tumayo
si Pierce mula sa pagkaaupo kay Ron. Tinignan nya iyon na parang hindi malaman kung
ano ba ang dapat nyang gawin sa kawawang si Ron. Tsk. Tsk.
Sa tingin ko hindi rin sya magtatagal sa school namin. Kick out sya? Bakit
tinanggap sya ng school namin? Bagsakan na ba kami ngayon ng mga tinapon na ng
ibang schools?

"Give me your wallet," Utos ni Pierce kay Ron

"H-ha? B-bakit?"

"F*ck, just give me your damn wallet!" Nawawalan ng pasensya na sabi ni Pierce.

Lalo ko silang pinanuod. Nakakaawa si Ron. Oo mayabang sya, pero hindi naman sya
nakikipagaway ng ganito.

Hindi magkandaugaga ang kaklase namin sa pagkuha ng wallet nya. Iniabot nya iyon
kay Pierce, nanginginig pa ang kamay nya.

Binuklat ni Pierce ang wallet at kinuhanan iyon ng laman, ng pera. Hinagis nya
pabalik sa mukha ni Ron ang wallet. "Now fix yourself."

Napa nganga ako. Anong ugali meron sya? Binugbog nya si Ron, kinuhanan nya ng pera
tapos iyon lang yun?
May dinukot si Pierce sa bulsa nya. Sigarilyo. Naninigarilyo sya? Teka, bakit
naninigarilyo sya?!

Sinindihan nya iyon at laking gulat ko nang mapatingin sya sa gawi ko. Napalunok
ako. Nakakatakot sya.

Naglakad sya. Naglakad sya papalapit saakin. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng
puso ko habang pinapanuod syang lumapit saakin. Kinakabahan ako.

Nakakatakot sya. Hindi ko gusto ang itsura nya ngayon. Kung kanina, ayos na ayos pa
sya, yung tipo na kikiligin ang lahat kapag dumaan sya.. ngayon iba na. Ang gulo ng
buhok nya, pati na rin ng uniforme nya, lukot lukot. Tapos may sigarilyo pa sa
bibig nya.

Huminto sya sa nang nasa harapan ko na sya. Tumaas ang sulok ng labi nya. Isang
malademonyong ngiti. Naalala nya kaya ako? Naalala nya kayang kaklase nya rin ako o
naalala nya bang ako yung babaeng puro harina?

"B-bakit?" Kinakabahabang tanong ko. Sino ba naman kasing hindi kakabahan


pagkatapos mong manuod ng bugbugan, tapos nasa harapan mo ngayon ang sigang lalaki
na to?

"Tabi, kung ayaw mong sumunod sa kanya." Mahina pero nakakatakot na utos nya
saakin.

Nanlaki ang mata ko. Agad akong tumabi para paraanin sya. Nabuhayan lang ako ng
loob nang makadaan na sya. Thank god!
Tinignan ko na lang sya habang naglalakad sya papalayo. Oo, gwapo sya. Sa totoo
lang, gwapo talaga sya. Perpeko sya. May naramdaman na sana akong kaunting pagka-
crush para sa kanya. Pero ang sama ng ugali nya-- at iyon ang pinakamatinding turn
off para saakin.

=================

TKP 03

03: Knightless 

Ganun parin ang nangyari sa sumunod na araw. Bulungan parin at puro parinig ng mga
hindi kakilalang mga schoolmates.

"Sya yung binully kahapon, diba?"

"Si Princess. Yung pinag sawaan ni Kharl?"

"Yung binuhusan ng harina!"

Tapos ay narinig ko ang tawanan nila. Hindi ko sila tinignan, imbes ay nag lakad na
lang ako ng diretso, hindi tumitingin kahit kanino. Kailan naman kaya ako
matatahimik sa school na to?

Wala pa sila Victoria sa room. Hindi ako makapaniwalang kasama ako sa mga
estudyanteng natatakot na rin sa kanya ngayon. Pagpasok ka ay nakita ko si Ron na
pinagkakaguluhan ng apat na lalaki na nakikibalita kung ano ang nangyari sa ilang
pasa nito sa mukha.

Napaawang lamang ang labi ko. Iniwan ko sya kahapon dahil hindi ko alam ang gagawin
ko. Hindi ko sya tinulungan. Nakakakonsensya pala. Dumapo ang tingin ko kay Pierce
na nakaupo sa medyo bandang dulo na tahimik na nakahawak at nakatingin sa kulay
puting phone nya. Ni walang bahid ng konsensya.
Batid ko ang mga titig sa kanya ng mga babaeng maaga doon. Lumapit ako sa kanya
dahil doon rin ako naka upo. Napatingin ako sa kanya at sa hawak nyang iPhone.
Kumunot ang noo ko.

"Hindi ba kinuhanan mo ng pera si Ron kahapon? Hindi mo ba ibabalik yun?" Hindi ko


napigilan ang pag tanong ko. Gusto kong punitin ang labi ko dahil hindi ko na naman
napigilan ang pag sasalita.

"Ano naman sayo?" Rinig ko ang inis at pagkabanas nya sa pangingi-alam ko. Hindi
sya nakatingin saakin pero siguro ay alam nyang ako yung kahapon, yung nakakitang
binugbog nya si Ron at kinuhanan ng pera.

Hindi na lang nag salita. Maayos ang suot nya ngayon, medyo gulo ang buhok pero
maayos parin. Ang matangos nyang ilong at ang labi nyang medyo naka awang pa dahil
sa nilalaro. Ang pilikmata nyang kitang kita ko mula sa kinakaupuan kong dalawang
upuan bago sa kanya. May kurba ang pilikmata nya kagaya ng kay Kharl.

Tumingin na lamang ako sa harapan. Siguro ay hindi na sya aabutin ng isang week
dito. Pakiramdam ko ay maki-kick out agad sya.

Tska siguro ay mahirap na pamilya lang sila kaya nangunguha sya ng pera ng iba.
Siguro ay nanakaw nya lang ang hawak nyang iPhone o di kaya ay galing sa girlfriend
nya.

Teka, girlfriend? Si Pierce? Kahit na kitang kita ang ka-gwapuhan sa itsura nya,
hindi ako maniniwalang may girlfriend sya. Sinong makakatagal sa kanya? Nakakatakot
sya. Para kang sasakmalin ano mang oras kapag kinausap mo sya.
"Princess!" Sigaw ng pamilyar na boses. Si Victoria.

Napatingin ako sa kanya. Ngising ngisi sya. Umiinom sya ng tubig habang papunta
saakin.

"Victoria, wala akong oras para makipag away sayo." Maikli kong sabi. Sana naman ay
tigilan nya na ako. Sana naman ay lubayan nya na ako. Wala naman akong ginagawang
masama sa kanya ngayon, pero kung umasta sya ay parang kasiyahan nya lang ang ma-
bully ako.

"Pfftt--" Tumawa sya ng malakas. Nagulat ako nang may tumamang tubig sa mukha ko.
Tubig iyon galing sa bibig ni Victoria. Binuga nya sakin ang tubig.

Umugong na naman ang bulungan. Talagang kinakatakutan si Victoria dito. Ang laking
babae pa naman nya at matatakot kang maka bangga ng tulad nya.

"Serve you right!" Ngumisi sya saakin at namula ang pisngi nya nang mapatingin sya
kay Pierce. Pagtingin ko ay nakatingin pala si Pierce kay Victoria. Nakatingin lang
sya at walang sinasabi. "H-hi Pierce.." Lalong namula si Victoria. Umalis sya sa
harapan namin.

Nangingiyak-ngiyak na naghanap ako ng panyo mula sa bulsa ng uniforme ko. Basang


basa ang mukha ko. Galing yun sa bibig ni Victoria!

"Gosh Victoria, nakatitig sayo si Pierce kanina!"

"Oonga, nakatingin sya sayo! God girl!" Narinig kong bulungan ng mag kakaibigan kay
Victoria.
"R-really?" Rinig kong bungisngis nya. "Sa tingin nyo ba, g-gusto nya ako?" Medyo
nahihiya pa ang boses nya sa malayo.

Samantalang patuloy lang ako sa paghanap ng panyo sa bulsa ko. Ramdam ko na


napatingin saakin si Pierce. Siguro pansin nya ring umiiyak ako habang tumataas-
baba ang balikat habang nag ha-halughog ng bag para sa panyo.

Kainis! What a life! Napahikbi ako nang hindi parin nahahanap ang panyo. I am so
pathetic. Kaawa-awa ako. Napaka naman.

May biglang nag hagis saakin ng isang malinis na puting panyo. Napatingin ako roon
na lumapag sa kandungan ko. Tinignan ko kung kanino galing at muntik na akong
mapasinghap nang mapagtanto na kay Pierce iyon galing.

Nakatingin lang sya saakin pero walang halong kahit na anong malisya. Walang awa,
walang tuwa, walang duda. Basta nakatingin lang sya.

"S-salamat.." Sabi ko sa kanya at pinunasan ang mukha ko.

"Tss." Sumandal sya at hindi na tumingin saakin. "Don't thank me. Nandidiri lang
ako sa itsura mo."

Napasimangot ako at hindi na lang iyon pinakita sa kanya. At least pinahiram nya pa
ako ng panyo. Pinunasan ko ang mukha ko hanggang sa natuyo na iyon. Naamoy ko ang
bango ng pabango nya sa panyo nya.
"P-panyo mo.." Sabi ko at inabot sa kanya ang panyo nya.

Tinignan nya lang iyon at tumaas ang tingin nya saakin. "Keep it. Anong tingin mo
sakin?"

Okay. Alam kong masungit sya kaya dapat ay maging mahinahon ako tutal sya naman
itong nag offer ng panyo. Hindi na kami nagpansinan hanggang sa dumating ang
teacher. Nasa dulo sya sa tabi ng bintana samantalang ako ay nasa dulo rin, kaya
merong dalawang bangko bago kami mag katabi.

Mabilis lumipas ang oras. Lunch time na. Mag isa akong pumunta ng canteen. Malaki
ang canteen namin kaya hindi kailangan maki-share ng lamesa. Pagkatapos kong bumili
ng kakainin ay dumiretso ako sa isang lamesa.

Habang kumakain ako ay napansin ko ang pagbu-bulungan ng mga tao. Pagtingin ko sa


pinto ay si Kharl. Marami ang nakipag ngitian sa kanya. Halos kaibigan nya kasi ang
lahat dito. Naging maingay ang mga tao sa pagdating nya. Nagpatuloy ako sa pagkain.

Hindi tumingin o sumulyap saakin si Kharl. Kasama nya ang mga kaibigan nya ngayon
sa isang lamesang medyo may kalapitan rin saamin.

"Princess.." May kumanta sa pangalan nya at hindi sya magkakamaling si Audrey iyon.
Nagtatawanan sila kasama sila Victoria.

Nagtangis ang panga ko. Hindi na ba ako matatahimik? Hindi ko na sila pinansin at
lalong tinuon sa kinakain ang atensyon.
"Kamusta, Princess?" Tanong ni Fiona. Isa pa sa mga kaibigan ni Victoria.

Hindi ko sila pinansin. Ngayon ay nakiki upo na sila. Salita sila ng salita pero
hindi ako tumutugon. Bakit? Pakikipag bastusan naman ang hinahanap nila ah?

Hinampas ni Victoria ang kamay nya sa lamesa. "Kinakausap ka! Sumagot ka!"

Natahimik ang buong tao sa loob ng canteen. Nahiya ako. Pinapahiya na naman ako at
mapapanuod pa ng lahat ngayon!

Buong akala ko ay naging tahimik ang lahat dahil sa ginawang pag hampas ni Victoria
sa lamesa pero hindi pala. Natigilan ang lahat, nakatitig at nakanganga habang
pinapanuod si Pierce na maglakad papasok. Umupo si Pierce na parang walang
napapansing mali sa paligid nya. Cool lang sya at walang pakialam sa biglang pag
tahimik sa canteen.

Maging si Victoria ay naka nga-nga kay Pierce na parang ngayon nya lang sya nakita.
Ang grupo naman nila Kharl sa kabilang lamesa ay tahimik rin na nakatingin kay
Pierce. Ang mga babae ay nag simulang mag bulungan habang mga nakangiti, samantala
ang mga lalaki ay mainit ang tingin sa kanya.

Matagal bago bumalik sa normal ang canteen. Nagpasalamat ako kay Pierce dahil
pumunta sya dito at sandaling natigilan sila Victoria. Matatapos ko na ang kinakain
ko.

"Ooops! Nakaligtas si Princess." Nanunuksong sabi ni Sandra saakin. Hanggang ngayon


ay katabi ko parin sila.
Hindi ako muling umimik. Mag sawa kayo. Hinampas muli ni Victoria ang lamesa.

"Ano ba! Hindi kami yong binabasta-basta lang! Btch!" Sigaw ni Victoria dahil sa
ginagawa kong pananahimik. Tumingin ako sa kanya at kita ko naman si Pierce na nasa
kabilang table na kunot noong pinapanuod kami. Marami parin ang nakatingin sa
kanya.

"Ano bang gusto mo?" Mahinang tanong ko at hindi na muling tinignan si Pierce.

"Sht ka." Sabi nya na may galit sa mata. Mukhang nag sasawa sakin. Nakakainis na
talaga sya. "Tara na nga!" Aya nya sa mga kagaya nyang bully.

Ngunit bago sya umalis ay lumapit sya saakin at pinitik ang plato ko. Tumaob iyon
at napa-atras ang bangko ko dahil sa takot na baka matapunan ang palda ko ng sabaw.
Ngunit nag tuloy-tuloy ang bangko ko, bumagsak ako.

"HAHAHAHA!" Nag tawanan sila Victoria. Saka naman nag tinginan ang iba pang
nandoon. Nagtawanan rin sila sa kahihiyan ko. Nag alisan na sila Victoria na may
ngisi sa labi.

Napalunok ako at pinigil ang luha na gustong gustong nang lumabas. Tumayo ako mula
sa pagkakahiga. Itinayo ko na rin ang bangko. Napatingin ako kay Kharl na syang
titig na titig saakin na may awa sa mata. Tatayo na sana sya at alam kong papunta
na sya saakin kaso ay binilisan ko na at umalis na.

Doon na nagsi-labasan ang pesteng luha ko na pinahid ko rin agad. Nag banyo ako at
nag toothbrush at ginawa ko na ang lahat ng gawain ko. Pumasok na lang ako sa room
at hinintay ang susunod na teacher.

"Princess Jade Torres?" Anang teacher sa harapan.

"Present po.." Sabi ko at nag taas ng kamay.

Natigilan ang teacher namin. Tumingin sya saakin at ngumisi. "Kamusta kayo ni Mr.
Gomez?" Tanong nya. Pero mas mukhang nanunuya sya. Tinutukoy nya si Kharl.

Natigilan ako at narinig ko na lang ay tawanan na sinimulan ni Victoria. Napayuko


ako.

"Quiet, class!" Sigaw ng teacher namin. Umiling iling sya pero natatawa rin. "Kayo
talagang mga bata kayo.. pati ba naman break up ni Gomez at nitong si Torres eh
pinagkaka-guluhan nyo." Sambit nya saamin.

"Eh kasi naman po, feelingera iyan! Feeling prinsesa? O ngayon? Nasaan sya?" Singit
ng isa na hindi ko na makilala ang boses dahil lumulubog na ako sa kahihiyan.

"Naku!" Umiling ang teacher namin sa mga sagot ng kaklase ko. Nagpatuloy sya sa
pagche-check ng attendance. "Pierce Jyn Jimenez?"

Natahimik sandali ang lahat. Hinanap ng mata ng teacher namin si Pierce sa bawat
upuan. Kanina ko pa alam na absent sya dahil wala akong kasama sa huling hanay.
Apat na upuan iyon pero ako lang ang naandito. Hindi na kasi binago ang pwesto.
Marami ring nakakapansin na wala si Pierce bago pa lang mag simula. May mga nag
titinginan kasi sa pwesto nya.

"Ke bago-bago absent? Nag cut siguro." Bumubulong na sabi ng teacher namin.

Matapos ng klase na iyon ay may dalawa pa kaming klase. Wala ang teacher namin sa
Science kaya hihintayin na lang namin ang huling  klase. Vacant kami at hindi
pwedeng ipa-advance.

Piniga ang puso ko. Lahat sila ay nagsi-labas. Mga magkakaibigan. Pati na rin ang
dating bestfriend kong si Loraine ay may kasamang iba at hindi man lamang ako
kinakausap. Siguro ay natatakot syang madamay saakin.

Nagbuntong hininga ako at pumuntang library. Wala akong mapupuntahan. Loner? Natawa
ako. Loner ako. Walang dumidikit at parang pinandidirihan.

Kumuha na lang ako ng libro at nilibang ang sarili ko habang nakaupo sa pinaka
dulong lamesa para walang makapansin na mag isa at kawawa ako.

"Uyy!" Naramdaman ko ang ilang presensya ng mga kalalakihan na papalapit.

"Hi, Princess." Sabi ng isa. Nakilala ko sya. Isa sa mga playboy ng school. Hindi
ko matandaan ang pangalan. Mga kaibigan sila ni Kharl.

"Kamusta ka na..?" Pinadulas ng lalaking isa pa ang kamay nya sa braso ko at agad
ko iyong tinanggal.
Umusog ako ng upo habang kinakabahan. Lima silang lalaki.

"May tanong lang naman kami eh." Humalakhak na parang manyak ang isa.

"DIba, hindi ka na virgin?" Tanong ng isa at malaki ang ngisi nya saakin.

Nanlaki ang mata ko. Binabastos nila ako. Ngayon pati lalaki binabastos na rin ako.
"Hindi totoo yan! Pwede ba." Sinubukan kong tumayo pero hinatak ako ng lalaking may
mohawk na buhok.

"Sus.. pa-virgin ka naman sumagot." Nag tawanan sila. Gusto ko nang umiyak. Ganun
na kadumi ang pangalan ko? Bakit? Hindi naman kilala si Kharl na playboy sa school
ah. At noong break up nya sa ibang ex nya ay hindi naman umabot sa ganito. Yung
binabastos ang ex nya.

"Ano ba!" Medyo malakas na ang boses ko. Sinubukan nung isa na hawakan ang batok
ko. Kinilabutan ako.

"Pa-try lang sayo. Sabi ni Kharl, ang sarap mo raw eh." Sabi muli nung naka mohawk.

Nanlaki ang mata ko. Hindi totoo ito! Hindi masasabi ni Kharl yun! Ni hindi pa nga
kami nakakahiga ng magkasama sa kama. Hanggang kiss lang kami!

"Ano ba! A-alis na ako." Kinuha kong muli ang bag ko at sinubukang umalis.
Hinablot ng isa pa ang braso ko. "Don't worry, masasarapan ka rin saamin,
Princess." Nagtawanan sila.

Hindi ko na talaga kaya. Malakas kong itinulak ang isa at halos mapahiga sya.
Tatakbo na sana ako kaso ay marami talaga sila. Nahagip ako nung naka mohawk na
lalaki. Sinandal nya ako sa dingding habang naka upo parin kami. May ngisi sa labi
nya. "Bakit masyadong pakipot? Baka nga maluwang ka na!"

Nagtawanan silang muli. Malalakas na tawa. Naramdaman ko na ang luha ko. Deserve ko
ba itong ganitong trato? Wala akong ginagawa! Masyado na silang bastos! Tumulo ang
luha ko pero agad rin yong tumigil nang makarinig ng boses.

"Ano bang problema nyo sa kanya?" Anang malamig na tono.

Nang tumingin ako sa kanya ay nakasandal sya sa lamesa sa harapan ng namin. Kalmado
pero mabangis ang titig nya sa mga lalaki na nangbabastos saakin. Nakapasok ang
isang kamay nya sa bulsa nya at nakahawak ang isa pa sa bag nyang nakasakbit sa
isang balikat lang.

"P-pierce.." Banggit ko sa pangalan nya.

=================

TKP 04

04: Stop Crying


Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay ligtas ako nang dumating si
Pierce. Bakit nga ba? Masama parin sya at masungit saakin pero bakit magaan ang
loob ko? Hindi sya yung tipo na gagawa ng maganda, pero bakit may gusto ako makita
sa kanyang iba?

Mabilis na tumayo ang lalaking merong clean-cut na buhok. Isa sya sa humipo sa
batok ko.

"Dude, h'wag kang makialam dito." Maangas na sabi nya. Pinantayan nya si Pierce
pero kahit medyo naka upo si Pierce sa lamesa ay mas matangkad parin si Pierce.

Tumagilid ang ulo ni Pierce sa isang gilid at ngumisi. Kita ko ang umusbong na
galit nang lalaki. Kumuyom ang panga nito.

"Pre, tara na." Biglang dumating ang may mohawk na buhok para hilahin ang kaibigan
nya.

"Hindi eh! Masyadong naghahari-harian tong Jimenez na to! Kabago-bago!" Sigaw nya
ulit. Nakikita ko mula sa kinakaka-upuan ang ugat nyang nag nga-ngalit.

"Vince, tara na.." Umapila rin ang isa pa para hilahin ang kaibigan nilang si Vince
na gusto atang mag simula ng gulo sa library. Maswerte at wala pang nakakakita
saamin.

"Dapat makatikim yan! Kung umasta sa school--" Galit na galit sya. Siguro nga ay
ganyan ang tingin sa kanyang ng mga kalalakihan dito sa school. Masyado kasi syang
nakakaagaw ng pansin, masyadong presko at maangas kung gumalaw.
Humalukipkip si Pierce at tumayo ng tuwid. Ngayon ay kita na kung gaano sya
katangkad. Mas matangkad sya sa lima. Ang pinakamatangkad sa kanila ay si Vince na
hanggang kilay lang ni Pierce.

"Fine, try me." Paghahamon ni Pierce. Ako ang nakaramdam ng kilabot ng sabihin nya
iyon. Paano nya nasabi iyon, e lima ang kalaban nya!

Nag tangis ang panga ni Vince. Bumilog ang kamao nya at tumingin sa gilid kung
nasaan ang mga kaibigan. "May araw ka rin, Jimenez."

Naunang umalis yung Vince kasunod ang iba pang kaibigan at yung dalawa ay naiwang
nakatingin saamin at si Pierce na pinapanuod rin silang umalis habang nakaangat ang
sulok ng labi.

Nang makaalis sila ay hinanap ko ang mata ni Pierce. "S-salamat.."

Napatingin sya saakin nang mag salita ako. Nanliit ako sa tingin nya. Tumaas ang
kilay nya. "H'wag mong isiping pinagtanggol kita." Tumalikod sya saakin.

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para hablutin ang braso
nya.

"P-pero.. salamat parin." Napayuko ako ng sabihin ko iyon.

Humarap sya pero hindi ko alam kung nakatingin ba sya saakin dahil nakayuko ako.
Nag angat ako ng tingin at nakita kong pinagmamasdan nya ako.
"Bakit hinahayaan mo lang?" Tanong nya.

Nakagat ko ang labi ko. Ang ibig ba nyang sabihin ay kung bakit hinahayaan ko
silang i-bully ako? Siguro ay nag tataka sya. Palagi nyang nasasaksihan kapag binu-
bully na ako.

Napalunok ako pero sa paa nya ako nakatingin. "W-wala naman akong magagawa eh.."

Napailing sya at tumitig saakin. "Why am I even asking?"

Inayos nya ang suot nyang bag sa balikat at tumingin sa relo nya. Kitang kita ko
kung paano bumagsak at gumalaw sa noo nya ang malambot nyang buhok ng medyo may
kahabaan at magulo ng kaunti, ganun rin ang patilya nyang medyo mahaba. Nakasuot
sya ng itim na bilog na hikaw sa magkabilang tainga.

"It's almost time, pumasok ka na." Aniya at natigilan na para bang may nasabi syang
mali.

Nang tignan ko ang relo ko ay tama nga sya. 5 minutes na lang at mag sisimula na
ang susunod na klase. Nang tignan ko syang muli ay papalabas na naman sya nang
hindi man lamang nag sasabi.

"Wait Pierce!" Sinundan ko sya at naka labas na sya ng library. Hinawakan ko sya sa
siko. Huminto sya at humarap saakin ng nakakunot ang noo. "Hindi ka pumasok kanina,
papasok ka na ba?" Tanong ko. Hindi naman siguro masama kung kakausapin ko sya?
Lalong kumunot ang kilay nya. Bumaba ang tingin nya sa kamay kong nakahawak sa
kanya at otomatikong natanggal iyon na parang may lazer ang mga mata nya.

"Hindi." Aniya sa bored na tono. "At pwede ba? H'wag mo na akong kausapin."

Medyo natawa ako sa kanya. Masyado kasi syang masungit. Ngayon lang ako nakakita ng
lalaki na sobrang sungit at sobrang gwapo. Bihira na kasi. Kung gwapo ka man sa
panahon ngayon, playboy ka na dapat. Kun'sabagay, kahit nga panget ngayon ay
nagagawa paring mag taksil. Wala na talagang imposible.

"Ganun ba?" Ngumisi ako. Napindot pindot ko ang kamay ko sa nerbyos. "Pero sana
pumasok ka parin." Tumingin ako sa mata nyang.. napaka inosente. Marami na akong
nakitang gwapo at magandang mata, pero kakaiba ang sa kanya.

Mula sa pagtingin saakin ay pumikit sya ng mariin at suminghap. "Damn. You are so
annoying."

Iyon lang ang nasabi nya at umalis na sya. Tinitigan ko lang sya habang umalis.
Para syang isang reckless playboy kapag nakatalikod. Ang sexy nyang mag lakad pero
kapag humarap, para namang sexy snob. Napa iling ako.

Saka ko lang nakita ang mga mata na nakatingin saakin. Yung iba ay simple lang kung
makatingin, pero yung iba ay masama. Halata ang irita sa mga mata nila. Bakit, ano
na naman ba ngayon?

"Marami talagang feelingera sa mundo, ano?" Parining nung isa na hindi ko alam kung
kanino galing.
"Sinabi mo pa! Halata namang nag papapansin lang kay Pierce.."

"Tch! Nakaka irita talaga."

Hindi ko sila pinansin. Dapat ay masanay na ako. Ang masakit lang naman talaga sa
parte ko ay yung wala akong kakampi. Walang katulong at walang kasama. Matatawag ko
nga kayang bestfriend si Loraine? Iniwan nya ako..

Sakto lang nang makarating ako sa room. Wala si Pierce at mukhang hindi naman ata
papasok at walang pakialam. Kung sabagay, bakit naman nya susundin ang hiling ko?
Sino ba naman ako?

Himala at hindi ako napapansin ni Victoria. Nag ke-kwentuhan kasi sila ng mga
kaibigan nya. Nag bubulungan sila at nag hahagikhikan.

Nag simula ang klase at wala na namang muli si Pierce. Nag iinit na ang ulo sa
kanya ng teachers at alam kong hindi ito ang magiging huling cut nya. Natapos na
rin sa wakas ang napakahabang klase namin. Oras na para sa uwian.

Mabagal kong iniligpit ang mga gamit ko. Sinadya ko talaga iyon para hindi na ako
mapansin nila Victoria at nang makalabas na sila. Dahil sigurado akong kapag
napansin nila ako, paniguradong gagawa at gagawa sila ng paraan para mang inis.

Nakalabas na ang lahat. Sinakbit ko na ang bag ko sa balikat ko. Paglabas ko ay may
tumamang matigas na bagay sa mukha ko.

Napa awang bibig ko. Hindi ko iyon inaasahan. Nang hawakan ko ang mukha ko ay
nahawakan ko ang malapot na likido. Tinignan ko ang itlog na nabasag sa baba.
Talaga naman oh..

Masama kong tinignan ang mga kababaihang iyon. Anim sila at sa ibang sections
galing. Agad kong kinuha ang panyo ni Pierce na nasa bulsa ko parin para punasan
ang mukha ko.

"Bagay yan sayo! Malandi!" Sigaw ng isa.

"Tara na girls, takbo!"

At nagsi-takbuhan na sila. Tumulo na naman ang luha ko. Ano ba, hindi pa ako
nasanay! Tumulo pa sila ng tumulo pero hindi naman ako gumagawa ng ano mang tunog.
Para bang tutulo lang sila kasi ang bigat bigat na.

Tumingin ako sa salamin ng banyo. Meron hiwa ang pisngi ko. Napangiwi ako sa haba
noon. Meron iyong isang inch na haba at medyo dumudugo pa. Galing yata sa tulis ng
shell.

Inayos ko ang sarili ko at nag mamadaling lumabas. Nag tagal rin yata ako ng
sampong minuto sa banyo para lang tanggalin ang pamu-mula ng mata at ilong ko kung
sakaling may mga tao pa sa labas. Dapat ay medyo bilisan ko pa. Baka meron na
namang panibagong batalyon ang maghintay saakin nito.

Malapit na ako sa gate ng school nang mahagip ang isang lalaking naka upo sa bench
naka harap sa daan at nakapatong ang siko sa likod ng sandalan. Ang binti nya ay
nakabuka at ang paa nya ay nakakalat sa daan na mukhang tamad na tamad na naka upo.

Anong ginagawa doon ni Pierce? Dumapo ang tingin nya saakin mula sa pagmamasid sa
kawalan. Umiwas rin ang tingin nya na parang dumaan lang talaga.
Napabuntong hiniga ako. Nag tuloy-tuloy ako sa paglalakad habang nakayuko at hindi
na lang rin tumingin sa kanya tutal naman ay wala namang meron saamin. Ni ayaw nya
nga saakin. Isa pa, ayokong makita nyang namumula ang mata ko at galing ako sa
iyak.

Nang makapalagpas ako sa kanya ay nakahinga ako ng maluwag, pero halos atakihin
naman ako nang marinig ang boses nya.

"What happened to your cheek?"

Napakurap at napahinto muna ako bago napagdesisyonang humarap sa kanya. Kumalabog


ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Dahil siguro iyon sa pagiging
tahimik at misteryoso nya? Mas matindi pa ang kaba ko sa kanya kesa sa sa kaba na
naramdaman ko nang una akong kausapin ni Kharl.

"A-ako ba ang tinatanong mo?" Kabadong tanong ko. Dapat ay iwasan ko na ang pag
utal sa tuwing kausap sya. Oo, inaamin kong mas gwapo sya kay Kharl. Hindi naman sa
si Kharl lang ang gwapo sa school, pero kay Kharl kasi ako tinamaan ng husto.

Umirap sya at mukhang na-badtrip sa tanong ko. "Meron pa bang ibang tao?" Bugnot
nyang tanong.

Tumingin naman ako sa paligid at napagtantong wala na ngang ibang estudyante kundi
kaming dalawa na lang. Lalo syang nairita.

"And.." Tumingin sya sa mata ko. "Did you cry again?"


Umiling ako ng sunod-sunod at tinago ang sarili ko sa pamamagitan ng pagyuko.

Narining ko ang inis nyang pag daing. Naiirita na naman yata sya saakin. "You
really are annoying." Tumingin ako sa kanya. "And weak." Kumuyom ang panga nya.
"And fragile." Lumalim ang titig nya saakin habang mabuting nag maman-man. "And
helpless."

Hindi ko malaman kung ano ang ginagawa nya dito. Bakit sya naandito? Sino ang
hinihintay nya?

"I heard what they did. Kakalabas lang nila" Wika nya. May hawak na syang band aid.
"Ilagay mo yan." Utos nya at binigay saakin ang hawak nya.

"S-salamat Pierce.."

"Stop thanking me." Tumalikod sya at nag lakad papalayo. "and stop crying. It's
annoying the hell out of me."

Napangiti ako. Ako ba ang hinintay nya? Does he care? Bakit? Para saan?

"Salamat Pierce.." Untag ko ulit kahit na naka layo na sya at imposible na marinig
nya pa iyon.
=================

TKP 05

05: The Deal With His Friends

Pagdating na pagdating ko sa bahay, nilabhan ko agad ang panyo na ibinigay saakin


ni Pierce. Alam kong hindi nya na ito kukuhanin saakin, pero gusto ko itong itago.

"Ate, naano yang pisngi mo?" Tanong saakin ni Samuel. Ang grade six kong kapatid na
lalaki.

"Wala, nagasgas lang dyaan." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagga-gawa ng assignments.

Si mama naman ay patuloy lang sa pagwa-walis ng bahay. Sakto lang kami. Hindi kami
mayaman at hindi kami mahirap. Dalawa lang kaming mag kapatid. Ang papa ay nasa
ibang bansa para mag trabaho, at si mama ay naandito para naman maalagaan kami.

"Bakit hindi na pumupunta dito si kuya Kharl?" Tanong nya saakin. Merong pagtataka
sa mukha nya.

Napatingin ako sa kanya, si mama ay napatingin rin saamin habang nag wawalis.

"Break na kami.." Mahinang sabi ko  na sapat lang para marinig nila.
Tahimik lamang si mama at ganun rin si Sam. Mukhang nalungkot sila para saakin.
Pinag kibit balikat ko na lamang iyon. Matapos namin gumawa ng assignments ni Sam
ay tinabihan ako ni mama habang nanunuod sa sala.

"Bakit kayo nag hiwalay?" Tanong ni mama saakin.

Ngumisi lang ako para hindi makita ang lungkot saakin. "Ganun naman talaga eh, ma.
Highschool- Bata pa kami- Hindi nag tatagal- Makakahanap ng iba." Ganun ko lang
kadaling nasabi yon. Kahit na sa totoo, masakit. Sya ang kauna-unahang boyfriend ko
at hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan ng relasyong to.

"Pero sya ang first boyfriend mo, anak.." Ngumiti si mama. "First heartbreak rin
ba..?" Malambing na tanong nya.

Tumingin ako sa kanya. Ngumiti ako ng hilaw at niyakap sya. Ito ang kailangan ko
ngayon. "Ma.."

"Shh.. Ganun talaga. Sa highschool mo talaga mararanasan ang lahat." Hinaplos nya
ang likod ko. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib.

Tumango lang ako at tahimik na naiyak sa yakap nya. Tama nga siguro si mama. Nang
yayari naman talaga ito at mas ayos na sigurong maranasan ko to. Lahat naman ng
nangyayari ay may dahilan.

"Kamusta si Loraine?" Tukoy ni mama sa bestfriend ko. "Alam nya ba 'to? Bakit hindi
na sya nag pupunta rito?" Tanong nya.
Tahimik na umiling lang ako. "Busy, eh. Pero alam nya na ang tungkol dito.." Hindi
ko sinabi sa kanya ang mga natatamo kong pangbu-bully sa school pati na rin ang
pang iiwan saakin ni Loraine.

Tumuloy ako sa kwarto at nag pahinga. May klase pa kami bukas. Pag higa ko ay
naalala ko nanaman si Pierce. Yung mukha nyang maamo pero masungit. Yung mukha
nyang gwapo pero palaging nakasimangot. Ang maganda at inosente nyang mata. At ang
matangos na ilong.

Hindi ako makapaniwala na iniisip ko sya ngayon, imbes na isipin si Kharl. Posible
bang attracted ako sa itsura nya? Kun'sabagay, sino naman bang hindi? Totoo naman
talagang gwapo sya.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa ilalim ng unan ko. Natigilan ako at
hindi agad nakakurap.

One message from Kharl.

| From: Kharl - Pwede ba tayong mag usap? Nasa labas ako ng bahay nyo. Please? |

Nalaglag ang panga ko. Sumilip ako sa bintana ng kwarto at nakita kong nandoon nga
si Kharl. Nakaupo sya at nakatitig sa sahig.

Mabilis akong nakalabas ng bahay. Naka pajama at tee shirt lang ako. Nang tignan ko
sya ay naka suot sya ng simpleng tee shirt at jeans. Tumaas ang tingin nya saakin
at meron syang guilty look sa mata. Hindi rin umiwas sa paningin ko ang isang pasa
nya sa gilid ng labi.
Lumapit ako sa kanya. Kinakabahan ako at pakiramdam ko ay mapapaluhod ako ano mang
oras.

"Nalaman ko ang ginawa ng mga kaibigan ko sayo." Sabi nya. Tumingin syang muli sa
sahig.

"T-tungkol doon ba ang pinunta mo dito..?" Tanong ko. Sa totoo lang ay nag e-expect
ako ng iba. Masakit pala.

"Alam kong alam mo na ang ginawa ko." Bulong nya.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Anong.."

"Sinabi na ba ni Pierce sayo?" Tanong nya. Tumingin na sya sa mga mata ko. May
pinagsamang takot at awa sa mata nya. Mag kakilala sila ni Pierce? Huh?

"A-ang ano..?" Kinabahan na ako. Hindi ko sya maintindihan. Naguguluhan ako.

Nag buntong hininga sya. "Sorry. Sorry talaga. Matagal ko nang gustong sabihin eh.
I'm such a jerk." Nanginginig ang kamay nya. "Yung tungkol sa pustahan, merong
kaming pustahan ng mga kaibigan ko n-na.. makuha kita, mapasagot at.. mai-kama."

Napasinghap ako. Parang gumuho ang mundo ko. Sya ang first love ko.. pero pustahan
lang ang lahat ng ito para sa kanya? Pustahan lang ang nangyari? No! Hindi ako
makapaniwala. Nailagay ko ang kamay ko sa bibig ko dahil sa gulat.
"Sorry. Hindi ko t-tinuloy iyon dahil mabuti kang tao. Niloko ko sila tungkol sa
pustahan. At dahil doon nabastos ka nila. It's my fault. I don't deserve your
forgiveness.. pero kailangan ko paring manghingi ng tawad. I-i deserve Pierce's
punch."

Lalo akong nagulat sa sinabi nya. Sinuntok sya ni Pierce? Bakit? Para saan?
Tumingin ako sa kanya.

"A-anong ginawa saiyo ni Pierce..?" Bakit nag aalala parin ako sa kanya? Bakit nag
aalala parin ako kung nasaktan sya gayung malinaw saakin na ginago nya ako?!

Dumulas ang kamay nya sa buhok nya at nawala ang ilang nakaharang sa mukha nya.
"Pagkatapos ng pambabastos sayo, inabangan ni Pierce ang mga kaibigan ko. Tinanong
nya sila kung.. kung anong meron sayo at kung bakit ka nila ginaganon. Inamin nila
ang tungkol sa deal. P-pinag bantaan nya ako."

Napasinghap ako. Halos lumaglag ang panga ko. Hindi ko aakalaing nagawa iyon ni
Pierce! Bakit? Tinignan ko ang mukha nya. "Sya ba ang may gawa nyan?" Tanong ko,
tinutukoy ang pasa nya.

Nakaramdam ako ng galit kay Pierce. Bakit kailangan nyang manakit? Kailangan ba
nyang idaan ang lahat sa paraan ng gusto nya? Anong atraso sa kanya ni Kharl?
Imposible na para saakin ang ginawa nya!

Hindi sya sumagot. "Anong meron sainyo ni Pierce?" Tanong nya.

Natigilan ako. "Kaklase ko sya."


Kumuyom ang panga nya. "Kayo na ba? Kalilipat lang nya ng school, Princess. Kayo na
ba?" Natigilan ako dahil tinawag nya akong muli sa first name ko.

Umuling ako at kumunot ang kilay ko sa pagtatanong nya. "Hindi."

Lumapit sya saakin. "Kung ganun, bakit? Bakit galit na galit sya kanina nang
malaman nya ang tungkol sa pustahan?"

Wala na akong pakialam sa mga tanong nya. Nag igting ang bagang ko at gustong gusto
ko syang sampalin. Pumikit ako ng mariin para hindi makita ang mukha nya. "Umuwi ka
na, Kharl. Ayoko nang makipag usap saiyo."

Nag aalala ako sa kanya, oo. Pero alam kong, dapat hindi. Dapat hindi ako nag
aalala sa kanya. Bakit? Para saan? Ni wala syang pakialam. At ano? Pumunta sya dito
para manghingi ng tawad para sa mga kaibagan nya at sa pustahan? Talagang nagawa
nyang aminin saakin.. ngayon lang? Kung kailan ako binastos ng mga kaibigan nya?
Thank god, hindi ako sumasama sa mga gala nya dati na kasama ang mga barkada nya.

Napahikbi ako habang sinasara ang pintuan. Malinaw na ang lahat. Sya ang first love
ko, habang pustahan lang naman pala para sa kanya ang lahat. Tangina. Ako ba yung
tipo na pinagpupustahan lang?

Awang-awa ako sa sarili ko. Parang durog na durog ang lahat saakin. Ang puso ko,
ego ko, kasiyahan ko, pati na rin ang kahihiyan ko sa school. Sht. Wala syang
tinira.
Ayoko na sanang pumasok pag gising ko kinaumagahan. Namamaga ang mata ko. Kitang
kita iyon. Wala akong ginawa kundi ang mag iiyak kagabi. Normal pala iyon. Yung
labas lang ng labas ang luha mo. Hindi lang naman ito dahil sa sakit eh, dahil na
rin sa lahat. Nakakapuno. Pinakamasakit ang malamang pinagpustahan nila ako,
pagtapos, nakuha nya ang gusto nya at ako ang nagsa-suffer.

Tumingin saakin si mama. Merong awa sa mata nya habang nakatingin sa mukha ko.
"Papasok ka pa ba?"

Tumawa ako ng malakas pero peke. "Oonaman ma! Bakit?" Sumubo ako sa almusal namin.

Napa iling sya at umalis para gising si Sam.

Araw araw yata madadagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Araw araw, madadagdagan
ang mga kaaway ko. Imbes na humupa, umaapaw pa.

Maraming pares ng mata ang nakatingin saakin pagpasok ko.

"Ay, umiyak yata. Nakakaawa naman."

"Naku, ganyan talaga kapag ambisyosa."

"Kawawa naman. Haha!"

Inabutan kong magulo ang classroom. Umupo ako at wala pa yung lalaking katabi ko.
Wala pa si Pierce. Masasama na naman ang tingin saakin sa classroom. Wala na bang
bago?
Yumuko lang ako at nagtakip ng panyo. Tapos naalala ko na naman ang mga nangyayari
saaking kamalasan sa school.

"Cess.." Narinig kong wika ng isang pamilyar na boses.

Tinanggal ko ang nakatakip sa mukha ko para tignan sya. Si Loraine. Ang bestfriend
ko. Nasa harapan ko sya. Umupo sya sa tabi ko at nahihiyang tumingin saakin.

"Sorry." Untag nya. "N-natatakot kasi ako eh.. ayokong madamay. Pero.. pero ngayon
ayos lang. Bestfriend kita, at handa akong madamay." Ngumiti sya ng malungkot
saakin.

"Thank you, Loraine.." Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Nakaka gaan na malamang may
kakampi.

Ngumiti rin sya. "Anything for you, Cess."

Dumaan ang matangkad na si Pierce sa harapan namin. Sumulyap sya saakin sandali
pero nawala rin iyon at dumiretso sya sa upuan nya.

May pumalakpak naman sa harapan. "Hi, prinsesang walang prinsepe." Nagtawanan sila.

Victoria. Si Victoria na naman. "Bakit?" Tanong ko sa mababang tono.


Tumaas ang kilay nya at tumingin kay Loraine. "Oh? Tumatapang ka na naman? Porket
may kakampi ka? Eh iniiwan ka naman nyan!" Sigaw nya. "Wala syang kwentang
kaibigan!"

Nag init ang ulo ko sa sinabi nya. "Tumigil ka na, Victoria."

Nag kunwari syang natatakot. "Oh my! Tatakbo na ba ako?"

Humalakhak silang magkakaibigan. Lumapit sya saakin at nagulat ako ng tinanggal nya
ang maliit na band aid sa pisngi ko. Napangiwi ako sa kakarampot na paghapdi nun.

Naramdaman ko ang init ng titig ni Pierce. Hindi ko alam ang reaksyon nya pero
ramdam kong nakatingin sya.

"Oh, anong nangyari dyan? Meron ka pa palang ibang hater bukod saamin?" Tumatawang
sabi ng isa pang alipores ni Victoria na si Fiona.

Hinawakan ni Victoria ang magkabilang panga ko gamit ang isang kamay. Agad akong
nag pumiglas. Alam kong tudyo sya at baka lalo pang lumaki ang sugat ko.

"Ano ba, Victoria! Tama na!" Sigaw ng katabi ko na si Loraine.

"Tumigil ka dyaan!" Sigaw ni Sandra at pinatayo si Loraine para itulak palayo


saamin.

Tumingin akong muli kay Victoria. Pinipilig ko ang ulo ko. Nakakasawa na talaga!
Nakakairita na sya!

May humawak sa kamay ko sa kabila. Si Sandra. "Pwede ba? Iche-check lang namin ang
sugat mo!" Tumatawang sabi nya.

Nakita kong tumayo si Pierce papalapit, pero bago pa sya makalapit ay may naghawi
sa mga bullies na sila Victoria.

"Victoria! Stop!" Galit na sigaw ni Kharl. Agad na nawala si Sandra at sila Fiona
sa gilid. Nag sitakbuhan sila sa dagat ng mga kaklase namin para magtago kay Kharl.

"K-kharl.. anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Victoria sa pinsan nya.

"Tigilan mo na si Princess, Victoria. Wala na kami." Galit na sabi nya. Masama ang
tingin nya sa pinsan nyang nakahawak parin sa pulso ko.

Hinablot ni Kharl ang kamay ko at nagulat ako nang kinaladkad nya ako papalabas
mula sa galit na galit na si Victoria. Nang makalabas kami ng school ay nanlaki ang
mata ko sa mga nakatingin saamin. Nakatitig sila. Eto na naman. Pero ngayon,
sinusubaybayan talaga nila kami. Sobrang rami nila! Pati ang mga wala nang alam ay
nag taka at naki usi na rin.

Sinandal nya ako sa dingding ng labas ng room namin kung kayat kitang kita kami ng
lahat. Lalo na ang mga kaklase namin.
"Yung sugat mo, nagdudugo." Sabi nya at kumuha ng panyo para punasan ang pisngi ko.

Pero mas nagulat ako nang lumabas si Pierce mula sa classroom namin na mayroong
madilim na mukha. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Kharl nang makita si Pierce.

Kumalabog ang dibdib ko nang makitang papalapit sya saamin. Hindi ko inaasahan ang
sumunod nya ginawa!

Hinablot nya ang kamay ko kung saan rin nakahawak si Kharl. Napabitaw agad si
Kharl.

"Are you really completely stupid? Acting as if you're her knight, when you're the
one who brought this sht?" Mabangis ang titig ni Pierce kay Kharl pero kalmado
parin ang boses nya. "You one fcked up stupid, crazy psycho. Get.lost!" Malalim at
madiin ang pagkakasabi nya sa dalawang huling salita nya kaya dahan-dahang umalis
si Kharl habang malungkot na nakatingin saakin.

Tinignan ko si Kharl habang papaalis. Mas lalong nagdamihan ang mga nakatingin
ngayon. Lalo na't si Pierce na ang kasama ko. Paniguradong patay ako pagkatapos
nito.

"Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo sya ginanun?" Galit na tanong ko. "Pinag tanggol
nya lang ako!"

"Psh! Stupid." Hindi ko na alam kung para kanino ba ang sinasabi nya. Pero kutob ko
ay para saakin yon. Galit na galit ang mata nya habang nakatitig sa mata kong
namamaga. "For fck's sake, umiyak ka na naman?"

Sumama lalo ang nararamdaman ko sa kanya. Anong paki nya kung ngumawa man ako ng
paulit-ulit? Naaapektuhan ba sya ng luha ko, sinasaktan ba sya ng luha ko?!

"Oo, bakit? Masama ba? Sinong hindi iiyak kapag nalaman mong pinag pustahan ka,
huh?! At inamin nya pa saakin ng ganun kadali huh?! Bakit kailangan nya pa kasing
sabihin!? As if may magagawa pa yung pag amin nya eh nasaktan na ako, lalo lang
akong nasaktan at sobrang nakaka-gago!" Galit na sigaw ko sa kanya habang pumapatak
na naman ang luha ko. Sya pa tuloy ang napabuntongan ko. Pakiramdam ko talaga ang
tanga-tanga ko.

Nakatitig sya saakin nang hindi makapaniwala. Pagkatapos ay pumikit sya ng mariin
at masamang tumingin sa pinagdaanan ni Kharl kanina.

"That stupid moron. Inutusan ko lang syang mag sorry sayo. Wala akong sinabing
aminin nya na yung kagaguhan nya." Bulong nya sa sarili at wala sa loob na hinila
ako papalayo sa room at sa mga estudyanteng walang sawa sa pagtitig saamin.

=================

TKP 06

06: Pulse Rate

Napangiwi ako at yumuko na lamang habang hinahayaan si Pierce na hilahin ako. Hindi
ko alam kung bakit pa nya ako hinihila, saan ba nya ako dadalhin?

"P-pierce.." Tawag ko sa kanya. Maraming nakatingin saamin at marami rin kaming


naririnig na ugong ng mga boses mula sa mga estudyante. Hindi lang iyon dahil mag
kasama kami ni Pierce. Dahil din iyon sa nakahawak sya sa pulso ko.

"Tsk." Daing nya sa pagtawag ko, pero wala syang pakialam sa mga nakatingin.

Hindi na lamang ako nag salita. Natatakot ako na baka isang tawag ko pa sa pangalan
nya e bigla na lang nya akong hawakan sa leeg at itapon. Nakakatakot ang
pumapalibot na itim na aura sa katawan nya.

Huminto kami sa likod ng covered court. Nakatingin lang ako sa badtrip na badtrip
nyang mukha. Wala na bang ibang reaksyon ang mukha nya kundi ang umirap, magsungit,
at magalit?

"Bakit kailangan mong suntukin si Kharl, Pierce?" Seryosong tanong ko sa kanya.


Naalala ko ang pasa ni Kharl kagabi, at mas lalo yatang kumulay iyon ngayon nang
makita ko sya kanina.

Umapak sya sa batong lapag, samantalang ako ay nag paiwan sa lupa na may unti pang
mga nag kalat damo.

"Bakit, nag sumbong sya sayo?" Seryosong tanong nya. Umirap sya at umupo sa bato
habang nakasayad ang paa sa lupa. "Tss.." Kumuha sya ng sigarilyo sa bulsa at
sinindihan iyon.

Pinanuod ko lang sya habang nilalagyan nya ng apoy ang dulo ng sigarilyong hawak,
seryoso sya at nakakunot ang kilay. Binubuga nya ang usok habang nakatingin sa
hangin na parang may kung anong iniisip at hindi sya pwedeng istorbohin.

"Hindi mo dapat ginawa yun, Pierce. Wala ka namang alam sa amin. Hindi mo sya
kailangangang utusan na mag sorry saakin. Hindi mo na dapat kami pinapakialaman."
Matigas na sabi ko.

Tumingin sya saakin. Tumitig at mukhang sinusubukang basahin ang mga iniisip ko.
Mga tatlong segundo rin iyon bago sya muling nag iwas ng tingin. 

"Shut up, you don't tell me what to do."

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi na ako nakapagsalita at tinitigan
na lamang sya. Hindi ko lubos maisip na bigla-bigla na lang syang mag su-sungit,
kahit na wala naman syang pinaglalaban.

Napa iling ako.

"Buhay ko ang pinapakialaman mo, Pierce. Kaya dapat sabihin ko sayo na hindi mo yun
dapat ginawa." Mababa na ang tono ko. Gusto kong kumalma, pero naiirita ako sa mga
sagot nya.

Tumingin sya saakin at may nag aalab na inis sa mata nya. "Just be damn thankful!
Tsk!" Nagsalubong ang kilay nya. Tinapon nya ang sigarilyo sa gilid at nawala iyon
sa mga maliliit na damo. "I just did you a favor.. so stop asking me!"

"At ano naman yun, para sayo? Imposibleng wala kang makukuha doon. Bakit kailangan
mo akong ipagtanggol? Bakit parang ikaw ang gumaganti para saakin? Ano naman kung
may pustahan nga sila saakin? Ha? Bakit nagagalit ka?"

Naiirita syang nag buga ng hangin. "Kainis!" Iyon lang ang sinabi nya at tumalikod
para umalis. Mukhang iritadong iritado sya sa boses ko at sa mga pinag sa-sasabi
ko.

Hinayaan ko syang makaalis. Bakit? Bakit ayaw nyang sagutin? Imposible na dahil
gusto nya lang akong tulungan. Baka naman may galit sya kay Kharl? Posible rin.
Kung kay Ron nga na walang awa nya binugbog, yung isang suntok pa kaya? O baka
naman, naaawa lang talaga sya saakin?

Napa iling ako. Naawa? Hindi sya yung tipo na kapag naawa, tutulong. Imposible.
Pero bakit? Talaga bang nasasaktuhan lang na nandyaan sya?

Umiling ako at hindi na lang iyon inisip. Hindi ko na siguro dapat pag isipan pa
yun.

+++

"36 kayong lahat. Now, I will divide you into 6." Pahayag ng MAPEH teacher namin sa
harapan. "Pipiliin ko ang anim na leaders at sila ang pipili ng makakasamang
members. Kayo na ang pumili para komportable kayo sa mga magiging ka-grupo nyo,
mahalaga iyon."

Napasimangot ako. Mas maganda sana kung si ma'am na lang ang pumili kung sino ang
mag ka-kagrupo, dahil sigurado naman na walang pipili saakin.

Tinawag ni ma'am ang anim na magiging leaders sa harapan. Pinaghiwa-hiwalay sila at


nag simula nang pumili.

Si Emma ang nauna, pinili nya si Loraine at isa na lang ang kulang. Bumulong si
Loraine kay Emma habang nakatingin saakin. Tumingin rin saakin si Emma at
pagkatapos ay umiling. Sinabi nya ang last member na pinili nya at hindi ako yun.
Lalo akong nalungkot. Sino na lang ang magiging ka-member ko?

Ang pang-apat na pumili ay si Fiona. "Hmm.. si Victoria, Sandra,Audrey." Aniya.

Nagsitayuan sila Victoria para pumunta sa harapan at tumabi kay Fiona. Sa kanilang
lahat, si Fiona ang pinakamatalino kaya sya ang ginawang leader.

Nakita kong bumulong si Victoria kay Fiona. Ganun din ang dalawa. Umiling si Fiona
dahil mukhang hindi nya gusto ang sinabi ni Victoria pero sinamaan sya ng tingin
nito.

"S-si.." Bigla syang namula na parang kamatis. "P-pierce.." Pili nya.


Napatingin ako kay Pierce na bored na pinagla-laruan ang ballpen nya sa gilid.
Ganun ulit, hindi sya mamamansin at meron paring dalawang bakanteng upuan sa gitna
namin. Napatingin rin sya sa harapan nang marinig na nabanggit ang pangalan nya.
Nakatingin lang sya kay Fiona kaya lalong namula si Fiona.

Hindi nya kaya alam na may epekto sya sa babae? Weird.

"Mr. Jimenez?" Tawag ng teacher namin sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

Tumayo si Pierce at nahawi naman ang ilang grupo nang dumaan sya. Natahimik rin ang
nadaanan nya. Namumula parin si Fiona at mukhang hiyang-hiya nang tumabi sa kanila
si Pierce na mukhang yamot.

Kaunti na lang kami na nakaupo. Mukhang mapupunta ako sa huling pipiling leader,
dahil no choice na lang sila at sakto lang kami dito.

Napatingin ako kay Pierce na nakahalukipkip sa harapan habang pinapagitnaan sya ni


Victoria at Fiona. Si Audrey naman ay nakatingin sa kanya at mukhang nag ta-tanong
pero hindi sya namamansin.

"Huling member?" Tanong ni ma'am kay Fiona na nakalimutan na atang pipili pa sya ng
isa pa.

"Sa inyo na si Princess, Fiona! Ayokong maging saamin yan!" Sabi nung isang leader
na hindi pa nakakapili. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

Pinili kong ipagkibit balikat yun. Mabuti at medyo nasasanay na ako. Siguro ay
matututunan rin nilang kalimutan to, at mawawalan rin ng saysay ang mga pinag ga-
gawa nila saakin.

Tumingin saakin si Pierce na hanggang ngayon ay nakahalukipkip. Napansin kong bagay


na bagay sa kanya ang P.E uniform namin na gray. Hapit iyon sa katawan nyang medyo
slim pero maganda. And sexy nya. Hapit ang pants namin sa mahaba nyang legs, pati
na rin ang shirt. Lalong lumitaw ang tangkad nya, si Victoria na pinakamatangkad
saaming mga babae ay hanggang kilay lang nya. Ako, pati na rin ang halos lahat ng
babae dito naman ay hanggang labi nya yata o leeg.

"Ayaw nga namin!" Halakhak ni Victoria. "Never!"

Muling nag karoon ng mahina at pinipigil na tawanan. Ano ba? Pinanindigan lang
talaga nila ang pang i-inis saakin. Kailan kaya sila mag sasawa?

Nakita kong medyo gumalaw ang ulo ni Pierce papalapit sa katabing si Fiona pero sa
harapan parin nakatingin at hindi kay Fiona. Pansin kong bumuka ang bibig nya na
parang may sinabing dalawang salita pagkatapos ay tumingin saakin.
Nag iwas agad ako ng tingin. Masyado na akong napapatitig sa kanya!

Nakagat ni Fiona ang labi nya dahil sa sinabi ni Pierce. Hindi ko maiwasang
kabahan. Anong gagawin ko? Wala na ba talagang pipili saakin?

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko, napatingin akong muli kay Pierce. Bakit
nakatingin saakin ang mga mata nyang sobrang misteryoso? Nag iwas sya ng tingin,
pero mas mukhang umirap sya.

"S-si Princess." Banggit ni Fiona na ikinagulat ko. Ako ang pinili nya?

Ano? Isa lang naman siguro ang dahilan nang pagpili nya saakin. Bu-bullyhin nila
ako.

"ANO? Bakit si Princess pa, Fiona?!" Galit na sigaw ni Victoria sa kaibigan nyang
nag hi-himutok. "Kahit sino! H'wag lang yan! Kasira ng araw yan!"

Lalo akong kinabahan. Ako na naman ang apple of the eye. Nanatili na lang akong
nakaupo, siguradong hindi u-ubra si Fiona kay Victoria dahil kumbaga, si Victoria
ang leader nila. Sya palagi ang nasusunod.

"E, sinabi ni Pierce e!" Sabi naman ni Fiona na mukhang may takot kay Victoria, at
the same time, may takot rin kay Pierce. Para bang sinabi nya iyon dahil iyon ay
isang golden rule, na pag sinabi ni Pierce, gagawin mo.

Natahimik si Victoria doon. Nakaawang lang ang labi nya at mukhang may gustong
sabihin kay Pierce pero hindi makapagsalita. Si Pierce naman ay mukhang bored na
nakasandal sa dingding at nakatingin lang kung saan, walang paki. Napansin ko rin
ang pagtahimik bahagya ng mga kaklase ko. Nag simula ang bulungan at mahapdi ang
titig nila saakin.

"O, may reklamo ka ba, Victoria? Sya ang pinili ng leader." Masungit na sabi ng
teacher namin.

Tumayo ako at dumaan sa gitna para sumama kila Victoria. Pinisil-pisil ko ang palad
ko para itago ang kaba. Nakatingin ang mga nanunuring mata saakin.

Bago pa ako mapunta kila Fiona, hindi ko napansin ang biglang pagharang ng paa sa
dadaanan ko. Isa sya sa mga estudyanteng hindi pa napipili kaya nakaupo parin.

"Aray!" Napatid ako doon at napaluhod sa sahig habang ang magkabilang kamay ko ay
nakahawak rin sa sahig. Ramdam na ramdam ko ang pagsakit ng tuhod ko at ang pag
init ng gilid ng mata ko. Impit na tawa ang sumunod doon.

Inayos ko ang sarili ko. Sinusubukan ko munang pakiramdaman na hindi ako maa-out of
balance pagtayo. Tinignan ko ang nag patid saakin. Si Ron! Sya ang binugbog ni
Pierce!

Tumawa sya saakin na hanggang ngayon ay halos dumapa na sa sahig. "Sorry! Di


sinasadya!" Nag tawanan sila pati na ang mga katabi nyang mga lalaki.

"You think it's funny?" Anang malamig na boses. Nakita ko ang pamilyar na kulay
black ang white na sapatos at may nakalagay na DC sa gilid. Nang mag angat ako ng
tingin ay nakita ko si Pierce na nakaharap sa gilid, kila Ron.

"P-pierce!" Napa-atras ng upo si Ron para malayo kila Ron.

Kalmado lang ang tingin nya, pero nakakatakot yon. Bakit nakakatakot sya kapag nag
sa-salita, pero nakakatakot rin kapag tahimik ka lang nyang tinitigan? Para syang
nag ba-banta sa pamamagitan ng tingin. Sumigaw ang teacher namin.

"Ron! Mag sorry ka!" Sigaw ng galit na teacher sa harapan. "Tama bang patirin mo si
Ms. Torres?"

"S-sorry po.." Sabi ni Ron sa teacher namin pagkatapos ay humarap sya saakin.
"Sorry, Princess."

Nagulat ako nang mag lahad si Pierce saakin ng kanyang kamay para tulungan akong
tumayo. Hininhintay nyang kunin ko ang kamay nya. Narinig ko ang pagsinghap mula sa
ibat ibang babae at lalaki sa room.

Nakakahiya. Paniguradong naiinis na naman silang lahat saakin. Pinilit kong


makatayo nang hindi kinukuha ang kamay ni Pierce. Ayoko nang mapaaway dahil baka
may isipin pa sila saamin. Alam ko na iyon. Ganun rin naman noong, una lang kami
mag kakilala ni Kharl.

Kumunot ang noo nya nang makatayo na ako. Ibinaba nya ang kamay nya at masungit na
nauna saakin pabalik sa pwesto nila Victoria.

Masama ang tingin nila saakin. Lalo na si Victoria na nakahukipkip at sobrang taas
ng kilay saakin. Sinusuri nya ako at alam kong hindi lang sya makapagsalita, hindi
ko alam kung ano ang nag pi-pigil sa dila nya para pagsalitaan ako, pero siguradong
nangangati syang tuksuhin ako.

Tumayo rin ako katabi nila na medyo nakasandal sa dingding habang hinihintay na
matapos ang grouping.

"Hmp!" Sabi ni Sandra at tumalikod saakin. Tanging mga likod nila ang nakaharap
saakin. Si Pierce lang ang katabi ko na may layo ng mga tatlong hakbang mula
saakin.
Matapos ng grupuhan ay pinalabas na kami at may binigay na papel sa leader namin.

Masama parin ang timpla ng mukha ni Victoria ganun rin si Sandra, Fiona at Audrey.
Pinamigay ni Audrey ang papel namin na sari-sarili at merong nakalagay na pangalan
ng bawat myembro. Halos mamula sya nang ibigay yung kay Pierce pero nung saakin,
halos isampal nya. Hindi ko pa halos nahahawakan ang papel, binitawan nya na.

Nakagat ko ang labi ko sa sobrang inis. Masama kong tinitigan si Audrey, ngumisi
sya saakin. Lumapag iyon sa paanan ni Sandra. Nang pupulutin ko na ay naapakan
naman nya ang dulo nun. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kumuyom ang panga ko.
"Sandra, na-aapakan mo." Sabi ko kahit alam kong sinasadya nya yun.

"Ay sorry, ah!?" Sabi nya at medyo umapak ulit at nag talsikan sa papel ko ang
lupa.

God! Nakakairita na! Masyado na sila, sobra na!

"Stop it, mag simula na tayo." Iritadong utos ni Pierce na nakaupo na parang hari
habang nakatingin saakin na nakaupo at dinadampot ang papel.

Nag sitanguan sila at lumapit kay Pierce. Lumapit na rin ako sa kanila nang sa
wakas ay nalinis ko na ang papel ko. Marami kaming kailangan kuhanin at sagutan
doon sa papel about sa health and other physical activities.

"Una na natin i-check ang normal pulse rate natin." Suhestyon ni Sandra na
nakatingin parin sa papel para sa activity namin, tumango naman si Fiona.

Nakatayo kaming limang babae habang nakapalibot kay Pierce na nakaupo. Isa lang
kasi ang upuan sa napili naming bakante ng school, ayos ah. Kung titignan ay para
bang sya ang leader namin pero sa totoo lang, habang salita ng salita si Fiona ay
naka-halumbaba sya at nakatingin sa langit na mukhang bored.

"By partner to," Ani Audrey. "Partner kami ni Sandra, Akin muna ang i-check mo,
bago iyo." Sabi nya kay Sandra.

Lumapit si Audrey kay Sandra at nag simula na sila. Natigilan ako. Sino naman kaya
ang magiging partner ko?

Nakita ko sa gilid na kinukurot ni Victoria ang kamay nya na sa tingin ko ay dulot


ng kaba. Nakatingin sya kay Pierce, mukhang aayain nya sya, na sila ang partner. So
si Fiona ang magiging partner ko?

Pupuntahan ko na sana si Fiona na may sinusulat sa papel nya na nakapatong sa isang


maliit na patungan sa malayo nang nakita kong tumayo si Pierce.

Mabagal at tamad na nag lakad si Pierce.. sa gawi ko? Papunta ba sya saakin? Nakita
ko na natigilan si Victoria at masama ang tingin saakin habang si Fiona naman ay
nakatingin rin saakin pero papalapit na rin kay Victoria.

Nang makalapit saakin si Pierce ay lumalagabog ang dibdib ko dulot ng kaba. Huminto
sya sa harapan ko, at walang duda na nakatingin sya saakin. Bumaba naman ang tingin
sya sa kamay ko na pakiramdam ko ay nanginginig. Ang pulso ko kaya? Bumibilis rin
kaya? Kinakabahan ako!

"Yung kamay mo." Utos nya saakin.

Napalunok ako at unti-unti kong inabot sa kanya ang kamay ko. Napasinghap ako nang
hawakan ng malambot nyang kamay ang pulso ko. Medyo malamig ang kamay nya kaya
medyo na-relax ako ng kaunti pero hindi nawala ang kabog ng dibdib ko at ang
kilabot, pati na rin ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko nang pauilit-ulit na
mukhang hindi na yata titigil hanggat hindi nya ako binibitawan.

Napapikit ako. Masarap at nakaka-kaba sa puso ang nararamdaman ko. Sana naman ay
hindi kagaya ng bilis ng tibok ng puso ko ang tibok ng pulso ko.

=================

TKP 07

07: Must Obey His Words

"Nanginginig," Pagpuna ni Pierce sa nanginginig na kamay ko.

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko dala ng sobrang kaba. Hindi nya makukuha ang pulse
rate ko kung nanginginig ang kamay ko. Isa pa, nakakahiya! Anong iisipin nya? Na
sobra akong mag re-reak?

"S-sorry." Inawang ko ang bibig ko at sumagap ng maraming hangin. Tumingin ako sa


itaas sa langit para mawala ang titig ko kay Pierce. Isang minuto nya iyong
hahawakan! At halos tatlong minuto nya na ata hawak ang pulso ko dahil hindi nya
mahanap ang kakapain!
Pumikit ako habang nakataas parin ang tingin. Medyo nakaupo kasi si Pierce. Ang
sampong segundo ay katumbas ng isang minuto ng mga oras na yon!

"Na a-ano ka?" Tanong nya bigla at naramdaman ko ang marahan nyang pagbitaw. Nang
tumingin ako sa kanyang muli ay nakatingin sya saakin na nag ta-taka.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at nilista ko na sa papel ko ang sinabi
nya. Pinagpa-pawisan ako ng malamig. Ngayon naman ay sa kanya naman ang kukuhanin
ko. Pwede naman sana itong solo na lang e, bakit ba kasi by partner pa?

Nag a-alangan pa ako na nilahad ang kamay ko. Bakit sobrang akong na i-ilang kay
Pierce? "Akin na kamay mo.."

Nakita ko ang medyo pag awang ng labi nya pagkatapos ay muntik na syang mag pout!
Inilahad nya saakin ang kamay nya. Nanginginig na naman ang kamay ko nang hawakan
ko sya. Kailangan kong aminin na masyadong nakaka intimida ang presensya nya. Una,
tahimik sya. Pangalawa, masungit sya. Pangatlo, ang misteryoso nya. Hindi mo
malaman ang iniisip nya kahit na halos mamatay ka na dahil sa kagustuhan mong
malaman!

"Tsk." Narinig ko na naman ang pag-tsk nya. "Why are you shaking? Are you scared?"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya. Scared? Hiyang-hiya pa naman ako na baka
nahahalata nya na hindi ko kaya ang bigat ng.. err, charms nya. Iyon naman pala,
iniisip nyang natatakot ako?

"Hindi, Pierce." Sabi ko at sa wakas ay nakapagsalita akong muli nang hindi nag ka-
kamali!
Hinanap ko kung nasaan ang tibok ng pulso nya. Nasaan na..? Hindi ko yata mahanap
dahil kabado ako. Nagulat ako nang hawakan ng isa nyang kamay ang kamay kong
nakahawak sa pulso nya.

"You're too soft," Sabi nya at nanlaki ang mata ko nang hawakan nya ang daliri ko!
Gina-guide nya iyon! Nasa taas ng kamay ko ang kamay nya, at kung ihaharap ko ang
kamay ko, holding hands na kami! Napailing ako sa utak ko, ano bang iniisip ko?
"Medyo diinan mo, para maramdaman mo."

Napalunok ako sa sinabi nya. Sumunod ako at nahanap ko naman iyon agad. "E-eto na."

"When will you stop stuttering like crazy?" Tanong nya sa iritadong tono. Nakagat
ko ang labi ko sa takot. Nakakatakot na masungitan nya lalo na't ganito kami
kalapit sa isat isa. Hindi ako komporatble sa kanya. O hindi ako komportable sa
gwapong mukha nya na malapit sa mukha ko?

"Sorry.." Kinuha ko ang lahat ng lakas para hindi mautal. Napalobo ko ang pisngi ko
ng kaunti para hindi nya makitang lalo akong tensed. Bakit ba kasi ang sungit-
sungit nya? Kakaibang sungit meron sya e. Sya kasi yung tipo na mukhang hindi nag
bi-biro, pero kahit ganun, bagay naman sa mukha nya ang kasungitan nya.

Napaatras ako ng hinila nya ang kamay nya mula saakin. Natigilan ako doon. "Ako na
nga lang! I-timer mo." Masungit na sabi nya.

At ginawa ko ang utos nya. Matapos iyon ay i-pinasulat pa nya saakin yung sa kanya
sa papel nya, ika nya ay wala syang ballpen. Parang hari, tss.

Pagkatapos ng nakaka-kabang hawakan ng pulso na iyon, sinunod naman namin ang


running. Ang totoo ay hindi ito nagustuhan nila Victoria dahil ayaw nila mapagod at
mapawisan. Sabi naman ng MAPEH teacher namin ay kailangan ito para i-test kami at
ang katawan namin.

At dahil tinatamad si Pierce, sya na lang ang humawak ng timer at sabay-sabay


kaming tumakbo para orasan nya kami. Hindi sya tumakbo, pero nilagay nya sa papel
nya kung ilang minuto ang inabot nya. Ang daya naman. Hindi naman nag reklamo sila
Victoria.

"Pulse rate ulit!" Palakpak ni Fiona. "Pulse rate para doon sa without rest." Aniya
at pinuntahan muli si Victoria.

Kinabahan ako. Hahawakan ko na naman ang pulso ni Pierce at hahawakan nya ang
saakin! Paano kung sungitan nya ulit ako?

"Pierce, pwedeng tayo naman? Ako naman mag check ng saiyo." Malambing ang boses ni
Victoria. Hindi ko aakalaing meron pala syang malambing na boses.

Tinignan sya ni Pierce at eto na naman ang masungit nyang mata. "Ayoko."

Nakagat ko ang labi ko at pinigilang tumawa. Iyon lang yun? Kaya nyang sabihin iyon
ng ganun-ganun lang?

"Hu-huh? Ba-bakit?" Pini-pisil pisil nya na ang palad nya.

Nag kibit balikat si Pierce at nag lakad papunta saakin. Hindi pa sya nakakalayo
kay Victoria nang hawakan sya ni Victoria. "Bakit si Princess na naman? Nakakainis!
Pumayag na nga ako na kasama sya sa group e!" Parang makikita ko na syang ngumawa.
Kumunot ang noo ni Pierce at naiinis nyang kinagat ang labi nya na parang nag pi-
pigil sa galit. Marahas nyang tinanggal ang kamay ni Victoria na naka-kapit sa
kanya kaya halos mapaurong si Victoria. May nalaman na naman ako sa kanya: Hindi
sya gentlemen. Oo, hindi sya nananakit, pero wala naman syang pakundangan kung
nakakasakit man sya.

"What? Mag i-iba ba ang pulse rate mo If I'm the one to check?" Inosenteng tanong
nya pero amoy ko ang pang-uuyam. Tumaas pa ang kilay ni Pierce. "And no one asked
for you permission, for Princess to enter the group." Tumingin saakin si Pierce na
ikina-bigla ko. "Sinabi kong satin sya, kaya satin sya." Period. Wow, Pierce! Hanga
ako sa kanya. Parang siga.

 Natigilan doon si Victoria at mukha syang napahiya. Sila Fiona ay nanunuod lang
saamin.

"Pero hindi naman sya kailangan sa grupo na'to a!" Sigaw ni Victoria. Pansin kong
sya lang ang  may kayang mag salita kay Pierce, pero tiklop parin.

"Why? Does this fcking group needs you too?" Bored na tanong ni Pierce. Hindi ko
makuha, bakit kailangan nyang mag sayang ng laway para saakin?

Hindi na nakapag salita si Victoria. Hiyang-hiya syang umalis sa harapan ni Pierce.


Si Pierce naman ay chineck ang pulse rate ko para doon sa Without Rest.

Hindi ako umimik habang seryoso nyang hawak ang pulso ko na pinag da-dasal kong
hindi nanginginig. Sinabi nya saakin ang nakuha nyang resulta. Kukuhanin ko na sana
ang kanya nang maalala kong hindi sya tumakbo.
"Pano ka?" Tanong ko.

Umirap sya saakin at nag kibit balikat. "This thing looks like bullsht." Tukoy nya
sa ginagawa namin. "I'll copy yours."

Hindi na lang ako umangal, it was Pierce's word. Should obey it. Nag pahinga lang
kami saglit, tapos ay kinuha namin ang height at weight namin. Buong activity ay
mukhang sobrang offend at disappointed ang itsura ni Victoria. Ni hindi sya
makalapit kay Pierce kahit alam kong nag pa-papansin naman sya.

Kinuha ng teacher namin ang oras namin sa kabilang subject para matapos na lahat.
Last na ang kukuhanin namin at sobrang nakakapagod magpa lakad-lakad sa school.

"Ay sorry!" Binunggo ako ni Victoria habang nag lalakad kami. Malaking babae sya
kaya naman halos mabuwal ako kaya naman napahawak ako kay Pierce.

Nag tagpo ang kilay ni Pierce kaya agad ko ring binawi ang kamay ko. Tumingin ako
kay Victoria na kulang talaga masyado sa pansin. Wala na siguro syang magawa at
alam kong mamamatay na sya sa kagustuhang makasama o makatabi si Pierce na palagi
kong katabi. Ewan, palaging nasasakto na ako ang katabi nya. Dahil siguro palagi
akong nasa hulihan at sya naman ay sumusunod lang kila Fiona sa mga kailangang
pupuntahan.

"Ooops!" Tumawa sya nang isang beses na mabangga ulit ako. Sinasadya nya! "Sorry
ulit."

Nag tawanan sila. Naikuyom ko ang kamay ko. Pasalamat sila at marami sila. Tssk!
Bubungguin sana ulit ako ni Victoria pero nag taka ako dahil tumigil sya. Hindi nya
tinuloy. Nakatingin sya kay Pierce na nakatitig saamin, kay Victoria ng masama.

"Isa pa.." Ani Pierce sa mababa at mahinang tono. Iyon lang ang sinabi nya.
Dalawang salita na nag silbing banta. Binitin nya sa hangin ang salita nya, pero
sobrang nakakakilabot na maging si Victoria ay walang nagawa kundi ang lubayan ako.

Author's Note:

Just wanna say na once a week ko na lang tong iu-update. Sorry, ang MMPR kasi ang
uunahin ko, after that, ito naman. Em really sorry! So tuwing WEDNESDAY lang ang UD
nito.

=================

TKP 08

08: That Smile

"Hayaan mo na lang siguro muna, titigilan ka rin nila." Ani Loraine habang nag
susulat sa papel. Nasa bahay nila ako ngayon. Saturday at balik kami sa dati naming
gawain, tambay sa bahay nila. Ilang araw lang din naman pala kaming hindi nag
kibuan pero pakiramdam ko ay isang buwan yun. Nag tatampo parin ako sa kanya pero
hindi ko na lang inuungkat ang tungkol dun.

Nag kibit balikat ako. "Sana nga. E wala na naman kami ni Kharl eh."

Tumingin sya saakin habang nakanguso. "Bakit pala kayo nag hiwalay?"

Bumuntong hininga ako at niligpit ang mga gamit ko. Tumingin ako sa kanya at napa
irap.

"Hmm.. ayun. Pinagpustahan lang pala ako." Simpleng sabi ko. Naninikip na naman
tuloy ang dibdib ko habang inaalala si Kharl.

Nanlaki ang mga mata nya at tumingin saakin nang hindi makapaniwala. "No way!"
Tumango ako. "Oonga," Iling ko. "Hindi naman kasi sya yung ganung klaseng tao,
diba? Kaya ang hirap paniwalaan."

"Tss.." Nag halumbaba sya sa harapan ko at tumitig saakin. "Pano nya nagawa yun?
Akala ko pa naman seryoso sya sayo."

Tumango ako. "Akala ko rin. Wag na nating pag usapan."

"Pero kasi.. imposible e. Ang trato nya sayo prinsesa, kina-ilagan ka sa school
dahil sa kanya. Sumikat ka dahil sa kanya. Tapos iyon lang yun? Yes! Sabihin na
nating maganda ka, at hindi pa na kakaboyfriend kaya marami ang may gusto sayo,
pero hindi si Kharl yung tipo ng ganun.." Nag iisip pa sya ng sasabihin pero
pinutol ko na.

"Looks can be deceiving." Simpleng pahayag ko.

Ngumisi lang sya at umiling. "Pero teka lang ah? Bakit mukhang close kayo ng bagong
classmate natin? Ni Pierce?" Tumingin sya sakin ng makahulugan. "Hmm?"

Umirap ako. "Ano ka ba!" Hinampas ko sya at pakiramdam ko ay nag iinit ang pisngi
ko. "Anong close doon? Ang sungit kaya ng lalaking yun!"

"Oo nga, masungit sya. Pero iba sayo eh. Parang may iba?" Nakagat nya ang labi nya
habang nag iisip. "Anong meron sainyo? Pinag uusapan kaya kayo.."

Napalobo ko ang pisngi ko sa pag iisip. Alam ko naman na pinag uusapan kami, "Wala
yun, sakto lang talagang lagi kaming nag kakasama." Sabi ko at umupo ng maayos.

"Pero aminin mo!" Tinulak-tulak nya ako. "Grabe ang ka-gwapuhan nya, diba?!"

Natawa na lang ako. "Tss.."

"Teka.." Minanmanan nya ang itsura ko. "Don't tell me.. si Kharl pa rin?"

Umirap ako at napasinghap. "Hindi naman madaling kalimutan si Kharl eh.." At bakit
ba nasingit na naman si Kharl sa usapan namin?

Napasinghap sya. "Tsk! Isang buwan lang kayo pero--"

"Dalawa." Pag tatama ko. "Mahal ko sya, Loraine. At alam kong hindi lang pag arte
ang pinakita nya saakin." Pag kumbinsi ko sa kanya-- o baka nga sa sarili ko.

"O? At gusto mong paniwalain ang sarili mo, teh?" Padabog nyang nilapag ang kamay
nya sa lamesa. "Diba nga? Si Elaine talaga ang gusto nya noon palang? Malay mo
instrumento ka lang sa kanya para makuha nya si Elaine, tagal nya na kayang
nililigawan yun!" Concern na sabi nya.

Umirap ako. "Oo na. Si Elaine na nga." Tumayo ako at kinuha ang bag sa gilid. "Sige
na alis na ako."

Tumawa sya saakin at sinabayan ako sa pag labas sa bahay nila. Malaki rin ang bahay
nila Loraine at di hamak na may kaya sila kumpara saamin na sakto lang. Hinatid nya
ako sa gate nila.

"Bye!" Paalam nya saakin bago humalik sa pisngi ko.

"Bye!" Ngumiti ako sa kanya at inayos ang suot kong bag.

"Ah.. Cess." Tawag nya saakin. Huminto ako para harapin sya. "Sorry, sorry kasi
iniwan kita." Mababa ang boses nya at mukhang malapit na syang maiyak.

"Loraine.." Tawag ko sa pangalan nya. Ayoko talaga na nakikita syang ganito kahit
na sya yung nang iwan. "Okay lang, okay?" Pinilit kong tumawa para pa-gaanin ang
hangin.

"Sorry. Ni hindi ako dapat matawag na bestfriend eh!" Sabi nya at pinahiran ang
luha. Medyo humagikgik pa sya. "Sorry kasi natakot ako. Sorry kasi natakot ako
dahil alam kong madadamay ako sayo dahil alam kong involve buong school. Sorry kasi
nung kinukutya ka nila, wala ako sa tabi--"

"Ano ka ba, Loraine? Sabi na ngang okay lang!" Tumawa ako. Hindi kasi bagay saamin
ang drama. Kaibigan ko na syang since first year at wala pang nangyayari saaming
ganitong drama.

"Tss!" Natawa na rin sya. "Sige na nga! Bye!"

Humalakhak kaming dalawa. Tatalikod na sana ulit ako kaso nag salita sya. 

"Nga pala, Cess.. doon sa kabilang daan, madadaanan mo yung bahay nila Pierce."
Bumungisngis sya. "Yung bahay na palagi nating nadadaanan at sinasabi ko sayong may
magka-kambal na pogi? Kila Pierce yun!" Tumawa pa sya.

Napatango ako. Iyon pala ang bahay na palaging sinisilayan ni Loraine? Sino kaya
ang crush nya doon? Umiling-iling ako at nag tuloy-tuloy. Malayo pa ang sakayan
dito pero napag desisyunan kong dumaan nga doon. Hindi ko masyadong natitignan yung
bahay na tinuturo ni Loraine dati kasi wala naman akong pakialam, pero ngayon,
gusto kong makita.

Natanaw ko naman iyon agad. Isang malaking puting bahay, malaki ang sakop.
Magaganda rin naman ang iba pang bahay dito, pero kakaiba ang isang to. Ang ganda!
Ang ibang parte ng bahay ay glass wall at maganda iyon. Dito nakatira si Pierce?
Mayaman pala sila? Kun'sabagay, mukha naman syang mayaman?

May kambal daw si Pierce? Dito kami laging nadadaan ni Loraine dati tuwing pupunta
kami sa bahay nila at grabe sya kung lumingon dito. Kaya pala. Pero sino kaya sa
kambal yung gusto nya? Si Pierce, o baka yung isa?

Hindi ko napansin na nasa gitna pala ako at nakatitig sa bahay nila. Biglang
bumukas ang malaking itim na gate nila at nanlaki ang mga mata ko dahil nasa gitna
pa naman ako. Mabilis akong nakaalis pero sa kasawiang palad ay natalisod ako at
nasira ang tsinelas na suot ko! Agggh!

Nilingon ko ulit ang gate nila at mula doon ay lumabas ang isang sasakyan na puti,
roofless, at mukhang sports car. Nakakapaglaway ang sasakyan! Nandoon si Pierce sa
passenger's seat na diretsong nakatingin saakin, sa tabi naman nya na driver's seat
ay isa pang lalaki na medyo kahawig nya na nakatingin rin saakin habang nakakunot
ang kilay.

Nahiya ako at agad na tumayo. Nag lakad ako at kunwaring walang sira ang suot kong
tsinelas. Mahirap! Para akong i-ika ika!

Napasinghap ako nang marining ang pag bukas-sara ng pintuan ng sasakyan! Napapikit
ako. Bumaba kaya si Pierce? Nahihiya na talaga ako!

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng lalaki sa likod ko. Alam kong si Pierce iyon!
Sa lamig palang ng boses nya!

Humarap ako at tinanggal ang hiya sa mukha ko. "W-wala. Kasi ano.. pauwi na ako.
Galing sa.. sa kaibigan ng bahay-- I mean-- sa bahay ng kaibigan ko!" Tumawa ako ng
awkward! Nakakainis! Nakakahiya ako!

Kumunot lang ang kilay nya at tumingin sa paa ko. Napatingin din ako doon at kita
pala na tanggal na yung V strap. Kainis, nakakahiya! Hindi ko na hinintay ang
reaksyon nya at ngumisi ako ng nahihiya.

"A-ha-ha! Alis na ako ah?"  Tumalikod ako at nag lakad ng dahan-dahan. Yung tipong
pinapadulas ko yung isa kong paa para hindi maiwan yung sira kong tsinelas.

"Sandali nga." Masungit na sabi nya. Nilingon ko ulit sya at bumalik sya sa
sasakyan. Nag hihintay doon ang nag mamaneho ng sasakyan nila na mukhang yung
kapatid nya ata. Nakasuot yun ng aviators samantalang si Pierce ay naka wayfarers.
Naka jeans at black plaid shirt sya na naka-unbottoned yung tatlong butones na kita
ang itim na panloob nya. Halos mapatitig ako habang papalapit sya saakin.

Bumalik si Pierce na may dalang sapatos. Kulay itim na Vans. Napalingon ulit ako sa
kakamal nya na nanunuod saamin na may tipid na ngisi sa labi. Nakatingin sya sa way
namin pero hindi ako sure dahil naka sunglasses nga sya.
"Yan!" Binagsak nya ang sapatos sa paanan ko. Ang sungit nya. Mukha syang galit
saakin! Tinanggal nya ang suot na salamin. "Such a pain in the ass." Sabi nya at
pinasadahan ang suot kong loose pastel blue tank top at shorts. Medyo tumigil pa
ang mata nya sa legs ko pero nag iwas sya agad ng tingin.

Nahiya tuloy ako sa binigay nyang tingin. Bumalik ang tingin nya sa mata ko bago
umirap at binalik ang suot na salamin, tapos ay bumalik sa sasakyan. Ni hindi nag
paalam. Pag sarado ng pinto ng sasakyan ay nakita kong may sinabi yung kambal nya
sa kanya at humalakhak pa iyon na narinig ko pero hindi sya pinansin ni Pierce.
Tumingin muli saakin ang kapatid nya at ngumisi na parang nanunukso at saka
pinaharurot ang sasakyan.

Bumuntong hininga ako. Ano yun? Pinahiram ako ni Pierce ng sapatos? Parang hindi.
Paano? Para saan? Pakiramdam ko ay sasakit ang ulo ko sa kakaisip. Paano nangyari
yun? Basta-basta mag papahiram, hindi ganun si Pierce!

Umupo ako sa gilid at sinuot ang sapatos. Malaki pa iyon pero mas ayos na, kesa
naman mag yapak lang ako o isuot ang tsinela kong sira na.

Lunes, maaga akong nagising at nag ayos. Meron kaming flag ceremony ngayon at hindi
pwede ma late. Tuloy-tuloy akong nag lakad. Papunta na sana ako sa bulding namin
kaso, nakita ko si Pierce na nag lalakad. Sumusunod lang ako sa kanya dahil na rin
pareho lang kami ng pupuntahan. Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi sya papunta
sa room namin.

Sinundan ko sya. Nakatalikod sya saakin kaya hindi nya ako kita. Nakasuot sa isang
balikat nya ang isang strap ng bag nya. Balak ko na rin kasing ibalik sa kanya ang
sapatos na pinahiram nya saakin. Isa pa.. gusto ko ring malaman kung aano sya sa
graden?

"Princess?" Anang babae na nasa gilid ko. Nilingon ko ang may katangkarang babae na
nakatingin saakin na para akong sinusukat sa paningin nya. Tumaas ang kilay nya na
parang nandi-diri.

Hindi ko sya pinansin at nag lakad ulit. Alam ko na kasi ang gagawin nya o ang
pakay nya.

"Sandali nga!" Sigaw nya saakin. Hinablot nya ang kamay ko. "Kinakausap pa kita!!"

Sa sobrang inis ko ay naitulak ko sya. Hindi ko alam kung nagiging matapang ba ako
dahil mag isa sya, o dahil naiirita na talaga ako.

"H-how dare you!" Sigaw nya saakin na nakaupo sa sahig, ganun rin ang siko nyang
nakadikit sa lupa.

"E-excuse me lang. Nag mamadali kasi ako." Tipid na sabi ko at nag buntong hininga.
Iniwan ko sya doon. Alam kong panibagong gulo yon. Baka mag sumbong sya. Pero ano
naman? Sa ngayon, wala na akong pakialam sa kanila. Pagod na akong pansinin ang mga
panti-trip nila.

Naabutan ko si Pierce na cool na nakaupo sa isang bench habang may hawak na


sigrailyo sa isang kamay, ay ang isang kamay naman ay nilalagas ang mga dahon sa
garden. Bumuga ang usok mula sa manipis at mamula-mula nyang labi.

Napa iling ako sa ginagawa nya. Lumapit ako sa kanya na syang kinatingin nya.

"Umaano ka dito?" Tanong ko sa kanya.

Nag kibit balikat sya. "Ikaw? Umaano ka dito?" Balik nya sa tanong ko.

"Sinundan kita." Tipid na sabi ko.

Natigilan sya at malalim na ang titig nya saakin. Pagkatapos ay bumalik ang tingin
nya sa mga halaman. Sinunod nyang tanggalan ng mga dahon yung isa pang bulaklak,
hindi ko alam kung bakit nanunuod ako, sinunod nya naman ang petals nung isa pa.

"Bakit sinisira mo? Di mo ba alam na pinaghihirapan nila yan?" Tanong ko sa kanya.


Para syang walang magawa sa buhay nya at sinisira nya ang mga halaman dito.

Tumingin sya saakin, mukha syang medyo nairita dahil pinag sabihan ko sya. "Ano
bang paki mo? Kahit sunugin ko pa tong garden, wala kang paki." Umirap sya saakin.

Hindi ko akalain na pag aawayan namin ang ganitong kaliit na bagay. Bakit ba kasi
pinagbawalan ko pa sya, e hindi naman ako mananalo. Gagawin nya ang gusto nya. At
ngayong sinabihan ko sya ay lalo nyang inis na binubunot yung mga dahon habang
nakasandal parin sa bench.

Sya pa lang ang lalaking napanuod kong nag sisira ng halaman, pero nakakabighani
parin panuorin. Inalog ko ang ulo ko. Psh.

"May flag ceremony." Sabi ko sa kanya. Iniiba na lang ang usapan.

"I know," Maikli at mataray na sabi nya.

Napabuntong hininga na lang ako at hinalukay ang bag ko. Nilabas ko doon ang
sapatos nyang pinahiram saakin. "Oh!" Bigay ko sa kanya. Nilapag ko yun sa tabi
nya, kung saan rin nakalapag ang bag nyang mukhang umimpis, siguro ay walang laman.

Tumingin lang sya doon, inirapan nya lang yun at nagpatuloy sa pagpipilas ng dahon
ng mga bulaklak at hinahayaang tumapon sa ibaba. Tumingin sya saakin at kinabahan
ako. Sa totoo lang ay nakakapagsalita ako ng maayos dahil hindi naman sya
tumitingin saakin pero ngayong nakatingin na sya, natatakot na ulit ako.
"Oh, umaano ka pa dito?"

Nakagat ko ang labi ko sa kasungitan nya. "E ikaw? Umaano ka pa dito? Hindi ka ba
a-attend ng flag ceremony?"

Bumuntong hininga sya. Para bang napapagod sya sa mga tanong ko. "Hindi."

"Paano kung mahuli ka dito?" Tanong ko.

Matagal syang tumitig saakin. Mga dalawang segundo na rin! "Bakit, mag susumbong
ka?" Hindi iyon tanong. Simpleng banta 'yun.

Lumunok ako. "Ba-bahala ka!" Tumalikod ako sa kanya.

"Skip that flag ceremony." Utos nya. "You.. stay here," Malamig at mahina ang utos
nya na halos hindi na marinig. "If-- you want." Dagdag nya at nakita kong kinamot
nya ang kilay nya. Mukha syang biglang nayamot.

Lumingon ako sa kanya. "A-ayoko nga. Hindi naman ako kagaya mo.." Sabi ko. Kagaya
nyang walang pakialam sa mga rules dito sa school na magka-cut kung kailan gusto,
gagawin ang kahit na anong gusto.

"So sinong gusto mong tularan? Yung ex mong magaling?" Merong pait sa boses nya.
Nakangisi sya at nang u-uyam ang mata. Kumunot ang noo ko.

Nairita ako sa pag bi-bring up nya na yun. Bakit kailangan nyang banggitin si
Kharl?

"Hindi nakakatuwa," Bulong ko at masama na ang timpla ng mukha ko bago ko sya


layasan.

Hindi ko na sya narinig mag salita pagkatapos nun. Sa tingin ko ay hindi ko na sya
dapat kaibiganin. Oo, pinagtanggol nya ako ng ilang beses. Pero masama parin ang
ugali nya at pa iba-iba ang mood. Mahirap kasama ang ganun.

Pagkatapos ng flag ceremony ay nag balikan na sa room. Kausap ko parin si Loraine


habang pabalik sa room. Hindi na lang namin pinansin ang mga nag paparinig kagaya
nila Victoria.

Nag simula ang klase at hindi parin ako makatingin kay Pierce na nasa hilera ko
parin. Dalawa parin ang upuan sa gitna namin. Akala ko pa naman ay hindi sya
papasok ng unang klase. Hindi rin naman nya ako nililingon kagaya ng palagi nyang
ginagawa.
"Okay, class. Get one whole sheet of paper." Utos ng teacher namin sa harapan
pagkatapos mag lesson.

Narinig ko pa ang padabog na buntong hininga ni Pierce na mukhang pinaparinig ata


sa teacher namin. Napatingin sa kanya ang teacher namin pero hindi na lang sya
pinansin.

Kinalabit ni Pierce ang kaklase namin na nasa harapan namin. Mukha pang mabigat ang
pagkalabit nya kaya naman inis na lumingon yung babae.

"ANO BA-- uy, P-pierce.. bakit?" Naging malambing ang boses nya at may takot rin.

"Papel." Aniya habang nakasandal.

Agad-agad syang inabutan ng papel. Gumaya ako dahil wala akong papel na dala.
Lumingon saakin nang yamot si Sarah.

"Ano ba Princess?!?"

Ngumiti ako sa kanya sa kabila ng pag susungit nya. "Pahinging papel.."

"Wala na!" Sigaw nya muli. Bumalik na sa harapan ang tingin nya, matapos nun ay
bumulong pa sya. "Leche."

Napairap ako doon. Suminghap ako at tumingin kay Loraine na nasa malayo pa. Meron
syang isang pad. Ta-tayo na sana ako kaso narinig ko si Pierce.

"Oy, papel." Kalabit nya ulit kay Sarah.

Lumingon si Sarah na may matamis na ngiti sa labi. "Bakit, nasaan yung isa, Pierce?
Nasira ba?--"

"Tsk! Pahingi na. Dai-daing sinasabi." Naiiritang sabi ni Pierce. Napapikit ako sa
kasungitan nya. Kung babae lang sya, iisipin kong meron sya ngayon.

"O-okay.." Binigyan sya ng papel ng kaklase naming si Sarah. Masama bang mag assume
na para saakin iyon?

Nakagat ko ang labi ko nang hindi binigay ni Pierce saakin ang papel. Nasa arm rest
nya parin iyon at nakasandal lang sya habang diretsong nakatingin sa board namin.

Napag desisyunan kong tumayo, pero sa wakas ay nag salita si Pierce!


"Oh." Sobrang hina nun. Napatingin ako sa kanya na ina-abala ang sarili nya sa
pagsusulat ng pangalan nya. Inusog nya ang kamay nya para medyo itulak palapit
saakin ang papel na nasa arm rest nya pa rin.

Napangisi ako at kinuha iyon. Sa isang iglap ay nawala ang inis ko sa kanya dahil
kanina!

"Salamat Pierce.." Mahinang sabi ko. Pakiramdam ko ay mamumula ako dahil.. hindi ko
alam! Natutuwa ako, basta natutuwa ako.

Nang makuha ko ang papel ay napatingin ako ulit sa mukha nya. Medyo nakataas ang
dalawang sulok ng labi nya. N-nakangiti sya. Nakangiti ang masungit na si Pierce!
Ang gwapo-gwapo nya!

Nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay nag angat sya ng tingin at bigla
nyang binura ang ngiti nya sa labi. Namula sya at nag iwas ng tingin.

"Ano ba? Lulusawin mo ba 'ko?" Pikang tanong nya habang namumula parin at naka iwas
ang mukha saakin. Hindi ko malimuta yung ngiti nya kanina. Para sakin ba yun?

=================

TKP 09

09: Last

"Kailangan ba talagang kasama natin si Princess?" Tanong ni Janica, isa sa mga


kaibigan ni Loraine na naging kaibigan ko rin, dati.

Nag iwas ako ng tingin sa isa pa nyang kasama na mukhang ayaw din akong isama sa
simpleng snack break sa canteen.

"Ano ba kayo?" Sabi ni Loraine at napatingin saakin na nahihiya sa inaasal nila.


"Tara na!"
Sumabay sa paglalakad saakin si Loraine. Mukha syang guilty na parang sya yung may
kasalanan kung bakit ganito sila Janica saakin. Si Mikaella ay sumabay kay Janica
sa paglalakad na nauuna saamin. Tahimik ang canteen nang makarating kami. May mga
nag titinginan saamin na mukhang hindi parin nag sasawa. Pero mas kumaunti na yun
ngayon.

Bumili na kami ng kakainin namin at tumuloy sa isang lamesa. Naka sibangot parin
ang dalawa at hindi tumitingin saakin. Hindi ko maintindihan kung bakit sila nag
kakaganun, samantalang naging mag kakaibigan naman kami dati, at noong naging
hiwalay lang kami ni Kharl ay nag kaganun na sila.

"Ikaw rin naman kasi Princess ang may kasalanan kung bakit ka ginaganyan ngayon."
Ani Mikaella habang kumakain ng carbonara. Hindi sya nakatingin saakin.

Napatingin ako sa kanya pero hindi ako nag sasalita.

"Oonga, sinabihan ka naman namin dati, diba? Masyado ka kasing mataas kung
mangarap." Bumu-bulong-bulong si Janica.

"Naging boyfriend ko lang si Kharl, masyado nang mataas kung mangarap?" Tanong ko.
Hindi naman sa sumasagot ako ng pabalang, pero nakakainis na sila.

Natigilan si Mikaella sa pagkain at tumingin saakin. Hindi na maganda ang porma ng


mukha nyang nakatingin saakin.

"Sa tingin mo talaga mag tatagal kayo?" Tumawa sya ng peke. "Mayaman? Oo. Sikat?
Oo. Gwapo? Oo." Umirap sya. "Kaibigan sya ng lahat, Princess. Maraming nag
kakagusto sa kanya. Tayo, mga normal na students, hindi dapat nangangarap ng mga
katulad nilang matataas."
Hindi ako sumagot sa kanya at kumain na lang. Masama bang mag kagusto kay Kharl?
Wala namang masama doon, at hindi ko alam kung bakit masyado silang makontra.
Narinig ko ang ma-ingay nyang pag singhap. Si Janica naman ay padabog na binitawan
ang hawak na tinidor.

"CR lang ako." Paalam nya, pero mas mukhang ayaw nya lang akong makita.

"Sasama na ako." Sabi din ni Mikaella.

Nakagat ko ang labi ko at tumigil sa pag kain. Nawalan ako ng gana. Bumuntong
hininga ako at napatingin kay Loraine na nakatingin din saakin. Meron syang
apologetic eyes para sakin.

"Sorry.." Yumuko sya at sumandal sa upuan.

"Okay lang. Sa mga oras na to, sa tingin mo hindi pa ako sanay?" Tumawa ako. "Ayos
lang, Loraine."

Tumango sya at tinapos na namin ang kinakain namin at hindi na ulit bumalik sila
Mikaella at Janica. Nag lakad na kami pabalik sa classroom. Nang wala pa ang
teacher namin ay tumuloy muna ako mag isa sa banyo para umihi.

Nang papasok na ako ay nakita kong may lumabas na tatlong babae na nakangisi. Nang
tumingin sila saakin ay natigilan sila pero umirap rin bago nag tuloy-tuloy
lumabas. Pinanuod ko sila at papasok na sana ng banyo pero nakita kong lumabas si
Mikaella.
"M-mikaella!" Tawag ko sa kanya nang mapansing basa ang pang itaas nyang uniform.

Tumigas ang mukha nya nang makita ako. Nakatanggap agad ako ng malakas na sampal
galing sa kanya na kinagulat ko.

"Ano ba?! Anong nangyayari sayo?" Tanong ko habang nakahawak sa pisngi kong
masakit.

"Pwede ba? Layuan mo kami nila Loraine! Nadadamay ako dahil sayo eh!" Sigaw nya
saakin at napatingin ako sa basa nyang pang itaas.

"S-sila ang may gawa nyan?" Gulat na tanong ko.

Kumuyom ang kamay nya. "Edi sino pa ba?! Kasalanan mo to!"

Napabuntong hininga ako dala ng pag kainis. Ngayon idadamay na nila ang mga suma-
sama saakin? "'I'm.. sorry kung nadadamay ka."

Hinablot nya ako sa braso ko. "SORRY? Iyon lang? Lumayo ka saamin!" Galit na sigaw
nya saakin at halos mag talsikan ang laway nya sa pag hihimutok.

Napaatras ako sa pag yugyog nya. Pinapalayo nya ako kay Loraine samantalang mas
nauna kong nakilala si Loraine sa kanila? Naiinis ako.
"Sorry, pero hindi ko gagawin yun." Hinablot ko ang kamay nyang nakahawak sa braso
ko para tanggalan iyon. "Hindi ako lalayo kay Loraine. Kung gusto mo, ikaw ang
lumayo." Malamig na sabi ko. Tapos na ako. Ayoko nang mag paapi ulit. Nakakasawa
na. Kailangan ko nang lumaban.

"E tang ina ka pala eh!" Sigaw nya at hinablot ang buhok ko. Nagulat ako sa
pinakita nyang galit saakin. Hindi ko maintindihan kung bakit sobra-sobra na ang
galit nya!

"ANO BA!" Sinubukan ko syang pigilan. "Mik-mikaella! Masakit!"

Hindi nya ako tinigilan. Mabuti ay walang pang nakakakita saamin dahil alam kong
ma-eeskandalo na naman kami nito. Kung kaya pa ay pipigilan ko na lang muna si
Mikaella.

"Nakakainis ka! Alam mo ba kung gaano na ako naiinis sayo simula palang?
Nakakairita ka! Alam ko naman una palang na may tinatago kang kalandian at nasa
loob ang kulo mo!" Wala syang tigil sa kakasabunot saakin. Hinahawakan ko ang kamay
nya para hindi gaanong malagas ang buhok ko. "Tapos ngayon si Pierce naman? Maharot
ka!"

"Uy, may nag aaway." Anang amused na boses mula sa isang lalaki.

"Gago, Yvo." Halakhak pa nung isa. "Tara, tulungan natin."

Naramdaman ko ang dalawang lalaki na lumapit para pigilan ang pagsabunot saakin ni
Mikaella. Nang makalapit sila ay hinila nila si Mikaella saakin na sya namang agad
na nagpaawat. Tumingin saakin si Mikaella nang nanlilisik ang mata. Pinunasan nya
ang pawis nya at nahihiyang tumingin sa dalawang lalaki, pagkatapos ay umalis.

Hinawakan ko ang ulo ko. Sobrang sakit nun. Hindi ko aakalaing may tinatagong inis
pala saakin si Mikaella dati pa. Pinunasan ko rin ang isang takas na luha sa mata
ko. Napatingin ako sa dalawang lalaking nanunuod saakin habang nakasalampak ako sa
sahig.

Tumayo ako at hinarap sila. "S-salamat.."

"Ahh!" Parang may naalala ang isa. "Ikaw ba si Princess?" Tanong nya.

Kumunot ang noo nung isa pa nyang kasama. "Kilala mo yan, Yvo?"

Natitigan ko nang mabuti yung isa. Sya si Jynx. Medyo matunog din ang pangalan nya
sa school. Crush sya ni Loraine at palagi syang naike-kwento saakin. Ngumiti saakin
yung Jynx. Medyo tayo-tayo ang buhok nya na syang nag padagdag sa kagwapuhan nya.

"Oo, pre. Yung shota dati ni Gomez. Yung balitang binu-bully dito sa school." Nag
kibit balikat yung Yvo na mukhang madaldal.

"Ahh.." Parang naisip nya agad kung sino ako. Sikat naman kasi talaga si Kharl.

Napatingin ako sa lalaking kaliliko at nag lalakad papunta rin atang CR. Dito lang
naman ang CR na malapit sa room namin. Natigilan sya nung makita kami. Nakatingin
lang sya saakin. Agad dumapo ang kamay ko sa ulo ko para ayusin ang buhok,
nakakahiya.

"Pierce?" May gulat pa sa boses ni Yvo.

"Uy, Jimenez!" Lumapit si Jynx sa kanya at tinapik sya sa likod. Nag tapikan sila.
"Bakit nandito ka?"

Nakatingin lang ang dalawa kay Pierce. Nakita kong sinuri ni Yvo si Pierce at
nalaglag ang panga nya.

"Sht, dude! Dito ka nag aaral?" Gulat na sabi nya nang makita ang uniform ni
Pierce. "Kailan pa? Anak ng! Hindi ka nag sasabi!" Tawa pa ni Yvo.

Tumango si Pierce. "Kick out," Ngisi nya.

"Ohhh.." Tumango si Jynx habang nakangisi. "Old habits, pal?"

Tumango lang si Pierce at dumapo ang tingin saakin. Teka, kaibigan ba sila ni
Pierce? Sila palang ang napapansin kong kinausap nya. "Umaano kayo dito?" Tanong ni
Pierce pero saakin ang tingin.

"Ah!" Tumingin saakin si Yvo. "Nakikipag wrestling sya kanina eh," Tukoy nya
saakin. "Mukhang natatalo, kaya inawat namin." Tumawa pa sya at binatukan sya ni
Jynx.
Ano? Wrestling?

Tumingin saakin si Jynx at nakita ko na naman ang ngiti nya saakin. "Hey missy,
I'll take you to your class. Sayang yung ganda mo eh. Di dapat binu-bully lang."
Lumapit saakin si Jynx.

Agad akong nakaramdam ng hiya sa pag puri saakin ni Jynx. Hindi pa ako masyadong
nalalapit sa mga babaero. Ganito ba sila?

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Pierce. Tumingin sya saakin kaya agad akong nag
iwas ng tingin.

"Ikaw, dude? Anong section ka?" Tanong ni Jynx. "Ikaw pala yung Pierce na
sinasabing transferee. Sorry late kami sa mga balita eh." Tumawa sya.

"Oonga, alam mo na. Mga babae lang naman yung nangunguna sa mga ganun." Iling ni
Yvo.

Kinilabutan ako ng maramdaman ang pagakbay saakin ni Jynx. Gusto ko sanang


tanggalin yun, pero hindi ko alam kung paano ko gagawin nang hindi mukhang bastos.

"Uy pre, chansing ka ah!" Tawa ni Yvo. Nakatitig rin sya saakin. "Ingat ka dyan,
Princess! Matinik yan!"

Ngumuso si Jynx. Nakita ko ang isang dimple nya sa kanang pisngi. "Kesa sayo,
mabuto."

Nanlaki ang mata ng cute na si Yvo. "O, talaga?" Tinaas nya ang shirt nya at
pinakita ang abs nya. Nanlaki ang mata ko at nag iwas ng tingin.

Nakita ko naman si Pierce na nakatingin saakin, walang emosyon. Basta plain na


nakatitig sya saakin, saamin pala ni Jynx.

"We're in the same room," Lumapit si Pierce. Mukha syang modelo kung mag lakad.
Yung tipong habang nag lalakad palapit sayo, e nakatitig pa. "Kami na ang sabay."

Tinanggal agad ni Jynx ang pag kakaakbay saakin. Hindi ko alam kung dahil ba iyon
sa nakakapasong titig ni Pierce o dahil lang sa simpleng sinabi ni Pierce. Mukha
rin syang amused at nag tataka.

Ngumisi sya. "Alright! Kita na lang tayo mamaya." Aniya at tumingin saakin at
kumindat.

Nahuli ko si Pierce na nakatingin kay Jynx na mukhang iritado na. Nakaalis na sila
ay nakatayo lang kami doon ni Pierce. Tumingin sya saakin at umirap! Bago sya
pumasok ng CR ay nag salita pa sya. "Tss! Wait for me."

At hinintay ko sya. Hindi naman sya nag tagal. Kinakabahan ako habang hinihintay
sya. Kailangan ba talaga naming mag sabay? Hindi ba sya nahihiya kung may
makakitang sabay kami? Kinakabahan ako.

Lumabas na sya at lalong lumakas ang tibok ng puso ko. May ganun syang epekto, alam
kong hindi lang saakin. Kapag bumungad sayo ang katawan, postura at itsura nya,
matitigilan ko talaga. Posible pa lang maging ganito kagwapo? Inaamin ko. Mas gwapo
sya kay Kharl. 10 times better!

"Tara." Aya nya. Pero bakit utos ang narinig ko doon? Bakit ganun ang dating ng
boses nya?

Sumunod ako. Dinidistansya ko ang sarili ko pa ang sarili ko sa kanya. Sabay kami
pero mukhang may invisible na tao sa gitna namin para hindi kami mag kadikit. Kahit
ganun ay nag wawala parin ang puso ko. Kinakabahan ako kapag nasa paligid sya.

Tumingin sya saakin ng nakakunot ang noo. "Tss.." Sabi lang nya. Naiinis ba sya o
ganyan lang talaga ang istura nya?

"K-kaibigan mo ba yung.. mga yun?" Kabadong tanong ko. Gusto ko lang mag simula ng
usap. I need to talk more. Baka yun lang ang dapat kong gawin para mabawasan ang
pagiging kabado ko sa kanya. Crush ko ba sya? Ah-- ano ba, Princess!

Tumango lang sya. Pati ang pag tango nya ay arogante. Dapat masanay na ako.
"Childhood friends. Neighbors."

Nakagat ko lang ang labi ko. Habang nakikipag usap ako ay lalo lang akong
kinakabahan! Anong gagawin ko? Parang may kumakalat na sakit saakin at malapit na
yun sa puso ko. At ang mas nakakapag-palala ay si Pierce.

Natigilan ako nang makita ang classroom naming nakasarado. Si Pierce naman ay
tuloy-tuloy parin sa paglalakad. Tumigil din sya maya-maya at lumingon saakin.
"We're late." Sabi nya. Hindi sya natatakot, o nabigla.

"O-oonga." Kumamot ako sa ulo ko, hindi malaman kung ano ba ang dapat maipakitang
magandang reaksyon. Medyo lumapit ako sa kanya. "Ako kakatok, ikaw mag sasalita?"
Suhestyon ko.

Kumunot ang noo nya sa sinabi ko at maya-maya ay napangiti. Pagkatapos ay natawa


sya ng mahina. What the--! Natawa si Pierce! Hindi ko alam kung bakit sya natawa
pero ang sarap nya titigan!

"You think that's fair?" Nag effort syang mag salita. Pwede ba syang mag daldal ng
mag daldal? Ang sarap sa pandinig ng boses nya!

Kumunot ang noo ko. Oonga naman. Ako lang ang kakatok pero sya ang mag ri-reason
out? Si Pierce pa? Malamang gusto nya pa nga, sya ang mas nakakaangat.

Nag isip ako ng maganda idea. Pero bumuntong hininga lang sya. Mukhang tinatamad na
ata sya at naiirita dahil nakikita nya ako? O dahil nabo-bored sya na ako ang
kasama nya.

"Cutting?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Kung sabihin nya iyon ay parang wala na kaming
options. Sabagay.. ano bang ie-expect ko sa Pierce na to?

"Hindi pwede.." Sabi ko. "Mapapagalitan tayo."


Tumuwid sya ng tayo. "We're 15 minutes late, Princess. Mag cut na tayo." Masungit
na sabi nya. Pero.. sht! Yung pagbigkas nya sa pangalan ko.. naging parang
endearment bigla! Naging espesyal!

"Ahhmm.." Wala akong masabi. Masama na ang ganito. Masyado na akong kinakabahan sa
kanya! Kasalanan na ang maging ganito kagwapo!

"What? Don't tell me.." Sumingkit ang gwapo nyang mata. "Hindi mo pa nata-try?"

Umiling ako. "Nasubukan ko na."

Kumunot ang kilay nya. "I don't believe you." May kung ano sa boses nya. Para bang
nag hahamon sya.

"Dati lang. Pero nung naging boyfriend ko si Kharl, mas naging responsable na ako.
Masarap talagang maging boyfriend ang mga responsable, nahahawa ka rin." Napangiti
ako habang inaalala si Kharl.

Pagkasabi ko nun ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Naging malamig ulit. "But
he made you miserable now. How could you even say his name?"

Tumingin ako sa kanya. "Wala kang alam, Pierce."


Nag iwas sya ng tingin at nakita ko ang pag taas baba ng adam's apple nya. "Yeah,
whatever." Tumalikod sya saakin pero nanatiling nandoon lang ang posisyon nya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi na siguro kami papasok nito. Sabagay, mukha
namang walang balak ang kasama ko. Nakita ko syang pinagdiskitahan ang maliliit na
bato doon at inis nyang sinipa yung isa. Para syang batang nagta-tantrums.

Ngumisi na lang ako at kinalabit sya. "Uy, sige na nga. Cutting na tayo. Baka may
makakita pa sa atin dito sa labas, punahin pa tayo."

Humarap sya saakin. Yung labi nya ay medyo nakahubog ng pa-sad face. Ang cute! Pero
syempre, iritado lang sya. Iritado sigurado, kasi hindi ako pumapanig sa sinasabi
nya. Gusto nya siguro lahat ng sinasabi nya ay dapat 'Oonga' lang ang sasabihin mo.

"H'wag na." Tumingin sya saakin. "I don't want you to think that I'm too
irresponsible." Bulong nya na nakatingin sa puno sa gilid, hindi saakin.

Nakagat ko ang labi ko sa sinabi nya. Kung minsan ay nag mumukha syang masungit na
ewan, minsan naman ay mukhang syang bata kung mag salita at kumilos. Hindi ko sya
maintindihan!

"Am I?" Hindi na sya nakapag hintay na ako ang mag sinungaling at sabihing 'hindi
ka naman iresponsable.' Talagang nag tanong pa sya kahit na halata naman ang sagot.

"Actually.." Okay, mas okay na kung mag sisinungaling muna ako ngayon. Dahil
sigurado akong sasakalin ako ni Pierce kung aaminin ko. "Hindi naman.. basta last
cutting mo na to."
Nakagat nya ang labi nya na parang nag pipigil ng ngiti tapos ay nag iwas sya ng
tingin saakin. Shete! Pierce, bakit ganun ang view? Ang gwapo nya!

"Fine," Hindi parin sya makatingin saakin. "Last na 'to."

=================

TKP 10

10: Move On

Kanina pa nag simulang mag lakad si Pierce, at eto lang ako, sumusunod sa kanya.
Ganito ba sya mag cut? Palaboy-laboy? Medyo mabagal ang lakad nya at nakakatuwang
titigan ang likod nya. Sumusunod lang ako kung saan sya pumupunta.

"Ahm.." Kumamot ako sa ulo ko. Kanina pa kasi kami nag lalakad at halos malibot na
namin ang buong school. "Saan ba tayo pupunta, Pierce?"

Iritado syang lumingon saakin, at dahil doon ay napatigil sya sa pag lalakad.
Ngayon lang ata nya naalala na may kasama sya? Napunta ang index finger nya sa
kilay nyang medyo natatakpan ng may pagka-dark brown nyang buhok. Sa tingin ko ay
natural na kulay yun.

Tumikhim ako bago ulit mag salita. "Ah.. eh, saan ka ba madalas mag punta kapag nag
cu-cut ka?" Tanong ko dahil mukha ata syang frustrated sa pag iisip.

"Sa dulo sa likod ng court," Bulong nya pero may hinahanap ang mata nya. Buti na
lang talaga ay malakas ang pandinig ko. "Usually to smoke.." Tumingin sya sakin at
tumindig ang balahibo ko sa simpleng sulyap nya na yun.
"S-so.. doon ba tayo pupunta?" Tanong ko. Naalala kong dinalana nya na ako doon,
noong hinila nya ako mula kay Kharl. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Nakatingin
lang naman sya saakin, hindi nakatitig, pero parang nakakalusaw talaga ang bawat
sulyap nya.

"Nope, that place is too.. deserted.." Aniya't nag iwas rin sa wakas ng tingin.
"Not a place you'd like."

"Pero doon ka palagi diba? Bakit hindi na lang dun?" Tanong ko at sumulyap sa ilang
pagala-galang estudyante na tumitingin saamin. Yung isa ay wagas kung wagas kung
maka-siko sa kasama nya habang nginunguso ang katabi kong si Pierce na nakahawak
ang isang kamay sa batok at diretsong nakatingin na medyo nakataas ang noo.

Humagikgik pa sila sabay alis habang patuloy ang pag papantasya sa katabi ko.

"Ano, doon na lang tayo? Dali na.. baka may makakita pa sa atin dito eh. Isumbong
pa tayong nag cu-cut." Buntong hininga ko.

Humikab si Pierce. Nakagat ko ang labi ko dahil pati ang pag hikab nya ay napapa-
awang ng labi ko! Kahit anong gawin nya, ang gwapo nya parin. "Don't talk,
Princess." Aniya.

Ayaw nya siguro talaga sa mga taong madaldal. Pero nag sasalita lang naman ako a?
Kailangan naming mag hanap ng lugar para mapag-stayan. Baka may makita saamin at
sabihing nag ka-cut kami.

"Im hungry.." Paos na sabi nya.


Kumunot ang noo ko at napatitig sa kanya. Nag lakad lang sya nang walang pasabi o
pag aaya man lang. Sumunod ako sa kanya, pumunta sya sa counter ng canteen at
bumili. Hinintay ko lang sya at tumayo sa tabi ng isang lamesa. Pati ang pakikipag
usap nya sa nag bebenta saamin ay pinapanuod ko na. Nakakabighani. Posible pala
yun? Na pati pag bili ng isang tao, nakaka.. tuwa?

Kinuha nya ang inabot sa kanya ng kinikilig na tindera habang seryoso parin ang
mukha nya. Hindi naman sa seryoso, para lang syang walang pakialam. Tipong, hindi
mo gustong banggain. Yung kakatakutan mo, yung may pa badboy look. Yung tipo na..
masarap paibigin. Ahh-- ano ba itong naiisip ko? Kailan pa ako nag kagusto sa mga
pa-badboy type?

Tinalikuran nya lang ang tindera at bumalik sya na may dalang dalawang chuckie.
Uubusin nya yung dalawang Chuckie na yun? Umirap sya nang makitang nakatitig ako sa
kanya habang papalapit sya. Umirap nga ba o nag iwas ng tingin? Ewan ko, ang
komplikado nya masyado. Nakakasira ng ulo.

Napasinghap na lang ako at sa iba tumingin. Masyadong masungit! Akala naman


tinititigan ko sya kasi naga-gwapuhan ako, wala lang talaga akong matignang kanais-
nais.

Nawindang ang buong pagkatao ko nang makitang itinapat nya sakin ang isang chuckie
na hawak sa kabilang kamay. Yung tipo na inaabot nya! Binibigay nya sakin?
Imposible! Baka naman inuutusan lang nya ako na ilagay ang straw?

Inabot ko yun at mabilis na tinanggal yung straw sa likod. Sya naman ay sumandal sa
lamesa at pinapanuod ako habang umiinom na sya nung chuckie. Nang maitusok ko na ay
inabot ko sakanya yun.

"What?" Tanong nya habang nakatingin sa Chuckie na inaabot ko sa  kanya.


"A-ah, tapos ko nang ilagay yung straw?" Nakagat ko ang itaas na labi ko at ngumiti
na parang medyo pahiya.

Maingay syang nag buntong hininga. Umirap sya sakin. Hindi ko na sya kailangang
tingalain dahil nakaupo sya sa lamesa at medyo pantay kami dahil nakatayo ako.
Hindi ko aakalaing pati ang pag irap nya ay nagiging cool na rin ang dating. "Sayo
yan, tsk. So dense."

Nakagat ko ang labi ko. Anak ng-- walang filter ang bibig. "Malay ko ba? Mas
posible kasing malakas kang kumain kahit ganyan lang ang katawan mo, kesa maging
mapag bigay ka." Napilitan akong tumawa ng mahina. Kainis.

Natigilan sya sa pag inom ng chucky nya. Maging ako ay napahinto sa pag inom dahil
lang sa tumigil sya! Napalunok ako sa talim na tingin nya kaya umiwas ako ng tingin
at uminom na lang ng chuckie habang tinatanggap ang nakakamatay nyang titig.

"Are you trying to say.." Napalunok na naman ako sa malamig at mapag banta nyang
boses. "That I'm skinny?"

Sinabi ko na nga, diba? Pero syempre, kailangan ko nang mag pakabait.

Hindi naman sa payat sya, malapad nga ang likod at braso nya. May kapayatan sya
pero hindi yung masagwa. Hindi kasi sya tulad nung nakita kong kambal nya, iyon
mukhang inaraw-araw ang pag gy-gym, etong si Pierce, mukhang vain. Tingin ko nga ay
wala naman syang abs pero wala ring fats. Siguro hindi developed ang abs nya, pero
meron? Tingin ko ay flat stomach lang sya. Pero hindi yung tipong buto't balat at
kita na yung ribs. Flat in a sexy way. Sabagay, wala naman kasi siguro syang paki
doon, dahil wala naman syang pinu-pormahan?
Teka, bakit ba iniisip ko yung katawan ni Pierce? Curious talaga ako kung anong
nasa ilalim ng shirt nya. Kung titignan kasi, hindi dapat ako mag sinungaling--
mukha syang hottie. Tsk! Oo na. Pero kung titignan sa personality nya, mukha namang
hindi. Hindi sya yung tipo na mukhang pag aaksayahan ng oras ang katawan nya dahil
nga, inuulit ko, wala syang pinopormahan.

Pero kahit ano pang sabihin ko, isa lang ang pupuntahan nun. Hot parin sya. At ang
isiping kailan man ay hindi mo makikita ang ilalim ng damit nya ay mas lalong--
nakakacurious.

Sht. Bakit ba isip ako ng isip sa maaaring maging itsura ng katawan ni Pierce?!

Tumayo si Pierce at tuloy-tuloy na naglakad. Iniwan nya ako! Dumaan sya saakin na
parang hangin lang ako. Iniwan nya ako na parang hindi nya ako kilala.

"Uy Pierce, sandali!" Sigaw ko at hinabol sya.

Mahaba ang legs nya kaya nahirapan akong makahabol. Kahit tumatakbo na ako at sya
ay nag lalakad lang, hindi ko parin mapantayan kung nasan na sya.

"Don't follow me." Masungit na sabi nya at nag lakad ng mas matulin.

Nanlaki ang mata ko nang marealize kung bakit bigla syang nag kaganun. Posible
bang.. dahil sinabihan ko sya ng payat? Hindi diba? He couldn't be that sensitive.
A Pierce Jyn Jimenez couldn't be that sensitive!
At natawa na talaga ako. Nag tatampo sya, No way! How? Paanong ang isang tulad
nya..

Hindi ko napigilang tumawa habang hinahabol sya. What the heck-- Pinilit kong
pigilan ang tawa ko dahil mukhang mas nainis sya. Natatawa na talagad ako. He is so
unpredictable. Minsan masungit, minsan parang bata.

"Pierce, sandali!"

Hindi parin sya tumitigil. Nag lalakad parin sya at walang pakialam sa pag tawag ko
sa kanya. Malapit na sana syang makapasok ng garden nang bigla syang natigilan.
Humarap sya view ko nang nakakunot ang noo at mukhang galit.

"Pierce.." Hingal na tawag ko nang maabutan ko sya. "I'm sorry, okay? Hindi ko
naman ibig sabihing payat ka--"

Lalong nagalit ang mata nya. "Damn, forget it!" Hinawakan nya ang kamay ko--
hinawakan nya ang kamay ko! "Let's go." May otoridad na utos nya.

"Huh? Dito na lang tayo," Sabi ko sabay hatak sa kanya papasok. Inis na hinatak nya
rin ako pabalik sa kanya. Pero ako ang nanalo dahil mapilit ako at dahil mukhang
iritado parin sya saakin. Mabuti na lang at hindi nya ako pwersahang hinatak, dahil
kung gagawin nya yun, baka nag mistulang kite na lang ako dito. Matangkad sya!

Napangisi ako habang naiisip kung paano maging gentleman si Pierce, hmm.. paano
kaya? Ibibigay ko ang lahat makita lang yun! Paniguradong nakakatuwa!
Natigilan ako nang makakita nang dalawang estudyanteng mag kasama. Hindi ako
pwedeng mag kamali. Si.. Kharl at si Elaine yun. Nakaupo sila at hindi sila
nakaharap saamin. Wala namang espesyal sa upo nila, hindi sila gaano kadikit pero..
hindi ko parin matanggap na mag kasama sila.

Kami ni Kharl noon, mag kasama lang kami, palagi na syang naka-akbay o di kaya ay
nakahawak sa bewang ko. Sweet sya saakin. Hindi kaya.. masyado akong naging easy
para sa kanya kaya ganun lang kadali sa kanya na bitawan ako?

Sumikip ang dibdib ko bigla.

Hindi na ako tuluyang nakagalaw. Binitawan at pilit kong binagsak ang kamay ko kay
Pierce kahit na mahigpit syang nakahawak doon. Narinig ko ang mababa at mahinang
pag mura nya.

"Sht!"

Hindi ako iiyak. Tapos na ako sa part na yun. Hindi na ako iiyak. Kinagat ko ang
labi ko at inulit ulit ang sinasabi ko sa loob ng utak ko. 'Hindi ako iiyak'

"Let's go." Kahit na masungit ang boses nya ay nahalata ko parin na medyo nabawasan
iyon. Dahil ba sa naaawa sya saakin?

Hinawakan nya ako sa forearm ko at hinatak papalayo doon. Huminto kami sa may field
sa gilid kung saan may malaking puno na pwede naming silungan, dahil tirik ang
araw.
Sana totoo na lang yung sinabi ni Kharl. Sana hindi ko na lang talaga sya minahal.
Tang ina, ang sakit eh. Ang sakit sa part ko na ako, nag mahal, pero yun naman
pala? Kalokohan lang ang lahat. Hindi ko aakalaing madadamay ako sa mga lecheng
gasgas na pustahan na yan. Pero bakit kahit ganun, hindi ko parin magawang magalit
ng lubusan sa kanya?

Bakit kasi, Kharl? Kung pinag pustahan man nga ako, hindi ko ba napatunayan ang
sarili ko? Hindi nya ba ako nagustuhan habang.. nag pupustahan sila? Sht! Pathetic!
Hindi ko aakalaing kaya kong itanong sa sarili ko.. kung ano yung naging kulang
saakin ng two months na yun. O baka sumobra ako? Easy? Isang buwan lang nya akong
sinuyo. Baka nga.. siguro nga..

"You're crying." Pahayag ni Pierce na parang wala lang sa kanya ang sinasabi.
Nakatingin sya sa malawak na tanawin. Nakaupo sya sa tabi ko at nakalagay ang
magkabilang palad sa gilid nya at ang isang paa ay diretsong nakahiga, samantalang
ang isa ay nakatupi. Hindi sya naka-black shoes, naka puti syang adidas. Tss, wala
ba syang rules na sinusunod?

"So?" Nagawa ko pang mag sungit! Paanong hindi? Nakakainis yung kasama ko.
Kailangan nya pa bang ipahayag yun? Halata naman. Tska sana man lang, mag pakita
sya ng kahit kaunting simpatya. Kun'sabagay ano bang ine-expect ko sa isang ito?

Nakita kong tumingin sya saakin pero sa harapan na ako nakatingin. "Tss. Palagi
kang umiiyak dahil sa.." Narinig ko ang inis na buntong hininga nya. "Isang rason.
Crap. So unhealthy."

"Meron talagang stage na ganun! Lahat dumadaan doon!" Inis na sabi ko at pinahiran
ang nakakahiyang luha ko. "Pag katapos nun, syempre, move on na! Tch."

Narinig ko ang nanunuyang tawa nya. "Move on, move on.. psh. Girls be like that.
Kunwaring nag mamahal, pero yung totoo, nasasaktan lang ang ego nila." Aniya at
nang tumingin ako sa kanya ay payapa parin ang mukha nyang may nanunuyang ngisi.
Gusto ko syang sampalin! Anong alam nya? "Ano bang alam mo at kung makapag salita
ka? Palibhasa mukhang hindi ka naman nag mamahal eh!"

Gumalaw yung ulo nya na parang nag sasabing 'Yeah, say whatever you want. Hell, I
am Pierce and I don't care.'

Hindi ko na lang sya tinignan. "Pag na in love ka, pagtatawanan talaga kita."
Lumabas iyon bilang banta sa bibig ko.

Tumingin sya saakin. Tumingin rin ako sa kanya. Mukha syang natigilan sa sinabi ko.
May mali ba sa sinabi ko sa kanya? Huli na nang mapansin ko kung gaano lang kami
kalayo sa isat isa. Hindi ako sanay. Palaging may space, palaging may dalawang
upuan na nag lalayo saamin.

"Ayokong ma in love sa taong in love sa iba." Bulong nya.

Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi nya. May nagugustuhan si Pierce! Napaka


imposible. Hindi ako makapaniwala. Meron eh, sa way palang nang pag sasalita nya.
Ayaw parin tumigil ng mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa titig nya, straight
sa mata ko! Pati ang pag hinga ko ay bumibilis. Ano ba tong epekto nya, normal pa
ba to?!

"E-edi.. subukan mo ring ma in love sa'yo yung taong yun.." Sagot ko na parang bang
bata lang ang kausap, at para bang ganun lang yun kadali.

Sumimangot sya at umirap sa akin. Tumingin sya sa relo nya at tumayo. Tumingala ako
para makita ang mukha nya at para narin hintayin ang sagot nya. Sakto ang sinag ng
araw sa ulo ni Pierce, hindi tuloy ako natamaan pagtingala ko. Nakita ko lang ang
pag kinang ng hikaw nya sa mag kabilang tainga nya.

"Maybe.." Biglang sagot nya at hinintay akong maka-tayo. Hindi ko makita ang itsura
nya sa sinag ng araw. "Maybe after she's moved on."

=================

TKP 11

11: Where I Belong

Panay ang tingin ko kay Pierce habang nag lalakad kami pabalik ng room. Seryoso
s'ya at mukhang hindi na namam pwedeng makausap. Gwapo talaga s'ya sa buhok n'yang
medyo may pag kagulo. Maangas pero tahimik ang dating.

"Bakit sakin ka sumamang mag cut?" Bigla kong natanong sa kan'ya.

Medyo napatingin s'ya sakin pero bumalik ulit ang tingin n'ya sa daan. Seryoso
parin s'yang nag lalakad. Pero bakit nga ba s'ya sumama sakin? Sa pag kaka kilala
ko sa kan'ya, mas gugustohin n'yang mag isa. At ang maka sama ang boring at
binubully lang na kagaya ko? Hindi siguro.

"I didn't have any choice." Maikling sabi n'ya. Kasing lamig ng yelo ang boses,
pero sa tingin ko naman ay natural lang sa kan'ya 'yun.

Psh! Ang sungit naman talaga oh! Pero alam ko. Pakiramdam ko talaga kaya s'ya suma-
sama saakin, naaawa lang s'ya. O kung hindi man 'yun, gusto n'ya akong maging
kaibigan? Pwede naman diba? Kasi sinasamahan n'ya ako.. na hindi naman n'ya
ginagawa sa iba naming kaklase?
"Uh, Pierce.." Tawag ko sa kan'ya habang patuloy lang kami sa  pag lalakad. "Mag
kaibigan na ba tayo?" Nakagat ko ang labi ko pero hindi ako nag sisising tinanong
ko 'yun.

Natigilan s'ya. Literal na natigilan. 'Yung tipong parang may napindot ako button o
remote control na nag patigil sa kan'ya. Sumingkit at nanliit ang napakaganda
n'yang mga mata saakin.

"What?" Halos nandidiri na ang boses n'ya. Kulang na lang, mag pakawala s'ya ng
mahinang tawa.

Napangiwi ako. Grabe naman ang reaksyon n'ya. Alam n'ya kaya 'yung salitang nakaka
'Offend'? Pero hindi talaga ako matigil sa pag iisip. Kanina-nina lang ako nakapag
isip, ng pumasok sa utak ko na totoong mag kasama kami ni Pierce. Si Pierce na
masungit at cool. Si Pierce na sikretong crush ng mga babae dito sa school.

Bumalik ako sa pag iisip kung bakit hindi parin kami 'friends' ni Pierce. Una sa
lahat, pinagtanggol n'ya ako kila Victoria, pati na rin sa mga kaibigan nun.
Pangalawa, pinagtanggol n'ya ako kay Kharl. Hindi naman talagang pinagtanggol,
sinuntok n'ya si Kharl para saakin. Bakit n'ya gagawin 'yun kung hindi kami mag
kaibigan? Tapos, Binigyan n'ya ako ng band aid nang malaman n'yang may nanakit
saakin, pinahiram n'ya ako ng sapatos kahit na hindi kami sinasadyang nag kita.
Binigyan n'ya ako ng panyo nung panahong.. umiiyak ako. Iyon talaga ang pinaka
nagustuhan ko sa lahat. Nababasa ko lang 'yun sa mga novela, pero nangyari saakin.
Hindi nga lang sa isang romantic na paraan, dahil sa naalala ko, hinagis n'ya pa
saakin ang panyo at may sinabi s'ya saaking medyo harsh noon. Nilibre n'ya ako ng
chuckie at sinamahan n'ya ako  sa pagka-cut.

Nakagat ko ang labi ko nang marealize na masyado na palang marami ang nagawa ng
isang 'to sakin. Kailangan ko na pala s'yang mapasalamatan.

"Umamin ka, Pierce. Gusto mo akong maging kaibigan, diba?" Ngumisi ako dahil
nakatingin parin ang mukha n'yang mala-model sa akin. Nakakahiya, malapit nang
maging perpekto ang mukha n'ya, o hindi? Perpekto na yata. "Diba? Gusto mo?"

"The fck you're saying?" Aniya sa medyo gulat at iritadong boses.

Hindi.. alam ko talagang meron. Siguro nahihiya lang s'yang umamin. Hindi ko alam.
Sa sobrang bait n'ya-- teka-- dahil sa medyo mabait s'ya saakin, pakiramdam ko
nakakaramdam ako ng kaunting pagka crush sa kan'ya. Iyon talaga ang kahinaan ko sa
mga lalaki, 'yung mabait at gentleman.

"Please, Pierce.." Humawak ako sa forearm n'ya at muli na naman s'yang natigilan at
tumingin pa sa kamay ko. "G-gusto kitang maging kaibigan!"

Tumingin s'ya  saakin nang hindi makapaniwala. Sumisigaw ang mga inosente ngunit
mabangis n'yang mga mata ng galit. Bakit s'ya nagagalit? Ano, nag dedeny ba s'ya?
Bakit ba gusto n'yang maging loner?

"I.dont.want.to.be.your.friend." Mababa ang boses n'ya. Sa sinabi n'yang 'yun, para


n'ya nang tinuldukan ang lahat. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko.

Hindi ko matanggap. Hindi ko malaman kung bakit pakiramdam ko sobrang bigo ako.
Hindi ako kailanman nag karoon ng kaibigang lalaki, hindi kagaya ng ilang mga
kaklase ko na barkada ang mga boys, ako mga babae ang kasama ko pero kahit papaano,
medyo close parin ako sa mga boys. Hindi ko kailanman kinailangan ng kaibigang
lalaki, pero ngayon.. gusto ko s'yang maging kaibigan.

Hindi ako umimik dahil sobra akong napahiya. Nakakapanliit ang tingin n'yang 'yun
pati na rin ang sinabi n'ya. Epekto na naman ba 'yun ni Pierce? Kunsabagay,
makiusap ba naman ako?
Natigilan s'ya habang nakatingin sa reaksyon ng mukha ko. Nakita kong lumunok s'ya
ng paulit-ulit at nagulo n'ya ang buhok n'ya. Mukha s'yang nainis. Pag katapos nun
ay mukhang hindi n'ya na natagalan ang mukha ko kaya tinalikuran n'ya na lang ako.

Nakatingin lang ako sa likod n'ya. Sa pag lakad n'ya na kahit sino ka pa,
kagigiliwan mo sya. Iniwan n'ya ako. Nainis s'ya saakin. Nainis s'ya dahil gusto ko
s'yang maging kaibigan? Anong masama doon? Bakit ba ganun na lang kung mag bago ang
mood n'ya? Para s'yang babae. Mahirap ipaliwanag.

Napalunok ako at gusto kong umiyak. Hindi ko alam kung kanino ako maiinis. Kay
Pierce na sadyang masungit o sa sarili kong tatanga-tanga na nag tanong pa. Alangan
namang sabihin n'ya na mag kaibigan kami? Ang isang tulad n'ya?

Maya-maya ay bigla s'yang huminto sa pag lalakad. Bagot ang mukha n'yang humarap
ulit sakin. Malayo na s'ya pero kita ko ang pag kairita n'ya. Ginulo n'ya ulit ang
buhok n'ya na parang hindi na malaman ang gagawin. Maya-maya ay nag lakad na s'ya
pabalik saakin. Hindi ako nakagalaw pero hindi ko rin kinayang titigan s'ya habang
papalapit s'ya.

"Fck." Mura n'ya kaya napatingin ako sa mukha n'ya. Nakalagay ang index finger n'ya
sa gitna ng dalawang kilay n'ya, nakapikit s'ya at hindi ko na naman naiwasang
humanga. "Fine. If it would make you feel damn better.." Umirap s'ya sakin na para
bang mag sisisi s'ya sa sasabihin n'ya. Mahina s'yang suminghap, bago tumuloy sa
pag sasalita. "Then lets be friends." Rinig ko ang pandidiri n'ya ng sabihin n'ya
ang salitang 'friends'

Nagulat ako. Nakapalunok. Pumayag s'ya? Pumayag s'ya! "S-salamat, Pierce.."

Nag buntong hininga s'ya at tumingin sakin. "Fck, sht. So gay." Nakita kong
napatingin s'ya sa may bandang ilong ko? Hindi. Parang sa bandang.. labi. "Sht! T-
tara na nga!"
Nang talikuran ako ni Pierce ay saka lang namin nakita ang isang teacher.. I think
isa s'ya sa mga mataas na guro dahil hindi ko naman s'ya masyadong nakikita at
dahil na rin sa strikto n'yang mukha.

"Mr. Jimenez." Hindi s'ya ngumingiti, matalim ang tingin n'ya kay Pierce sa ilalim
ng salamin n'yang makapal. "The famous.. Jimenez." Hindi ko nagustuhan ang ngisi
n'ya. Lumingon s'ya saakin. "At may kasama ka pa ngayong sumama sa kalokohan mo?
Unfortunately for her, sasama s'ya sa'yong humarap sa principal."

Nanlaki ang mga mata ko. Kahit kailan hindi pa ako na-detention o kinausap ng
principal. Natatakot ako. Kinakabahan.

Hindi s'ya pinansin ni Pierce. Tumingin s'ya saakin, tamad ang mga mata. "I'll go
to office, bumalik ka na sa room." Utos n'ya. Pakiramdam ko ay mas kaya ko pang
sundin ang utos n'ya kesa sa guro sa harapan namin. Paano nangyari 'yun?

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Mr. Jimenez? Ang sinabi ko kasama s'ya." Mariin
ang boses ng matandang guro.

Hinarap s'ya ni Pierce. Ako ang natatakot para sa iaasta n'ya. "Narinig ko. Pero
hindi ko maintindihan." Kumuyom ang panga ni Pierce. "She doesn't need to come, ako
lang ang pupunta."

Maging ang matandang guro ay natigilan sa sinabi n'ya. Indrect na pambabastos 'yun.
"Ikaw-- kaya kilalang-kilala ka na dito, masyado kang rebelde--"

"Go, Princess." Bumaling s'ya ulit saakin. Tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa
kaba at dahil sa pag tawag n'ya ng pangalan ko.

"Sasama na ako sa'yo," Hinila ko s'ya at magalang na nanghingi ng paumanhin sa


teacher. Nakasunod s'ya saamin para yata siguraduhin na pupunta talaga kami sa
office. Isa pa, baka masagot n'ya na ang guro kung makikipag talo pa kami.

"What the fck, Princess?" Galit a sabi n'ya saakin habang hinihila ko s'ya papunta
sa office. "You didn't have to come!"

"Kailangan ko, Pierce. Friends tayo diba?" Ngumiti ako sa kan'ya. "Hindi nag
iiwanan ang mag kakaibigan." Nag iwas lang s'ya ng tingin sa sinabi ko.

Matagal kaming umupo habang nakaharap sa principal. Mas doble ang sungit n'ya kesa
sa babaeng guro kanina. Panay ang mapanuring tingin n'ya. Ang sabi n'ya ay
kailangan daw naming mag hintay. Pinatawag na kasi ang parents ni Pierce. Ako naman
ay kakausapin lang pero may ginagawa pa s'ya sa harapan ng laptop n'ya kaya naiwan
ako sa tabi ni Pierce.

Panay ang paninisi saakin ni Pierce. Hindi naman kasi dahil lang sinabi n'ya kanina
na bumalik na akong room, babalik na ako. Aba, pinagalitan ako at pinapunta sa
office. Hindi pinapatawag ang parents kung nagka-cutting ka lang. Paniguradong
marami nang nagawa si Pierce. Tsk, tsk.

Maya-maya lang ay may dumating na babae.  Maputi s'ya at mayroong mala-anghel na


mukha. Mukhang mayaman, judging by her skin and clothes. Napanga-nga ako dahil sa
kagandahan n'ya. Siguradong s'ya ang ina ni Pierce! May pagkakahawig sila at
siguradong sa kan'ya nakuha ni Pierce ang pagkakaroon ng maputing balat at
inosenteng mukha.

"Jyn," Tawag n'ya kay Pierce. Napatingin s'ya saakin pero tumabi lang s'ya sa anak
n'yang nakaharap din saakin. Bali, mag kakaharap kami, tapos ay ang desk at ang
principal.

Wala ginawa si Pierce. Napairap lang s'ya at pinatong pa ang siko sa desk ng
principal! Humalumbaba s'ya.

Sinara ng principal ang laptop n'ya at pinagsalikop ang mga daliri bago tumingin
ulit kay Mrs. Jimenez na panay ang pag hingi ng paumanhin para sa anak n'ya.

"Masyado na s'yang lumalabag sa mga rules sa school na ito. Palagi s'yang absent o
di kaya'y cutting. Nahuli s'yang naninigarilyo at nangbugbog s'ya ng estudyante at
nagnakaw ng pera." Simula agad ng principal. Alam ko naman na ginagawa iyon ni
Piece, pero nakakagulat parin pala.

Nanghingi ulit ng tawad ang magandang si Mrs. Jimenez. Ano kaya ang itsura ng asawa
n'ya? Paniguradong gwapo 'yun! Paniguradong kung ano ang puno, s'ya ang bunga. Nag
patuloy ang kweuntuhang hindi maganda ni Mrs. Jimenez at ng principal. Naririnig ko
ang lahat pati na rin ang paminsan-minsang buntong hininga ni Pierce.

"Maraming Bad influence, mrs. Jimenez," Tumingin sakin ang babae. Nakatingin talaga
s'ya saakin at obvious na obvious 'yun. Naging Bad influence pa ako ngayon?

Lumingon si Mrs. Jimenez saakin. Maging si Pierce ay nakatingin na.

"You're saying, Princess is the bad influence?" Pag apila ni Pierce na may matapang
na tono. Nanghahamon ang boses n'ya. Ngayon lang s'ya nag salita habang kanina pa
s'ya sinisiraan ng principal. Pero noong ako na, agad s'ya nag salita. Pero hindi
parin maganda na sumagot s'ya ng ganoon.
"Pierce!!" Galit na sigaw sa kan'ya ni Mrs. Jimenez.

"No, mom. She's judging her--" Hindi n'ya naituloy ang sasabihin dahil nag salita
ulit ang mommy n'ya.

"Quiet, Pierce. I said stop." Mahina pero nag babanta ang boses ng mommy n'ya.
Napangiwi ako dahil sa mahinhin n'yang mukha at boses. Hindi s'ya 'yung tipong
mommy na kakatakutan ng anak. E ang daddy kaya n'ya? Strikto kaya?

"No, mom--" Mag sasalita pa sana s'ya pero nag salita ako.

"Pierce ano ka ba?" Mahinang pag awat ko sa kan'ya.

Tumingin saakin si Pierce. Saka lang s'ya huminahon. Nakagat ko agad ang labi ko.
Pakiramdam ko, nang hihimasok ako! Bakit ako nag salita? Tsk! Nakakahiya!
Nakaramdam pa ako ng hiya lalo nang biglang mapangiti ang mommy n'ya saakin.

Nag tuloy ulit ang usapan. Wala na akong gaanong naintindihan. Halos isang oras at
kalahati na sila nag uusap. Ganun parin ako at nakaupo. Isa lang ang tumatak sa
utak ko na sinabi ng principal. "I'm sorry, Mrs. Jimenez. We can't tolerate that
kind of attitude here. I suggest you find another school for your son. Hindi na
s'ya pwedeng pumasok dito, mag mula bukas."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya. Pakiramdam ko gumuho ang mundo. Parang hindi
na kami mag kikita! Parang.. hindi ko alam. Paran ako ang nadisppoint sa sinabi ng
principal. Nang sabihin 'yun ng principal ay wala namang ibang reaksyon si Pierce
kundi ang tumingin bigla saakin.
Lumabas ang principal at iniwan kaming tatlo. Sa una ay tahimik lang ang mommy
n'ya. Ramdam kong galit s'ya at sobrang na-disappoint. Doble o triple ang
nararamdaman ko, ang nararamdaman ng mommy n'ya. Samantalang s'ya? Nakasandal parin
at mukhang medyo affected lang.

"Uhm, can I talk to my  son?" Tumingin saakin si Mrs. Jimenez.

Napatayo agad ako. Ang mala-anghel n'yang mukha ay nakatingin saakin. "S-sige po!"

Nawala si Pierce sa pag kakasandal at hinila ang kamay ko. Medyo mag kalapit naman
kasi kami. "No, she is staying here."

"Pierce, I need to talk to you. Don't make her as an excuse para lang makatakas ka
sa sasabihin ko." Anang mommy n'ya.

"Shes my friend." Kinalabutan ako sa sinabi n'ya. Pinigilan kong ngumiti. "Whatever
I need to hear, she'll hear too."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi n'ya. Napatingin saakin ang mommy n'ya at tipid na
ngumiti saka ako tinanguan at pinaupo. Nakakahiya. Hindi na dapat ako makinig sa
usap nila eh.

Tumingin si Mrs. Jimenez sa kan'ya. "Bakit nagnanakaw ka, Jyn? Thats not right."

Ugh. Hindi talaga ako dapat naandito. Masasaksihan ko pa kung paanong pagalitan ang
isang Pierce.

"Hindi ako nag nanakaw, mom. I asked for it." Bulong n'ya. "Tsk. Mag susumbong na
lang mali pa." Bulong n'ya pa.

"At sinong binugbog mo?" Suminghap ang mommy n'ya.

Kumamot ng ulo si Pierce at padabog na sumandal. "Just a classmate, mom." Badtrip


n'yang sagot. Ayaw n'ya na tinatanong.

"Just a classmate, Jyn? At bakit kailangan mo pang manguha ng pera ng iba?"


Napahawak ang mommy n'ya sa noo. "Just what for, Jyn? Hindi kita pinalaki ng
ganyan."

"Because I have no enough allowance, mom! Damn!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi
n'ya. Lalo akong nakaramdam ng pagka-uneasy.

"Dahil din 'yun sa'yo, Pierce. Sinabi ko naman na kapag nag tino ka, lalaki ulit
ang allowance mo. Ano bang gagawin ko sa'yo?" Problemadong tumingin sa labas ang
mommy n'ya.

Nag karoon ng mahabang katahimikan. Kaya pala kinuhanan ng pera ni Pierce si Ron
noon? Pero paano naman, hindi ba n'ya naisip na iba naman ang mag sa-suffer sa
kinuha n'yang pera? Mahirap bang sundin ang utos ng mommy n'ya at mag pakatino
s'ya?

"Wala akong magagawa kundi ang ilipat ka ulit ng school." Utas ng mommy n'ya.
Tumigil ang puso ko doon.

Tumingin sa kan'ya si Pierce. Natigilan at walang nakikitang emosyon. "No."


Simpleng sagot n'ya.

"Son, hindi na pwede. Hindi mo ba narinig? Hanggang kailan ka ba magiging ganito?"


Parang maiiyak na ang mommy n'ya. Agad akong nakaramdam ng awa para sa mommy n'ya.
Sana hindi maging ganito si Sam kay mama pag dating n'ya ng highschool.

"I'll stay, mom. I wanna stay." Bumigat ang mga mata ni Pierce.

Tumingin sa kanya si Mrs. Jimenez. Hindi ko mawari ang nararamdaman n'ya. Ng


napakaganda n'yang mukha.

"Trust me." Napasinghap ako sa binitawan n'yang salita sa mommy n'ya. "Do
everything, mom. Because.." Tumingin s'ya saakin sa kalagitnaan ng pag sasalita
n'ya. "..now I know where I belong."

=================

TKP 12

12: Fierce

Bumalik ang principal nung mga oras na yun at pinayagan na akong umalis. May
pinagawa lang saakin bilang parusa pero pagkatapos ay wala na akong alam sa
nangyari kay Pierce.

Napakiusapan kaya ni Mrs. Jimenez ang principal? I hope so.

"Ate, si ate Loraine nasa labas." Sabi ni Sam na nakasilip ngayon sa kwarto ko.
"Huh? Papasukin mo!" Sabi ko.

Hindi naman nagtext saakin si Loraine na pupunta ah? Maya-maya lang ay pumasok si
Loraine at may dalang mga pagkain.

"Uy!" Tumayo ako para tulungan sya sa mga dala nya. "Hindi ka man lang nagtext na
pupunta ka?"

Nilapag namin ang mga dala nya sa maliit na table malapit sa kama ko. Sinara nya
ang pinto at mukha syang masayang masaya. Ngumisi sya at nagtatalon.

"Oh my god Cess! Kami na ni Enzo!" Hiyaw nya at yumakap saakin.

"Enzo.. Castillo?" Takang tanong ko.

Tumango sya ng maraming beses at kilig na kilig na humiga sa kama ko. "I can't
believe it until now!"

Ngumisi ako sa kanya at natawa na rin. Si Enzo ay isa sa mahabang listahan nya ng
crush. 4th year din si Enzo at oo, gwapo.

"So.. celebration ba to?" Nakangising tanong ko.

Ngumisi sya saakin. "Yes! 5 hours na kami."

Nakakatuwa syang panuorin. Ang makitang ganito sya ulit saakin kagaya ng dati ay
nakakataba ng puso. Parang sobrang close na ulit kami dahil alam ko namang medyo
awkward sya saakin dahil iniisip nyang malaki ang kasalanan nya na iniwan nya ako.
Sa totoo ay wala na talaga iyon saakin.

Sabay kaming nagtawanan. Nanuod din kami ng movie pero hindi naman namin iyon
naiintindihan dahil kwento sya ng kwento saakin

"Grabe! I know naman na malandi ako pero hindi ko aakalaing bibigay ako sa kanya sa
loob ng dalawang araw." Tumawa ako sa sinabi nyang kabaliwan. Tama ba namang
sabihin iyon sa sarili?

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa pumasok sa kwentuhan si Mikaella.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Mikaella." Lumungkot ang boses nya. "You
know.. sinabi nya saakin ang tungkol sa mga babaeng nangbully sa kanya sa cr at ang
sagutan nyo.. at sabunutan." Nagbuntong hininga sya.

Nanahimik lang ako at nakinig.


"Siguro naman halata mo na noon palang ay inggit na sayo si Mikaella, diba?" Sabi
nya.

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

"Oo, inggit sya sayo at gustong-gusto nya si Kharl. Lalo syang nainis sayo noong
naging kayo na."

Nakagat ko ang labi ko at nag-isip. Hindi ko pa rin masyadong maintindihan. Hindi


ko aakalaing may gusto pala sya kay Kharl. Hindi ko kailanman nalaman na gusto nya
si Kharl.

"I'm sorry for not telling you agad, pero sa tingin ko talaga ay tama lang ang
ginawa kong pananahimik. Besides, wala namang ginagawang masama si Mikaella noon
bukod sa pagkekwento nya kung gaano sya naiinggit pag magkasama kayo and that she
knows her place. Pero lumabas ang sama ng loob nya sayo noong wala ka ng kakampi."

Tumingin ako sa kanya at napalabi. "Hindi ko alam ang gagawin sa kanya, Loraine.
Ayokong layuan ka pero ayoko rin namang layuan ka nila."

"Janica wouldn't do that. Isa pa, kung papapiliin nila ako, pipiliin kita. I'm
sorry but I love you more than I love them."

Nagtawanan kami sa sagot nya.

Nawala din sa usapan namin ang tungkol doon pagkatapos ay lumipad naman ang usapan
namin sa lalaking ilang oras ko ng iniisip kanina noong wala pa si Loraine.

"And what happened saiyo? Nagcut ka at balita ko na kasama mo raw si Pierce." Sabi
ni Loraine na nakakunot ang noo. "Totoo ba? Kasama mong magcut si Pierce?" Hindi
sya makapaniwala.

Tumango ako at nalungkot nang maalala ang sinabi ng prinicipal. Nagawan kaya talaga
ng paraan ni Mrs. Jimenez iyon? Wala naman akong number ni Pierce para makibalita.
Malalaman ko iyon bukas kung papasok sya o hindi.

"At.. kick out na nga pala si Pierce." Sabi ko kahit na hindi naman ako sure kung
napapayag nila ang principal na wag nang ituloy.

"Really?" Nanlaki ang mata nya at huminto sa pagsubo ng junk foods. "I knew it!
Grabe naman kasi kung magcutting ang isang yan! Isa hanggang dalawang subject lang
ang pinapasukan?" Nagaalburutong sabi ni Loraine. "Gaano ka-grabe iyon?"

Napangiti ako at hindi pinansin ang sinabi nya. "Friends na kami ni Pierce,
Loraine." Hindi ko maiwasang ngumiti at hindi ko alam kung bakit.

"Sa fb?" Tanong nya.

Umiling ako at napangiti. Sa tuwing maalala ko na friends na kami ay natutuwa


talaga ako.

Nalaglag ang panga nya. "Tse! Hindi ako naniniwala. Si Pierce pa? Ke-sungit na
iyon!"

Hindi na ako nagsalita pa at nagisip na lang na kung ano-ano. Maya-maya ay


pumapalpak sya na parang may naisip.

"Istalk natin si Pierce!" Tumawa sya.

"Saan?" Tanong ko.

"Saan pa ba? Edi sa fb!" Irap nya at tinanggal ang hawak na ruffles sa kadungan nya
para kuhanin ang laptop.

Nagsign in agad sya sa fb at pinuntahan si Pierce. Bakit hindi ko agad naisip na


puntahan si Pierce sa fb?

"Friends kayo?" Tanong ko sa kanya kahit halata naman dahil nakalagay na iyon sa
profile ni Pierce.

"Yup! You jelly?" Bungisngis nya.

"In-add ka nya?" What the hell, Princess? Ano naman ngayon kung oo o hindi?

Tumawa sya. "Nope. Ako ang nag-add. What's with your questions, Cess?" Nanunudyong
tanong nya.

Binuksan nya ang profile picture ni Pierce. Mukhang stolen iyon. Nakasakay sa
kabayo at may suot na hat habang nakatingin sa malayo. Mukha syang cowboy. Naalala
ko si Karl ng The Walking Dead sa kanya. At nainis naman ako sa pangalan ng kamukha
nya?

Isinantabi ko ang naisip ko at nagulat sa dami ng likes nya. Umabot iyon ng libo.
Woah? Ang dami naman nyang likers.

"Gwapo diba?" Kiniliti nya ako. "Ayiiie!"


"Baliw. Wala akong crush dyan. Friends nga kami diba?" Hinampas ko ang kamay nyang
makulit at umirap.

"Okay sabi mo eh." Tumawa sya at naningin pa ng pictures ni Pierce.

Ang isang gusto ko doon ay yung picture nya na nakauniform namin at naglalakad ng
diretso. Cool and cold. Ang kulay ng buhok nya ay lalong tumingkad dahil sa sikat
ng araw. Naka-tag lang sya sa picture na iyon at hindi ko kilala ang uploader pero
taga school din namin sya.

'It's more fun in the Philippines.' nakalagay sa caption at may mga puso pa. Merong
mga comments doon, yung iba ay kilala si Pierce, yung iba ay nagtatanong kung sino
iyon.

"Tignan mo tong comment ni Victoria, chaka talaga nitong isang to!" Turo ni Loraine
sa comment.

Victoria Gomez: Wow ah. Napakastalker mo talaga Jenny! Sorry pero may picture
kaming dalawa.

Natawa ako sa comment ni Victoria. Ewan ko kung nakikipagbiruan sya doon sa


uploader na si Jenny pero wala na akong paki doon.

"Ano, i-add mo na si Pierce! Nahiya ka pa." Panunukso ni Loraine.

Nag-init na ang pisngi ko doon. Baka sabihin nyang crush na crush ko pa si Pierce
at hindi ko pa magawang i-add. Pero ayokong i-add si Pierce, hindi ko alam kung
bakit nahihiya ako.

"Umuwi ka na nga, anong oras na oh? May pasok pa bukas." Sabi ko kay Loraine na
nawiwili na sa paghiga at pagkain.

"Not yet.. 9 palang oh?" Naghikab sya.

Nakipagkulitan pa sya saakin pero sa bandang huli ay napapayag ko rin syang umuwi.
Inaantok na ako kahit na 3 palang ay pinauwi na ako ng principal. Pagod rin ako sa
kakaisip kay Pierce.

Ano nga kaya talaga ang nangyari? Sana talaga ay pinagbigyan sya ng principal. I
don't know why I feel like I need him.

"Ang aga mo namang aalis?" Sabi ni mama nang makita akong handa na para sa school.

Maganda ang tulog ko at maaga akong nagising ngayong araw. Siguro ay dahil gusto ko
ng mabalitaan si Pierce. Isa pa ay bibili kami ng mga gamit para sa project namin
ni Loraine.

Nagkita kami ni Loraine sa malapit na mall sa school. Ginawa naming mabilis ang
pagkuha ng mga gamit. Group project ang gagawin namin at si Loraine ang naatasang
bumili kaya sinamahan ko sya.

Matapos mamili ay tumuloy na rin kami agad sa school. Wala na kaming oras para
gumala pa. 

Himala at hindi ako pinansin ni Victoria ngayong pagpasok ko. Nakikipagkwentuhan


lang sya sa mga kaibigan nya. Pero nakita ako ni Audrey at pinagtaasan ng kilay
bago umirap.

"God I hate her!" Bulong na sigaw ni Loraine sa tabi ko.

Umupo na ako sa upuan ko at tumingin sa hanay ko. Walang itim na bag sa dulo.
Walang misteryosong lalaking nakaupo. Wala pinagtitinginan. Walang Pierce sa
paligid.

Kung pinagbigyan sya ng principal ay imposible namang magpalate o magabsent sya


ngayon. Nanghingi sya ng chance at alam kong hindi nya sasahangin yun ng ganun-
ganun lang! O.. hindi?

Nagsimula ang klase at walang Pierce na lumalabas. Hindi nga kami close pero iba pa
rin yung merong nakaupo sa dulo kahit na hindi sya nagsasalita. Hay, si Pierce at
ang kanyang misteryosong pagkatao.

Boring ang araw na yun. Alam ko naman na halos ang araw-araw ko ay boring pero mas
naging boring ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil na rin sa may
inaasahan akong makita pero hanggang ngayong uwian ay hindi pa rin lumilitaw.

"Princess," Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ang kaibigan ni Pierce na


papalapit habang pawisan. Mukhang kagagaling lang sa paglalaro ng basketball.

"Yvo?" Iyon nga ba ang pangalan nya?

Ngumisi lang sya saakin. Tumutulo ang pawis nya sa gilid ng mukha nya. Ang maputi
nyang balat ay may mga butil ng pawis.

"Balita kay Pierce?" Tanong nya at kumagat sa ibaba ng labi nya.

Napakunot ang noo ko at napaiwas ng tingin sa labi nyang nag aayang magpatingin.
Bumalimg ako sa mata nya. "Hindi pa sya pumapasok, bakit?"

Alam kong alam na rin nya ang tungkol sa kaibigan nyang walang may alam kung totoo
bang nakick-out na.

"Ah, wala." Ngumiti lang sya. "Just came here to see you, butterfly." Mapaglarong
kumindat sya saakin.

Pagkatapos nun ay palakad-takbo syang umalis.

Butterfly? Tinawag nya ba akong butterfly? Kinilabutan ako at pinagkibit-balikat na


lang iyon.

"Tss.. landi talaga." Sabi nung babaeng napadaan.

Hindi ko alam kung ako yung sinasabihan nya pero kung ako man yun o hindi, wala na
akong pakialam. Hindi ko kailangang ipaliwanag sa lahat ng tao ang bawat
nangyayari.

Kinabukasan ng umaga ay wala parin si Pierce. Sabay kaming nag snack ni Loraine sa
canteen at wala na si Mikaella at Janica sa table namin. Masama ang titig nila
saakin na nasa kabilang table lang.

"Hwag mo ng pansinin." Utas ni Loraine nang mapansin nya atang kanina pa ako
pabalik-balik ng tingin kila Mika.

Ngumiti lang ako kay Loraine. Sa totoo lang ay wala na akong pakialam kung iwan
nila ako. Ang pinag-aalala ko lang ay dahil saakin ay iniwan nila si Loraine.

Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?

"Wait, Cess. Cr lang ako." Sabi nya bago umalis.

Habang naghihintay kay Loraine ay may lumapit saaking babae.

"Hi po, ate Princess." Ngumiti sya saakin at may kasama pang haplos sa likod ko.

"Uhmm.. hi?" Ngumiti ako ng alangan sa kanya. Hindi ko sya kilala at nakakapagtaka
ang ngiti nya sa mukha. Kung isa sya sa mga mangbubully saakin ay sana lang wag na
syang magsayang ng oras dahil wala akong ibibigay na pake.

Pero ganun pa man ay ngumiti ako sa kanya dahil baka mali lang ako. Baka naman
mabait lang ang isang to.

"Ang pretty nyo po talaga." Ngumiti ulit sya bago ako iwan.
Kumunot lang ang noo ko at bago pa makapag isip-isip ay dumating na si Loraine at
inaya ako para bumalik sa classroom.

Panay ang kwento saakin ni Loraine tungkol kay Enzo at sa mga textan nila.
Nakikinig ako pero hindi maiwas sa paningin ko ang mga nakangising tingin ng mga
tao sa paligid namin habang naglalakad.

Sanay naman na ako na pinagtitinginan at pinagbubulungan. Ang hindi lang maganda


ngayon ay kakaiba ang mga tingin nila. Parang nangaasar at nangiinis pero yung
tipong pasikreto.

"Anong problema nila.." Bulong ni Loraine na napansin na rin pala ang tinginan at
tawanan.

Huminto na kami ngayon dahil nasa harapan na namin ang apat na babaeng
kinakatakutan sa school. Si Victoria, Audrey, Fiona at Sandra.

Lumapit saakin si Victoria. Nakakatakot talaga ang katangkaran nya. Meron din syang
man-shoulder.

"Bakit na naman, Victoria?" Kahit natatakot ako ay nagawa ko paring magsalita ng


patapang.

Hindi na uso ang inaapi ngayon. Kailangan kong lumaban lalo na at meron naman akong
kasama. Kailangan kong maging malakas para hindi ako magmukhang kawawa.

"Aba, matapang!" Tumawa si Victoria. Nagulat ako dahil isang tulak nya lang sa
dibdib ko ay napaurong na ako at napaupo sa sahig.

"Ano ka ba Victoria!" Sigaw lang ni Loraine.

Tumayo agad ako. Napupuno na ako at ayoko na talaga ng inaapi. Hindi ko rin
hahayaang saktan nila si Loraine. Kung ako ang kaaway nila, ako ang saktan nila.
Hindi ko kailangan si Kharl para maging matapang ulit.

I will be fierce and bold without him. Kaya kong wala sya. Kaya kong ibalik yung
pagiging matapang at pagiging btch ko kagaya noon. Sana lang ay hindi ako iiwan ni
Loraine.

Susugudin ko na sana si Victoria nang marinig ko ang boses nya. Ang malamig nyang
boses na kahapon ko pa hinihintay.

"What's new?" Bored ang tono ni Pierce nang sabihin nya iyon.

Nang tignan ko sya ay malamig syang nakatingin kay Victoria. Hindi ko alam kung ako
lang ba ang nakakapansin pero mainit rin ang tingin nya. Nakakapaso.

"Pierce.. akala ko.." Nangininginig ang labi ni Victoria. "Akala ko lumipat ka


na.."

Nagatrasan ang ibang nanunuod at tumabi na para bang takot silang madikit kay
Pierce dahil baka madamay sila.

Tumingin sa akin si Pierce. Kumunot ang noo nya habang nakatingin sa bandang
likuran ko. Medyo nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko sya matignan ng maayos.

Lumapit sya at kinabahan na naman ako. Alam kong kinakabahan ako dahil mabilis ang
tibok nung puso ko at halos mawalan ako ng hininga. Hindi parin mawala-wala ang
epekto nya saakin. Sya parin si Pierce na nakakaintimidang lapitan o tignan.

Nang makalapit sya ay may tinanggal sya sa likod ko. Nagulat ako dahil may
nakadikit pala saaking papel! Iyon ba ang lumapit saakin sa canteen kaninang babae?
Para dikitan ako ng sulat at ipahiya ako?

Umirap sya bago lukutin ang papel at bitawan iyon.

"Now I know you can't live a day without me around." Seryosong sabi nya na
kinalaglag ng panga ko. "Such a damsel in distress."

***

Author's Note:

Tagal kong hindi nagupdate at biglaang nag on-hold. Sorry. The truth is busy ako na
may halong katamaran. Sana may nagbabasa parin :')

=================

TKP 13

13: Don't Stare

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi ko aakalaing magyayabang sya saakin ng
ganun.
"Let's go." Sabi nya saakin at hinawakan ako sa pulso para hatakin. Nanlaki ang
mata ko sa ginawa nya at tumingin kay Loraine na naiwan ko.

Tumango lang sya at ngumiti ng hilaw. Sila Victoria naman ay hindi makapaniwalang
kinakaladkad ako ni Pierce. Mukha syang naiinggit sa nangyayari. Ano namang
kakainggitan dito? May romantic ba? Mukhang wala naman. Ang harsh pa nga nya kung
humawak.

"Hindi totoo yun, Pierce. Wala ka kahapon at wala namang nangbully saakin." Sabi ko
kay Pierce para buhayin ang ego kong natapakan kanina nang sinabi nyang hindi ko
pala kaya kung wala sya.

Umirap sya. "That's because I told Yvo to looka after you."

Natahimik ako sa sinabi nya. Pinabantayan nya ako kay Yvo? Para saan? Matindi na ba
ang pagkaawa nya saakin at kailangan nyang maging sure na ligtas ako sa school?

Huminto kami sa tambayan nya palagi. Sa likod ng court. Naglabas sya ng stick ng
sigarilyo nya at sinindihan iyon. Nakanganga ako habang pinapanuod syang gawin
iyon. Nasa labi nya ang sigarilyo habang nagsisindi gamit ang lighter.

Nag-angat sya ng tingin saakin ng matapos nyang masindihan iyon.

"I'm not leaving this damn school." Sabi nya habang nakatingin saakin ang
perpektong mata nya. Kakaiba talaga sya kung tumingin. Para bang lalamunin ang
kaluluwa mo. Halos lumubog ako dahil sa kagandahan ng dark brown eyes nya. "I like
it here. I'm not going to transfer into any school."
"P-paano ka pinagbigyan?" Wala na akong masabi dahil sobrang nakakamiss ang istura
nya kahit isang araw ko lang syang hindi nakita.

Nagkibit balikat sya. "I don't know. Hindi ko na natanong si mom."

Napatango na lang ako. "So.. kailangan mo ng magbago Pierce. Kailangan mong


umattend ng class at hindi ka pwedeng magskip. Kailangan mo ng good grades.."
Paalala ko sa kanya.

"Yeah, I know that. And you have to teach me how to be a fcking good student."
Iritadong sabi nya na para bang napipilitan lang sya sa mga nangyayari.

Hindi ako tumanggi. Magkaibigan na kami diba? Pwede ko naman syang turuan kung
paano.

"Tara na, malelate pa tayo." Pagyayaya ko sa kanya.

Bored syang tumingin saakin bago nag-iwas muli. "Tinatamad ako. Let's skip class."
Tinapon nya ang stick ng sigarilyo nyang maliit na. 

Napangiwi ako. Ayoko sa mga lalaking naninigarilyo. Tingin ba nila cool sila sa
ginagawa nila?

Pero sandali, inaaya nya akong magcut at hindi nya lang gustong magcut ng sarili
nya!

Napailing ako doon. "Baliw ka ba? Akala ko ba magbabago ka na?"

Nagbuntong hininga sya at tumayo. "I'll start tomorrow."

Napairap ako. "Hindi pwede. Ngayon mo nga kailangang magpa-goodshot sa teachers


natin eh. Tas sisirain mo na agad ang image mo?"

Tumitig sya saakin at tipid na ngumisi. Hindi ko alam kung ngisi ba iyon o ngiti.

Naglakad kami ni Pierce hanggang sa makarating kami sa room na nakasarado na.

"Sht!" Naibulong ko. "Late tayo, Pierce." Kinakabahang sabi ko. Hindi ako pwedeng
malate dahil nakagalitan na nga ako nito lang.

Nakagat-kagat ko ang labi ko habang patuloy na nagmumura ng mahina.

Nakagat nya ang labi nya. "Stop it. Don't cuss."

Hindi ko iyon narinig pero sinawalang bahala ko dahil kinakabahan na talaga ako.
Nanlaki ang mata ko ng binuksan nya ang pinto. Binuksan nya ang pinto nang hindi
man lang kumakatok! Hindi ganun ang tama, Pierce!

Papasok na sana sya ng hinatak ko ang forearm nya. Hinatak ko ang pintk para sumara
ulit. 

"Bakit hindi ka kumatok?!" Bulong na sigaw ko sa kanya. Naramdaman kong tumahimik


ang room sa loob at hinihintay na pumasok ang nagbukas ng pinto.

"What?" Tanong nya sa normal na boses nya. Ang normal na boses nya ay iyong
inosente pero malamig.

"Oonaman! Kailangan mo muna kumatok. Ngayon magsorry ka sa teacher natin kasi


nalate ka." Turo ko sa kanya.

Sumama ang timpla ng mukha nya at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Ayoko."

Nagulat ako at kinabahan dahil nauubos na ang oras namin dahil baka labasin kami ng
teacher sa loob. Binuksan na iyon ni Pierce kanina at malamang na nagtataka ang
teacher namin kung sino iyon.

"Nagpapatulong ka saakin, Jimenez. Ikaw ang may kailangan ng favor dito kaya
susunod ka saakin." Matigas kong sabi sa kanya.
Naningkit ang mata nya saakin at sa sagot ko. Mukhang hindi nya ata inaasahan na
sasagutin ko sya ng ganun.

Ganun pa man ay nag-iwas lang sya ng tingin at mukhang umepekto naman ang ginawa ko
kahit na natatakot ako na baka magalit sya dahil tinarayan ko sya.

"Listen, hindi ko alam kung bakit gusto mong magstay sa school na to pero
tutulungan kita. Kailangan mo lang maki-cooperate." Seryosong sabi ko sa kanya.
"Kapag hindi ka sumunod, tandaan mo na pwede kang mapaalis dito."

Malapit lang kami sa isat isa ng mga oras na iyon. Halos nakasandal ako sa pinto at
sya naman ay nakaharap sa akin. Lumagabog ang puso ko ng isang segundo syang
biglang tumingin sa labi ko.

Humarap agad ako sa pinto at kumatok. "Simulan mo dito, Pierce. Show them na kaya
mong magbago."

Hindi ko sya nakitaan ng pagkakaroon ng kaba. He is confident. Confident sya sa


lahat ng bagay. Confident syang tumayo. Confident syang maglakad. Confident syang
kahit hindi sya mag-effort, kaya nyang makuha ang gusto nya. 

He is confident, mysterious and cold.

I think tama lang naman yun. Sino bang hindi magiging confident kung ganyan ang
itsura mo at nakukuha mo rin ang lahat. Alam ko namang nakukuha nya lahat. Mula sa
gugustuhin nyang babae at sa luho na gugustuhin nya. Spoiled.
Kinabahan ako nang makita syang tumayo sa gitna ng pinto. Ramdam ko ang pagtahimik
ng buong room. Ang akala ko ay hindi na sya magsasalita pero.. nagsalita sya. Hindi
ko aakalaing gagawin nya ang maliit na bagay na yun na kung tutuusin ay pwede naman
nyang palagpasin muna. Alam kong mataas ang ego nya. Ganun ba nya kagusto sa school
na ito?

"Sorry for being late." Cold na sabi nya at narinig ko ang pagbuntong hininga ng
mga kaklase namin.

Nang ako na ang tumayo sa pintuan ay wala namang nakatingin saakin dahil puro kay
Pierce na naglalakad papuntang seat nya ang mga mata nila. Mukhang lalo lang sila
na inlove kay Pierce.

"Ma'am I'm Sorry I'm late.." Sabi ko at hinintay na tumingin saakin si ma'am.
Tumango sya saakin na nagsasabing pwede na akong pumasok. Tumuloy narin ako sa
upuan ko.

Hindi kami pinagalitan ng teacher. Sa tingin ko ay mukha rin syang na-amazed kay
Pierce. Sa pagkakaalam ko ay ito ang unang beses nyang nameet si Pierce. Oo ganun
nga katindi si Pierce. Ngayon lang nya pinasukan ang subject na ito.

"We are going to have our quiz later on our second period. So magreview na lang
kayo ngayon." Anang teacher namin na mukhang busy sa ginagawa nyang papel.

Nagkaroon ng kaunting ingay dahil daw free time.

Tahimik lang ako sa upuan ko at pabuklat-buklat ng notes ko sa math. Hindi naman


ako matalino dito pero hindi rin ako yung hindi nakakaintindi. Sakto lang.
Nang silipin ko si Pierce ay tamad syang nakasandal sa upuan nya habang medyo
nakapatong ang isang paa sa upuan sa harapan nya.

"Princess, paturo naman dito.." Napatingin ako sa harapan ko at nakita si Jansen na


may pinapakita saaking note sa math notebook nya.

Hindi ako sigurado pero ang alam ko ay may something sa kanila ni Audrey.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. Bakit saakin sya nagpapaturo? Meron namang
Liana na top 1 namin o di kaya'y si Carol na top 2 at mga friendly rin naman.

Nagkibit balikat lang ako at tinuruan sya. At least kahit papaano ay bumabalik na
ang turing saakin ng mga kaklase ko. Hindi na ako masyadong binubully at
nilalagpasan na parang may nakakadiring sakit.

Umupo sya sa tabi ko kung saan walang nakaupo. Hindi nya katabi si Pierce dahil may
isang upuan pa bago sya.

Nakita ko ang paglingon ng isang beses ni Pierce sa banda namin nang umupo si
Jansen.

Tinuruan ko lang sya at matiim naman syang nakikinig na parang gusto ngang matuto.
Nadistract naman ako sandali nang marinig si Pierce na umubo.

Sinilip ko sya at ngayon ay nakakunot na ang noo nya habang nakatingin sa isang
notebook. Medyo napangiwi pa ako nang makitang may hawak syang notebook.. at teka?
May notebook sya? At.. may notes ba sya?

Hindi ko na lang muna iyon pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagtuturo kay Jansen.

"Ganto ba?" Medyo makasat na tanong ni Jansen at tumawa. Nahihiya daw sya saakin
dahil hindi daw talaga nya alam.

Nagtawanan kami ng makitang mali ang ginawa nya. Aminado naman sya. Natatawa lang
talaga ako dahil masyadong malayo sa katotohanan yung ginawa nya.

Narinig ko ang madalas na pag-tikhim ni Pierce pero hindi ko na napansin masyado.


Teka, may ubo ba sya?

"Mali eh.." Tumatawang sabi ko at hinawakan yung ballpen para ituro ulit sa kanya.

Napansin ko naman ang nadadalas na sulyap saamin ni Pierce gamit ang malamig nyang
tingin.

Pagkatapos kong tignan ang ginagawa ni Jansen ay bumalik ulit ako ng tingin kay
pierce na masungit na naman ang mga mata nyang medyo nasa gawi namin.

Lalo syang sumibangot, umiwas ng tingin at padabog na namang sumandal at tinaas


ulit ang isa nyang paa sa upuan kaya nagreklamo ang nakaupo sa unahan nya pero nang
tignan nya si Pierce ay yung kaklase na lang din namin ang umayos ng upo para hindi
sya matapakan ni Pierce.
Bad Pierce. Bad. Napanguso ako.

"Ang talino mo pala Princess!" Tumatawang sabi ni Jansen kaya napatingin ako sa
kanya. Natawa na lang ako sa sinabi nya at alam kong nangbobola lang sya.

"Ganun talaga.." Pagsasabay ko sa biro nya. Nakuha nya na pala kung paano.

Tumawa naman sya at pinisil ang pisngi ko na kinagulat ko lang. Yumuko ulit sya
para tignan ang papel at reviewhin.

Nag-'tsk!' si Pierce sa tabi at narinig ko ang malamig nyang boses. "Come here
Princess. Meron din akong di maintindihan."

Nakagat ko ang labi ko at napatingin kay Jansen na nagsosolve pa ulit. Tumayo ako
at lumipat ng upuan para tabihan ang bossy na si Pierce. Ngayon ay nasa gitna na
ako ni Pierce at ni Jansen.

"Ahm.. alin ba dyan?" Tanong ko at naamoy ang mabango nyang pabango. Pati ang
pabango nya ay amoy misteryoso. Gwapong misteryoso.

Pakiramdam ko ay hindi ko yata sya kayang turuan ng maayos lalo na at medyo malapit
kami.
"Umusog ka dito." Utos nya at sinulyapan ang katabi kong nagsasagot bago ulit ako
sinamaan ng tingin.

Tumayo agad ako para ilapit sakanya ang upuan ko. Malapit naman ang upuan namin
pero bakit kailangan pang ikadikit-dikit sa kanya?

Medyo nilapit ko lang ang upuan at meron pang 3 inches ang nalalayo namin. Uupo na
sana ako ng inis syang nagreklamo.

"Tsk!" At hinatak nya ang upuan para itabi sa kanya. Naglikha iyon ng malakas na
ingay dahil masyado syang harsh. Wala namang nakapansin dahil busy sa pagiingay ang
lahat.

Napanga-nga ako doon at inalis agad ang kaba. Nagiging OA na ba ako ngayon? Pero
ayoko lang talagang natatabi sa kanya. Parang hindi ko mapigil ang sarili ko sa
kaba.

"A-ano ba dyaan..?" Tanong ko habang umuupo ng maayos.

"This." Tinuro nya saakin ang hindi nya maintindihan.

At doon ko napagtanto na hindi sa kanya ang notebook dahil pangbabae ang sulat.
Kanino naman kaya sya nanghiram. Mabilis kong tinignan ang cover ng math notebook
at nakompirmang hindi nga sa kanya ang notebook. Akala ko pa naman nagsusulat na
sya.

Huminga muna ako ng malalim at tinuro ko sa kanya iyon ng maingat. Nakakatakot na


baka magalit sya saakin dahil hindi nya maintindihan.

Habang tinuro ko sa kanya yun ay hindi ko alam kung nakikinig ba talaga sya dahil
nakahalumbaba lang sya at nakatitig lang sa papel na parang hindi interesado.

Hindi ko naman sya magawang suwayin at sabihing 'Hoy, nakikinig ka ba talaga!?'


Dahil baka nakikinig pala sya at ganun lang talaga ang mukha nya, mapahiya pa ako.

"So ganun lang yun. Dapat magiging zero ang sagot. Naintindihan mo ba?" Tanong ko
at tumingin sa kanya.

"Bakit tinuturuan mo ang isang yan kanina?" Seryosong tanong nya.

Napakurap-kurap ako sa tanong nya. Seryoso ba sya sa tinatanong nya?

"Huh?" Hinintay ko syang magsalita pero hindi sya nagsalita. "Kasi nagpapaturo
sya?" Medyo hininaan ko ang boses ko dahil ayokong marinig kami ni Jansen.

"Nagpapaturo.." Sarkastikong sabi nya. "Mukhang nilalandi ka lang." Tumawa sya


kahit wala namang nakakatawa doon.

"Hindi ah. Nagpapaturo sya." Sabi ko at tumingin sa paligid dahil baka iyon din ang
iniisip ni Audrey. Salamat naman at mukhang sya ang bangka sa pagkekwentuhan nila
ngayon.
Nalaglag ang panga ko at hindi malaman ang isasagot sa kanya. God, Pierce. Anong
problema mo?

"Then you even let him pinch your cheek, huh?" Tumawa sya ng mahina at hindi
makapaniwala. "You.. you just let him touch your face."

Nalaglag ang panga ko at hindi malaman ang isasagot sa kanya. God, Pierce. Anong
problema mo? Nakabukas lang ang bibig ko para magdahilan pero biglang sumingit si
Jansen saamin.

"Sandali Princess.. paano ulit dito?"

Nilingon ko si Jansen at kabadong hinawakan ang papel dahil ramdam ko ang titig
saamin ni Pierce. Magsasalita sana ako pero nagsalita agad si Pierce.

"Hindi mo ba nakikita? Tinuturuan nya ako. Maghanap ka ng magtuturo sayo."

Napanganga ako doon. Nakita kong nayabangan si Jansen sa kanya at masamang


tumingin. Pakiramdam ko ay may kuryente sa mga mata nila at hindi ako pwedeng
sumingit doon. Si Jansen ang unang bumitaw at umalis na lamang kahit na alam kong
inis na inis parin sya.

Sinamaan ko ng tingin si Pierce.


"Hindi dapat ganun, Pierce. Nauna syang nagpaturo!" Galit na sigaw ko.

"I don't care who the first is." Bugnot na sabi nya. "When I'm asking for you I
want you to set all the things aside and stay beside me."

Lalong lumaglag ang panga ko at tumitig sa kanya. Pierce is not used to being
ignored. I get it. Pero hindi dapat ganun.

Nag-iwas sya ng tingin at tumikhim. "I mean.." Napapikit sya ng mariin. "Fck it."

Sinawalang bahala ko ang sinabi nya. "Pero kailangan mo rin makipag friends Pierce.
At para makakuha ka ay hindi dapat ganun ang asal mo dahil hindi mo sila
makakasundo."

"I don't need friends." Maikling sabi nya.

"Kailangan mo nun Pierce. Kailangan mo ng kaibigan. Kailangan ng lahat ng kaibigan


at hindi ka iba." Matigas na sabi ko.

Umirap sya. "I did not choose to stay in this fckin school to seek for friends,
Princess." Mas matigas na sabi nya.
Nagtaka ako sa sinabi nya. Para bang may pino-point sya. I know. Dahil sa usapan
palang nila ng mommy nya at kita kong gusto nya nga sa school na ito. Hindi man
halata ng ibang hindi nya nakakasama, pero ako halata ko yun.

"Bakit nga ba, Pierce?" Tanong ko. Tumitig ako lalo sa kanya. Why do you feel like
you belong here? Bakit sinabi mo na alam mo kung saan ka nababagay?

Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay ng sagot nya.

Nag-iwas sya ng tingin saakin. Tumingin sya sa relo nya. Hindi nya ata gustong
tinititigan ko sya. "I'm not sure yet." Sinara nya ang notebook na hawak. "And
don't stare at me like that again."

Author's Note:

Sorry sa iba na kailangan pang basahin ulit dahil sobrang tagal nung last ud. :
( kahit yung mga kaibigan ko nalimutan rin. Sorry talaga. Susubukan kong hindi na
ulit umabot ng months. :)

And thank you guys kasi madami paring nagbabasa though nabawasan talaga but
nakakasurprise kasi talaga na marami paring naghihintay :) Thanks! So here is an
early update. Ciao :*.

=================

TKP 14

14: Butterfly
Dumaan ang mga araw at maayos naman si Pierce. Inaamin ko na mahirap syang turuan.
Madalas nya akong hindi sinusunod at palagi syang nagagalit saakin dahil panay ang
paalala ko sa kanya. Nalimutan nya atang nagpapatulong sya.

Katulad na lang ngayong araw. 

Kasulukuyan ko syang hinhintay sa loob ng school malapit sa may gate dahil


nagpapahintay sya. Meron na syang number ko at hindi ko maiwasang mapailing tuwing
naalala kung paano nya iyon kinuha sakin.

"Give me your digits. Put it there." Sabay lahad nya saakin ng phone nya noong math
time namin.

Nanlaki ang mata ko dahil bigla lang nya iyong inabot saakin. Paano na lang kung
mahuli ito ng teacher namin?

"Mamaya na Pierce." Bulong na sigaw ko para marinig nya ako.

Kumunot ang noo nya at tumitig saakin. "Did you just reject me?"

Napasapo ako sa noo ko. "Math time kasi, Pierce. Hindi pwedeng maghawak ng
cellphone.." Paliwanag ko at medyo nairita dahil parang lahat na lang ay kailangan
ko pang ipaliwanag sa kanya.
Buti ay nasa pinakalikuran kami. Nakahawak parin sya sa phone nya na nakabitin sa
ere dahil hindi ko pa inaabot mula sa kanya.

Naiinis nyang nilapag ang phone sa mga upuan sa gitna namin. "I don't care. Put it
now because I'm not going to get your number again if you reject me right now."

Nag iwas sya ng tingin. Medyo nakakagat sya sa ibabang labi nya at nakatingin sa
teacher naming dumadaldal.

Napailing na lang ako at nagtype ng pasikreto sa phone nya. Ganun ba talaga sya
manghingi ng number? Kakaiba ah.

Napahalumbaba ako habang naghihintay kay Pierce? Nasaan na ba ang isang iyon?
Binasa ko ulit ang text nya pero tama naman talaga ang basa ko!

From Pierce: 

Wait me tomorrow. Sa gate.

Iyon lang ang laman ng text nya at ni hindi sya nagpakilala pero hindi na ako
nagtanong dahil sya naman agad ang naisip ko.

"Butterfly!" Napalingon agad ako hindi dahil sa inisip kong ako iyon. Masyadong
malakas ang boses ng nagmamay-ari.
"Yvo.." Bati ko sa kanya.

Pero teka, tinatawag nya ba talaga akong butterfly?

"Umaano ka dito?" Ngiti nya. Tumingin sya sa itim na relong suot. "Magta-time na
ah? May hinihintay ka?"

Napasimangot ako at napatingin din sa relo ko. 10 minutes na lang nga at time na. 

"Ahh oo, si Pierce." Sabi ko at nilingon muli ang gate, nag babakasakaling nandoon
na si Pierce pero masungit na mukha lang ng guard ang nakikita ko.

Kumunot lang ang noo nya. "Bakit?"

Hindi ko na lang sinagot ang tanong nya. Wala din naman akong masabi at naiinis na
ako kay Pierce. Hindi ko lang alam sa sarili ko kung bakit sumusunod ako sa kanya
maghintay. Halos kalahating oras na rin akong nakaupo dito.

Umupo sya sa tabi ko at tumingin saakin.

"Nililigawan ka ba ni Pierce?" Nanliit ang mata nyang nagtatanong.

Napabilog ang labi ko doon sa hindi kapani-paniwala nyang tanong.


"Hindi ah!"

Nakagat nya ang labi nya at lalong tumitig saakin. "Yeah, I don't think na
liligawan ka nya." Tawa nya. "That is not his thing."

Nasa kalagitnaan ng pagsasalita si Yvo nang maramdaman ko ang presensya ni Pierce.


Nasa malayo sya at mabagal na naglalakad na parang ang bawat hakbang nya ay
mahalaga.

Kunot ang noo nya na palagi naman, nakasakbit ang bag nya sa isang balikat at nasa
loob ng bulsa ang isa nyang kamay. Diretso ang tingin nya sa lugar kung nasaan kami
ni Yvo.

"Ayan na pala si Pierce, butterfly.." Malambing na sabi ni Yvo saakin habang


nanunuyang tumatawa.

Napangiwi ako sa tawag nya saakin. Mukha ba akong paru-paro?

Huminto si Pierce sa lugar kung saan kami nakaupo. Tumayo agad ako at tumayo rin si
Yvo.

"Jimenez!" Maingay na bati ni Yvo kay Pierce kaya nagsitinginan ang mga iba pang
nakaupo.
Itinaas ni Yvo ang kamay nya para makipag highfive sana kay Pierce pero hindi iyon
pinansin ni Pierce. Sa halip ay tumingin lang sya saakin.

Natawa si Yvo at hindi ko alam kung bakit. Binaba nya ang kamay nya. "Dude,
pinaghihintay mo naman si butterfly, gawain ba yun ng lalaki?" May kung anong pilyo
sa ngiti ni Yvo.

Naningkit ang mata ni Pierce at lalong kumunot ang noo. Kung hindi lang sila
magkaibigan ay iisipin kong kanina pa sya kinuwelyuhan ni Pierce.

"What are you doing here, Ponferrada?" Matigas na tanong ni Pierce.

Nagkibit balikat si Yvo. "Wala, nakita ko lang si butterfly na nag-iisa, and I


guess she is just too pretty para lang mag isa." Ngisi na naman ni Yvo.

Ano bang meron dito kay Yvo at panay ang panunuya sa tingin at mga ngiti nya?

Sarkastikong natawa si Pierce. "Typical of you." Komento nya.

Sumulyap saakin si Pierce at bumalik ulit kay Yvo.

"So where are you guys going, huh?" Tanong ng masiglang si Yvo sa kausap nyang si
Pierce na mukhang iritado lang. Tumingin sya saakin. "Huh, butterfly?"
"Butterfly?" Ani Pierce.

Ngumisi lang si Yvo at tumingin muli sa relo nya at nagpaalam na saamin. "Gotta go,
see you around, Pierce" Ngumiti sya saakin ng nangiinis. "You too, butterfly!"

Ngumiti na lang ako sa kanya para hindi magmukhang bastos. Umismid si Pierce na
pinapanuod pala ako.

"Butterfly, huh? Is that your second name?" Sarkastikong sabi nya. "Princess
Butterfly.. cool."

Naglakad na sya at iniwan ako. Sumunod naman ako sa kanya at hindi na naman
maintindihan ang mood nya.

Hmm.. masama siguro ang gising nya at nadamay pa ako.

"Hoy Pierce, bakit ang sungit sungit mo na naman?"  Tanong ko at hinabol sya pero
hindi sya himihinto. "Uy, Pierce!"

"Go ask that caterpillar." Ani Pierce.

Napanganga ako sa sinabi nya at kumunot lang ang noo ko. Caterpillar? 
Hinabol ko parin sya pero hindi ko sya naabutan hanggang sa makarating kami sa room
nang wala pa ang teacher namin.

Umupo agad sya sa pwesto nya sa pinakadulo sa pinakalikod. Napasimangot na naman


ako dahil sa kaliitan ng utak nya. Nagpahintay sya pero ganun lang yun? Iiwan nya
din ako? Akala ko pa naman..

"Tss.." Pinarinig ko talaga sa kanya yun at umupo na sa upuan ko.

At dahil wala namang nakaupo sa gitna namin ay nakikita ko sya sa gilid ng mata ko
na nakadukdok lang at mukhang natutulog.

Kumaway lang saakin si Loraine habang may mga kausap na babae. Kumaway din ako sa
kanya pabalik at tinuon na lang ang pansin ko sa cellphone ko.

Meron akong ilang messages doon at ang isa ay mula sa unknow number.

From Unknown number:

Hi, can we talk?

Nag isip pa ako bago sagutin iyon.


To unknown number:

Sino to?

Dumating na ang teacher namin at umangat na rin ang ulo ni Pierce. Mabuti naman at
alam nya kung kailan dapat makinig.. kahit kunwari lang. Akala ko ay natutulog na
sya.

"Good morning class." Bati lang ng teacher namin sa harapan.

Tumayo kaming lahat bukod kay Pierce at bumati rin kay ma'am. "Good morning,
ma'am!"

Bago kami pinaupo ay napansin pa sya ng teacher namin. Tumikhim sya. "Good morning
to you, Mr. Jimenez."

Naglingunan silang lahat kay Pierce na nakaupo parin. Tahimik ang room at lahat ay
nakatingin sa kanya.

"Morning." Bati nya lang at hindi man lang talaga tumayo. Nakatingin lang sa kanya
si ma'am at pinaupo na kaming lahat.

God, Pierce! So insensitive.

"Mali yung ginawa mo, Pierce." Bulong ko nang hindi tumitingin at napasandal.
"I know." Sagot lang nya. "You taught me this already." Parang sya pa ang
nagpapaalala saakin na tinuo ko sa kanya yun. Ako nga ang dapat magpaalala dahil
mukhang nalilimutan nya.

"Alam mo naman pala.. bakit hindi mo sinusunod?" Iritadong tanong ko habang


kunwaring nakikinig sa harapan para hindi kami mapagalitan. 

"To piss you off,"

Kumunot ang noo ko at tuluyan nang napatingin sa kanya.

"Ano?" Narinig ko ang sinabi nya pero hindi ko maintindihan kung bakit. "Bakit
naman!"

"Because I'm mad." Simpleng sabi nya.

At talagang kinakausap nya ako nang hindi tinitignan. Tinuro ko rin kasi sa kanya
na huwag magpapahalatang nakikipagdaldalan. Surprisingly, alam naman nya ang
strategy doon.

Anong ginawa ko sa kanya?

Hindi ko na lang sya tinignan.


Maayos naman si Pierce nung araw na yun. Hindi nya ako pinapansin at hindi ko alam
kung bago ba iyon o ano. Mas lalo lang syang naging tahimik at malamig kung umasta.
Hindi sya natutulog sa klase at hindi rin naman sya mukhang nakikinig ng maayos.
Mas okay na ito kesa hindi sya pumapasok.

"Wow, sumusunod sayo si Pierce..?" Hindi makapaniwalang tanong ni Loraine.

Napabuntong hininga ako sa tanong nya. Nagkekwentuhan kasi kami tungkol kay Pierce
dahil tanong sya ng tanong kung paano nangyaring pumapasok si Pierce at bakit daw
nakikita nya minsang kinakausap ko pa.

"Loraine, nagpapatulong lang sya. Wag mong bigyan ng malisya.." Pagod na sabi ko sa
kanya. Umikot ang mata ko na kinatasa nya.

Nagmake face lang sya at mukhang hindi naniniwala.

"Okay, gotta go! Hinihintay ako ni Enzo eh." Ngumisi sya saakin at hinalikan ako sa
pisngi bago umalis.

Inayos ko na rin ang mga gamit ko at nang sa wakas ay natapos na ako ay lumabas na
ako at naglakad lang ng tuloy-tuloy nang makita si Pierce na may kausap sa phone.

Lumapit ako sa kanya kahit na alam kong susungitan nya lang ako. Gusto ko lang
sanang ipaalala sa kanya yug assignments namin. Pero.. assignments ba talaga? Hindi
ko alam kung bakit gusto kong lumapit.
"What?" Narinig kong sabi ni Pierce sa kausap nya at kumunot ang kilay. Napatingin
sya saakin na papalapit na. Umiwas rin ang tingin nya agad. "Fck you and go to
hell, Klark." Iritadong sabi nya.

Nakagat ko ang labi ko at nagalangan pang lumapit dahil mukhang may kaaway ata sya.
Pero agad rin nyang pinagbabaan ang kausap kaya tuluyan na akong lumapit.

"Ano?" Pinagtaasan nya ako ng kilay nang nasa harapan nya na ako.

"Ah, eh.." Napindot-pindot ko ang palad ko dahil masama ang tingin nya saakin.

So cold, Pierce. So cold.

Tinaas nya ng kaunti ang phone nya para ipakita saakin. "Tinext ka ng kapatid ko.
That wasn't me. I won't text you unless I need something."

Natigilan ako doon. Mean. Bakit kaya nakakapangliit ang mga salita nya? Kailangan
pa ba nyang magsalita ng ganun? Sa pageexplain ba kailangan pa ng matutulis na
salita?

So unfriendly, dapat talaga ay sanay na ako since matagal-tagal ko na rin tinitiis


ang ugali nya.
Tumalikod na sya at humakbang palayo. Napanganga ako sa kasamaan nya. Tama ba
namang mangiwan ng tao na nakikipag-usap sayo?

Binalewala ko ang sinabi nya tungkol sa text ng kapatid dahil alam ko namang ganun
lang talaga sya magsalita.

"Uy, Pierce! Bakit ba nagkakaganyan ka? Bakit ba hindi ka na naman namamansin?"


Wrong question. Hindi naman talaga sya madalas namamansin pero kasi ngayon, sobrang
sungit na naman nya.

Lumingon sya dahil nakahawak ako sa forearm nya. Agad ko rin iyong tinggal.

"Hindi ka pa sanay?" Tanong nya at umirap. Tatalikod na sana sya pero hinatak ko
sya ulit paharap sakin.

"Sanay ako pero kung tignan mo ko kanina, para bang galit na galit ka! Sabihin mo
nga kung bakit!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. "Naiinis ka ba kasi turo ako ng turo
ng mga dapat mong gawin? Wow ah? Wow!"

Kasi Pierce napakababaw mo kung ganun nga. Ikaw ang nagpapaturo saakin. Nakakainis
ka.

Tumitig lang sya saakin at napaiwas ng tingin pagkatapos ng tatlong segundo.


Tumingin sya sa likod ko at narinig ko ang padabog nyang buntong hininga.

"Butterfly!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki sa likuran ko pero hindi ko na


nilingon dahil kilala ko na kung sino. Isa pa, ayokong iwan ng tingin si Pierce na
sobrang kahanga-hanga ang itsurang nakaharap saakin. Kahit ba galit sya, gwapo
parin talaga. Kahit na ganyan ang ugali, hindi parin maaalis na gwapo talaga sya.

Yun lang. Gwapo lang.

"Fck, yes, butterfly. I'm mad. And now I feel like punching someone's face."
Mariing sabi nya habang ginagaya ang tawag saakin ni Yvo. Pagkatapos ay iniwan ako.

=================

TKP 15

15: Group Report

Saturday ngayon at walang pasok. Mabilis kong kinapa ang cellphone ko mula sa
ilalim ng unan. 9 na ng umaga at ngayon lang ako nagising.

Nakita ko rin ang 3 messages doon. Kinusot ko ang mata ko at humiga sa kama bago
tignan ang mga text.

Ang isa doon ay kay Loraine, kay Victoria at sa isang unknown number.

Una kong binuksan ang kay Loraine.

From Loraine:

Uy, gala? :D
Agad akong nagtype. Tinatamad ako ngayong araw at ang balak ko lang ay magstay sa
bahay buong araw.

To Loraine:

Sorry tinatamad ako Lor. :)

Chicneck ko naman ang kay Victoria na ikinagulat ko.

From Victoria:

Pupunta kami ng bahay mo ngayon. Yung project natin sa Mapeh.

Nanlaki ang mata ko at nakitang kakatext nya lang nun. Bakit naman pupunta dito si
Victoria? Hindi sya ang tipo ng estudyante na may pakialam sa project.

To Victoria:

Hindi pwede sa bahay namin.

Nang maisend ko iyon ay tinignan ko ang huling message ng isang unknown number.

From unknown number:


Si Elaine to. Sana magkausap tayo. :) Please save my number.

Nakagat ko ang labi ko. Elaine. Sya pala ang nagtext saakin kahapon.

Dumagsa na naman ang insecurities ko sa katawan. Bakit naman kailangan pa nyang


sabihin saakin na isave ko ang number nya? Friendly lang masyado? Pwede ba, hwag na
kaming magplastikan dahil nasa kanya na naman si Kharl.

Nagreply agad ako.

To Elaine:

Okay. Bakit gusto mong magusap tayo?

Nakahawak lang ako sa phone ko at naghintay ng magtetext sa kanila. Nang magvibrate


ang phone ko ay inakala kong iyon si Elaine. Pero si Victoria lang pala.

From Victoria:

K.

Napairap na lang ako at tumayo na para mag-almusal. Nakatapos na akong kumain pero
wala pang text si Elaine saakin pabalik. Si Loraine ay pinilit lang ako pero hindi
ko talaga trip na lumabas ngayon.
Nasa kwarto ulit ako at nicheck ang facebook nang makitang may dalawa akong friend
request.

Tumibok ang puso ko ng mabilis kung sino ang isa doon! Hindi ko alam kung bakit
natutuwa ako sa isang maliit na bagay. Inadd nya lang ako pero tuwang-tuwa naman
ako!

Pierce Jyn Jimenez. Confirm | Not Now

Pinindot ko agad ang confirm button. Tuwang-tuwa kong binisita ang profile nya.
Hindi naman sya nagpopost ng kung ano-anong picture.

Tinignan ko na lang ulit ang mga pictures na nakatag sa kanya.

Ang tinitigan ko sa mga pictures nya ay iyong kasama nya ang kapatid nya. Kakambal
nya ata iyon o mas matanda sa kanya? Mukhang magkaedad lang sila.

Tumawatawa ang kapatid nyang Klark ang nakalagay na pangalan doon. Mukhang
nagkekwentuhan sila habang magkatabing nakaupo sa gilid. Medyo nakataas pa ang
dalawang kamay nung Klark na mukhang tuwang-tuwa sa kinukwento samantalang si
Pierce ay nakatitig sa hangin pero nakikinig naman.

Paano kaya kung masiyahin din si Pierce? Mas lalo sigurong madami ang magkakacrush
sa kanya.
Nagvibrate ang phone ko at nakitang may message na ulit si Elaine saakin.

From Elaine:

Malalaman mo rin. Pag nakita na lang kita, maguusap tayo. :)

Hindi ko sya nireplayan. Naiirita ako sa kanya lalo na sa reply nya.

Nagulat na lang ako nang biglang kumatok ang kapatid kong si Samuel at sumilip.

"Ate nandyaan yung mga kaklase mo. Hinihintay ka.." Aniya sa seryosong tono at
umalis.

Nanlaki ang mga mata ko nang maisip na sila Victoria iyon! Pero nagtext naman ako
sa kanya na hindi pwede sa bahay namin ah?

Lumabas agad ako ng kwarto at nakita ko sila sa sala. Nakaupo silang apat doon at
naglalapag si mama ng juice sa table sa harapan nila.

"Salamat po.." Ngumiti si Fiona kay mama.

"Thank you po." Ulit naman ni Sandra.


Ngumiti si mama sa kanila at magalang rin silang ngumiti. Pagkatapos ay umalis na
si mama.

Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanila. Si Victoria na nakasandal ay napaahon sa


halos paghiga nya sa sofa namin.

"Umaano kayo dito?" Tanong ko na medyo hininaan ko dahil hindi ko gustong malaman
ni mama na kaaway ko ang mga ito.

"Chill, lang." Humagikhik si Audrey. "Yung project kasi natin sa Mapeh diba?"

Lalong kumunot ang kilay ko at tumingin kay Victoria. "Hindi ba at nagtext na ako
sayo?" Medyo iritadong sabi ko.

Umirap sya. "Tanga. Sinabi ko bang dito natin gagawin ang report? Sinusundo ka lang
namin. Tss.." At inikot ng mata nyang nanghuhusga ang kaliitan ng bahay namin.

"Oonga." Pagtugon ni Audrey. "Ano, Fiona? Nagreply na ba?"

Nagkibit balikat si Fiona. "Tinext ko na pero hindi naman nagrereply."

Umupo ako sa kabilang sofa. Nakakairita naman na naandito ang mga bullies ng
school.
"Sino?" Tanong ko sa pinaguusapan nila.

"Si Pierce." Wala sa loob na sabi ni Audrey dahil nagcecellphone sya. Kumamot sya
ng ulo at naglabas ng mabigat na hangin. "Ano ba yan. Snob. Ni-seen lang ako."

Medyo natawa ako doon kaya inirapan ako ni Victoria. Pansin ko na para syang
iritado.

"Silence means yes. Tara na, pupunta tayo sa bahay nila Pierce." Naunang tumayo si
Victoria.

Medyo tagilid pa sila Audrey. "Baka hindi tayo papasukin nun. Ni hindi nagrereply
eh. Nakakahiya pa. Tska balita ko may kuyang hot yun.. so.."

"So ano?" Gigil na tanong ni Victoria kaya napatayo si Audrey ganun rin si Fiona at
audrey. "Papapasukin tayo nyan! Kasama naman ako." Irap nya.

Nakagat ko ang labi ko. "Baka hindi na ako sumama. Kayo na lang. Kaya nyo na yan."
Sabi ko. Isa pa ay ayokong makisama sa kanila. At alam ko rin namang hindi sila
papapasukin sa bahay ni Pierce. Masyado lang malakas ang loob ni Victoria.

"Ano ka, sinuswerte? Paghihirap namin, grade mo?" Sarkastikong sabi ni Audrey.

Umambang aalis si Victoria. "Hayaan mo yan."


"Sumunod ka, Princess." Mahina pero may bantang sabi ni Fiona. "Group project ito,
tandaan mo yan." Irap nya pa.

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Hinatid ko sila hanggang gate namin.

"Teka, alam nyo na ba kung saan ang bahay nila Pierce?" Tanong ko na ikinainit ng
ulo ni Victoria.

"Of course alam namin. Wag mo nga kaming gawin tanga!"

Tumaas ang dalawang kilay ko sa sagot nya. May sira na ata sa ulo ang babaeng to.
Nagtatanong lang ako pero iniisip nyang ginagawa ko silang tanga?

"Oonga!" Segundo ni Audrey.

"Oh ikaw, sumunod ka na lang." Irap ni Victoria. "Alam mo ba kung saan?" Ngumisi
sya.

"Yup." Ngumiti lang ako sa kanya habang nakatitig sa gigil nyang ekspresyon.

Ang grupo namin ngayon ay grupo rin namin last time. Ito na raw ang grupo namin sa
buong year, sabi ng teacher namin. Wala naman talagang pakialam si Victoria sa
project na iyon. Ang hula ko ay gusto nya lang magpapansin kay Pierce..
Umalis na sila at wala na akong nagawa kundi ang maligo. Mabilis akong naligo para
hindi malate. Pagkatapos ng sampong minutong paliligo ay nagbihis lang ako ng
simpleng jeans at white tee shirt.

Nagtricyle ako papunta kila Klark. Sana lang ay hindi ako makita ni Loraine dahil
iisipin nyang nagsisinungaling ako.

Nang malapit na ako sa bahay nila Klark ay natanaw ko agad sila Victoria na nasa
labas. Iritadong iritado si Victoria lalo na at tirik ang araw.

Nagbayad ako sa manong at bumaba. Napatingin silang lahat sakin na kakadating lang.

"Bakit di pa kayo pumapasok?" Tanong ko.

Si Victoriang mukhang sasabog na ang sumagot saakin. "Edi yung yaya nya! Tinanong
pa talaga isa-isa ang pangalan namin, pero pagkatapos, ang sabi wala daw si
Pierce!"

"Ang tanga ng yaya nya na iyon! Kami pa ang niloko e, nakita ko si Pierce na
naglalakad sa sala nila! Like duh? Naka glass wall sila at ano yun? Clone ni Pierce
yung nakita namin?" Bwisit na bwisit si Audrey na mukhang nilalabas ang himutok
nya.

"Kumalma nga kayo. Baka naman si Pierce mismo ang nagsabi sa yaya nya na
magsinungaling?" Iritado kong sabi dahil nararamdaman ko na rin ang init ng araw.
Natahimik sila doon. "Fiona, subukan mo nga ulit contactin si Pierce." Utos ni
Victoria.

Bakit ba ayaw nalang nilang umalis? Hindi ba obvious na ayaw lang talaga ni pierce?

Sumunod si fiona. Pinanuod lang namin sya. "Wala eh. Kina-cancel nya talaga.."

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype. Alam kong hindi ako papansinin ni Pierce
kagaya nila Victoria pero lumakas na ang loob ko dahil mainit na talaga sa labas.

To Pierce:

Mainit dito sa labas. Ikaw na ang lumabas dito at sabihin mo na lang kung ayaw mo
magpapasok nang tumigil na ang mga to.

Naghihintay ako sa reply nya at natuyo na ang mata ko pero wala parin. Sasabihin ko
na sana kila Victoria na aalis na ako dahil sila ay mukhang walang pakialam kahit
habang buhay silang hindi pansinin ni Pierce pero biglang bumukas ang gate.

Mula doon ay nakita ko si Pierce na mukhang galing lang sa pagkakahiga. Magulo-gulo


pa ang buhok nya. Nakasuot sya ng sleveless white top at black sweatpants. Seryoso
ang mukha nyang tinignan kami.

Natahimik si Victoria sa kakadada at nakatitig lang kay Pierce. Napalunok ako dahil
sobrang gwapo nya kahit ganun lang ang suot!
Tumigil ang tingin nya saakin. Napalunok ako lalo at mabigat na ang paghinga ko.
Seryoso ang mga mata nya at ang init ng sinag ng araw ay tumatama sa buhok nyang
medyo brown. Ang natural na pagkapink ng manipis nyang labi ay lalong naging pink.
Kitang-kita mula sa pwesto ko ang kagandahang ng tisoy nyang balat.

"Pasok," Iyon lang ang sinabi nya at nauna nang maglakad papasok muli sa malaki
nilang bahay.

Napanga-nga ako. Hindi ko aakalain na papayag syang makatungtong kami sa bahay


nila!

Sinundan namin ang matangkad na si Pierce. Ang gwapo nya talaga. Kitang-kita mula
sa pwesto namin ang medyo malapad nyang likod at ang mahaba nyang bias. Tamang-tama
ang katawan nya. Para syang modelo.

Umakyat si pierce at nadaanan namin doon ang isang matandang babae na mukhang
katulong. Mukha syang awkward na nakatingin saamin at mukhang nagpapaumanhin.

Binunggo sya ni Victoria na ikinabuwal nya. "Sinungaling." Bahagyang sabi ni


Victoria at naglakad lang tuloy-tuloy. 

Natawa si Audrey sa tabi nya samantalang napatingin lang sila Fiona at Sandra sa
ginawa ng kaibigan nila. Lumapit ako sa matanda para tulungan sya.

"A-ayos lang po ba kayo? Nako.. pasensya na." Sabi ko at tinulungan syang tumayo.
Bakas parin sa mukha nya ang pagkagulat. Hindi ko aakalaing sukdulan na ang
kasamaan ni Victoria! Napakabastos nya!

"Nako, pasensya na rin. Napag-utusan lang ako ni Jyn na sabihin sa inyong wala
sya." Paumanhin nya. Napatango na lang ako kahit na wala naman ako nung oras na
nilabas nya sila Fiona para sabihing wala si Pierce.

"Ayos na po ba kayo?"

Ngumiti lang ang matanda. "Naku, ang bata na iyon. Ganun talaga ang ugali nya.
Pasensya at naghintay pa kayo sa labas. Ginawa ko lang ho ang utos nya."

Nakagat ko na lang ang labi ko at nakaramdam ng awa sa matanda. Matanda na sya at


hindi talaga dapat sya ginanun ni Victoria at lalong hindi dapat sya inuutusan ng
kasinungalingan ni Pierce.

"Sino ba si Princess sa inyo?" Tanong ng matanda na ikangulat ko. Alam nya ang
pangalan ko?

"Bakit ho?"

"Inutos ho kasi saakin ni Jyn na tanungin ang mga pangalan ng nasa labas." Sabi nya
na mukhang inaalala ang sinabi ni Pierce. "At hwag daw akong magpapapasok kung
walang Princess na nandoon."

=================
TKP 16

16: Stop texting

"Princess!!" Galit na sigaw ni Fiona.

Nawala ang tingin ko sa katulong nila Pierce. Nagulat pa nga ako sa sigaw ni Fiona
dahil nakatulala ako dahil sa sinabi ni manang.

"S-sige po.." Magalang na ngumiti ako kay manang at naglakad naman sya paalis.

Umakyat na sila ng hagdan pero natatanaw ko naman sila. Panay lang ang sunod nila
kay Pierce. Hindi ko maiwasan ang hindi pagiisip. Bakit naman.. bakit kailangang
kasama ako bago sya magpapasok sa bahay nila?

Dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko nakitang may step na pala at muntik na akong


masubsob kung hindi ako nakahawak sa gilid.

"Careful," Anang lalaki sa likuran ko at nang makita ko sya ay kahawig na kahawig


nya si pierce!

Hindi ko malaman ang isasagot at dahil na rin nakakaintimida ang itsura nya..
magkamukha kasi talaga sila ni Pierce at sigurado akong sya ang nakita ko noon at
sigurado rin akong magkapatid sila. 
Kambal ba sila? Hindi siguro. Hindi naman sila parehong pareho ng itsura. Mas gusto
ko ang inosenteng mukha ni Pierce kaysa dito sa kapatid nyang mukhang.. mukhang..
maraming alam?

"So.. my brother invited you to come over?" Ngumisi sya saakin. Nakita ko ang
perpekto at mapuputing ngipin nya kagaya ng kay Pierce. Pareho rin pala sila ni
Pierce ng ilong.

Napahawak ako sa batok ko. Kung makipag-usap sya ay mukhang sanay na sanay  na sya
sa mga tao.

"Hindi.. gagawa kami ng group project. Kasama ko yung iba naming mga kaklase." Sabi
ko at umayos ng tayo.

"Really?" Kumunot ang noo nya at natawa na para bang may mali sa sinabi ko.
"Project huh, cool."

Sasagot sana ako kaso natigilan ako nang may nagsalita sa gilid. "What, Princess?
You came here for our project." Malamig na sabi nya at lumipat ang naiinis nyang
titig kay Klark.

"Oh, jealous brother. Don't worry, I'm not stealing your girl." Tumawa pa ng
nangiinis si Klark.

Sa tingin ko ay hindi sila nagkakasundo sa loob ng bahay. Si Klark ay mukhang


mapanginis, at si Pierce yung tipong hindi natutuwa sa mga trip ng kapatid nya.
"I'm not jealous." Agad nyang sambit. Lalong kumunot ang noo nya. "Why would I be?
Binalikan ko lang si Princess so we can start."

"Alright alright!" Humalakhak si Klark at tinaas ang dalawang kamay sa ere na


parang sumusuko. "You don'need to cry your heart out, bro."

Tumaas lang ang isang sulok ng labi nya at naglakad paalis. 'Jimenez' Nakatatak sa
likod ng jersey nya.

Tumingin ako kay Pierce. Iritado syang naglakad paakyat ng hagdan. Nadatnan ko sila
Victoria na nakaupo sa isang puting mahabang bench sa terrace ng 2nd floor nila.
Nilabas naman ni fiona ang books na kakailanganin namin.

Umupo ako sa harapan ni Audrey na hawak-hawak lang ang phone nya. Napatingin ako sa
paligid. Mula dito ay kitang kita ang magandang view sa labas. Sana ay meron din
kaming terrace sa itaas.

Hindi naman umupo si Pierce sa tabi namin. Nakita ko syang dumiretso sa isang
rocking chair. Nagtugya-tugya sya doon habang nakataas pa ang isang paa at
naglalaro sa phone nya.

Napabuntong hininga na lang ako habang tinatanaw ang labas. Masarap tumambay dito.
Naabutan ko pa si Victoria na pinapanuod lang si Pierce.

Napangiwi ako doon. Meron syang crush kay Pierce at masyado iyong halata. Si Fiona
naman ay nagsusulat na habang nakaharap sa laptop nya. Si Audrey ay nagbubuklat ng
libro.
"Ikaw ang magsulat sa cartolina." Ani Sandra saakin. Sya naman ay nagsesearch sa
tab nya.

"Okay.." Pag sangayon ko na lang dahil wala naman akong palag.

Matapos ng mga dalawampong minuto, hindi parin tinititigilan ni Victoria ang


madalas nyang pagsulyap kay Pierce. Natanaw ko naman si Pierce na tumayo. Napatayo
din si Victoria.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Victoria.

Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay ni Pierce. Kilala ko na sya. Ayaw nya ng


pinapakialaman at lalong ayaw nya ng tinatanong. Sumulyap sya saakin bago ulit
tumingin kay Victoria. "Sa baba."

Piniga-piga ni Victoria ang palad nya. "Can I come with you?" Bumungisngis sya.

Nakagat ko ang labi ko. Hindi ba sya masyadong.. obvious sa ginagawa nya?

"What?" Tanong ni Pierce na parang hindi makapaniwala sa simpleng hiling ni


Victoria.

"Kung pwedeng.. ahm.. sumama sayo?" Nakakagat pa si Victoria sa labi nya.


Napairap si Pierce. Umirap sya. Ewan ko pero ang cute-cute ng irap nya! 

"Stay." Iritadong utos nya kay Victoria.

Bakit kaya mainit ang dugo nya kay Victoria? Napapansin ko lang talaga.

Naglakad na si Pierce paalis pero sumunod si Victoria sa kanya. Napanganga ako


habang pinapanuod syang sumunod kay Pierce. Gusto kong sumunod para makita ang
susunod na mangyayari.

"Eto na, isulat mo na yan." Utos ni Fiona saakin. Nilatag ko ang cartolina at
nagsimula ng isulat ang kopya ni Audrey na naka summarized na mula sa isang papel.

Hindi ko parin matanggal sa isip ko kung ano na ang nangyari kila Victoria sa
ibaba. Nakulitan kaya si Pierce sa kanya? O baka natutuwa na si Pierce sa kanya?

Maya-maya ay dumating na si Pierce. Kunot parin ang noo nya na para bang problemado
sya. Pero kahit mukhang problemado sya, ang gwapo-gwapo parin nya! Iniwas ko ang
tingin ko at nagsulat ulit.

Bumigat ang paghinga ko nang makita sa gilid ng paningin ko na palapit sya sa


pwesto ko. Medyo malayo ako sa tatlo pang kaibigan ni Victoria dahil nga nagsusulat
ako sa cartolina gamit ang marker at kailangan ko ng malaking space.

Umupo sya. Sumandal at pinanuod akong magsulat. Nanginginig na tuloy ang kamay ko
ngayon. Hindi ko makayanan na tinitignan nya ako.

"Victoria is annoying." Bigla nyang sabi kaya nag-angat ako ng tingin.

"Huh?" Nakita ko na naman ang napakagawapo nyang mukha. Napansin ko ring nagpalit
sya ng damit. Nakasuot na sya ngayon ng itim na v-neck at naka shorts na
lang."Nasan na sya?"

Luminga-linga ako para hanapin si Victoria pero wala akong nakitang Victoria sa
paligid.

"She insisted to make our snack." Sumandal sya. God! Pwede bang iiwas nya ang
tingin nya saakin? "I let her. Then she wants me to stay with her?"

Natawa na lang ako. Nakakatuwa lang na nagkekwento sya saakin ngayon. Inilabas nya
ang Iphone nya. Mukha syang bored. Nagplay sya ng music at inilapag ulit sa mesa
ang phone. Pagkatapos ay pinanuod nya na naman ako!

Nakakakaba. Hindi ko malaman kung bakit kailangan nya pa akong panuorin na


magsulat. Pwede naman syang tumingin na lang sa labas. 

Nakagat ko ang labi ko habang nagsusulat nang marealize ko na nakasandal lang sya
at nakaupo habang pinapanuod ako. Kinakabahan talaga ako at ayokong pinapanuod nya
ako. Ayokong nakafocus ang inosente at misteryoso nyang mga mata saakin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nahuli ko syang nakapatong ang siko sa arm rest
nya habang ang kanyang daliri ay paulit-ulit na tine-trace ang kilay nya. Nakatitig
sya saakin.
"Pierce, magsearch ka kaya?" Sabi ko na lang. Mabuti at nakayanan kong mag utos sa
kanya. "Hindi yung pinapanuod mo lang ako.." Medyo nahiya ako sa huli kong sinabi
pero hindi ko na iyon mababawi.

Nakita ko ang medyo pagkagulat nya. Natigilan sya sa pagte-trace ng kilay nya at
umayos ng upo. Kinuha nya ang phone nya at hindi na ulit tumingin saakin.

Nagulat na lang ako nang bigla syang bumulong. "Sorry, I can't help it.." Mahinang
sabi nya na parang ibinulong nya lamang iyon sa hangin.

Natigilan na naman ako sa pagsusulat ko. Bakit ka ganyan, Pierce.. ayokong mag-
assume pero bakit ganyan ka? Imposibleng may crush ka saakin diba? Madaming
nagkacrush sa iyo sa school na magaganda!

Kunwari ay hindi ko iyon narinig at nagpatuloy sa pagsusulat. Sya naman ay busy sa


phone nya pero hindi ko alam kung anong ginagawa nya doon. Nagsesearch kaya sya o
nakikipagtext lang?

Dumating naman si Victoria na may dalang clubhouse sandwhiches, kasunod nya ang
katulong nila Pierce na may dalang macaroni at juice.

Nang mailapag na ang lahat ng pagkain ay masamang-masama ang tingin saakin ni


Victoria. Oonga at magkatabi kami ng crush nya pero hindi nya ba nakikita na hindi
naman kami magkausap?

Nagkayayaan na kumain. Matapos kumain ni Pierce ay nagphone na naman sya. Nakiki-


usi pa si Victoria sa phone ni Pierce dahil magkatabi na sila ngayon samantalang
ako ay nasa kabisera.
"Pierce, kesa magte-text ka dyan, gawin mo na lang kaya yung math assignment
natin.." Sabi ko at sumubo ng macaroni.

Tumaas ang dalawang kilay nya at ibinaba ang phone nya. Inabot ko agad sa kanya ang
notebook nya sa math na nakita ko galing sa bag nya na nakakalat lang kanina dito
sa gilid.

"I'll copy yours.." Bored na sabi nya at humalukipkip.

Pinanliitan ko sya ng mata. "Pero mas nakakakuha ka ng mataas saakin. Ako na lang
ang kokopya sayo." Sabi ko at mas lalong nilapit sa kanya ang math notebook.

"Fck it." Iritadong sabi nya pero sumunod naman. Tinap nya pa sa table ang ballpen
nya para bumukas.

"Nagdadabog ka ba, Pierce?" Mataray na tanong ko sa kanya. Pinagtaasan ko sya ng


kilay.

Nag-angat sya ng tingin saakin. Hindi makapaniwala ang mukha nya sa tanong ko.
"What.. who do you think you are, Princess?"

Natawa ako. He is just too adorable. Ang sarap nyang inisin. Hindi sya kagaya ni
Kharl na kapag iniinis ko ay sumasakay lang sa biro ko.
Napatingin ako kila Fiona na nagmamanman ang tingin. Si Victoria naman ay simpleng
nakatingin lang pero alam kong sasabog na rin sya!

Tumahimik na lamang ako. Nalimutan ko yata na nandito rin sila Victoria.

"Ayoko na. You're thinking that I'm taking orders from you?" Pikang tanong ni
Pierce. Tinap nya ang mga daliri nya sa table na naglilikha ng medyo malakas na
beat.

Tinagilid ko ang ulo ko sa kanya. "Dapat naman ah?" Tumitig lang ulit sya saakin.
"Ngayon, tapusin mo na yan." Utos ko ulit sakanya.

Hindi lang sya gumalaw ng mga limang segundo pero kinuha rin nya ang notebook at
nagsimula ng magsagot.

Sa totoo lang ay matalino si Pierce. Hindi lang talaga sya masipag. Tumayo ako para
kumuha ng panibaging cartolina. Nang babalik na ako ay nakita kong nakasunod pala
saakin si Sandra.

"God, how the fck did you do that?" Tanong nya.

Kumunot ang kilay ko. "Alin?"

"Iyon! Yung napapasunod mo si Pierce? Gosh! He's so hot and cute. I'd like to tame
him. I'm pretty sure Victoria is dying inside!" Tumawa sya.
Hindi ako makapaniwalang nagsasalita sya ng ganito kapag wala si Victoria.
Pibagkibit-balikat ko iyon. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag kung bakit ko
kailangang turuan si Pierce.

Nang makabalik, ako naman ang nanood kay Pierce. Nakatulala lang ako sa kanya.

Ang gwapo nyang humawak ng ballpen. Ang gwapo nyang magsulat. Ang gwapo nyang mag
isip. Ang gwapo nya! Bakit ganun? Ang gwapo-gwapo nya kahit na anong gawin nya?

"You're staring at me.." Sambit nya habang patuloy sa pagsosolve.

Napa-upo ako ng maayos. "Hwag mayabang, Pierce." Nagphone na lang ako para hindi na
ulit sya matignan. Bakit ko nga ba tinititigan ang isang to?

Sumandal sya sa upuan at sinara ang notebook. Wait, tapos na ba sya?

"Sinong katext mo?" Tanong nya sa seryosong tono.

Hindi ko iyon sinagot dahil binabasa ko ang text ni Elaine saakin.

From Elaine:
Magkita tayo bukas? Please?

Magrereply sana ako pero inagaw ni Pierce ang phone ko. Hinablot ni Pierxe ang
phone ko! Ano bang problema nito?

"I'm pissed." Diklara nya habang hawak ang phone ko. Ni-lock nya na iyon at hindi
naman tinignan ang screen.

"Ano?" Tanong ko. "Akin na nga yan, Pierce!" Sinubukan kong kuhanin ang phone ko
pero may nakaharang naman saamin na table.

"The view of you holding your phone is fcking annoying." Seryosong sabi nya. Ang
malamig nyang boses ay bumabalot saakin.

Dumagungdong ang puso ko. "Ba-bakit na naman ba?" Nauutal na sabi ko at sinubukan
ulit na kunin sa kanya ang phone ko pero binulsa nya iyon.

Nag-igting ang perpektong hubog ng panga nya. "Stop texting Kharl."

Nalaglag ang panga ko. "Hindi si Kharl ang katext ko!" Ano ako, tanga dito? Tamang
hinala naman itong si Pierce!

"I don't care. I just want you to stop texting other guys." Nag-iwas sya ng tingin
at nilapit saakin ang notebook nya. "Just copy my assignment, Princess."
=================

TKP 17

Here is a short update. Will try to post more, sorry guys. :)

17: Safe

Hindi ko nakopya ang assignment ni Pierce. Hindi ko naman kasi dala ang notebook
ko. Wala naman akong dinala kanina kundi ang sarili ko. Sila Victoria ang nagdala
mg mga gamit namin.

Mabilis lumipas ang oras. Nang tumingin ang ako sa relo ko ay 6:00 na. Malapit ng
magdilim.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko. Nakahalumbaba lang ako habang nakatitig sa
labas na medyo madilim na. Tumama ang malakas na hangin sa mukha ko na lalong
nagpaantok saakin.

"Edi umuwi ka na." Ani Sandra. Sya ay patuloy lang sa pagsesearch ng kung ano.
Kanina ay wala naman kaming ginagawa. Naubos lang ang oras sa pagtambay nila dito.
Ngayon ay minamadali na nila.

Si Pierce naman ay nawala nang mga bandang alas-kwatro. Hanggang ngayon ay hindi pa
sya bumabalik at nasa kanya pa ang cellphone ko.

Sa sobrang katamaran ay pinaglaruan ko na lang ang papel sa notebook ni Pierce na


nasa harapan ko gamit ang ballpen rin ni Pierce.
Malinis ang notebook ni Pierce at wala pang gaanong sulat dahil kabibili nya lang
nito nang sinabi kong dapat ay kumpleto sya sa gamit. Mukhang masunurin naman pala
sya. Bakit kaya nahihirapan ang mommy nya na pasunurin sya?

Mula sa paghahalakhakan ay tumahimik sila Victoria. Kung tama ang naiisip ko ay


paparating si Pierce. Saka lang naman tumitiklop si Victoria eh, kapag nandyaan
lang si Pierce.

At tama nga ng hula ko. Huminto ang matangkad na si Pierce sa harapan ko at hawak
nya ang cellphone ko. Pinapakita nya saakin ang screen nun at tumatawag na pala si
mama?

Agad ko iyong kinuha sa kamay ng seryosong si Pierce. Pagkakuha ko ay umupo lang


sya sa opposite side ko. Nakatingin lang sya saakin nang pindutin ko ang answer at
kausapin si mama.

"Hello ma?"

"Bakit wala ka pa? Anong oras ka bang uuwi?" Tanong nya sa kabilang linya.

"Ahm.. uuwi na po ako maya-maya.." Sabi ko at nakagat ang labi. Napatingin ako kila
Victoria na walang pakialam, ganun rin sila Sandra. Tanging si Pierce lang ang
nakahalukipkip at nanunuod. Nakikinig ba sya?

"Umuwi ka na. Gabi na, Princess. Baka kung mapa-ano ka pa." Naramdaman ko ang
mapagbantang boses nya.
Nagbuntong hininga ako. Mag-aaway lang kami ni mama kung hindi ko pa sya susundin.
Isa pa, ang alam nya lang ay umalis ako ng bahay. Nagagalit sya kapag hindi si
Loraine o kakilala nya ang kasama ko. "Opo ma.."

Nagpaalam na sya at pinatay ang tawag. Tumingin ako sa kanila pero mukha naman
silang walang pakilam.. bukod kay Pierce na kanina pa ako pinapanuod. Ano bang
problema ng isang to?

"Guys, alis na ako. Sa lunes ko na lang isusulat yan. Pang-umaga ba tayo dyan?"
Tanong ko.

Si Fiona lang ang nag-angat ng tingin. "Panghapon daw tayo sa lunes eh."

Tumango na lang ako. "Mauuna na ako. Pinapauwi na ako." Ulit ko at inayos ang
sarili ko at tumayo.

"Bahala ka. Wala kang kasabay." Ani Audrey at tumingin sa relo nya.

Napatango na lamang ako doon. Tumingin ako kay Pierce. "Alis na ako."

Hindi sya sumagot kahit na naghihintay ako sa sagot nya. Tumalikod na ako at
naglakad paalis. Ni hindi man lang nya ako ihatid sa gate nila. Ganun ba talaga pag
boys?
Ngumiti lang saakin ang katulong nila Pierce na si manang Joy. Nakakwentuhan ko sya
kanina nang bumaba ako noong napag-utusang kumuha ng juice nila Victoria.

Nang makalabas ako ay naramdaman ko ang pagod. Nakakapagod pala talaga kapag wala
ka sa sarili mong bahay, kahit na ba nakaupo lang ako doon maghapon. 

Naglakad ako para pumunta sa sakayan ng tricycle.

Malapit na ako sa sakayan ng tricycle nang may humintong motor sa gilid ko. Muntik
na malaglag ang panga ko nang makita ang maangas at seryosong si Pierce na
nakasakay doon. Ang.. ang gwapo nya.

Hindi ko alam kung gumwapo ba sya dahil nakasakay sya sa motor o gumwapo yung big
bike nya dahil nakasakay sya!

"Pierce.." Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Bakit sya nandito?
Hwag mong sabihing.. isasakay nya ako? Assuming lang talaga ako.. pero bakit naman
sya pupunta dito at hihinto sa harapan ko?

Hindi ko mapigilang ngumiti. Nakakainis dahil parang may kung ano saakin na hindi
ko mapigilang ngumisi at ngumiti. Parang may kumikiliti sa puson ko.

"Let's go." Aniya. Nakagat ko na naman ang labi ko dahil ang gwapo-gwapo nya lalo
na kapag sobrang seryoso na sya.

"Aano tayo?" Wala sa sarili kong tanong.


Tumaas ang kilay nya at napairap. "Ihahatid kita." Malamig na sabi nya. Lalo lang
akong kinilabutan sa mala-yelong boses nya. Ihahatid?

"I-ihahatid?" Kapos na yata ako sa hininga. Pero totoo bang nago-offer talaga syang
ihatid ako?

Sa naaalala ko ay hindi ko pa sya natuturuan kung paano maging gentleman.

Nag-iwas sya ng tingin. "Stop thinking outside the box.. dammit." Sinuklay nya ang
buhok nya gamit ang kamay nya at nakakapaglaway ang panuorin syang gumanon habang
sexy na nakasakay sa motor nya! "Princess, Wala kang kasabay. Now, sumakay ka na."

Napangisi na naman ako. Ano ba tong nararamdaman ko? Kinikilig ba ako? Nakakainis
naman. Pero magkaibigan kami diba? Pwede namang magka-crush sa kaibigan?

"Okay.." Mahinang sabi ko at sumakay sa likod. Ni hindi man lang nya ako
inalalayan! Humawak ako sa likod, sa hawakan.

"Kumapit kang mabuti." Utos nya. "Humawak ka.." Medyo humina pa ang boses nya at
mas lalong hindi ko na narinig ang huli nyang sinabi. "..sakin."

Nahugot ko ang paghinga ko doon. Kinalma ko ang sarili ko bago ko ihinawak ang
dalawang kamay ko sa balikat nya. Naramdaman ko ang init ng katawan nya.
Medyo lumingon pa sya saakin kaya natanaw ko na naman ang napakagwapo nyang mukha.
Sideview lang iyon pero.. sht. Bakit posible maging ganito kaperpekto ang itsura ng
isang tao?

"Damn.." Narinig kong bulong nya. May kinuha syang motorcycle helmet sa gilid at
inabot saakin.

Tinignan ko lang iyon. "Ano yan?"

"Well, Princess. What do you think this sht is?" Iritado na naman ang boses nya.

Napanguso na lang ako dahil sa pagiging masungit nya. Hindi sya nakakairita ngayon.
Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa sa kanya. "Ikaw na lang magsuot, Pierce."

"No. You wear it. Hindi ako nagsusuot nyan." Sabi nya at inabot ulit saakin ang
helmet.

Hindi ko ulit tinanggap. "Hindi ka naman pala nagsusuot nyan. Bakit may dala ka?"

Hindi agad sya nakasagot. "Just wear it. What the fcking fck."

Napangiwi ako sa kasamaan ng bibig nya. Napakabilis magbago ng mood! Gusto nya
akong ihatid pero kung umarte sya ay para bang pinilit ko syang ihatid ako?
"Ayoko. Mainit lang yan eh.. gusto kong mahanginan." Sabi ko. "Umalis na tayo,
please? Ayokong magsuot nyan. Tska hindi naman siguro tayo babangga?"

Nagbuga sya ng hangin dala ng sobrang inis at binaba ang kamay nya dahil nangalay
na siguro sa pagbibigay saakin.

"This is for fcking safety, Princess. Hindi ibig sabihin na isusuot mo yan,
madidisgrasya ka talaga." Iritadong sabi nya.

Napalabi ako doon at hindi na lang nagsalita.

"Now wear it." Mapilit na sabi nya.

"Ayoko." Bakit ba ang kulit ng isang to? Eh ayoko nga.

"Baba." Utos nya na ikinagulat ko. Ayaw ko lang isuot yun, tapos papababain nya
ako?

Agad ko syang sinunod. Nakakairita sya. Sira talaga ang ulo nya.

Nang makababa ako ay naglakad agad ako papalayo pero may humatak agad ng kamay ko.
Si Pierce.
"Ano ba--" Natigilan agad ako sa pagsasalita dahil nang hatakin nya ako ay masyado
na kaming malapit sa isat-isa.

Nakatitig sya sa mata ko at nakatingin lang ako sa kanya na sobrang ninenerbyos.


Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Damn it, Pierce!

Malapit na malapit lang ang mukha namin sa isat-isa. Pakiramdam ko ay tatakbo


nalang bigla ang puso ko mula sa katawan ko. Alam kong alam nya na kinakabahan ako
sa ginagawa nyang pag-tingin na iyon!

"Why are you so hard headed?" Mahina at paos ang boses nya. Nanlamig ako nang
maramdaman ang daliri nya na inayos ang ilang takas ng buhok ko at nilagay iyon sa
likod ng tenga ko!

Kung pwede lang mahigop ang lahat ng hangin ay nagawa ko na. Hindi ako makahinga!

Maayos at maingat nyang inilagay ang helmet papasok sa ulo ko. Hindi ko inakala na
pwede pala syang maging maingat kagaya nun. Para bang ingat na ingat sya. Lalong
nagwala ang puso ko.

Pakiramdam ko ay mas naging maayos ang paghinga ko nang nailagay na ang helmet. At
least, wala nang perpektong mukha ang nakalapit sa mukha ko!

Pinilit ko magmukhang galit. Galit dahil mahilig syang magpumilit, eh ayoko naman
talagang magsuot ng helmet. Pero hindi.. sa totoo lang ay wala akong nararamdamang
inis. Kinakabahan ako at sumasakit ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok.
"Fck, and now you're mad." Iritadong sabi nya.

"Hindi ako galit Pierce. Masyado ka lang kasing mapilit." Pinilit kong magtunog
disappointed.

Lumapit sya sa motor nya at sumakay na. Hindi ko na sya narinig ulit magsalita pero
nang makasakay na ako at bago nya paandarin ang motor ay bumulong pa sya sa sarili
nya.

"I just want you safe, is that too much.."

=================

TKP 18

18: The Call

Mabilis magpaandar si Pierce, pero pakiramdam ko naman ay ligtas ako. Magaling


syang humawak at para bang matagal na talaga syang humahawak ng motor.

Tinuro ko sa kanya ang way ng bahay namin at hindi rin nagtagal ay nandoon na kami.
Hindi naman nagsalita si Pierce buong oras na pagba-byahe. Ako ay tahimik lang din
sa takot na baka ma-distract ko sya.

Huminto kami sa harapan ng bahay namin. Bumaba ako at binigay sa kanya ang suot
kong helmet. "Ah, eh.. salamat, Pierce."
Seryoso lang ang mukha nyang tinanggap ang helmet. Sumulyap sya sa bahay namin kaya
natauhan naman agad ako.

"Pumasok ka muna, uhm.. juice or what?" Tanong ko. Ayos lang naman ang tanong ko
pero pagdating kay Pierce ay pakiramdam ko ay weird na ang tanong ko.

Umayos lang sya ng upo. Ang magulo nyang buhok dahil sa hangin ay lalong nagdagdag
ng kagwapuhan sa kanya. Kahit anong ayos nya ay napaka-gwapo nya. Kung itsura lang
ang pagbabasihan ay napaka-swerte na ng babaeng magugustugan nya. Pwede syang i-
display at pwede syang titigan buong magdamag.

Kaso ay hindi. Syempre kung magkaka-gusto ka sa isang tao, unang-una dapat ay yung
ugali. Yung komporatble ka. Yung taong mailalabas mo kung sino ka talaga pag
kaharap mo sya. Iyon talaga ang gusto ko.

Kagaya ni Kharl.. komportable ako kay Kharl. Masaya akong kasama sya. Iba yung
taong mahal mo, sa gusto mo, at crush mo. Malaki ang pagkakaiba-iba noon.

Tulad ni Pierce. Siguro ay masasabi kong crush ko sya. Ang crush naman ay yung
taong nagpapakilig sayo at kinikilig ka kapag nakikita mo. Pero hindi ko masasabing
komportable akong kasama sya. Attractive sya, oo.

At hanggang doon lang iyon para saakin. May mga tao talagang hanggang paghanga lang
ang nararamdaman mo.

Crush ko si Pierce. Sino bang hindi magkaka-crush sa kanya? Gwapo sya at


misteryoso. Girls like cool and bad-looking boys. Nakakaagaw naman talaga ng
atensyon iyon. Pero ang totoo ay mahuhulog tayo sa taong kaya tayong patawanin at
pasiyahin. Yung mga tao bang cold ay papasiyahin ka? I mean yes, matutuwa ka kapag
bumanat sila, pero hanggang ganun na lang ba yun?

Umiling lang sya sandali at sumulyap sa bahay naming muli bago ulit saakin
tumingin. "Get inside." Utos nya.

Nakagat ko lang ang labi ko dahil lalo akong nabibighani sa kagandahan ng boses
nya.

"O-okay. Ingat ka Pierce.." Sabi ko.

Pinatunog nya ang sasakyan nya, hudyat na malapit na nyang paandarin ang sasakyan.
Hinihintay ko syang umalis, pero nakaupo lang sya sa motor nya.

Kumunot ang noo ko. Bigla naman syang tumingin saakin. "What?" Iritado na naman ang
boses nya at tinignan ako na para bang kinikwestyon nya ako kung bakit ako nakatayo
sa gilid nya.

"Ahh.. eh, hinihintay kitang makaalis?" Patanong na sabi ko.

"Tsk!" Napadiretso sya ng tayo. "Get inside now, Princess." Sumulyap sya sa mga
lalaking nakatambay lang sa labas ng mga bahay nila. Nang tignan ko sila ay mga
nakatingin pala.

"Nandito lang ang bahay namin, oh? Hinihintay lang kitang umalis. Rude kasi kung
papasok na lang ako bigla. Dapat ay hintayin pa kitang makaalis. Ganun yun,
Pierce." Paliwanag ko sa kanya dahil mukha atang hindi nya alam.
"I don't care Princess. What sht are you talking about? Pumasok ka na nga." Iritado
na naman ang boses nya pero ngayon ay parang nagtitimpi na lang sya.

"Tss.." Umirap ako sa kanya.

"Are you enjoying these guys attention?" Bumubulong-bulong sya.

"Ano, Pierce? May sinasabi ka ba?" Tanong ko dahil hindi ko sya narinig.

"Wala." Humawak sya sa batok nya habang nakatingin saakin. What the-- Ang sexy
talaga nya! "How about, you get inside your fcking house because I'm starting to
get pissed?" Ayan na ang boses nyang nagbabanta.

Agad naman akong naglakad papasok sa gate namin at sumilip sa kanya. Napangisi ako
dahil kahit papaano ay gentleman naman pala sya.

"Bye, Pierce. Ingat ka. Ang cute mo talaga." Natatawa ngunit malambing na sabi ko.

Iniinis ko lamang sya dahil inis na inis na ang itsura nya, pero nagulat ako ng
namula ang itsura nya. Para syang nahiya na biglang na-awkward.

Oops.. may nasabi ba akong.. mali?


"The heck, Princess?" Gulat at napipikon na sabi nya at nag iwas ng tingin saka
pinaharurot ang motor nya.

Kumunot na lamang ang noo ko at tuluyang sinara ang gate.

"Sino yun, ate?" Nagulat ako nang makita si Sam na nakasilip sa bintana.

Natawa na lamang ako at pumasok. "Classmate ko, bakit?"

Nagmake face sya na parang hindi naniniwala. "Astig ng motor! Bagong boyfriend mo
ba?"

Napaatras ako at tumawa. "Hindi ano!" Humalakhak ako kunwari at umupo sa sofa sa
tabi nya. "Imposible.."

"Bakit naman?" Kunot noong tanong nya.

"Kasi.." Napanganga ako sa paghahanap ng dahilan kung bakit nga ba hindi pwede.
Dahil.. snob sya? Masungit? Cold? "..gay sya."

Natahimik lang doon si Samuel at naglaro na ulit ng video game. Wala naman kasi
akong masabi. Alangan namang sabihin kong bestfriend ko si Pierce kaya ako hinatid?
Mas ayos na ito at baka isumbong nya pa ako kay mama.
Hindi naman sa hindi pa ako pwedeng magboyfriend, pero ayoko muna ng mga tanong
ngayon. Iwas-iwas muna ako.

Nang wala na akong magawa nang gabing iyon ay naalala ko ang text ni Elaine. Agad
kong kinuha ang phone ko at nagtype ng reply sa kanya.

To Elaine:

Mag usap? Kailan? Para saan?

Wala pang dalawang minuto ay nagreply na sya. Palagi nyang hawak ang phone nya ah?
Hindi kaya ay palagi nyang katext si Kharl?

From Elaine:

Bukas? Please.

Agad rin naman akong nagreply. Para bang nae-excite at kinakabahan ako. Gusto nyang
mag-usap kami, alam kong importante iyon. Hindi pa kami kahit kailan nag-usap ng
kaming dalawa lamang. Hindi kami nag-uusap sa school dahil hindi naman kami
magkaibigan o close man lang.

To Elaine:

Okay. Saan?
Natagalan syang magreply. Pero ang sinabi nya ay magkita raw kami sa plaza dito
saamin. Mabuti nga iyon at malapit lang. Alas kwatro ng hapon ang napili nyang
oras.

Kinabukasan ay nagbukas ako ng facebook at nag naningin lang sa newsfeed ko. Nakita
kong may bagonh upload si Victoria. Tatlong picture iyon na sya ay nakangiti at
nasa likod si Pierce na naka-earphones habang hawak ang cellphone nya.

May caption pang: Doing project with bae. <3

Muntik ko nang maibuga ang iniinom na kape. Pinandilatan ko ang picture at puro
hearts lang ang nga comment. Syempre hindi naman naniniwala ang mga nakakita. Buti
sana kung magkasama sila sa picture nang nakangiti rin si Pierce, pero hindi.

Kumunot ang noo ko nang biglang nagchat saakin si Victoria.

Victoria: Hi, hinatid kami ni Pierce kahapon. Hahahaha! Ikaw kasi nauna kang umuwi
eh.

Hindi ko alam kung bakit nag-init ang ulo ko doon. Siguro ay dahil pakiramdam ko ay
nang-iinggit sya. Ano naman diba? Ano naman kung hinatid sila ni Pierce? Hinatid
din naman ako?

Pero hindi eh.. pakiramdam ko ay sobrang disappointed ko. Disappointed dahil, bakit
ang gentleman naman yata nya? Oo nagustuhan ko ang pagiging ganun nya kagabi, pero
bakit nung kila Victoria na.. bakit naiirita ako?
Ni-seen ko si Victoria. Hindi ko sya pinansin pero nagchat ulit sya.

Victoria: Hihi, sayang ka talaga. :P

Nagtype ako dahil sa sobrang kainisan sa kanya.

Princess: Okay lang, haha. :) Hinatid rin nya ako.

Victoria: Sinong maniniwala? Eh ni hindi ka nga nya tinignan nung nagpaalam ka eh.

Princess: Edi wag kang maniwala.

Nakagat ko ang labi ko dahil sumasagot na naman ako kay Victoria. Hindi naman kasi
talaga ako nagpapaapi lang noon. Talaga namang nag-aaway kami. Tumindi lang ang
pang-aapi nya noong magbreak kami ng pinsan nya.

Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Victoria. Sa naalala ko ay hindi naman mabait
si Pierce sa kanya. Oo, nakakapagtaka na ihatid nya ako. Pero mas nakakapagtaka na
ihatid nya sila Victoria.

Nakita kong online si Pierce. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa maliit kong
utak at naichat ko si Pierce.

Princess: Hinatid mo pala sila Victoria?


Ano kayang maiisip nya kapag nabasa nya iyan? Sana naman ay hindi nya maisip na na-
iinggit ako. Na para akong girlfriend na nagseselos dahil.. sht. Baka ma-weirduhan
sya saakin!

Nanlaki ang mata ko nang makitang 'seen' ibig sabihin ay nabasa nya na! Mas nagulat
ako nang makitang may tatlong tuldok doon. Ibig sabihin ay nagta-type na sya!

Sinara ko muna ang chat box namin para naman hindi masyadong halata na hinihintay
ko ang sasabihin nya. Nagscroll muna ulit ako sa newsfeed kahit na sa totoo lang ay
hintay na ako ng hintay.

Matapos ang isang buong minuto ay wala paring reply sa Pierce. Pero nabasa nya na
at nagta-type na sya kanina ah?

Binuksan ko ulit ang convo namin at nakitang nagta-type parin sya. Nakagat ko ang
labi ko. Mahaba ba ang tinatype nya? Bago pa ako makaalis sa chat box namin ay
dumating na ang reply mya at nai-seen ko na sya.

Sht. Baka sabihin nyang masyado akong nakaa-abang sa reply nya!

Pierce: Why anong sinabi nya?

Nalaglag ang panga ko. Iyon lang ang sinabi nya pero inabot sya ng halos dalawang
minuto para itype yun?
Princess: Yep.

Iniklian ko ang sinabi ko. Ayokong malaman nya na gustong-gusto kong malaman.

Umabot ng limanh minuto bago ulit sya makapagreply!

Pierce: Are you mad?

Nanlaki ang mata ko at agad na nagtype muli.

Princess: Hindi ah! Bakit naman ako magagalit?

Napisil-pisil ko ang palad ko sa paghihintay ng chat nya. Gumulong-gulong ako sa


kama sa kahihintay.

Pierce: I thought you're mad

Nasabunutan ko ang sarili ko sa chat nya! Bwisit itong si Pierce. Bakit napunta
doon ang usap? Hindi naman tungkol sa reaksyon ko ang pinaguusapan. Gusto kong
malaman ang tungkol sa paghatid nya kila Victoria. Ngayon paano ko ulit sya
tatanungin about doon nang hindi masyadong halatang nagseselos ako.. kahit hindi
naman talaga.
Princess: So sa motor mo rin ba sila hinatid?

Gusto kong ibato ang cellphone ko. Ano ba, Princess! Puro ka tanong. Puro ka
katangahan! Mukha kang nagseselos. Sana lang ay hindi assuming si Pierce.

Kinabahan ako ng husto nang makitang may 1 sa chat box namin ni Pierce. Nanginginig
ko iyong binuksan.

Pierce: No, princess. Why would you think that?

Tumalon ang puso ko sa saya dahil sa chat nya. Ewan ko ba pero parang napakasarap
basahin ng chat nya na iyon.

Princess: Ahh.. So anong pinanghatid mo?

Na-seen ako doon. Hinintay ko ang reply nya pero wala. 'Seen' lamang ang nakasulat
doon. Sobrang nakakalungkot at nakakainis. Hindi naman dapat ako mainis diba? Kasi
si Pierce yan eh. Normal lang na gawin nya yan.

Ibababa ko na sana ang phone ko nang manlaki ang mata ko nang makitang..

Pierce Jyn Jimenez calling..


Tumatawag sya saakin sa Facebook! Sumasakit na naman ang puso ko. Seryoso bang
tumatawag nga si Pierce?

Sinagot ko iyon at ni-loud speaker ko dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako. Crush


ko ba talaga si Pierce? Pinatong ko iyon sa kama at dumapa lang ako habang
nakakagat sa unan ko.

"B-bakit?" Tanong ko. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Tumigil ka, Princess!

Noong una ay walang nagsasalita sa kabilang linya. Pero nakagat ko na lang ang labi
ko nang nagsalita na sya. "What did Victoria tell you?"

Huminga muna ako ng malamin. Masama na ito. Masyado na ata ang pagka-crush ko kay
Pierce. "Ahm.. hinatid mo sya?"

Stop it, Princess! Kumalma ka at hwag kang magpahalata na kinikilig ka sa simpleng


tawag nya na iyon!

"Do you believe her?" Ewan ko ba kung bakit ngising-ngisi ako dito samantalang cool
at seryoso lang naman ang boses nya. Iyong normal na boses nya, malamig.

"Bakit naman hindi?" Naitiklop ko ang mga daliri ko sa paa. Gusto kong sapukin ang
sarili ko dahil ako ang nagsimula ng simpleng usapan na ito.

Dahil lang sa hinatid nya si Victoria, magtatanong na ako? Ano naman, diba?
Hindi sya nagsalita. Hindi rin ako nagsalita. Matagal ang katahimikan. Awkward.

"They stayed here yesterday until it's 10. By that time mom and dad's already
home." Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. "Pinauwi ko na sila and.. pinagalitan
ako ni mom. She told me to be nice to girls. Ihatid ko daw sila Victoria."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa sinabi nya. Ang haba nun! Nag-effort syang
magkwento saakin!

"Ahh.. so hinatid mo sila?" Wala sa wisyo kong tanong. Nalulunod ako sa malamig na
boses ni Pierce.

"What do you think?" Tanong nya.

"Tingin ko, oo. Masunurin ka na diba? Dapat ay sinusunod mo na si mommy mo.."

Narinig ko ang padabog nyang buntong hininga. "I don't just take orders, Princess."

Kumunot ang noo ko at ngumuso kahit hindi nya nakikita. "Eh ano ba?"

Bagot at tinatamad na naman ang boses nya. "Hindi ko sila hinatid. Pinahatid sila
ni mom sa driver namin."
"Kasama ka?" Agad kong tanong na agad kong pinagsisihan. Lintik, ano ba Princess?

Narinig ko ang sexyng paghinga nya sa kabilang linya. "No, I don't waste my time on
someone I don't care about."

Bumigat ang paghinga ko at unti-unting napangiti. "So bakit mo pala ako hinatid?"

Nanlaki ang mata ko sa sariling sinabi. Nai-untog ko ang sarili ko sa kama. Buti na
nga lang at kama. Pero sht! Tinanong ko ba talaga iyon?

Natahimik sya sa tanong ko na lalo ko tuloy pinagsisihan. Am I making things


awkward between the two of us?

"Well.." Umubo sya sa kabilang linya at pinutol nya na ang usapan namin.

=================

TKP 19

19: Sorry

Matapos ibaba ni Pierce ang tawag ay para akong tangang nahiga sa kama. Inisip ko
lang ng inisip si Pierce. Nababaliw na ba ako? Bakit kasi ganun ka-gwapo ang itsura
ng lalaking iyon?
Ang perpekto nyang asian haircut. Medyo mahaba iyon at medyo magulo. Hindi sya
naglalagay ng wax o ng gel, pero tingin ko ay mas bagay sa kanya ang wala. Ang
medyo ma-angas na kilay nya na lalong nagdagdag ng snobbish look sa mukha nya, ang
masungit nyang mata, ang perpektong tangos ng ilong nya! At ang labi nyang..
manipis at mapula. Ang ganda ng labi nya, lalo na kapag ngumingisi at ngumingiti
sya.

Bakit ganun sya kaperpekto? Kaya pala talaga madami agad ang nagkacrush sa kanya
noong unang lipat palang nya. Kaya naman baliw na baliw sa kanya si Victoria.

May girlfriend kaya yun? Ex? Nililigawan? Kinakabaliwan? Kinabaliwan?

Ahh! Nasisira na ang ulo ko sa kakaisip kay Pierce! I-stalk ko kaya sya?

Nasapok ko ang sarili ko sa mga naiisip. Tama na. Hindi ka dapat mabaliw ng sobrang
baliw sa isang lalaki.

Tumayo ako at tumulong lang sa paglilinis kila mama, nakipagchat kay Loraine at
nanatili lang sa bahay buong magdamag hanggang sa sumapit ang 3:50 sa orasan ko.
Inayos ko na ang sarili ko at makikipagkita pa ako kay Elaine.

Nagvibrate ang cellphone ko at nakitang may text si Elaine.

From Elaine:

Don't forget ah. :) ayokong maghintay eh.


Napairap ako at napabuntong hininga. Wala naman syang ginagawa o sinasabing mali ay
naiinis ako. Ano bang problema ko?

Inayos kong mabuti ang buhok ko sa salamin. Si Elaine ay palaging ayos na ayos ang
buhok. Naglagay ako ng powder sa mukha, kagaya ni Elaine na parang kahit minsan ay
hindi ko pa nakikitang oily. Nagpabango ako dahil si Elaine ay mukhang palaging
mabango.

Ano kayang nagustuhan sa kanya ni Kharl? Is it about the look ? The attitude? The
chase? Her humor? Her innocent face? Ano kaya? Pagiging mahinhin ba? Pagiging sikat
nya? Ano ba?

Lumabas na ako ng bahay na nakasuot lamang ng maong shorts at tee shirt.

Nang makarating ako doon ay wala pa sya. Umupo lang ako doon sa isang bench na
medyo malayo sa lahat at nanuod ng mga lalaking nagbabasketball sa malayo.

"Hey!" May narinig agad akong magandang boses na tumawag.

Nilingon ko sya at nakita ang isang magandang babae na naglalakad. Nakakainggit ang
way ng paglakad at pagtayo nya. Ang buhok nyang straight na straight ay medyo
sinasalubong ng hangin. Medyo namumula pa ang pisngi nya na dulot yata ng blush on.

Hindi ko alam kung ano ang itsura ko hanggang sa makarating sya. Alam mo yung
pakiramdam na sobra kang naiinsecure? Sobrang sakit pala sa kalooban na sobra kang
naiinggit.
No, hindi ako naiinggit dahil ginusto ko ng mga katangian nya. Naiinggit ako kasi
iyan ang mga katangian na gusto ni Kharl. Ang mga katangian ni Elaine at hindi ng
akin. Hindi ang katangian ni Princess. Kunsabagay, may espesyal na katangian ba
ako?

"Kanina ka pa ba?" Tanong nya at humawak sa strap ng shoulder bag nya. Ngumiti sya
saakin at nakakasilaw ang magandang set ng ngipin nya.

"Ngayon lang din ako." Pinilit kong ngumiti pero pakiramdam ko ay punong-puno ng
bahid ng ka-bitteran ang boses ko.

Umupo sya sa parehong bench na inuupuan ko pero medyo malayo lang ng kaunti.
Tahimik lang sya at hindi pa nagsisimula. Ito naman talaga ang ineexpect ko.
Syempre ay magiging awkward. Pero ano pa ba, eh nandito na kami.

Pareho lang kaming nakatingin sa basketball court sa malayo. Nakatingin kami doon
pero alam kong ang atensyon nya ay naandito lang.

"You are mad at me, right?" Panimula nya. Hindi galit ang boses nya. Puno iyon ng
katotohanan.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko kayang sabihing hindi, dahil iisipin nyang plastic
ako. Nanahimik lang ako. Mas safe kung tahimik lang.

"Gusto ko lang malaman mo na.. hindi mo ako makaka-away kung si Kharl lang ang pag-
uusapan." Aniya at tumingin saakin.
Dumaan ang hangin at tahimik lang ako. Mabigat ang hangin at parang nay malaking
dingding na naghihiwalay saamin.

"Kababata ko si Kharl and.. yes, matagal nga syang nanligaw saakin. But, Princess..
never ko syang nagustuhan. I've always look at him as my brother and friend. That's
all. Bukod sa friendship, wala na akong kayang i-offer pa sa kaniya."

Pakiramdam ko ay maliit akong tao kumpara sa kanya. Pakiramdam ko ay walang-wala


ako sa kagandahan nya.

Napalunok ako doon. "You mean.. wala ka talagang.." Tila hindi ko kayang
ipagpatuloy ang sinasabi ko.

"Magkakilala na kami noon palang. Palagi kong sinasabi sa kanya na hindi ko sya
gusto.. but he is just too.. too determine." Malungkot na ssbi nya.

Napatingin ako sa kanya. Nakaramdam ako ng lungkot. Bakit ba nagkakagusto ang nga
tao sa mga taong hindi naman sila gusto? Bakit ganun?

"Anong gusto mong mangyari?" Tanong ko.

Nakagat nya ang ibabang labi. "Well.. I just want you to know that I'm not into
him. You can have him if you want. There is no competition between the two of us."

Tumikhim ako. "Hindi, Elaine. Wala syang gusto saakin. Thank you for talking to me,
pero hindi nya talaga ako gusto."

Tumayo ako. Ayokong maging bastos pero hindi ko na kayang magtagal pa dito. Hindi
ko alam kung bakit kahit na hindi naman nya gusto si Kharl ay pakiramdam ko ay talo
parin ako.

"You can't say that. Kharl likes you." Pahabol nya.

Napalingon ako. "Hindi mo kailangang ipagtulakan yan. Thanks for trying to help.
Naaawa ka ba saakin? Hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari. Naiinis ka na ba
dahil masyadong lumapalapit sayo si Kharl? Hindi ko na yan problema, Elaine."

Tumayo rin sya at medyo lumapit saakin. "I'm telling the truth, Princess. Hindi ko
sinasabi na mahal ka nya. I'm saying that he likes you. Take it from me, Princess.
I know Kharl. At kung gusto mo talaga sya, you can't just sit and wait for
something to happen. You have to push his feelings for you."

Nakagat ko ang labi ko. Bakit.. bakit nagsasalita sya ng ganyan? Ayokong umasa pero
sa mga salita nya ay umaasa ako. Nakakainis. Nakakainis sya!

"Tapos? Bakit gusto mo? Anong meron?"

Ngumiti sya. "I like someone else, of course. Tutulungan kita kay Kharl but after
that, I want you to help me back."

Kumunot ang noo ko. "Sinong gusto mo?"


Medyo tagilid ako dahil wala naman akong close na lalaki. Sinong gusto nya?

Nakita ko ang pamumula nya. "You know Pierce from your class? I heard you're
friends with him. I like him, Princess.."

Tumigil ang puso ko pati na rin ang paghinga ko. Elaine likes.. Pierce? Ano?

"Pierce.. Jyn?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango sya at kita ko na gusto nya nga si Pierce mula sa mga ngiti at tingin nya.
"Pierce  Jimenez."

Literal na nakanganga ako. No way. Isa sya sa mga babaeng nagkakagusto kay Pierce?
Bakit si Pierce pa? Naiinis ako. Alam ko namang posibleng magkagusto si Pierce kay
Elaine. Elaine is so likable! Ni hindi ko na nga sya kailangang tulungan.

"Pero nakikita ko kayo ni Kharl. Magkahawak pa nga ang kamay nyo? Nagkakasama kayo
sa school.." Hindi ko na alam ang ipinaglalaban ko.

"You see, Princess.. sinubukan ko naman magkagusto kay Kharl. Ang akala ko ay kaya
kong matutunan, but I can't." Malungkot nyang sabi. Siguro ay naaawa rin sya kay
Kharl.
"Pero kumalat sa school na kayo na.." Singit ko pa ulit sa kanya.

"That-- I'm sorry. Nasaktan ba kita?" Medyo lumapit pa sya para hawakan ako. Kita
ko na totoo ang paghingi nya ng sorry. "I'm sorry that Kharl is such a mean for
breaking up with you like that.. and the truth is hindi naman naging kami. People
just conclude.."

Nasaktan ako. Nasasaktan ako na sya ang nagsosorry sa inasal ni Kharl. Na para bang
kaya nyang utus-utusan si Kharl at responsibilidad nya si Kharl. Para bang
nagsosorry sya dahil naging mean si Kharl saakin para sa kanya.

Sht.

"Okay lang, okay lang." Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak nya saakin. Bakit
naiiyak ako?

Tumango lang sya. "Don't worry, tutulungan naman kita. Basta.." Nakagat nya ang
labi nya. "Yung kay Pierce.."

Naalala ko naman si Pierce. "Bakit si Pierce? Dahil ba gwapo sya? Nakausap mo na ba


sya? Wala ka bang nababalitaan sa kanya? Bago lang sya sa school natin.." Kumbinsi
ko pa sa kanya at hindi ko alam kung bakit at para saan.

Para bang umaasa ako na sa bawat sasabihin kong mali kay Pierce ay aayawan nya si
Pierce. Pero ang mga mata nya ay sumisigaw lamang ng kasiyahan habang si Pierce ang
topic namin.
Ngumiti sya ng matamis. "Matagal ko na syang kilala, Princess. Magkakaibigan kami
before nung elementary. Me, Kharl, Pierce.. sila Yvo.." Para syang nangangarap.

Nagulat ako doon. Magkaibigan si Pierce at Kharl?

"Ano?"

"Yes, pero hindi kami masyadong close dahil sa boys sya close noon. But I have a
really huge crush on him. Hanggang sa naging highschool kami, lalo ko na syang
hindi nakikita." Ngumuso sya. "I really like him.. please Princess."

Hindi agad ako nakasagot. Ngumiti ako sa kanya ng pilit. "Titignan ko." Sagot ko.
"Uuwi na ako, umuwi ka na rin."

Nagapaalam sya at umalis. Umuwi na rin ako.

Kharl likes me? That's impossible. Kung gusto nya ako ay matagal nya na akong
binalikan. She's a liar. Pero kung totoo man yun ay wala akong pakialam. Hindi ko
kailangan ng like ni Kharl. Aanhin ko iyon kung si Elaine naman talaga ang mahal
nya?

Kakawawaain ko ang sarili ko? Ipagsisiksikan ko?

And about kay Pierce.. hindi ko sya matutulungan. I don't know why. Basta hindi ko
lang gusto. Sorry.
=================

TKP 20

20: Not Friends

"What are you doing?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Pierce.

Nag-angat ako ng tingin at nakita syang kapapasok lang pala sa room namin.

Nabighani na naman ako sa kanya. Maayos syang nakasuot ng uniform namin ngayon,
hindi tulad ng mga ibang araw na parang galing sya sa suntukan. Bukod nga lang doon
sa black buttons nya. Dapat ay puti iyon. Kitang-kita pa naman na black buttons ang
nakalagay sa longsleeve button-down uniform nya dahil puting-puti iyon.

Ang neat at ang bad boy nyang tignan.

Umupo sya sa upuan nya. Kung sana ay tumabi na lang sya saakin hindi iyong lumalayo
pa sya ng dalawang bangko, eh friends naman na kami.

"Sinusulat ko iyong mga binigay saakin ni Victoria." Sagot ko sa kanya at nagsulat


na ulit sa cartolina.

"Give it back to them." Bagot na utos nya.


"Huh? Bakit? Maaga nga akong pumasok para dito.." Sabi ko na hindi tumitingin sa
kanya.

"Inabot sila ng 10 pero hindi nila yan natapos?" Seryosong tanong nya. Ramdam ko
ang tingin nya saakin.

Umangat muli ang tingin ko sa kanya. "Ano bang problema mo at ang aga-aga ay bad
mood ka dyaan? Tska ikaw ba ang nagsusulat at galit na galit ka?"

Kunsabagay ay talaga namang paiba-iba ng mood ang lalaki na ito.

Umirap lang sya at hindi na ulit nagsalita. Nang matapos ko na ang sinusulat ko ay
sumulyap ako sa kanya. Nakita ko syang nagtatype sa cellphone nya. Seryoso lang sya
at mukhang iritado.

Sinubukan ko iyong silipin nang hindi nahahalata. May katext sya! Sinong katext nya
at mukha syang mangaaway na naman?

Nagulat ako nang tumingin sya saakin mula sa cellphone nya. Nanlaki ang mata ko,
nahuli nya ako. Pinagtaasan nya lang ako ng kilay at sumandal sya sa upuan nya ng
may ngisi sa labi.

Ano yun? Kanina lang ay mukhang naiirita sya sa katext nya, ngayon naman ay
nakangiti? Sira na ba talaga ang ulo nya? Sino bang katext nitong si Pierce?

Nagsimula na ang klase namin. Tahimik lang si Pierce at hindi parin ako sanay na
nakikinig na sya sa klase. Take note, may hawak pa syang ballpen habang
pinaglalaruan iyon sa labi nya at talagang seryoso syang nakikinig.

"Okay, let's have a quiz." Utas ng teacher namin sa harapan.

Napangiwi ako. Sa kaunting discussion na iyon ay may quiz na? Narinig ko ang pag-
angal ng mga kaklase ko.

Kumuha na ako ng papel at kinuha ko na rin ang ballpen ko. Handa na ako at wala
akong alam. Hindi ako nakinig!

Tumingin ako kay Pierce na nakasandal lang. Hindi sya naba-bother na may quiz o
talaga namang wala lang syang reaksyon? O baka naman alam nya talaga ang lesson?

Nakita kong binigyan sya ng papel ng kaklase naming babae sa harapan. Aba, may
supplier sya ng papel?

"Pierce, nakinig ka ba? May alam ka ba?" Tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako dahil
namamahiya pa naman ang teacher namin kapag nakakakuha ng mababa at lalo na pakag
zero.

Lumingon sya saakin. "Why?"

Dyos ko, ano ba naman tong lalaki na ito! Tatanungin ko pero tanong din ang
isasagot sa akin?  Hindi ba pwedeng sumagot lang sya sa tanong ko?
Hindi ko na ulit sya natanong. Nagsimula na ang teacher naming magtanong. Number 8
na pero wala parin akong sagot! Meron nga, isa. Pero hindi naman iyon sure.

"Pierce pakopya naman!" Sigaw na bulong ko sa kanya at pasimpleng lumingon.

Nakasandal sya at katatapos nya lang sagutan yung number nine nang tumingin sya sa
akin sa gilid ng mata nya.Tumawa sya ng mahina at para bang ang saya-saya nya na
nakikiusap ako sa kanya ng tahimik at kinakabahan.

"Okay, exchange paper with your seatmate." Utos ng teacher namin.

Nakagat ko ang labi ko. Nahihiya ako kay Pierce. Isa lang ang sagot ko pero alam ko
naman na hindi ito tama. Agad kong binura ang sagot ko sa number five gamit ang
ballpen. Ayokong malaman ni Pierce kung gaano ako katanga mag-isip.

Inabot ko kay Pierce na nasa kabilang dulo ang papel ko. Kami lang ang
magpapalitang dalawa dahil kami lang nakaupo sa huling hanay dito.

Nakagat ko ang labi ko nang makitang 1 to 5 lang ang sinagutan nya at ang sagot nya
sa number 5 ay ang sagot ko din sana! Sht.

Nakakuha ng 5 si Pierce nang checkan ko iyon. Nang ibalik ko sa kanya ang papel ko
ay nagulat ako nang makitang 10 ang score ko.

"Ano tong-- Pierce? Sinulat mo ang sagot?" Tinignan kong mabuti ang papel ko at
sulat iyon ni Pierce pero halatang sinusubukang gayahin ang sulat ko. Hindi naman
halata kung hindi tititigang mabuti.

"Tss.. ang daya." Sabi nung nasa harapan kong babae na nakatingin sa papel ko pero
syempre hindi sya magsusumbong dahil hindi naman ako ang nagsulat ng sagot!

Ngumuso naman si Pierce habang tinitignan ang check ko sa kanya. "You're so unfair
Princess. Bakit hindi mo sinulat ang sagot?" May tunog na inis at pagtatampo ang
boses nya.

Napanganga talaga ako. Alam kong madaya rin ako minsan, pero hindi ko aakalaing
nandadaya pala si Pierce. Buong akala ko ay wala naman syang pakialam sa score
nya.. at dinamay nya pa ako!

"Aba, wala ka namang sinabi eh." Sabi ko at tumingin ulit sa papel ko. Hindi kaya
ay mahalata kami..? "Wala naman tayong napag-usapan.."

"Tss!" Iyon lang ang narinig ko sa kanya.

"Bakit naman sinulat mo lahat? Masyado namang halata eh, Pierce. Perfect ako?"
Medyo naiinis na sabi ko. Dapat ba ay ituro ko rin sa kanya ang tamang pandadaya?

"Okay, part 2. Sa likod naman ng papel nyo." Anang teacher namin.

Humikab ng malakas si Pierce. Nanlaki ang mga mata ko. Nagtinginan sa kanya ang mga
kaklase ko pero wala lang iyon kay Pierce. Tumikhim ang teacher namin sa harapan.
Papagalitan ko sana si Pierce pero nagsimula na si ma'am.
Lalo akong naiyak nang sinimulan ang number one. Hindi ko rin iyon alam kaya
nilingon kong muli si Pierce. "Pierce, uy! Alam mo ba yan?"

Tumingin sya saakin at kumunot ang kanyang noo. Tumingin sya sa papel ko at
napailing pa sya. Tinagilid nya ang papel nya para ipakita saakin ang sagot sa una.

Nakopya ko agad iyon at number two na. Kinulit kong muli si Pierce at mukha naman
syang willing na pakopyahin ako. Mukhang hindi nya pa narerealize na nauuto ko sya!
Hahaha.

Noong number five na ay nahiya na akong kulitin si Pierce kaya pinaghirapan kong
pahabain ang leeg ko para makita ang mga sagot nya.

"Ms. Torres, ano ang tinitignan mo dyaan?" Tanong ng teacher namin sa harapan.

Halos mapatalon ako sa upuan. Nanlaki ang mga mata ko at agad na umayos ng upo.
Kumalabog ang puso ko. Nakatingin na ang lahat saakin.

"Kanina pa kita nakikitang tumitingin sa papel ni mr. Jimenez, baka pati pangalan
nya makopya mo?"

Nagtawanan ang mga kaklase ko. 


Nagtuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam ang isasagot. Si Pierce naman ay nakita
kong nakatagilid ang ulo na nanunuod saamin ni ma'am, pinaglalaruan nya pa ang labi
nya.

"May I have your paper please?" Masungit na sabi nya at nilahad ang palad.

Agad akong tumayo at ibinigay sa kanya ang papel ko. Iyan, masyado kasi akong
naghangad ng mataas na score. 10 na nga sana ako sa una eh.

Babalik na sana ako sa upuan ko nang magsalita muli si ma'am. "Get out."

Natigilan ako at nakagat ang labi. Hindi ko sya nilingon at tuloy-tuloy na bumalik
sa upuan ko para kuhanin ang aking bag.

Napatingin ako kay Pierce nang makita syang tumayo. Sht! Ano na namang balak ng
isang to?!

Nilagpasan nya ako at tumuloy din sa teacher namin. Nakita ko syang inabot rin ang
papel nya kay ma'am. A-anong ginagawa nya?

"What is this, Jimenez?" Kinuha ng teacher namin ang papel nya nang nagtataka.

"My paper." Sagot ni Pierce at bumalik sa upuan nya para kuhanin rin ang bag nya.
"I know that this is your paper, mr. Jimenez. Care to explain?" Umuusok na naman
ang ilong ng teacher namin. Si Pierce talaga oh..

Sinakbit na ni Pierce ang kanyang bag sa kanya. Handa na syang lumabas. Para bang
willing pa sya at gustong-gusto nya. "I was cheating too. I'll get out, too."

Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase namin doon, yung mga babae ay
nagbungisngisan. Yung iba ay napapasinghap at nagbubuntong hininga habang titig na
titig kay Pierce.

Naramdaman ko ang nagpipigil na galit ng teacher namin, pero manhid talaga si


pierce.

"Sinabi ng mga teachers saakin na nagbabago ka na Jimenez, is this what you call
'change'? Ang umamin ka pa sa buong klase na nakikipagkopyahan ka? Why are you so
proud? Ganyan ka ba talaga? Oh I didn't know, I'm so sorry."

Pinapahiya na sya ng teacher namin pero mukha namang hindi epektibo sa kanya. Kung
ako yan ay hiyang-hiya na ako!

Bored na naman ang mga mata ni Pierce. "But I'm just being honest here.."
Inosenteng sabi nya pero alam kong may laman iyon! Damn Pierce.

"Girlfriend mo ba si Torres?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni ma'am.


"Hi-hindi po ah!" Ako ang sumagot. Nabigla ako kaya parang nandidiri tuloy yung
tono ko.

Kunot noong tumingin saakin si Pierce pagkatapos kong sumagot. "Tss.."

"Kung ganun ay bakit gusto nyang sumama sa iyo?" Tanong nya at saakin naman ngayon
ang atensyon nya.

Hinintay ko si Pierce na magsalita pero hinayaan nya ako. Nakatitig pa sya sakin at
naghihintay. "H-hindi ko po alam.." Iyon lamang ang nasabi ko.

Nang nakakuha ako ng oras dahil biglang bumalik si ma'am sa upuan nya dahil yata
sumasakit ang ulo nya, Pinagalitan ko si Pierce.

"Hwag ka nang sumama, Pierce! Bakit ba nakikisama ka pa? Just stay!" Galit na
bulong ko.

Tumingin sya saakin. Natigilan sya at walang nasabi. Nag iwas sya ng tingin na may
halong pa-irap pa! Nakita kong tumaas-baba ang adam's apple nya na parang
nagpipigil.

"I don't believe you ms. Torres. Kayo na ba ni Jimenez? Bakit palaging kayo ang
magkasama? Ka-bebreak nyo lamang ni Gomez, diba?" Aniya.

Natigilan ako doon. Kalat ba sa buong school na close kami ni Pierce? Pati sila
Elaine ay alam. Kun'sabagay ay may mga nakakakita nga saaming magkasama at siguro
ay may nagkalat na lang.
At.. anong gusto nya iparating? At bakit pati sya ay nakikialam?

"Ano, kayo na ba?" Tanong nya ulit. Tahimik ang klase at naghihintay ng sagot mula
saakin, pero mas mukhang naghihintay sila ng sagot mula kay Pierce.

Narinig ko ang iritadong buntong-hininga ni Pierce. Pinaparinig nya sa teacher


namin na naiinis na sya!

"She copied my work, she didn't kiss me.." sarkastikong wika ni Pierce at naasar na
umupo sa upuan habang nakasakbit parin ang bag sa magkabilang balikat.

Walang nasabi si ma'am pabalik doon at sumigaw na lamang. "Get out! You two!" Galit
na sabi nya at hinilot ang ulo nya.

Natigilan ako at tinignan lang si ma'am sa harap. Nakatayo lang ako doon at
naghihintay na bawiin ni ma'am ang sinabi nya. 

Si Pierce ay tumayo lang at naglakad. Huminto sya sa harapan ko. "What are you
waiting for?" Iritadong tanong nya. Kung tumingin sya ay parang inis sya saakin.
Ako lang ang nakakaalam nun. 

Malamang ang alam ng iba ay ito talaga ang cold na si Pierce, at normal lang ito.
Pero sa totoo lang ay mas cold sya ngayon. Bakit ang lamig-lamig nya kung
makatingin saakin? Nagagalit na naman ba sya!?
Sumunod ako sa kanya at lumabas na kami.

"Ang sama ng ginawa mo, Pierce." Sabi ko sa kanya nang makalabas kami. Seryoso ako.
Hindi talaga maganda ang ginawa nya. Binastos nya ang teacher namin!

"What?" Napahinto sya at humarap saakin dahil kanina ay medyo nauuna sya. Nanlaki
ang mga mata ko nang lumapit sya saakin. Lumapit sya ng lumapit.. ng lumapit.
Hanggang sa malapit na malapit na sya. "What?" Muling tanong nya pero ngayon ay mas
malamig.

Natakot ako. Napalunok ako dahil pinaghahalo-halong lamig, galit at pagkainis ang
tingin at ang boses nya.

"Hindi maganda yung ginawa mo, Pierce! Para mo na rin syang binastos." Sabi ko at
tinulak sya sa dibdib para lumayo sya sa akin, masyado syang malapit. Pero hindi
natinag ang katawan nya sa tulak ko, ako pa ang napaatras.

"I just did what I have to do." Aniya. "I just told her the truth, is there any
problem with that? I was being honest."

Eto na naman ang boses nyang parang sinasabi na lahat ng ginagawa nya ay tama.

"Pero bastos naman yung way mo--" Lalo pa syang lumapit at kinabahan ako nang
tumama ang likod ko sa pader.
"Bakit, anong way ba yung hindi bastos?" Iritado ang boses nya.

Maangas nyang inilalapit ang sarili nya samantalang ako ay kinakabahang atras lang
ng atras.

Sinubukan ko sya ulit itulak pero mas malaki lang talaga sya saakin. Hindi ako
makahinga dahil nagiingat ako na baka may magtama saamin..

"A-ano ba, Pierce! Bakit ba saakin ka galit na galit?" Mahinang sigaw ko sa kanya.
Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya sa pamamagitan ng pagtingin sa floor sa gilid
nya.

Malamig at mainit ang tingin nya saakin, ramdam ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang
iniisip nya.

"Because you're irritating. Gusto mo lang namang umalis ng room mag isa, diba? Why,
Princess?"

"Hindi kita maintindihan.." Nanghihina na ang tuhod ko.

"Dahil ba sisilay ka na naman kay Kharl? Why do you hate being with me? Bakit ayaw
mo palabasin rin ako ni ma'am? Is that because you still love that motherfcker?"

Nanlaki ang mata ko at tuluyan ko na syang naitulak. "Ano bang pinagsasasabi mo!"
Galit na sigaw ko sa kanya.
Nakagat nya ang labi nya na para bang nahihibangan na sya sa sarili nyang ginagawa.
"Fck this." Iritadong bulong nya. "And you sound really disgusted earlier, huh?" 

Nakagat ko na naman ang labi ko dahil mukhang nababadtrip sya saakin at na-offend.
Iyon yung sumagot ako kay ma'am na hindi naman kami ni Pierce at nagulat ako kaya
iba ang tono ko..

"H-hindi ko naman.." Hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil wala akong mahanap.

"What?" Ngumisi sya. "Is the idea of us together.. creeps you out?" Humina ang tono
nya sa mga huli nyang sinabi.

Hindi ko na naintindihan dahil napansin ko ang dalawang taong kakaliko lang papunta
sa way namin. Nakita ko si Kharl at si Elaine. Agad akong nanghinayang. Sana ay
hindi kami nagaaway ni Pierce ngayon. Sana ay nakita ni Elaine at lalo na ni Kharl
na masaya ako.

Lumingon si Pierce sa tinitignan ko. Napahinto si Kharl at Elaine. Kita ko ang


pamumula ni Elaine. 

"So here is your ugly lover." Narinig kong sabi ni Pierce. 

Paano nya nasabi iyon eh magkaibigan sila dati ni Kharl? Hindi kaya ay magkaaway na
talaga sila dati dahil mukhang may galit talaga si Pierce sa kanya..
Nakita ko ang malamig na mata nya na tumitig kay Kharl. Cool parin syang nakatayo.
Naglakad sya papunta sa kanila pero bago nya lagpasan si Kharl ay binunggo nya pa
iyon sa balikat.

Isa lang ang alam ko. Hindi napansin ni Pierce si Elaine dahil naiinis sya kay
Kharl dahil saakin.

Bakit natutuwa ako?

Hinabol ko ng tingin si Pierce. Bumaba sya ng hagdan. Si Kharl ay pinanuod na


umalis si Pierce, pansin ko rin ang inis sa tingin nya. Si Elaine naman ay matapos
tignan si Pierce ay tumingin saakin at ngumiti ng kaunti.

Tinignan ko lang si Elaine. Ayoko syang paasahin na tutulungan ko sya kay Pierce.
Hindi ko naman hawak ang desisyon ni Pierce, dahil kung hindi sya gusto ni Pierce,
hindi talaga nya sya gusto.

Sorry.

Nilagpasan ko silang dalawa at nahuli ko pang nakatingin saakin si Kharl. Ewan ko


pero tumalon ng kaunti sa saya ang puso ko sa nakitang pagsulyap nya na iyon.

Nakakainis kasi si Elaine, bakit kailangan nya pang lasunin ang utak ko at sabihing
may gusto saakin si Kharl. Iyan tuloy, kaunting tingin lang ni Kharl ay binibigyan
ko ng malisya.
Hindi naman ako nahirapang hanapin si Pierce dahil natanaw ko sya sa malayo.

"Pierce!!" Sigaw ko at alam kong narinig nya iyon pero hindi nya lang pinansin.

Tumakbo ako para maabutan sya. Ang haba naman kasi ng legs nya, kaya mahirap
talagang mahabol.

"Pierce," Tawag ko ulit sa kanya nang makalapit na ako. Hinablot ko ang siko nya.
Huminto naman sya at tumingin saakin.

What.. anong meron sa mata nya? Bakit ang malamig nyang mata ay nagpapakita ng
emosyon ngayon? Bakit ang lungkot nila?

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa mga mata nya.

"What? Nag usap na ba kayo? Did he talk to you?" Ang boses nya ay malamlam. Malamig
iyon pero parang may.. kung ano.

"Hindi kami nag usap, Pierce. Kasama nya si Elaine.." Nakagat ko ang labi ko.

What is with the hurt look in your eyes, Pierce?


"Who are you fooling?" Ngumisi sya na may kasamang tunog. Nag iwas sya ng tingin.
"You still like him. Right?"

Why does it even bother you? Bakit ba Pierce? May gusto ka ba saakin? Imposible
maman, diba? Assuming na naman ako..

"Hindi na. Naka move on na ako." Sabi ko at yumuko.

Sino bang niloloko ko? Eh naninikip nga itong dibdib ko dahil nakita ko silang
magkasama. Bakit ba ang hirap tanggalin ni Kharl sa sistema ko gayong two months
lang naman kami.. ayon sa kanya.

Nang tignan ko ulit ang mukha nya ay nakatingin lang sya saakin. Wala sa mukha nya
ang naniniwala, o naiinis. Nakatingin lang sya.

"Is it really hard to fall out of love?" Tanong nya saakin, sobrang hina ng boses
nya.

Lumunok lamang ako at tumingin na lang sa paligid para iiwas ang tingin ko sa
kanya. Ang awkward lang dahil nasa gitna kami ng school at nakatayo kami at hindi
naman nag uusap.

Narinig ko ang pagbuga nya ng hangin. Maingay pero matalim. "Fck this. Really, fck
this." Hindi ko alam kung para saan ang sinasabi nya.

Tumalikod sya at naglakad paalis pero mabagal lang ang bawat hakbang nya.
"A-aano ka, Pierce? May susunod na subject pa tayo.. uy may next subject pa tayo,
Pierce.." Kabadong paalala ko. Para kasing sa pagtalikod nya na iyon ay
tinatalikuran nya lahat ng responsibilidad nya. Parang hahayaan nya na lang na
bumagsak sya at mapaalis sa school na ito dahil sawa na sya.

"Wala akong pakialam." Sagot nya na ikinalambot ng tuhod ko. Ganun na lang iyon?
Naglakad lang sya. At ako naman, sumunod sa kanya. Patungo kasi sya sa gate.

"Pierce, ano ka ba? Sisirain mo na naman ba tiwala sa'yo ng mommy mo?" Galit na
sigaw ko sa kanya. Hindi sya huminto kaya naman ako ang humarang sa daan nya para
hindi sya makapaglakad kahit na sa totoo lang ay pwede nya akong sipain paalis.

Grabe, ang tigas nya. Ang tigas-tigas nya!

"Wala akong pinapatunayan kay mom." Umirap sya at tumingin sa relo nya. "At kung
meron man, hindi kay mommy." Ngumisi pa sya pero hindi naman nakangiti ang mga mata
nya.

Hindi pa nagreregister sa utak ko ang sinasabi nya pero naglakad na naman sya
palayo.

"Tangina naman, Pierce! Ang hirap-hirap mong turuan pero pinagtyagaan kita-- tapos
eto? Babalik ka sa dati mong gawain?" Galit na talaga ako sa kanya. Nakakainis na
sya. Ang hirap nyang turuan. Ang hirap nyang pakiusapan.

Oo, concern na ako sa kanya. Pero ano pa ba? Hindi nya tutulungan ang sarili nya?
Paano ko sya tutulungan kung ganun?
Hindi nya naituloy ang paglalakad nya at nanatili ang mga mata nya saakin. Mukhang
hindi sya makapaniwalang sinisigawan ko sya.

"Go ahead, Pierce. Magcut ka. Umalis ka. Pero wag na wag ka nang lalapit saakin at
manghihingi ng tulong. Kalimutan mo na ring magkaibigan tayo." Sabi ko sa kanya.

Ang lakas ng loob ko para sabihin iyon. Pero wala eh, nakakainis na sya. Hindi
naman pwedeng isipin nya na sya ang malakas dito.

Napairap sya at medyo nakaawang na ang labi nya. Naging iritado ang mukha nya at
nakayukom na ang kamao nya. Ginulo nya ang magulo na nyang buhok. Mukha syang
nagdadalawang isip. Please, Pierce. Wag mo naman akong biguin.

"We are not friends, Princess." Malamig na sabi nya at tinalikuran ako bago umalis.

Nanlumo ako. Nanlambot ang mga tuhod ko. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap kong
turuan sya.. so iyan ba ang gusto mo? Then fine. We are not friends anymore.

=================

TKP 21

21: Text Messages

Apat na araw nang hindi pumapasok si Pierce. Apat na sunod-sunod na araw.


"Wala bang nakakaalam kung bakit absent palagi si Jimenez?" Isang araw ay may
nagtanong saaming teacher.

Walang sumagot. May iba akong kaklase na sumisilip saakin at nageexpect yata na
sasagutin ko ang tanong ng teacher namin. Wala namang namamagitan saamin ni Pierce.
Porket ba ako ang palagi nilang nakikitang kasama ni Pierce ay girlfriend nya na
ako? Bakit ganun ang mga tao?

Kumain lang kami ni Loraine nang tahimik sa canteen habang kasama nya si Enzo at
ako ay isang malaking singit dito habang napupuno sila ng katamisan.

"Uy, Cess hindi mo ba talaga alam kung bakit absent si Pierce?" Bigla nya na lang
naisingit habang kumakain kami.

Tinignan ko sya at ganun rin si Enzo. Nagkibit balikat lang ako.

Wala akong pakialam sa lalaki na iyon. Sya ang may choice nyan at hindi ako. Aanhin
ko ba kung mapaalis sya sa school na ito? Papahirapan ko lang naman rin ang sarili
ko sa kakatama sa mga baluktot nyang dahilan.

Oo inaamin kong gusto ko syang pumasok. Pero dahil lamang iyon sa nakakaawa ang
mommy nya. Grabe, ang sama talaga nya. Hindi nya ba naiisip ang mommy nya sa mga
ginagawa nya?

Medyo naging close naman na talaga ako sa kanya pero hindi pa naman kami 'ganoon'
kaclose kaya okay lang saakin. Okay lang talaga na wala sya sa paligid. Sa totoo
lang ay medyo masaya pa nga ako na wala sya. Nitong mga nakaraang araw ay medyo
hindi ako namomroblema ng dahil sa kanya pero inaamin ko namang kahit papaano ay
hinahanap-hanap ko parin ang presence nya.

"Ewan ko doon. Hayaan na natin sya."

Ako na ang naunang bumalik sa room. Hinayaan ko muna si Loraine at Enzo magkasama.
Sa daan ko papuntang room ay nakasalubong ko pa si Elaine at Kharl.

Medyo nasa-sanay na ako na parang hindi parin gaano. Paano ako maniniwala sa
pinagsasasabi nitong si Elaine eh palagi naman silang magkasama. Okay judgemental
na rin ako kagaya ng mga pumapansin saamin ni Pierce pero ano naman? At least alam
kong may isang may gusto sa isa sa kanila. Hindi kagaya namin ni Pierce.

Tss.

Hindi ko alam kung tumingin ba saakin si Kharl dahil kay Elaine lang ako
nakatingin. Nakangiti sya saakin pero hindi gumalaw ang labi ko hanggang sa
malagpasan ko sya.

Hindi ko sya nginitian. Badtrip ako ngayong araw. Hindi maganda ang gising ko.
Medyo masakit pa ang ulo ko at dinagdagan pa ng pagdating ng period ko.

Nang makarating ako sa room ay dumukdok lang ako sa desk ng upuan ko. Nakita ko sa
gilid ng mata ko na nakatingin saakin si Victoria. Hindi nya ako binully ngayon
kahit na mag-isa lang naman ako.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya kinuha ko iyon. Medyo sumasakit pa


ang puson ko.
From: Elaine

Galit ka ba saakin?

Lalo akong nairita. Masama ba ako dahil naiirita ako kay Elaine kahit wala naman
syang ginagawa saakin?

Hindi ako nagreply. Bago ko pa maitago sa bulsa ko ang phone ko ay nagtext muli si
Elaine.

From: Elaine

Sinasamahan ko lang si kharl kasi friends na kami ngayon. Dont worry wala naman
akong gusto sa kanya. Si pierce talaga ang gusto ko. Anyway, bakit daw hindi
pumapasok si pierce? :)

Nanggigil ako sa text nya at hindi ko alam kung bakit. Basta nabibwisit na naman
ako. Nakakainis! Ano ako reporter nya? Bakit kaya hindi nya na lang alamin ng
sarili nya?

Hindi ako nagreply. Am I being rude? Wala akong ganang makipag-plastikan sa Elaine
na iyon.

Hindi ko alam kung masama ba ang pakiramdam ko o masakit lang ang puson ko. May
tumulo pang luha galing sa mata ko dahil nahihirapan ako. Gusto ko na lang umuwi
ngayon.
Habang nagkaklase ang teacher namin ay nakadukdok lang ako habang nakapiga ang
kamay ko sa puson ko para pigilan ang sakit. Gusto ko na talagang umuwi.

Noong magsecond subject kami ay kunwaring nakikinig na ako kahit na puro sakit lang
ang nararamdaman ko. Nakakainis maging babae. Bakit puro babae ang nagdadala ng mga
hirap?

Biglang may kumatok sa pinto ng dalawang malakas na beses. Tumigil ang teacher
namin at napatingin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang.. ang lalaking halos
isang linggo ko nang hindi nakikita.

"Pierce Jimenez. Good afternoon to you." Sambit ni sir. Hindi ko alam kung
sarkastiko sya o ano. "Why are you late?"

"Mabagal yung nasakyan ko." Kaswal na sabi nya.

Tahimik lang ang mga kaklase ko at siguradong gulat sa biglang pagpasok ni Pierce.

"Get in," Ngumiti ang teacher namin na halata namang nagkukunwari lang na
naniniwala sa sinabi ni Pierce.

Dumaan si Pierce sa harapan ko dahil nasa dulo ang upuan nya. Hindi ako nakatingin
sa kanya at hindi ko rin sya pinakiramdaman kaya hindi ko alam kung nakatingin sya
o ano.
Lalong sumakit ang puson ko. Bumigat pa ang mata ko dala ng antok. What a day. Ang
sama-sama naman ng araw na ito!

Umupo lang sya sa upuan nya at tahimik lang sya doon. Ni hindi ko maramdaman na may
kahanay ako.

"Princess," Nanlamig ako nang marinig ang boses ni Pierce na tinawag ang pangalan
ko sa kalagitnaan ng klase.

Hindi ako nagsalita o lumingon. Sabihin nya ang gusto nya. Hindi iyong kailangan ko
pang sumagot sa kanya. This time, pumasok sya kung gusto nya. Hindi ko na sya
kailangang pilitin. Hindi na kami friends dahil hindi naman kami magkakasundo.

Narinig ko ang pag-ubo nya ng peke. Para bang nahihiya sya sa ginagawa na parang
nilulunok nya ang pride nya para lamang tawagin ako. "Princess.."

Hwag kang titingin, Princess. Sya ang nagsabi saiyo na hindi kayo magkaibigan.
Ginamit ka nya para turuan sya at wala man lang sya ni  pakunswelo. Hwag kang
titingin sa Pierce na may masamang ugali na yan.

Hindi ko na sya narinig magsalita pagkatapos kong hindi mamansin. Hindi ko sya
tinitignan sa gilid ng mata ko dahil mas sumasakit lang ang ulo ko.

Hanggang sa matapos ang klase ay tinuring ko syang hangin. Hindi mahirap saakin
dahil ganun naman talaga kami dati. Hindi mahirap dahil imbis na sya ang
problemahin ko ay pinoproblema ko ang masakit kong ulo at puson.
Nagpaalam saakin si Loraine noong uwian. Mabilis kong inayos ang bag ko at naglakad
rin papalabas.

Naramdaman ko syang nakasunod saakin hanggang sa makalabas kami ng gate.

"Hey.." Narinig ko na naman ang malumanay ngunit cold nyang boses.

Hindi ko sya nilingon. Malapit na ako sa sakayan.

"Fck, Princess. Hindi mo ba talaga ako papansinin?" Galit na sigaw nya saakin at
hinatak ako.

Pakiramdam ko ay masyadong mahina ang katawan ko ngayon. Halos mataob na ako.


Naalog na yata ang utak at mata ko. Sumasakit ang ulo ko. Wala na bang mas harsh na
paghawak dyaan Pierce?

Matataob na sana ako kaso ay nahawakan nya ako sa magkabilang siko ko. Nagtataka
syang nakatingin saakin, nagtataka siguro kung bakit nataob ako ng ganun-ganun
lang.

Hindi ako nagsalita at tumalikod lang ulit. Hindi naman mahalaga si Pierce saakin
kaya ganun ko lang sya kadaling naiiwasan. Hindi ko alam, hanggang crush lang ang
nararamdaman ko sa kanya. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na mabilis lang mahulog
porket bad boy yung tao, porket tahimik, cold o misteryoso.

"FCKING SHT!" Sigaw nya at hinawakan ako sa braso para iharap sa kanya.
"Ano ba?!" Galit na sigaw ko sa kanya. Walang nakakakita saamin kundi ang mga
sasakyan na nagdadaan dahil nasa labas na kami.

Galit at nagbabaga ang mga tingin nya saakin. Lalong sumama ang timpla ng mukha ko
dahil walang karapatan si Pierce para gumanyan! Naiirita ako!

"Kung wala kang sasabihin, aalis na ako!" Galit na sigaw ko sa kanya. Tumalikod na
ako.

"Why are you so cold?" Seryosong tanong nya.

Napahinto ako. Hindi ko sya hinarap dahil wala akong oras. "I'm not cold, Pierce.
Ganito ako makipagusap sa mga taong hindi ko naman close. Sa mga taong hindi ko
naman kaibigan.."

'We are not friends, Princess.' Naalala ko ang sinabi nya.

"You're still mad at me because of that line?" Tanong nya na para bang wala lang
naman ang sinabi nya.

Nanggigil ako. Humarap ako sa kanya. "Shut up, Pierce! Eh ano ba? Ano bang gusto
mong isipin ko sa line mo na iyon? Ikaw na nga itong inaayos ko pero ikaw din naman
ang sumisira ng buhay mo! Kaya ngayong sawa na ako, bahala ka sa buhay mo. Wala
akong pakialam saiyo. Sirain mo buhay mo kung gusto mo."
Hinintay ko syang magsalita. Nakatingin lang sya saakin ng seryoso. Nang tignan ko
ang mata nya ay parang nagsasalita iyon. Na ang mga words ko ay parang mga patalim
na tumutusok sa kanya.

Hindi parin sya nagsalita. O ni gumalaw. Nakatingin lang sya saakin na para bang
naghihintay na bawiin ko ang mga sinasabi ko.

"I was waiting for you to text me." Sabi nya. Kahit na masakit ang mga nasabi ko ay
nagawa nyang sabihin iyon ng malumanay. Hindi nya ako ginilitan! "Isang text mo
lang.. believe me, papasok ako."

Hindi ako nagsalita. Naramdaman ko lang na sumakit ang puson ko.

"But then you didn't. It seemed like you didn't really care." Malamig parin ang
boses nya. "Ang I guess you really don't."

Ngumisi ako sa kanya sa kabila ng pagsakit ng ulo ko. Magkakasakit na  yata ako ng
tuluyan.

"Hwag ka ngang magexpect saakin dahil una sa lahat, hindi ako ang nagtapos ng kung
anong meron sa atin. Ikaw yung nagtapos. Kung sa tingin mo ay hindi big deal saakin
yung pagalis mo noong isang linggo, big deal iyon! Ang hirap mong pakisamahan
Pierce." Seryosong sabi ko.

Nakagat nya ang ibabang labi nya. Bakit ganun ang napakainosente at gwapo nyang
mata? Nagi-guilty ako sa mga sinasabi ko kahit na totoo naman.
Yumuko sya. Ang akala ko ay hindi na sya magsasalita. "I'm.."

I'm sorry. Iyon ang ineexpect kong sasabihin nya pero na-stuck sya sa 'I'm' hindi
nya kayang magsorry.

Tumalikod ako at hindi ko na sya narinig na nagsalita. Hanggang sa makauwi ako ng


bahay ay medyo nagsisisi ako sa mga nasabi ko kay Pierce. Hindi. Dapat lang sa
kanya iyon.

Wala sila mama sa bahay pati sila Sam dahil dumalaw sila kila lola. Tatlong araw
rin silang mawawala dito at hindi na nila ako sinama. Hindi ko rin naman gusto, isa
pa ay hindi ako close sa lola ko sa side ni papa.

Humiga agad ako ng kama pagkatapos kong magpalit ng uniform. Ang sakit ng ulo ko.
Ako lang mag-isa sa bahay at walang magluluto saakin ng pagkain. Ayaw ko namang
itext sila mama na umuwi dahil maliit na bagay lang ito. Ayokong mag-alala sila.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Nagulat ako nang makita si Pierce na
nagtext.

From: Pierce

I didn't really mean what i said last week

Hindi ako nagreply. Nakatulog ako at nagutom. Nang magising ako ay lalong sumakit
ang ulo ko. Kumain lang ako ng ininit kong pagkain mula sa ref.
Nakita kong may limang message saakin si Pierce.

From Pierce:

I didnt mean to hurt you.

From Pierce:

You were so cold earlier. Hindi pa ba tayo bati?

From Pierce:

I hate texting. I hate typing. But damn im doing it for you. Please reply

From Pierce:

Damn it princess. Dont be a snob

From Pierce:

:(

Napangisi ako sa huli nyang text. Kahit na sumasakit ang ulo ko ay napangisi parin
ako. Hindi ko maimagine si Pierce.
Nagreply ako sa kanya.

To Pierce:

Magsorry ka muna.

Oo galit ako. Pero hindi ko aakalaing magiging ganito si Pierce. Nakakatuwa palang
may nagpapapansin sayo.. lalo na kung kasing cute at kasing kulit ni Pierce. Kung
ganito sana ang lahat ng lalaki ay wala ng galit na babae.

Mabilis ang reply ni Pierce. Dalawang magkasunod pa iyon.

From Pierce:

Im sorry. Im sorry for being a jerk.

From Pierce:

Ano, Yan lang ba? Are we okay already?

Napangiti ako, napabuntong hininga at napakurap-kurap na lamang.

=================

TKP 22
22: 2377

Hindi ako nakapaghapunan dahil nakatulog na naman ako. Paggising ko ay medyo maayos
na ang pakiramdam ko pero masakit parin ang puson ko. Sana ay hindi ito lumala
ngayong araw.

Naghanda ako para sa pagpasok sa school. Nang tignan ko ang itsura ko sa salamin ay
parang wala akong tulog, kahit na sobra-sobra pa nga.

Hinipo ko ang sarili ko at medyo mainit ako. Hindi naman ako sakitin, pero kapag
nagkasakit ako ay sobrang hirap at matagal.

Papasok ako ngayon dahil friday naman na. Makakayanan ko pa naman siguro ito
hanggang mamayang hapon. Sana.

Nang makarating ako sa classroom ay madami na akong kaklase. Magulo na dahil medyo
nalate ako, buti na lang at wala pa si ma'am.

"Hey, Cess. Okay ka lang ba?" Tanong agad ni Loraine nang makapasok ako. Nag-aalala
ang mukha nya.

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Ang gusto ko na lang muna ay dumiretso sa
upuan ko para umupo.

Nakita kong nandoon na si Pierce. Nasa may bandang harap sya, may mga kausap syang
mga lalaki naming kaklase. Nang umupo ako doon ay naguusap-usap parin sila habang
tahimik lang si Pierce na nakikinig. Nakita ko syang sumulyap saakin.
Naalala ko tuloy yung mga text ni Pierce sakin. Hindi na ako nakapagreply sa kanya
pagkatapos nyang magsorry. Galit kaya sya?

Hindi ko na iyon napansin. Sumubsob muli ako sa desk ko at naghintay na lang sa


teacher namin.

Wala kaming masyadong ginawa. May pinagawa lang na activity ang teacher namin at sa
tingin ko ay magiging assignment na ito dahil malapit ng mag time.

"Princess." Untag ni Pierce. Ang kauna-unahang tawag nya saakin simula kanina.
Iniisip ko kasi na galit sya kaya hindi sya nagsasalita. At wala rin naman akong
balak na suyuin sya kung galit man sya.

Nilingon ko sya. Seryoso ang tingin nya saakin at parang may patataka sa mga mata
nya.

"Are you sick?" Tanong nya. Nanatili ang dalawang mata nya sa mukha ko, parang
naghahanap ng butas.

Umiling ako. "Ayos lang ako." Kahit ang boses ko ay mahina. Ramdam kong mainit ang
mukha ko pati na rin ang paghinga ko, o ang hangin na lumalabas sa ilong ko.

Sana pala ay hindi muna ako pumasok. Lalo yatang sumasakit ang ulo ko.
Tumayo si Pierce mula sa upuan nya. Pinanuod ko sya hanggang sa laglasan nya ang
dalawang bangko at umupo sa upuan na nasa tabi ko. Naamoy ko ang pabango nyang
mukhang mamahalin.

Inalagay nya ang likod ng palad nya sa noo ko, para pakiramdaman. Sa ginawa nyang
iyon ay parang lalong nag-init ang mukha ko. "Damn, ang init mo." Nakita ko ang
pagkunoy ng kilay nya.

"Kaya ko pa naman, Pierce." Tinanggal ko ang kamay nya sa noo ko.

Nakakunot ang noo nya habang nakatitig saaking hindi alam kung saan babaling. Ang
napakagwapo nyang mukha ay malapit saakin, kaya paano ako makakatingin ng diretso
sa kanya nito?

"You should go home." Aniya sa seryosong tono.

Ewan ko ba pero nagtatatalon ang puso ko. He is concern. Bakit umaakto sya ng
ganito ngayon? Hindi pala sya galit. Bakit hindi masama ang mood nya? Anong nakain
nya? Though malamig parin ang expression ng muka nya, na sa tingin ko ay normal na
sa kanya, alam kong nag-aalala sya dahil sa tono ng boses nya.

Tumango ako sa kanya. "Magha-half day na lang ako.."

Nang subukan ko syang tignan ay nagsisi ako. Ang manipis at mapula nyang labi ay
medyo naka-awang habang nakatingin saakin. Ang perpektong mapula nyang labi na
lalong nagbibigay ng ganda sa tisoy nyang balat!
Sana ganyan na lang ako kaputi. Ang ganda-ganda ng labi nya. Yung tipong gusto
mong...

"Yung buhok mo nagkalat.." Biglang wika nya, hindi nya ata natiis ang katahimikan
saamin, nakatingin sya buhok kong nakasabog sa mukha ko.

Nahiya naman ako kaya inangat ko ang kamay ko para ayusin ang buhok ko. Masyado na
pala iyong magulo kung kaya't hinnanap ko ang suklay ko sa magulo kong bag, kahit
na sumasakit na ang ulo ko.

Narinig ko syang mahinang suminghap habang pinapanuod akong maghalughog ng bag.


Naiinip na yata sya sa paghahanap ko. "Let me." Kinuha nya ang bag ko mula saakin.
"What are you looking for?" Tanong nya nang hawak nya na ang pink kong shoulder
bag.

"Yung suklay." Sabi ko at pinanuod syang hanapin iyon sa bag ko.

Nagulat ako nang makita nya ang sanitary napkin ko sa bag. Nakita kong namula ang
mukha nya at agad na iniwas doon ang tingin. Hinilis nya pa ang mga notebook para
lang matakpan nya iyon. Pagkatapos ay nakita nya na ang suklay.

Sinara nya na ang bag ko. Hindi naman ako nahihiya na nakita nya iyon, pero sya ay
mukhang hiyang-hiya sa nakita. Napangisi ako. Ano yun? Hindi pa ba talaga sya
nagkakagirlfriend at pati iyon ay hindi sya sanay na makita?

Kukuhanin ko sana ang suklay pero hindi nya iyon binigay saakin. "Tumalikod ka."
Utos nya.
Kumunot ang noo ko. Nakagat ko ang ibabang labi nang maisip ang gusto nyang gawin.
S-susuklayan nya ba ako? 

"Bakit?" Kabadong tanong ko pero hindi ko pinahalatang kinakabahan ako.

"Susuklayan kita." Mahinang sabi nya. Napaiwas pa sya ng tingin saakin.

Nanlaki ang mata ko, tama nga ang naisip ko. Napatalikod na lamang ako agad at
napapikiy dahil sa kakaibang nararamdaman. Susuklayan nya ako? Totoo ba ito? Ano
bang nangyayari sa kanya?

Why... is he suddenly so sweet?

Naramdaman ko ang dahan-dahang pagdaan ng mga ngipin ng suklay sa buhok ko.


Nahihiya pa ako kapag may buhol-buhol doon at inaayos nya. Nararamdaman ko pa
minsan ang daliri nya sa buhok ko. Hindi ako nasasaktan sa ginagawa nya.

Napangiti ako dahil... wala. Ang adorable nya lang talaga. Napaka swerte naman ng
magiging girlfriend nya. Yung tipo ng babae na kaya syang pagbaguhin... 

Kahit papaano pala ay may gentle side talaga sya. Imagine si Pierce na masungit at
mukhang hindi mo makakausap ay sinusuklayan ka ng buhok? Bakit biglang nagmukhang
gentleman ng mga lalaking nagsusuklay ng buhok ng babae, para saakin ngayon?
Nagtitinginan ang mga babae at lalaki saamin sa room. Bulungan dito at bulungan
doon. Yung ibang lalaki naman ay ngumisi lang at lumapit pa kay Pierce para makipag
high five.

"Nice one, Pierce." Halakhak ni Raven, isa sa mga kaklase ko. May mga kumpulan ng
boys ang nakatingin saamin at mukhang tuwang-tuwa sa ginagawa ni Pierce.

Ngumisi lang doon si Pierce. Ang akala ko ay iisnob-in nya sila. O, mahihiya sya
dahil sinusuklayan nya ang isang babae... pero nginisian nya sila Raven at may halo
pa iyong mahinang tawa na parang medyo natutuwa! Bakit maganda ang araw ng lalaking
ito?

"S-salamat." Sabi ko nang natapos nya na akong suklayan. Sya pa ang nagbalik ng
suklay sa bag ko.

"You should rest." Aniya habang problemadong hinahanap kung nasaan ang sarahan at
zipper ng pink kong bag.

"Kaya ko pa, Pierce. Magha-halfday na nga lang ako.." Sabi ko sa kanya at tinuro
yung gilid kung nasaan yung zipper.

Nakagat nya ang labi nya at tumango. "Alright."

Noong snack time na ay hindi ako lumabas. Kasama ko lang si Loraine sa loob ng room
at shine-share nya ako sa snack nya. Wala naman akong gana, pero mapilit lang si
Loraine.
Bumukas ang pinto at pumasok ang limang lalaki na kaklase ko kasama si Pierce na
nasa gitna. Napataas ang kilay ko. Mukhang may nakakasundo na si Pierce sa room ah?

Nauuna syang maglakad at may dala syang bottled juice at sandwich. Huminto sya sa
harapan ko at inilapag ang mga hawak nya. "Eat this." Utos nya saakin.

Nakita kong nagbubulungan ng kung ano ang mga kasama nya sa likod habang hinihintay
sya, mga nakangisi sila at may nanunuksong mga ngiti.

Hindi ako nakahinga. Kahit na medyo pangit ng pagkakasabi nya ay nakakatuwa parin.
Nakakatuwa ng sobra. Sa tingin ko ay ito ang unang araw na hindi nya pa ako
sinungitan ng sobra.

Dapat pala ay lagi akong may sakit.

Nakangisi ang mga kasama nya na nasa likod nya. Hindi nya na ako hinintay na
magsalita dahil agad na syang tumalikod. Nagtawanan ang mga kasama nya sa kanya,
tinapik pa sya at inakbayan habang may binubulong ang mga iyon sa tainga nya.
Lumingon pa ang isa saakin na para bang may kung ano sa mga tingin nila, parang
tinutukso nila ako kay Pierce. I know.

"Ang sweet." Nakangising sabi no Loraine.

Napangiti ako at tinignan ang pagkain. Nagkibit balikat ako. "Oonga eh, ano kayang
nakain nun?"

Last subject na namin para sa umaga. Nagpunta kaming lahat sa labas. Ang mga babae
ay naglalaro ng volleyball, samantalang ang boys ay naglalaro ng basketball.

Ako ay nagpaiwan lang at naupo sa bleachers. Sumama saakin si Loraine kahit na


mahilig naman syang maglaro ng volleyball. Sila Victoria at mga friends nya ay
hindi rin naglalaro ngayong araw.

Sa tingin ko ay gusto lamang manuod ni Victoria kay Pierce. Malakas pa naman sa


volleyball si Victoria.

"Go Jimenez!" Sigaw ni Victoria.

Nilingon ko sya at tuwang-tuwa sya doon. Nagsisitawaman lamang ang mga kaibigan
nya. Hindi pa naman nagsisimula ang laro pero sigawan na ng sigawan sila Victoria.

Tumingin saakin si Pierce mula sa malayo, sya ang may hawak ng bola. Ngingiti sana
ako sa kanya pero naghiyawan ang mga kababaihan sa likod ko na sa tingin ko ay mga
3rd year pa lamang.

"Tumingin si kuya dito, ano nga ulit ang pangalan nya?"

"Sinong tinignan? Kung ako lang sana yun! Sht! Bakit ba kasi saksakan ng pogi si
Pierce?"

"Kalma, girls. Wala daw girlfriend yan... so ano? Magpapansin na ba tayo?"


Narinig ko silang nagtawanan at naghampasan dulot ng katuwaan nila sa pinag-
uusapan.

Nagbungisngisan sila. Naramdaman ko lang ang pagtingin saakin ni Loraine. Siniko-


siko nya ako kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin aa harapan. 

"Ano yun?" Tanong kong muli at humarap sa kanya.

"Kanina ko pa nakikitang nakatitig sa iyo si Jimenez... and well, guess what?"


Tumikhim sya at ngumisi. "Pati si Gomez." Binaggit nya ang apelyido ni Kharl na
para bang walang ibang pwedeng makarinig nun.

Wala pang isang segundo ay hinanap ko na agad si Kharl. Agad ko syang nakita kahit
na malawak dito, dahil kaunti lang naman ang mga estudyante. Kaming magkakaklase
ang nagparami dito at ang iba ay dagdag lang, siguro ay vacant.

Nang makita ko si Kharl ay nakagitna at kasama na naman nya ang mga kaibigan nya.
At sht... sht...

Nakatitig sya saakin.

Magsisimula na ang laro at hinihintay na lang ang iba pang mga kulang. Iniwas ko
ang tingin ko sa gawi ni Kharl kahit na sya ang mas naunang nag iwas ng tingin
saakin.
Tumingin na lamang ako kay Pierce sa court na blangko ang mukha, pasulyap-sulyap
sya saakin habang kinakausap sila ng P.E teacher namin. Hawak nya ang bola, at
tamad na pinaglalaruan iyon habang nakatitig sa teacher naming nagpapaliwanag sa
kanila.

Hindi nya natagalan ang pagsasalita ni sir at ipinasa nya ang hawak na bola sa
katabi. Walang pasabi-sabi syang umalis doon.

Nanlaki ang mga mata ko habang pinapanuod syang maglakad papunta kung nasaan kami
ni Loraine. Hindi mapanatag ang puwit ko sa kinauupuan. Sht, aano sya dito?

"Wow... eto na naman tayo. Mga simpleng bagay. Hayss.." Mahina ngunit kinikilig na
bulong ni Loraine. "Torpe nya pero bakit ganun? Ang cute nya parin." Para syang
nagde-daydream.

"B-baliw ka talaga. Hindi naman siguro ako gusto nyan ano..." Sabi ko sa kanya
kahit na hindi naman iyon ang sinisigaw ng utak ko.

Nagsitahimikan ang mga babaeng nasa likuran ko nang makumpirmang dito nga papunta
si Pierce. Kahit papaano ay mahinhin pala sila. Medyo pinipilit nilang pigilan ang
mga bulong nila kahit na.. rinig ko parin.

"O-oh, bakit nandito ka? Magsisimula na yung laro oh.." Sabi ko kay Pierce na
nakatayo sa harapan ko. Ang sexy nya talaga sa P.E uniform namin.

Medyo nanginginig ang kamay ko. Kinakabahan na naman ako sa seryoso at nakakahulog
nyang mga mata. Masakit ba talaga ang ulo ko? Bakit parang nawawala ngayon?
Napahawak sya sa batok nya at napatingin sa court. Para bang ayaw nyang maglaro at
gusto na lamang nyang umupo dito.

May binunot sya sa bulsa sa likod ng jogging pants nya. Mula doon ay inilabas nya
ang iPhone nya. Medyo namumula pa ang mukha nya hanggang leeg at tainga. Hindi sya
makatingin saakin.

Itinapat nyang bigla saakin ang phone nya. Binibigay nya saakin ang phone nya!

"A-ano to?" Ako naman ay inabot ang hawak nyang phone.

Tumikhim sya. Nag iwas muli ng tingin at nasa court na naman ang titig. Hindi nya
napapansin ang mga nagbubungisngisang bubuyog sa likod.

"Sa'yo muna, keep it for me. Maglalaro lang ako." Aniya at inayos ang patilya nya
habang naghihintay sa sagot ko. Para bang concious na concious sya ngayon.

Ngayon ko lang sya nakita na para bang wala syang confidence na humarap saakin. Na
para bang ang magulo nyang buhok ay nakakapangit sa kanya, na sa totoo lang ay
nakakadagdag lamang iyon sa kagwapuhan nya!

"Ahm..." Suminghap ako ng mahina. Conceal it, Princess. Just... "Okay." Ngumiti ako
sa kanya.

Nakita kong medyo tumaas ang isang sulok ng labi nya. "T-thanks." Aniya na
ikinagulat ko. 
No way. Hindi nagpapasalamat si Pierce sa ganitong kaliit na bagay!

Nang makaalis si Pierce ay biglang nagsalita si Loraine. "Tangina. Ang sweet nyo
naman!"

Nanlaki ang mga mata ko sa pagmumura nya. Hindi kasi sya gaanong nagmumura.

"B-bakit na naman ba?" Nagkunwari akong walang pakialam sa ginawang pagpapatago ng


phone ni Pierce kahit na ang saya-saya ng pakiramdam ko.

"Shota lang ang peg n'yong dalawa. Nagpapatago-tago na lang ng phone ngayon.
Uyyyy!" Ngumisi sya at tinusok-tusok ang tagiliran ko. "Naks pala! Ang cute nyo!
Bagay na bagay." Ngising-ngisi na sabi nya.

Hinampas-hampas ko sya dahil sa dalawang bagay. Una ay nangingiliti sya at


pangalawa ay wala akong masabi at natatakot akong mabisto nya ako.

"May girlfriend na pala.." Bulong nung babae sa likod. Mahinang-mahina iyon at


mukhang hindi intend na iparinig saakin.

Napasulyap ako sa banda nila Kharl. Nakita ko syang seryosong nakatingin sa court.
Ang mga barkada nya ay nag-uusap usap. Tumingin sya bigla saakin at para bang
disappointed ang mga mata nyang nag iwas ng tingin.
Nagtaka ako sa ginawa nyang pagtingin ng yun. Hindi ko nagustuhan. Kapag tinitignan
ko naman sya minsan ay nanunuod lang sya ng laro o di kaya'y nagce-cellphone.

Nanuod lamang kami ni Loraine ng laro. Isa si Pierce sa mga matatangkad na player.
Kaya siguro sobrang daming nagkakagusto sa kanya ay isa na rin doon ang height nya.
Ang gwapo nyang humawak ng bola, pati na rin ang seryoso nyang mukha kapag nagdi-
dribble.

"Shoot! Shoot! Shoot!" Sigawan ng mga babae nang hawak ni Pierce ang bola.

Pinatalbog pa ng isang beses ni Pierce ang bola bago nya iyon ishinoot. 3 points! 

Nagsigawan na naman ang mga babae sa likuran. Pakiramdam ko nga ay nag-iiyakan na


sila. Gusto ko sanang sumilip sa mga iyon. Sumakit lalo ang ulo ko. Gusto ko ng
umuwi, pero ang makitamg maglaro si Pierce ay nagpapalimot saakin na sumasakit ang
ulo ko.

"Kanina pa nakaka-shoot si Jimenez, ah. Palagi pang 3 points, mukhang


nagpapasikat!" Nagulat ako nang may magsalitang lalaki sa tabi ko. Sa sobrang
panunuod ko kay Pierce ay hindi ko napansing katabi ko na pala sila Yvo. 

Titig na titig si Yvo sa court. Kung makapagsalita sya ay para bang kanina pa nya
kami talaga magkatabi. Hindi man lang nag 'Hi' o 'Hello'

Katabi nya sa kabila sila Jynx na kausap ang iba pang mga lalaki. Nanunuod rin
sila. Medyo madami-dami ang nanunuod kahit na para lang ito sa mga boys sa room
namin.
"Uy, Yvo, nandyan ka pala." Ngumiti ako sa kanya.

Tumingin din sya saakin. Una ay nakangiti sya pero bigla iyong nawala nang
pagmasdan ako. "Are you sick, butterfly? You don't look okay to me.." Bulong nya at
hinipo ang noo ko gamit ang palad nya.

Ang lamig ng kamay nya kaya lalong pinamukha saakin na ang init-init ko na talaga.

"Ahh, uuwi naman na ako. Masakit nga pakiramdam ko." Ngumiti na lamang ako at
tumingin muli sa court.

Nahuli ko si Pierce na kunot ang noong hawak ang bola. Hindi tulad kanina na cool
lang sya, ngayon ay iritado na naman ang mukha nya. Pinasa nya iyon sa ka-team nya
at tumingin muli saakin. Napailing ang ulo nya ng isang beses pero saakin parin ang
tingin.

Nagjog na sya para makahabol. Mukhang seryoso na sya ngayon, ang lamig na naman ng
tingin nya.

"Kay Jimenez ba yan?" Tanong nya nang nakataas ang kilay habang nakatingin sa
kandungan ko kung saan nakapatong ang iPhone ni Pierce.

Napatingin din ako doon. "Ah, oo. Pinahawak nya lang kasi maglalaro sya ng
basketball eh."
Natawa sya. Natawa sya ng natawa. Pinanuod ko sya habang ngising-ngisi. Sira ulo
yata?

"Bakit?" Tanong kong nagtataka.

Umiling sya. "Nothing," Nakangisi parin sya. "Alam mo na ba passcode nyan?" Ngisi
nya pa.

Ngumuso ako sa tanong nya. "Hindi," Sagot ko lang dahil hindi ko naman talaga alam.
"Alam mo?" Takang tanong ko dahil pakiramdam ko lang ay alam nya.

Tumango sya. "It's 2377. Don't tell him na alam ko." May nakakalokong ngiti syang
nakasuot sa labi.

Kumunot lalo ang noo ko. "Bakit naman alam mo? Paano?" Curious na talaga ako kahit
hindi ko alam kung nagsasabi sya ng totoo.

Nagkibit balikat sya. "Palagi ko syang nakikita kapag binubuksan nya. I don't know.
Nakabisado ko lang agad. And it doesn't take a genius to know." Kumindat sya
saakin. "You know, madami kang malalaman sa loob nyan. HAHAHA!"

Nanlaki ang mata ko. Pakielamero pala itong si Yvo. Pinapakialaman nya ang phone ni
Pierce nang hindi alam ng may ari. "Bakit mo ginagawa yun?"

Ngumuso sya. "It's not just me. Alam rin ng mga kaibigan namin. Masyado kasing
tahimik si Pierce at masikreto kaya pinakialaman namin ang phone nya. It's just for
fun.. but--" Napangiti pa sya. "We found out na meron talaga syang babaeng
kinakabaliwan. Just this certain girl." Tumaas-baba ang kilay nya at may kahulugan
ang tingin nya saakin.

Natempt ako. Pumikit ako ng mariin dahil nalalason ang isipan kong buksan iyon.
Sino kaya ang babae?

"Hindi masama kung bubuksan mo, Princess. Ikaw rin.." Nanunuyang tawa nya na para
bang hinahamon ako na buksan ko nga ang phone ni Pierce. "2377." Ulit nyang muli.

Dumiretso na ng upo si Yvo nang may ngiti sa labi. Parang exciting sa kanya ang
nangyayari.

"Tara na dude! May klase pa tayo." Aya ni Jynx kay Yvo. Tumingin sya saakin. "Hi
Princess!" Ngiti nya saakin.

"Happy exploring butterfly..." Mahinang bulong nya sa tainga ko. "Oops, may
nagagalit na." Halakhak nya pa habang nakatingin sa court.

Ngumiti ako pabalik sa kanila. Umalis lang sila at naiwan ako doon. Lumapit naman
saakin ang  ulo ni Loraine na nakalimutan kong katabi ko pala! Hindi kasi sya
nagsasalita.

"Close pala kayo nung Yvo?" Medyo nanlalaki ang mga mata ni Loraine.

Tinawanan ko lang sya ay umiling-iling. Kasama nga ba si Yvo sa listahan ng mga


crush nya? Hindi ko matandaan.
"2377.." Bulong ko. Mukhang kailangan ko iyong kabisaduhin dahil wala na akong oras
ngayon dahil nakita kong tapos na ang game nila. Ni hindi ko napanuod dahil kausap
ko si Yvo.

Tumayo ako at muntikan ko nang maibagsak ang phone ni Pierce! Nalimutan kong nasa
lap ko iyon. Binulsa ko iyon at tinignan si Loraine. "Tara na?"

Bumalik muna kaming lahat sa room. Medyo napanguso ako nang makita si Pierce na
nagpupunas ng mukha gamit ang pink na towel na inoffer ata ng isang babaeng kaklase
namin na hanggang ngayon ay kasabay nya. So crush rin sya ni Sarah, ang nagsusupply
ng papel para sa kanya.

Umalis na si Loraine dahil sinundo sya ng boyfriend nya.

Tinitignan ko sila Pierce. Daldal ng daldal si Sarah sa kanya tungkol yata sa


kagalingan nya sa basketball. Si Pierce naman ay diretsong naglalakad lamang habang
pahid ng pahid sa mukha nya. Seryoso ang mukha nya at mukhang hindi naman
iniintindi si Sarah na sinusubukang humabol sa bawat hakbang ng mahabang nyang
legs.

Nang magtama ang mata naming dalawa ay medyo natigilan sya. Pero bumilis muli ang
lakad nya para naman puntahan ako. Para bang sa wakas ay nalaman nya na kung saan
sya tutungo.

Si Sarah naman nya ay mukhang na-disappoint sa ginawang pag-iwan ni Pierce kaya


tumalikod na lang rin at malungkot na umalis.
Nang makalapit sya saakin ay inabutan ko sya ng bottled water na para sana saakin
kaso ay hindi naman ako nauuhaw. Natigilan sya at tumingin sa kamay kong nakahawak
sa tubig.

"Is this... for me?" Takang tanong nya. Medyo alangan pa kung kukuhanin nya ba o
hindi.

Inilapit ko sa kanya lalo ang tubig. "Para sayo nga. Ang galing mo kasing maglaro."

Magsasalita sana sya pero walang lumalabas na salita sa bibig nya. Medyo nakabuka
lamang iyon na parang hindi malaman ang sasabihin.

"Tss! Ni hindi ka nga nanuod." Bigla nya na lang hinablot ang tubig at tumalikod
saakin para inumin ang binigay ko.

Nalaglag ang panga ko. Kahit na masakit ang ulo ko ay naglakad pa ako para humarap
sa kanya.

"Nanuod ako ah!" Depensa ko. Naalala ko na tumitingin sya saakin minsan at hindi
nga ako nanunuod. Kasalanan ko ba kung sumasakit ang ulo ko?

Tumingin sya saakin. Para namang naguilty ang itsura nya. "You're still sick. It's
okay. I'm not mad." Bulong nya sa sarili, pero hindi naman totoo dahil mukhang
iritado sya.

"Okay, uuwi na ako." May inilabas ako sa bag kong folder. "Pierce... favor
naman..." Nahihiyang sabi ko. Sht. Ang kapal ko talaga, pero bahala na.

Kumunot ang noo nya at tinignan ang hawak ko. Nanatili lang syang nakatayo at
naghihintay sa sasabihin ko.

"Pwedeng lagyan mo to ng questions? Sampo pa kasi ang kulang at ngayon ang last day
ng pasahan... eh hindi naman ako makakapasok." Malambing na sabi ko at medyo
nagpapaawa pa.

Tumaas ang dalawang kilay nya na parang hindi nya inaasahan ang sasabihin ko.
Bumuntong hininga sya. Umirap sya at kinuha saakin ang folder. "Damn, Princess."

Nakagat ko ang labi ko. Kinuha nya ang folder so ibig sabihin... "G-gagawin mo?"

Sinuklay nya ang buhok nya gamit ang daliri. Napansin kong medyo ilang sya tuwing
tititig ako. Tumango lamang sya.

"Sinong kasabay mo?" Tanong ni Pierce habang magkasabay kaming naglalakad


papalabas.

"Wala." Sabi ko lamang. Naramdaman ko na naman ang sakit ng puson ko.

Natigilan sya at hinawakan ang kamay ko. Hinawakan nya ang palad ko! Pwede naman
sanang pulso na lang, bakit sa kamay talaga? Kinaladkad nya ako at huminto kami sa
sasakyang kulay itim.
"Sir, uuwi na ba tayo?" Sabi nung lalaking maitim na driver yata. Sir ang tawag nya
kay Pierce so sa tingin ko ay driver sya ni Pierce.

"Kailan ba ako sumakay dito?" Yamot na tanong ni Pierce. "But now you can do your
job. Ihatid mo tong babae na to." Turo nya saakin.

Napasimangot ako dahil sa sinabi nya. Tska ang bastos din nyang magsalita. Kahit na
ba driver nya itong lalaki, mas nakatatanda parin yung driver nya. Sa tingin ko ay
driver nya ito dahil sa mommy nya.

Binuksan ni Pierce ang pintuan sa backseat. "Sakay." Utos nya saakin.

Agad naman akong pumasok. Sya naman ay nakadungaw lamang sa loob habang nakabukas
parin ang pinto ng sasakyan. Nakahawak sya sa bubong at binta para masilip ako.

Ang gwapo at medyo pawisan nyang mukha ay nakadungaw at malapit iyon saakin! Ang
perpekto lang talaga ng iilang mga nilalang sa mundo.

Tumingin sya sa driver na kakasakay lamang sa driver's seat "Mag-iingat ka sa


pagda-drive. Ayusin mo kung hindi..."

Ayan na naman sya sa mga pangbibitin ng salita. Ang sama talaga ng ugali.

Tumingin sya saakin at nakita ko ang pagbaba at pagtaas ng adam's apple nya. "Be
okay, alright?" Hindi man lang comforting ang pagkakasabi. Pautos pa ah.

"Eh ikaw? Hindi ka ba uuwi? San ka pa pupunta?" Takang tanong ko dahil hanggang
ngayon ay hindi pa sya pumapasok sa sasakyan.

Umirap sya at marahang suminghap ng hangin. "I'll stay here so I can finish your
report."

Nakagat ko ang labi ko. Hindi naman gaanong karamihan iyon. Para namang.. sampong
tanong na lang iyon eh.. pero nakakahiya parin. At narinig pa ng driver nya! Anong
iisipin nito saakin?

"O-okay. Thank you.." Sabi ko lang ulit.

Isasara na sana nya ang pinto pero sumilip ulit sya para tumingin sa driver na nasa
harapan. "Hey, don't forget to drive slowly." Iritadong utos nya na para bang wala
syang katiwa-tiwala sa lalaki.

Natawa ang driver at tumingin kay Pierce sa salamin. "Opo sir, iingatan ko po ang
girlfriend nyo."

Nagulat ako sa biro ni kuya, titignan ko sana si Pierce na mukhang natigilan pero
sinarado nya na agad ang pinto. Nang tignan ko sya sa binatana ay nakatalikod na
sya.

=================

TKP 23
23: Beautiful Thoughts

Hiyang-hiya ako na pinahatid ako ni pierce sa driver nila. Nakakahiya talaga, lalo
na at wala naman si Pierce dito. Para tuloy akong dumagdag sa trabaho ni kuyang
driver.

Hinang-hina akong sumandal. Pakiramdam ko ay ang haba ng oras na nakasakay ako


dito. Gusto ko nang makarating sa bahay para makapagpahinga at makahiga. Kung i-
text ko na kaya si mama para umuwi na sila? Parang hindi ko na talaga kaya. Latang-
lata na ang katawan ko.

"Kuya, dito na lang po ako." Sabi ko nang makita ang kanto. Nahihiya kasi ako kung
ipapapasok ko pa sa loob. Hindi naman na masyadong malayo.

"Saan po dito ang bahay nyo?" Magalang na tanong nya.

Napangiwi ako dahil talagang nag 'po' pa sya. Halatang nagtatrabaho talaga para
kumita.

"Sa looban pa po, kuya. Pero ayos na dito. Malapit naman na po.." Sabi ko.

Pinasok nya ang sasakyan sa kanto. Ang kulit naman ni kuya. "Nako, hindi po pwede.
Baka ako ho ang kagalitan ni sir dito."

Napatango na lamang ako dahil naipasok nya na ang sasakyan sa kanto. Nang matanaw
ko na ang bahay namin ay agad na akong naghanda para umalis. "Salamat po.
Nakadagdag pa ho ako sa trabaho ninyo." Tumawa ako ng mahina.

Tumawa naman sya at umiling. "Hindi ho, inutos naman kayo ni sir saakin. At hindi
naman madalas na sumasabay talaga dito si sir dahil tinatakasan nya talaga ako."
Aniya.

Nang makababa ako ay nagpasalamat ulit ako sa driver nila Pierce. Nagawa ko pang
ngumiti kahit na umiikot na ang paningin ko.

Hilong-hilo kong hinanap ang susi sa bag ko. Parang bubuwal na ako ano mang oras.
Nang mabuksan ko ang pinto ay agad akong pumasok para uminom pero kahit tubig ay
tinatanggihan na ng bibig ko.

Ayoko talaga ng nagkakasakit, hindi ko kaya. Mahina ang katawan ko masyado.

Napahawak ako sa table at bumagsak ang hawak kong baso. Nabasag. Lalo akong
napapikit. Gustong-gusto ko na talaga tawagan sila mama, pero hindi ko ginawa. Baka
mainis pa saakin si lola, lalo na at ayaw nya pa naman saakin. Si Samuel talaga ang
paborito nya.

Kinuha ko ang mga nabasag na piraso ng baso. Nabitawan ko ang pangatlong piraso ng
maramdaman kong humiwa iyon sa hintuturo ko.

"Naman oh.." Naibulong ko na lamang.

Napagpasyahan kong iwan muna iyon at mamaya na lamang ayusin. Gegewang-gewang akong
pumasok sa kwarto ko.
Ngayon ko lang rin naisipang uminom ng gamot pero hindi ko na talaga kaya pang
tumayo. Gusto ko nang ihilata ang katawan ko sa kama. Bumabaliktad din ang sikmura
ko.

Ang hirap ng nagkakasakit.

Agad akong humiga. Ni hindi ko na nabuksan ang aircon. 

Kama. Iyon lang ang gusto ko ngayon. Ni hindi ko na nahubad ang school uniform ko,
pati ang shoes ko ay hindi ko pa natatanggal.

Humiga ako sa kama. Binato ko lang kung saan ang bag ko. Lalo kong naramdaman ang
sakit ng ulo ko. Naiyak lang ako ng naiyak. Pinilit kong matulog. Limang araw pa
naman ako kapag nagkakasakit at talagang pumapayat ako ng sobra.

Nakatulog ako nang hindi ko namalayan. Nagising ako dahil sunod-sunod na nagvibrate
ang cellphone ko. Pawis na pawis pa ako. Kinapa ko ang kama at kinuha ang bag ko
kung nasaan ang phone ko.

Nakita kong 3:30 pm na. Ilang oras na pala akong tulog at hindi pa ako nagla-lunch.
Ni hindi ko kayang ipaghanda ang sarili ko ng kakainin.

Unknown number calling..


Sinagot ko iyon at inilagay sa tainga ko bago pumikit muli.

"Sino to..?" Malumanay na tanong ko. Tuyo ang lalamunan ko. Gusto ko pang matulog
pero ayoko nang humiga. Hindi ko maintindihan ang gusto kong gawin. Gusto ko pang
matulog kahit na para bang sobrang tulog na ang meron ako.

"Hey," Narinig ko ang medyo mahinang boses sa kabilang linya. Pamilyar iyon.
"Princess?"

"Pierce?" Tanong ko nang makumpirma ko ang boses nya. Tinignan ko muli ang screen
at unknown number nga ang nakalagay. Bago na ang number nya? "K-kaninong number
to?" Tanong ko sa kanya.

"It's Yvo's. Yung phone ko nalimutan ko sa'yo..." Sabi nya at sandaling tumigil.
"Wait, have you eaten yet?"

Bahagya akong umupo. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung kaya ko.. unfortunately
ay hindi. Pakiramdam ko rin ay puno na ang pad ko. Tinitigan ko rin ang paa kong
medyo nasa baba ng kama na hindi ko pa natatanggal ang sapatos. Hindi ba bababa ang
lagnat ko?

Naalala ko ang phone nya. Hindi ko pa nga pala iyon naibabalik. Nalimutan ko.
Nakumpirma kong nasa akin nga ang phone nya, nang maramdaman kong nasa bulsa ko
iyon.

"Not yet." Umubo ako. Pati ang pag-ubo ko ay nakakahilo na. Para bang nagba-vibrate
ang ulo ko. "I-isasauli ko na lang sayo... kailan mo ba gusto? Bukas? Mamaya?"
Naubo akong muli. Paano ko naman ibibigay ito sa kanya?
Bakit ba kasi nalimutan ko pa pang ibalik eh.

"Bakit hindi ka pa kumakain? Are you going to kill yourself, lady?" Iritado ang
boses nya. Hindi ko mahanap ang lamig sa boses nya ngayon, para ko syang tatay na
nagagalit saakin. "Sino bang kasama mo dyan? How about your mom?"

"Wala sila dito ngayon.." Hindi ko na rin magawang ma-appreciate ang pagiging
concern nya. Damn my head! Parang may kung ano doon na nagwawala.

I want this day to end already. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga patak ng pawis sa
gilid ng noo ko.

Natahimik sya at akala ko ay wala ng tao sa kabilang linya. Tinignan ko ang phone
at hindi pa naman nya ito binababa. Magsasalita sana ako pero bigla nalang syang
tumikhim sya.

"Pwede ba ako dyan?"

Natigilan ako sa tanong nya. Oo kailagan ko ng kahit sino dito ngayon. Pero lalaki
parin sya. Kung pwede ay si Loraine pero may pasok pa sya.

"H-hindi pwede, Pierce.." Naubo akong muli. "At nasaan ka ba ngayon? Wala bang
klase? Alas tres palang.." 5 kasi ang uwian namin ngayon.
"W-wala. Vacant natin ngayon." Mahinang sabi nya. May bigla namang sumingit sa
kanya sa kabilang linya. May iba syang kasama? "Sinungaling, you just wanna check
on Princess, pero may klase kayo. Hahaha!" Narinig ko naman ang boses ni Yvo at
nagkaroon ng maraming tawanan doon mula sa ibat-ibang tao. Kasama nya yata ang mga
kaibigan nya.

Kumunot ang noo ko. "Nagcut ka, Pierce?"

Narinig ko ang pagmumura nya. Minumura nya ata sila Yvo. "Pupunta ako dyan."

Hindi na ako nakapagsalita dahil pinutol nya na ang linya. Gusto ko sanang tumayo
para makapag-ayos dahil pupunta raw si Pierce dito. Seryoso ba sya? Mali yata na
hinatid nya ako dito, ngayon ay alam nya kung saan ang bahay namin.

Ang kulit naman ni Pierce. Dapat ay hindi na lang sya pumunta dito. Makikita nya
lang ako ng mahina at ano? Nakakainis naman talaga oh.

Hindi parin ako makatayo. Sobrang sama parin ng pakiramdam ko. Nakatulog akong muli
sa kakahintay kay Pierce. Nagising lamang ako nang marinig na bumukas ang pinto.

Naaninag ko ang lalaking nakatayo malapit sa pinto ko. Medyo nanlalabo pa ang
paningin ko. Unti-unti iyong luminaw at nakita ko si Pierce na naka-uniform parin
at nakatungtong sa kwarto ko.

"Damn, you're a mess.." Mahinang bulong nya na nakatitig sa akin na nakahiga,


naglakad sya ng tuluyan papasok. "Bakit hindi ka nagla-lock ng pinto? Tsk. Paano
kung may ibang pumasok?"
Naramdaman ko syang umupo sa kama ko. Kahit hindi nakabukas ang aircon ay naamoy ko
kaagad ang pabango nya na yumakap na ata kaagad sa kwarto ko.

Hinipo nya ang noo ko. "Sht, you're burning..." Seryosong sabi nya. "And you
haven't eaten yet, are you going to starve yourself to death?"

Ubo lang ang naisagot ko. Sumasakit na rin ang mata ko. Nag-iinit ang mga iyon.

Natahimik lang sya. Nakapikit parin ang mga mata ko pero pinapakiramdan ko naman
sya at paminsan-minsan ay sinisilip ko rin.

Nang maramdaman ko ang pagtayo nya mula sa kama ay binuka ko na ang mata ko. Nakita
ko syang lumuhod gamit ang isang tuhod sa floor ng kwarto ko. Ang akala ko ay may
pupulutin sya, pero naramdaman ko na marahan nyang tinatanggal ang sapatos ko.

Hindi pa sa buong buhay ko ako nakakita ng isang tanawin na ganito kaganda.

"Where is your mom?" Tanong nya habang nararamdaman ko naman ang mga daliri nyang
dumapo sa balat ko nang tinatanggal nya ang sapatos ko. Tumayo sya at itinabi iyon
sa isang parte ng kwarto ko. "Saan ba sila nagpunta?" Tanong nya.

"Ano.. bumisita lang sila kila lola." Mahinang sagot ko at nakapikit parin. Niyakap
ko ang unan paharang sa mukha ko para hindi nya ako makita, nakakahiya.

"How long?"
"Tatlong araw lang. Bukas ng gabi, baka nandito na sila." Sabi ko at tumingin muli
sa kanya.

Naglalakad sya papunta sa pintuan ng kwarto ko. Isinara nya iyon. "What do you
want? What food do you want?" Aniya habang binubuksan ang air conditioner.

Umiling ako. Nakatakip parin ako sa unan. Hindi naman talaga ako nagugutom.

Lumubog ang gilid ng kama ko, hudyat na may umupo. "You need to eat." Seryosong
sabi nya.

Binalewala ko ang pagseseryoso ng boses nya. "Pero hindi naman ako nagugutom.."

"Don't be stubborn, Princess. You will eat." Sinabi nya iyon nang walang tigil.
Yung boses nya ay nasa tono na dapat ay sundin mo sya, ano man ang mangyari. Tumayo
syang muli. Sinilip ko sya at nakita kong hinahalughog nya ang damitan ko.

"P-pierce anong ginagawa mo!" Mahinang sigaw ko. Nahihiya ako dahil baka kung ano
ang makita nya doon.

Kumuha sya doon ng pajama at isang puting shirt. Binato nya iyon sa kama ko. Tumama
iyon sa mukha ko. "Lalabas ako, magpalit ka muna."
Ano? Eh ni ayoko na ngang bumangon. Baka mamaya na lang ako magpalit, kahit na ang
init-init na ng suot kong PE uniform. "Ayoko.."

"Tsk! Ang tigas ng ulo mo." Aniya sa naiinis na boses. Ngayon ay nagtataka ako kung
bakit ang mainipin na si Pierce ay pinagta-tyagaan ako. "Kung pwede sana kitang
bihisan, ginawa ko na." Nakita ko ang seryosong titig mula sa mata nya. "Now you
don't want that.."

Nang tignan ko sya ay seryoso nga talaga ang mukha nya! Pinilit kong umupo sa kama
at narinig ko na lamang ang mahinang tawa nya at medyo nakataas na labi nya. "Oo na
ako na.."

Ngumisi syang muli sa sarili nya bago umalis at lumabas ng kwarto. Palagi yatang
nakangiti ang lalaking yun?

Nang matapos akong magpalit ay lumabas na ako ng kwarto kahit na mukhang bubuwal
lang ako.

"And then?" Tanong ni Pierce. Mukhang tamad syang nakikinig sa kausap nya sa phone.
"Mom, I don't have more time. Nasa school nga ako." Kumamot sya sa ulo nya. "I'm
telling you, nasa school ako. And my friend is sick that's why I'm asking.."

Lumapit akong lalo pero hindi nya ako napansin.

"Hindi ko sya pwedeng dalin ng clinic. Just tell me how to take care of a sick
person. Mom.. sht, ang kulit." Naaamoy ko na na malapit nang mawala ang pasensya ni
Pierce sa kausap nya.
Napakunot ang noo ko. Ang bibig talaga nitong si Pierce oh..

"Med? Then?" Tanong nya. Napatingin sya saakin. "Ah-- fine. Whatever, I'm ending
this call. Yeah, bye."

Pinatay nya ang phone nya at napatingin saakin ulit. "Ganun ka ba talaga makipag-
usap sa mommy mo?" Tanong ko.

Nakagat nya ang labi nya at lumapit saakin. Tinuro nya ang sofa namin. "Sit." Utos
nya at may nakahanda ng gamot at tubig sa mini table namin. "Inumin mo yan."

Sinunod ko sya kahit na ayokong uminom. Hindi ko alam kung ako lang ba yung taong
natatakot uminom ng tablet. Tss.

"Nagcut ka ba talaga? Totoo bang may vacant?" Tanong ko sa kanya.

Umupo sya sa kabilang sofa na nasa gilid ko. "Fck!" Bulong nya at napahawak sa
batok nya. "Tumakas ako sa guard and then, yes.. nagcut nga ako." Sabi nya habang
sa TV namin nakatingin kahit hindi naman nakabukas yun.

"Wow, Pierce. Wow." Umirap pa ako at sinandal ko ang ulo ko sa sofa at pumikit.
"Bakit nagka-cut ka na naman?"

Tahimik lang sya. Hindi sya sumasagot. Nang dumilat ako ay nahuli ko syang
nakatingin. Nag-iwas agad sya. "Well, it's kinda boring. At, naipasa ko na yung
report mo."

Napabuntong hininga ako muli. "Pierce, dapat last mo na yun. You should keep your
promises! Diba nagpromise ka saakin dati na hindi ka na magka-cut?" Galit na sabi
ko.

Nakatitig sya saakin habang nakakunot ang noo. "At least I have a reason."

"Kung magka-cut ka, dapat importante lang talaga. Dapat yung kailangan mo lang
talaga.  Yung may magandang reason ka naman.." Suminghap ako at napahawak sa gilid
ng noo ko para kahit papaano ay mawala ang sakit nun.

"I'm..." Lumunok sya at pinaglaruan nya ang singsing sa daliri nya. "Worried..."

Natahimik ako doon. Hindi rin nya iyon nadugtungan at para bang tuluyan na syang
natahimik.

"Nagpasundo ako ng food sa driver ko." Sabi nya at tumingin sa relo nya. "Ang
payat-payat mo ta's hindi ka pa nagkakakakain. Tss.. look at your body."

Ngumuso ako. "Ano na naman? Wala namang mali saakin ah? Hindi ako payat."

Umirap sya. "Oo na. Pumunta ka na sa kwarto mo. Susunod ako." Umirap sya saakin.
"Hindi ko naman kasi sinabing sumunod ka dito. Masyadong mainit pa dito." Sabi nya.
Tss, porket nasanay sya na centralized ang buong bahay nila eh.
Pinanuod lang ako ni Pierce na pumasok muli sa kwarto ko.

Hindi nagtagal ay pumasok na rin si pierce sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang
iPhone nya sa bulsa ko at inabot ko na sa kanya dahil baka magalaw ko pa iyon. Ano
nga ulit ang password? 2477? 2387? Ah ano nga ba ulit?

Nagvibrate ang phone ko na nasa bedside table ko. Medyo malayo ako doon, nakita
naman iyon ni Pierce at sya na ang kumuha.

Ewan ko ba kung bakit ni hindi man lang sya nahihiya na tignan ang screen ng
cellphone ko sa harap ko. Talagang bulgaran nyang chineck kung sino ang nagtext.
Kumunot ang kilay nya. "Nagtetext parin sayo si Kharl?"

Nanlaki ang mga mata ko. Si Kharl ang nagtext?... Nagtext si Kharl?! Ano naman kaya
ang text nya? Kung ano-ano agad ang pumasok sa utak ko.

"A-akin na nga yan, Pierce!" Sigaw ko sa kanya.

Ihinagis nya ang phone ko sa kama at tumalbog iyon kaya akala ko ay mahuhulog pa.
Sinamaan ko ng tingin si Pierce na umirap pa saakin. Binagsak nya ang katawan nya
sa single seater sofa.

Nakita kong nakabukas na ang message at sigurado akong nabasa na iyon ni Pierce.
Nang tignan ko sya ay nakatingin lang sya sa bag nya. Hindi ko alam ang iniisip
nya. Bigla lang may nagdoorbell at tumingin sya saakin.
"Baka yung driver ko na." Sabi lang nya na hindi tumitingin saakin at lumabas na ng
kwarto ko.

Hinabol ko pa ng tingin ang nagsusungit na si Pierce hanggang makaalis sya.


Tumingin ulit ako sa phone ko.

From Kharl:

I heard from loraine na may sakit ka. Ayos ka lang ba jade?

Kumunot ang noo ko sa text nya. Nag-usap sila ni Loraine? At Jade talaga huh?

To Kharl:

Nagkausap kayo?

Hinintay ko syang magreply habang hinihintay ko ring pumasok muli si Pierce.


Nagvibrate ang phone ko.

From Kharl:

Kinausap ko sya. Nakita kong mukhang may sakit ka. Ayos ka lang ba?

Napanguso ako. Bakit nagtetext sya saakin? Oo nakakatuwa na nagtetext sya at


mukhang nag-aalala.. pero para saan? Para paasahin ako?
To Kharl:

Wag ka na magtext.

Habang nagta-type ako ay pumasok si Pierce na seryoso habang may dalang mga
pagkain. Nang maamoy ko iyon ay doon ko lang naramdaman ang gutom. Inilapag nya ang
pagkain sa table. Umupo sya sa dulo ng kama ko.

Nagvibrate muli ang phone ko. Wala bang ginagawa itong si Kharl? Nagtetext na naman
ba sya sa gitna ng klase?

From Kharl:

Such a meanie. :) Get well soon.

Napangisi ako sa text nya. Biglang gumaganon itong si Kharl. Akala yata ay makukuha
nya ako sa mga ganun nya. Siguro gusto nyang may naghahabol sa kanya. Siguro nga
mahal ko sya-- o minahal, pero hindi ako magpapakatanga.

Minsan naman ay kaya mong itago ang pagmamahal mo, minsan kailangan mong maglihim
para rin sa sarili mo. Hindi mo kailangang ipakita ang totoo mong nararamdaman.
Kung nasaktan ka, tama na yun. Hanggang doon na lang. Wag mo na syang pilitin na
bumalik sayo. Pagmumukain mo lang tanga ang sarili mo. Hindi ka nya babalikan,
dahil una sa lahat, iniwan ka nya hindi dahil sa gusto nya lang o babalik rin sya,
kundi dahil hindi lang talaga ikaw yung gusto nya.

Masaklap, oo. Pero matatanggap mo rin naman sa huli. Hindi mo pwedeng


ipagsisiksikan yung sarili mo sa isang bagay na matagal nang merong ibang laman.
Nag isip ako ng sasabihin kay Kharl. Namiss ko yung mga text nya saakin dati pero
hindi sa punto na gusto ko ulit iyong ibalik.

Nagulat ako nang biglang kuhanin saakin ni Pierce ang phone ko.

"No phone. May sakit ka." Hinagis nya ang phone ko sa single seater kong sofa.
Mabuti ay hindi bumagsak! "Eat first."

Napabuntong hininga ako at napatingin sa phone kong nasa malayo. Sa itsura ni


Pierce ay imposibleng ibalik nya iyon sa akin kahit na magmakaawa ako.

Pinagkibit balikat ko na lamang iyon. Wala na rin naman akong balak pang replyan si
Kharl.

Kumain ako habang sya naman ay nanunuod ng TV  sa kwarto ko. Minsan ay tumitingin
sya saakin para yata icheck kung kumakain talaga ako.

"Pierce, ayaw mo bang kumain?" Tanong ko.

"I'm not hungry." Sagot nya lamang. Nanunuod sya ng One Piece.

Napatango ako. Pareho sila ni Sam ng itsura kapag nanunuod ng TV. Bakit ba mahilig
ang mga lalaki sa mga ganyang palabas? Si Kharl ay mahilig din manuod ng One Piece.
"Hindi ka ba hahanapin sa inyo nyan?" Tanong ko, kumakain parin. Sana ay hindi ko
ito isuka mamaya.

"Maaga pa." Simpleng sabi nya. Nakatutok parin sa TV ang mga mata.

Napa "Ahh.." na lang ako. Naramdaman ko ang antok. Kinusot ko ang mga mata ko.
Inaatok ako kahit puro tulog lang naman ang ginagawa ko. Ganito ako kapag may
sakit. "Pierce inaantok ako..." Sabi ko sa kanya. Sumakit na naman ang ulo ko.

Lumingon sya saakin. Agad naman syang tumayo mula sa panunuod. Lumapit sya sa
pwesto ko, napatitig na naman ako sa kanya na nakasuot parin ng PE uniform. 

No one can be this attractive in a PE uniform!

Nagulat ako nang kinuha nya ang babasaging plato na nakapatong sa kama. Natauhan
naman ako at inabot ko rin ang iba ko pang kalat. Sinabi ko lang naman na inaantok
ako pero hindi ko naman sinabing iligpit nya ang nga pinakainan ko. Sumosobra na
yata ako. He is spoiling me.

"A-ako na, Pierce. Nakakahiya sayo..." Sabi ko at inaagaw ang baso.

"Just rest." Sabi nya at hinipo muli ang noo ko. Tumalon ang puso ko sa simpleng
ginawa nya na iyon. Hindi ko mapigilang ngumiti. "Are you feeling better?"
Tumango ako kahit na sa totoo lang ay mas palala palang ito ngayon. At ayoko nang
makita nya ako sa ganoong lagay.

Nang matanggal ang mga pinagkainan kong nasa kama kanina ay humiga na ako ng
tuluyan.

Humiga ako at hinala ang comforter. Nanlaki ang mata ko nang lumapit sya saakin.
Ang kanyang magandang braso ay kitang kita ko habang hinihila nya comforter para
saakin. Ilang inch lang ang layo ng mukha nya saakin at tanaw ko na naman ang
napakagandang labi nya.

"Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi? Ayos lang ako dito. Baka gabihin ka pa.." Sabi ko at
pinanuod syang ayusin ang comforter saakin. Hindi sya tumitingin saakin pero
napapatingin ako sa leeg nya kung nasaan ang adam's apple nya.

Bakit ganun, bakit pati ang leeg nya ay nagiging attractive? --What the?

"I'll stay here." Aniya at dumiretso na ng tayo ng maayos na ako.

"Pwede ka nang umalis, Pierce. Ano ka ba? Paano si mommy mo? Magaalala sayo yun..."
Pagkukumbinsi ko kahit na nakasulat naman sa mukha nya na hindi sya susunod saakin
ngayon.

"Paano ka?" Hindi iyon patanong. Para bang sinasabi nya saakin na may mangyayaring
masama kapag wala sya dito.
"I'm fine here. Ilolock ko naman ang mga pinto." Pagkumbinsi ko pa.

5:30 PM na nang tignan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Hindi pwedeng


gabihin si Pierce dito. Nakakagalitan kaya sya ng mommy nya sa ganitong bagay?
Umuuwi kaya sya sa bahay nila ng maaga? Pati kaya ang pagkawala nya sa bahay ay
malaking problema sa mommy nya?

Gaano kaya kabait si Pierce bilang isang anak?

"Just sleep, Princess." Final na ang tono ng boses nya. Hindi sya aalis.

"Pero Pierce... please umuwi ka na. Baka magalit pa ang mommy mo."

"Who cares if she'll get mad? You need me here." Napahawak pa sya sa batok nya.
Nakagat nya ang labi nya at gumapang ang daliri nya sa kilay nya. "...so I'll
stay."

Bumigat ang paghinga ko. Napatitig lang ako kay Pierce na... batang-bata pa ang
dating saakin. Ang alam ko ay matanda lang sya ng months saakin, I don't know. Para
syang batang may crush?

"O-okay..." Sabi ko na lang. Pierce can't like me. O kung sa tingin man nyang gusto
nya nga ako ay nagkakamali sya. Maybe he only likes me because I am always with
him. Ako itong palagi nyang nakakasama.
Pero bakit ganun? Bakit parang may gusto talaga sya saakin? Nag-aasume ba ako?
Ayokong mag-assume pero sa nakikita kong concern na kilos nya ay mukha nga syang
may gusto saakin.

Hindi ko type ang mga katulad nya. Yung tipong misteryoso, cold at snob. Gusto ko
yung lalaking masiyahin at hindi masungit. Yung friendly at makulit. Yung lalaking
palagi akong kakausapin at itetext. Pasisiyahin at hindi papoproblemahin.

Sya yung lalaki na pinaka-opposite ng ideal guy ko. Though madaming nagkakagusto
talaga sa kanya, pero iba ako doon. Kasama parin ako sa kaunting bilang ng tao na
mas attracted sa lalaki na kaya kang pasiyahin, hindi yung kaya ka lang pakiligin.

Nang makalabas si Pierce ay nakatulog rin agad ako habang iniisip sya. No... hindi
si Pierce yung tipong nagkaka-crush diba? Hindi nya ako gusto. Hindi ako. Madami
magaganda na nagkakacrush sa kanya sa school. Walang special saakin para magustuhan
nya ako.

Paminsan-minsan ay nagigising ako. Paudlot-udlot ang tulog ko. Pagtingin ko sa


orasan ay 8 PM na. Sa bawat paggising ko ay nadadagdagan ang sakit ng ulo ko. Kung
ano-ano pang weird na panaginip ang napapanaginipan ko. Ayoko talaga ng
nagkakasakit!

Sa tingin ko ay nakauwi na si Pierce. Imposible namang naandito parin sya.

Medyo umupo ako. Madilim ang buong kwarto. Hilong-hilo akong tumayo para buksan ang
ilaw.

Nanlaki ang mata ko nang nakakita ng matangkad na lalaki na nakasandal sa sofa at


nakapikit. Tinitigan ko sya. Ang mahaba nyang bias ay hindi magkasya doon kaya
naman nakaupo sya habang natutulog. Naawa tuloy ako sa kanya. Bakit ba nandito pa
sya?

Ang ma-gwapo nyang mukha ko ay kitang-kita ko. Mula sa napakaganda nyang kilay,
patungo sa perpekto nyang ilong... at ang paborito kong parte ng mukha nya, ang
labi nya. Maputi sya at kitang-kita iyon lalo na kung bababa ang tingin mo sa leeg
nya. 

Napakapayapa ng mukha nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito dahil palagi lang sya
nakadukdok kapag tulog sa room.

Dumilat sya at napapikit ulit. Tinakpan nya ang mata nya dahil sa sinag ng ilaw.

"Kanina ka pa ba gising?" Namamaos ang boses nya. Halatang galing talaga sa tulog.
Ang magulo nyang buhok ay medyo tumatakip sa mga mata nya.

Maganda kung papaputulan nya ang buhok nya para mas malinis tignan. Medyo mahaba
kasi iyon at natatakpan ang tuktok ng tainga nya. Pero kasi... bagay rin sa kanya
ang buhok nya ngayon. Messy hair, at nakakadagdag talaga sa kagwapuhan nya.

Bakit kaya ayaw nyang ipaputol ang buhok nya? Akala ba talaga ng mga lalaki ay mas
hot sila kapag pang badboy ang buhok nila? Kunsabagay, gwapo naman talaga si Pierce
kahit anong buhok nya.

Umiling ako. Wala na akong oras para pagalitan pa sya. Kailangan kong pumunta sa CR
para magpalit ng pad. Buti ay may sarili akong CR sa kwarto. "Banyo lang ako."
Nagtuloy-tuloy ako sa CR. Nakagat ko ang labi ko nang wala na akong nadatnang pad
dito sa loob. Nasa labas iyon, sa kwarto ko. Ang problema ay... natanggal ko na ang
pad ko at hindi na ako pwedeng lumabas.

Hiyang-hiya man ako ay wala na akong magagawa. Kailangan ko nang tawagin si Pierce.
"Pierce..." Medyo sumigaw ako para marinig nya. 

Narinig ko ang mga yapak nya papalapit. "What is it, Princess?" Tanong nya. Malapit
ang boses nya dito sa CR.

"Pwedeng ano..." Huminga ako ng malalim. Wala namang masama kung uutusan ko si
Pierce na kuhanin ang napkin ko, diba? Wala naman. "Pwedeng... pakuha yung.. yung
ano. Yung napkin ko?"

Sandaling walang sumagot saakin. Pero narinig ko rin ang pagtikhim nya. "N-nasaan
ba?"

Napabuntong hininga ako nang sa wakas ay sumagot sya. "Dyaan lang sa gilid ng
closet ko. Sa itaas."

Narinig ko syang naglakad papalayo. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik sya.


"Where exactly, Princess?"

Hindi nya nakita. Mas lalo akong na-aawkward dahil hindi nya makita. "Sa taas ng
drawer?" Nanlaki ang mga mata ko nang maisip ko na wala na akong napkin! Wala nga.
Sht. Sht. Nalimutan kong magpabili kay mama! Sht. Hindi pwede. Dapat meron.
"Wala Princess..." Sabi nya lang.

Gusto kong maiyak sa kahihiyan. Anong gagawin ko ngayon? Natahimik lang ako sa
loob. Sumasakit na ang ulo ko. Nakakainis. Bakit kasi sumabay pa itong mens ko sa
sakit ko?

"Ahh.." Narinig ko si Pierce sa labas na pakiramdam ko ay hindi na rin alam ang


gagawin. "What, Princess? Do you want me.. to buy..."

Nakagat ko ang labi ko at nanlaki ang mata. Napahawak ako sa buhok ko sa sobrang
kahihiyan. Ibibili ako ni Pierce? No way! Hindi ito totoo. Mapapahiya sya, at...
at... hindi! Alam kong hindi nya kayang gawin yun!

Pero tinanong nya ako. Ibibili nya raw ako!

Wala na akong nagawa ulit. Alangan naman na mahiya pa ako ngayon at sabihing 'hwag
na.'? Syempre kailangan ko munang ilunok yung kahihiyan ko sa ngayon.

"Ayos lang ba?" Maayos na tanong ko pero naghuhuramentado na ako dito.

"Saan ba nakakabili nun? Do I need to go to convenience stores?" Nag-aalalang


tanong nya.

"H-hindi. Sa labas naman, sa mga tindahan meron. P-pag ano.. pag lumabas ka sa
bahay namin maglakad ka lang ng diretso sa kanan... may makikita kang tindahan
doon. Doon ka bumili." Sabi ko lang sa kanya. Ahhh! Nakakahiya itong ginagawa ko!
Sasabihin ko sana na kumuha sya ng pera doon sa wallet ko na nasa taas rin ng
drawer nang bigla syang nagsalita. "Okay. Wait for me."

Nagdasal ako habang wala si Pierce. Ewan ko ba kung bakit. Sana walang makita sa
kanya sa labas. Sht. Nakakahiya. Isipin mo na lang na bumibili ng pad ang isang
lalaki. 

Wala pang limang minuto ay nakabalik na si Pierce kumatok sya sa pinto ng CR.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa bowl at binuksan ng kaunti ang pinto sapat lang para
makita kung may dala sya. Tanging kamay lang ni Pierce ang nakita ko pati ang hawak
nyang plastic.

Natawa ako ng mahina. Sht. So adorable.

Pagkatapos kong magpalit ng pad ay lumabas rin ako. Nakita ko syang nakaupong
naghihintay habang hinihilot ang gilid ng noo nya. Nang marinig nyang bumukas ang
pinto ay umayos sya ng upo at tumingin saakin.

"Sorry kung pinabili pa kita." Punong-puno ng guilt ang boses ko. "Napahiya ka pa
tuloy.."

Kumunot ang kilay nya na para bang hindi nya naintindihan ang sinasabi ko. "That's
nothing, Princess."

Napalunok ako. Siguro ay hiyang-hiya sya kanina. Kahit si Samuel na kapatid ko ay


never pa akong sinunod na ibili ng pad.
"Sorry talaga." Sabi ko at nagtuloy-tuloy sa drawer para kuhanin ang wallet.

"Okay lang ba yung binili ko sayo?" Seryoso at malamig parin ang boses nya.
"Tinanong ako nung nagtitinda kung Whisper o Sisters..." Bulong nya na para bang
wala syang idea kung ano yun. "So I decided to buy both since iyon lang yung tinda
nya."

Napangiti ako. Natatawa na talaga ako. "Thanks, Pierce." Malumanay na sabi ko at


lumapit sa kanya para iabot ang pera.

"What's that?" Tanong nya na nakatingin sa pera ko na inaabot ko sa kanya.

"Yung bayad ko?" Sabi ko at kumunot ang kilay.

Tinabig nya ang kamay ko na para bang naiinsulto sya. "Aanhin ko yan? Tsss..."
Tumayo sya at umupo naman sa kama ko.

Napangiwi ako nang maalalang mayaman nga pala sila Pierce. Pero kahit na. Mahal ang
napkin ngayon. "Eh diba hindi ka naman binibigyan ng malaking pera ni mommy mo?"
Sabi ko dahil alam ko naman na maliit lang ang allowance nya mula sa mommy nya.
Ayaw pa kasing magtino, tch.

"I have money, okay?" Umirap sya saakin. Mukhang nagpipigil ng pagka-inis. "Anong
nangyari sa daliri mo?" Napatingin sya sa daliri ko na may sugat. Pinat nya ang
tabi nya. "Umupo ka dito..."
Sumunod ako at umupo sa may tabi nya. "Nabasag kasi yung baso kaninang umaga.
Nilinis ko kaya nasugat ako." Napabuntong hininga ako nang maalala ang baso. "May
lilinisin pa pala ako."

"Nalinis ko na." Sabi nya lang at literal na napasinghap ako nang hinawakan nya ang
kamay ko! Nakakahiya. Napasinghap talaga ako kaya tumingin pa sya saakin.

Hindi nya binitawan ang kamay ko. Sinuri nya lang ang daliri ko. Binitawan nya lang
iyon para kuhanin ang bag nya. Naglabas sya mula doon ng band-aid.

"Wow, talagang may dala ah. Ganun ba talaga kapag palaging napapaaway, Pierce?
Handamh-handa." Nagawa ko pang magjoke habang nilalagyan nya ng band-aid ang daliri
ko.

"Tss.." Sabi nya matapos ilagay ang bandaid. "Matagal na to dito, nung nasugat pa
yung pisngi mo. I didn't buy it for myself." Sabi nya at hawak parin ang kamay ko.
Pinsil-pisil nya na ang bandaid para ayusin.

Naalala ko naman yung oras na nasugat yung pisngi ko dahil binato ako ng ilang mga
babae ng itlog at nasugat iyon. Binigyan nya ako ng band-aid. At sinasabi nya
ngayon na kaya lang sya may band-aid sa bag ay dahil lang sa bumili sya para saakin
noon.

Why are you doing this to me, Pierce. Crush mo nga ata talaga ako. Please, hwag
kang ganyan. Baka kung crush mo lang ako, ma in love naman ako sa'yo. Mahirap na at
nasa stage palang ako na malapit nang makamove on at ang sabi nila, ang unang
lalaking magcomfort sayo, doon ka naman daw mahuhulog.
"At hindi na rin ako nakikipag-away ngayon." Sabi nya at tumingin diretso sa mata
ko habang hawak parin ang kamay ko. Para bang may ibig sabihin iyon.

Hinipo nyang muli ang noo ko.

"Bakit hindi bumababa ang sakit mo? What should I do?" Medyo nawawala na ang
malamig nyang mata. Para syang namomroblema sa isang bagay na hindi naman nya dapat
problemahin.

"Matagal talaga ako magkasakit, Pierce." Tumawa ako ng mahina. Mukha kasi syang
frustrated.

Nagbuntong hininga sya. Kinuha nya ang phone nya at nagdial doon. "Where's dad?"
Pinanuod ko lang sya. "Okay. Tell him, hindi ako uuwi ngayon. Hindi ako dyaan
matutulog."

Nanlaki ang mga mata ko doon pero hindi naman saakin nakatingin si Pierce. Busy at
seryoso parin sa kausap.

"Sht up, Klark. Go to hell." Iyon lang ang sinabi nya at binaba na ang tawag.

Tumingin sya saakin na para bang wala syang sinabing nakakagulat o mali. Na para
bang normal lang ang sinabi nya sa kapatid nya na hindi sya doon matutulog. At
syempre, dito sya matutulog! Para bang walang problema doon at ni hindi man lang
nya ako matanong kung okay lang ba saakin na dito sya makikitulog.

Hinintay ko syang magpaalam saakin na dito sya matutulog kahit na hindi ko naman
sya papayagan. Pero wala. Wala ni isang paalam.

"So, what food do you like for dinner?" Tanong nya. Nahuli ko pa ang pag ngisi nya
saakin.

=================

TKP 24

TKP 24

"Pierce... hindi ka nga pwede dito eh." Pangungulit ko sa kan'ya. Nakahiga ako at
s'ya ay nakatayo, dala-dala ang ice pack.

Umirap s'ya at inihagis ang ice pack saakin. Mabuti na lang ay nasalo ko! Grabe na
talaga ang lalaking 'to! Napakaharsh!

"Give me a reason why." Aniya sa bored na tono. Para n'ya akong hinahamon. Aba't--
magaling s'ya ah. Kanino bang bahay 'to?

"Pierce naman! Paano na lang kung malaman ni mama na nagpatulog ako dito ng
lalaki?" Inis na sabi ko. Lumabi pa ako para naman maawa s'ya saakin.

Wala talaga akong balak na patulugin ang Pierce na 'yan dito. Hindi s'ya pwedeng
matulog dito! Isa pa, hindi naman ako mamamatay kung walang magbabantay saakin eh.

Umirap s'ya. Nakakailang irap na s'ya ah! Sinimulan kong idikit sa noo ko ang hawak
na ice pack.
"Hindi naman malalaman kung hindi mo sasabihin." Bulong n'ya at umupo sa tabi ko. 

Nakagat ko ang sariling labi nang bigla n'yang inagaw saakin ang hawak kong ice
pack at s'ya na ang nagpatuloy sa pagdidikit nun sa noo ko.

Inalog ko sa utak ko ang mga iniisip. Simpleng ginawa lang ni Pierce ay nilalagyan
ko ng malisya.

Napanguso ako at pinigilang ngumisi. Nakatitig ako sa itsura n'yang medyo malapit
saakin. Seryoso s'ya sa ginagawa nya at ni hindi tumitingin sa mukha ko. Para
s'yang ingat na ingat.

"Paano kung may makakitang kapitbahay?" Tanong ko, nakatitig parin sa napaka-
inosenteng mukha n'ya. Bakit ang ganda-ganda ng hubog ng manipis na labi n'ya..
pati na rin ang kulay nun?

Nagbuga s'ya ng hangin, halatang naiirita na sa mga tanong ko. "Maaga akong aalis
bukas."

"Maaga ring na-gigising ang mga tao dito! Tapos, dala mo pa yung motor mo... Pierce
naman, ayokong ma-issue dito." Pangkukumbinsi ko sa kan'ya. "Isa pa, kay Klark ka
lang naman nagpaalam. Dapat sa mommy mo ikaw magpaalam!"

Gumalaw ang ulo n'ya na parang nagsasabing wala s'yang pakialam sa mga sinasabi ko.
Kinuha n'ya ang ilang hibla ng buhok ko na nagkalat sa mukha ko. Inayos n'ya ang
magulo kong buhok.. nakatitig lang ako sa kan'ya habang ginagawa n'ya iyon. 
"Shut it, Princess."

"Ayoko nga kasing ma-issue! Ano na lang sasabihin ng mga kakilala ko dito saamin?"
Gumalaw ang ulo ko para makita ko s'ya ng maayos.

Mula sa ginagawa n'ya ay tumingin s'ya sa mata ko habang hawak parin ang ice pack
na nasa noo ko. Nagtaka ako ng bigla na lang tumaas ang isang sulok ng labi n'ya.
Ngumisi s'ya! Kahit anong gawin n'yang ngiti ay gwapo parin s'ya!

"Sakin ka naman mai-issue, mahihiya ka parin?"

Napasinghap ako sa sinabi n'ya. Hindi ko aakalaing mag yayabang s'ya ng ganun! Alam
kong alam n'yang gwapo s'ya pero hindi ko aakalaing magyayabang s'ya ng ganun
ngayon.

"Kapal mo." Natatawang sabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagngisi n'ya. Medyo natatawa pa s'ya. "What?" Huminto na
s'ya sa ginagawa nya. "Admit it, Princess."

Ang kapal-kapal pala ng lalaki na 'to! Hindi ko inakala na pinagyayabang na n'ya


ngayon ang kagwapuhan n'ya. Psh. Ang kapal-kapal naman. Napangisi ako at may
naisip.
"Oo na... gwapo ka naman talaga." Seryosong sabi ko sa kan'ya. Pinanuod ko ang
naging reaksyon n'ya.

Tumigil sya sa pagngisi. Medyo nakaawang ang labi nya. Mula doon ay nakagat nya ang
ibabang labi at tumitig pa saakin. Malapit lang ang agwat namin dahil nakahiga ako
at sya naman ay nakaupo malapit sa unan ko at magkaharap kami.

Biglang namula ang mukha nya. Tumingin sya sa buong kwarto ko. Hindi na komportable
ang mga mata nya ngayon. Para bang bigla syang nawalan ng confidence. O, nasan na
yung yabang mo, Pierce? 

"Your room is way too girly." Pag-iiba nya ng usapan.

Napahagikhik ako! What the-- totoo talagang awkward sya kapag pinupuri ko sya!
Kapag saakin nga lang ba? Paano kaya kapag pinupuri rin sya ng iba naming
classmates? Mga babaeng friends nya? Nahihiya rin kaya sya? Gusto ko ulit makita
ang reaksyon na iyon!

"Ano namang girly sa kwarto ko? Pierce?" Nakangiti parin ako ng makahulugan sa
kanya. Nanunudyo rin ang boses ko, dahilan para hindi sya makatingin saakin. Crap
Pierce! Just stop being so damn adorable!

"I don't know. It's creepy. Masyadong pink." Tumayo sya at tumalikod saakin,
kunwaring tinitignan nya ang mga pictures na nakasabit.

Tumawa lang ako ng tumawa. Hindi nya ako nililingon. Tumigil lang ako sa pagtawa
nang hindi na sya nagsasalita at nakatingin lang talaga sa mga pictures.
"Pierce, sure ka bang dito ka matutulog?"

Humarap syang muli. Namumula sya. Para syang nakagat sa kung saan. "Yes. How dense
are you Princess?" Inis na yata sya dahil tanong ako ng tanong. "Di mo ba alam na
gabi na? Delikadong mag-isa sa bahay. Damn. You're so irritating."

Napanganga ako. Wala talaga syang balak umuwi sa bahay nila."Saan mo gusto
matulog?"

Tinuro nya ang sofa sa kwarto ko. "Doon."

Kumunot ang noo ko. "Doon ka na lang sa kabilang kwarto. Kwarto iyon ng kapatid ko,
ni Sam, malinis doon ngayon."

"I don't want to. It's your bro's room. He might get mad at me." Sabi nya at
napahawak sa batok nya. Umupo sya sa sofa.

Napanganga ako. Seriously? Iniisip nya iyon? Totoo ba ito? Ang alam ko ay wala
naman syang pakialam sa ibang tao, maliban sa sarili nya? Bakit ngayon ay biglang
nagkaroon? Ano naman kung magalit ang kapatid ko sa kanya? Mas mahalaga pa ba sa
kanya ang feelings ng kapatid ko kesa sa pagtutulugan nya ngayon?

"Hmm.. kung malalaman nya?" Sabi ko. "Well... wala sya dito ngayon so free mo iyong
magagamit."
"I don't--"

"Bahay ko ito, ako ang masusunod." Matigas na sabi ko sa kanya. Hindi ko ata sya
kayang patulugin sa maliit kong sofa dahil mahihirapan sya. Kung titignan lang kung
gaano sya katangkad.. napailing ako.

Bandang huli ay napapayag ko rin si Pierce. Sa kabilang kwarto sya natulog.


Nagising ako at naramdaman ang uhaw. Nakita kong may isang baso sa bedside table
ko. Napangiti na naman ako. Ang sarap naman magpa-alaga sa isang Pierce Jimenez.

Ininom ko iyon at tumingin sa dingding para sana tignan ang oras pero madilim ang
kwarto at tanging kakarampot lang ng ilaw ang meron dito.

Kinuha ko ang phone ko na nasa tabi naman ng baso kanina. 1:00 AM na. May nakita pa
akong dalawang text doon. Mula kay Kharl at Pierce.

Inuna kong buksan ang kay Kharl.

From Kharl:

Okay ka na ba?

Natigilan ako at kumunot ang kilay ko. Bakit ba napapadalas ang pagpaparamdam ni
Kharl? Ano ba talagang nangyayari sa kanya? 10:00 nya pa iyon sinend. Bakit kaya
sya text ng text? Totoo bang.. gusto nya ako?
To Kharl:

Bakit ba text ka ng text?

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa text ni Kharl. I admit, I really feel
happy, pero nakakalungkot rin dahil alam kong gumaganyan lang sya dahil wala syang
pag-asa kay Elaine. So ano naman iyon? Second option ako, ganun?

From Pierce:

You sleeping?

12:00 pa nya iyon text. Talagang nagtatanong pa sya ah? Eh nasa kabilang kwarto
lang naman sya.

Tumagilid ako para makapagtext ng maayos. Kahit alam kong tulog na sya ay
magrereply parin ako.. pero sana ay gising pa sya.

To Pierce:

Nagising lang ako. Susubukan ko ulit matulog.

Ilalapag ko na sana ang phone ko nang magvibrate iyon. Nakagat ko ang labi ko nang
makita ang pangalan ni Pierce. So gising sya. Gising pa sya ng ganitong oras?
Well...

From Pierce:
Okay

Hindi siguro uso yung mahabang reply kay Pierce? Nagtext agad ako sa kanya kahit
masakit sa mata ang ilaw galing sa phone.

To Pierce:

Bakit gising ka pa?

Hindi rin nagtagal ay nagreply na sya.

From Pierce:

Cant sleep. May iniisip ako

Napanguso ako at nag-isip ng pwedeng ireply sa kanya. Hindi naman na ako inaantok.
Gusto ko syang kausap pero ayoko syang pumunta dito ngayon.

To Pierce:

Hmm.. pwedeng malaman?

Nilagay ko lang ang phone ko sa taas ng dibdib ko dahil hindi sya agad nagreply.
Medyo natagalan sya ngayon. May katext kaya syang iba?
Tumitig ako sa madilim na kwarto. Ano kayang ginagawa ni Kharl ngayon? Siguro tulog
na. Iniisip nya kaya ako kanina?

Naputol ang pag-iisip ko nang magvibrate ang phone ko. Agad ko iyong tinignan.

From Pierce:

Di pwede :)

Napanganga ako sa text nya. Kumurap-kurap pa ako. The hell? Ano kayang iniisip
nito?

Pierce.. si Pierce na gising at nasa kabilang kwarto. Si Pierce na inalagaan ako at


nagtyaga saakin. Bakit Pierce? Para saan? Hindi mo naman ginagawa to kasi trip mo
lang, diba? Posible ba talagang gusto mo ako?

Bakit hindi sya namamansin ng ibang babae? Bakit ako lang? Bakit sa lahat ng
babaeng nagpapapansin, ako ang pinapansin nya? Bakit ako at hindi sila Victoria?
Bakit hindi nya gusto si Elaine? I mean.. hindi ko naman alam kung gusto nya si
Elaine dahil wala naman akong alam doon. Ang alam ko lang ay magfriends sila dati..
so wala akong alam sa feelings ni Pierce para kay Elaine.

Posible kaya? Posible kayang may gusto rin si Pierce kay Elaine? Gusto kong
malaman. Hindi ko pa sya nakakausap tungkol doon. Masyadong tahimik si Pierce at
sya ang tipo ng tao na hindi mo madaling malalaman ang mga iniisip.

Nakakainis ka Pierce. Masyado mo na akong pinag-iisip. Kung gusto mo ako, sasabihin


mo naman diba? Kaso hindi eh. Minsan nga masungit ka pa sakin-- madalas pala. So
paano ka magkakagusto saakin?

Ahhh!! Ang ilusyunada na naman ng malanding utak ko! Natagalan tuloy ako ng reply
kay Pierce.

To Pierce:

Matulog ka na nga. Akala ko ba bawal akong magtext kasi may sakit ako?

Sana hindi na lang sya magreply. Si Pierce kaya yung tipo ng tao na pa-fall? Yung
tipong papa-in love-in ka tapos ay hindi ka naman pala gusto at hindi ka sasaluhin?
Sana ay hindi. At sana aware sya kung anong ginagawa nya. Pinapa-fall nya ako.

From Pierce:

Bawal magtext sa iba.

Muntik na naman mapilas ang labi ko sa pagngiti. Sht Pierce. Bumabanat ka ba, o
simpleng text lang iyan galing sayo? Nakakainis ka talaga. Hindi ko malaman kung
ano ba talaga.

Bago ako magreply ay nagtext ulit sya.

From Pierce:

Matutulog ka na? Pwede ba ako sa kwarto mo?


Nanlaki ang mga mata ko. Hindi! Masyado na akong kinikilig para pumunta pa sya
dito! Agad akong nagtype. Habang nagtatype ako ay biglang nagvibrate ang phone ko
ng matagal at pangalan ni Kharl ang lumabas. Tumatawag sya!

Tumatawag si Kharl. Tumatawag ang ex ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sasagutin ko ba? Hindi ko alam. Bakit sya
tumatawag ng ganitong oras? Bakit gising ang mga tao ngayon ng ganitong oras?

May kung anong pumasok sa kokote ko at sinagot ko ang tawag nya.

Huminga muna ako bago magsalita. "Kharl." Panimula ko.

"Princess..." So tinatawag na naman nya ako ngayong 'Princess'.

Tahimik lang ako at hindi nagsasalita. Mukhang naghihintay rin sya na magsalita
ako. Mahabang katahikan ang bumalot.

Narinig ko ang pagbuga nya ng hangin sa kabilang linya. "How are you? Are you
alright?"

"Bakit gising ka parin?" Tanong ko sa kanya. Hindi sinasagot ang tanong nya. Wala
syang karapatan para tanungin ako kung okay ako.
Nakakainis ka Kharl. Bakit ka nagtetext at tumatawag saakin gayong may iba ka
namang pinopormahan? Tss!

"Wala namang pasok bukas.. at may mga iniisip lang. Hindi ako makatulog eh."
Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

Napataas ang kilay ko. So?

"Okay. Ibababa ko na to kung wala ka nang sasabihin." Sabi ko sa kanya.

"Don't." Medyo lumakas ang boses nya na para bang natatakot na ibaba ko na agad ang
phone. "Mag-usap muna tayo... katulad lang nung dati? Entertain me. I'm bored..."
He chuckled.

Natawa ako ng mahina sa sinabi nya. Ang kapal lang ah? Mag-usap? Dahil bored sya?
Edi si Elaine ang tawagan nya! "Para saan? Hindi naman tayo."

Tumikhim sya. "Hindi ba tayo pwedeng mag-usap dahil magkaibigan tayo?"

Tumaas ang dugo ko sa sinabi nya. Kaibigan? Sinong gina-gago nya?

"Cut the bullsht, Kharl. Anong kailangan mo, huh? May pustahan ba ulit kayo? Ano?"
Sunod-sunod na tanong ko. Nararamdaman ko ang gilid ng mata ko na nag-iinit. Peste
naman Kharl.

"Tss.." Narinig ko sa kabilang linya. "Hindi mo parin ba ako napapatawad,


Princess?"

Natawa na lang talaga ako. "Tangina mo, Kharl." Naramdaman ko ang luha sa mga mata
ko. Bakit ba nakikipag-usap pa ako sa lintik na lalaking to?

"I'm sorry. Matagal na akong nagsosorry, Princess."

"I know, Kharl! Pinapatawad na kita kaya please lang wag mo na akong guluhin!
Nakakainis ka na! User ka. Tigilan mo na ako. May iba ka na diba? Ano ayaw ba sayo
ni Elaine kaya ka bumabalik saakin? Huh? I like someone else, Kharl! Hwag mo na
akong guluhin!" Sinabi ko iyon para hindi na nya ako tignan bilang nakakaawang ex
na iniwan nyang mag-isa.

Tahimik lang sya sa kabilang linya. Napakahabang katahimikan lamang. Tulo ng tulo
ang luha ko pero hindi ko iyon pinaparinig sa kanya.

"I miss you." Mahinang sabi nya. "Please don't like someone else..."

Tuluyan nang sumakit ang puso ko. Sobrang bilis ng tibok nun at parang nagwawala
iyon sa loob. How could you make me feel this way, Kharl? How could my heart
flutter with so much happiness when you're not even trying? How could you make me
feel so in love when you're just hurting me?
"Ibababa ko na to, Kharl." Sabi ko sa matinong boses.

"Princess..." Nakikiusap ang boses nya. "Hindi mo ba ako namimiss?" Pahabol na


tanong nya.

"Bye, Kharl." Sabi ko lang at pinindot ang end.

Tinitigan ko lang ang phone ko pagkatapos ng tawag. "Why am I still in love with
you?" Naibulong ko na lang sa gitna ng realization na.. wala eh. Si Kharl parin.

Girls love jerks. Girls love their exes who left them broken. Girls love the pain.
And I still love my ex boyfriend.

Napabuntong hininga ako sa nangyari. Tinawagan ako ni Kharl para sabihing nami-miss
nya na ako. Anong ibig sabihin nun? Ayaw nya rin akong magkagusto sa iba...

"That's it?" Anang malamig na boses mula sa isang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng isang matangkad ng bulto ng lalaki malapit
sa pinto. Medyo nakasandal sya sa dingding habang nakahalukipkip at sigurado akong
nakaharap sya sa direksyon ko.

"P-pierce? Akala ko ba nasa kabilang kwarto ka?!" Gulat na sigaw ko sa kanya.


Hindi ko makita ang mukha nya dahil madilim. Nakita ko lang ang pagtaas-baba ng
balikat nya.

"Kakapasok ko lang. You didn't tell me na may katawagan ka pala..." Malamig ang
boses nya. "Kaya pala ang tagal mong magreply."

"A-ano ka?" Tanong ko nang makitang buksan nya ang pinto.

"Matutulog. Mukhang ayos ka na ulit at nakikipagtawagan ka pa." Seryosong ang boses


nya at hindi na ako nakapagsalita dahil nakalabas na sya.

Napabuntong hininga ako at napasalampak muli sa kama. Sht, Pierce. Why? Bakit hindi
ko man lang narinig na bumukas ang pinto? Ano kaya ang naabutan nyang pag-uusap
namin ni Kharl?

Bakit hindi man lang sya nagsalita agad? At talagang pinakinggang nya kami ni Kharl
mag-usap?

Pagkalipas ng isang oras ay hindi parin ako makatulog. Iniisip ko si Pierce. Galit
sya dahil may katawagan ako. Ano kaya ang naabutan nya? Naabutan nya ba ang parte
na nagagalit ako kay Kharl? Siguradong naabutan nya yung nagsalita ako ng mahal ko
pa si Kharl dahil kakababa ko lang ng tawag nun!

So... galit nga sya dahil doon? He is... jealous. Nakagat ko ang labi ko.
Nagseselos sya kay Kharl?
Bumangon ako dahil tinatamad na akong humiga. Nakakasawa sa kama. Tulog na kaya si
Pierce? Malamang siguro.

Pumunta ako sa ref at kumuha ng mansanas doon. Uupo sana ako sa sofa nang makita ko
ang pintuan namin papuntang patio na nakabukas.

Kumunot ang noo ko. Nandoon si Pierce? Ang akala ko ba ay matutulog na sya?

Naglakad ako papunta doon at nadatnan si Pierce na nakasandal sa upuan namin habang
may hawak na sigarilyo sa isang kamay. Nakatalikod sya sa banda ko. Bumuga sya ng
usok mula sa labi nya habang nakatingala sa madilim na langit.

Dinala ako ng paa ko palapit sa kanya. Hindi nya ako tinignan kahit na naglikha na
ako ng ingay nang iusog ko ang bangko para makaupo.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko.

Tumingin na sya saakin ngayon. Nakatingin lang din ako sa kanya. Kumurap sya ng
isang beses at hindi na sya nakatingin saakin. Humigop ulit sya sa sigarilyo nya.
Hindi sya sumagot sa tanong ko. Hindi nya ako pinansin.

Nakagat ko ang labi ko dahil napahiya ako. Hindi nya ako pinansin.

Yumuko na lamang ako at tinignan ko ang daliri ko.


"Go to your room now, Princess." Malumanay ang boses nya. Galit sya.

Nang tignan ko ulit sya ay sobrang tahimik at cold ng mga mata nyang wala saakin
ang tingin. Ngayon ko lang napansin na iba na ang suot nya. Nakasuot sya ng puting
v neck, at knee length shorts. Saan nya nakuha iyon? Sigurado akong hindi iyon kay
Sam.

"Hmm.." Tumitig pa ako ng halata sa kanya para tumingin din sya pabalik, pero wala.
Hindi talaga mamamansin ang snob na ito. "Kapag natulog ka na rin."

Sumulyap sya saakin ng dalawang segundo at pa-irap rin syang nag-iwas ng tingin.
"Just sleep. Now." Malamig ang boses nya.

Seryoso ang boses nya. Nakakaintimida iyon at nakakatakot. Pero hindi parin ako
tumayo.

"Galit ka ba kasi tinawagan ako ni Kharl?" Tanong ko.

Hindi sya tumingin saakin. Hindi sya nagulat na tinatanong ko iyon. Mabagal na
tumaas-baba ang adam's apple nya. Para bang nahihirapan na sya.

"No."

Napasimangot ako sa sagot nya. Kailangan nyang umamin ngayon. Gusto kong umamin sya
na nagagalit sya kasi katawagan ko si Kharl kahit na halata naman na galit sya.
Gusto ko paring marinig iyon mula sa kanya.

"Galit ka ba dahil sinagot ko ang tawag nya?"

Ipinatong nya ako siko nya sa arm rest. Nakatitig na sya ngayon saakin. Kinabahan
ako bigla sa malalim na tingin nya.

"No.."

Pierce! Please, sabihin mong galit ka. Sabihin mo.

"T-then... G-galit ka ba kasi mahal ko parin sya...?"

Hindi ko rin inaalis ang titig ko sa kanya, kagaya nya. Well, this is awkward. Ano
bang makukuha ko kung malalaman kong galit nga sya? Hinintay ko parin ang sagot
nya.

Pumikit sya ng mariin at nag-iwas na ng tingin. 

"Kung galit nga ako dahil doon? May magbabago ba?" Sobrang lamig at sobrang hina ng
boses nya na hindi ko alam kung tama pa ba ang mga naririnig ko.

Natahimik ako doon. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot. Sht, Pierce.
"Wala." Sya na ang sumagot sa tanong nya. Narinig ko ang tunog ng ngisi nya.

Nakatingin na sya ngayon sa opposite side ng pwesto ko para lang hindi ako makita.
Nakahawak ang daliri nya sa labi nya na para bang hindi nya na alam ang gagawin
nya. Para syang napasok sa mundong wala naman syang kinalaman.

Hindi talaga nya ako tinitignan na para bang ayaw nya na akong makita. Nilagay nya
ang hawak na sigarilyo sa ash tray. "Matulog ka na."

Unti-unti akong nilalamon ng guilt dahil sa napakamalumanay nyang boses. Napayuko


na lamang ako at unti-unti nang umalis.

=================

TKP 25

TKP 25

Malungkot akong pumanhik sa kwarto ko. Hindi ko malimutan ang mukha ni Pierce, ang
kanyang seryosong mukha at malamig na mga mata. Ang boses nyang parang walang
pakialam pero sigurado ako na meron.

May gusto saakin si Pierce. Bakit saakin? Bakit sakin na may gusto pa sa iba?
Masaya ba sya kapag kasama ako? May mga special na ba kaming mga nagawa? Hindi ko
maintindihan kung bakit ako. Hindi ba't ako dapat iyong magkagusto sa kanya dahil
sya nga itong maraming ginagawa para saakin?
Pinilit kong makatulog kahit na si Pierce ang iniisip ko. Sana matulog na sya dahil
anong oras na. Pumunta sya dito para lang alagaan ako at sinasaktan ko sya.

Ano bang nararamdaman mo saakin, Pierce? Crush mo ba ako? Gusto? Ano? Hindi ko
alam. Hindi ko makuha ang idea na may gusto ka saakin. Baka naman akala mo lang
'yun dahil ako ang palagi mong kasama?

Napabuntong hininga ako. Gusto kong malaman. Gusto kong malaman kahit na wala naman
akong gusto sa kanya. Mamahalin ko kaya sya kung sasabihin nya saaking gusto nya
ako? Pwede kaya 'yun? Mada-divert kaya ang feelings ko?

"Hay..." Bumuntong hininga ako.

Pinilit kong makatulog at sa awa naman ng dyos ay nakatulog na ako. 8:00 ng umaga
ay nagising na ako. Tumayo ako. Nandito pa kaya si Pierce? Napahawak ako sa ulo ko
dahil sa biglang tayo.

Mamayang hapon ay sigurado akong naandito na sila mama. Siguro ay pa-byahe palang
sila ngayon pauwi.

Humawak ako sa pinto para sa alalay. Naramdaman kong medyo nawawala na ang sakit ng
ulo ko at medyo gumiginhawa na ako. Tumungo ako sa sala at nakitang wala doon si
Pierce.

Ang sabi nya kagabi ay maaga syang aalis kinabukasan. Hindi ko alam kung bakit ako
umaasang naandito parin sya.
Pumunta ako sa kwarto ni Samuel. Malinis ang kwarto at pati na rin ang mga unan ay
nasa dati nilang ayos. Naamoy ko ang mabangong pabango ni Pierce.

Nakagat ko ang labi ko nang mapagtantong walang Pierce sa bahay namin. Umalis na
sya. Anong oras pa kaya? Sumilip kaya sya sa kwarto ko bago umalis? Ginising nya
kaya ako para magpaalam pero masyado lang akong tulog?

Nasabunutan ko ang sarili ko.

Dapat ba akong magsorry sa kanya? Bakit naman ako magsosorry? Kasi tumawag si Kharl
at sinagot ko? Hindi naman yata... sapat na rason 'yun para magalit.

Lumabas na ako ng kwarto ni Sam at hindi ko isinara ang pinto para lumabas ang
hangin na may amoy ng pabango ni Pierce. Mahirap na at baka magtanong pa si mama.
Hindi naman sa natatakot akong sabihin, pero mas ayos na ito nang wala ng paliwanag
pa.

Pagpunta ko sa kusina para sana maghanda ng pagkain ay nakita kong may nakalagay sa
lamesa namin na mga pagkain ng in-order lang sa isang fastfood.

Agad akong pumunta doon. Pakiramdam ko ay maiiyak ako. Kahit na galit sya ay nagawa
nya parin akong isipin.

Hindi siguro mahirap mahalin si Pierce. Sana ay ganito na lang sya. Madaling
mahuhulog ang loob ko sa kanya, at sana kapag nangyari yun, sana ay totoong may
gusto nga sya saakin.
Napa-iling ako. Kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Pero malaki naman ang
posibilidad na gusto ako ni Pierce. Iyon nga lang ay baka crush nya lang ako.
Nakakatakot parin. Sa tingin ko ay hindi nya pa lubusang alam ang salitang Love.

Hinanap ko kung may note ba o ano sa gilid, pero wala. Napailing ako. I'm expecting
too much. Hindi na yata kaya ni Pierce yung ganun, though nag-eexpext ako na may
nakalagay na 'Good morning, don't forget to eat breakfast!'

Natawa ako sa naisip. Hindi siguro 'yon kaya ni Pierce.

Pagkatapos kong kumain ay tinignan ko ang cellphone ko. May text kaya si Pierce?

From Loraine:

Musta na pakiramdam mo?

Nagtype lang ako ng message kay Loraine. Naligo ako at nakatulog ako pagkatapos ng
textan namin. Wala paring text mula kay Pierce. Galit ba talaga sya saakin?

Hindi nya ba kakamustahin ang lagay ko ngayon?

Inabot ko ang cellphone ko. Hapon na at wala parin syang text. Hindi ko na natiis
at ako na ang nauna.

To Pierce:
Galit ka?

Umaasa akong mabilis syang magrereply pero wala. Lumagpas na ang sampong minuto ay
wala parin syang text. Madalas naman nyang hawak ang phone nya ah?

To Pierce:

Uy galit ka nga?

5 minutes..

10 minutes..

15 minutes..

Still... wala paring text mula sa kanya. Ang hirap naman magalit ni Pierce. Snob na
nga sya, lalo pa syang nangi-isnob kapag galit.

Kinabukasan ay medyo umayos na ang pakiramdam ko na medyo ikinagulat ko. Mabuti na


lang ay maagang nagsawa ang sakit ko sa akin ngayon, hindi kagaya noong mga sakit
ko dati. Ang akala ko ay hanggang Tuesday pa ang sakit ko. Makakapasok na pala ako
bukas.

Medyo nae-excite na akong pumasok. Gusto ko na kasing makausap si Pierce. Ni hindi


na nga nya ako tinetext. Tss. Ang sungit talaga nung lalaking yun.

"Hi Cess!" Dinalaw ako ni Loraine noong bandang hapon at may dala syang nga prutas
at pagkain. Sila mama naman ay nagtext saakin na malapit na sila.

Nagkwentuhan lang kami... at kinuwento ko sa kanya yung nangyaring pagpunta at


pagtulog dito ni Pierce. Noong una ay hindi sya naniniwala.

"Love na yan, Cess!" Humahagikhik na sabi nya. Magkatabi kami sa kama ko at


kumakain. "Grabe, hindi ko aakalaing nagiging concern ang itsura ni Pierce na iyon!
Kung tititigan kasi sya, para syang yelo. Ang lamiiig!"

"Love ka dyan.." Tinawanan ko sya. Umiling pa ako at sumilip sa cellphone ko kung


may text.

"Kung makatawa ka, parang hindi ka pa nai-in love!" Inirapan nya ako.

"Si Pierce naman kasi ang pinag-uusapan natin. Hindi siguro ako ang tipo nun.."
Sabi ko pa.

Umirap sya. "Bakit hindi? Manhid lang? Kaya nga pinuntahan ka nya dito at inalagaan
eh?"

Napabuntong hininga ako. Hindi ako naiintindihan ni Loraine.

"Na-appreciate ko iyon, Loraine. Pero kasi, paano kung crush nya lang ako? Ayokong
mag-assume at masaktan. Bata pa si Pierce, I mean, yes kasing-tanda lang natin sya
o mas matanda yata sya ng isang taon.. pero yung tipo nya kasing lalaki ay parang
yung ngayon pa lang namumulat?" Ni hindi ko malaman kung paano ko ipapaliwanag.
"Paano kung ginagawa nya lang 'to dahil akala nya ako yung... yung first love nya?
Pero hindi pala dahil akala nya lang iyon? Naiintinidhan mo ba point ko?"

Ngumiwi sya saakin at nag-isip.

"May masama ba kung ita-try mo?" Kunot noong tanong nya.

Napabuntong hininga ako. "Hindi naman kailangan na palaging i-try ang lahat. Kung
saan ka sigurado, doon ka lumagay. Masyado pang risky.. wala pa akong
panghahawakan. Madami pa akong makakaaway dahil sa kanya. I know I like him. Pero
hanggang doon lang muna siguro iyon. Ayokong ma-in love sa kanya."

I like him, yes I know. Gusto ko yung mga bagay na ginagawa nya para saakin. Gusto
ko yung mga bagay na ginagawa nya na gusto kong gawin sana noon ni Kharl para
saakin.

Kinuwento ko sa kanya kung paano nagalit si Pierce sa ginawang pagtawag ni Kharl.

"He's jealous..." Tumili sya. "Wow, so possessive. So cute." Siniko-siko nya ako na
para bang dapat ay kinikilig na ako. "Wait-- tumatawag sa'yo si Kharl?!"

Tumango-tango ako. "Hindi ko makuha, Loraine. Natutuwa akong nagtetext saakin si


Kharl kahit na hindi naman ako sigurado kung ano ang gusto nya. Basta natutuwa lang
ako kasi nagtetext sya saakin."

Nagkibit balikat sya. "Yan kasi ang tao, gusto nila yung hinahabol sila. Subukan
mong wag pansinin yang Kharl na yan, later marerealize nyang gusto ka talaga nya."
Umirap pa sya. "At pwede ba, stop talking about Kharl! Pansin kong kanina mo pa sya
sinisingit sa usapan natin!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko naman iyon napansin. "H-hindi ah!"

"Anong hindi? Kanina mo pa nililinis ang pangalan ni Kharl. Hindi ka gusto nung
tao. Baka namimiss ka lang nya, pero Cess... hindi ka nya mahal. Baka ginagawa lang
nya yan kasi hindi sya sigurado kay Elaine at alam nyang sigurado sya sayo. Gusto
mo ba maging backup plan?" Lumungkot ang boses nya. "Ano, mahal mo pa?"

Sa mga sinabi nya ay para akong tinusok ng mga salita nya. Tamang-tama iyon saakin.
Masakit pero hindi ko pinakita kay Loraine.

Agad akong umiling na para bang matagal ko nang alam yung sagot sa tanong nya.
"Hindi no!!" Tanggi ko kahit na alam ko naman ang totoo.

Inakbayan nya ako at nanggigigil na hinalikan sa pisngi. "Alam ko 'yung feeling na


yan. Yung, yung lalaki yung nakipagbreak sa'yo at ikaw, masyado kang nasaktan.
Masasaktan 'yung ego mo at gusto mo syang bumalik sa'yo dahil hindi ka naging handa
sa breakup nyo. Pero kapag nakita mo na yung taong totoong nagpapasaya sa'yo,
maiisip mo na lang kung gaano ka katanga nung mga time na iniyakan mo sya." Ngumiti
sya saakin. 

Sinubukan kong ngumiti at pinilit kong itinanim ang mga sinabi nya saakin.

"It's okay, Princess. Ganyan talaga. Mawawala at mawawala yung taong gustong-gusto
mo.. para sa huli, makita mo naman yung taong talagang kailangan mo.." Sinuklay nya
ang buhok ko gamit ang daliri nya.
Hindi ko alam kung bakit ako naiyak. Nakakahiya mang aminin pero naiyak ako sa mga
sinasabi ni Loraine at sa pag-iisip kay Kharl.

"Shh.." Niyakap nya lang ako. "Makaka-move on ka rin. Pero sana h'wag ka na lang
munang magpaasa ng tao hanggangat hindi ka pa nakaka-move on kay, Kharl. Neh?" Sabi
nya at tumawa.

Tumawa na lamang din ako at hinampas sya.

"Wala naman akong pinapaasa ah! Wala ngang manliligaw!" Pabirong sabi ko sa kanya.

"Aba, may sinabi ba akong ganyan?" Humalakhak sya. "Pero hindi masamang
makipagflirt-an paminsan-minsan. You know." Kumindat pa sya saakin. "Suyuin mo na
rin si Jimenez. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko seryosong-seryoso sya sa'yo.."

Nakagat ko lang ang labi ko. "Tss.."

Humalakhak sya at ngumisi. "Nakakatuwa nga mga nali-link sa'yo. Una si Kharl.
Famous at gwapo! Aba aba. Kaya maraming galit sayo eh! Tapos ngayon si Pierce
naman? Mas gwapo! Kaya maghanda ka na kapag naging kayo. Mas dadami ang batalyon ng
haters mo. Ang haba naman kasi ng buhok mo!" Hagikhik nya.

"Baliw. Tama na muna 'yung haters ko ngayon. Masyado na akong sisikat." Pagbibiro
ko rin. Napailing na lamang ako.

Nagtawanan naman kami. Hanggang sa nabanggit ko sa kanya si Elaine.


"Si Elaine, may gusto kay Pierce?" Napaawang ang labi nya at umurong ang ulo nya na
para bang ngayon nya lang iyon narinig pero hindi naman sya masyadong nagulat.

Tumango-tango ako. "Nagpapatulong sya saakin."

Natawa sya. "What the-- Si Elaine may gusto kay Pierce, si Pierce na may gusto
sayo, ikaw na may gusto kay Kharl at si Kharl ay may gusto kay Elaine?" Umiling-
iling sya. "Fair naman rin pala kahit papaano. Maganda ang ending nyan." Tumaas-
taas ang kilay nya.

"Ewan ko sa'yo. Hindi naman sure na sure na may gusto si Pierce saakin eh.."

Ngumiwi sya lalo. "Hindi pa ba 'yung ganun? Eh halata naman. Tska ano naman kung
crush ka lang ni Pierce? It's still a win-win! Si Pierce Jimenez 'yan eh!"

Hindi ko pinansin ang sinasabi nya. "Paano kung gusto nya si Elaine?"

Binato nya ako ng chips. "Duh? Tanga-tangahan? Eh gusto naman kamo sya ni Elaine
eh. Bakit hindi pa sila? Ibig sabihin walang pagtingin si Pierce dyan sa Elaine na
'yan! Medyo isip-isip rin, Cess!"

Ngumuso ako. "Wala naman tayong alam dyaan, Loraine. Malay mo may problema pala
kaya hindi pa sila? Tska childhood friends sila.. anong laban ko doon?"
"Problema? Tss. Kung gusto maraming paraan. Tska anong 'anong laban mo'? Eh ikaw
ang gusto ni Pierce!"

Napahalumbaba ako dahil talagang tiwalang-tiwala sya sa iniisip nyang may gusto
saakin si Pierce. Ako nga na palaging kasama hindi naman siguradong-sigurado eh.

"Basta may feeling lang ako..." Tamad na sabi ko sa kanya. "May something kay
Elaine."

Pumasok ako kinabukasan. Pagkapasok ko ay seryoso lamang na nakaupo si Pierce sa


upuan nya at naka-earphones. Nakakaintimida na naman ang itsura nya. Hindi ko na
naman sya makakausap. Ni hindi sya tumitingin.

First period. Lingon ako ng lingon sa kanya. Ayaw nya akong tignan pabalik kahit na
alam kong ramdam na ramdam na nya ang tingin ko.

Second period. Nahulog ko ang papel ko sa pwesto nya pero hindi nya inabot para
saakin. Sungit!

At eto na. Kakausapin ko na talaga sya. Kapag hindi nya pa ako pinansin, ewan ko na
lang talaga.

"Pierce, pwedeng humirap ng ballpen?" Kabadong tanong ko pero hindi ko pinahalata.


Normal naman ang boses ko.
Hindi sya tumingin saakin. Nakatingin sya sa teacher naming nagsasalita sa harapan.
"Wala na."

Tss, sungit! Pero ballpen ko naman yung gamit nya ngayon. Hays, kainis!

"Kahit lapis?"

Inilagay nya ang pisngi nya sa palad nya, at ang siko nya ay nasa arm rest. Hindi
nya ako pinansin.

Hindi ko na sya sinubukang kausapin ulit. Lumapit pa si Victoria sa kanya noong


umalis ang teacher namin.

"Pierce, pwedeng magtanong?" Sabi ni Victoria habang hawak ang phone nya.
Kinakabahan ang boses nya pati na rin ang nanginginig nyang mata.

Masungit na bumaling si Pierce kay Victoria. Kunot pa ang noo. "Ano?"

Nakagat ko ang labi ko at lalong nanuod sa kanila. "Pwede bang magpicture tayong
dalawa?" Tinaas pa ni Victoria ang iPhone nya para ipakita kay Pierce. "Po-post ko
lang sa IG." Nagpacute pa sya kay Pierce.

Tumingin naman saakin si Pierce. Nagkatinginan kami. Tumingin ulit sya kay Victoria
at ngumiti.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko! Napaawang ang labi
ko. Ngumiti sya kay Victoria? Ngumiti sya! Paanong nangyari 'yon?!

"Next time," Sabi lang ni Pierce kay Victoria.

Si Victoria ay pulang-pula dahil yata sa nginitian sya ni Pierce na sa tingin ko ay


first time. Ni hindi ko maalalang nginitian ako ni Pierce ng ganun. Hindi pa nya
ako nginingitian!

"S-sige. Ahmm... okay." Umalis sya ng tuwang-tuwa at pinamalita ang nangyari sa mga
kaibiga nya!

Pinansin nya si Victoria at ako ay hindi! Nagawa nya pang ngitian si Victoria!
Bakit ganun? Bakit nakakainis? Bakit may pakialam na rin sya sa Victoria na 'yun?
Nakakairita. Hindi ako maka-move on! Bakit sya ngumiti? Hindi si Pierce to!

Tumingin ulit sya saakin para lang umirap.

And then... may naisip ako. Pinagseselos nya ako kay Victoria? Tama! Pinagseselos
nya ako! Alam na alam ko na hindi nya gusto si Victoria at hindi sya ang tipo ng
tao na marunong maki-sama. Kung ayaw nya, ayaw nya! Kaya paniguradong gumanun lang
sya dahil alam nyang malapit lang ako!

Napayuko ako. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana. Ang lakas-lakas ng ulan.
May bagyo pa yatang darating. H'wag naman sana. Tapos mawawalan ng pasok? Hindi
pwede. Hindi pa kami ayos ni Pierce.
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko pero hindi ko na lang iyon tinignan dahil
baka makita pa ako ni Pierce. Baka lalo pa syang magalit dahil ayaw nyang may
katext o katawagan ako.

Noong uwian ay sinubukan ko syang kausapin. Hindi nya ako nililingon hanggang sa
makalabas na sya ng room. Hanggang sa makalabas kami ng school. Hindi nga talaga
sya sumasabay sa driver nila.

"Pierce!!" Tawag ko. Pakiramdam ko ay mamamaos ako. Mahaba pa naman ang legs nya at
mas maliit ako kaya hindi ako makahabol.

Sana naman ay bagalan nya ng kaunti sa paglalakad. Nakakainis naman, bakit ba kasi
hindi ako nagkaroon ng mahabang legs?

"Pierce! Ano bang problema mo na naman!? Para ka na lang laging may sapak!" Galit
na sigaw ko. Umaambon at medyo nababasa ako.

Hindi nya ako pinansin. Unti-unti nang lumalakas ang ulan! Sht! Wala bang balak
huminto si Pierce?

"Pierce naman.." Iyan, lumakas na talaga ng tuluyan ang ulan. Pero ayos lang. Gusto
kong kausapin nya na ako. Gusto kong hindi na sya galit saakin. Gusto ko ulit
makita yung mga mata nyang may pakialam.

Bigla syang lumingon saakin. Napahinto na ako sa gitna ng ulan at pakiramdam ko ay


uuwi yata akong basang-basa kung lalakas pa ang ulan o mananatili kami dito sa
gitna.
"Bullsht, Princess! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?" Sigaw nya. "Manhid ka ba
talaga?!"

Narinig ko ang pagmu-mura nya. Punong-puno ng irita ang mga mata nya. Lumapit sya
upang hawakan ang pulso ko. Lumagabog ang tibok ng puso ko nang maramdaman na naman
ang hawak nya. Hinatak nya ako papunta sa may silong para hindi kami mabasa.

Marahas sya. Hindi ito 'yung Pierce na sobrang maingat humawak saakin kagaya noong
may sakit ako. Sa sobrang bilis ng paghatak nya ay napasandal ako sa dingding.
Maliit lang ang sini-silungan namin at masikip sa dalawang tao. Awkward tuloy dahil
malapit na malapit kami sa isa't isa.

Nakapatong ang isa nyang kamay sa dingding, sa gilid ko. Para tuloy nya akong
hahalikan. Pero tinggal ko iyon sa isip ko dahil sadyang maliit lang talaga ang
sinisilungan namin. H'wag ng marumi ang isip. Galit na galit sya. Ang isang kamay
nya ay napunta sa likod ng bulsa ng pantalon nya para kuhanin ang isang puting
panyo.

Tumigil ang utak ko sa pagpa-function nang tinaas nya ang kamay nya na may hawak na
panyo para punasan ang mukha kong medyo nabasa na ng ulan. Automatic na napangiti
ako. He still cares.

Napatingin sya sa mukha ko na nakangiti. Biglang syang tumigil. Nainis yata dahil
nakitang nakangiti ako. Hinawakan nya ang pulso ko at inilagay sa kamay ko ang
panyo nyang kulay puti.

Napasimangot ako. Kinuha ko naman ang panyo para punasan ang sarili ko.
Magkaharap na magkaharap lamang ang mukha namin. Medyo nasa leeg nya lang ang mukha
ko dahil malaki ang tangkad nya sa saakin. Pero kitang-kita ko parin ang perpektong
mukha nya kahit na nakatagilid 'yun para hindi magtagpo ang tingin namin. Halatang
ayaw nyang magkatinginan kami. 

Sht. Amoy na amoy ko ang bango ng leeg nya.

Dumaan ang ilang minuto na ganun lang kami. Ako na nakatitig sa kanya. Sya na
nakalagay ang kamay sa dingding, sa gilid ng ulo ko at nakatingin sa gilid,
hinihintay na tumila ang ulan.

"Galit ka ba talaga?" Tanong ko at medyo nakasimangot na ako. Nakatingala ako para


makita sya.

Nakatitig parin sya sa gilid nya. Baka magkastiff neck pa sya nyan. Tss.

Somehow, nagpapasalamat ako sa lalong paglakas ng ulan dahil napipilitan si Pierce


na magstay dito. Pero nakakailang parin kasi sobrang awkward ng posisyon namin.

Babaha pa yata. Ni hindi ko na makita kung may mga taong dumadaan dahil sobrang
lakas ng patak ng ulan. Nakagat ko ang labi ko sa pag-iisip kung paano kami
makakaalis dito. Baka mamaya ay sisihin pa ako ni Pierce!

Hinintay ko syang sumagot habang tinititigan ko ang isang patak ng ulan na unti-
unting bumababa sa matangos na ilong ni Pierce.

"I'm not mad."


Napasimangot na naman ako. Bakit ba nagdedeny pa sya kahit halata naman? At bakit
ba nagtatanong pa ako kahit na alam ko naman na ang sagot? 

"Bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko?"

"Wala akong nare-receive." Hindi parin sya nakatingin saakin.

Liar. Ngumisi ako. At tumayo pa ng maayos. Nabangga ko ang forearm nyang nasa gilid
ko. Lalo kong narealize na sobrang lapit namin sa isa't-isa. "Walang nare-receive?
Promise?"

Tumingin sya saakin na parang hindi makapaniwala. "Wala nga! Tss!"

"Promise?" Pag-ulit ko. Halatang naiirita na sya at hindi ko alam kung bakit
natutuwa akong inisin sya.

"What the fck is wrong with you?" Suminghap sya sa inis. "Parang bata.." Bulong
nya, na narinig ko naman.

Parang bata pala ah. "Hindi ako naniniwala sayo. Magpromise ka muna na wala kang
nare-receive.." Nanunudyong sabi ko.
His reactions were priceless. Gusto kong marinig syang sabihin iyon. Ngayon palang
ay natatawa na ako.

Tumingin sya ulit saakin na para bang ako na ang pinaka-stupidong tao sa buong
mundo. Nakatitig sya saakin at pinilit kong hindi kilabutan dahil magkalapit na
magkalapit lang ang mukha namin.

Nagbuntong hininga sya at nagulo nya ang magulo nang buhok. Tumitig pa sya sa mga
mata ko, hindi ko alam kung ako ba ang nalalasing sa mga titig namin o sya? Para
kasing bigla na lamang umamo ang mabangis nyang mga mata. "Wala nga." Mahinang sabi
nya.

At doon na talaga ako natawa kahit na seryoso ang mga mata nya. Sht. Bakit ba ang
cool na kagaya ni Pierce ay cute ang dating saakin ngayon?

"Sinungaling ka talaga." Sabi ko sa kanya at mahina ko syang sinapak sa balikat


kaya medyo napaurong sya. Lalo syang nainis.

"What the--" Ang magandang kilay nya ay nagtagpo. "Magtatanong ka tapos, hindi
maniniwala..." Muntik ko na syang makitang magpout. Umirap sya at magandang-maganda
na ang view ko sa mukha nya dahil medyo nakatagilid na lang sya. Hindi na ulit
nakatingin.

Natawa ulit ako. Bwisit na Pierce to. Sya nga ang parang bata saamin! Kapal ng
mukhang tawagin ako na parang bata.

"Mamatay man ako, hindi ka nakaka-receieve?" Tanong ko. Ang lakas-lakas na talaga
ng loob ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha iyon. Si Loraine kasi eh. Nahahawa na
yata ako sa kanya.
Napairap sya. "This conversation is completely nonsense, Princess."

Natawa na naman ako. Ang sarap lang sa pakiramdam na may nakaka-appreciate saiyo,
samantalang sa sarili mo, alam mong insecure na insecure ka. "Come on, Pierce. Tell
me. Mamatay man ako?--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

"Oo na! Nakakareceive na 'ko!" Sabi nya at ngayon ay mas lalong lumakas ang ulan.
"Sht.."

Natahimik ako habang pinipigilang ngumiti. Sa totoo lang ay nakakatuwang inisin si


Pierce. Ang sarap-sarap manginis ng pikon.

"Bakit ka galit?" Mauubusan na yata ako ng oxygen ngayon. Bakit kasi ganito kami
kalapit eh.

Tahimik lang sya. Ang manipis at mamula-mula nyang labi ay naka-awang. Parang nag-
iisip.

"Bakit hindi ako magagalit?" Tanong nya.

Mahabang katahimikan ang sumunod. May gusto akong itanong sa kanya pero
nagdadalawang isip ako kung itatanong ko ba o hindi. Ayokong magtanong at mapahiya.
Pero...
"Kasi tumawag si Kharl..." Mahinang sabi ko at nakagat ko ang labi ko. "May gusto
ka na ba saakin, Pierce?"

Natigilan sya. Nakita ko ang pagtaas-baba ng adam's apple nya. Malungkot ang mga
mata nyang tumingin pabalik saakin.

"You should go home, Princess. Wag kang magpapabasa sa ulan, magkakasinat ka."
Tinanggal nya ang bag nya sa balikat nya.

Medyo umurong sya palayo saakin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko syang
tinatanggal ang suot na itim na necktie. Pagkatapos nyang tanggalin iyon ay isa-isa
nyang ina-unbutton ang white long sleeve button down uniform nya. 

Nasa pangatlong bitones na sya at kita ko na ang suot nyang undershirt. Sht! Anong
ginagawa nya.

"A-anong ginagawa mo, Pierce?!" Kinakabahang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit
sumasakit ang puso ko at hindi ako makahinga. Maghuhubad ba sya?

Nag-angat sya ng tingin saakin habang tintanggal ang pang-apat na bitones. 

Umirap lamang sya at pinagpatuloy ang ginagawa hanggang sa matanggal nya na lahat.
Pinanuod ko syang hubarin iyon at natira na lamang ang white v neck shirt nya.
Hindi ko alam kung bakit namamangha ako sa kanya kahit na nakita ko na syang naka v
neck sa bahay! Siguro ay ngayon ko lang napansin dahil may sakit ako noon.

"Tara na, pupunta tayong sakayan." Sabi nya habang hawak ang magkabilang dulo ng
long sleeve uniform nya. Nakatingin sya saakin.

Napaawang ang labi ko dahil ang gusto nyang mangyari ay pumunta kaming sakayan at
gagamitin namin ang uniform nya bilang pang-silong!

"Nababaliw ka na ba, Pierce? Isuot mo nga 'yan! Lalamigin ka!" Galit na sigaw ko.

"Tsk! We can't be stuck here. Mukhang 'di titigil ang ulan." Mas galit sya saakin.

Ayoko na syang marinig na magsungit kaya naman nang itinaas nya ang dalawang kamay
nya habang hawak ang uniform ay agad na akong sumilong doon. Naglakad agad kami at
nagulat ako nang makitang basang-basa sya! Ako lang pala ang sinisilong nya sa
uniform nya. Nagsilbing tiga-hawak lamang sya!

"PIERCE! SUMILONG KA RIN!" Sigaw ko sa kanya habang mabilis kaming naglalakad.

Medyo nau-ulanan ako pero hindi kagaya nya na basang-basa na. Yung tipong bakat na
yung katawan nya sa suot nyang plain white shirt! What the! Hindi ko makita dahil
nagmamadali kami! At yung buhok nya, basang-basa na rin!

"It's no use, basa na rin ako!" Sigaw nya rin dahil maingay na dahil sa lakas ng
ulan.

Naawa ako sa kanya. Nakakainis naman sya. Para tuloy syang bodyguard ko. "Kasya
namin kasi tayo eh!" Sigaw ko ulit. Hindi ko na alam ang pinaglalaban ko, basang-
basa na kasi talaga sya.
Tuloy parin kami sa pagtakbo. Medyo malapit na ang sakayan. "Hindi ka pwedeng
mabasa. Magkakasakit ka ulit. Do you want that?" Napatingin ako sa kanya at basang-
basa na rin ang mukha nya. Ang buhok nya ay nakadikit na sa mukha nya. Sumisigaw
ang labi nya na titigan sila. Basa na ang magandang labi nya!

"Sumilong ka parin!" Sigaw ko.

Lalo nya akong tinakpan dahil lalong lumakas ang ulan. "Retarded! I'm already wet!"

Nainis ako at natawa. Nainis dahil tinawag nya akong retarded at natawa dahil
mukhang napipikon na sya saakin.

Huminto ako sa pagtakbo. Huminto rin sya agad at lalo akong tinakpan ng uniform nya
na para bang hindi talaga ako pwede mapatakan ng kahit na kaunting ulan. Kitang-
kita ko ang concern at ang pagka irita sa mata nya. Pinaghalo.

"What the-- sht?! Motherfcking fck, Princess!!" Galit na galit sya na para bang
kung pwede nya akong buhatin na parang sako ay ginawa na nya. "Let's go!"

Umiling-iling ako. Nakangisi.

Hindi na nya alam ang gagawin nya. Para syang yaya na galit na galit sa inaalagaan
nya dahil ayaw sumunod at hindi naman nya pwedeng saktan.
Kinuha ko ang uniform nyang pinangtatakpan nya saakin. Tuluyan na akong nabasa ng
ulan. Mas lalo kong naramdaman ang lamig. Nakita ko ang pagragasa ng galit sa mata
nya. Hindi ko sya masisisi, kina-ingat iningatan nya akong mabasa pero pinili kong
mabasa sa huli.

Ayos na ito. Basa naman na sya eh. Fair lang kami. Isa pa, kung magkakasakit ako
dahil nabasa ako ng ulan.. then magkakasakit nga ako. Naambunan na ako at medyo
basa na rin. Bakit hindi na lang lubusin?

Nakita kong umawang ang labi nya. Nakatingin sya sa baba ng mukha ko.. hindi pala.
Sa baba pala ng leeg ko...

Namula sya at agad na tumagilid para hindi na ako makita.

"Sht, Princess? Nagpabasa ka sa ulan.." Nakagat nya ang labi nya at tumingin sa
taas at pumikit ng mariin. "While wearing a red.. fcking bra?"

=================

TKP 26

TKP 26

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Agad akong tumingin sa dibdib ko at nakitang
nakabakat nga doon ang kulay pula kong bra.

Napatalikod ako at nasapok ko ang ulo ko. Hindi ko man lang naalala!
"Tsk, ang kulit-kulit mo kasi." Naramdaman kong nakaharap na sya saakin. Kinuha nya
ang bag ko saakin. "T-tara na nga." Diretso ang tingin nya at sigurado akong ayaw
nya akong tignan.

Mabuti na lang at leather ang bag ko, kundi ay basang-basa na ang loob nun. Kay
Pierce, paniguradong basa na ang laman ng bag nya.. kung meron mang laman.

Naglakad sya ng nauuna saakin. Nakasunod lamang ako sa kanya. Medyo inilalayo ko sa
balat ko ang suot kong uniform para hindi dumikit sa dibdib ko.

Malakas parin ang ragasa ng ulan. Umihip ang hangin at sobrang lamig! Para kaming
naglalakad lamang ng normal ni Pierce at parang walang ulan. Nagtitinginan pa ang
ilang mga nakasakay sa mga sasakyan nila na nadadanan kami.

"Sht, hindi pa ako sinundo ng driver namin ngayon. Wrong timing.." Aniya sa
mahinang tono.

Lalong lumakas ang ulan. 5:30 na at madilim ang kalangitan. May bagyo yata talaga.
Patagal ng patagal ay lumalakas lalo ang patal ng tubig. Biglang nagkaroon ng
malaki at mahabang linya ng nakakatakot na ilaw sa kalangitan at biglang kumulog.

Napahawak ako sa braso ni Pierce. Nakakatakot. Masyadong malakas! Gusto ko ng


umuwi. Pakiramdam ko ay bigla na lamang hahangin ng malakas.

Hindi ko na inisip kung magagalit si Pierce na nakayakap ang kamay ko sa braso nya.
Medyo bumagal lamang ang lakad nya at napasulyap saakin. Halos nakasiksik na rin
ako sa kanya sa takot.
Hindi sya nagsalita at hinayaan lamang ako. Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan.

Naramdaman ko ang init ng katawam nya. Pati na rin ang paggalaw ng braso nya habang
naglalakad. Medyo may katigasan iyon at malapad.

Sunod-sunod ang kulog. Lalong dumidilim ang kalangitan. Nakakatakot, baka bigla na
lang kaming matamaan ng nagliliparang mga bagay.

"Don't fret, I'm here." Aniya na ikinagaan ng loob ko.

Sa wakas ay narating rin namin ang sakayan. Pinauna nya akong sumakay sa loob ng
taxi, bago sya. Nang maayos na ay umandar na kami.

Pinagkiskisan ko ang palad ko dahil sa sobrang lamig. Kahit papaano ay naglilikha


iyon ng kakarampot na init. Nanginginig na rin ang labi ko.

Ngayon ko lang napansin ang titig saakin ni Pierce. Masyadong mainit ang titig nya.

"Tsk, nilalamig ka tuloy. You're so hardheaded. Paano kung bumalik 'yung sakit mo?"
Sabi nya saakin. Hindi ko sya tinignan.

Nilalamig parin ako. Mauunang madadaanan ang bahay nila kesa sa bahay namin. Mauuna
pala syang bababa.
Naramdaman ko si Pierce na hanggang ngayon ay nakatingin parin. Pinapanuod nya
akong manginig at lamigin.

"Come here." Biglang utos nya.

Napatingin ako sa kanya. Malayo ang agwat namin. May isang tao pa ang pwedeng umupo
sa pagitan naming dalawa. Pinapalapit nya ako?

"H-huh?" Kunot noong tanong ko.

"I said come here." Pag-uulit nya.

Sumunod na lamang ako sa kanya. Umusog ako ng upo para makalapit sa kanya. Tumigil
ang paghinga ko nang medyo tinaas nya ang braso nya para lalo akong lumapit sa
kanya.. sa katawan nya. Nang makalapit ako ay inilagay nya ang kamay nya sa
kabilang balikat ko. Itinulak nya ang katawan ko papalapit sa kanya.

Nakaakbay sya saakin at nakadukdok ang katawan ko sa katawan nya. Naramdaman kong
hindi na masyadong malamig. Medyo uminit na. Hindi ako makahinga ng maayos. Hindi
naman mahigpit ang yakap nya pero hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay sobrang
lakas ng tibok ng puso ko.

To think na halos nakayakap na saakin si Pierce ngayon. Napailing ako sa utak ko.
Ano ba naman itong nangyayari saamin ni Pierce..
"Do you feel better? Malamig pa rin ba?" Tanong nya. Nagsusumamo ang boses nya.

Umiling lang ako at lalo kong siniksik ang ulo ko sa dibdib nya. Naramdaman ko ang
mabilis na tibok ng puso nya. Lalong himigpit ang hawak nya sa balikat ko. Ang
sarap sa pakiramdam.

"Ikaw muna ang ipapa-una kong ihatid, bago ako umuwi." Aniya sa mababang tono.

Hindi ako sumagot sa kanya at sikretong ngumiti na lamang tutal ay hindi naman nya
ako nakikita. Kahit na masungit sya ay gentleman parin sya.

Wala nang nagsalita saamin pagkatapos. Naramdaman ko lang ang medyo may kabagalang
pag-andar ng sasakyan at ang malakas na pagtama ng ulan sa bintana ng sasakyan.

"Sir, may problema ho tayo." Biglang nagsalita ang driver. Muntik na sana akong
makatulog. Sobrang komportable at sarap kasi ng pagkakayukyok ko.

Huminto ang sasakyan.

Lumayo ako kay Pierce para makita ang driver at mas lalong mapakinggan ang sinasabi
nya. 

"What?" Tanong ni Pierce. Hindi parin nya inaalis ang kamay nya sa balikat ko.
"Hindi na ho kasi pwedeng dumaan doon sa kabilang daan. Hanggang dito na lang po
tayo..." Anang driver at kumamot sa leeg.

Napasinghap ako. Hindi ako makakauwi? Tinignan ko ang labas at malayo pa dito ang
bahay namin. Tumingin ako kay Pierce na mukhang nag-iisip.

"Bumalik na tayo," Ani Pierce.

"W-wait-- p-paano ako?" Tanong ko. Lumagpas na kami sa bahay nila Pierce at pwede
nang maka-uwi si Pierce... pero paano ako?

"Sa bahay ka muna namin." Aniya at nakagat ang labi. Tumaas ang daliri nya para
haplusin ang magandang kilay nya.

"H-hindi pwede, Pierce..." Sabi ko at umiling. Ayoko. Nakakahiya. Hindi pwede.

Umirap sya saakin. "Wala kang choice." Aniya at nagbuntong hininga. "Isa pa, hindi
ka na pwedeng magtagal sa suot mo. Kailangan mo ng mainitan."

Napabuntong hininga ako. Hindi ako pwede kila Pierce. Paano kung nandoon ang
parents nya? Paano kung nandoon ang mga kapatid nya? Isa pa, masyadong malaki ang
bahay nila. Nakakahiya na maki-tuloy ako! Ayoko! Nakakaintimida. Hindi pwede.

"M-manong, pwede nyo pong iliko doon?" Turo ko sa kanto kung saan papunta naman ang
bahay nila Loraine.
Umiling si manong. "Hindi ho pwede, baka ho baha na rin dyaan."

Napanguso ako. "Pwede ba 'yun manong? Ang bilis naman masyado.."

Sumulyap saakin ang driver. "Masyado ho kasing malakas ang ulan ngayon. Sa totoo
lang ay kanina pa talaga bumabaha. May parating na bagyo raw ho kasi."

Naghihintay si manong sa sasabihin namin kaya hindi pa sya umaandar. Nakalagay lang
ang kamay nya sa steering wheel at naghihintay sa pasya ko.

"Ibalik mo na." Ani Pierce. Sigurado ang boses nya. Papatuluyin nya ako sa bahay
nila!

"P-pero Pierce... nakakahiya. Pierce naman eh.." Pagpilit ko sa kanya at hinahatak-


hatak ko pa ang forearm nya.

"Anong nakakahiya?" Tanong nya. Para bang hindi nya mahanap ang point kung bakit
ako nahihiya.

"Syempre! Basta, nakakahiya sa mga magulang mo." Umiling-iling ako sa kanya at


nagpout para maawa sya saakin.
Kumunot ang kilay nya habang nakatitig saakin. Bigla na lang syang napa-iling.

"Stop that.." Nakagat nya ang labi nya.

"Yung alin?" Tanong ko.

"That!" Suminghal sya at umayos na ng upo at hindi na tumingin saakin. "Stop


pouting."

Napaawang ang labi ko. Sumandal na lang rin ako at umayos na ng upo. Ramdam ko
parin ang bisig nya saakin.

"Nahihiya talaga ako, Pierce.. Masungit ba si mommy mo? Baka malupit pa si daddy
mo..." Nagbuga ako ng hangin. Ayoko talaga.

"What?" Kunot ang noo nya at natawa ng mahina. Hala! Natawa sya! Ang cute-cute nya!
Napangisi na lang sya at napa-iling. Nang makita nyang seryoso ang mukha ko ay
nagseryoso na rin sya. "Don't worry, I'm with you."

'Yun lamang ang sinabi nya. Para bang seryosong-seryoso sya. Medyo nabawasan ang
kaba ko dahil sa sinabi nya. Para bang hindi nya ako papabayaan.

Natatakot at nahihiya ako. Ano na lamang sasabihin saakin ng parents nya? Lalo na
ng mommy nya? Unang pagkikita namin, nasa office kami. Kasama ako sa kalokohan ng
anak nya. Ngayon naman ay basang-basa kami ng ulan. Puro kamalasan naman yata?
Paano nalang kung mapanuri sila? Tska paano yung daddy ni Pierce? Nakakatakot kaya?
AHHH! Ayoko paring pumunta!! Nahihiya ako! Paano kaya kung tumakbo akong bigla
pagbaba namin ng taxi? Hindi pwede. Tinignan ko ang labas ng binatana at para bang
kutsilyo ang mga patak ng ulan sa sobrang laki at lakas.

Natuyo ang lalamunan ko nang matanaw ko ang malaki at matangkad na puting bahay.
Lalo gumanda ang glass wall nila ngayon dahil umuulan.

"P-pierce..." Sabi ko sa kanya nang makita syang kumukuha ng pera para sa pangbayad
sa taxi. "Ayoko.. nahihiya talaga ako."

Kunot noo nya akong tinignan pabalik na para banv nababaliw na ako. "Tss..." Sabi
lang nya at binuksan ang pinto ng sasakyan. 

Hinawakan nya ang pulso ko ng madiin, sapat lang para hindi ako makawala. Hinatak
nya ako papalabas. Mabilis kaming tumakbo pero nabasa na naman kami ng ulan dahil
hindi pa nakabukas ang malaking gate nila.

Sunod-sunod at mabilis nyang pinagpipindot ang doorbell. Para iyong masisira.


"FCK!"

Hinawakan ko ang braso nya. "Tumigil ka nga, Pierce! Sisirain mo lang 'yung
doorbell eh! Kalma muna! Narinig na siguro sa loob!" 

Huminahon naman sya agad at naghintay lang kami. Tumitingin-tingin sya saakin na
para bang sinusuri nya kung ayos pa ang lagay ko. Maya-maya ay biglang bumukas ang
matangkad nilang itim na gate. Tumakbo kami papasok.
Nakita ko ang nanlalaking mata ng mommy nya. Paniguradong dahil iyon sa may kasama
ang anak nya! Eto na! Nakakahiya talaga! Bungad pa talaga saamin ang magandang
mommy nya.

Tumungtong kami ni Pierce sa mukhang mamahalin at namumuting flooring ng bahay


nila. Nakakahiya kasi mukhang sobrang linis nun at binasa namin!

May hawak na malaking puting tuwalya ang mommy nya. "God, Jyn. Basang-basa kayo!"
Aniya at binigay kay Pierce ang tuwalya. "Manang pakuha po ng isa pang tuwalya!"
Sigaw nya. Ang mala-anghel na mukha nya ay mukhang nag-aalala para sa anak nya.

Alagang-alaga siguro si Pierce?

Inabot saakin ni Pierce ang tuwalyang ibinigay sa kanya ng mommy nya. Nakita kong
tumaas ang dalawang kilay ng mommy nya at bigla na lamang ngumiti saakin.

Si Pierce talaga oh.. nahihiya man ay kinuha ko na iyon. Hindi nagtagal ay dumating
na si manang Joy at inabot kay Pierce ang tuwalya.

Sumunod namang lumabas ang isa pang matangkad na lalaki. Hindi ko pinahalata ang
gulat ko pero nagulat talaga ako. Sya na ba ang... daddy ni Pierce? Oo, siguro ay
sya nga! Mula pa lamang sa labi nito, sa perpektong hugis ng panga, sa ilong..
hindi nga lang sa mata. Nakuha nya ang inosenteng mata nya sa mommy nya.

Ngumisi ang daddy nya saamin. Doon ko napagtantong hindi sya kagaya ni Pierce. Si
Pierce ay misteryoso at cold ang itsura. Ang daddy nya ay mukhang bad boy, kagaya
ng kapatid nyang si Klark. Yung tipo na kapag ngumisi sila, alam mong may masama ng
mangyayari. Mukhang... babaero. Namomroblema kaya si mrs. Jimenez sa kanya?

But inspite of those traits, ang ganda ng lahi nila.

Pumito ang daddy nya at umakbay kay mrs. Jimenez. Hanggang leeg lang si mrs.
Jimenez. Ang cute nila. "So... what brings your girl here, son? Ipapakilala mo na
ba?"

Nangiti si mrs. Jimenez. Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko. Nangliliit ako.
Napapalibutan ako ng magagandang nilalang.

"Dad!" Iritadong sigaw ni Pierce. "Mamaya na, can't you see? Basang-basa kami."

Tumaas ang kilay ng daddy nya, pagkatapos ay nangliit ang mga mata nya. "And what
made you two... so wet?"

Iritadong umirap si Pierce. "Dad... isa pa."

Narinig ko ang tawa ng daddy nya. Ang mukha talaga ni Pierce ay pinaghalo ng mukha
ng mommy at daddy nya. Meron syang tingin na devilish, at may tingin rin sya na
innocent-look. Hindi katulad ni Klark na halos nakuha ang lahat sa daddy nila. Kaya
pure devilish ang mukha at dating.

"Pumunta na kayo sa itaas." Anang mommy nya.


Patuloy lang ako sa pasimpleng pagtutuyo ko sa buhok ko. Nakabalot na rin saakin
ang tuwalya. Ngumimgiti ako sa mommy nya tuwing ngumingiti ito saakin.

Hindi ako matabihan ni Pierce. Hindi ko alam kung bakit. Hindi yata sya komportable
at tinutukso rin sya ng daddy nya. So I guess first time nyang magdala ng babae?

Inilagay ni mrs. Jimenez ang kamay nya sa likod ko para igaya ako sa loob. Sa likod
naman namin ay nakasunod si Pierce.

Nadaanan namin ang batang babae na naglalaro. Napatingin sya saakin at hindi na nya
inalis ang titig nya hanggang sa makaalis ako.

"Daddy, who is she?" Tanong nya na narinig ko.

"Your kuya's girl." Sagot naman ng daddy nya. "Congratulate your kuya Pierce,
baby.." Hindi ko alam lung seryoso ba o nagbibiro ang daddy nya.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa narinig. Narinig ko rin ang natutuwang pagtawa ng
mommy nila. Lalo tuloy akong na-awkwardan.

"Congratulations kuya!" Malakas na sabi ng batang babae at humagikhik.

=================

TKP 27
Merry christmas everyone! :)

TKP 27

Umakyat kami gamit ang maganda at nakakaintimida nilang hagdan. Nang makarating
kami sa itaas ay lumiko kami para naman dumaan sa mga kwarto. 

Huminto kami ng mommy nila sa isang itim na pinto kung saan na yata ang kwarto ni
Pierce. Meron din iyong isa pang kaharap ng itim na pinto.

"So... iwan ko na muna kayo?" Awkward na sabi ng mommy nya.

Lumagabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit! Nagkasama naman na kami ni Pierce
sa isang kwarto diba? Pero... iba kasi ngayon. Wala na akong sakit at magiging
awkward ito ngayon.

"S-sige po.." Magalang na sabi ko. Humigpit ang hawak ka sa towel na nakabalot
saakin.

Nakapatong parin saakin ang tuwalya para hindi magpatakan ang mga tubig mula sa
ulan, pero basang-basa parin ako at ganun din si Pierce.

"Pierce..." Bumaling ang mommy nya kay Pierce na hindi makatingin ng diretso
saamin. "Papahatiran ko na lang kayo kay manang ng kailangan nyo." Nangungusap ang
mga tingin ni mrs. Jimenez kay Pierce.
Para bang hindi nya alam ang gagawin nya sa anak nya. Kung dapat nya bang iwan, o
may dapat ba syang ibigay. I don't know. Babyng-baby siguro si Pierce sa kanya.

Tumango si Pierce ng isang beses. Medyo namumutla sya. Hindi sya makatingin saakin.

Tumingin ulit ng isang beses saakin si mrs. Jimenez at umalis na. This is awkward.
Tumingin ako kay Pierce at nilagpasan nya ako para pumunta sa pinto ng kwarto nya.
Binuksan nya iyon at tuloy-tuloy na pumasok. Iniwan nya iyong nakabukas.

"Ahh.." Naibulong ko na lamang. Anong gagawin ko dito ngayon? Titigan ko palang ang
kwarto nya, kinakabahan na ako.

Malaki ang kwarto ni Pierce. Doble o triple yata ng laki ng kwarto ko. Black ang
kulay ng wall nya. Mukha iyong makapal at matibay na para bang hindi basta-basta
matitibag. Gray naman ang kulay ng ceiling. May tatlo syang malalaking transparent
window sa gilid na kasing taas yata ng tao. Makikita mo ang kagandahan ng labas.
Makakapal rin ang kulay gray nyang kurtina na kung itatakip ay siguradong didilim
ang kwarto.

Tumingin naman ako sa king size bed nya. Light grat iyon, may puting kama at itim
ang comforter. Itim rin ang headboard. Kulay puti naman ang iba pa nyang interiors.
May maliit syang single sofa sa gilid katabi ang isang may kalakihang desk.

Nasa harapan ay ang malaki nyang flatscreen tv. Ngumiwi ako dahil malaki pa ang tv
niya sa kwarto kesa sa tv namin sa sala. Okay..

Nakita kong binuksan ni Pierce ang malaking puting wardrobe nya. Nasa gilid parin
ako at hindi umaalis sa kinakatayuan ko. Wala parin namang imik si Pierce. Galit
parin sya saakin.

Nang humarap sya ay may hawak syang puting damit. Naglakad sya papalapit saakin.
Pati ang tunog ng lakad nya ay nagpapatalon sa puso ko. Huminto sya sa harapan ko
at inabot nya saakin ang hawak. Masungit parin ang mukha nya.

Nakatingin lamang ako sa kanya pero ni hindi dumadapo ang tingin nya saakin.

"Magpalit ka na. Pumasok ka doon. Dito na lang ako magbibihis." Cold na sabi nya.

Medyo nakaawang ang labi ko nang tinanggap ko ang damit. Hindi ko maiwasang
ngumiti. Pumasok ako sa tinuro nya saaking puting pinto na sa tingin ko ay ang cr
nya.

Nang makapasok ako ay nilock ko agad ang pinto. Nakagat ko ang labi ko at tinignan
ang binigay saakin ni Pierce. Hoodie iyon at sweatpants. Mukhang maluwag saakin
pero makapal naman ang tela. Pwede na.

Isinuot ko iyon at tinignan ang sarili ko sa salamin. Kulay itim na hoodie. Ang
nakatatak doon ay adidas at sa itaas nun ay nakalagay ang malaking logo. Medyo
malaki iyon sa akin. Kulay gray naman ang sweatpants ko, malaki at mahaba iyon
saakin. Ang haba kaya ng bias ni Pierce.

Nagtagal ako ng 5 minutes. Baka kasi nakahubad pa si Pierce sa labas.

Nang makalabas ako ay hindi ko naaabutan si Pierce kahit saan. Nasaan 'yun? Umupo
ako sa maliit nyang sofa.
Nang mapatingin ako sa katabing desk ay nakita kong may nakapatong na asul na
notebook doon at sa itaas ng notebook ay may nakapatong na singsing.

Tinitigan ko iyong mabuti. Hindi iyon ang palagi kong nakikitang suot na singsing
ni Pierce. 

Sinuri ko iyon. Parang maliliit na pahugis puso, pinagdikitdikit at pumormang


pabilog. Para iyong kurona o tiara. Sigurado akong hindi iyon kay Pierce. Pangbabae
iyon.

Ang ganda.. kukuhanin ko sana at titignan lalo kaso ay biglang dumating si Pierce.

"Princess!" Agad nyang kinuha ang singsing doon sa notebook at binulsa iyon agad.

Napatingin ako sa kanya. Nakasuot naman sya ng puting hoodie na adidas rin kagaya
ng pinahiram nya saakin. Nakagray rin syang sweatpants.

"S-sorry.. nakita ko lang k-kasi." Agad kong sabi at nakagat ko ang labi ko. Nag-
iwas ako ng tingin at tumitig na lang sa kuko ko. Nakakahiya, pakielamera pa tuloy
ako ngayon.

Nag-iwas sya ng tingin. "I-it's okay. I didn't mean to shout at you.." Naging maamo
ang boses nya.
Naglakad na sya papalayo saakin. Nakita ko syang umupo ng pa-squat sa tapat ng
fireplace. May fireplace sya sa kwarto nya?

Sinindihan nya iyon at maya-maya ay umayos na sya ng upo. Hindi ako gumalaw dahil
nahihiya ako. Hindi nya ba ako aayain? Oh well. Hindi pa talaga ako malayang
nakakagalaw kapag si Pierce ang kasama. Still not comfortable with him.

Nagulat ako nang lumingon sya saakin. Nahuli nya pa tuloy akong nakatingin! Ang
maamo nyang mata ay nakatuon saakin ngayon. Para bang inaantok iyon ngunit masarap
paring titigan."Come here, Princess.." Aniya.

Nabighani ako. Ang lamig pero nangungusap ang boses nya. 'Yung tipong hindi
nanglalambing pero malambing ang tono. 'Yung tipong tinawag nya akong Princess pero
hindi ko iyon narinig bilang pangalan ko lamang.

Ang gwapo nya. Ang gwapo-gwapo nya sa suot na puting hoodie. Mamasa-masa pa ang
buhok nya kagaya ko. Ang labi nyang mapula at maganda na bumagay sa cold parin
nyang mga mata.

Tumayo ako. Nag-iwas na sya ng tingin saakin at tumitig sa fireplace. Nang makaupo
ako sa puting carpet ay yumuko lang ako. Nakaramdaman ako ng ginhawa nang
maramdaman ang init.

Muntik na akong mapatalon nang maramdamang may ipinatong sya saaking blanket.
Natunaw yata ang puso ko habang pinapanuod ang masungit nyang mukha na ipinapatong
iyon sa balikat ko.

Nanatili akong tahimik kahit na gulat at nagdidiwang ang kalooban ko. Tinignan ko
lang sya na nakaupo lamang at ni hindi iniinda ang lamig. Nakahoodie na ako peri
malamig parin. Hindi kaya sya nalalamigan?

Tahimik lamang syang nakaupo. Nakababa ang hood ng hoodie nya at seryosong
nakaharap sa fireplace.

Tinitigan ko na lang rin ang apoy at nag-isip ng kung ano-ano.

Napatingin ako sa kamay nya nang binigyan nya ako ng mug. Nakagat ko ang labi ko at
inabot ko agad iyon para hindi nakakahiya.

Nang tignan ko sya ay malamig parin ang itsura nya. Itinukod nya ang magkabilang
kamay nya sa magkabilang gilid nya at tumitig pa sa fireplace.

Tahimik. Masyadong tahimik. Galit ba talaga sya o hindi na talaga ako nasanay na
tahimik sya?

Tahimik na ininom ko lang ang hot chocolate na ibinigay nya saakin. Hindi ako
nagsalita dahil ayaw naman nyang makipag-usap. Wala namang mangyayari.

"I'm sorry." Biglang sabi nya.

Nang tignan ko sya ay ganun parin ang posisyon nya. Nagsosorry sya? Totoo ba ito?
"P-para saan.." Tanong ko naman.

Narinig ko ang mahinang pagsinghap nya ng hangin. "I'm sorry for getting mad over
petty things. It's just that.. I.." Bumuntong hininga sya.

"H-huh?" Hindi na ako makahinga.

Binawi nya na ang kamay nya mula sa pagkakatungkod nun sa gilid. Umayos sya ng upo.
Nagcriss-cross seat sya. Nakatitig parin sa harapan na para bang iyon ang kausap
nya.

"I'm sorry because I'm.." Hindi nya maituloy ang sinasabi nya. Nakita ko syang
kinukutkot ang carpet. "..jealous,"

Natahimik ako doon. Ine-expect ko naman pero hindi ko aakalaing aamin sya. Hindi ko
aakalaing lalabas iyon sa bibig nya! Namilog ang bibig ko.

"Pierce.." Wala akong masabing iba. Anong dapat kong sabihin? Hindi ko alam..

Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. A humorless laugh. "It's okay to feel this way
sometimes right?" Mahina ang boses nya at alam kong nasasaktan sya. Alam kong may
tinatago syang sakit. "To feel hurt because you can't always get what you want."

Napasinghap ako ng mahina. Nagco-confess na ba sya?


Ang akala ko ay magsasalita pa sya. Nasabunutan nya ang buhok nya na para bang
maling-mali na nagsasalita sya ng ganun. Para bang natatakot sya sa sarili nyang
nararamdaman! Isinuot nya ang hood nya. Nakataas na nyayon ang tuhod, ipinatong nya
ang dalawang forearm nya sa tuhod nya at dumukdok naman sya doon.

Nakaramdam ako ng sakit. Why Pierce? Hindi sya ang Pierce na kilala kong masungit
at walang pakialam. Oo, masungit parin sya ngayon.. pero pakiramdam ko ay nakikita
ko ang side ni Pierce na madaling masaktan.

Tahimik lang akong muli at wala na namang nagawa. Dumaan ang ilang minuto at
nakagaanoon parin si Pierce. Nakatulog kaya sya?

May biglang kumatok sa pinto. Dahan-dahan namang umangat ang ulo ni Pierce. Pumasok
ang bata na nakita ko kanina.

"Kuya Pierce.." Sambit ng cute na bata. Lumapit sya saamin. Dala nya ang malaking
manika nya at ang iPad nya.

Umupo sya sa gitna namin dahil malaki ang space doon. Tumingin saakin ang may
kalakihan ngunit inosente nyang mga mata. Ngumiti sya saakin at napangiti na lamang
ako. Ang ganda ganda nya..

"Tsk. Why are you here, Kret?"

Sumimangot ang batang tinawag ni Pierce na Kret. "Will you stop being so masungit?"
Ani Kret.
"Get out." Utos ni Pierce. Nagtagpo na ang kilay nya. "Makipaglaro ka na lang kay
Klark."

"Kuya Klark's not in his room. Probably with ate Vernna.." Sumiksik saakin si Kret.
Naglalaro sya ng dress up sa iPad nya.

"Tss.." Sagot lang ni Pierce.

"Hmm... gusto mo lang masolo si ate eh." Humagikhik sya.

Natigilan doon si Pierce at napasulyap saakin. Tumingin agad sya sa pinto. "What do
you like to eat, Princess?"

"Strawberry cake kuya! Ikuha mo 'ko sa ref, pag bumaba ka, please?" Hiling ng cute
na si Kret. Pinagdikit nya pa ang dalawang palad nya.

"Ikaw ba tinatanong ko?" Tanong ni Pierce.

Natawa na lamang ako. Ganyan man nya sagutin si Kret pero alam kong nagsusungit
lamang sya.

"Tss, sungit." Bulong ko kay Kret na sinadya kong iparinig kay Pierce at nagtawanan
kami.
Umalis lamang si Pierce para bumaba.

"Bakit ba ang sungit sungit ng kuya mo?" Nakangiti kong tanong sa cute na si Kret.

Nagkibit balikat sya habang nakatingin sa nilalaro nya. Nakangiti parin sya. "He
really likes you, huh?"

Natawa ako at lalong niyakap sa sarili ko ang blanket. Umiling ako kay Kret at
tumingin sa harapan. "Hindi, Kret. We're friends." Nilingon ko sya.

Sandaling namatay ang saya sa mata nya. Nagform ang labi nya into a sad lips. "Oh..
but my kuya Pierce seemed to really like you tho.."

Napalobo ko ang pisngi ko at tumitig pa ulit sa harapan. Nakaramdam na ako ng


kaginahawahan.

"So, hindi ka nya girlfriend?" Takang tanong nya. Mukha talaga syang curious.

Umiling ako at tumawa. Ginulo ko ang buhok nya.

Bumagsak ang balikat nya. "P-pero... ikaw palang ang babaeng dinala nya dito."
Lumabi sya saakin at talaga hindi ko kayang matanggihan ang cuteness nya!
Napaisip naman ako doon. Nadala na rin nya dito sila Victoria, pero dahil lang sa
kasama rin ako. Posible kayang noon palang ay... may gusto na saakin si Pierce?
Oh-- wait, Princess. Hindi ka pa 100 percent sure kaya h'wag mag-assume ng mag-
assume, okay?

Pero nagseselos sya. Sya pa mismo ang nagsabi! Napangisi ako nang maisip ulit ang
pag-uusap namin kanina.

Nanahimik lang ako. Naglaro na ulit sya sa iPad nya. Pinanuod ko lang sya hanggang
sa bumalik si Pierce. Kasunod nya si manang Joy na may dalang tray ng pagkain.
Tatayo sana ako para tulungan si manang kaso ay tumabi na saakin si Pierce.

Nakita ko ang ilang mukhang masasarap na chocolate pancakes doon. Naamoy ko iyon at
naramdaman ang gutom. Umalis din si manang Joy.

"But kuyaaa?" Parang iiyak ang boses ni Kret. "Where's my strawberry cakeeee?"

Tumingin ako sa tray at walang strawberry cake na natagpuan. Tumingin ako kay
Pierce at nakita ko syang masungit na kumakain.

"What?" Masungit na tanong nya nang napansing nakatitig ako.

"Nasaan daw 'yung strawberry cake ng kapatid mo, Jimenez?" Sabi ko sa malamig na
tono. Enough na sa kasungitan nya.
Napaawang ang labi nya, mukhang nagulat sa tono ko. "Nasa baba. Sa ref."

Aba at palaban! Nakakainis na 'tong Pierce na nagsusungit-sungitan na 'to ah.

"Gusto mo bang ako pa 'yung kumuha?" Tumaas ang kilay ko. Naiirita na ako sa kanya.

Pinanuod ko ang reaksyon nya. Nakagat nya ang labi nya at inilapag ang kinakain.
Agad syang tumayo at luamabas na. Mabuti naman.

"Woah..." Nakanganga si Kret na para bang nakakita sya ng multo. "Hindi... hindi
pwedeng utusan si kuya dito sa bahay ng ganun lang.." Aniya. Gulat parin.

"Huh? Ano sya? Hari?" Gulat na tanong ko.

Humagikhik sya. "Hindi sya kayang utusan ni mommy. Palagi ko syang inuutusan but
never nya rin akong sinunod." Ngumiti sya saakin. "That's a miracle!"

Napanganga ako. No way. Hindi naman siguro totoo ang sinasabi ni Kret? Kung ganun,
ano 'yun? Ako lang ang sinusunod ni Pierce. Kret must be joking!

Dumating si Pierce at nakasimangot sya. Sino bang hindi sisimangot kung isa kang
tao na hindi pwedeng utusan at inutusan ka ngayon, ilang beses ka pang nagpabalik-
balik.
Habang kumakain ako at iniinom ko ang hot chocolate ko ay nagsalita si Kret habang
naglalaro.

"Ba't magkaaway kayo?" Tanong nyang bigla.

Hindi sumagot si Pierce at awkward tawa lang ang naisagot ko.

"Tss... magbati na nga kayo. Para kayong batang dalawa." Aniya. Kung magsalita sya
ay para bang matanda na sya.

"Hindi naman ako 'yung galit eh." Sumulyap ako kay Pierce na may nilalarong maliit
na bola. Hinahagis nya iyon ng mahina at sinasalo. Paulit ulit. "Itong si kuya mo
'yung galit."

Nagkibit balikat si Kret. "Babalik ako after 30 minutes. Dapat bati na kayo
pagbalik ko ah?" Kinikilig syang umalis.

Napalunok ako. Here we go again.

Akala ko ay may dadaan na namang mahabang katahimikan pero agad syang nagsalita.

"Tawagan mo ang mommy mo." Aniya.


Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko iyon naalala! Crap! Mabuti na lang ay
naalala ni Pierce!

Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan si mama. Ilang ring lang matapos ay
sinagot na rin iyon ni mama.

"Ma? Ma, hindi pa po ako nakakauwi.. hindi daw po kasi pwedeng madaana--" Hindi pa
ako tapos magsalita ay nagsalita na sya.

"Oo, balita nga 'yon. Sarado ang daan. Nasaan ka, kila Loraine ba? Balita daw ay
hanggang bukas ng 6 ng umaga yan."

Napasinghap ako. Ang ibig bang sabihin nun ay dito ako matutulog? "M-ma, wala po
ako kila Loraine.." Napapikit ako.

"Ano? Nasaan ka?" Narinig ko ang pagaalala ni mama.

"Ma, nasa bahay po ako ng kaklase ko.."

Tumingin ako kay Pierce na tahimik lang na nasa tabi ko. Pinaglalaruan parin ang
bola.

"Sinong kaklase? Babae ba 'yan?" Sumusungit na ang boses nya.


"Ma, nasa bahay po ako ng kaklase kong si Pierce. Kakausapin ko na lang po kayo
bukas.." Kinabahan tuloy ako bigla.

"Pierce? Lalaki?" Sumungit ang tono nya. "Umayos ka, Princess ah. Umuwi ka ng
maaga."

Napatango ako kahit wala naman sya dito. "Opo, ma. Uuwi po ako mamaya.."

"Sarado pa daw ang daan hanggang bukas ng umaga." Singit naman ni Pierce. Mahina
lang ang boses nya pero siguradong narinig iyon ni mama.

"Hindi mo ba 'yan boyfriend, Princess?"

"P-po?! Ma naman! Hindi! Sige po, itetext ko na lang kayo mamaya." Sabi ko dahil
pakiramdam ko ay naririnig rin ni Pierce ang usap namin kahit na nasa tenga ko lang
iyon.

Nagpaalam ako kay mama at binaba na ang tawag.

"So... dito ako matutulog?" Tanong ko sa kanya. Naka criss-cross seat ulit sya at
nakapatong ang magkabilang siko nya sa magkabilang tuhod nya.

"I guess."
Bumuntong hininga ako. "Galit ka parin." Hindi iyon patanong. 

Narinig ko ang pagsinghap nya. Tahimik parin sya. Yumuko sya at naihilamos ang
palad nya sa mukha nya. At bigla na lamang syang bumulong. "Fck feelings.."

Lumakas ang tibok ng puso ko doon sa sinabi nya. Pierce..

Hindi ko alam kung tama ba ang gustong lumabas sa bibig ko. Gusto kong sabihin pero
natatakot ako dahil baka masyadong assuming ang dating..

Pero sinabi ko parin. "Pierce, oo mahal ko pa si Kharl. Hindi naman 'yun agad
nawawala eh. Pero wala naman akong sinabi na hahabulin ko pa sya. Tapos na kami.
Wala ng kami. Wala ng babalikan pa. Wala na Pierce."

Lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ako nagpapaliwanag? Baka kung ano ang isipin
nya! Baka isipin nyang assuming ako at nagpapaliwanag ako dahil iniisip ko na gusto
nya ako! Pero sigurado naman akong iyon ang dahilan ng pagkakagalit nya. Wala naman
akong balak na ipalit sya kay Kharl pero gusto ko na lang itong sabihin dahil ito
naman talaga ang nararamdaman ko.

Hindi sya sumagot. Mahabang katahimikan. Medyo sinilip ko sya. Kagaya ko ay medyo
basa parin ang buhok nya. Ang napakagwapo nyang mukha ay hindi ko mabasa.

"S-sorry.." Iyon lamang ang lumabas sa bibig nya.


Nakagat ko ang labi ko. "Sorry dahil nagseselos ka? Nagseselos ka dahil mahal ko
parin si Kharl."

Come on, Princess. Ang lakas ng loob mo! Pero sinong hindi lalakas ang loob kung
ganito naman umakto si Pierce? Kung umakto sya ay para bang hawak ko sya. Na para
bang kontrolado ko sya. Sinong hindi mag-aassume?

Nakabuka ang bibig nya. May gusto syang sabihin pero hindi nya iyon masabi. Pulang
pula sya.

"Sabihin mo nga saakin, Pierce. Gusto mo ba 'ko?"

Kitang kita ko kung gaano nadagdagan ang pamumula nya. Kabadong kabado sya at hindi
nya mahanap ang dapat na sabihin.

"Damn.." Hindi sya makapaniwala. "What's the use? You can't like me back, you said
you still love him."

Natuwa ako. May parte sa puso ko na nagdidiwang. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap
sarap na marinig ito kay Pierce! Bakit kaya? Kasi gwapo sya? Kasi maraming may
ibang may gusto sa kanya pero ako ang gusto nya? O dahil may nararamdaman na talaga
ako sa kanya?

"Why not, Pierce? Hindi ka naman mahirap magustuhan. Believe me, you are better
than Kharl." Pag-amin ko. Totoo iyon. Kung ang titignan lang ay kung gaano ka-
caring si Pierce sa kabilang ng pagiging masungit nya, mas better si Pierce sa
lahat ng level. Hindi ko lang alam kung bakit si Kharl ang mas matimbang hanggang
ngayon.
Oo alam kong mahal ko si Kharl hanggang ngayon. Pero ramdam at alam ko rin sa
sarili ko na kaya ko syang kalimutan. Ramdam ko na hindi parin naman sapat ang
pagmamahal ko kay Kharl para magstay. Kinaya ko. Kakayanin ko hanggang sa huli.
Kaya kong ma-in love sa iba.

Sabi nila ay hindi naman daw mahirap ma-in love ang babae lalo na kung pursigido
ang lalaki.

"A-are you serious?" Hindi na sya namumula ngayon. Para na syang naubusan ng dugo
at hindi makapaniwala.

Tumango ako. Hindi ako makapaniwala na ang saya ng pakiramdam ko habang nakikita si
Pierce na may kakarampot na saya sa kanyang mga mata.

"It's not hard to like you, Pierce." Bulong ko. Ngayon lang ako nahihiya sa mga
pinagsasabi ko.

Napahawak sya likod ng ulo nya. Yumuko sya at kitang kita ko ang pagkurba ng labi
nya paitaas. Ngumiti ang isang Pierce Jyn Jimenez.

=================

TKP 28

TKP 28

Ngumiti sya at hindi ko rin napigilang ngumiti. Napangiti ko sya. Ito ba ang
reaksyon nya sa tuwing may sinasabi ako sa kanya at bigla na lang syang
tumatalikod? Dahil ba ngumingiti sya?

Bakit? Nahihiya ba syang ipakita na masaya sya o kinikilig sya? Wait-- napapakilig
ko si Pierce? No way!

Ang sarap nyang titigan. Ano, Jimenez? Hindi ka ngayon makaalis? Wala ka ngayong
excuse para umiwas. Kitang kita ko ngayon ang ngiti mo na para saakin.

"Stop it, Princess." Utos nya. Nakayuko parin sya at panay ang ayos nya sa buhok
nya sa likod. Halatang hindi sya komportable sa titig ko.

"Stop what?" Natatawang tanong ko. Humalumbaba pa ako para lalo nyang mapansin na
talagang tinititigan ko sya.

"Stop staring at me." Aniya at tumingin pabalik saakin habang ang ulo nya ay
nakayuko parin. "You always do that. Because you know you have such an effect on
me." Sumimangot sya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil inaakusahan nya ako. Natawa na lamang ako at
napailing. "Hoy! Hindi ah!" Hinagis ko sa kanya ang throw pillow na nakapa ko lang
sa tabi ko.

Narinig ko ang pag-ngiti nya, nasalo nya ang hinagis ko at nilagay lang sa lap nya,
saka nya doon ipinatong ang siko nya.

"You should always smile, Pierce. Gusto kong lagi kang nakikitang nakangiti."
Nakagat nya ang labi nya at nakatigil na nakatingin saakin. Natutuwa ako sa mga
reaksyon nya. Gusto kong makita ang ganyang reaksyon araw araw.

"Stop." Bulong lamang nya. Malapit na talaga syang lumabi!

Tumawa na naman ako. Ang cute nya! Para syang bata na mayroong crush sa babaeng mas
nakakatanda sa kanya at sobrang naa-awkward sya dahil nahihiya sya.

"What makes you smile, Pierce?" Ngiting ngiti kong tanong sa kanya. I'm enjoying
this! Natutuwa akong makita syang halos mamatay sa kahihiyan at ka-ilangan.

Napatitig sya saakin na para bang hindi sya makapaniwala na meron akong ganoong
ngisi sa labi. Nag-iwas lamang sya ng tingin bago nya itinaas nang hood nya at
medyo tumagilid para hindi na sya masyadong nakaharap saakin. Nakita kong nakangiti
parin sya! Damn. Nakikita ko na pilit nyang piniipigilang ngumiti!

"Uy, ano na, Pierce?" Pinipigilan kong tumawa. "Sagutin mo."

Sumimangot sya. "Stop teasing me, Princess."

Naka-indian sit ako, nakapatong ang baba ko sa nakasaradomg kamao ko. Medyo
nakalapit ang mukha ko sa kanya at ngiting-ngiti na nakatitig sa kanya. Alam kong
ramdam nya iyon.
"Huh? Hindi ah! Tinatanong ko lang kung anong nagpapangiti sayo.." Inosenteng sabi
ko at ginawa ko ang lahat para hindi matawa.

"Isn't it obvious?" Sagot lang nya. Nakasimangot parin. Iritado ang boses nya. Ayaw
nya talaga akong tignan pabalik. Oh stop being a cute boy, Pierce.

"Ano nga?" Dumaan ang tingin ko sa straight na straight na bridge ng ilong nya. Ang
matulis na tip nun ay nakakainggit.

"I-it's.." Narinig ko ang pagtikhim nya. Lalo pa syang yumuko. "You."

Naramdaman ko ang milyon-milyong boltahe ng kureyente na rumagasa sa buo kong


katawan. Para akong lumulutang sa saya. Ang sarap sarap sa pakiramdam. Parang may
kumikiliti sa bandang puson ko.

Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nya o
sadyang bumabanat lamang sya. Pero hindi naman siguro 'yun isang banat lang, wala
namang experience sa ganun si Pierce, diba?

"Okay na ba tayo? Papansinin mo na ba ako?" Tanong ko na lamang.

Hindi ko alam kung saan ito mapupunta, pero ang alam ko.. masaya ako. Ang sarap ng
pakiramdam. Parang lumulutang sa ulap. Nararamdaman ko ulit 'yung nararamdaman ko
noong simula pa lang kami ni Kharl. It feels so good to feel that sensation again.
Ayoko na itong tumigil. Pwede bang huminto na lamang kami sa oras na 'to?
Sumulyap sya saakin. Nakakatingin na sya ng diretso saakin ngayon palibhasa hindi
ko na sya tinutukso.

"I guess." Nagkibit balikat sya at nakita ko na namang umangat ang dalawang sulok
ng labi nya. "Hindi naman ako mahirap pakiusapan." Cool na sabi nya.

Napa-make face ako doon. Sinong niloloko nya dito?

"Nako nga, Pierce. Mahirap ka kayang pakiusapan. Paiba-iba ka ng desisyon mo at


kung ano-ano ang pumapasok sa utak mo." Sabi ko at ngumuso.

"Hindi ako mahirap pakiusapan pag dating sa'yo." Pagtutuloy nya. He sounded like he
was stating something in a matter-of-fact tone.

Natigilan ako. Natahimik na lang ako at tahimik na ngumiti. Ayokong isipin nyang
natutuwa ako sa simpleng sinasabi nya na iyon. Iyon lang ang sinasabi nya pero
tumatalon na ang puso ko, samantalang ako, kailangan ko pang paghirapan para lang
mapangiti sya.

Saktong 8 nang tignan ko ang malaking puting orasan sa itaas ng dingding ng kwarto
ni Pierce. Nakabalot parin ako sa blanket, at kausap ko parin si Pierce. Hindi sya
gaanong nagsasalita pero nagsasalita na sya hindi kagaya ng dati. Hindi ko alam
kung paano lumipas ang oras ng ganun kabilis kahit wala naman kaming gaanong napag-
uusapan.

Hindi ko alam kung bakit masaya ako samantalang eto lang naman ang nangyayari.
"Kaibigan mo pala si Kharl dati," Biglang lumabas sa bibig ko nang bigla kong
maalala si Kharl.

Tumingin sya saakin. Tuyo na ang buhok nya at medyo magulo iyon. Mas maganda pala
ang buhok nya kapag walang ayos.

Kinunutan nya lang ako ng kilay. Medyo iritado ang mga mata nya.

"Sabi kasi saakin ni Elaine, magkakaibigan daw kayo dati?" Nakagat ko ang labi ko.
Curious ako. Naging crush nya kaya si Elaine? Hindi imposible, ang ganda ganda
naman kasi ni Elaine.

"We were classmates." Tipid na sabi lang nya, tumingin muli sa harapan.

Tumingin din ako sa harapan. Doon ay payuloy na sumasayaw ang apoy na nagbibigay ng
init saamin ni Pierce.

Napatango ma lamang ako. Tuwing magsasalita kasi si Pierce ay parang palagi nyang
tinutuldukan ang mga sinasabi nya, tipong wala ka ng pwedeng itanong na susunod.
Ayaw nya ba akong kausap? Am I boring?

"Bakit hindi na kayo friends ngayon? I mean bakit hindi na kayo close?" Tanong ko
sa kanya.

Nagkibit balikat sya. "We're not really friends before. Maybe? I can't remember."
Walang pakialam na sabi nya.
Napatango ako.

"Well, maybe yes. Si.." Tumalim ang titig nya sa harapan at tumingin saakin. Para
syang may hinahanap sa mukha ko. "..Kharl. Nakakalaro ko sya. Nakakalaro namin sya
nila Klark, but that was then."

Napaisip na lamang ako doon. Ano pala iyong sinasabi ni Elaine? Ang sabi nya ay
magkakaibigan sila dati? Maybe iba-iba lang siguro sila ng mga pananaw. Baka mas
tinuturing lang na kaibigan ni Pierce sila Yvo, pero talagang naging kaibigan nya
sila Elaine.

Bumukas ang pinto at pumasok si Kret na mukhang galing lang sa paligo. Nakasuot sya
ng green na pajama at green slippers. May yakap syang malaking green na stuffed
toy, hawak nya pa rin yung iPad nya.

Umupo syang muli sa tabi ko.

Nakita ko si Pierce na nakatingin saamin. "She really likes you." Naibulong ni


Pierce.

Nagkibit balikat si Kret. "Well, it seems like my kuya Pierce really likes you."
Humagikhik si Kret. Umupo sya sa pagitan ng hita ko.

Natawa ako kay Kret. Ang bata pa lamang nya ay halatang mapang-inis na sya. Halata
namang iniinis nya lang ang kuya nya.
"Tss.." Yon lamang ang nasabi ni Pierce.

Sumulyap si Kret sa kuya nya at pabalik saakin, tapos ay sa kuya nya ulit. "Woah,
is that a couple h

=================

TKP 29

TKP 29

Halos mabaliw ako noong gabi na iyon. Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa
nakaramdam na ako ng antok.

Inaya ko sya na matulog. Hindi ko mapigilan ang ngiti hanggang sa tinabihan ko na


si Kret sa kama. Nakita ko naman syang umupo aa sofa.

"Pierce, saan ka matutulog?" Kunot noong tanong ko.

Tinignan ko sya na ipinagkakasya ang katawan sa may kalakihan ngunit maliit parin
para sa katawan nya na sofa.

"Here?"

"Seryoso ka ba? Sasakit ang likuran mo dyan. Malaki naman ang kama mo.." Sabi ko at
sinuri ang kama nya. Malaki ito, kasyang-kasya pa sya.

"It's okay. I'll sleep here." Sabi nya at humiga na sa sofa nya.

Nakagat ko ang labi ko. Magtitiis sya sa masikip na sofa na iyon kung meron namang
malambot at malaking kama dito? I mean, kwarto nya 'to? Wala namang malisya saakin
kung tatabi sya. Isa pa, sa gitna naman namin si Kret.

"Pierce, maluwag pa dito oh.." Sabi ko habang nakaupo parin sa kama.

Nakita ko syang ipinatong ang forearm nya sa noo nya at ipinikit ang mata. Madilim
na dahil patay na ang ilaw, pero hindi naman nakaharang ang makapal nyang kurtina
sa malaki nyang bintana. Iyon ang nagbibigay saamin ngayon ng kaunting ilaw.

"I said it's okay." Mahinang sabi nya habang nakapikit parin.

Bakit kasi kailangan nyang magtiis sa sofa na iyon? Kahit na malaki pa 'yon,
nakakakonsensya parin. Buti na lang ay dito natulog si Kret, mas nakakahiya kung
ako lang dito sa kama nya.

"Pero Pierce..." Pagpilit ko pa sa kanya.

Narinig ko ang ngisi nya. "Sleep now."


Sumimangot na lang ako dahil hindi naman ako mananalo sa kanya. Humiga ako ng
maayos at nagkumot. Nakatingin lamang ako sa kisame.

"Pierce, may kumot ka na ba dyaan?" Tanong ko. Bigla ko lang syang naalala. Masyado
naman syang nakakaawa kasi.

Hindi sya sumagot. Nakatulog na agad? Medyo inangat ko ang ulo ko para silipin sya.
Wala syang kumot.

Ganun parin ang posisyon nya at nakapikit parin. Nakataas ang paa nya sa arm rest
dahil masyadong mahabang ang bias nya. Balot na balot naman sya sa suot nyang
hoodie at sweatpants kaya sa tingin ko ay hindi na sya nilalamig, pero kahit na.

Tumayo ako at kumuha ng malaking kumot. Naglakad ako papalapit sa kanya at medyo
nagbend para mai-laatag ko iyon sa katawan nya.

Bigla syang dumilat. Gising pa pala si sungit. Inayos ko pa ang kumot sa katawam
nya.

"Tss.." Narining ko lamang mula sa kanya. Nahimigan ko ang pagngiti nya. Hindi na
ako naghintay ng thank you dahil hindi ko naman iyon maaasahan sa isang masungit na
katulad nya.

"Good night, Pierce." Sabi ko na lamang, hindi rin ako nag-eexpect na magg-good
night sya pabalik. Ni hindi ko sya narinig na nagsalita muli.
Bumalik ako sa kama at binalot ang sarili ko sa comforter. Bahagya kong ipinatong
ang bisig ko kay Kret para yumakap, tulog na tulog parin sya.

Napabuntong hininga ako. Ano ba yan. Bigla na lang nawala ang antok ko! Hays.

Tumitig na lang ako sa madilim na kawalan. Nag-isip isip ng mga bagay. Katulad na
lamang ng, naandito ako sa bahay nila Pierce. Naandito ako sa kwarto nya. Parang
hindi ko yata kahit kailan 'to naisip na mangyayari. Nakasama ko pang kumain ang
family nya, at close ko pa ang kapatid nyang babae.

At isa pa, mukhang gusto nila ako. Oo, hindi ako tanga para hindi makita 'yon. Ang
sarap sa loob na gusto nila ako para sa anak nila. Kahit naman si Klark na hindi
nagsasalita at puro ngisi lamang ay mukhang wala naman ring problema sakin.

Ilang oras na ay hindi pa ako nakakatulog. Nakakainis naman.

Dumiretso ako ng higa at tumitig muli sa kisame. Tulog na kaya si Pierce? Anong
oras na rin. 1 AM na nang tignan ko sa cellphone ko at may mga text pala doon.

From Loraine:

Hi! How was your day bess? Lakas ng ulan. Sana walang pasok bukas!

10 PM nya pa iyong text. Binasa ko muna ang iba pang mga text bago magreply.

From Kharl:
Princess.

Sumimangot ako at hindi iyon pinansin. Ano bang gusto nitong si Kharl? Hindi ko sya
maintindihan. Paasa masyado. Hindi ko alam kung ano ang gusto nyang mangyari..

From Elaine:

Saw you earlier with pierce. Hinahabol mo sya palabas. Why do you keep on following
him?

Napanganga ako sa text nya. Ayokong magalit dahil hindi ko naman alam ang tono nya.
Pero nakakainis ang text nya. Nakita nya siguro ako na hinahabol ko si Pierce noong
umaambon pa lamang? Nakita nya kayang na-stuck kami?

Nag-isip ako kung rereplyan ko ba si Elaine o hindi. Pero sa huli ay hindi na rin
ako nakapagreply dahil wala na pala akong load.

Nagbasa pa ako ng mga text mula sa ibang senders, pero hindi ko pa rin maalis sa
isip ko ang text ni Kharl. Bakit ba text ng text ang isang 'yon? At si Elaine? Ano
naman ngayon kung nakita nya kami? 

Oh.. nalimutan ko. Gusto nya nga pala si Pierce na nakahiga ngayon sa sofa. Tss.

Tinitigan ko ulit ang text saakin ni Elaine. Nakakainis lang kasi. Saakin lang ba,
o talagang nangbabanta ang text nya? Tch.
"Quit texting..." Biglang nagsalita si Pierce na may inaantok na boses.

Agad akong umangat para tumingin sa kanya pero nakapikit parin sya. Hala?
Nananaginip ba sya o kinakausap nya ako?

"Hoy, gising ka pa pala? Huh, Pierce?" Nagsalita ako ng mahina para hindi magising
si Kret sa tabi ko.

Dumilat sya, nakapatong parin ang forearm nya sa noo nya. "Yup, can't sleep."

Napatango na lamang ako at inilapag ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. "May
insomnia ka ba?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya. Pagkatapos ay kinagat nya ang ibabang labi na
parang nagpipigil ng ngiti. "Wala, but I can't sleep lately."

Napa-hmm na lang ako. Siguro ay marami na syang iniisip sa ngayon. Kasama kaya ako
sa mga iniisip nya?

Kinakagat-kagat ko ang labi ko. Nakatitig na lamang ulit ako sa taas. "Tingin mo,
may pasok bukas?"

Naghintay ako sa sagot nya. Ano ba naman 'tong conversation starter na ginawa ko.
"I don't think so," Aniya.

Napangiti na lamang ako. Mabuti ay hindi nya nakikita. Hinigpitan ko ang yakap ko
sa unan nya na kaamoy na kaamoy ng buhok nya. Ano kayang pwedeng pag-usapan? Sana
magsalita pa sya ng magsalita. Sana dumaldal sya. At sana saakin lang sya maging
ganito.

Sana para saakin lamang ang pagpula ng mukha nya. Saakin lang 'yung pagngiti nya na
pilit nyang pinipigilan. Sana ay saakin lang sya tumatawa.

"Anong kukuhanin mo sa college, Pierce?" Tanong ko.

Hindi kaagad sya nakasagot. Mukha nag-iisip.

"Engineering? I don't know yet.."

Ngumiti na lamang ako. Anong branch kaya? Hindi na ako nagtanong since ayoko naman
na tungkol aa pag-aaral ang pag-usapan namin.

Ano kayang mangyayari after this day? After this week? After this month? After this
year? Maraming nagbabago. Hindi mo malalaman kung kailan, kaya hanggang masaya ka
sa mga oras na iyon, h'wag mo iyong bibitawan, dahil hindi mo alam kung kailan iyon
mawawala.
"Anong paborito mong kanta Pierce?" Tanong ko.

Kailan kaya da-daldal ang isang 'to? Baka pag lasing lang? Teka nag-iinom rin kaya
sya? Siguro. Kasi naninigarilyo sya eh.

"Wala. Hindi ako mahilig makinig sa music."

Napangisi na naman ako. Pakiramdam ko ay mapupunit ang labi ko sa kakangiti. Simple


lang naman at nag-uusap lamang kami pero bakit ang saya-saya?

"How about Taylor Swift? Maroon 5? Ed? JB? The Vamps? 1D? 5SOS? Masarap kaya
makinig sa music, ano bang genre ang gusto mo?" Tanong ko. Obvious naman na
pinapahaba ko ang usapan.

"Wala. I'm not a music lover." Sabi nya lang.

Napatango na lamang ako at napasimangot. Ayaw naman nyang magsalita. Samantalang


ako, ang haba habang ng sinasabi ko! Totoo ba talagang gusto nya ako?

Hindi na lang ulit ako nagsalita. Baka naiirita na sya.

Gusto ko nang makatulog pero hindi naman ako inaantok. Ano ba 'yan. Tumitig pa ako
ng tumitig sa kisame.
"Princess," Narinig kong tawag ni Pierce bigla saakin. Kumalabog ang puso ko sa
isang pagtawag nya lang na 'yun! Unfair!

Lumunok muna ako bago nagsalita. "Ano 'yun?"

"Magtanong ka pa." Aniya. Namamaos ang boses nya. Parang inaantok na hindi.

Suminghap ako at pumikit ng mariin. Tumutupi na rin ang mga daliri ko sa paa.

"B-bakit naman?" Tanong ko.

Naghintay na naman ako sa palaging late na sagot nya. Bakit palaging delay ang
sagot nya? Pinag-iisipan pa yata nyang mabuti. Tss. Nakita ko syang nakadilat at
nakatitig rin sa kisame. 

"Wala.." Mahinang sabi nya. "I just wanna hear you talk."

Nai-lubog ko ang ulo ko sa malambot nyang unan. Pinigilan kong maggawa ng malikot
na galaw dahil baka magising pa namin si Kret bigla. Ano ba naman itong si Pierce!

"Ano namang sasabihin ko?" Pilit na pilit ang boses ko para hindi mautal.
God, Pierce! Bakit ba kasi napaka-cute mo? Kahit na magsungit ka pa, o magtaray,
maging tahimik, ngumiti o tumawa, magsalita o kahiy na ano pa man ang gawin mo ay
cute! Ikaw na ang cute!

"Sing for me." Utos nya.

Nanlaki ang mga mata ko. "H-hindi ako marunong kumanta 'no!" Natatawang sabi ko at
kinakabahan rin.

"I don't care how sickening it may sound. I wanna hear your voice." Seryosong sabi
nya na nagpasimangot lang saakin.

Insulto ba 'yon? Oo insulto 'yun.

"Tss! Matulog na nga lang tayo, baka may pasok pa pala bukas." Sabi ko na lamang.
Tinalikuran ko si Kret dahil sa gawi nya rin ang sofa kung saan nakahiha si Pierce.

Hindi sya nagsalita. Pumikit ako at ginawa ang paborito kong pwesto para makatulog.
Nararamdaman ko na ang antok pero hindi parin ako tuluyang makatulog. Hindi ako
sanay sa ibang kwarto.

"Princess Jade Torres.." Tawag na naman ni Pierce kaya nagising na naman ako.

Dumilat ako. Hindi ako sumagot. Kailangan ko ng matulog dahil baka hindi na ako
magising bukas. Aba, nakakahiya 'yon. Ano na lang ang sasabihin ng parents nya
sakin? Pasarap masyado? Aba, aba.
"You sleeping already?" Tanong nya. May curiousity sa boses nya.

Hindi ulit ako sumagot at pinilit ko ulit na matulog. Pagkatapos ng sa tingin ko ay


sampong minuto ay unti-unti na ulit akong dinalaw ng antok.

"Princess.." Makulit na tawag nya.

Napadilat na naman ako. Ang kulit! Umayos ako ng higa at pati na rin ang comforter
ay inayos ko. "Pierce naman. Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!" Mahinang sigaw
ko ma kunwari ay naiinis.

Narinig ko syang nagbuntong hininga. Hindi ba inaantok ang masungit na 'to? Alas-
dos na!

"Sorry."

Napairap ako at nakonsensya ng kaunti. Ano ba naman itong si Pierce. Alam nya
kayang walang tao ang kayang mang-tiis sa kanya? Tss!

Malamig na malamig at madilim na madilim na. Ang tanging maririnig mo ay kaunting


kaluskos ng dahon sa labas. Sa gitna ng napakatahimik na gabi ay bigla na lamang
ulit syang nagsalita.
"Good night, Princess.." Malamig ngunit masarap sa pandinig na sabi nya.

Napapikit ako. Unti-unting kumakalat sa buo kong katawan ang kung anong pakiramdam
na hindi ko matukoy. Excitement at saya. Masaya dahil sa nararamdaman ko, at
excitement dahil hindi ko alam ang mangyayari pagkatapos nito.

"G-good night, Pierce. Please lang, matulog ka na.." Sabi ko pabalik sa kanya.

Narinig ko ang pagngisi nya. "Yes po."

Nakatulog ako ng may ngiti sa labi. Ang saya. May mas sasaya pa kaya dito? At ano
kaya pagkatapos? Nakakatakot. Ano kaya ang balik nito?

Nagising ako dahil sa malikot na galaw ng katabi ko. Pagdilat ko ay nakita ko si


Kret na nakapikit parin pero pabaling-baling ang higa. 5:30 AM na nang tignan ko sa
oras. Tumayo ako para makapag CR.

Nadatnan ko si Pierce na tulog na tulog parin. Magulong-magulo ang buhok nya at


medyo nakababa na ang hood nya. Medyo nakaparte ang labi nya. Nasa baba na ang isa
nyang binti at nasa floor na ang kumot. Medyo nakataas pa ang lalaylayan ng suot
nyang hoodie kaya medyo lumilitaw ang.. katawan nya.

Nag-iwas ako ng tingin dahil nakikita ko ang v-line nya. Pinulot ko ang naka-kalat
na kumot at ipinatong iyon sa katawan nya.

Ang lalaking 'to! Ang likot pala matulog, tapos nag-tiis sya doon? Paniguradong
sasakit ang katawan nya.
Dumiretso na ako sa CR ng kwarto ni Pierce. Nag toothbrush na rin ako gamit ang
toothbrush na ibinigay saakin ni Pierce kagabi.

Mang makalabas ako ng CR ay tumabi akong muli kay Kret. Nakahiga na lamang ako sa
kama, hinahaplos ko na lang si Kret dahil ayoko na ulit matulog. Paniguradong hindi
na ako magigising kung matutulog ulit ako.

Tumitig ako sa malaking sliding window. Medyo umaambon parin. Kitang-kita ko ang
pagtama ng patak ng ulan sa bintana. Hindi ko alam kung bakit mahilig ako sa
ganoong tanawin.

Napatingin ako sa bedside table nang makita ang phone ni Pierce na umilaw.
Nagvibrate rin iyon.

Napatingin ako sa gawi ni Pierce at tulog na tulog parin sya. Gusto kong pakialamam
'yun. Pinahaba ko ang leeg ko para makita ang phone nya. Sinilip ko iyon, pero
hindi ko hinawakan.

"Elaine Cortez..?" Nibulong ko dahil nakita ko ang pangalan nya na nag-appear doon.
May message sya kay Pierce sa facebook. Kaso ay walang preview.

Curious ako at may naramdaman akong weird na pakiramdam. Magkacha-chat sila ni


Elaine. Nagkakachat sila?

Pero sabi nya ay hindi naman sila magkaibigan? Magka-klase lamang. Kung ganun,
posibleng may crush sya kay Elaine? Ano naman... ano naman diba? Dati naman na
'yun.

Gusto kong hawakan ang phone nya. Gusto ko iyong kalikutin at tignan pero hindi
naman iyon sakin. Paano kaya sila magchat ni Pierce? Madaldal kaya si Pierce sa
kanya?

Damn. Curious ako!

Kinuha ko ang phone ni Pierce kahit na nanginginig ang kamay ko. Naramdaman ko ang
pagbilis ng puso ko. Nang mahawakan ko na iyon ay nakagat ko ang labi ko. Titignan
ko lang naman.

Sinubukan ko iyong buksan. Locked. 

2367. Hindi tinanggap. Sinubukan kong alalahanin ang code ng phone nya. Damn, hindi
ko maalala! Alam ko lang ay 23 ang una. Nalimutan ko 'yung dalawa pa.

2376. Hindi ulit tinanggap.

"Tsk, ano nga ba 'yun?" Bulong ko sa sarili ko. Nahampas ko pa ang noo ko. Bakit
malilimutin na ako?

2357. Hindi ulit tinanggap! Nakakainis na 'to!


"It's 2377, Princess." Nagulat ako nang marinig ang boses ni Pierce sa gilid!

Sa gulat ko ay nabitawan ko ang phone nya sa kama. Napatingin agad ako sa kanya.
"Ay gago ka!"

Nakita ko syang nasa gilid. Magulo ang buhok nya at halatang kagigising lamang.
Nag-init ang pisngi ko. Hindi ko inakalang magigising sya at mahuhuli akong
sinusubukang buksan ang phone nya.

NAKAKAHIYA!!

Mabilis na mabilis parin ang takbo ng puso ko at hiyang hiya parin ako. Nakatalikod
kasi ako kay Kret at sa gilid ay si Pierce. Ni hindi ko man lang nakitang gising na
pala sya.

Sa itsura nya ay mukhang wala naman syang pakialam na hawak ko ang phone nya at
sinusubukan ko iyong buksan kanina. Pero kahit na ano! Nakakahiya parin! Sino nga
ba ako para buksan ang phone nya?

Tinalikuran nya ako at pumasok sa CR kaya nagkaroon ako ng oras para makaahon mula
sa pagkakapahiya. Agad kong binalik ang phone nya sa table. May hiya pa naman ako
kahit papaano.

Humiga akong muli sa kama at nagtalakbong. Nahihiya ako! Ayoko na syang makita pa!

Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo kaya lalo akong nanahimik at hindi gumalaw.
Naramdaman ko ang pag-upo nya sa kama. Iyan na. Kinakabahan na talaga ako. Sobrang
nakakahiya. Pakialamera kasi. Tsk. 

"Get up, Princess." Aniya sa tamad na tono. Kagigising lang talaga.

Tinanggal ko ang comforter sa katawan ko at umayos ng upo. Pull yourself together,


Princess! "Sorry."

Kumunot ang noo nya. "It's okay." Kung sabihin nya iyon ay para bang lagi nya na
iyong sinasabi.

Lagi syang naka-it's okay. Laging ayos lang sa kanya. Pinapahiram nya kaya ang iba
ng cellphone nya? "Sus, lagi na lang 'it's okay'. So nagpapahiram ka kahit na
kanino ng phone mo?"

Ano bang pinaglalaban ko? Gusto ko pa yata na magaliy sya saakin.

Dumiretso sya ng tingin sa pinto. Tumigas ang panga nya. "No Princess. Sa'yo lang.
May nakikita ka bang babae na umaaligid sakin?" Malamig ang boses nya.

Natahimik ako doon. Damn Pierce.


Hindi agad sya nagsalita pero sya ulit ang naunang kumausap. "Get up. Let's have
breakfast."

Medyo nakasimangot ako habang umaalis sa kama. Inayos ko muna ang comforter kay
Kret at nakita kong pinapanuod iyon ni Pierce habang naghihintay saakin sa
nakabukas nang pinto.

Nang makalabas ako ng kwarto ay saka naman nya isinara ang pinto. Nauna akong
maglakad sa kanya habang sya ay nakasunod.

"Cook for me, Princess?" Aniya.

Napalingon naman ako sa kanya. Humarap agad ako sa dinadaanan ko at nag-isip. "Ano
bang gusto mo?"

"Kahit ano." 

Ramdam ko parin si Pierce na nakasunod. Nang lingunin ko sya ay nalula ako.


Matangkad talaga sya. Medyo may kalaparan ang katawan nya pero hindi kagaya ng sa
kapatid nya. Magkasing tangkad rin sila ni Klark.

Nang makababa kami ay medyo madilim parin. Pinagbubuksan lahat ni Pierce ang ilaw
at wala pang gising na tao.

Napatango na lamang ako at napagdesisyunang magluto na lang ng bacon and eggs.


Nagluto rin ako ng pancakes.
Habang nagluluto ako ay nakita ko si Pierce na nakaupo lamang sa isang bar high
chair at nakapatong ang baba nya sa palad nya. Nanunuod sya saakin kaya naman
inayos ko lalo ang tayo ko. Ang suot ko ay iyong suot ko parin kahapon. Hindi naman
kami pinagpawisan at malamig naman.

Pagkatapos kong lutuin 'yung breakfast namin ay ipinatong ko iyon sa harapan ni


Pierce. Sa kitchen counter. Dito na lang kami kakain.

Kumuha ako ng dalawang platito. Dalawa ang pancakes na iniluto ko. Inilagay ko ang
isa sa platito ni Pierce at ang isa ay saakin. Naramdaman kong pinapanuod nya parin
ako ng palihim.

Hindi ko na lamang sya tinignan pabalik dahil magiging awkward na naman. Itinulak
ko ang platito papunta sa kanya at umupo na rin ako.

Narinig ko ang pagsinghap nya. May kinuha syang spray sa gilid. Isang whipped cream
spray. Inalog nya iyon ng ilang beses bago nya iyon itinapat sa pancake nya.

Nilagyan nya ng dalawang tuldok ang pancake na parang mata. Sa ibaba naman nun ay
isang curv line. Nilagyan nya ng smiley face ang pancake. 

Ngumisi sya habang nakatingin doon, nag-angat sya ng tingin sakin at tumaas ang
dalawang kilay nya at kinuha ang platito ko para makipagpalit. Ibinagay nya saakin
ang pancake na may smiley face!

Natawa ako sa ka-cute-an nya. Now he is being funny.


"Now, let's eat." Nakangisi parin sya habang nasa plate nya ang tingin.

Nakahinto lamang ako doon at hindi makapaniwala. He is being too adorable that I
can no longer take it! So darling. Talaganh may smiley face pa ang pancake ko,
ganun?

Binuksan ni Pierce ang TV. Sinabi doon na suspende daw ang pasok ngayon dahil may
paparating nga na bagyo.

"Pierce, kailangan ko na ring umuwi.." Sabi ko sa kanya habang kumakain kami.

Nag-angat sya ng tingin saakin. Nawala ang ngisi nya pero agad syang tumango.
"Ihahatid kita."

Umiling ako. Ayos naman na. Bukas na raw ang daan. "No, ayos lang. Mama-masahe na
lang ako. Maiistorbo pa kita."

Kumunot ang kilay nya at tumagilid ang ulo nya. "Wala akong ginagawa."

Napabuntong hininga na lamang ako. Mangliligaw kaya saakin si Pierce? Kasi hindi pa
nga sya nangliligaw, makulit na sya.

Assuming. Bulong ng isang banda ng utak ko.


Pagkatapos naming kumain ay umakyat ulit kami sa kwarto. Inayos ko na ang mga gamit
ko habang nakaupo lamang si Pierce sa gilid, nanunuod sa ginagawa ko.

Ayos na rin ang uniform ko dahil pinalabhan na raw kay manang Joy. Nang maayos na
ang lahat ng gamit ko ay tumingin ako kay Pierce.

"Pierce, 'yung suot ko, ibabalik ko na lang bukas." Sabi ko sa kanya. Tinutukoy ang
pinahiram nya saakin.

Nakahalumbaba parin sya habang nakatingin saakin. Napa-ayos sya ng upo at agad na
tumango bilang sagot. Sungit.

Napatingin naman ako kay Kret. Mahimbing parin ang tulog nya. Sayang naman at hindi
na ako makakapagpaalam sa kanya. 7 na ng tignan ko ang orasan.

Inaya ko na si Pierce na bumaba. Agad naman syang sumunod saaking maglakad.

Nadatnan namin ang daddy at mommy nya, pati na rin si Klark na nagb-breakfast.
Napatingin sila saamin.

"Aalis ka na, hija? Why don't we eat breakfast first?" Pag-aaya ng mommy nya.
Ngumiti ako sa kanya ng nahihiya. "Kumain na po kami kanina ni Pierce.."

Ngumisi ng malaki si Klark sa gilid at nag-angat lamang ng tingin ang daddy nila.

"Oh.. is that so?" Tumango-tango sya at tumayo. Lumapit sya saakin habang
naglalakad kami papunta sa labas. "Ihahatid mo na ba sya, Jyn?"

Tumango ng isang beses si Pierce sa mommy nya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Why don't you take Klark with you? Hindi ba ay kasalukuyan ka palang nag-aaral
magdrive?" Nag-aalalang sabi ng mommy nya.

"I'll use my moto, mom." Ani Pierce sa masungit na tono. Tumingin ako sa labas at
wala na palang ulan.

Umiling ang mommy nya. "No, Jyn. The road's still slippery. You should take Klark
with you? Or your dad?" Nagtatalo pa sila.

Lalo akong nahiya dahil para lang naman saakin kaya sila nagtatalo. Nakakahiya
talaga. Paimportane pa ako tuloy nito.

"What about our driver?" Iritadong sabi ni Pierce.


Nagbuntong hininga ang mommy nya. "Day off, Pierce. Isa pa, ang sabi nya saakin ay
hindi ka naman daw talaga sumasabay sa kanya."

Umirap si Pierce at tumingin sa labas. "I'm not a child anymore, mom. Kailangan
bang hatid sundo ako? Tsk!" Bulong na sabi nya.

Stop it, Pierce. Sagot na naman sya ng sagot. Ang masama pa ay hindi maganda sa
pandinig ang tono nya. Gusti ko tuloy syang batukan.

Dumating si Klark. "Heard my name!" Aniya.

Bandang huli ay napagpasyahan nila na si Klark ang magmamaneho. Ayaw ni Pierce pero
iyon na ang napagdesisyunan ng mag-asawa.

"Ahm, thank you po. Sir, ma'am." Sabi ko habang nakaharap sa mag-asawa. Si Pierce
ay nasa malayo, may tinatanaw. Habang si Klark ay kinuha na ang sasakyan sa garahe.

"You're welcome! You can call me tita." Ngiting ngiti na sabi nya. Sa katabi nya ay
naka-akbay ang asawa nya.

"Tito," Sabi naman saakin ni mr. Jimenez.

Ngumiti ako ng nahihiya habang tumatango.


"Sana nga ay dito ka na rin maglunch.." Medyo malungkot ang boses ni.. tita. Ah, it
sounds weird.

Ngumiti na lamang ako doon. "Pinapauwi na rin po kasi ako saamin." Magalang na sabi
ko.

Pinagsalikop ng mommy ni Pierce ang kamay nya. "But it's okay! Ang sabi nila ay
mamaya daw darating ang bagyo. So mas mabuting nasa bahay ka na nun at baka mag-
alala pa sa'yo ang mommy mo."

Nakipagkwentuhan pa ako bago dumating ang magandang dilaw na sasakyan ni Klark.


Nakita ko 'yun dati na walang bubong. Mukhang sports car at sobrang mamahalin.
Ngayon pa lang ako makakasakay sa ganyang kagandang sasakyan.

"Sige po, tita, tito. Salamat po ulit." Paalam ko sa kanila.

Ngumiti sila saakin. Naglakad ako palapit sa sasakyan at bago pa ako makalapit ay
binuksan na ni Pierce pinto sa likod. Pumasok ako bago sya pumasok. Sinara na nya
ang pinto.

Tumaas ang kilay ni Klark habang medyo nakalingon saamin. "Ang gwapo ng driver
nyo."

Natawa ako at tahimik lamang si Pierce. Bago kami maka-alis ay biglang bumukas ang
pinto sa passenger's seat at pumasok si Kret na mukhang kagigising lang. Umiinom
sya ng yakult.
Napansin ko ring naka-PJs pa ang kapatid nyang si Klark. Ang ganda ng sasakyan pero
mga naka-pangtulog ang mga sakay.

Tahimik lang si Pierce habang buma-byahe. It's very usual. Sanay naman na ako na
hindi talaga sya nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay namin na si Pierce
pa ang nagtuturo.

"Salamat sa paghatid.." Sabi ko habang nakatingin sa salamin para makita si Klark.

Kumindat sya saakin. "No problem."

Tumingin naman ako kay Pierce na nakatingin na pala saakin. "Ahm, pasok ka muna?"

Umiling lang sya. "Hindi na."

Ang sungit naman! Tumingin ako kay Kret. "Bye Kret!" Kinawayan ko sya.

"Byee ate! Punta ka ulit next time ah?" Sabi nya at halatang gusto nya talaga ako.

Napangiti ako doon at lalo syang nginitian. Tumingin muli ako kay Pierce. "Bye.."
Sabi ko. Awkward. Mas awkward dahil naandito pa ang kapatid nya at may audience
kami. Tinanguan nya lamang ako.
Okay. Iyon lang 'yun. Ano ba naman itong si Pierce. Minsan medyo nagsasalita at
ngimingiti, ngayon ice-cold ulit? Woah.

Mukhang badtrip si sungit.

Nagpasalamat ulit ako kay Klark bago tuluyang bumaba.

Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko si mama na naghuhugas sa lababo. "Hello,


ma. Sorry di ako nakauwi kahapon." Sabi ko sa kanya at inilapag ang ang mga gamit
ko.

"Kaninong damit 'yan?" Tanong nya saakin. Nakaturo sa suot kong ipinahiram saakin
ni Pierce.

"Kay Pierce po, ma.." Sabi ko at hindi ko naiwasang ngumiti. Halata naman ang mga
tanong nya sa mata nya. "Sa kwarto ko lang po ako."

Nagbukas agad ako ng wifi dahil wala akong load. Hindi online si Pierce dahil sa
bahay nya lang ata sila kumo-connect. Nagchat agad ako sa kanya dahil alam kong
hindi nya pa iyon mababasa.

Princess: Sungit!!

Inilapag ko ang cellphone ko at iniwang nakacharge. Nagtanong lang ng nagtanong si


mama tungkol sa pinag-stay-an ko, kila Pierce. Hindi ko naman kinuwento sa kanya na
may something sa amin, sa ngayon ay ayoko muna.
"Siguraduhin mo lang, Princess. Baka naman boyfriend mo na 'yan.." Medyo
nakasimnagot si mama. Ang totoo ay mahigpit sya sa mga ganyang bagay.

Naalala ko noong unang beses kong dinala si Kharl sa bahay namin. Nangliligaw pa
lang sya noon, pero nagustuhan na agad aya ni mama. Meron kasing ganoong charm si
Kharl. Magugustuhan mo agad, kasi mukha syang sobrang matino. Masarap pa syang
pakinggan kung magsalita.

Bumalik ako sa kwarto nang matapos ang pag-uusap namin. Cellphone ko agad ang
pinuntahan ko.

Nakita ko agad na may chat saakin si Pierce.

Pierce: Masungit daw ay.

Napairap ako sa chat nya. Sungit talaga. Kailan kaya mababawasan pa ng kaunti ang
kasungitan nya? Kahit kaunti na lang.

Princess: Hindi ba?

Nakita ko kaagad na nagta-type na sya pagkabasa nya sa chat ko. Oh well, ako lang
ang ka-chat nya. Ano kaya ang sinabi sa kanya ni Elaine kanina?
Pierce: Nagsasalita na kaya ako

Napangisi ako at inamoy na lamang ang suot kong hoodie. Ang bango! Kaamoy talaga ni
Pierce ang hoodie na 'to.

Princess: Nagsasalita na yung ganun?

Send ko sa kanya. Gumulong pa ako sa kama habang hinihintay ang chat nya saakin.

Pierce: Oo. Sa iba hindi naman ako nagsasalita

Tss. Ganun? Pasalamat pa pala ako sa lagay na ito? Hay nako, Pierce. Hindi ko alam
kung wala ka lang talagang alam sa mga ganitong bagay o ano..

Princess: Ah. Okay.

'Yun lamang ang sinabi ko pero hindi naman ako nagagalit. Inaasar ko lang naman
sya.

Hinintay ko pa ang reply nya pero hindi na sya nagreply after kong maghintay ng 5
minutes. Online parin naman sya. Tss! Baka may ka-chat ng iba?
Okay lang sa kanya na sinabi kong 'Ah. Okay.' Tss. Nag-expect pa naman ako na agad
syang magrereply at mag-aalala. Iyon pala ay sineryoso nya na okay nga lang. How
insensitive.

Napatalon ako nang makitang nag pop up na naman ang mukha at pangalan nya sa phone
ko. Nagchat na sya!

Pierce:

Sorry na :*

Naibato ko ang cellphone ko sa kama. Typo ba iyon?

=================

TKP 30

Hi! Gusto ko lang magthank you sa lahat ng nagmemessage saakin, nagcha-chat at


nagpopost sa message board ko. Binabasa ko po lahat yun pero hindi ko lang po
narereplyan yung iba. But I want you all to know that I really appreciate it.
Salamat sa mga nagbabasa parin kahit ang bagal ng ud, kapag nakaluwag na ako maga-
update ako ng mas madalas :)

Tkp 30

Hindi ko alam kung ano ang irereply ko kay Pierce. Naisip ko na hindi na lamang
magreply dahil hindi ko naman alam kung typo ba sya o ano. Pinapagulo ni Pierce ang
isip ko!

Princess: Nagkamali ka ba ng naitype?

Ngumuso ako habang titig na titig sa screen ng cellphone ko. Hinihintay kong
lumabas ang tatlong tuldok para may clue na ako na nagta-type na sya. God, Pierce. 

Ngumisi ako nang makitang nagchat na sya ulit.

Pierce: Nope!
May emoticon pa doong devil na nakangisi. Baliw yata si Pierce pero tinawanan ko na
lamang iyon.

Nagtype agad ako ng reply sa kanya.

Princess: Uy maliligo na ko ah. :)

Para akong tanga na sinasapak ang sarili ko. Sht. Ano naman diba, wala namang
masama! Pero ang weird lang saakin. Nahihiya ako kay Pierce.

Anong iisipin nya sa smiley face na 'yun? Sht! Stop overthinking!

Ayoko nang basahin ang reply nya dahil ayoko nang tumigil sa pakikipagchat sa
kanya. Ni hindi ko na yata gustong bitawan pa ang phone ko.

Pierce: Okay. Chat me when youre done.

Kumamot ako sa ulo ko at ngumisi na parang timang. Nababaliw na yata ako. Lalo lang
nadadagdagan ang pagka-crush ko kay Pierce. Sana ay ngumingiti sya sa personal at
dumadaldal rin. Hindi 'yung puro dito lang.

Bakit malakas lang ang loob nya kapag sa chat? Ganito ba lahat ng lalaki o talagang
torpe si Pierce masyado?

Princess: Ok! Sasauli ko sayo bukas tong pinahiram mo sakin! 

Hinintay ko syang magreply.

Pierce: You can keep it

Tumawa ako sa reply nya. Natutuwa lang ako. Sa wakas ay sinabi nya ring saakin na
ito! Ang balak ko talaga ay hindi na isauli 'to dahil gusto kong magtabi ng ilang
mga bagay na galing sa kanya. Ang totoo ay nasa akin pa ang panyo na ibinigay nya
noong umiyak ako.

Pumasok ako ng banyo at naligo. Habang naliligo ako ay si Pierce lang din ang
naiisip ko. Ang masungit na mukha nya at ang nakaka-in love nyang ngiti.

"Damn it, Jimenez." Nai-in love na yata ako sa kanya.

Pierce Jimenez. Puro si Pierce lang ang naiisip ko. Sa tingin ko ay more than crush
na ito, pero less than love pa. Kaunti na lang talaga..
Pagkatapos kong makaligo ay nilingon ko ang bintana. Malakas na ang ulan. Hindi na
rin halos matanaw ng maayos ang paligid dahil sa pagragasa ng mga matutulis na
patak ng tubig. Kung malakas ang ulan kahapon ay mas malakas na talaga ngayon.

Naalala ko tuloy 'yung kahapon. 'Yung nakasandal ako sa pader at sya ay nasa
harapan ko habang ang kamay nya ay nasa gilid ko.

Napabuntong hininga ako habang may tagumpay na ngiti sa labi. Masyadong maraming
nangyari kahapon. Gusto kong balikan. Lalo na doon sa part na talagang pinayungan
nya ako ng uniform nya. Meron syang sweet side, at gusto ko pa iyong makita.

Princess: Lakas ng ulan.

Sinend ko agad iyon kay Pierce nang makatapos akong maligo. Hindi ko alam kung
paano ko sisimulan ang conversation na 'to.

"Ang lakas ng ulan. Baka hanggang sa isang araw, wala pa kayong pasok ah?"

Napatingin ako kay mama na nasa tapat ng TV at nanunuod. Ako ay busy sa hawak kong
cellphone. Nakatitig lang ako doon nang bigla iyong nagvibrate. Tumatawag ang
magaling kong ex.

"Come on." Naibulong ko. Ano ba ang balak ng isang 'to? Sa totoo ay wala na akong
pakialam sa kanya. Ni hindi na ako nagugulat kapag minsan ay tumatawag sya. Ganun
pala talaga 'yun. Kapag may iba ka ng napapansin ay hindi mo na mapapansin ang
isang bagay na sobra mong nagustuhan noon.

Pumikit ako ng mariin. Nakita ko namang may chat saakin si Pierce kaya agad kong
ni-reject ang tawag ni Kharl.

Pierce: Do you feel cold?

Nakagat ko ang labi ko. Sa tingin ko ay wala kaming gagawin ngayon kundi ang
magchat-an. I like the idea though. Gusto ko 'yung feeling na kachat sya. 'Yung
alam kong hawak nya ang phone nya habang ka-chat nya ako.

Princess: Oo eh. Anong ginagawa mo dyan?

Pierce: Just lying on my bed. You?

Princess: Nakaupo lang. :)

Para akong tanga na ngiting ngiti. Kinunutan lang ako ng kapatid ko habang
naglalaro sya ng hindi ko malaman dahil hindi ko naman sya pinapansin. Si mama ay
kanina pa pumasok ng kwarto.

Pierce: I want you here :(

Naramdaman ko ang pagtupi ng mga daliri ko sa paa habang nagta-type.

Princess: Ows?

Buong oras ng chat namin ay ngiting-ngiti ako. Minsan nale-late pa ako ng reply
dahil matagal akong nakaka-recover sa mga sinasabi nya. Bakit ganun! Sa tingin ko
naman ay normal ang mga sinasabi nya pero nag-iiba ang dating saakin!

Pierce: Have you eaten?

Katulad nito. Simpleng tanong lang iyon pero nakakainis ang puso ko sa sobrang
kalandian. Nagtataka tuloy ako kung gusto ko ba talaga si Pierce o lumalandi lang
ako dahil wala pang ibang nangliligaw saakin ngayon?

Hindi. Hindi naman siguro. Masaya ako. Alam ko naman ang nararamdaman ko. At
totoong masaya ako na kausap sya. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung masaya rin
sya kagaya ko. I hope so.

Natutuwa kaya syang nagkaka-chat kami ngayon? Ano kayang mga iniisip nya? Ano kaya
ang reaksyon nya sa tuwing nababasa ang reply ko, o nakikitang may chat na ako sa
kanya?

Gusto kong malaman. Isa pa, gusto ko ring malaman kung bukod ba saakin ay may ka-
chat pa syang iba.

Hindi na pala ako nakapagreply dahil sa pag-iisip. Nagulat na lamang ako dahil may
message na ulit sya saakin.

Pierce: Can i call?

Nanglaki ang mga mata ko. Gusto ko syang tumawag pero hindi ngayon. Ayoko. Hindi pa
ako handang makipag-usap sa kanya pagkatapos nya akong landiin!

Princess: Hindi pwede! Wag muna pierce.

Sinend ko agad iyon sa kanya. Kabado akong tumitig sa screen.

Nagtype agad sya na medyo natagalan.


Napabuntong hininga ako. Pagkatapos ay napangisi ulit nang mabasa ang reply nya.
Nakagat ko pa ang labi ko habang pinipigilan kong ngumiti na pwede nang umabot
hanggang tenga.

"Nababaliw ka na ba, ate?" Seryosong tanong ni Sam saakin.

Napalingon naman ako sa kanya at ngumisi na lang din. "Oo yata."

Iniwan ko sya doon habang nasa cellphone ko parin ang tingin. Pumasok ako sa kwarto
dahil ayokong may ibang kumausap saakin.

Nagvibrate muli ang phone ko at agad agad ko iyong tinignan. Excited yata ako
tuwing magba-vibrate ang phone ko.

Pierce: Palike ng profile picture

Meron na naman syang emoticon na demonyong nakangiti doon. At ano? Palike? Meron
naman syang libo-libong likers ah! Tss.

Agad kong pinuntahan ang profile nya at nagulat ako nang makita ang kababago nya
lamang na profile picture! Nalaglag ang panga ko. Hindi ko 'to inaasahan. Ito ang
kuha ni Kret.

Kaming dalawa iyon. Naka-akbay sya saakin at may suot kaming parehong hoodie. Si
Pierce? Ginawa nyang profile picture ang picture naming dalawa!

Nakita ko sa notification na ni-tag nya ako. At doon nagsimulang sumabog ang


notifications ko. Puro like lang iyon. 'This person likes a photo you are tagged
in'. Meron ring ilang nag-add saakin na puro mga babae at ilang mga lalaki. Agad
akong umalis doon at tinignang mabuti ang picture namin. Kailangan ko iyong suriing
mabuti. Mahirap talagang tumabi sa masyadong perpekto na tao.

Naka-akbay sya saakin habang pareho ang suot namin. Magkaiba lamang ng kulay. Mukha
kaming mag-on dito. Medyo basa pa ang buhok namin at kitang-kita iyon sa picture.

Gwapo si Pierce dito! I mean, gwapo naman sya kahit saang angulo. Ayos lang ang
itsura ko doon pero feeling ko masyadong na-out of place ang mukha ko sa mukha ni
Pierce.

Binasa ko ang ilang mga comments. Ang iba ay galing sa mga schoolmates namin, ang
iba ay galing sa mga kaklase namin at ang iba pa ay hindi ko na mga kilala.

'Girlfriend mo bro?'
'Nuks! Pumupuso si Pierce!'

'Bagay na bagay <3'

Ang huling comment na nabasa ko ay galing kay Yvo Ponferrada.

'Galawang pierce yan. Hearts everywhere!!'

Napairap ako sa comment ni Yvo. Naalala ko tuloy 'yung sa phone ni Pierce. Ano
kayang tinatago nya doon? At bakit hindi naman sya natakot na sabihin saakin ang
code nya? Ibig bang sabihin nun ay hindi ako ang tinutukoy ni Yvo na babaeng gusto
ni Pierce na malalaman ko kapag kinalikot ko ang phone nya?

So may iba pa ba? May iba pa kayang gusto si Pierce? Hindi kaya ay tahimik sya kung
mangbabae at lumandi?

Napailing na lamang ako sa mga pinag-iiisip.

Puro puso na lang ang ilang mga comment doon at mga nagtatanong kung sino raw ako.
Nakagat ko ang labi ko. Maling-mali ang ginawa ni Pierce!

Masyadong kumakalat. Ilang minutes nya pa lang nai-popost ay maraming-marami nang


likes. Si Kharl, kahit minsan ay hindi 'to ginawa, ako ang gumawa noon. Ni wala nga
kaming gaanong picture noon.

Biglang may nagpop up message saakin na hindi ko naman kilala.

'Hello po! Ano nyo po si Pierce? Please answer ASAP.'

Hindi ko iyon sinagot at chinat ko na lamang si Pierce. Meron pa akong ilang mga
kaklaseng babae na nagchat sakin kung kami na raw ba ni Pierce.

Princess: Baliw ka ba? Bakit mo ginawang profile picture yun?

Sinend ko iyon kay Pierce. Maya maya lang ay bigla na lamang syang tumawag.
Naiirita ko iyong sinagot.

"You mad?" Tanong nya sa kabilang linya. Hindi nang-iinis ang boses nya pero kahit
na!

"Pierce naman eh!" Naiinis na sigaw ko. Hindi ko naman pinaparangarap na sumikat sa
FB, at ayoko namang magtanong sila tungkol saakin. Nakakahiya, hindi pa naman ako
kagandahan para kay Pierce. Ano na lamang iisipin ng mga hindi nakakakilala? At--
mas lalo na ng mga nakakakilala.
"What?" Narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya.

"Tsk, burahin mo 'yun.." Mahinang bulong ko.

Narinig kong muli ang pagtawa nya. "Why? Ayoko."

"Baliw ka talaga!" Sigaw ko sa kanya. "Baka madaming ma-galit saakin nito..."

Natahimik sya doon. Hinintay ko lamang syang magsalita.

"They could hate you but they will never hurt you." Aniya sa malamig na tono. "I
assure you that, Princess."

Once again, nahimigan ko na naman ang kaseryosohan sa boses nya. Ito na naman ang
tono nya na 'kapag sinabi nya, dapat ay mangyari'.

Ngumuso na lamang ako. "Madami na akong haters, Pierce. Dinadagdagan mo lang.."


Pabirong sabi ko para hindi masyadong seryoso.

Hindi sya nagsalita ulit about doon. Narinig ko na lamang ang mga patak ng ulan sa
kabilang linya.

"Nasan ka?" Tanong ko.

"Sa taas." Aniya.

Niyakap ko ang tuhod ko at tinitigan ang kisame. "Nakakatamad dito.." Sabi ko na


lamang.

Narinig ko ang mahinang pagsinghap nya sa hangin. "Gusto mo ba 'kong pumunta dyan?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Baliw!"

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya. Sa tunog ng tawa nya kahit na mahina iyon ay
mukha syang masaya. 

"I miss.." Medyo natigilan sya at alam kong namumula na sya ngayon. "you.."

Nakagat ko ang labi ko at mariin na pumikit para mapigilan ang pagsinghap. Bakit
bigla syang nagsasalita ng ganun! Tinakpan ko pa ang bibig ko ng mariin.
"Haha.." Awkward na tumawa lang ako.

Sumagot lamang sya ng buntong hininga. "Pwede nga ako dyaan?"

Kumunot ang noo ko. So seryoso pala syang gusto nyang pumunta dito? Baliw ba sya,
may bagyo kaya. Tska nandito sila mama. At malakas pa ang ulan!

"Seryoso ka ba, Pierce?" Tanong ko na para bang nahihibang na sya.

"Hmm," Pag-oo nya.

"Pero umuulan-- bumabagyo pala. Wala ka bang magawa?" Medyo natawa ako at medyo
kinakabahan rin. Hindi ko kasi alam ang tumatakbo sa utak ni Pierce.

"I don't wanna do anything. I'm just sitting here, waiting so damn long for your
replies. Dammit."

Namutla ako doon at napangiti na naman. Stop it, Pierce. I gave up! I really like
you!

"Well... ahm.." Okay. Bakit ba napaka-awkward mong tao, Princess. Damn!

Narinig ko ang pagtikhim nya. "And fck chatting. I want you here. Right now."
Aniya. 

Malamig at seryoso parin ang boses nya, pero somehow, para akong binalot ng mainit
na yakap ng salita nyang iyon.

"Ah.. eh.. busy ka yata. Naabala ba kita?" Kabadong tanong ko.

Anong katangahan naman 'yan, Princess? Just another great conversation killer?
Syempre hindi. Nakita mo ngang ikaw daw ang kachat eh, naghihintay sa replies mo!
At gusto ka daw nya doon! Pero naman kasi eh..

He just chuckled and boom! Awkward na. Kasalanan 'to ni Pierce. Hindi dapat sya
nagsalita ng ganun. At least not now.

Bigla na lamang sumilip ang ulo ni mama sa pinto. "Princess!" Tawag ni mama saakin.

Napabaling ako kay mama at nagsalita ulit sa phone. "Uh, Pierce. Ibababa ko na 'to
ah."
Hindi ko na hinintay na magsalita si Pierce, pinatay ko na ang tawag at agad na
tinignan si mama. 

"Ano 'yun ma?"

Kunot ang noo nya habang tinitignan ako. "Kanina pa kita tinatawag, sabi ko, tignan
mo muna 'yung computer natin."

Tumayo agad ako at lumabas sa kwarto. Hindi kasi ganun karunong si mama sa computer
at palagi pa naman iyong nasisira dahil may kalumaan na.

"Sinong katawagan mo?" May tunog na pagsususpatya si mama.

Nag-init ang pisngi ko dahil naalala ko si Pierce. "Wala po 'yun ma.."

Narinig ko lang ang pagngisi nya. "Sus."

Matapos kong gawin ang computer na hindi lang pala mai-connect ni mama sa internet
ay bumalik na ako sa kwarto.

Nagchat agad ako kay Pierce. Damn, ayokong maging clingy pero ayoko na yata sya
tigilan.

Princess: Hey, sorry kanina. May ginawa lang.

Buong araw ko yatang nakachat si Pierce. Nakachat ko rin si Loraine at ibang mga
kaklase ko na nagtatanong tungkol saamin ni Pierce. Kung bakit kami magkasama,
bakit pareho kami ng suot, kung kami na raw ba, at paano naging kami.

Panay ang tanggi ko sa kanila. Nagtatanong pa sila saakin kung pinupormahan daw ba
ako ni Pierce.

At ang pinakamahirap sa mga tanong nila ay: Princess! Anong feeling ng kasama si
Pierce? Kainggit ka!

Bumuntong hininga ako. Ano nga ba ang feeling? Syempre, masaya. Masarap sa
pakiramdam na alam mong may gusto sa i'yo ang isang tao.

Nagtanong pa saakin si Loraine. Wala akong load kay naka-wifi lang ako at sa
facebook lang nakikipag-usap.

Loraine: Nangliligaw na ba?


Princess: Hindi no. Hahaha!

Loraine: God! Anong ginawa mo at bakit may gusto sayo si pierce? Hindi ko gets.
Kainggit ka. Huhu

Princess: Baliw! Hehe.

Nabalitaan ko na kinabukasan ay magkakaroon na ng pasok. Nalungkot ako na naexcite.


Kinakabahan rin ako. Paano kung pagpasok ko palang ay masasama na ang tinginan
saakin? At paano kami ni Pierce? Paano na kami nito sa pesonal?

Noong bandang 9:00 PM ay nagchat saakin si Pierce ulit. Sinabi ko kasi sa kanya na
may ginagawa ako kaya hindi ko na sya kachat. Ayoko naman na buong araw kaming
magkachat. Baka magsawa lamang sya. Although hindi ako nagsasawa at mukhang hindi
na ako magsasawa. Pero kahit na..

Pierce: May tanong ako

Kinabahan ako sa sinabi nya. Damn! Anong tanong iyon? Anong posibleng tanong iyon?

Nagtype agad ako ng sasabihin ko. Kinakabahan ako. Dapat kasi tinanong na lang nya
agad. Hindi 'yung sasabihin pa nya na may tanong sya. Aba, pakaba sya masyado ah.

Princess: Ano yon?

Nagdadasal ako habang nakatitig sa irereply ko. Sht. Kapag sinend ko 'to, ano
kayang isasagot nya?

Bago ko pa maisend ang message ko ay biglang nawalan ng ilaw. Napasinghap ako at


napatitig sa dilim. Nawalan ng kuryente! What the-- bakit ngayon pa?

Inis na inis ako habang nakatingin sa phone ko. Hindi ko nai-send kay Pierce dahil
wala ng wifi. Wala rin naman akong load!

Nanlaki ang mata ko nang makitamg 5 percent na lang ang phone ko. Sht! Hindi ko
nai-charge.

Inabot hanggang 11 ang brown out. Gising pa ako hanggang 12. Naseen ko lamang si
Pierce pero wala pa akong reply sa kanya. Online pa sya hanggang ngayon pero
minabuti kong hindi na magreply. Mas ayos na siguro kung sa personal ko na lamang
tanungin kung ano 'yong tanong nya.

Nakatulog ako ng gabi na 'yon at paggising ko ay may text saakin si Pierce.


From Pierce:

Good morning.

Nakangiti agad ako pag gising ko. Bago ako nag-almusal ay nagpaload na agad ako
para makapagtext kay Pierce.

Kabado ako habang nasusuot ng uniform ko. Palapit ng palapit ang oras. Malapit na
akong pumasok. Kinakabahan ako. Naging maayos naman kami bago kami maghiwalay pero
mas naging close ko sya sa chat. Sana naman ay hindi sya magbago sa personal,
mamaya.

Pumara agad ako ng tricyle. Malakas ang tibok ng puso ko at lalo iyong naghihingalo
habang palapit kami ng palapit sa school.

Nagbuga ako ng hangin at nagdasal. God. Kinakabahan na talaga ako.

At nang huminto ang sasakyan sa tapat ng school namin, doon na talaga sumakit ang
puso ko. Naandito na ako. At mamaya lang ay papasok na ako sa room. Mamamaya ay
makikita ko na si Pierce dahil sigurado naman akong maaga na syang pumapasok.

Jeez. I'm sure na nasa room na sya ngayon. Anong gagawin ko pag tapak ko sa loob
habang pumapasok sa pinto? Paano kung tumingin sya saakin? Ngingiti na ba ako?
Paano kung hindi sya ngumiti pabalik?

Pumikit ako ng mariin at bumaba ng tricyle. Bago pala ako pumasok ng room ay
madadaanan ko pa ang mga estudyante dito sa school. Madadaanan ko silang lahat at
alam kong nakita na nila ang picture namin ni Pierce. Masyado na iyong kumakalat.

Sikat pa naman si Pierce kahit na bago lang sya. At mas lalo silang maku-curious
saamin dahil hindi naman nila alam kung ano talaga ang meron kami.

Huminto muna ako sa gilid. Malakas na malakas na talaga ang tibok ng puso ko. Hindi
ako kinabahan ng ganito katulad noong unang araw na naging kami ni Kharl at papasok
ako ng school.

Pumikit ako ng mariin at humawak ng mahigpit sa strap ng bag ko. Maglalakad lang
naman ako ng diretso. Hindi ako titingin kahit sa kanino. Huminga muna ulit ako ng
malalim bago naglakad papasok sa gate.

Napa-hinto ako bago makapasok ng tuluyan sa gate dahil nakita kong mas maraming
estudyante ngayon ang nakatambay sa waiting area kesa sa ibang mga araw. Bakit ang
daming tao? Sobrang dami nila! Hindi kagaya ng ibang mga normal na araw na may
makikita ka lang na limang studyanteng naghihintay. 

At napatingin na lamang ako sa isang lalaki na cool lamang ang upo doon sa isang
mahabang upuan na sya lamang ang nakaupo. Halos lahat ng mga mata ay nasa kanya.
Nakita ko pa syang tumingin sa itim nyang relo sa kaliwa nyang pulso.

Nahagip ko na lamang ang hininga ko. Hindi ako makapaglakad! Natuod ako sa pwesto
ko. Naandito si Pierce sa waiting area sa school at ngayon ko lamang sya nakitang
nakaupo doon. Bakit ang gwapo nyang umupo?

Tumigil na yata ang paghinga ko dahil sa kaba. Ang puso ko ay hindi ko na


maramdamang tumitibok. Tinitigan ko lang sya hanggang sa nakita ko syang nag-angat
ng tingin at huminto iyon saakin.

Kahit na malayo ako ay kitang-kita ko ang pagliliwanag ng mukha nya nang makita
ako. Lalong nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang makita syang tumayo.

Suminghap na lamang ako dahil sobrang kinakabahan na talagaa ako. Hinihintay ako ni
Pierce sa kabila ng mga matang nagtitinginan at nanunuod sa kanya ngayon.

Tumitig pa ako sa kanya habang naglalakad sya papalapit saakin. Medyo magulo ang
buhok nya, na nagpapakita lalo sa maputi nyang balat, ang maganda nyang kilay ay
medyo natatakpan. Kitang-kita ko ang magkabilang itim na bilog nyang hikaw sa
tenga. Nakahawak ang isang kamay nya sa strap ng bag nya na nakasabit sa isang
balikat nya, at ang isang kamay nya ay nakapasok sa bulsa nya.

At muntik na akong matunaw nang makita kong tumaas ang dalawang sulok ng labi nya
hanggang sa makarating sya sa kinatatayuan ko.

=================

TKP 31

TKP 31

Ilang lunok na ang nagagawa ko pero hindi ko parin talaga maisip kung bakit
naandito si Pierce at hinihintay ako.

Ang sarap lang sa pakiramdam, pero hindi ko rin masikmura ang mga nagtitinginan
saamin. Ang mga mahahapding tingin. Nangke-question ang mga mata nila. Maiinit at
nakakapaso.
"P-pierce, bakit sinundo mo pa ako?" Tumitingin ako sa paligid ng pasimple.

Cool at diretso lang sya sa pagtayo sa harapan ko pero hindi naman sya makatingin.
Hindi nya pinapansin na nakaka-attract na kami ng masyadong maraming atensyon.

"Sinong nagsabing sinunsundo kita?" Nakangising tanong nya, sa harap parin ang
tingin. "Sasabayan lang kita sa paglalakad."

Natawa ako sa kabila ng kabang nararamdaman. Nang tignan kong muli sya ay nakangisi
parin sya. Nakangisi parin ang napaka-sungit nyang mukha.

Gusto kong mahiya na hindi. Sinimulan ko nang maglakad. Sumabay sya saakin. Weird,
hindi na masyadong masungit ang lalaking 'to ngayon.

Naglakad na lamang ako kasabay ang sikat na lalaking 'to sa school na kilala bilang
masungit at snob. Pero ngayon ay ngiting-ngiting naglalakad kasama ang isang tulad
ko.

"Tss. Style mo, bulok." Sabi ko na lang para hindi nya mahalatang kinakabahan ako.

Bawat madaanan naman ay biglang tumatahimik at susunod ang titig saamin. Para
kaming magnet na bigla na lamang nang-aagaw ng atensyon, paparating pa lamang.

Pakiramdam ko ay humaba ang daan papunta sa room namin. Minsan ay tumitingin ako
kay Pierce na hindi masungit ang mukha, pero hindi rin naman nakangiti. Mukhang ang
gaan ng pakiramdam nya ngayon hindi tulad ng dati na akala mo ay laging may kaaway.
Hindi ko sinubukang kausapin sya kahit mukhang makakausap naman sya. Hinayaan ko na
lang sya na paminsan-minsan ay ngumi-ngisi ngisi.

Bago kami makapasok ng room ay may humarang saaming grupo ng mga kalalakihan.
Matatangkad sila kagaya ni Pierce. Mga schoolmates ko sila at ka-batch. Ngising
ngisi sila at mukhang natutuwa na makita kami.

"Hi, butterfly." 

Biglang lumitaw si Yvo, kumindat pa sya at kinurot ang pisngi ko.

Nakipaghigh five sya na tinugunan naman ni Pierce kahit na ngayon ay nakasimangot


na si sungit. Ang lahat ng mga lalaki na iyon ay binati rin si Pierce at tinapik na
para bang proud na proud sila para kay Pierce.

"Jimenez, nagbibinata ah!" Bati nung isa na hindi ko kilala. Sumulyap sya saakin at
ngumiti.

Ngumiti na lang din ako. Nakaka-ilang dahil anim na lalaki sila, kasama si Pierce
at naandito ako at nasa gitna nila. Marami ring nakakatakot na titig ang nakukuha
ko mula sa mga nakakakitang estudyante na mga nakadungaw sa mga classrooms nila.

Marami pa ang nasa labas ng mga kani-kanilang room dahil wala pa ang mga teachers.
Nakita ko pang kumakaway saakin si Loraine habang kinikilig.
"Princess," Tawag saakin nung lalaking itim na itim ang buhok. Maliit ang mukha nya
at may hikaw sya sa kanang tainga. Medyo napataas ang kilay ko dahil lahat sila ay
kilala na ako.

"Bakit?" Tanong ko lamang.

"Ingatan mo puso ng kaibigan namin, ngayon lang na-in love 'yan!" Tapos ay
naghalakhakan sila at tinukso si Pierce.

Umirap lamang si Pierce at umiling. Medyo nakangiti parin sya na pinipilit na h'wag
ipakita. Pagkatapos ay nagkatinginan kami at napa-iwas sya ng tingin.

Cute mo!

Nag-usap usap pa sila at nagsalita na ako. "Uhm, pasok na ako sa room Pierce."
Paalam ko nang medyo natagalan na kami. Ngumiti ako sa mga kasama nya para
magpaalam.

Tumango naman sila. Nakita ko ang pagsunod ng titig saakin ni Pierce.

"Pasok na raw kami." Narinig kong sabi ni Pierce sa mga kaibigan nya noong
nakatalikod na ako.

Narinig ko ang ilang tawanan ng mga kaibigan nya. Halatang inaasar sya. Ngayon lang
talaga nagkagusto si Pierce sa babae? I mean, kahit crush wala?

"Damn Jimenez! You're whipped!"

Naramdaman ko syang nakasunod lamang saakin. Nadaanan ko naman ang mga kaibigan
nyang sila Raven sa room namin na nakangiti saakin ng makahulugan. Natawa ako at
napailing bago sila tinanguan na lamang.

Ano kayang iniisip nilang lahat saamin? Of course, iniisip nilang kami na. At hindi
naman pwedeng magpaliwanag ako sa bawat isa sa kanila.

Kanina lang ay ramdam kong nakasunod saakin si Pierce pero ngayon ay natigilan sya
sa mga grupo ng nga kalalakihan dahil merong mga tinatanong sa kanya ang mga 'yon
na hindi ko na naririnig. Boy's thing.

Nakakatuwa at kahit papaano ay nakikihalobilo na sya sa mga kaklase namin.

Umupo ako sa huling row, sa upuan ko at tumabi saakin si Loraine na mukhang


kinikilig.

"Hindi mo sinasabi saakin na kayo na pala!" Bulong nya. Hinampas nya pa ako.

Nagulat ako at nanlaki ang mga mata. "Hoy hindi ah. Kung kami na, ikaw agad ang
sasabihan ko."
Nanlaki rin ang mga mata nya. "Pero kumakalat na kayo na daw.."

Nakagat ko ang labi ko at medyo gulat parin kahit na alam ko naman na kakalat nga
'yun. Malamang naman dahil magkasama kami sa picture at ginawa nya pa iyong profile
picture nya. Kahit sino siguro ay iyon ang iisipin.

Napatingin si Loraine sa harapan ko at agad syang tumayo. Napatingin ako at nakita


ko si Pierce na papalapit na pala.

Napaayos ako ng upo. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. H'wag ka ngang kabahan
Princess!

Ang akala ko ay lalagpasan nya ang upuan ko pero nagtaasan lahat ng balahibo ko
nang makita syang umupo sa tabi ko! Damn, Pierce! Damn.

Keep calm, Princess.

Mabilis na mabilis na ang pagtibok ng puso ko. Tinabihan ako ni Pierce at ngayon,
paano ako makakagalaw ng maayos nito?

Sht, Princess. Umayos ka.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Pierce na inilabas ang phone nya at
naglaro. At least ay hindi saakin ang atensyon nya.
Dumating ang unang teacher namin at umayos na ng upo si Pierce. Nakikinig lang ako
at naramdaman ko na ganun rin si Pierce. Ang cute pala nya bilang isang estudyante.

Sa kalagitnaan ng pagtuturo nya ay pinansin nya pa si Pierce.

"Mr. Jimenez, sana naman ay madalas ka nang pumasok." Anang teacher namin.

Nagkaroon ng bungisngisan sa room at nagsalita pa sila Raven na magkakatabi sa


bandang gitna ng room.

"Syempre, ma'am! Shota na nyan si Princess!"

Nanlaki ang mata ko at nagkaroon ng sabay-sabay na sigawan. "Ayiieeee!"

May mga babaeng nakikisigaw rin, merong mga nakatingin lang. Nakasimangot si
Victoria na sa unang beses sa buhay nya ay ngayon lamang na-late ng pasok.

Tumaas ang kilay ng teacher naming si ma'am Carmen. Hindi kami close pero friends
sila ni mama since highschool sila. Pumupunta sya sa bahay namin paminsan-minsan
pero hindi iyon naging dahilan para mag-iba ang trato nya saakin dito sa school.

Pinangliitan nya ako ng tingin pagkatapos ay umiling iling na lamang.


Pinagpatuloy nya ang pagtuturo. Nakinig na lamang ako pero hindi ko parin maibigay
ang buong atensyon ko dahil naiisip ko ang lalaki na katabi ko ngayon.

Napapitlag ako nang maramdaman ang kamay ni Pierce na humaplos sa daliri ko na


nakapatong sa armchair nya. Tanga, Princess! Bakit kasi sa lahat ng papatungan mo,
sa armrest pa ni Pierce!

Sht! Pinilit kong hindi iyon pansinin at tumitig pa sa harapan. Pero naramdaman ko
ang mga daliri nya na ngayon ay gumagapang na sa daliri ko at hinahaplos ang parte
na may band-aid.

Calm down, Princess. Naramdaman ko parin sya na sinusuri ang kamay ko. Nang silipin
ko sya ay nakasandal lang sya sa upuan nya. Nakatingin sya kamay ko habang
pinaglalaruan nya iyon.

"P-pierce, ano ka ba? Nagka-klase tayo.." Pagpuna ko sa kanya.

Nag-angat sya ng tingin saakin habang medyo nakayuko parin ang ulo nya. H'wag kang
tumingin ng ganyan! Jeez.

"Nakikinig naman ako ah." Parang bata na sagot nya. At nagsungit pa.

"Nakikinig ka ba? Ni hindi ka nakatingin sa harapan. Nakayuko ka lang dyan. Isa pa,
nadi-distract ako sa ginagawa mo.." Bulong ko.
Ewan ko lang kung bakit daldal ako ng daldal pero hindi ko naman nilalayo ang kamay
ko.

Narinig ko syang mahinang natawa. Bigla syang umayos ng upo. "Really? You're
distracted?" Tanong nya. Ngayon ay hindi na nya na pinaglalaruan ang kamay ko.
Bigla nya iyong pinagsama. Magkahawak na ang kamay namin! Damn.

"Ano ka ba, Pierce.." Bulong ko at lalo na akong nahirapang makinig. Hindi ko na


rin alam ang upo ko kung maayos pa ba.

Really? Holding hands? Kami na ba?

"I want you distracted." Aniya. "As distracted as I am everytime you look at me."

Napalunok ako at hindi ko na napigilang ngumiti. Pinipigilan ko ang ngisi ko sa


tuwing lilingon saamin si ma'am.

"Bakit ka naman nadi-distract?" Tanong ko.

Screw it. Hindi na ako makikinig kay ma'am.

"I don't know," Aniya at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Tumingin ako sa kanya ng pasikreto at nakita kong pinapanuod nya lamang ang kamay
naming dalawa na magkahawak. Why are you so admirable, Pierce? Bakit ba lahat na
lang ng gawin mo ay nagiging kabigha-bighani saakin?

"Ano nga pala 'yung itatanong mo sakin, Pierce?" Tanong ko sa kanya nang maalala
ang text nya.

Nahuli ko syang nakagat ang labi nya. "W-wala 'yun.." At nakita ko na naman ang
pagpula ng pisngi nya.

Nadagdagan na naman ang paniniwala ko na 'iyon' ang itatanong nya.

"Ano nga?" Tinitigan ko na sya.

"Wala nga." Masungit na sabi nya.

Natawa ako dahil nahihiya na naman sya! Bakit ba hiyang hiya sya saakin? Ano bang
nararamdaman nitong si Pierce?

Naramdaman ko na lumuwag ang pagkakahawak nya saakin at tatanggalin na sana nya ang
kamay nya sa kamay ko nang ako naman ang humigpit ang hawak.

Kunot ang kilay syang tumitig saakin, bago namula na naman ang buong mukha nya.
Tinawanan ko lang iyon. Ang sarap nyang inisin.
Alam kong awkward na sya dahil tinatanong ko sya. Malakas lang naman talaga sya sa
text. Hah. Tignan natin kung hanggang saan ka, Jimenez.

"Ano nga 'yon, PJ?" Natatawang tanong ko.

Lalo syang namula at nag-iwas ng tingin.

"Wala nga!" Hindi na naman sya makatingin.

Tumawa ako. Lalo syang sumimangot dahil sa pagtawa ko. Lalo ko pang hinigpitan ang
hawak ko sa kamay nya nang muli nyang sinubukang alisin 'yun. Sa totoo lang ay
kayang kaya nyang tanggalin iyon kung pupilitin nya. Ang laki ng kamay nya!

"Mr. Jimenez, pwede bang lumipat ka sa dulo. Hindi mo kailangang idamay si Ms.
Torres sa mga kalokohan mo.." Ani ma'am Carmel. 

Agad akong napatingin sa harapan at nanlaki ang mata.

Mabilia kong tinanggal ang kamay ko sa kamay ni Piere pero huli na dahil madami
nang nakatingin saamin. May mga nakakita na magkahawak pa ang kamay namin at laglag
ang mga panga nila. Para bang sa wakas ay na-cornfirm na nila ang kanilang mga
tanong.
Hindi tumayo si Pierce. Naiinis na naman sya.

"Mr. Jimenez," Ulit ni ma'am. Naghihintay syang lumipat si Pierce.

"Pierce, ano ka ba. Sumunod ka na lang sa teacher natin!" Bulong ko.

Sumulyap sya saakin. Umirap sya at naiiritang nagbuntong hininga bago lumipat ng
isang bangko palayo saakin.

"Ang sabi ko, sa dulo." Masungit na sabi ni ma'am.

Nanunuod ang nga kaklase ko saamin at masasama ang mga tingin nila saakin.
Pinagkibit balikat ko lamang iyon.

Pagkatapos ay tumingin na ulit ako sa harapan. Hindi ko aakalaing mahuhuli pala


kami! Masyado akong natuwa kay Pierce.

Nahuli ko si Pierce na hawak na ngayon ang phone nya. Aba at ang loko ay nagawa
pang humawak sa phone nya! Susuwayin ko sana sya kung hindi lang masama kung
tumingin saakin si ma'am Carmel.

Aba, isumbong ko 'to kay mama ay. Pero syempre, biro lang iyon. Nakakainis naman.
Hindi naman sa ano, pero anak ako ng bestfriend nya. Madalas pa nga nya akong
pagalitan, sa totoo lang.
Nagvibrate ang phone ko sa bulsa ko. Naisip ko agad na si Pierce 'yon. Marahan kong
inilabas ang phone ko. Si Pierce nga ang nagtext.

From Pierce:

Hi.

Natawa ako kaya napatingin ulit saakin si ma'am. Napasilip pa ang ilang mga babae
saakin na para bang hinuhuli nila ako.

Agad kong ibinaba ang phone ko sa armrest ko para hindi nya malamang may hawak ako.

Nang makakuha ako ng chansa ay nagtext agad ako.

To Pierce:

Ano nga kasing tanong mo?

Nakita ko syang pinaglalaruan ang ibabang labi habang nakatingin sa text ko. Nag-
iisip parin yata kung sasabihin nya na ba o hindi.

Sumulyap sya saakin at nakita nyang nakatitig ako sa kanya. Nakagat nya ang ibabang
labi nya at tumingin muli sa phone nya. Sa wakas ay nakita ko na syang nagta-type.
Inabangan ko ang pagvibrate ng phone ko. Pero matapos ang limang minuto, hindi
parin sya nagrereply. Nangloloko yata 'to. Nakikita ko naman syang nagta-type. Baka
naman mahabang ang sasabihin?

Napatalon ako nang tawagin ako ni ma'am para sumagot sa board. Iniwan ko ang phone
ko sa desk ko at tumayo. Mabuti ay alam kon ang sagot. Mukha kasi akong pinag-
iinitan ni ma'am.

Nang makasagot ako ay bumalik ako sa upuan ko. Diretso pa ang tingin ko kay Pierce
na ngayon ay nagkakamot ng ulo at hindi alam kung yuyuko o titingin sa akin o
magtatago. Naano 'to?

Napatango na lang ako nang makita ang phone ko na may ilaw. May text na sya. Pa-
sikreto ko ulit iyong binasa.

From Pierce:

Pwedeng manligaw?

Nalaglag ang panga ko nang makita ang text nya. Naramdaman ko agad ang milyon
milyong boltahe ng kuryente na rumaragasa sa buo kong katawan.

Naramdaman ko na tumingin sya saakin. Agad akong yumuko at kunwaring binabasa pa


ang text nya. Hinayaan kong bumagsak ang buhok ko sa gilid para hindi nya makita
ang mukha ko.

Sht, Pierce! Ano bang iniisip mo?


Nagtype ako, binura ko ulit. Nagtype muli at binura. Hindi ko alam ang ire-reply
ko!

To Pierce:

Seryoso ka ba?

Pero hindi ko iyon sinend. Binura ko iyong muli. Biglang nagvibrate ang phone ko.
Nagtext ulit sya.

From Pierce:

Please? :D

Nakagat ko ang labi ko at pumikit ng mariin. Hindi ko mapigilan ang labi ko sa pag-
angat.

Nang sa wakas ay sa tingin kong kaya ko nang tumingin sa kanya, ay ginawa ko.
Nakita ko syang nakatingin lamang sa harap at medyo nakangiti. Hawak parin nya ang
phone nya habang naghihintay sa reply ko.

Hindi nya ako nilingon kahit na alam nyang nakatingin na ako. Lalo pa syang
ngumisi. Damn, Pierce. Minsan, hiyang hiya. Minsan mukhang confident na confident.

To Pierce:
Ha-ha. Hindi pa nga tayo masyadong magkakilala. Wala pa akong alam sayo. Tas ligaw
agad?

Ang landi ni Pierce. Grabe! Ligaw agad? I mean, madami nang mabilis mang-ligaw
ngayon pero hindi ko aakalain na ang katulad nya na ganyan kasungit ay bigla
biglang magtatanong ng ganun.

Nang magvibrate ang phone ko ay sinilip ko muna si ma'am sa harap at tumingin muli
sa phone ko.

From Pierce:

Then get to know me?

Ngumuso ako habang nag-iisip ng reply. Nagtype agad ako.

To Pierce:

Nakadrugs ka ba?

Naghintay lang ako sa text nya.

From Pierce:

Hahahahaha no.
Kumunot ang noo ko sa 'hahahaha' nya. Nang tignan ko sya ay ngingisi-ngisi parin
sya sa harapan. Baka kapag nakita pa sya ng teacher namin ay magtanong pa kung
bakit masyadong masaya itong masungit na 'to.

Nagvibrate muli ang phone ko. Nagtext syang muli kahit di pa ako nagrereply.
Mahilig sya sa ganun kapag natatagalan ako.

From Pierce:

Be my drug? ;)

Gusto kong batuhin si Pierce. Ano bang napaglalalaman nya. Nakakainis. Nakakainis.
Nakakainis! Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya. Gusto kong makita ang reaksyon
nya pero ayoko namang makita nya ang reaksyon ko.

Hindi na ako nagreply sa kanya dahil tuluyan nang humarap saamin ang teacher namin
at nagtuloy sa pagdi-discuss. Nang matapos kami sa klase nya ay lumabas na sya at
may pumasok na bagong teacher.

Para naman akong hindi mapakali nang makita si Pierce na tumayo.

Oh, fck. Let me breathe first please.

Hindi ako tumingin sa kanya. Nagkukunwari lang ako na hindi sya nakikita at walang
nararamdaman, o hindi naapektuhan.
Umupo sya sa tabi ko. Umupo na naman sya sa tabi ko. Palagi na kaya syang tatabi
saakin? Kung ganun, kailan ako masasanay?

"I'm sorry for asking you through text. Do you prefer it in person?" Mahinang
tanong nya.

Medyo nakatalikod ako sa kanya. Nanlamig ako sa tanong nya. What the fck, Pierce!

Madami na naman ang nagtitinginan saamin. Hindi pa sila nagsisi-ayos ng upo dahil
may pinagkakaabalahan pa ang teacher namin sa harapan.

"Umayos ka nga, Pierce! Ang daming nagtitinginan.." Suway ka sa kanya at medyo


yumuko. Umayos na rin ako ng upo at medyo nakikita ko na sya ulit.

Narinig ko ang iritadong singhap nya. "Paki ko sa kanila?"

Tumingin ako sa kanya. Nakagat ko ang labi ko. Tinitigan ko lang ang napaka-gwapo
nyang mukha. Hindi ko alam ang dapat isipin ko sa kanya. Napailing na lamang ako.

"Gusto mo talagang manligaw?" Tanong ko sa kanya.

Ang mga mata nyang maamo ay tumitig saakin. I could fall in love with him hard,
kung ang mukha lang nya ang pagbabasihan.
Tumango sya. Ang sungit! Ganito ba ang mang-liligaw?

"Marunong ka ba?" Tanong ko. Tinagilid ko ang ulo ko para makita pa sya.

Namula na naman ang pisngi nya. Umirap sya saakin para mag-iwas ng tingin. "Oo
naman. Anong tingin mo sakin?"

"Sungit mo!" Natatawang sabi ko.

Sumimangot sya. Nakaiwas parin ang tingin nya. Hay nako! Torpe.

"Ilan na ba ang nagiging ex mo, Pierce?" Tanong ko sa kanya. Kung hindi sya
nagdadala ng babae sa bahay, then siguro naman nasubukan nya na kahit mag-
girlfriend sa school? Sa dati nyang mga school.

Umiling sya. "Hindi pa ako nangligaw noon.." Nahihiyang sabi nya.

Nalaglag ang panga ko doon. Hindi ko alam ang sasabihin ko. So it's true! Wala pa
syang nagiging girlfriend? Napangiti ako. "Edi hindi ka pa pala marunong
mangligaw.." Sabi ko at kunwari ay medyo na-disappoint.

"M-marunong ako!" Depensa nya.


Pinigilan kong tumawa. "Ows? Paano nga raw?"

Nag-iwas sya ng tingin. Oh my god! 'Yung reaction nya! Hindi sya marunong. I know,
hindi nya alam! Kung titigan ko lang sya ngayon. Kung gaano sya ka-awkward at sa
sinabi nya pa na kahit kailan ay hindi pa sya nangliligaw!

"Y-you just have to stay faithful and do good." Hindi nya mai-pirmis ang kamay nya.
Napunta pa iyon sa mukha nya para haplusin ang maganda nyang kilay.

Ano ba 'yan. Bata yata ang kausap ko. Pero hindi ko alam kung bakit kahit na ganun,
lalo lang yata akong nagkakagusto sa kanya. I love how innocent he is.

"Do good, huh? Ikaw?" Ngumiwi ako at tumawa ulit ng mahina.

Kumunot ang kilay nya. Para bang natatakot sya na i-reject ko sya ngayon. "Mabait
naman na ako, ah? Hindi na ako nadadala sa faculty.." Paliwanag nya saakin.

Nag-iwas lang ako ng tingin habang nakangiti. I'm falling. Hard.

"Okay." Sabi ko lang.

Medyo nanlaki ang mga mata nya. "O-okay, what?"


Ngiting-ngiti akong tumango. "Pwede ka ng mangligaw."

Nakita kong nagparte ang labi nya. Hindi sya makapagsalita. Nagmura sya ng mahina
at mukhang malapit nang mapunit ang labi nya.

"Damn. You make me really happy, Princess.." Bulong nya.

Nagulat ako ng hinawakan nya ang kamay ko, dinala nya iyon sa labi nya.

Hindi ko narinig ang sarili kong singhap dahil narinig ko ang pagsinghap ng mga
kababaihan sa room. Ngayon ko lamang nakita na mga nanunuod parin sila. At nakita
nila na hinalikan ni Pierce ang kamay ko!

Hindi ko na nabawi ang kamay ko sa kanya. Hinawakan nya ulit iyon at pinagsalikop.
Damn, Jimenez. Ikaw ang nagpapasaya saakin.

"No way! Bakit si Princess na naman?" Narinig kong bulong ng isang babae. Siniko
sya ng katabi nya para tumahimik at tumingin pa sila sa banda namin. Nag-iwas agad
sila ng mga tingin.

Tumingin ako kay Pierce. "Pierce, hindi nagho-holding hands kapag nangliligaw pa
lang." Nakangising sabi ko.
Kumunot ang kilay nya. "Kailan mo 'ko sasagutin?"

Nalaglag ang panga ko. Seriously?

Narinig ko ang pagtawa nya. Hinalikan nya muli ang kamay ko na nakahawak parin sa
kamay nya, bago nya iyon binitawan. "Just kidding, my princess."

=================

TKP 32

TKP 32

Inayos kong mabuti ang buhok ko. Hindi ako kagandahan pero pakiramdam ko ay
magandang-maganda ako sa tuwing titingin saakin si Pierce. 'Yung tingin pa naman
nya ay para bang ngayon lang nakakita ng isang bagay na gustong-gusto nya pero ayaw
nyang aminin.

Hindi ko parin matanggal sa isip ko ang nangyari kahapon. Tinanong nya ako kung
pwede syang manligaw. Hinalikan nya ang kamay ko. Hindi ko kahit kailan naisip na
kaya nyang gawin 'yun.

Kumunot ang noo ko nang makitang may text ulit saakin si Elaine.

From Elaine:

Princess.
Iyon palagi ang laman ng text nya. Mula kahapon ay nagtetext sya saakin na puro
pangalan ko lang naman ang laman. Hindi ako nagrereply sa kanya. Malamang ay umabot
na sa kanya ang balita. Hindi ko lang alam kung tama ba o mali ang alam nya.

Muli kong inayos ang buhok ko sa salamin. Napasimangot ako nang napagtantong hindi
talaga ako maganda. Hindi rin ako pangit. 'Yung sakto lang.

Nagbuntong hininga ako at napagdesisyunang umalis na ng bahay.

Hindi nagbago ang nararamdaman ko. Kinakabahan parin ako kagaya ng kahapon.
Hinihintay kaya ulit ako ni Pierce? Siguro ay hindi na. Baka kahapon lang.

Pagdating ko sa school namin ay nakita ko agad si Pierce na nakapwesto ulit sa dati


nyang inuupuan. Marami uling babae doon at nagtitinginan parin. Wala kaya silang
ginagawa sa buhay nila dito sa school?

"Pierce," Tawag ko sa kanya dahil naabutan ko syang naka-yuko sa phone nya habang
nagta-type. Tinetext nya ako, nakita ko sa phonr nya.

Nag-angat sya ng mukha. Ang inosente ngunit medyo maangas nyang itsura ay lalo na
namang pina-mukha saakin na hindi talaga kami bagay.

Ang gwapo gwapo nya kahit wala syang ginagawa. Kahit hindi nya subukan.

"You're late." Aniya at tumayo. Kung kanina ay niyuyuko ko sya, ngayon naman ay
tinitingala ko na sya. Ang tangkad nya talaga.
Maayos syang nakasuot ng uniform ngayon. White buttons, black leather shoes at may
suot na relo. Maayos ang gupit nya pero medyo magulo parin 'yun. Ang gwapo talaga
ng masungit na 'to. Ang cool nya pala kapag mukhang estudyante ang dating.

Naglakad lang ako sa normal na lakad ko. Sya naman ay sinusubukang bagalan ang
lakad nya dahil masyadong mahabang ang legs nya. Isang hakbang ko yata ay dalawa na
nya.

"Hindi ah. Baka naman maaga ka lang masyado?" Nakagat ko ang labi ko. Nakasuot na
naman ngayon sa kanya ang itim na bilog nyang hikaw sa magkabilang tenga.

Kumunot lang ang noo nya. "I'll wait for you everyday, Princess. Don't be late
again, I don't like waiting."

Nagmake face na lamang ako habang naglalakad kami. Ang sungit! Ang gwapo gwapo ni
sungit!

"Eh paano kung palagi akong late?" Tanong ko.

Tumingin sya saakin habang naglalakad parin kami. Agad akong na-concious doon. Kung
makasulyap naman kasi ang napakaganda nyang mata ay nakaka-concious talaga! Baka
nahalata nya pa na masyadong maayos ang buhok ko. Baka malaman nya pang
nagpapaganda ako.

"I'll still wait." Kibit balikat nya.


Ngumuso ako at lalong tumingin sa kanya. Nag-iwas naman sya ng tingin at agad na
dineretso ang tingin sa daan.

"Pero ayaw mo kamo ng naghihintay.." Sabi ko pa. 

Hindi ko gusto na susunduin nya ako palagi. Ayoko muna. Hindi sa apektado ako sa
mga taong tingin ng tingin, pero kasi ay ayoko naman na hindi pa kami, ganito na
agad. Pwede namang dahan-dahanin. Tska kaya ko naman ang sarili ko.

"I'd love to, if it's you." Mahinang sabi nya.

Nakagat ko na lamang ang labi ko at nagtuloy-tuloy na kami sa loob ng room.

Magkatabi ulit kami ni Pierce. Kinuha nya pa nga ang notebook ko at pinagsulat nya
pa ako ng lectures. Pinagalitan kaming muli ni ma'am Carmel at pinalayo nya si
Pierce saakin. Ano bang problema ng teacher namin na 'to? Si Pierce naman kasi
masyadong halata.

Noong magsnack time na ay nagpaalam ako kay Pierce na sasama ako kay Loraine. Wala
kasing kasabay si Loraine. Hindi ko lang alam kung nasaan ang boyfriend nyang si
Enzo.

"Ang tindi nyong dalawa. Kumalat kaya sa room na hinalikan ka ni Pierce sa kamay.
Tapos kumalat sa ibang section na hinalikan ka raw ni Pierce sa pisngi, tapos
kumakalat sa school na nagfrench kiss na raw kayo!"
Naubo ako sa mga kinu-kwento nya saakin. Agad akong uminom ng tubig at napa-iling.
Napatingin akong muli sa buong canteen. May mga babaeng nagbubulungan parin habang
sa pwesto namin ang tingin.

Ako na naman ang topic ng lahat. Bakit ako na lang palagi. Hindi ko sila masisisi.
Masyadong maraming nagkaka-crush kay Pierce. Ang alam ko ay gusto nila si Pierce
dahil mukha daw badboy. Bakit ba ang hilig nila sa badboy? Hindi naman badboy si
Pierce. Masungit lang talaga.

"Si Enzo?" Tanong ko sa kanya.

Kanina nya pa kasi iniiwasang pag-usapan namin si Enzo. Halata iyon sa kanya.
Malungkot sya at ayaw nyang magsalita. Kung hindi nya gustong pag-usapan namin ay
hahayaan ko na lang sya, pero papakinggan ko sya kung gusto nyang magsabi.

"Magka-away kami eh.." Mahinang sabi nya. Napayuko sya at nakagat ang labi.

Nagsimula syang magkwento saakin tungkol sa babaeng kaklase ni Enzo na bestfriend


'daw' ni Enzo. Pero hindi daw sya naniniwala. May something daw.

"Baka naman... bestfriend lang talaga?" Sabi ko para pa-gaanin ang loob nya.

"Bestfriend? Bestfriend ba 'yung ganun? 'Yung naka-swim suit si Ara pagkatapos ay


nakayakap sa kanya habang sya ay topless?!" Galit na sigaw nya. Medyo mahina naman
iyon.
"Ah, pwede naman dahil nag-swimming sila. Masama kung silang dalawa lang at hindi
swimmi--"

Napahampas sya sa bangko. "No! Paano 'yun? Cess alam mong matagal ko nang nii-stalk
'yang si Enzo at wala naman syang bestfriend o kahit na close na mga babae. Ano
'yun, boom!? Bigla nalang nagkaroon ng bestfriend? Edi wow naman pala."

Nakinig lamang ako sa kanya habang kwento sya bg kwento. Nakikita ko pa na medyo
teary eyed na sya. Matino naman daw si Enzo noong mga unang araw nila.. pero nung
magtagal na ay unti-unti raw nagbabago.

Napa-isip tuloy ako. Paano kung ganun rin si Pierce? Paano kung katulad lang sya ng
ibang lalaki na sa una lang magaling?

Hindi ko alam kung gaano na katagal si Loraine at Enzo pero sigurado akong
kasisimula pa lang nila. Wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila, pero
naiintindihan ko sya. It's okay. Ayos lang na magmahal namg ganun kabilis. Okay
lang na main love kahit na ilang months palang kayo.. o ilang araw palang kayo.

Kaharap ko si Loraine at mula sa pwesto ko ay nakita kong paparating si Enzo. Hindi


ko mawari ang itsura at reaksyon ng boyfriend ng bestfriend ko. Para syang nahihiya
na nagi-guilty.

"Loraine, alis na 'ko. Mag-usap muna kayo ni Enzo.." Sabi ko habang nakatingin sa
likod nya.

Bigla syang umayos ng upo at pinanlakihan ako ng mata. "No. H'wag na h'wag mo akong
iiwan Cess. Please.." Bulong nya.
"Ayusin nyo 'yan. Hindi maaayos 'yan kung hindi kayo ang mag-uusap." Sabi ko at
hinawakan ang kamay nya bago tumayo.

Kinuha ko na ang bag ko at iniwan si Loraine.

"Thanks, Princess." Ani Enzo nang magkalapit kami. Ngumiti sya saakin ng malungkot.

Tumango lang ako. Alam nya na siguro na nagkekwento talaga saakin si Loraine.

Nang maka-alis ako doon ay nagpunta muna ako ng CR. Inayos kong mabuti ang buhok
ko. Ayoko naman na mukhang madungis kapag kaharap ko na si Pierce.

Kinuha ko ang lip balm sa bag ko na nakuha ko lamang kay Loraine. Binigyan nya kasi
ako nito. Maglagay kaya ako ng ganito?

Napa-iling ako at agad na ibinalik ang hawak na lip balm. Ano ba 'tong iniisip ko!
Baka mahalata pa ni Pierce na naglalagay ako ng ganito eh..

Inayos ko na ang bag ko at lumabas na ng CR. Kinuha ko ang cellphone ko at chineck


kung may text na ba si Pierce.

From Pierce:
Still eating?

Nagreply ako at medyo huminto.

To Pierce:

Nope. Nasa CR ako. Pabalik na ako.

Nang mai-send ko iyon ay itinago ko na iyon sa bag ko.

"Hi ms. Torres..."

Napatingin ako sa lalaking may ari ng boses. Nakasandal ang isa sa mga kaibigan ni
Kharl na si Vince sa pader at nakataas ang isang paa habang may sigarilyo na hawak.

Nakangisi sya at kinabahan ako. Hindi pa ako nalalayo sa CR at mag-isa lang ako.
Hindi ko nagustuhan ang huli naming pagkikita noon sa library.

Tinapon nya ang hawak na sigarilyo at tinapakan nya iyon bago ulit tumingin saakin.

Naglakad ako ng matulin para iwasan sya. Agad naman nya akong hinablot.
"Hey.. hey! Wala naman akong gagawin sa'yo!" Humagikhik sya at naramdaman ko ang
mabigat nyang kamay na bumalot sa braso ko.

Nagpumiglas ako. "Bitawan mo nga 'ko!" Hinampas ko sya pero malakas lang talaga
sya.

Tinawanan nya lang ako at sinandal sa pader. Hinampas ko syang muli dahil
kinukulong nya ako sa katawan nya. Malaki rin ang tangkad nya saakin pero mas
matangakad sa kanya si Pierce.

"Ano ba, Vince!"

"Shhh..." Bulong nya at inilagay ang mga takas na buhok ko sa likod ng tainga ko.
"H'wag kang maingay. Isang kiss lang.."

Nanlaki ang mga mata ko at tinulak syang muli. Lumapit ang mukha nya saakin pero
pilit ko ring iniiwas ang mukha ko.

"Ano ba! Vince!" Sigaw ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Natatakot ako at pakiramdam ko ay


bastos na bastos na ako. Hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang mai-iwas ang
mukha ko kahit na masyado syang malakas at matangkad.

Tuluyan na akong naiyak nang maramdaman na dumapo ang labi nya sa gilid ng labi ko.
Lalong humigpit ang hawak nya sa braso ko. Nagpumiglas parin ako. Hindi ko hahayaan
na halikan nya lang ako. Pilit kong iniwasan ang mukha nya. Nasusuka ako dahil
nahalikan nya ako!

Kumawala ang luha ko sa mata ko. Hindi na ako makasigaw! Sa tingin ko ay naka-drugs
sya!

Bigla syang nawala mula sa pagkakahawak saakin. Bigla na lamang may humatak sa
kanya. Doon gumaan ang pakiramdam ko. Nagpasalamat ako na may dumaan.

Nang tignan ko kung sino ang tumulong saakin ay nakita ko ang galit na galit na si
Pierce na kakarating lamang. Nakapa-kuyom ang kamao nya na parang galit na galit.
Ang perpektong hubog ng kilay nya na ngayon ay halos magdikit ay nagpakita ng
pagkawala ng inosente nyang mukha.

Holy-- Pierce is mad.

Kitang-kita ko na itinulak nya si Vince sa dibdib na ikina-buwal nito. Naglakad sya


papalapit kay Vince at kitang kita ko ang naka-kuyom nyang kamao. Susuntukin nya si
Vince!

"Pierce.." Tawag ko sa kanya. Hindi nya pwedeng suntukin si Vince dahil mayroon pa
syang pangalan na nililinis.

Hindi nya ako pinansin. Pinuntahan nya si Vince na nakahandusay sa sahig. Medyo
natatakot ang itsura ni Vince at pilit na lumalayo. Kinuwelyuhan nya si Vince para
itayo. Halos madulas-dulas si Vince dahil doon.
Nang maitayo nya si Vince ay nakita kong sinuntok nya ito! Sinuntok nya si Vince sa
panga!

Nakakatakot. Nasaksihan ko kung gaano kalakas ang impact ng suntok nya. Hindi ko
aakalaing ganun sya kalakas!

"Pierce!!" Sigaw ko sa kanya at nilapitan sya para hawakan sa braso. 

Hindi ko napigilang humikbi. Masyado akong mahina at pati si Vince ay hindi ko na


natakasan kanina. Tapos ngayon ay si Pierce pa ang magbabayad ng katangahan ko.
Sana ay hindi na lang ito umabot sa principal's office.

Agad na dumapo saakin ang malamig at galit nyang mga mata. Ang kilay nyang maangas
ay agad na umayos at ang mga mata nyang kanina lang ay mabangis ay biglang nawala
nang makita akong umiiyak.

Binitawan nya si Vince na parang isa itong sako. Muling nabuwal si Vince sa ibaba.
Hindi ito makagalaw at sa tingin ko ay dahil iyon sa suntok ni Pierce. Isang suntok
lang iyon pero mukhang hilong hilo na sya.

Nakatitig sya sa mga mata ko. Hindi ko lang mapigilan ang iyak ko. Kapag pinipiglan
ko ay nagiging malakas na hikbi 'yon.

Nakagat nya ang labi nya at pumikit ng mariin. Kung tumingin sya ay para bang
sinasabi nya na kasalanan nya ang nangyayari gayong wala naman sya dito noong
mangyari. Kung umakto sya ay para bang naging pabaya sya.
Lumapit sya saakin at pinilit akong tumingin sa kanya. Nahihiya ako. Nakita nya
kayang nagdikit ang labi namin ni Vince? 

"Shh." Aniya at yumuko para makita ang mukha ko. Pinunsan nya ang luha ko gamit ang
mga daliri nya. 

Lalo lang ako naiyak sa ginawa nya. Marahan nyang hinawakan ang gilid ng ulo ko
para idikit iyon sa dibdib nya.

"I'm sorry." Aniya sa mahinang tono.

Nakagat ko ang labi ko habang nakasubsob parin sa dibdib nya. Lumayo ako at
umiling. "W-wala kang kasalanan, Pierce."

Pumikit sya sa sobrang pagka-irita. Nagagalit sya dahil nakikita na naman nya akong
umiiyak. Kitang kita ko sa mukha nya na gustong gusto nyang sipain si Vince pero
pinipigilan nya lamang.

"Kasalanan ko. I'm sorry I wasn't here to protect you." Nagsisisi talaga ang mga
mata nya. Agad na binalot ang puso ko.

Umiling lang ako. "A-ayos lang ako." Sumulyap ako kay Vince na inaayos ang kwelyo
ng suot na uniform habang ginagalaw ang panga nya. Masama syang nakatingin kay
Pierce. Para bang gusto nyang tumayo at gumanti.

"Do you want to go home?" Maamong tanong nya. Kinakasilip-silip nya pa ang mukha ko
at medyo yumuyuko sya para lang makita ako.
Hindi ko parin masanay ang sarili ko na ganito nya ako kausapin dahil alam naman
nating lahat kung paano sya magsungit sa babae.

Umiling ako at ngumiti ng kaunti. Nakita nya kayang hinalikan ako ni Vince? Alam
nya kayang nagdikit ang labi namin?

"Tara na, Pierce."

Hinatak ko sya. Naramdaman ko ang nanginginig nyang kamao. Ayaw nya pang
magpatangay at mukhang gusto pa nyang sutukin si Vince.

Tahimik lang kaming naglalakad. Hindi na ako nakahawak sa kamay nya pero tahimik
lang sya at mukhang galit parin. Minsan ay nakikita kong nag-iigting ang panga nya.

"I want to kill that bastard, Princess." Biglang sabi nya. Malamig at galit parin
ang boses nya pero sinusubukan nyang magcool down.

Nagtuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa ibaba.

"Just give me a goddamn signal." Aniya. "Wala akong pakialam kahit mapagalitan ako.
Tell me, anong ginawa nya sa'yo."
Umiling ako. Ayokong magkaroon ng gulo. "W-wala, Pierce."

Huminto sya. Nagulo nya ang buhok nya at tumingin sa pinanggalingan namin. "Fck
it!"

Alam kong alam nya, na hindi sya pwedeng sumama sa kahit na anong gulo ngayon. Alam
kong nagpipigil lang sya para hindi sya mapapunta sa office. Pero alam ko rin na
nangangati na ang kamao nya.

"Tell me what happened, Princess. N-nahalikan ka ba nya?" Tanong nya. Nagsusumamo


ang mga mata nya. Naguilty tuloy ako kahit na wala akong kasalanan. Nasasaktan ako
dahil nakikiusap ang mga mata nya na sabihin kong hindi dumikit ang labi ni Vince
saakin.

Napalunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam kong nakita nya na magkalapit
kami ni Vince kanina para halikan. Ang hindi nya lang sigurado ay kung nagkadikit
ba ang labi namin.. na halata naman pero nagtatanong parin sya para sa ibang sagot.

Tumulo ulit ang luha ko. Nasasaktan ako. Magagalit kaya si Pierce? Si Vince ang
pangalawang lalaki na nahalikan ko. Si Kharl ang una.

"Putang ina." Mababang bulong ni Pierce at humawak sa batok nya na para bang hindi
nya na kayang pigilan ang galit nya.

Hinintay ko lang sya doon. Nakatayo lang ako sa likod nya. Galit kaya sya saakin?
Nandidiri na kaya sya? Ayaw nya na kaya? Baka ayaw nya na?
Humarap sya saakin at galit parin ang ekspresyon nya. Mas lalo lang na lumamig
ngayon.

"Halika na, ihahatid na kita sa room." Ang labi nya ay walang kurba ngayon. Hindi
sya nakangiti, wala na namang ekspresyon na makikita sa mukha nya.

Hinawakan nya ang pulso ko at naglakad na kami. Nakagat ko ang labi ko at


pinigilang umiyak.

Nang huminto kami sa room ay napansin ko syang nakatayo lang sa labas at hinihintay
na maka-upo ako. Iritado parin ang ekspresyon nya at parang manununtok.

"Pierce," Bumalik ako sa kanya. "Saan ka?" Hindi ko gusto ang naiisip ko. Hindi
pwede, hindi sya pwedeng pumasok sa gulo ngayon.

Umiling lang sya. "Dito ka lang, Princess." Kumuyom ang panga nya.

Tumalikod na sya at iniwan ako. Saan sya pupunta? Sinugod ako ng kaba. Umupo na
lamang ako at hinintay ang susunod na klase.

"Where is mr. Jimenez, ms. Torres?" Tanong ng teacher namin saakin.

Hindi ako nakapaghanda doon. "H-hindi ko po alam."


Nakatingin saakin sila Victoria. "Tss." Umirap sya saakin bago humarap muli sa
unahan.

Napisil-pisil ko ang palad ko. Kinakabahan ako. Saan pumunta si Pierce? Paano kung
binalikan nya si Vince? Sana pala ay sinabi komg hindi dumikit ang labi nya. Dapat
bang nagsinungaling ako?

Buong oras akong lutang habang naghihintay. Dumating na ang susunod at huling
teacher namin para sa morning period namin, pero wala parin si Pierce.

Nang bumukas ang pinto ay agad akong tumingin doon. Nagbabakasakaling si Pierce na
iyon. Pumasok ang adviser namin at kinabahan ako. Hindi palaging pumupunta ang
advicer namin dito kung hindi naman nya subject o di kaya ay importante.

"Ma'am pwede pong humiram sandali ng oras?" Ngumiti lang ang teacher namin sa
harapan. "Sino ang mga kaibigan dito ni mr. Jimenez?"

Nagsi-taasan ng kamay sila Raven pati na rin ang ilan ko pang kaklaseng lalaki.
Pinalabas sila ni ma'am na tuwang-tuwa naman nilang sinunod.

"Ma'am ano pong meron?" Tanong ni Victoria. Close nya ang mga teachers kahit na
ganyan sya.

Napa-iling lang si ma'am. "Nagkaroon ng gulo sa library. Nakipag-away si mr.


Jimenez sa tiga IV-C."
Nalaglag ang panga ko at naramdaman ko ang ilan na tumitingin saakin. Iyon ang
section ni Vince at nila Kharl.

"Po? Bakit daw po ma'am?"

"Walang may gustong magsalita sa kanila. Kakalabas lang nila ngayon ng principal's
office." Sumulyap saakin ang adviser ko. "Kakausapin ang mga kaibigan ni mr.
Jimenez kung may mga alam ba ang mga 'yun."

Napayuko ako. Pierce, nakipag-away ka na naman. Hindi ko magawang magalit dahil


alam ko naman ang dahilan nya.

"Salamat po ma'am." Sabi ng adviser namin. "Kukuhanin lang po ni mr. Jimenez ang
bag nya."

Pumasok si Pierce na mayroong sugat sa gilid ng labi. Magulo ang buhok nya at
malamig ang itsura nya. Nagpasalamat ako na iyon lang ang nakuha nya. Mabuti ay
hindi kasama ni Vince ang mga kaibigan nya.

Damn. Gusto kong yakapin ang mukha nya at paulit pulit na magsorry. Dapat hindi ko
sya hinayaang umalis kanina! Anong sasabihin ngayon ng mommy nya saakin? Siguradong
magtatanong iyon tungkol sa sugat ng anak nya.

"Bakit po ma'am? A-ano po sya?" Tanong na naman ni Victoria.

"He got suspended. Hanggang monday."


Nalaglag ang panga ko doon. Lumapit ang adviser namin at may sinasabi sya sa
teacher namin ngayon.

Tahimik ang lahat ng kaklase ko habang naglalakad si Pierce. Ang maangas nyang mga
mata ngayon ay hindi makatingin saakin.

Dinaanan nya ako at kinuha nya ang bag nya. Pinapanuod sya ng lahat, at wala na
naman syang pakialam. Huminto sya sa harapan ko at narinig ko na naman ang mga
bulungan nila.

Ganun nila ka-gusto si Pierce. Lahat kailangang panuorin.

"Princess..." Aniya at meron syang guilty na mata. "Let's talk."

Kumunot ang noo ko at napatingin sa mga teacher sa harapan namin na hanggang ngayon
ay nag-uusap.

"A-ano 'yon?" Tanong ko.

"Sa labas." Aniya.

Umiling ako. "Hindi pwede. Mamaya na lang."


Hinawakan nya ang pulso ko at hinatak ako na ikina-gulat ko. Hindi ba sya nag-
iisip? Baka mas lalo lang magalit sa kanya nito! May klase pa kami.

"Ma'am, may I excuse Princess for a while?" Tanong ni Pierce sa teacher namin na
nag-uusap pa. Nakatago lang ako sa likod nya.

Tumingin saamin ang dalawa. Medyo nagulantang sya sa presensya ni Pierce na malapit
sa kanila ngayon. "Okay..." Wala sa wisyong sabi ng teacher namin na nasa kamay
namin ang tingin.

Nagpahila ako kay Pierce hanggang sa marating namin ang labas. Nang makalabas kami
ay binitawan nya na ako.

Tumalikod sya saakin sandali na parang nag iisip ng sasabihin. Maya maya ay humarap
na syang muli. 

"I'm sorry." Lumapit sya saakin. Hindi ko mai-iwas ang titig sa labi nyang may
sugat. "Please don't get mad at me.."

Umiling ako. Of course I'm not mad. How can I get mad kung para naman saakin ang
ginawa nya?

"Masakit ba?" Tanong ko at hinaplos ang labi nya gamit ang daliri ko.
Tumingin sya saakin. Umawang ang bibig nya. Hindi sya nagsalita. Nakatitig lang sya
saakin.

"Hindi ka dapat nakipag-away, Pierce. Paano kung magalit ulit sa'yo ang principal?
Paano kung ma-expell ka na?" Tanong ko pero malumanay lang ang boses ko. Hindi
naman nya kasi talaga kasalanan kaya hindi ko sya dapat pagalitan.

"I don't care. Magalit na ang lahat." Malamig na sabi nya. "H'wag ka lang ulit
hahawakan ng tarantado na 'yon."

Napangiti ako doon pero pinilit ko iyong itago. Ang gwapo nya kahit na may sugat
sya sa labi. Kasalanan na ba 'to? Kasalanan ang maging ganito kagawapo.

"Pero Pierce naman! Hindi ka ba natatakot na baka ma-expell ka na ng tuluyan?"


Tanong ko. Sumandal ako sa pader at hinilot ko ang gilid ng noo ko.

Sumunod naman sya saakin. Lumapit sya at medyo sumandal sa pader at umupo ng pa-
squat sa tabi ko.

"Of course. Natatakot ako. Ayokong mawala sa school na 'to.." Aniya habang ang
dalawang siko ay nakapatong sa magkabilang tuhod.

Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Ngiting ngiti akong tumingin sa tuktok ng ulo
nya. Buti ay hindi nya ako nakikita ngayon.

"Kamusta na si Vince?"
Narinig ko ang naiinis nyang pagsinghap. "Don't ask me about that motherfcker,
Princess."

Nakagat ko na lang ang labi ko.

"Suspended rin ba sya?" Tanong ko.

Tumayo ulit sya at pinantayan ako. "Kahit hindi sya suspended, hindi parin sya
makakapasok. Sira ang mukha ng gago."

Hinampas ko sya sa dibdib. "Seryoso ka ba?"

Pumikit sya ng mariin. Gumapang na naman ang hintuturo nya sa kilay nya. Para bang
natatakot sya na ikuwento saakin. Ayaw nya bang matakot ako?

"Fck. Kulang pa 'yon."

Natahimik lang ako doon. Ano nga kaya ang itsura ni Vince..? Sinong mas nabugbog?
Si Vince ba? Mas mukha kasing malakas si Pierce sa kanya.

"I don't like anyone touching you." Sabi nya at masungit na nag-iwas ng tingin
saakin.
"H-hindi naman ako nagpapahawak sa iba ah.." Nauutal na sabi ko.

Ngumiti sya. Ngumiti sya! Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa napakagandang


ngiti nya na iyon. Walang halong iba. Ngiti lang iyon. Ngiting masaya. Ngiti na
para saakin. Saakin lang.

"Good. Dahil pagbalik ko dito, ituturo ko sa lahat kung paano hindi hawakan ang
babaeng gusto ko."

=================

TKP 33

TKP 33

Hindi ako papasok. Wala akong balak pumasok ngayong Friday. Hindi ko alam kung
bakit wala akong gana.

Hindi kaya ay dahil kay Pierce?

Kanina ko pa hinihintay ang text nya pero wala parin. Nasisira ang utak ko sa
tanong kung papasok ba ako o hindi. Natatakot ako dahil wala namang Pierce na
papasok ngayon sa school.

Hindi sa natatakot ako, pero.. ganun na rin 'yun. Hindi ko kasi alam ang mangyayari
saakin sa school ngayon. Alam ng lahat na wala si Pierce, at naiinis sila saakin.
Papasok ba o hindi? Kailangan ko bang magtago hanggang sa Monday? Dahil hanggang
Monday ay hindi pa sya pwedeng pumasok.

Natatakot ba talaga ako o tinatamad lang dahil walang Pierce na ka-seatmate?

Ginulo ko ang buhok ko at tinatamad na bumangon mula sa kama. Hindi. Hindi pwedeng
dahil lamang kay Pierce ay hindi na ako papasok. Hindi pwedeng ganito, na palagi
akong naka-asa sa kanya.

I'm bold and fierce. Kaya ko 'to.

Kinakabahan ako. Paano kung maraming naghihintay sa gate? Na mga nagbubulungan na


babae? Paano kung pagbabatuhin nila ako? Hindi imposible dahil nagawa na nila iyon,
ang problema ay hindi na ako sanay ngayon.

Inalis ko ang lahat ng iniisip ko at naglakad na papasok sa school. Walang


masyadong naka-upo at naghihintay sa waiting area ng school ngayon pero meron akong
nakitang limang lalaki na naghihintay sa pwesto dati ni Pierce. 'Yung mga kaibigan
nya.

Naglakad na ako ng dire-diretso. Bakit kaya naandito sila? Sinong hinihintay nila?

Napasulyap saakin si Yvo habang tumatawa tapos ay tumingin ulit sa kausap.


Pagkatapos ay mabilis na napatingin ulit sya saakin. "Naandito na pala si
Butterfly!"
Nagtinginan ang mga kaibigan nya saakin. Si Jynx ay nakita ko pang lumabas ang
dimple habang inaayos ang may kahabaan nyang buhok. Naglakad ako papalapit habang
lumalapit rin sila saakin.

Hinihintay nila ako? Huh?

"Hi, Princess." Kumindat 'yung lalaking may itim na buhok at maliit na mukha na may
hikaw sa isang tainga. Ang maganda nyang buhok ay medyo nakataas. Maputi rin sya.

Nalaman kong Paris ang pangalan nya nang tawagin sya ni Jynx.

Tumawa 'yung lalaking mayroong kulay brown na buhok, clean cut ang gilid at maangas
rin ang mata. "Ace nga pala." Tumaas taas ang kilay nya saakin.

Natawa ako at tumango sa kanila. "Uh.. sinong hinihintay nyo?"

"Ikaw." Masungit na sabi nung isa. Nang tumingin ako sa kanya ay ngumiti lang sya
saakin. Kagaya ni Pierce ay masungit rin ang itsura nya pero medyo playboy iyon ng
ngumisi sya. "Clinton." Itinaas nya ang I.D nya at pinakita pa talaga saakin.

Umakbay saakin si Yvo at bumulong. "Binilin ka ni Pierce."

Nagsimula na kaming maglakad habang nasa tabi ko sa Clinton at Yvo. Si Jynx, Paris
at Ace ay nasa likod.
"Pre, chansing ka lang eh." Ngumiwi si Clinton saaming dalawa.

Hindi ako komportable sa pag-akbay saakin ni Yvo pero hindi ko naman alam kung
paano iyon tatanggalin.

"Baka chansing?" Narinig ko ang ngisi nya. "Friends kaya kami ni Princess. Diba,
butterfly?"

Tumango tango na lamang si Clinton at naramdaman kong tumingin sya saakin. Umiling
iling lang ako habang nakangiti. 

"Ilang buwan na kayo ni Pierce?" Biglang tanong ni Clinton.

Nakagat ko ang labi ko sa tanong nya. Naalala ko tuloy si Pierce. Hindi ko alam
kung matutuwa ba ako o maiinis sa ginawa nya kahapon. Pero alam kong masarap sa
pakiramdam ang ginawa nya.. nakakatuwa sa kalooban.

Umiling iling ako. "W-wala pa.. hindi naman kami."

Nagtawanan naman ang mga nasa likod. Hindi sila naniniwala.

Naramdaman ko ang pagtinginan ng mga nadadaanan namin. Si Pierce talaga oh. Parang
lalo lang magagalit saakin nito ang mga tao dito sa school eh. Kailangan talagang
pa-bantayan?

"Yvo, 'yung kamay mo. Baka kung anong isipin nila." Bulong ko kay Yvo na sya lang
ang nakakarinig.

Matangkad sya at parang kasingtangkad nya yata si Pierce o mas lamang lang si
Pierce kaya hindi ako nabibigatan sa pag-akbay nya.

Tumingin sya saakin at lumabi. Inalis nya na ang kamay nya. "Susunduin ka namin
mamayang snack break at lunch break. Saamin ka daw sasabay."

Narinig kong natawa si Clinton. Napatango na lamang ako habang seryoso naman si
Yvo.

"Hanggang Monday. At.." May iniisip sya na parang nakalimutan nyang sabihin.

"Hindi ka daw pwedeng lapitan ng kahit na sinong lalaki dito sa school."


Pagpapatuloy ni Clinton sa nakalimutan ni Yvo. "Except us, of course."

Nakagat ko ang labi ko. Seryoso ba si Pierce? Hindi ko naiwasang ngumiti. Fck,
Pierce. You make me go insane.

"Damn. Clingy boyfriend." Bulong ni Clinton na kinamutla ng mukha ko.


Nang makarating kami sa room ay humarap ako sa kanila para magpasalamat at
magpaalaam. Hindi naman masyadong malayo ang gate mula sa room namin, pero na-
appreciate ka na sinunuod pa nila si Pierce para lang ihatid ako.

"Thanks." Ngiti ko at pumasok sa room.

Tumango lamang si Paris. "Anything for Pierce' princess."

Pagpasok ko ng room ay naglapitan ang mga kaklase ko at nagsipagtanong sila.

"Grabe, Princess! Close na agad kayo nung friends ni Pierce? Ilang week na ba
kayo?"

"Gwapo ni Clinton!"

"May number ka na ba ni Yvo at Paris?"

"Pahingi kami!!"

Ngumiti lang ako sa mga tanong nila dahil hindi ko naman sila gaanong ka-close.
Kinakausap nila ako ngayon pero hindi naman madalas.

"Gwapo ni Yvo.." Bulong ni Loraine saakin nang tabihan nya ako. Tumingin ako sa
dulong upuan. No Pierce. Mamimiss ko sya.

Maayos naman ang klase namin kahit masyadong nakaka-boring. Tinabihan ako ng
kaklase kong si Jansen, sa inuupuan ni Pierce pero hindi naman nya ako dinaldal.
Tumabi lamang sya.

"Goodbye, class!" Anang teacher namin.

Nang lumabas ang teacher namin ay naglabasan na rin ang mga kaklase ko. Natanaw ko
pa ang kaibigan ni Pierce na si Clinton na nasa labas at mukhang naghihintay kaya
naglakad ako papunta sa kanya.

Bago ako makalabas ng room ay kinausap pa ako ni Jansen.

"Sinong kasabay mo magsnack?" Tanong nya.

Nagkibit balikat ako. "Si Loraine." Sagot ko lang at tinanguan sya dahil ayoko
namang paghintayin ang less-masungit version of Pierce.

"Uy, Clinton?" Bati ko sa kanya nang makalabas ako. Nakasandal sya sa railing.

Tumaas ang kilay nya saakin. "Sino 'yung kausap mo?" Tanong nya. Nakita nya yata si
Jansen na kinakausap ako.

"Kaklase ko lang 'yun. Bakit nandito ka?" Sabi ko at tumingin-tingin sa paligid na


may mga nagtitinginan.
Kumamot sya sa ulo nya at inayos ang strap ng bag nya na nakalagay sa magkabilang
balikat nya. "Sinusundo ka. Sasabay ka raw magsnack saamin, sabi ni Jimenez."

Nakagat ko ang labi ko at umiling. "Ano ba kayo? Wala namang mangbu-bully saakin.
Ayos lang ako!" Tumawa ako.

Umiling sya at nagkibit balikat. "Utos samin 'yon eh."

Kumamot ako sa ulo ko dahil mukha hindi sya matitinag. "Ganito na lang, lunch na
lang ako sasabay? Kasama ko naman bestfriend ko." Medyo tinuro ko ang loob ng room.

Bumuntong hininga sya at umirap. Isa pa 'tong masungit. Maka-irap, parang close
kami.

"Okay.. okay." Bulong nya.

Tumango lang ako at pumasok na ng room para balikan si Loraine. Bumili lamang kami
ng snack at bumalik rin ng room nakita ko pa si Clinton na sumusulyap saamin ng
isang beses, pero sila Yvo ay patuloy lang sa pagkain. Noong dumating ang 3rd
subject namin ay nagtext si Pierce.

From Pierce:

Im bored. What are you doing?


Napangiti ako. Sa wakas ay nagtext sya kaso ay nagka-klase. Ano kayang ginagawa nya
ngayon? Gusto ko syang makita.

To Pierce:

Mamaya itext mo ako. May klase pierce. Loko ka talaga!

Napailing ako habang nakangiti. Alam naman nya sigurong class hour ngayon. Mabilis
na nagvibrate ang phone ko.

From Pierce:

Sorry po :D

Humanap ako ng chansa para makapagreply kay Pierce.

To Pierce:

Hahaha okay :))

Muntik na akong makatulog nang hindi na nagreply si Pierce. Ano ba 'yan. Pinatigil
ko nga sya sa pagte-text saakin, dahil may klase pero hinahanap ko sya?

Nagvibrate ang phone ko at tuluyan na akong hindi inantok. Binuksan ko agad ang
text ni Pierce.
From Pierce:

I miss you.

Napapikit muna ako ng mariin at pinigil ko ang sarili ko na humagikhik.

Kalma, Princess. Text nya lang iyan pero kinikilig ka na agad? Anong nakakakilig
dyaan? Wala! Kaya tumigil ka sa pagngisi mo.

To Pierce:

Mas miss kita.

Hindi na ako tuluyang nakinig sa klase. Kapag naghihintay ako sa text ni Pierce ay
nangangarap at nag-iisip na lamang ako.

From Pierce:

Gusto ko na pumasok.

Ngiting ngiti akong nagreply. Ang alam ko ay hindi naman sya mahilig magpapasok.
Bakiy ngayon, gusto nya na? Sana dahil iyon saakin.

To Pierce:
Liar. :P Kung alam ko lang, ang saya saya mo na suspended ka.

Nagbuntong hininga ako habang nabo-bored sa klase. Kapag naman iniisip ko si Pierce
ay bumibilis ang oras. Kaya iyon ang ginawa ko. Inisip ko lang si Pierce. Seryoso
kaya sya? May feelings kaya talaga sya para saakin? Sana ay seryoso talaga sya.
Sana hindi nya lamang ginagawa 'to dahil curious sya, o dahil trip nya lamang.

From Pierce:

Okay. I gave up. Gusto lang talaga kita makita.

Natawa ako ng tuluyan doon. Ngiting ngiti ulit akong nagtype. Masama na 'to. Masama
bang maging sobrang masaya gayong nagbabasa ka lang naman ng mensahe mula sa isang
tao?

"Ms. Torres, cellphone please?"

Nakagat ko ang labi ko at agad na tumayo para ibigay sa teacher kong nakalahad ang
kamay sa harapan.

Nakita ko ang mga nag-ngingisian na mga babae at ang ilan ay tumatawa pa.

Sobrang panghihinayang ang naramdaman ko. Namimiss ko na si Pierce. Namimiss ko na


makita ang inosente ngunit mataray nyang mukha. Nakakamiss ang lalaki na 'yun. Tsk.

Noong lumabas ang teacher namin ay ibinigay rin naman saakin ang phone ko. Mabuti
naman, ang akala ko pa ay mamaya nya pa ibabalik. Buti na lang ay hindi sya ganun
ka-higpit.

"Sabay ka ba saamin maglunch? Susunduin ako mamaya ni Enzo." Ani Loraine habang
naglalagay ng lipstick sa labi.

Napatango na lamang ako habang pinapanuod ang mga kaklase ko na nagsisimula nang
maglabasan. Natanaw ko sa labas si Yvo na nakikipag-usap pa sa ilang mga lalaki
kong kaklase. Sila Jynx ay nakikipagtawanan pa sa mga babae, si Clinton na
nakatingin saakin at si Paris na kumakaway.

"May kasabay rin ako eh. Sila Yvo. Pinapabantayan kasi ako ni Pierce." Napa-iling
ako. "Gusto nyo, sumabay kayo saamin?"

Napa-awang ang labi nya at nakita ko ang panghihinayang doon. Crush nya talaga si
Yvo.

"Nako, hindi pwede. Baka magalit saakin si Enzo. Tska baka hindi ko mai-focus mata
ko sa kanya mamaya kung sasabay pa kami sa inyo.." 

Sumulyap sya sa labas kung nasaan sila Yvo na ngayon ay nakatingin na dito.
Nginitian kami ni Yvo at agad na nag-iwas ng tingin si Loraine dahil namumula sya. 

Baliw talaga 'to, may boyfriend na pero marami paring crush.

"Naiinggit ako sa'yo Cess.." Ngumuso sya. Inayos na nya ngayon ang bag nya at
binibilisan ko na rin ang pag-aayos ng akin.
"Huh? Bakit naman?"

Umirap sya. "Ang sweet kasi sa'yo ni Pierce. Hindi pa kayo nyan ah.."

Napailing na lang ako pero nangingisi na rin ako dahil naaalala ko si Pierce na
masungit.

"Tapos ang ga-gwapo pa ng mga kaibigan! Kapag nagbreak kami ni Enzo, pakilala mo
'ko sa kanila ah?"

Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko.

"Joke!" Sigaw nya at humalakhak. Humalik sya saakin kumindat. "Bye, Cess!"

Nauna syang lumabas saakin at nakita ko pa ang pagsulyap sa kanya ni Paris nang
dumaan sya.

"Uy." Bati ko sa kanila nang makalabas ako. Lunch break na at talagang sinundo pa
nila ako. 

Merong mga hindi kumakain dito sa school at lumalabas pa. Naunang lumapit saakin si
Paris, itinaas nya ang kamay nya para makipag-apir saakin. Tinugunan ko iyon kahit
parang ang boyish. Tumango saakin si Jynx at Ace. Si Yvo naman ang tumabi saakin
habang naglalakad.

Sabay sabay kaming bumili ng pagkain habang daldal ng daldal saakin si Yvo. Ang mga
crush talaga ni Loraine ay 'yung mga lalaking madadaldal at mukhang hindi kayang
tumahimik.

Tinanong pa ako ni Yvo kung naglalaro daw ba ako ng.. ano nga ba 'yun? Nalimutan
ko. Basta app iyon na ini-install sa phone, tapos ay may laban. Nakalimutan ko.

"Hindi ako mahilig maglaro ng games..." Sabi ko lang at kinuha ang spoon and fork.

Nauna kami ni Yvo sa lamesa. Dumating si Clinton at tumabi saakin. Si Jynx ay


tumabi rin saakin. Si Yvo, Ace at Paris ay nasa harapan namin.

"Bakit di mo pa pinasabay 'yung kaibigan mo satin?" Tanong ni Paris bigla.

Tumingin ako sa kanya. Ah, si Loraine. "Kasabay nya boyfriend nya eh.." Sabi ko
lang.

Tumango lamang sya. Narinig ko lang ang pagtawa ng mahina ni Clinton habang
iniiling ang ulo. Ngayon ko lang sya narinig dito.

Habang nagkakainan kami ay nararamdaman ko ang tinginan ng mga estudyante.


Malamang, kung ano-ano na naman iniisip nila. Ako lang ang babae dito, iisipin pa
nilang malandi ako.
Walang humpay ang pagdaldal ni Yvo na pinapakinggan naman naming lahat. Ang dami
nyang kwento at ang kasat-kasat nya. Ang cute nya.

Sumunod naman ay si Paris na nagyayabang tungkol sa nililigawan nyang 3rd year pa


lamang. Si Jynx at Ace ay nakisali sa yabangang habang ang katabi kong si Clinton
ay tahimik na inuubos ang kanyang pagkain.

"Eh si Pierce? Sino na ang mga pinormahan nya? 'Yung mga nalink sa kanya?" Tanong
ko nang maging komportable na ako sa kanila.

Hindi naman sila mahirap i-close. Si Yvo talaga ang pinaka-close ko. Si Jynx ay
medyo hindi, kahit matagal ko na syang kilala. Si Paris ay close ko na din, ganun
rin si Ace. At si Clinton na kahit tahimik ay ayos naman.

Napa-isip naman sila doon. "Wala namang pinopormahan 'yun... kahit dati." Sabi ni
Yvo habang mukhang hinahalungkat ang utak nya at ang ala ala nila.

"Wala nga yatang naging crush 'yun kahit nung elem kami." Sabi naman ni Clinton
habang umiinom gamit ang straw.

Napatango na lamang ako at nakita kong dumaan si Elaine. Nakatingin sya saakin.
No... nakatitig pala sya. Titig na titig sya saakin. Nagtataka ang mga mata nya.

Napalunok ako at hindi tumingin sa kanya. Nahihiya ako. Hindi ko sya nirereplyan.
Ang sama ko.
"Eh si... Elaine?" Tanong ko.

Gusto ko lang malaman ang tungkol kay Elaine. Paano pala kung may hindi pa ako
alam? Ayoko namang magtanong kay Pierce, pero gusto ko nang malaman.

Natahimik sila doon at kumunot ang noo ni Paris. "Elaine.. who? Cortez?"

Nagsnap ng finger si Jynx. "Ah! Si Elaine."

Nagkibit balikat si Clinton. "Classmate namin 'yan dati. Alam ko nga crush nya dati
si Pierce."

Napataas ang dalawang kilay ko doon. Alam nila? Alam rin kaya ni Pierce? Wait,
anong meron? Bakit alam naman pala nila?

Tumawa sila Yvo. "Oo, naaalala ko na. Crush na crush nyan si Jimenez nung
elementary! Di naman sya pinapansin. Lintik rin 'yong gago na 'yun."

Nagtawanan sila. Syempre totoo naman. Lintik naman talaga si Pierce kung wala si
Elaine sa kanya. Si Elaine na ubod ng ganda at sobrang sikat sa school. Saan ka pa
maghahanap kung ikaw na ang lalapitan ng ganung klase ng babae? At ang alam ko ay
tinetext sya ni Elaine.

"Alam ko naging crush rin ni Pierce si Elaine dati." Ani Clinton. Tumingin sya
saakin.

What? Natigilan ako sa pagsubo ng straw sa bibig ko.

Nanglambot ako. Pinigilan kong magmukhang apektado. Sht. Ano 'tong nararamdaman ko?
Iyon lang naman ang sinabi ni Clinton pero parang tagos agad. Simpleng sentence
lamang iyon!

Maybe because I expect too much. Na iniisip ko na ako pa lang ang babaeng
nagustuhan ni Pierce. Stupid. Paano naman mangyayari 'yun. Hello. Ilang taon na ba
kami? 16 o 17! Imposibleng never pa sa buhay nya na nagkagusto sya sa ibang babae
at ako ang nauna. Ang tanga naman.

Pero ang sakit. Naiinis ako kay Pierce. Wala naman akong dapat ikainis pero naiinis
ako. Crush nya si Elaine dati! Nakakainis. Hindi ko sya maisip na nagka-crush sa
iba. Nahihiya rin kaya sya kapag kinakausap sya ni Elaine? Sht. Naging elementary
lovers kaya sila?

Namumula kaya sya kay Elaine? Naging malapit ba sila? Binibigyan rin kay sya ni
Pierce ng band-aid kapag nasusugatan sya? Naiinggit na ako kahit hindi ko pa alam!

"Huh? Si Pierce nagkagusto kay Elaine?" Hindi makapaniwalang kontra ni Yvo. Kung
magsalita sya ay parang wala syang naaalalang ganun. "Baka naman si Kharl?"

"Oo, si Kharl din may gusto kay Elaine. Pero si Pierce hindi ko maalala?" Kunot
noong sabi ni Paris.
Umiling iling si Clinton. "Diba hinalikan ni Pierce si Elaine dati?"

Natigilam ako sa paghinga. May iba nang nahalikan si Pierce? Napayuko ako doon at
pinaglaruan ang tinidor. Pero syempre ay hindi ko pinahalata na nagseselos ako.
Aba, ako ang nagtanong nito. Paninindigan ko 'tong lahat na 'to.

Pero.. may first kiss na pala si Pierce? Ang tanga ko ba kung iniisip ko na wala pa
syang nahahalikan na babae? Iyon kasi ang pagkaka-kilala ko sa kanya.

Tahimik lang sila at tanging si Yvo ang bumasag nun.

"Ulol?"

Tumawa si Jynx. "Ah! Nung hinalikan ni Pierce si Elaine nung grade 4! Mga siraulo,
grade 4 pa 'yun!"

Nagtawanan sila. Si Paris at Ace ay tumango-tango na para bang naaalala na nila.

"Sa lips?" Tanong ko.

Kumunot ang kilay ni Ace. "Iyon ang hindi na namin alam..."

"Pagkatapos lang ata nun, doon nagka-crush si Elaine sa kanya." Kwento pa ni


Clinton habang saakin lang nakatingin.

Tumango tango ako. Meron silang past. Damn. Ang sakit. May past sila ni Elaine.
Kahit na mga bata pa sila noon, meron parin! Bakit hinalikan ni Pierce si Elaine?
Grade 4? Hindi ko aakalaing nanghalik na sya! Kung tutuusin ay naiisip ko na batang
Pierce ay masungit na rin at walang kaibigan.

Pero bakit ganun? Nakakainis. Ang landi nya naman pala noon. Pero anong magagawa
ko? Wala naman. Baka naman crush lang talaga? Ako nga hindi ko na maalala ang
elementary days ko. Grade six lang ang naaalala ko.

"Sure kayong nagkiss sila?" Tumawa ako habang nagtatanong para hindi sila magduda.

Tumango si Jynx, Ace, at Paris bilang sagot. Si Yvo lamang ang hanggang ngayon ay
mukhang naglo-loading sa kanya. Mukha talagang hindi nya maalala.

"Grade 4 pa naman 'yun. Wala din namang inamin si Pierce na crush nya nga si Elaine
pagkatapos." Ani Clinton.

Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Pagkatapos nung nangyari, parang wala lang. Pero hindi rin namin alam. Masyadong
masikreto si Pierce, baka pati mga naging crush nya sinekreto nya pa." Halakhak ni
Ace.

"Baka naman nacurious lang sya kung anong lasa?" Tumawa si Paris.
Nagkwentuhan lang sila habang tahimik akong umiinom. Isip lang ako ng isip kay
Pierce.

"Sus, ang aga-aga naman nacurious." Tawa ni Clinton.

"Ako nga 3rd year ko pa naranasan!" Ani Ace.

Patuloy sila sa pagkwentuhan hanggang sa kinalabit ako ni Clinton. Tumingin ako sa


kanya. Nakangisi sya habang kagat kagat ang straw ng iniinom nya. Kinunutan ko sya
ng noo kung bakit sya nangangalabit. Nginuso lang nya ang table.

Nang tumingin ako doon ay nakita kong umiilaw ang phone ko habang patuloy iyong
nagba-vibrate. Tumatawag si Pierce.

=================

TKP 34

TKP 34

Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin sa phone kong nagba-vibrate. Agad ko iyong
kinuha mula sa lamesa dahil naramdaman kong nakatingin doon si Clinton.

Tinitigan ko pa ang screen na may nakalagay na pangalan ni Pierce. Tumatawag sya


pero nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.
Alam kong wala syang kasalanan at walang malay sa nangyayari pero kasi, naiinis
ako. At ayoko namang sungitan sya ngayon. At bakit nga ba ako naiinis sa simpleng
bagay na nangyari na matagal na ang nakalipas?

For fck's sake! Grade 4 pa sila noon. Bakit ba naiinis ako? Dahil ba si Elaine
'yun? Dahil ba nakaka-insecure talaga sya?

Namatay na ang tawag ni Pierce at napabuntong hininga na lamang ako. Matapos ng


lunch ay hinatid ako nila Yvo sa room namin. Ang sabi nila ay ihahatid daw nila ako
at maaga na akong nagpahatid dahil ayoko namang maka-abala sa kanila kung sakaling
may mga pupuntahan pa sila.

Nakaupo lang ako sa room mag-isa, 'yung ibang kaklase ko na nagsisi-pasukan na ay


hindi ko naman mga gaanong close.

Nawala 'yung nararamdaman kong excitement na makita si Pierce. Para bang bigla na
lang namatay 'yung nararamdan kong tuwa at saya para sa kanya. Wala lang naman 'to
pero grabe naman ako kung magreact.

Tumawag ulit si Pierce at nakaramdam ako ng lungkot. Ang sama ko. Hindi ko sya
pinapansin dahil lang sa ganung kaliit na bagay.

"Nakakainis.." Mahinang bulong ko at dumukdok na lamang sa armrest at naghintay na


lamang para sa una naming klase.

Ang sakit sa ego. Para talaga akong pinagsakluban ng langit at lupa. Lalo pang
tumitindi ang insecurities ko. Ako naman ang sinasabi nya na gusto nya pero
nagdududa parin ako, una ay dahil hindi naman ako kagandahan, pangalawa ay wala
namang kagusto-gusto saakin. Tapos lalo naman ngayon na nalaman kong nagkagusto sya
kay Elaine. Aba, nawala na ang lahat ng confidence ko!

Nagkagusto parin sya kay Elaine at pwede iyong bumalik. Ang ganda naman kasi talaga
ni Elaine! Anong panlaban ko?

Tinakasan ko sila Yvo noong uwian. Ayoko muna silang makita. Ayoko muna silang
makasama, naalala ko lang si Pierce sa kanila dahil syempre sya ang madalas napag-
uusapan kapag nandoon ako.

Kasabay kong umuwi si Loraine at tahimik lamang ako habang katabi sya, habang sya
ay nagke-kwento tungkol sa kanila ni Enzo na hindi ko maintindihan.

"Bakit ba mukhang ang lungkot lungkot mo?" Tumigil sya sa pagke-kwento at tinaasan
ako ng kilay.

Tumingin ako sa kanya habang nakasakay kami sa taxi. Sabihin ko kaya sa kanya?
Bumuntong hininga ako.

Hindi na lang muna siguro. Parang maliit na bagay lang naman 'yun eh. Ang babaw ko
lang talaga.

"Kasi may binabasa akong story. Tapos 'yung babae, buong akala nya, sya lang 'yung
gusto nung lalaki. As in buong inisip nya, sya lang at walang kahit na anong past
'yung boy. Inakala nya na sya 'yung unang babaeng nagustuhan nung lalaki. Ang cute
na nga sana eh. Ang saya at nakaka-excite.." Nag iwas ako ng tingin at humarap na
lamang ng upo. "Tapos nalaman nya bigla na may nahalikan na pala 'yung lalaki dati,
at may ibang nagustuhan na."
Kumunot ang noo nya at umtras ang ulo nya na parang hindi nya naiintindihan. 

"So na-disappoint 'yung babae? Eh ano naman? Gusto nya sya lang?" Hula nya habang
kunot ang noo. "Tigilan mo kasi 'yung pagbabasa mo." Tanging advice na natanggap ko
mula sa kanya.

Napabuntong hininga ako at tumingin na lamang sa labas. Naunang bumaba si Loraine


at nagpaalam na ako sa kanya. Nang maka-uwi ako ng bahay ay humiga agad ako sa
kama.

Gusto ko na ayokong magmonday. Kasi syempre, kapag nagmonday na, malapit na ang
tuesday. Tuesday, ibig sabihin ay papasok na si Pierce. Gusto kong itanong sa kanya
si Elaine pero ayoko rin namang malaman. Baka mainis pa sya saakin dahil matagal na
iyon tapos wala lang naman pala talaga.

Tapos paano kung meron pala? Edi masasaktan na naman ako? Bakit palagi na lang si
Elaine? Ganun ba talaga kapag sobrang ganda mo?

Biglang nagvibrate ang phobne ko. Tumatawag si Pierce. Hindi ko iyon muling
pinansin. Ayoko pa muna syang kausapin. Tutal wala naman syang alam sa mga ganito,
siguradong walang alam 'yun na iniiwasan ko sya. Wala namang malay 'yung isa na
'yun.

Nakatulog ako at pagdilat ko pa lang ay si Pierce na agad ang naisip ko. Masama na
ito. Lalong tumatagal ay si Pierce na lamang ang naiisip ko. Agad kong chineck ang
phone ko at nakita kong sunod-sunod na naman ang text nya.

From Pierce:
Stop dodging my calls princess.

Nakagat ko ang labi ko dahil napapansin nya pala. Nasapak ko ang sarili ko. Maybe
walang experience si Pierce sa mga ganito, pero nag-iisip parin sya. Ang tanga mo,
Princess!

Binasa ko pa ang sunod-sunod nyang text.

From Pierce:

Hindi ka daw sumabay kila jynx umuwi

From Pierce:

Sino palang kasabay mo?

From Pierce:

Are you home yet?

From Pierce:

Damn answer my fucking calls princess

Gulong gulo ako. Ano bang nararamdaman ko kay Pierce? Gusto ko na ba talaga sya?
Kasi nagseselos ako at nai-insecure! Gusto kong magtanong pero natatakot rin ako.
Ayokong magmukhang tanga sa text. Tska kung tatanungin ko sya, magmumukha akong
obsessed sa kanya. Naitanong ko na iyon sa kanya dati at 'classmates' lang ang
sinagot nya. So bakit tatanungin ko pa ulit? Baka isipin nya pang iniisip kong
sinungaling sya. Pero totoo. Nagsinungaling sya saakin kahit maliit na bagay lang
'yun.

Tinurn-off ko ang phone ko at pinilit na hindi isipin si Pierce. Mababaliw yata ako
sa kakaisip sa kanya. Sa magulo nyang buhok, sa masungit nyang kilay, sa inosente
nyang mga mata, ang ilong nyang perpekto ang tulis at tangos.. at ang labi nyang
mukhang ginawa talaga para manghalik.

Saturday ay hindi ko parin binubuksan ang phone ko. Wala akong ginawa kundi ang
matulog na parang broken hearted. Binuksan ko rin ang laptop ko kinagabihan at
tinignan ang profile ni Elaine sa facebook habang naka-chat offline.

Gusto kong malaman ang itsura nya noong elementary. Kung may mga upload ba sya na
pictures nila noon o mga pictures na kasama nya si Pierce.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang suot nyang uniform. Kulay navy blue iyon at
iyon din ang uniform ko noong elementary.

Nalaman kong schoolmate kami noong elementary! Hindi ko alam na nag-aaral pala kami
noon sa iisang school. Bakit wala akong kamuwang-muwang sa ganitong bagay?

Merong anim na sections noong elementary kami. Sigurado akong hindi ko kaklase si
Elaine dahil kilala ko naman sa mga mukha ng mga naging kaklase ko, kahit na hindi
ko na maalala ang mga pangalan nung iba.

Nakagat ko ang labi ko at napasabunot sa buhok. Dito rin nag-aral si Pierce dati,
pati na rin sila Yvo at sila Paris. Sila kaya, kialala kaya nila ako?
Naghanap ako kung mayroon ba silang picture na magkakasama, pero wala akong makita.
Siguradong hindi lang iyon naka-upload sa fb nya. Ang tanging naka-upload sa kanya
ay ang class picture nila.

Nakita ko doon si Pierce na kahit noong bata palang ay masungit na talagang tignan,
medyo makapal na rin ang kilay nya doon at kita na rin ang perpektong hubog nun.
Ilang bata pa ang layo bago ang kapatid naman nyang si Klark na nakangiti habang
medyo naka-awang ang labi.

Masakit. Nakaka-insecure isipin na 6 years silang naging magkaklase noon. Matagal


silang nagkasama sa iisang room. Dahil ang naalala ko ay kung sino ang mga kaklase
mo noong grade 1 ay kaklase mo hanggang grade 6. 

Imposibleng hindi napansin ni Pierce ang kagandahan ni Elaine. And I am so sure of


that.

Ni-log out ko na ang fb ko. Hindi ko talaga maalala ang mga memories ko noong
elementary. Posible kaya na kahit isang beses ay napansin na ako dati ni Kharl o ni
Pierce? Masyado kasing malaki ang school namin dati na hindi mo na nga mapapansin
kung mas mataas o mas mababa na grade ang mga makakasalubong mo.

Hindi ko sila maalala! At sigurado rin naman na hindi ako kilala nung dalawa na
'yun, o kahit na si Elaine. Masyado na silang maganda at gwapo bata pa lamang para
pumansin ng isang gusgusing bata.

Sunday ay tinawagan ako ni Loraine sa telepono namin dahil nga patay ang phone ko.
Pinapunta nya ako sa kanila na pinagsisihan ko.
Nakashorts ako at crop top. Pagdating ko doon ay naabutan ko si Enzo, katabi ang
kaklase nyang lalaki mula sa IV-B at pati na rin si Loraine na nakaupo.

Ngumiti saakin si Loraine at inakay ako papunta sa kwarto nya. "Cess, please
pumayag ka! Double date?"

Nalaglag ang panga ko. Napasapo ako sa noo ko. Ang kasama ni Enzo na kaklase nya ay
si Patrick. Mabait naman sya pero hindi ako sumasama sa mga hindi ko naman ka-
close.

"Loraine naman eh.." Bumuntong hininga ako at binagsak ang puwit ko sa kama nya.

"Wala lang naman 'to sa inyo. Parang friendly date lang? Parang sasama ko lang kayo
sa amin. Kung baga parang friends lang tayo na gagala!" Nakita ko na nakikiusap ang
mga mata nya.

Suminghap ako at pumikit ng mariin. Hindi ko alam kung ayos lang ba 'to o hindi.
Hindi naman kami magde-date nung Patrick pero siguradong kami ang magkaka-sama
dahil magiging busy 'yung dalawa na 'yun sa isa't-isa.

Tumango na lang ako. Pero kahit ganun ay alam ko namang ma-oop kami dahil syempre,
magshota sila at mapipilitan akong pakisamahan si Patrick.

"Bakit kasi kailangan pang double date? Edi sana kayo na lang ni Enzo ang nagkita."
Sabi ko at sumimangot.

Nagbuntong hininga sya at lumabi para magmakaawa saakin. "Eh kasi nga medyo galit
saakin si Enzo, tapos pinilit ko lang si Patrick na pumunta dito. Hindi kasi
pupunta dito si Enzo kung sya lang mag-isa."

"Ang komplikado nyo naman!" Ganyan ba talaga kapag nasa isa kang relasyon? Kami nga
ni Pierce wala pa, nagiging komplikado na.

"Tapos pumayag si Patrick, kaso sabi nya ayaw nya raw maging third wheel kaya..."
Ngumisi sya saakin at tumaas taas ang kilay nya. "Isama raw kita para hindi sya OP.
Uyyy.." Tinabig tabig nya ako ng balikat nya.

Umirap ako sa kanya. "Pwede ba, Loraine. May iba na akong gusto 'no." Nag-init ang
pisngi ko doon. Ang weird lang sabihin.

Nanlaki ang mga mata nya dahil nagulat sya na nasabi ko 'yun pero napa-iling na
lang sya. "Eh ano naman? Sabi mo nangliligaw pa lang. Wala pa naman eh! So pwede pa
'yan.."

Napaling ako. "Malandi na nga ang tingin saakin, tapos dadagdagan mo pa."

Umiling sya. "Mga inggit lang 'yon. Saka kapag ang lalaki, nangligaw, isa lang
dapat nililigawan. Pero ang babae kapag nagpa-ligaw, pwede 'yang pumayag na
maligawan nang kahit ilan ang gusto nya at nasa kanya ang huling sagot. So ayos
lang 'yan."

Napailing ako at lumabas na kami ng kwarto ni Loraine. Natagpuan namin ang dalawang
lalaki na naka-upo lamang.
Nag-angat ng tingin si Patrick at sumilay ang ngiti nya para saakin. Gwapo sya,
pero.. wala pa sya sa kalingkingan ni Pierce. Si Enzo naman ay gwapo talaga, kaya
nga crush na crush sya noon ni Loraine. Parang kapantay sya nila Yvo.

"Tara na?" Pagyayaya ni Loraine.

Nakagat ko ang labi ko nang pumasok kami sa isang itim na sasakyan. Pumasok si
Loraine at Enzo sa likod, samantalang pinagbuksan naman ako ni Patrick sa harapan.

Hindi ko pa kahit minsan nakakausap si Patrick pero nagkakatingingan na rin kami


dati sa school dahil palagi ko syang nahuhuling tumitingin sa banda namin ni
Loraine.

"T-thanks.." Sabi ko na lang. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Awkward. Awkward rin
naman ako kay Pierce minsan, pero awkward in a good way 'yun.

Ngumiti lamang sya bago isara ang pinto. Umikot sya at sumakay na sa sasakyan.

Pakiramdam ko ay ang sama sama ko. Wala naman akong choice kundi ang pumayag,
magagalit kaya si Pierce kapag nalaman nya? Kung sabagay ay hindi naman na nya ito
malalaman.

In-on ko na ang phone ko. Nagdagsaan ang messages doon. Meron ding ilang unknown
numbers. Bubuksan ko na sana ang mga text ni Pierce nang magsalita ang katabi ko.

"Princess, ano? Saan nyo ba gustong pumunta?" Tanong ni Patrick at ilang beses na
lumingon saakin habang nagda-drive.
Ni-lock ko ang phone ko dahil ayoko namang maging bastos. "Kahit saan. Sila Enzo
ang tanungin mo.."

Tumango na lamang sya at nagsalita na sila Enzo at Loraine na parehong tahimik sa


likuran. Bakit na naman kaya sila nag-away? Dahil na naman kaya kay Ara? Pero bakit
mukhang si Enzo ang galit ngayon?

Kating-kati akong tignan ang cellphone ko. Isang buong araw ko yatang hindi
binuksan ang phone ko. Sigurado akong may mga chat rin sya saakin. Baka kung ano
ang isipin nya nito. 

Napaka-liit namang bagay ang kinakagalit ko.

Parang hinalikan lang naman ni Pierce si Elaine dati.

Ano naman?

Ano naman ngayon kung nagkagusto nga si Pierce sa Elaine na 'yun na syang dahilan
din kung bakit ako iniwan ng lintek na ex ko? Ano naman?

Napagdesisyunan naming magpunta ng mall at manuod raw ng sine. Hindi ko nagustuhan


ang idea na sinabi ni Loraine pero sumang-ayon ang dalawang lalaki kaya hindi na
lamang ako nagsalita.
Nagpark muna ng sasakyan si Patrick bago kami sabay sabay na bumaba. Nauuna sa
paglalakad si Loraine at Enzo habang naka-palupot ang braso ni Loraine kay Enzo na
mukhang cold at walang pakialam.

Samantalang kami naman ni Patrick ay nakasunod lamang habang naglalakad. Medyo


malapit sya saakin.

"Ano gusto mong panuorin?" Tanong nya.

Gusto ko sanang ikunot ang noo ko. Bakit ba saakin sya nagtatanong? Sila Loraine
dapat ang tanungin nya, singit lang naman kami sa date nila.

"Anong papanuorin natin, Loraine?" Tanong ko na lamang.

Pumalakpak si Loraine ng isang beses at nag-isip. Tahimik lamang si Enzo na


nakasimangot sa tabi nya.

Nang masabi ni Loraine ang papanuorin namin ay naglakad na ang dalawa para bumili
ng ticket. Si Patrick at ako ay naghintay lang. Humarap sya bigla saakin. "Ano,
iyon din ba ang gusto mo?"

Natigilan ako doon. Tumango na lamang ako at medyo tumagilid para hindi sya
masyadong makita. Anong gusto nyang sabihin? Na kung iba ang gusto ko, iba ang
papanuorin namin? Hihiwalay kami? Ni hindi naman kami close.
Habang hinihintay sila Loraine ay naka-halukipkip lamang ako. Ramdam ko naman si
Patrick na naka-abang lang sa gilid at hindi mapakaling tumitingin-tingin saakin.

Inilabas nya ang phone nya at itinapat nya iyon saakin. "Pwedeng makuha number mo?"

Napalunok ako at napa-awang ang labi ko. Napatango na lamang ako at medyo nginitian
sya para hindi bastos. "S-sige."

Pinindot pindot nya ang phone nya. Habang binibigkas ko ang number ko sa kanya ay
nanlaki ang mga mata ko nang makita sila Yvo sa malayo. Marahan nyang kinakamot ang
ilong nya na parang walang magawa habang nakaharap naman sa kanya ang malalapad na
likod nila Clinton at Ace na nakatalikod naman saakin. Tinitigan ko silang mabuti
sa medyo kalayuan at wala naman doon si Pierce!

Mas lalong lumaki ang mata ko nang magtama ang mga mata namin ni Yvo.

"Uy ano na?" Tanong ni Patrick saakin, hinihintay ang susunod na numerong sasabihin
ko.

Sa sobrang pagka-kaba ko ay mali na ang naibigay ko sa kanyang number. Lalo na nang


makita kong papalapit na sila Yvo. Sana hindi nya ako nakita. Sana hindi nya ako
nakita!

Tumalikod ako sa banda nila pero habang tumatagal ay naamoy ko na papalapit na ang
pabango ni Yvo. Damn!

"Parang gusto ko ring manuod ng sine..." Mahinang sabi ni Yvo kila Clinton.
Pinaparinig nya iyon saakin. Nang mapatingin ako sa kanya ay nakangisi na sya ng
pang-inis.

Si Patrick naman ay busy sa pagse-save ng number ko, pero alam kong kilala nya sila
Yvo.

"Gusto ko din." Kumindat saakin si Paris.

Si Clinton naman ay napatingin saakin at tumingin muli sa phone nya bago ulit
tumingin saakin. Ngayon nya pa lang ako nakita hindi tulad nila Paris na kanina pa
at mukhang nang-iinis na lamang.

Gusto ko sanang batiin sila pero kinakabahan naman ako. Bigla lang akong nahiya,
alam pa naman nila na merong kung ano saamin ng kaibigan nilang si Pierce pero heto
ako at may kasamang ibang lalaki.

Umalis sila at nakita ko silang bumibili nga ng ticket. Saktong pag-alis nila ay
dumating naman si Loraine at Enzo. Naglakad na sila papasok habang ako ay nakatitig
pa kila Yvo kung totoo bang manunuod talaga sila.

Biglang may humawak sa pulso ko na ikinagulat ko. Pagtingin ko ay nakita ko si


Patrick na nakakunot ang noo. "Tara na? Pumasok na sila."

Tumango ako at binigyan ulit ng isa pang sulyap sila Yvo. Si Clinton lang ang
nakita kong nakatingin saamin habang may iritadong tingin at ngiwi sa labi.

Nang makapasok kami sa loob ay hawak hawak parin ni Patrick ang kamay ko. Damn.
Sa medyo bandang gitna kami umupo. Walang masyadong tao na nanunuod ngayon. Ngayon
ko lang nalaman na horror pala ang papanuorin namin. Si Patrick at Enzo ay nasa
parehong gilid namin, kami naman ni Loraine ay magkatabi at napapagitnaan.

Kabado akong nanuod. Palinga-linga ako sa pilgid dahil baka bigla na lamang
dumating sila Yvo. Kinakabahan ako! Nagsumbong na kaya sila sa kaibigan nila?

Nakalimutan ko na ang tungkol kila Yvo pagkatapos ng kalahating oras. Hindi naman
yata sila manunuod. Tahimik lamang ako ganun rin sila Loraine sa gilid. Pero nakita
kong nakasandal ang ulo nya sa dibdib ni Enzo.

Sa kalagitnaan ng katahimikan at madilim na sinehan ay biglang nagkaroon ng malakas


na tawanan mula sa mga lalaki na malalakas din ang mga yabag.

"Dito tayo!" Malakas na sabi ng pamilyar na boses at alam ko agad na ang tinuturo
nilang lugar ay ang pwesto sa likod namin.

Naghalakhan sila at maiingay na nagsiupo sa likod namin. Medyo lumubog ako sa


kinauupuan ko, nagbabakasakaling hindi nila sinasadya na dito umupo at hindi nila
alam na naandito kami.

"Okay ka lang? Nilalamig ka ba?" Malambing na tanong ni Patrick nang mapansin na


kinakabahan ako.

Namutla ako doon. Alam kong medyo malakas syang magsalita at paniguradong narinig
iyon nila Yvo sa likuran namin lalo na at tahimik na sila.
"H-hindi.." Sagot ko lang.

Tumango sya at umayos lang ng upo.

"Ano, dude? Parating na ba si Jimenez?" Rinig kong tanong ni Paris sa likuran.

Nang silipin ko si Loraine ay mukhang wala naman syang naririnig sa likod. Siguro
ay ako lang ang nakakarinig dahil nakikinig akong mabuti at sa kanila ang atensyon
ko.

"Ayaw eh. Bad trip 'yon, diba, ayaw daw magreply sa kanya ni Princess?" Sagot naman
ni Clinton.

"Oo nga, bakit kaya ayaw magreply nun?" Tanong naman ni Ace na halatang medyo
nilakasan para iparinig saakin.

Nakagat ko ang labi ko. Mga loko ang mga 'to, hindi naman yata manunuod. Nandito
lang yata para guilty-hin ako.

"Famous kasi 'yon. Pati text ko ni-snob. Di pa nga ako ina-accept sa facebook."
Pagpaparinig ni Yvo.
Napa-iling ako. Siraulo talaga si Yvo.

"Mukhang hindi ka okay? Nilalamig ka yata." Sabi bigla ni Patrick. Palagi syang
tumitingin saakin. Nanlaki ang mga mata ko nang itaas nya ang kamay nya para
ipatong sa kabilang balikat ko.

Inakbayan nya ako! Hindi ko masabi sa kanya na tanggalin nya. Seryoso ba sya?

Biglang mag sumigaw sa likod namin. Sigurado ako na si Yvo 'yun! "Tang ina!
Nakakatakot!" Sabay bato ng popcorn saamin kaya biglang natanggal ang kamay ni
Patrick sa balikat ko.

Sunod sunod ang nag'Shh!' sa kanila. Paano naman kasi, wala namang nakakatakot sa
eksena. Nag-uusap usap lang ang magkakaibigan sa palabas sabay sisigaw sila ng
ganun. Ang lakas ng trip!

"Ano ba 'yan. Mukhang mga tanga 'yung nasa likod." Bulong ni Patrick habang
pinapagpagan ang forearm nya na may dumi dahil sa popcorn.

Humikab ako. Sana matapos na ang palabas.

"Itext mo na si Jimenez." Ani Paris.

"Hindi nga pupunta 'yun." Sabi naman ni Clinton. "KJ na 'yun."


Nag-'tsk' si Yvo at narinig ko ang ngisi nya. "Hah! Sigurado akong pupunta 'yun
dito kapag nalaman nyang may kasamang iba ang prinsesa nya."

Namula ako doon. Hindi ko na talaga pinapanuod ang nasa harapan at tanging
nakikinig na lamang sa likod.

"Asa." Bulong ni Clinton. Hindi sya naniniwala. Kahit ako ay hindi.

Kumain ako ng popcorn sa sobrang pagka-kaba. Sana ay hindi na nila papuntahin si


Pierce. Pero asa naman ako. Magdasal man ako o hindi, hindi talaga 'yun pupunta.
Ayaw ngang sumama ni Pierce dahil tinatamad sya, tapos sasabihin lang nila na
naandito ako, pupunta na sya? Imposible.

"Eto na, te-text ko na." Ani Ace.

Nanlaki ang mata ko at gusto ko nang umuwi ng bahay. Malakas ang tibok ng puso ko.
Kinakabahan ako.

Maya maya ay nagkaroon ng malakas na tawa. "Nagreply na ang gago! Princess lang
pala ang sasabihin natin, puta!" Tawa ni Ace.

"Ano ba sabi mo?" Tanong ni Clinton.

Tumawa pa ulit si Ace bago nagsalita. "Pre, naandito si Princess. May kasamang iba.
Nanunuod ng sine."
Napasinghap ako na narinig ni Patrick. Nakakunot ang noo ni Patrick na tumingin
saakin. Wala silang alam sa nangyayari sa likod! Pero naiingayan sila at
nagrereklamo. Hindi naman nila iniintindi, buti na lang at naririnig ko.

"Anong reply?" Tanong ni Yvo.

Humagalpak pa sa tawa si Ace bago nagsalita. "Papunta na raw sya."

Nanlaki ang mga mata ko at talagang malakas akong napasinghap ulit kaya nagtinginan
saakin sila Loraine at Enzo.

"Huy! Ayos ka lang ba Cess?" Tumagilid ang ulo nya para makita ako.

Tumango ako at kahit na gusto ko mang sabihin sa kanya na nasa likuran namin sila
Yvo ay hindi ko na ginawa. Ayoko namang masira ang date nila.

Kinakabahan ako at hindi mapakali sa pag-iisip kay Pierce. Seryoso kaya silang
pupunta si Pierce o pinaparinig lang nila saakin para matakot ako?

Sa tuwing may nakakagulat o nakakatakot na pangyayari ay ni hindi ako makasigaw.


Naiisip ko kasi si Pierce na papunta. Kinakabahan ako pero nae-excite na rin akong
makita sya. Magagalit kaya 'yun sa ginawa kong hindi pagpansin sa kanya?
Sana ay galit sya. Gusto kong maramdaman na nagagalit sya dahil hindi ko sya
pinapansin. Gusto kong maramdaman na mahalaga ako sa kanya.

"Hindi ka ba natatakot?" Kunot ang noo ni Patrick habang nakatingin saakin. Medyo
makapal ang labi nya at mayroon syang singkit na mata.

Tumaas ang dalawang kilay ko at tumawa. "Syempre natatakot." Kahit hindi.

Tumango tango sya. Inilapit nya lamang ang ulo nya saakin hanggang sa matapos ang
movie. Napagdesisyunan nilang hindi na simulan ulit kahit na kalagitnaan na ang
napanuod namin. Sumangayon na lamang din ako.

Nang tumayo kami ay nakita ko sila Yvo pero hindi ko na napansin kung sino-sino
sila dahil sigurado naman akong silang lima lang. Nakatingin silang lahat saakin
habang nakaupo at kumakain ng popcorn.

Hindi sila nagsalita pero napa-upo ng maayos si Paris.

"I-text nyo si Jimenez. Bilis!" Bulong na sigaw ni Yvo kaya natigilan si Loraine sa
paglalakad para sumilip kung sino 'yun.

Nang nakalabas kami ay agad na humawak si Loraine sa kamay ko. "Cess, nandoon sila
Yvo sa likuran natin! Sayang 'di mo nakita!" Kinikilig na bulong nya.

Nakatingin saamin si Enzo at Patrick na mukhang gustong malaman ang pinagbubulungan


namin kaya naman agad na tumakbo si Loraine papunta kay Enzo.
Naglakad lamang kami papalabas at nang minsan ay may nakita akong magandang damit
ay nilingon ko. Ngunit sa paglingon ko na iyon ay nakita ko na naman ang limang
lalaki na kanina pa nakasunod.

Napahinto ako at agad na kinabahan. Hindi na pala sila lima ngayon. Anim na sila.
Nandoon na sya at naka-gray na three fourths, black ang slevees, nakasuot naman sya
ng jeans sa pang-ibaba.

Naghuhuramentado ang puso ko habang nakakunot ang kilay ni Pierce na parang


susuntukin nya na sa inis sila Paris. Habang si Yvo naman ay tinuturo ako kay
Pierce.

Para akong nawala sa ulirat nang tumingin saakin si Pierce. Nawala ang pagkunot ng
kilay nya nang makita ako, pero bumalik iyon nang tumingin sya sa likod ko. Nawala
na lang ang tingin ko kay Pierce nang hilahin ako bigla ni Patrick.

=================

TKP 35

TKP 35

Hindi ko malamam ang gagawin. Nang makita ko kanina ang mabangis na mata nya ay
kinabahan na ako. Parang nagwawala ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
Kinakabahan ako dahil nakita nya akong may kasama, at natutuwa dahil nakita ko ulit
sya matapos ng ilang araw.

Hindi ko alam ang gagawin kaya naman natangay na lamang ako ni Patrick pero unti
unti ko ring tinanggal ang pulso ko sa kamay nya nang hindi nya napapansin.
Nang tumingin ako sa likod ay nakita ko sya mula sa malayo na nakatitig parin.
Tahimik lang ang itsura nya at malamig na nakatingin saakin. Diretso at confident
ang tayo nya na para bang sya ang pinaka-masungit na tao na hindi mo pwedeng
banggain. Ang barkada nya ay nakatingin lang din habang nakadikit parin kay Pierce.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako. Gusto ko syang lapitan at ipaliwanag
kung bakit ko kasama si Patrick pero nahihiya ako. I mean, hindi pa naman ako
gustong-gusto ni Pierce para ipaliwanag sa kanya ang nangyari at mag-assume na
nagseselos sya, diba?

"Princess.." Tawag saakin ni Patrick dahil nakahinto na ako sa paglalakad.


Nakatingin lang ako kila Pierce.

Tumingin ako kay Patrick. He doesn't look really happy. Maybe dahil iyon sa kanina
nya pa pagpapakita ng hints saakin pero dinidedma ko lamang iyon.

Yes, I know.

"Sorry, Patrick." Tumingin muli ako kila Pierce. Naka-awang na ngayon ang labi nya
na naghihintay saakin. "Kasi nandoon si Pierce eh. Baka magalit saakin." Sabi ko
lamang.

Alam kong kilala nya si Pierce. Imposibleng hindi, dahil kilala na ng lahat si
Pierce.

Nanatili ang titig nya saakin, maya maya ay sumulyap sya kila Pierce at bumalik
muli saakin. "Oo nga pala." Tumawa sya ng mahina at nagkamot ng ulo.
Nakagat ko ang labi ko nang mag-iwas sya ng tingin saakin. Obvious naman eh. Gusto
nya ako, pero bakit ako pa? May itsura naman sya at madaming ibang babae.

"Sorry talaga." Sabi ko lang at pinaparamdam ko sa kanya na iiwan ko na sya.

Tumango lamang sya at tumawa. "Ayos lang, ano ka ba," Umawang ang labi nya at
napalunok. "Akala ko kasi may chance ako sa'yo.."

Natigilan ako doon pero agad na nakabawi nang makitang umurong sya. Gusto ko mang
lapitan si Pierce ay hindi ko magawa dahil kay Patrick. Hindi ko sya pwedeng basta-
bastang iwan, lalo na ngayon.

"P-pero--" Hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko. "May.. Pierce na kasi ako."

Natawa sya lalo doon. Natawa sya sa sarili nya. "Akala ko nga chismis lang 'yung
pumoporma sayo si Jimenez. Haha! Okay lang. Crush lang naman kita, lakas kasi ng
charm mo. Madami kayang nagkaka-crush sa'yo sa room namin." Sabi nya lang na
tinggap ko bilang biro. "Sige alis na 'ko."

Tumalikod sya saakin at nakita ko syang nakayuko. Napapikit ako ng mariin nang
makitang lumalayo na nga sya. Napatingin ako kay Pierce na nakatingin parin at
walang pinapakitang emosyon, mukhang hinihintay  ako. Napa-iling na lamang ako sa
kanya. Pinuntahan ko si Patrick para man lang sana ihatid sya kila Loraine at
magpaalam na rin. Hindi ko malaman ang gagawin ko!

"Patrick!" Tawag ko lang. Naabutan ko sya dahil medyo mabagal ang lakad nya.
Nang maabutan ko sya ay agad namang lumitaw sila Loraine. "Saan ba kayo
nagsisipuntang dalawa!"

Napatingin ako kay Loraine at handa na sanang magpaalam dahil ayoko nang
paghintayin pa si Pierce pero nanlaki ang mga mata nyang tumingin sa likuran ko.

"Oh god, sila Jimenez!" Bulong nya na narinig ng mga kasama namin. Kumunot ang
kilay ni Enzo at tumingin nga sa likuran.

Kumunot ang noo ko.

Humihingi ng tawad ang mga mata nya, na para bang kasalanan nya ito. Well,
kasalanan nya nga ito pero hindi ko na sya masisisi. "God, I'm so sorry Cess.."
Ngumuso sya sakin na parang iiyak. 

Para bang iniisip nyang katapusan ko na.

Ngumiwi na lamang ako at tumango. Problema ko ngayon kung paano magpapaliwanag kay
sungit. "Aayusin ko na lang 'to. Bahala na kayo ah? Alis na ako?"

Tumango sya na parang kabadong-kabado at mukha nang nakakita ng patay na


naglalakad. 
Napailing na lamang ako at tumalikod na para puntahan si Pierce pero saktong
pagharap ko ay tumama ako sa matigas na dibdib ng matangkad na lalaki. 

Muntik na akong bumuwal pero nahawakan nya ang bewang ko. Pagtingin ko ay si Pierce
pala iyon! Nabangga ko si Pierce at nahawakan naman nya ako sa bewang.

Agad akong kumawala sa kanya dahil sobrang lamig ng titig nya saakin at para syang
may galit na may halong tampo saakin. Sila Jynx ay nasa likuran ni Pierce at
nanunuod saamin.

"A-aalis na kami ah.." Sabi lamang ni Loraine na nasa likuran at nakita kong
sumunod na si Enzo at si Patrick na tumingin muli at napailing-iling pa.

"Sandali," Ani Pierce na nakatingin sa mata ko. Naghintuan sila Loraine at humarap
muli saamin.

Kumunot ang noo ko. Nakapisil-pisil ko ang kamay ko. Anong gagawin nya?

Inirapan ako ni Pierce at lumayo saakin. Naglakad si Pierce palapit kay Patrick. 

"Sino ka?" Tanong nya kay Patrick. Magkasingtangkad lamang sila at pareho silang
nagsusukatan ng tingin. Maputi si Pierce at medyo may pagka-tan naman si Patrick.
Ayos na ayos ang buhok ni Patrick samantalang si Pierce ay medyo magulo pa.

"Ang yabang mo ah." Maangas na sagot ni Patrick at nilapit ang dibdib nya kay
Pierce na parang nagyayabang rin.
"Patrick!" Pigil ni Enzo. 

Parang nairita si Pierce sa simpleng ginawa ni Patrick na iyon kaya kahit nailayo
na ni Enzo si Patrick ay si Pierce naman ang lumapit na may nakasaradong kamao. 

Nagtitinginan saamin ang mga nagdadaan at ang iba ay nakiki-usi pa.

Agad na sumingit si Clinton sa kanila. May pagka-masungit rin ang mukha ni Clinton
at mukhang meyo iritado. Inawat niya si Pierce.

"Bro." Ani Clinton kay Pierce sabay hawak sa balikat nito at umiling.

Tinabig ni Pierce ang kamay ni Clinton at ni hindi nya nagawang tignan ang
kaibigan, lumapit ulit sya kay Patrick at pareho silang galit ang mga mukha.

Humakbang si Pierce papalapit kay Patrick. Medyo napaurong si Patrick noong una
pero nanatili syang nasa harapan ni Pierce para makipag-yabangan. Tsk! Boys naman!

"Umayos ka," Banta ni Pierce at ang inosente nyang mga mata ay kanina pa napalitan
ng mababagsik ngunit nakakabighaning mga mata.

"Paki mo ba? Kayo na ba ni Princess? Hindi pa! Kaya pwede pa syang magpaligaw sa
iba!" Nanghahamong sabi ni Patrick.
Nag-igting ang panga ni Pierce at lalong nanginig ang kamay nyang nakasarado.
Tinulak nya si Patrick sa dibdib pero hindi gaanong kalakasan. Para bang
pinipigilan nyang mabuti ang sarili nya.

"Anong sinabi mo?" Nagbabantang tanong ni Pierce.

Nakakatakot sya. Alam kong si Pierce ang tipo ng lalaki na hindi pwedeng hindi
sang-ayunan. Sigurado akong nangangati na syang bugbugin si Patrick

Napahawak ako sa noo ko. "Pierce, tumigil ka na."

"Sabi. Ko, Kung. Kayo. Na. Ba. Ni. Princess?" Tumaas ang dalawang sulok ng labi nya
at nagkibit balikat. "Hindi pa naman diba?"

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Pierce. Parang inaapak-apakan ang ego nya.
Bigla nyang kinuwelyuhan si Patrick na ikinagulat naming lahat.

"Pierce!!" Sigaw ko sa kanya at tuluyan nang lumapit. 

"Not Princess." Mahinang sabi nya kay Patrick na mayroom nang takot sa mata. "Not
her, you fucking remember that." Saka nya binitawan si Patrick.
Nakahinga na ng maayos si Patrick at inayos ang suot nya.

Tumalikod na sya at naglakad papaalis. Galit na galit ang mukha nya. Napa-iling si
Patrick at huminga ng malalim bago tumingin saakin at napa-iling. Umalis na sya.

Tumango ako kay Loraine na patuloy parin sa paghingi ng tawad. "Sige na."

Tumingin pa sya ng isang beses bago tuluyang umalis. Alam ko naman na nagsisisi sya
at sinisisi nya ang sarili nya. Wala namang may gusto saamin na malaman ni Pierce
kaya okay lang. I'll let it go.

Nang makaalis sila Loraine ay humarap ako sa mga kaibigan ni Pierce. Naiwan sila
dito ngunit wala na ang kaibigan nila. Napayuko ako. "Sorry.." Sabi ko sa kanila.

Naramdaman ko ang pag-akbay ni Yvo. "Hindi ko alam kung bakit mo talaga kasama si
Patrick, but obviously it's a double date?" Ngumiti sya saakin.

Umiling lamang ako habang nakasimangot dahil sa kalungkutan.

"Sundan mo na si Pierce, Cess." Ani Paris. Kumunot ang kilay ko dahil hindi ako
sanay na may ibang tumatawag saaking 'Cess'.

"Thanks, sorry talaga ah." Nagsosorry ako dahil kaibigan nila si Pierce.
Pinabantayan nila ako kila Yvo, tapos hindi tumatakas lang ako. Nasuspended sya
dahil saakin tapos syempre ang aakalain ng mga kaibigan nya ay lumalandi lang ako
sa iba.
Tumango si Jynx. "Go ahead. Habulin mo na. Ganun talaga 'yun. Mahihirapan ka dyan,
first time talaga nyang nagkagusto sa babae eh.." Napailing si Jynx.

"Oonga, Princess." Tango ni Ace. "Alam naming seryoso na seryoso sa'yo 'yan.
Intinidhin mo muna, matututo rin 'yan pagtagal."

"Saka mo na ituro sa kanya na hindi pa pwedeng bakuran ang babae kapag nangliligaw
pa lang!" Halakhak ni Yvo at ginulo ang buhok ko.

Tumango ako at natawa na lang rin. Nagpaalam ako sa kanila at sinundan ko si Pierce
kung saan ko sya nakitang dumaan.

Habang naglalakad ako ay natanaw ko sya sa loob ng Gamezone. Seryoso syang nagshu-
shoot ng bola.

Pumasok ako at nakita ko nga syang naglalaro ng seryoso. Ayoko sanang lumapit dahil
maraming nanunuod na babae, pero kailangan na talaga.

Lumapit ako sa kanya. "Pierce.." Pag-aagaw ko sa atensyon nya.

Nagbulungan ang mga nanunuod na babae sa likuran.

"Ay papansin!" Hiyaw nung isa.


Lumingon saakin si Pierce at pa-irap pa syang nag-iwas ng tingin bago bitawan ang
hawak nyang bola para umalis doon. Ni hindi nya pa natatapos 'yung oras.

Napanga-nga ako dahil umalis sya! Iniwan nya ako. Nagbulungan na naman ang mga
babae at umirap pa saakin 'yung isa.

"Kapal! Lumapit pa kay kuyang masungit, feeling maganda!" Parinig nung lalaki.

Umirap ako sa kawalan at nagsinghapan sila. Umalis ako doon para sundan si Pierce.

"Pierce naman!" Tawag ko sa kanya dahil masyado syang mabilis kung maglakad. Haba
pa naman ng legs nya, lalo ngayon, kitang-kita dahil hapit ang jeans nyang suot.

Hinabol ko lang sya hanggang makalabas kami ng mall at napunta sa parking lot.
Hindi ba muna nya ako papakinggan?

Lumapit sya sa motor nya pero hindi sya sumakay doon. Napangisi ako dahil hindi
naman pala nya ako iiwan talaga. Hinintay nya pa ako hanggang sa makarating ako sa
kanya.

"Pierce.." Tawag ko ulit sa kanya.


Hindi nya ako pinansin at naiirita syang nagkamot ng ulo. Tumingin sya saakin at
umirap. Sungit!

Lumabi ako nang hindi na sya ulit nakatingin saakin. "Uy.."

Narinig ko ang naiinis nyang pagsinghap bago sya naglakad ng ilang beses para
lumayo ng kaunti saakin.

"Why are you here? With that guy?" Malamig na tanong nya.

Ngumiwi ako dahil sa lamig ng boses nya. Oh come on. Ang lamig nya saakin, pero
natutuwa ako dahil doon. May problema na yata ako.

Lumapit ako sa kanya pero nagsalubong lamang ang kilay nya. Napaatras pa sya na
parang ayaw nya akong dumikit. "Hwag mo 'kong lapitan." Masungit na sabi nya.

Natawa ako. Ang cute! Nakakainis.

Lalong nagalit ang mga mata nya. "What's funny? Are you making fun of me?"

Kumunot ang kilay ko doon. Galit na sya dahil doon? Hindi ba dapat ako ang magalit
dahil umakto sya ng ganun kanina? Paano pala kung kaibigan ko lang talaga si
Patrick? Edi nakakahiya pa kay Patrick?
Nag-iwas sya ng tingin na para bang nahihirapan sya. "Are you making fun of my
feelings?"

Napanganga ako. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. "A-anong pinagsasasabi
mo--"

"Yes, of course. You knew how much I am into you." He said in in a matter of fact
tone.

"Nagagalit ka dahil lang doon?" Mahinang tanong ko. Eh ako nga, hindi ko naman
pinapakita na nagagalit ako dahil lang sa nagseselos ako!

Humakbang sya papalapit sakin. Malamig na malamig ang titig nya saakin at lalong
gumulo ang buhok nya. Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng adam's apple nya.
"'Lang'? Kung hindi pala nakakagalit 'yon, saan pala dapat ako magalit?" Mahinang
sabi nya, galit na galit parin.

Tumigas ang mukha ko at tinulak sya sa dibdib gamit ang hintuturo ko pero walang
nangyari, matigas sya. "Wala ka namang karapatang magalit."

Umawang ang bibig nya, mula sa pagtitig sa mga mata ko ay tumingin sya sa gilid
para iiwas muli ang tingin. Hindi nya talaga kayang tumingin ng diretso saakin.

"Gusto mo ba 'yung lalaki na 'yon?" Tanong nya.

Tinawanan ko lang sya ng hindi makapaniwala, then I rolled my eyes heavenwards.


"What the fuck now, Princess?" Tanong nya nang hindi ako sumagot.

Pinanliitan ko sya ng mata dahil hindi ako makapaniwala sa tanong nya. Bakit sya
nagtatanong nito, eh alam naman nyang galing lang ako sa pagmo-move on ko kay Kharl
at alam nyang sya lang ang lalaki na nakakasama ko, at pinayagan ko na syang
manligaw! Anong pinaparating nya ngayon?!

Parang unti unting namatay ang mata nya sa hindi ko pagsagot. Nagsisimula na akong
mainis sa kanya. Hindi ko alam kung dahil ba talaga sa kanya o dahil lang sa isang
bagay na 'yon na kinaiinisan ko na masyado kong pinapalaki na lahat ng gawin ng mga
tao sa paligid ko ay kinakagalit ko.

"Nawala lang ako ng isang araw sa school may bago na agad?" Bulong nya habang
nakatingin saakin. Tinitigan ko sya at mukha talaga syang nasasaktan.

Para nagpantig ang tainga ko sa sinabi nya. "Ano 'yun Jimenez? Anong sinabi mo?
Anong pinaparating mo nyan?"

Nag-alab sa galit ang mga mata nya. Nag-iwas sya ng tingin ngunit nananatiling
nakatayo lang doon.

"Malandi ako, ganun ba 'yun?" Ang kapal nya. Sya nga, grade 4 palang nanghalik na.

Tinalikuran ko sya. Naalala ko na naman si Elaine at naiinis ako sa kanya. God, I'm
so immature. Peto damn, ang sakit talaga tuwing naaalala ko. Para bang sa ginagawa
kong paglapit ng loob ko kay Pierce, masasaktan lang ako. Hindi ko alam. Minsan iba
na talaga ang takbo ng utak ko.

"T-that's not what I mean." Aniya at naramdaman ko sya sa likuran ko. Naramdaman
kong sinusubukan nyang hawakan ang forearm ko.

"Oo na, Pierce. Ayos lang." Sabi ko sa kanya at nagtuloy sa paglalakad.

Naramdaman kong humawak na ang kamay nya sa pulso ko para pigilan ako sa paglayo.

"Hey.." Malambing na tawag nya.

Pero hindi ko ulit sya pinansin. Hindi ako nagpapahabol lang dahil gusto ko.
Naiinis ako sa kanya. Hindi pa ako handang makita sya. Tapos ngayon, kung umakto pa
sya, para bang dapat ay sya ang palaging nasusunod. Tapos ako, wala. Wala lang.
Nasasaktan ng sikreto.

Nanlaki ang mga mata ko nang hatakin nya at  naramdaman ko ang kamay nyang
pumalupot saakin habang nakatalikod ako sa kanya.

"Ano ba 'yun.. sabihin mo kasi." Nagsusumamong sabi nya at naramdman kong humigpit
ang yakap nya saakin.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas nun ay nahihiya ako na baka may
ibang nakakarinig na.
"Sorry na.. A-ayoko lang kasing may ibang humahawak sa'yo." Nahihiyang sabi nya.

Napangiti ako ng tuluyan. Sa yakap nya na 'yun, naramdman kong gusto nya ako.
Naramdman ko na importante ako sa kanya. Na kaya ko palang tanggalin lahat ng
nararamdman kong inis dahil lang sa yakap nya na 'yun.

"Tss.." Sa sobrang saya ay iyon lamang ang nasabi ko.

"Damn Princess, you're not even responding to my texts." Naramdaman ko ang malalim
nyang paghinga. "What do you want me to think?"

Natahimik ako doon. Oonga pala. Hindi ko nga pala sya masisisi. Hindi ko sya
nirereplyan dahil patay ang phone ko.

"Pwede namang wala load?" Sabi ko na lang, nakangisi parin.

"And what about my calls?" Tanong nya, still serious.

"Tss, oo na." Pagsuko ko sa kanya.

Napatingin ako sa paligid na wala namang tao. Ang sarap sa pakiramdam ng backhug ni
Pierce.
Naramdaman ko ang mukha nya sa bandang tainga ko. Ang lalim ng paghinga nya. Ramdam
na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya sa likod ko. "Sorry na.."

Natawa ako. "Oo na."

Lumuwag ang yakap nya at humarap na ako sa kanya. Namumula sya hanggang sa tainga
nya.

"N-naiinis ka na ba sakin?" Tanong nya nang hindi parin saakin makatingin.

Nakagat ko ang labi ko. "Hindi.. bakit mo naman naisip 'yan?"

Nakita ko na medyo tagilid sya. 'Yung tipo na kung tumingin sya ay para bang alam
nyang hindi ako sigurado sa mga nararamdaman ko.

"Because I keep on calling. I keep on texting you." Lumapit sya saakin. Tinanggal
nya ang mga nakaharang na buhok sa mukha ko. "Sabi sakin ni Clinton, I was doing it
wrong. H'wag daw ako palaging nagtetext. So I tried. Hard. But I missed you. So I
texted you. And you.." Lalo syang sumimangot. "You didn't reply."

Paano ko ba sasabihin na nagseselos ako? Maliliit na bagay lang 'yun! Dapat ba ay


hindi ko na lang sabihin at kalimutan na lang 'yun?

"How can I keep you?" Malungkot ang mga mata nya, ngunit malamig parin iyon.
"Natatakot ako," Nag-iwas sya ng tingin at namulang muli. 
Nahihiya sya sa mga sinasabi nya, pero lalaking-lalaki ang dating saakin ng mga
'yun.

"Natatakot saan?"

Tumagilid sya ng pwesto para hindi ko sya makita. "Natatakot ako na baka magsawa
ka."

Nakagat ko ang labi ko dahil ramdam kong seryoso sya.

"B-bakit naman ako magsasawa?"

Nagkibit balikat sya. "I don't know. Maybe because I don't know how to do it."

"How to do.. what?"

Nagbuntong hininga sya at tumingala na parang nahihiya. "This. I don't know how to
keep a girl. Hindi ko nga alam kung paano ko gagawin na magkagusto ka saakin, tapos
nawawala ka na agad.."

First time nya talaga. I should keep Elaine out of my mind. Hindi. Hindi nagkagusto
si Pierce kay Elaine. Paano mangyayari 'yun, kung ganito si Pierce? Ramdam kong
first timer lang talaga sya.

"Hindi ako mawawala, Pierce." Ngumiti ako sa kanya.

Namula syang muli ngunit ngayon ay ngiting-ngiti na sya. Damn, ang gwapo nya kapag
seryoso ngunit ang gwapo gwapo nya kapag ngumiti.

"Princess, sabihin mo sakin kapag mali ako. I'll try to do everything right.." Ang
seryoso nyang mata ay hindi na mawala saakin. "For you."

Hindi ko mapigilang ngumiti. Damn. Pierce is too damn perfect. Hindi ko type ang
bad boy at misteryoso, pero nai-in love ako sa pagiging seryoso nya. Pakiramdam ko
ay ligtas ako sa kanya.

"So.. where do you wanna go?" Tanong ni Pierce. Pinasadahan nya ng tingin ang
katawan ko, medyo nagtagal iyon sa legs ko. Kumunot ang kilay nya.

"Uuwi na ako, Pierce." Sabi ko lamang. Tumingin ako sa relo ko. Hindi ako pwedeng
magtagal, lalo na at anong oras na rin. Papagalitan ako ni mama.

"Why are you wearing short... shorts?" Nagtagpo ang kilay nya. "Are you even
allowed?"

"Oo naman?" Tinignan ko ang suot ko. "Di naman maikli ah?"
"Yes it is." Inirapan nya ulit ako. "Ayoko nyan."

Natawa ako. "So anong gagawin ko?" Tanong ko na para bang binabalewala ang sinasabi
nya.

Sumimangot sya. "You should wear something longer, anything. Just longer." Sabi nya
na para bang nagsasabi lang ng suggestion.

"Paano kung ayoko?" Damn. Stop making fun of Pierce!

"Tss!" Galit na daing nya at sumakay na sa motor nya. "Ihahatid na kita."

Tumawa ako. Naiinis sya saakin! Pakiramdam nya ba ay wala syang karapatan na
pagbawalan ako? Meron. Susundin ko naman sya eh, kaso pakiramdam ko ay mas
sumusunod sya saakin.

Medyo mabagal ang andar namin at wala syang dalang helmet kaya naman mahangin.

"Bilisan mo, Pierce!" Utos ko sa kanya. Gusto ko kasi ng mabilis at mahangin.

Tumingin lang sya sa gilid dahil hindi nya ako pwedeng lingunin. Nakita ko tuloy
'yung matangos nyang ilong. "Hindi pwede, I need to be sure you're safe. Hindi mo
pa ako sinasagot."
Ngiting-ngiti ko syang hinampas. Nakapatong lamang ang dalawang kamay ko sa balikat
nya, pero gustong gusto kong yumakap sa kanya.

"Loko ka. Bumabanat ka na ngayon?"

Natahimik sya sandali. "Banat pala 'yun?" Takang sabi nya.

Natawa ako ng malakas. Hindi nya alam? Damn. Hindi nya alam! Mas natuwa ako. At
least alam kong ako lang ang sinasabihan nya ng ganun.

"Bilisan mo pa!" Sigaw ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa nya. Damn, ang cute talaga nyang tumawa.

"Alright," Tumingin ulit sya sa gilid para medyo makita ako. "Yakap ka muna sakin."

"Huh?" Tanong ko kahit narinig ko. Namula ako doon. Yayakap ako sa kanya?

Hindi sya sumagot pabalik. Mukhang biglang natauhan sa sinabi nya. Binaba ko ang
kamay ko mula sa balikat nya at ipinalupot ko ang bisig ko sa katawan nya.
Nahawakan ko ang matigas nyang katawan. Damn, may abs kaya sya? Pakiramdam ko ay
meron!
"B-better." Aniya at naramdaman ko na hindi na sya komportable. Bigla na lamang
bumilis ng kaunti ang pagpapatakbo nya pero mabagal parin.

Habang umaandar ay ipinatong ko na lamang ang ulo ko sa matigas at mabango nyang


likod. I could stay like this for days..

Nang makarating kami saamin ay agad akong bumaba, damn, ayoko nang lumayo sa kanya.

"Sa Tuesday pa ako pwedeng pumasok." Aniya habang inaayos ng bahagya ang buhok,
seryosong nakatingin saakin.

Tumango ako. "Alam ko. Ang gwapo mo." Nginisian ko sya.

Kumunot ang noo nya, nag-iwas ng tingin at umiling na parang hindi naniniwala
saakin. "Be a good girl, Princess.. h'wag mo na ulit tatakasan sila Yvo."

Ngumiwi ako. "Good girl ako, Pierce."

Natawa sya at tumalon na naman ang puso ko nang makita ang napakaganda nyang ngiti
na 'yon. "Kahit sino hindi pwedeng lumapit sa'yo."

Ngumuso ako. Hindi naman ako lumalapit kahit na kaninong lalaki. "Grabe ka kung
pagbawalan ako ah.." Tumawa ako. "Boyfriend na ba kita?" Pang-aasar ko pa.
Ngumiti sya na para bang may naglalaro sa isipan nya, tapos ay napa-iling habang
ngiting-ngiti parin. Pinatunog na nya ang motor nya. Pumwesto na rin sya. 

"Depende kung sasagutin mo na ako." Nginisian nya ako bago nya pinaharurot ang
sasakyan nya.

Nalaglag ang panga ko sa ginawa nya. Napakurap-kurap ako dahil hindi ko ine-expect
'yun. And damn! Ang gwapo nya talaga!

=================

TKP 36

TKP 36

From Pierce:

Did i do something wrong? Please tell me. Hindi yung ganito.

Isa iyon sa pinaka-nagustuhan kong text ni Pierce. Anong oras na at binabasa ko


parin ng paulit ulit ang mga text nya. May pasok na kinabukasan pero hindi ako
naeexcite dahil walang Pierce na papasok. Ang tagal namang mag-tuesday.

Nang napag-isip isip ko ay nahiya na lamang ako sa sarili ko. Hindi naman talaga si
Pierce ang dahilan kung bakit ako nagagalit, maybe kaunti lang, pero alam kong
dahil lamang insecure ako masyado kay Elaine.
Like, grade 4 pa sila noong mangyari 'yun, paano kung hindi lang pala sinasadya
iyon o talagang crush lamang ni Pierce si.. Elaine?

Pero nakakainggit parin talaga. Siguro ay hindi ko na lamang iisipin. Nagbasa na


lamang ako ng iba pang text ni Pierce na kahapon nya pa sinend noong nakapatay pa
ang phone ko.

From Pierce:

Im mad. So mad at myself for liking you too damn much

May mga text rin saakin si Yvo pero hindi ko masyadong binasa. Nakatulugan ko ang
pagbabasa sa mga text ni Pierce.

Ganun nga ang nangyari nang magmonday. Hinintay ako nila Yvo sa gate para ihatid sa
classroom namin. Bukas ay papasok na si Pierce. Iyon na lamang ang iniisip ko para
hindi ako ma-bored.

"Sunduin ka namin mamayang snack break, ah?" Paninigurado ni Yvo saakin.

Umiling ako. "Kasabay ko si Loraine, 'yung kaibigan ko. Sa lunch na lang?"

Nag-isip pa sya bago tumango. "Siguraduhin mo na si Loraine lang ang kasabay mo.
Hindi ba kasabay 'yung boyfriend nun?"

Kumunot noo ko. "Hindi. At kung oo, ano naman?"


Tumaas lamang ang dalawang kilay nya habang nakabaliktad ang labi. "Baka kasi. Tska
kung kasama 'yun, baka isama nun 'yung Patrick."

Gusto ko na lamang magtago sa hiya. Sila kaya? Ano kayang iniisip nila saakin?
Nakakahiya talaga. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila na wala naman talagang
meron saamin ni Patrick. 

"W-wala naman 'yung si Patrick. Hindi naman kami nagdate kahapon, sumama lang sya
sa gala namin, 'dapat'."

Tumango na lamang sya, hindi ko masabi kung naniniwala ba sya o ano. Tumaas lamang
ang kilay ni Clinton. Nagpaalam na sila na aalis na sila. At umalis na sila
pagkatapos non.

Habang wala ang teacher namin ay binasa ko ang lahat ng messages na hindi ko pa
pala nababasa kahapon. Binasa ko ang mga maiikling messages ni Pierce at ang mga
galit nyang text dahil sa hindi ko pagrereply. Ang cute talaga nya. Masyadong bago
at parang ngayon lamang nai-silang sa mundo.

Mayroon ding text saakin si Yvo at ni-save ko na ang number nya.

Noong dumating ang snack time ay lumabas kami ni Loraine para kumain at sa way
namin pabalik ng classroom ay nakasalubong pa namin sila Enzo kasama ang mga
kaibigan nya, at nandoon nga si Patrick.

Awkward na tumingin ako sa paligid para iiwas ang tingin ko kay Patrick na noong
unang magtagpo ang mga mata namin ay nag-iwas rin.

Nag-usap lamang sandali si Enzo at Loraine. Samantalang ang mga kaibigan ni Enzo ay
natigilan rin sa paglalakad habang binu-busy ang sarili nila sa pakikipag-usap na
lang din.

"Uy, Princess." Ngumiti lang saakin ng bahagya si Patrick.

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Nakipag-high five pa sya saakin.


Naramdaman ko na hindi na sya umaasa saakin at gusto na lamang nyang maging ayos na
kami, 'yung kahit na close na lamang.

Naramdaman ko ang titig galing sa isang tao. Pagtingin ko sa itaas, ay si Clinton


na nakadungaw sa railing ng second floor, nasa ibaba naman kami. Hinihimas nya ang
labi nya habang nakatitig saamin, ang matulis nyang mga mata ay parang nanunudyo.

Ibinaba ko na ang tingin ko pabalik kay Patrick at ngumiti na lang kami sa isa't
isa habang tinutukso kami ng mga kaibigan nyang lalaki at tumatanggi naman na sya.
Napailing na lamang ako. Walang kahit na anong katiting akong nararamdaman kay
Patrick.

Nang makabalik kami sa room ay agad na nagvibrate ang phone ko. Inakala ko na si
Pierce na ang nagtext ngunit isa iyong unknown number.

From Unknown Number:

Im watching you.
Tumaas ang kilay ko. Talagang may spy pa si Pierce ah? Sinave ko na ang number nung
nagtext saakin dahil sigurado naman na ako kung sino sya.

To Clinton:

Baliw ka ba? Isusumbong mo na ba ako nyan?

Napairap ako at natawa sa text ko sa kanya. Si Clinton na ngayon ang hindi ko close
sa mga kaibigan ni Pierce. Hindi lang sya basta tahimik, may mga laman din ang
ibang mga sinasabi nya at lalo na ang mga tingin nya. Anong tingin nya saakin? Na
hindi mapagkakatiwalaan? Ganun? Kung hindi nya ako gusto para sa kaibigan nya, wala
akong magagawa.

Nagvibrate agad ang phone ko, may message na ulit si Clinton.

From Clinton:

Anong isusumbong ko? Defensive mo naman? Hahaha!

Umirap ako at magtype.

To Clinton:

Ewan ko sayo.

Nang dumating ang lunch break ay agad kong natagpuan sila Yvo sa labas. Nauna naman
si Loraine na umalis dahil maaga syang sinundo ni Enzo. Sumama na ako kila Yvo at
naramdaman kong tumingin saakin si Clinton. Naiirita ako sa kanya.

"So, bakit kausap mo 'yung Patrick kanina?" Tanong ni Clinton habang kumakain kami.

Ang madaldal na si Yvo na kanina pa daldal ng daldal ay natahimik at tumingin


saamin ni Clinton .

Tumingin rin ako kay Clinton. Nasa harapan ko sya, napapagitnaan sya ni Yvo at Ace.
Samantalang katabi ko naman si Paris at katabi ni Paris si Jynx.

"Bakit, masama ba?" Tanong ko kay Clinton. Alam kong pinapabantayan ako ni Pierce
sa kanila, pero nakakainis si Clinton! Ewan ko ba.

Nagkibit balikat sya. Nagtingingan pati sila Paris. "What? Nakikipag-usap ka parin
doon? Huh, Princess?"

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Nakakainis naman si Clinton. Wala naman kasi 'yun
eh.

"Wala 'yun, nakasalubong lang namin sya kanina. Tapos iyon lang 'yun." Paliwanag ko
kay Yvo na nakatitig na ngayon saakin. Inirapan ko naman si Clinton.

"Okay!" Tumawa lamang si Ace na para bang tinatawanan nya si Paris na curious na
nakatingin kanina.
Nang mawala iyon sa topic namin ay bumalik na naman ang kadaldalan ni Yvo. "Shit,
man! Kung nakita mo lang talaga 'yung legs ng shota ni Klark!"

Interesado namang nakinig sila Jynx. Iyan na naman ang pinag-uusapan nila. Girls
and their bodies. As if namang may mapapala sila kung pag-uusapan at
pagpapantasyahan nila.

"Anong pangalan?" Tanong ni Paris at nilapit ang bangko nya.

Naglabasan sila ng mga phone nila at nagpakitaan ng picture. Naramdaman ko naman si


Clinton na nakatingin saakin habang umiinom sa straw nya. Nang tignan ko sya ay
sumisimsim nga sya habang nakataas ang sulok ng labi.

"Ano'ng problema mo dyan?" Tanong ko at bahagyang umirap. Nakakainis kasi 'yung


ngisi nya tapos saakin pa nakatingin.

Nagkibit balikat sya at lalo pang tumitig saakin. Problema ba ng kaibigan ni Pierce
na 'to? Kairita.

Kinuha ko na lamang ang phone ko para tignan kung may message ba si Pierce. At
natuwa ako ng meron nga!

From Pierce:

Miss me? >:)


Napangisi ako. Ang kapal naman nito. Habang tumatagal, kumakapal ang mukha nya.
Habang nagta-type ako ay narinig ko pa ang pag-'tss!' ni Clinton. Hindi ko sya
pinansin.

To Pierce:

Yup. :( Kainis yung kaibigan mo. Nakakaasar.

Hindi ko parin tinignan pabalik si Clinton. Magsawa sya sa mukha ko. Paki ko? Wala.
Kinuha nang lahat ni Pierce, walang tinira.

From Pierce:

Sinong kaibigan? At anong ginawa sayo?

Napanguso ako sa seryoso nyang text. Minabuti kong ibahin na lamang ang usapan.

To Pierce:

Miss na kita.

To Pierce:

Miss mo na ba ko?
Magkasunod na text ko sa kanya. Gusto kong maramdaman nya ang mga pinaparamdam nya
saakin.

Inabala ko ang sarili ko sa pagpipindot sa phone ko habang hinihintay ang matagal


na reply ni Pierce. May ginagawa siguro?

Nang magvibrate ang phone ko ay agad ko iyong tinignan.

From Pierce:

Damn. Youll never know how much i want to go to school right now :(

Noong matapos kaming kumain ay nagpaalam saamin si Paris. "Dude, alis na 'ko. May
practice kami." Sabi ni Paris habang sa cellphone lamang ang mga mata.

"Alis na rin ako." Sabi ni Jynx at sumunod naman sa kanya si Ace.

"CR lang, babalik ako." Sabi naman ni Clinton saka umalis. Natira kami ni Yvo.

Tinignan ko ang medyo nakadukdok na si Yvo. Nakapatong ang ulo nya sa bag nya na
parang antok na antok. Napagod yata, palagi kasing buma-bangka eh.

"Oy, baka naman aalis ka na rin? Ayos na ako. Babalik na akong room." Sabi ko sa
kanya at medyo tinampal ang pisngi nya para magising na sya ng tuluyan.
Humikab sya at umiling. Kumurap kurap sya at umangat na rin sa wakas ang ulo nya.
"Wala akong gagawin."

Napatango na lamang ako at napatitig sa nagtutubig nyang mga mata, inaantok sya.

"Namumungay na mata mo ohh.." Pinagtawanan ko sya. "Antuking bata."

Ngumisi lang sya saakin habang nakapatong ang baba nya sa kamay nya. Magaan ang
loob ko kay Yvo. Madali namang lalapit ang loob mo kay Yvo dahil hindi sya awkward
na tao. Sya 'yung tipo ng lalaki na madaldal pero hindi idadaldal ang mga sinasabi
mo sa kanya. Sya 'yung tunay na lalaki para saakin. 'Yung tipong masayang kasama at
lalaking lalaki kung gumawa ng aksyon. Kaya nga siguro crush na crush sya ni
Loraine.

"Naalala mo na ba na hinalikan ni Pierce si Elaine?" Tanong ko sa kanya. Sya lang


kasi ang hindi sumang-ayon na hindi raw nahalikan ni Pierce si Elaine noon.

Hindi ako magagalit kung may iba akong makukuhang sagot. Tanggap ko na. Ayos na
saakin kung ano mang nangyari. It's in the past.

Wala na akong pakialam kung iisipin nya pang nagseselos ako. It's not like,
idadaldal nya ito.

"Ako ang bestfriend ni Pierce since gradeschool. And I can tell you na wala pa
syang babae na nahahalikan. Not unless kung sinesekreto nya. Pero wala. At kung
meron man, I'm pretty sure na ako ang unang makakaalam! Ako ang palagi nyang
kasama. So why would Clinton know about that and I don't?" Tanong nya. Parang
biglang nabuhay ang dugo nya mula sa pagkaka-antok.

"So wala pa talaga syang nagugustuhuan?" Sabi ko na lamang. Baka kasi nalimutan
lamang nya at ayaw nya lang magpatalo kay Clinton.

Ngumisi sya na parang nanunukso. "You have to believe me, you're the only one."
Tumaas taas ang kilay nya.

Tumango ako at nag-iwas ng tingin sa nanunukso nyang mga mata. Nakangisi sya at
alam nyang nagseselos ako.

Saka naman dumating si Clinton. Sumulyap sya saakin at pati na rin kay Yvo.

"Ponferrada, inaatok ka na. Bumalik ka na sa room. You still have timo to sleep."
Natatawang sabi ni Clinton at tumingin sya sa relo nya.

"Oo nga Yvo, aalis na rin naman ako." Pag-sangayon ko.

Pinasadahan ni Yvo ang buhok nyang magulo gamit ang mga daliri. Iniling nya ang ulo
nya para magising ng kaunti. Nagta-trabaho ba 'to at mukhang antok na antok?

Umalis si Yvo at si Clinton ang nakasabay ko sa paglalakad. Hindi ko naman sana sya
balak sabayan, pero sumabay sya saakin. 
"Doon muna tayo." Pag-aaya nya saakin sabay turo sa malawak na area ng school namin
kung saan naroon ang hilera ng mga lamesa at upuan para sa mga nag-aaral o
tambayan.

Dahil marami pa namang oras at hindi ako masyadong naiinis kay Clinton ngayon ay
sinamahan ko na lamang sya. Buti ay maganda ang araw ko dahil kay Pierce. Umupo
kami sa batong upuan na pinapagitnaan ng batong lamesa.

Naglabas sya ng libro, pinatong nya iyon sa lamesa at sumandal na sya habang
nagbabasa. Hindi ko alam ang binabasa nya pero tungkol iyon sa Vampires.

"Mahilig ka magbasa?" Tanong ko.

Ngumisi lang sya habang nakatingin parin sa libro. "Mas mahilig akong manuod."

Tumango ako kahit hindi nya nakikita. Tinignan ko ang phone ko pero wala pa ring
text mula kay Pierce. Hindi pa kasi ako nakakapagreply sa huling text nya.

"Anong hilig mong panuorin?" Wala sa loob na tanong ko habang nag-iisip ng ire-
reply kay Pierce.

To Pierce:

Anong ginagawa mo?


"Porn." Sagot ni Clinton.

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kanya. "Sira ulo!" Binato ko sya ng bag
nyang nakalagay doon sa lamesa.

Tumawa sya. "Ano? Wala namang masama doon ah? Lalaki ako. Kahit tanungin mo pa si
Pierce, nanunuod rin 'yan."

Namutla ako sa pinagsasabi nya. Seryoso sya? Kailangan talagang sabihin 'yun? Akala
ko pa naman kagaya sya ni Pierce na may pagka-awkward. Bastos sya!

"Tss!"

Biglang nagvibrate ang phone ko at nang silipin ko iyon ay tumatawag na si Pierce.


Ngumisi sya at alam kong nakita niya ang pangalan ng kaibigan niya sa screen.

Napailing si Clinton at ipinatong na lamang ang baba nya sa nakasaradong kamay bago
nag-iwas ng tingin para tumingin sa paligid. Sinara na rin nya ang librong binabasa
kanina. 

"Go ahead. Di naman ako makikinig." Bumungisngis pa sya.

Nagbuntong hininga na lamang ako bago sagutin ang tawag.


"P-pierce.." Sabi ko nang sagutin ko ang tawag nya. Nag-init ang pisngi ko nang
maalala ang sinabi ni Clinton kanina.

"Did you finish your meal? Nasa room ka na?" Umubo sya.  "Sinong kasama mo?"

"O-oo. Katatapos lang namin kumain. Ikaw ba? Anong ginagawa mo?" Bulong ko. Hindi
ko alam ang sasabihin ko. Idagdag pa si Clinton na alam kong nakikinig.

Narinig ko ang inaantok nyang boses. "Nanunuod lang." Tipid na sagot nya.

Nanunuod ng ano? "Ahh.." Tumango na lang ako at sumilip kay Clinton na natatawa.

"Sinong kasama mo?" Tanong nya ulit.

Iniwas ko ang tingin ko sa sira-ulong si Clinton. "Si Clinton lang. Maya maya pa
simula ng klase eh.." Sabi ko at humikab.

"Nasa room natin si Clinton?" Tanong nya.

"Wala, nasa labas kami."

Natahimik sya sandali sa kabilang linya. "Sila Yvo? Jynx? Nasaan? Bat kayong dalawa
lang magkasama?" Naramdaman kong lumamig ang tono nya.

Teka, nagseselos ba sya?

"Huh?" Naguluhan ako sa sunod-sunod nyang tanong.

Naramdaman ko naman ang pagtitig ni Clinton. Nanunuod talaga sya. Napa-iling na


lamang ako.

"Ang ganda mo pala, Princess?" Sabi nya at ngayon ay tinagilid nya na ang ulo nya
para suriin pa ako. Nakahalumbaba parin sya.

Nanlaki ang mga mata ko at nag-init ang pisngi ko sa biglaang pagsasalita na iyon
ni Clinton. Narinig iyon ni Pierce. Sigurado akong narining nya 'yun. Hindi
nagsalita si Pierce sa kabilang linya at tahimik lang din ako.

Hindi ko napigilang ngumiti sa sinabi ni Clinton. Walang nagsasabi saakin ng


maganda ako. Hindi pa ako nasasabihan ni Kharl, ni Loraine, o kahit na nino. At isa
pa-- sa totoo lang ay hindi naman talaga ako maganda, kaya bakit sila
magsisinungaling. Ewan ko lamang dito kay Clinton at bakit mukhang seryosong-
seryoso sya.

Masarap sa pakiramdam na masabihan ng maganda at lalo na kung para silang seryoso


at hindi parang nasabi lang para mantrip, o mapangiti ka.

Narinig ko ang malakas na kalabog ng kung ano sa kabilang linya. Sa tingin ko ay


pinto iyon na malakas na isinara. "Please tell me you're not smiling." Ani Pierce.
"H-huh?" Naiinis si Pierce-- naiinis sya dahil kay Clinton.

Tahimik sya at hindi nagsasalita. "Tss."

Nakagat ko lamang ang labi ko. Nakatitig parin si Clinton saakin at mukhang
tinatamad na naghihintay. Pinanlakihan ko sya ng mata para tanggalin saakin ang
tingin pero bigla lamang syang tumawa.

"Dont be too happy about it. You're not beautiful." Bulong ni Pierce.

Nakagat ko ang labi ko. Really, Pierce? Kailangang sabihin 'yun? Nakakainis. Alam
kong dapat masanay na ako, pero kahit naman sana ganitong kaliit na bagay na
lamang, h'wag na syang kumontra.

"Oo na, oo na." Iritadong sabi ko ko. Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa at
naghintay na magsalita sya habang nakasimangot ako.

Tinitigan ko lamang ang mga kuko ko sa daliri.

"Beautiful is a weak word to describe you," Mahinang sabi nya. Narinig ko ang
pagtikhim nya. "You look divine. You have the most exquisit beauty I've ever seen,
Princess. So don't settle for less."
Tumigil ang mundo ko sa binitawan nyang salita. Unti unti nang nawala si Clinton sa
paningin ko. Pakiramdam ko ay lumulutang ako. Alam kong hindi nagsasabi si Pierce
ng totoo pero kung paano nya sabihin iyon ay para bang bawat salita nya ay totoo.

"Liar.." Iyon lang ang nasabi ko. He's not telling the truth, of course.

Nagbuntong hininga sya. "You think I'm lying?"

Hindi ako makasagot. "Tss.."

"Okay. Bye." Sabi lang nya at binaba ang tawag.

Ngumuso ako at tinignan ang screen ng phone ko. Tumingin ulit ako kay Clinton na
nagbabasa na ulit ng libro.

"Hindi ko maisip si Pierce na ganun ma-in love. May patawag tawag pa samantalang di
naman naglo-load yan dati." Halakhak nya. "Ni walang pakialam sa cellphone 'yun."

Kumunot lang ang noo ko. Binabaan ako ni Pierce ng tawag dahil hindi ako
naniniwala. Hindi naman talaga sya nagsasabi ng totoo. I know, hindi nya na ako
kailangang bolahin pa.

"Alis na 'ko, ah?" Paalam ko sa kanya.


Tumingin sya sa relo nya. "Hmm, too early." Sabi nya pero sinara na nya ulit ang
libro nya at inilagay na sa bag nya. "Tara na nga, hatid na kita."

Tinaas ko ang dalawang kamay ko. "No, thank you. Ayos lang, Clinton."

Nagbuntong hininga sya at umiling iling na para bang alam naman nyang hindi sya
masusunod saakin.

Umalis ako at habang naglalakad ako ay napapansin ko parin ang mga babaeng
nagtitinginan. Nakita ko si Kharl na papalapit saakin, nanlaki ang mga mata ko.

Agad akong naglakad nang mabilis para hindi nya maabutan, nang makapasok ako ng
room namin ay inakala kong ligtas na ako ngunit naandito na rin pala si Kharl,
sinundan nya ako.

Binati sya ng mga kaklase kong lalaki at ako naman ay dumiretso na sa upuan ko.
Umupo sya sa upuan sa harap ko at tumagilid ng upo para maharap ako. "Princess.."

Kinunot ko ang kilay ko sa kanya. "Ano?" Iritadong sabi ko. Wala na. Nakakalimutan
ko na talaga sya. Ang bilis lang pala. Bakit ganun kabilis?

"Sungit." Tumawa sya at biglang nagseryoso. "Inamin saakin ni Vince 'yung ginawa
nya, sorry. Ako na ang nanghihingi ng sorry, Princess. Naka-drugs sya nung mga
panahon na 'yun.."
Medyo nabigla ako sa sinabi nya pero tumango na lamang ako. Naramdaman ko ang mga
kaklase naming nakatingin at gustong lumapit para malaman ang pinag-uusapan namin
ni Kharl. Of course, mag-ex kami at kilala na nila kaming lahat. At ang simpleng
usap na 'to ay maaring maging issue bukas.. sa isang araw? Ewan ko.

"Okay. Iyon lang ba?"

"Bakit ba ang sungit sungit mo?" Nagtatampo ang boses nya.

Nalaglag ang panga ko. Ang kapal naman nya para umakto ng ganito? Hindi sya
makikipag-biru-biruan saakin ng ganun ganun lang matapos nya akong iwan na lang ng
basta-basta.

"Gomez, don't expect na magiging maayos pa tayo. Yes, naka-move on na ako, pero
hindi ibig sabihib nun, ayos na ulit lahat." Sumandal ako dahil sa pagkakairita.
Sana pala ay hindi ko na lang muna iniwan si Clinton.

Natahimik sya doon. "Oo naman. Paanong hindi ka makaka-move on? May Pierce ka
namang pamalit.."

Kasalanan ko pang may kapalit ako? Anong gusto nya? Magdusa ako at maghabol sa ex
kong iniwan ako? Wala akong karapatan!?

Napailing ako. Madami akong gustong ipaliwanag sa kanya katulad na lamang ng, wala
syang karapatan na umarte ng ganito dahil sya ang nakipagbreak at hindi ako ang
naghanap agad ng pamalit pero nagsasawa na ako sa kakapaliwanag sa mga taong
nakasarado ang isipan. Isa pa, wala namang mangyayari.
"Tantanan mo nga ako, Kharl." Iritadong sabi ko.

Napayuko sya. Mga sampong segundo pa yata syang tahimik na nakaupo doon bago ako
nagsalita ulit.

"Umalis ka na, please. Gusto ko na si Pierce, in fact, gustong gusto ko na sya. At


ayoko syang mawala saakin, dahil lang sa'yo. So please.." Pumikit ako ng mariin at
napadilat na lang namg marinig ang bangko na maingay na umusog.

Tahimik ba lumbas si Kharl ng room namin at nagsimulang magbulungan.

I did it. Nakaharap ko si Kharl nang walang nararamdamang insecurity at sakit.


Finally.

Noong uwian ay nagkakagulo sa labas. Maraming estudyante ang nagkukumpulan.


Dumiretso lamang ako dahil gusto ko nang umuwi. Medyo pahirapang makalabas ng gate.

Papunta na sana ako sa sakayan, nakita ko lamang ang isang sobrang pamilyar na
rebulto ng isang lalaki. Tangkad pa lamang nya ay alam na alam ko na. Nakaupo na
nakasandal sya sa sexy nyang motor.

Nakasuot sya ng black knee-length shorts at stripes na black and red shirt.
Nakasuot sya ng sunnies habang kunot noong naghihintay, natatamaan ng kaunting
sinag ng araw ang maputi nyang balat.

Hinihintay nya ako? Ako diba? Lalapit ba ako?


Tumayo sya ng maayos nang makita ako. Nahihiya man dahil marami ang nanunuod ay
lumapit ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko.

"Tss.." Sabi lang nya at mukha syang badtrip. Kinuha nya ang isang stem ng red rose
na nakapatong sa moto nya kanina, binigay nya iyon saakin at narinig ko ang impit
na hiyawan.

"P-para saakin 'to?"

Nakagat nya ang labi nya, kitang-kita ko ang pagpula ng mukha nya at hindi ako
sigurado kung dahil ba iyon sa sikat ng araw o ano. Nagkaroon na naman ng bulungan
at kinikilig na bungisngisan.

Napangisi ako at inamoy ang mabangong rose. "Salamat.."

Tinanggal nya ang suot na sunnies at nakita ko ang napaka-ganda nyang mga mata.
"May kasalanan ka pa sakin."

Kumunot noo ko. "Ano 'yun?"


Sumakay sya sa motor nya. "Sakay na." Aniya. Sumakay ako ng patagilid dahil naka-
palda ako, maikli pa naman ang uniform namin.

"Anong kasalana ko sa'yo?"

"Kasama mo si Clinton kanina." Masungit na sabi nya. "Nang kayo lang." Natawa ako
dahil nagtatampo ang boses nya.

Narinig ko ang pagbubuntong hininga ng mga estudyante at parami pa sila ng parami.

"Eh ano naman? Kaibigan mo naman 'yun." Napailing ako dahil pati kaibigan nya ay
pinagseselosan nya.

"Ang saya mo pa nung sinabihan ka ng maganda. Siguro ngiting ngiti ka."

"Hindi ba pwede?" Tanong ko.

Pinatunog nya na ang motor nya, hudyat na malapit na kaming umandar. Pinatong ko
ulit ang kamay ko sa balikat nya, at mamaya ay mapupunta rin naman iyon sa katawan
nya.

Hindi sya agad nakasagot. "Pwede kong sabihin 'yun araw araw para magsawa ka.
Ayokong pinapakita mo sa iba ang ngiti mo." At umandar na kami.

=================
TKP 37

TKP 37

"Saan ba tayo pupunta, Pierce?"

Tumingin sya saakin. Kabababa lamang namin ng motor nya. Hindi ko maiwasang ngumiti
dahil sa kaisipang sabay kaming maglakad at kulang na lang ay hawakan nya ang kamay
ko.

"We'll eat first." Sabi nya at tumingin ulit sa harapan.

Hmm, date kaya ito? Siguro. Tska, ang sarap sa pakiramdam na kasabay mo ang
lalaking alam mong gusto ka. Alam kong medyo binabagalan nya sa paglalakad dahil
hindi ako makakahabol sa mahaba nyang bias.

"Date ba 'to?" Tukso ko sa kanya.

Umawang ang labi nya ngunit kinagat nya iyon at nakita ko ang mumunting ngiti nya
sa labi.

"Yeah, maybe? I don't know." Nahihiyang sabi nya at nag-iwas ng tingin bago ako
pinagbuksan ng pinto para sa isang mamahaling restaurant.

Ngayon pa lang ay kinikilig na ako. Para bang first time lang ito. Awkward at
masarap. Hindi noon tulad kay Kharl na una palang, panatag na ang loob ko. Mas
masarap pala ang ganito, 'yung tipong wala pang ginagawa, sukdulan na ang sayang
nararamdaman mo. Exciting, kumbaga.

Inamin na saakin ni Pierce na gusto nya ako pero pakiramdam ko ay nati-thrill pa


rin ako. Maybe I really do like him already. I don't know kung may babaeng kaya
syang i-turn down.

Nang maka-upo kami ni Pierce ay agad na may lumapit na waiter. Nakatitig ako kay
Pierce habang sinasabi nya ang order namin.

"What do you like to eat?" Tanong nya.

Ngumuso ako habang tumitingin sa menu na na nakalapag sa table. Nang masabi ko na


ang gusto ko ay tumingin ako kay Pierce na nahuli kong nakatingin saakin. Umalis na
ang waiter.

Nag-iwas sya ng tingin at nilingon na lamang ang malaking clear window na syang may
magandang view ng malaking bay park.

"Pinagbabaan mo ako ng tawag kanina. Nagalit ka ba?" Tanong ko.

Hindi agad sya sumagot at ni hindi nagreact ang mukha nya sa sinabi ko.

"It's obvious, he was hitting on you." Muntik na syang magpout.


Umawang ang bibig ko. "No Pierce? Kaibigan mo sya. At nang-iinis lang 'yun ano."
Tinawanan ko sya.

Tuluyan na syang sumimangot. "Crush ka ba 'nun?"

Doon lumaglag ang panga ko. Porke ba sinabihan ako ng maganda ni Clinton ay crush
na agad? Bakit si Yvo tinatawag akong butterfly pero hindi naman sya nagagalit?

"Hindi ano! Nangiinis lang 'yun sakin. Tska bakit mo nasasabi 'yan, hindi naman
kami nun close, mas close ko pa nga si Yvo.."

Hindi naniniwala ang mukha nya. "Kinukulit ka lang nun, because he likes you for
me. Pag may gusto si Yvo, mahiyain 'yun, so he's safe." He inhaled. "Clinton.. he's
quiet and I know his type."

Tinawanan ko sya at medyo napaisip kay Yvo, mahiyain, huh? "Baliw.." Sagot ko
lamang sa kanya. Sinasabi nya ba na type ako ni Clinton? Ganun?

Inalagay nya ang siko nya sa table at tumitig saakin kaya medyo na-concious ako.
"Please, Princess, h'wag kang magkaka-crush sa iba." Nag-iwas sya ng tingin.

Napakurap-kurap ako sandali, iniintindi ang sinasabi nya at iniisip kung sinabi nya
ba talaga iyon. At hindi ko napigilang tumawa. Kasunod nun ay hindi ko na
napigilang tumawa ng tumawa dahil sa sobrang seryoso nya. Pero dahil sa pagiging
seryoso nya ay lalo lang syang naging cute.
"Grabe! Ang cute cute mo Pierce!" Tumawa pa ako.

Sumibangot sya. "But I'm serious.." Humina ang boses nya na para bang na-offend
syang tinawanan ko sya.

"Seryoso ako, ang cute mo talaga. Stop being so cute!" Inayos ko ang buhok ko dahil
nagugulo iyon dahil sa kakatawa.

Umawang ang labi nya. "I'm not cute." Hindi matanggap na sabi nya.

"Ano pala?" Tanong ko habang natatawa parin. I guess ayaw nya ng cute dahil gusto
nya ay gwapo. Okay, male ego.

Nagkibit balikat sya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa table. Napahinto ako
sa pagngisi at lumakas ang tibok ng puso ko sa bigla nyang ginawa na iyon. "You say
it."

Hinila nya ang kamay ko para mapunta iyon sa gitna ng table. Hindi nya na iyon
binitawan, nandoon lamang ang mga kamay namin, magkasama.

Pinisil pisil nya pa ang kamay ko habang nakatitig sya doon. Pinapaikot nya ang
thumb finger nya sa knuckles ko, ang sarap nyang panuorin.

"Gwapo ka.." Lumabas na lang sa bibig ko.


Nakita ko ang pagtaas ng dalawang sulok ng labi nya at bahagya syang yumuko. Dumapo
ang isang kamay nya sa buhok nya para ayusin iyon ng kaunti. Damn, ang gwapo
talaga. Lalo na kapag nahihiya sya dahil sa sinasabi ko.

"What's your type?" Tanong nya na ikinatakbo ng puso ko.

Nagwawala na ang puso ko habang hawak nya parin ang kamay ko, pinaglalaruan nya
iyon at pinapaikot nya ang tip ng thumb finger nya sa pala-singsingan ko na para
bang sinusukat nya iyon.

Nang hindi ako sumagot ay umangat ang tingin nya saakin at tumitig. And I swear!
Nakakabuntis ang mga mata nya kung tumitig!

"Sa lalaki?" Tanong ko.

Tumango lamang sya at tumingin na ulit sa kamay namin.

"G-gusto ko 'yung.." Shit. Ano nga ba ang gusto ko? Parang tinangay ng ka-gwapuhan
ni Pierce ang utak ko at hindi ako makapag-isip ng maayos.

He grinned. Na para bang alam nyang kinakabahan ako. Natutuwa sya sa ginagawa nya
saakin. Ngayon alam ko na ang nararamdaman nya sa mga ginagawa ko. Damn.
"Gusto ko.." Fuck, Princess! Para kang tanga! "Ano, syempre, maayos. 'Yung maayos
ang grades, may pangarap sa buhay, 'yung ako lang. Hindi babaero."

Nagpasalamat ako na nasabi ko iyon ng tuloy-tuloy. Nakita kong tumingin sya sa


gilid na para bang nag-iisip.

"May isa pa pala," Tumingin sya saakin. "Gusto ko 'yung magalang at sweet sa mommy
nya, kasi paano nya ako mamahalin kung 'yung unang unang babae sa buhay nya, hindi
nya kayang galangin at mahalin?"

Iyon talaga ang hindi mawawala sa listahan ko. Gusto ko 'yung lalaking mahal at
ginagalang ang mommy nya, dahil ibig sabihin nun ay kaya nyang galangin ang mga
babae. Ayoko ng bastos sa mga babae, 'yung masama ang ugali. Kagaya na lang ng mga
kaibigan ni Kharl.

Nakagat nya ang labi nya. "Turn off ka na ba sakin?"

Pinigilan kong tumawa. Umiling ako dahil hindi naman talaga. Maybe masungit lang
sya sa mommy nya pero I know na ginagalang nya parin iyon. Hindi nga lang sya
sweet.

Kumunot lang ang kilay nya at tumitig saakin na para bang sinusubukan nyang malaman
ang iniisip ko. Dumating ang pagkain namin at kumain na kami.

"Kapag sinabihan ka ulit ng Clinton na 'yun na maganda ka, h'wag ka nang


maniniwala." Aniya na parang bata.
Mula sa pagkain ay tumingin ako sa kanya. Grabe sya, hindi nya parin iyon
makalimutan. "Bakit? Babaero ba sya?"

Sumulyap sya saakin. "Oo."

Ngumiwi ako dahil mukhang hindi naman totoo. Masungit kaya si Clinton kagaya nya at
mukhang hindi naman babaero. Wala nga akong nakikitang naka-aligid na babae doon
kahit na gwapo naman sya. Hindi tulad nila Paris at nila Yvo.

"Parang hindi naman." Sabi ko na lamang, iniinis sya at dinedepensahan si Clinton.

Kumunot ang kilay nya. "Babaero 'yun."

Tumango na lang ako habang nakangisi. Sang-ayunan ko na lamang siguro dahil baka
magalit pa sya saakin. Nakakatuwa naman kasi talaga sya kung mainis. Cute talaga.

Nang matapos kaming kumain ni Pierce ay nakau-upo lamang kami doon at nag-uusap.
He's not boring. The truth is, buong oras nga akong nakangiti at tumatawa. Hindi
sya madaldal pero kapag nagsalita sya, hindi na titigil ang palitan nyo ng salita.
I wonder if ganito rin sya sa ibang babae. No? Hindi sya ganito dahil ako lang ang
una.

Lumabas kami ni Pierce at naglakad sa park na tanaw ang magandang bay. Malapit nang
mag-sunset, at ang magandang tubig ng dagat ay kahanga-hanga. Naglakad kami ni
Pierce sa wooden bridge na walang masyadong naglalakad.

Habang naglalakad ako ay tinatap ko rin ang mga daliri ko sa gilid, sa hawakan.
Hindi ko mapigilang ngumiti. Ang saya saya ko, pakiramdam ko ay magiging masaya ako
kay Pierce ng sobra-sobra. 'Yung hindi pa nagsisimula pero pakiramdam mo ay wala ka
nang pagsisisihan pa. Wala akong pakialam kung gaano kahaba o kaikli man ang
itatagal nito, basta masaya ako sa kanya at iyon na lang muna ang iisipin ko.

"Princess.." Narinig kong mahinang tawag nya saakin habang tinatanaw ko ang tubig
sa ibaba.

Tumigil ako sa paglalakad. Mahaba pa ang lalakarin namin at may ilang tao rin ang
nagdadaan pero kaunti lang iyon at madalas ay mag-girlfriend at boyfriend iyon.

"Hmm?" Nilingon ko sya.

Ang malambot at may kahabaan nyang buhok ay hinahangin ng masarap na hangin. Naka-
uniform ako kaya naman medyo inaalalayan ko ang suot kong skirt na baka hanginin.
Medyo maikli iyon, hanggang tuhod siguro.

Nakita ko ang paglunok nya. Sumandal ako sa gilid at tumingin pa lalo sa kanya.

"Bakit?"

Kumamot sya sa ulo nya at nag-iwas ng tingin. Nahihiya na naman sya. Kilala ko na
yata sya. Iyon palagi ang ginagawa nya sa tuwing may gagawin sya na kinahihiya nya,
nagkakamot.

Kumunot ang noo ko. Hindi naman sya mukhang mahiyain pero kapag saakin, para bang
nahihiya sya. Hindi ba sya confident? Ang mukha nya na 'yan? Hindi confident
pagdating lang saakin?

"Bakit ba palagi kang nahihiya saakin?"

Nakagat nya ang labi nya at umiling.

"I don't know, Princess. You're the only one who can tell me why." Tumitig pa sya
saakin.

Tumaas ang dalawang kilay ko at natawa. "Bakit ako?"

Tumitig pa sya saakin na para bang ako na ang pinaka-magandang babae sa mundo na
nakita nya. Na para bang isa akong napaka-gandang nilikhang nilalang.

"That. You always get me whenever you look straight to my eyes. I'd lose every
confidence that I have whenever you're looking at me."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. He's not telling the truth. Hindi naman
maganda ang mga mata ko. I know because palagi ko iyong nakikita sa salamin, at
hindi ako humble pero hindi talaga sila maganda. Sakto lang.

"Hindi naman maganda ang mata ko," Bulong ko at umiling na medyo natatawa. Lalo
akong sumandal sa gilid.
Narinig ko ang pagtawa nya ng mahina. Damn, that beautiful laugh again. Do it
again, please.

Lumapit sya saakin. Napasandal ako lalo sa gilid ng bridge, medyo inaalalayan ko
ang sarili ko na baka mahulog ako dahil mababa lamang ang hawakan sa gilid. Lumapit
pa sya saakin at iniligay nya ang magkabilang kamay nya sa dalawang gilid ko.

"Believe me, they're beautiful." Bulong nya, titig na titig sa mata ko, inayos nya
ang buhok kong hinahangin. Nang maayos nya iyon ay hinawakan nya ng marahan ang
mukha ko para makita nya ako ng mabuti. "So beautiful.."

Lumundag ang puso ko. Wala na yatang mas sasaya pa sa nararamdaman ko ngayon. Kahit
kailan ay hindi ako sinabihan ni Kharl ng maganda ako. No one ever made me feel
this happy. Si Pierce lang talaga.

"Pierce naman eh.." Kasi naman ang sarap sarap sa pandinig ng mga sinasabi nya at
lalo na 'yung boses nyang sobrang seryoso na pati tuloy ako napapaniwala nya. Alam
kong hindi ako maganda at sinasabi lang 'to ni Pierce dahil.. hindi ko alam. Maybe
pangit ang taste nya! O gusto nya akong bolahin. Ewan ko! Hindi ko alam ang
tumatakbo sa isipan nitong lalaki na 'to.

Tumawa na naman sya sa reaksyon ko. "Why won't you believe me?"

Hinampas ko sya sa dibdib. "Kasi hindi naman totoo!"

Napailing sya na para bang hindi sya makapaniwala saakin. Nandoon parin ang ngiti
nya sa labi. Ang masungit nyang mukha ay masungit parin, though hindi na sya
intimidating ngayon dahil nakangiti na sya at tumatawa pa.
"It's true.." He chuckled. Tumabi sya saakin at ipinatong nya ang kamay nya sa
hawakan ng bridge. Pinanuod namin ang sunset.

Nang matapos ang sunset ay tumalikod naman sya para sumandal. Narinig ko ang
pagsinghap nya ng mahina.

May kinuha sya bigla sa likod ng manipis nyang bagpack. Nakita ko na naman ang
pagpula ng pisngi nya kahit na madilim na. Inilabas nya ang isang kulay asul na
box. Nang buksan nya iyon ay nakita ko ang isang silver bracelet? White gold? Hindi
ko alam.

Manipis iyon at maganda, hindi ko masyadong nakita 'yung maliit na pendant. Hindi
ako makapagsalita. Kitang kita ko ang patuloy na pamumula ng pisngi nya.

"A-ayos lang ba?" Iginaya nya ang kamay nyang may hawak doon papalapit saakin na
para bang tinatanong nya kung okay lang.

Suminghap ako at pakiramdam ko ay maiiyak ako. "Are you kidding me? Pierce? Para
sakin ba 'yan?"

Nakita ko ang paglunok nya. Tumango sya na parang isang 1st year student na
kinakabahan sa pag-amin sa matagal nya nang crush. "M-maganda ba?"

Pinigilan kong maluha. Ang babaw ko pero kasi naman talaga eh.. Ang sarap sarap sa
pakiramdam na mabigyan ka ng something. At si Pierce pa talaga. This is his first!
This is his damn first!
"Oh my god.." Naibulong ko na lamang at agad na pinahiran ang isang luhang tumulo
sa kanang mata ko. God, I love him.

Lalong lumakas ang hangin at lalong lumamig. Lalo rin akong naiyak.

Agad na nagpanic ang mga mata nya. "Why?" Yumuko sya at kinasilip-silip ako. "Hey..
what's wrong?"

Tumawa ako pero naiiyak parin ako. Damn! Gusto ko na sya. Gustong gusto! Napaka-
dali nyang magustuhan! Sigurado akong madali lang syang mahalin!

"I like it." Naibulong ko na lang at pinahiran ang isa pang luhang tumulo.
Tinitigan ko sya sa mata. "I like it so much Pierce.."

Tinanggal nya ang kamay ko sa mukha ko na nagpapahid ng luha ko at pinalitan nya


iyon ng kamay nya. Kunot parin ang noo nya. "You know how much I hate seeing you in
tears."

"Pwede namang tears of joy?" Natatawang sabi ko.

Hinaplos nya ang tuktok ng ulo ko. Hindi nya tinanggal ang kamay nya doon at unti-
unting bumaba ang kamay nya pababa sa likod ng ulo ko para itulak iyon papalapit sa
kanya. Lalo kong naramdaman ang saya nang maramdaman ang labi nya na dumapo sa noo
ko.
"Damn it." Bulong nya habang nakadikit na ang ulo ko sa dibdib nya at naririnig ko
na naman ang tibok ng puso nya. Mabilis iyon.

Tinanggal nya ang pagkakayakap sa ulo ko at bigla syang lumuhod sa harapan ko.
Kumunot ang kilay ko nang makita syang pina-ikot ang hawak nya sa ankle ko. Ngayon
ko lang narealize na iyon pala ay isang anklet.

Nang tumayo sya ay nag-iwas agad sya ng tingin saakin. "Damn," Bulong nya na para
bang sa wakas ay nagawa na nya.

Naglakad kami hanggang sa dulo ng bridge. Nang marating namin ang dulo ay pumunta
naman kami sa tuktok na kitang-kita ang magandang kabuuan ng bay.

Nag-usap pa kami ni Pierce. Ako lang ang kwento ng kwento sa kanya tungkol sa
sarili ko pero ayos lang kahit na hindi sya nagke-kwento pabalik. Naiintindihan ko
naman. Baka hindi lang sya talaga madaldal. Ayos na ako sa pagtawa nya at pagngiti
nya sa buong oras na pagke-kwento ko. Ano pa bang hahanapin ko?

Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Pati noong elementary ako, 'yung mga naging crush
ko at lahat. Pero hindi ko sinabi sa kanya na schoolmates kami at nasa iisang
school. Nakikinig lang sya saakin at mukha talagang hindi nya ako kilala noon.

Biglang tumunog ang phone nya. Kinuha nya iyon at gusto ko mang tignan ang screen
ng phone nya ay nanatili ang tingin ko sa harapan.

"It's mom." Aniya at pinakita saakin ang screen ng phone nya. "Sasagutin ko ba?"
Kumunot ang noo ko at agad na tumango. Natural lang naman na dapat nya iyong
sagutin?

Nagbuntong hininga sya at sinagot ang tawag.

"Mom. Yes, mamaya uuwi na po ako." Nilingon nya ako ng isang beses. Tumaas ang
kilay ko sa bigla bigla nyang pagsasalita ng 'po'. "I'm with Princess, we're on a
date."

Nalaglag ang panga ko dahil hindi ko inaasahan na sasabihin nya iyon.

"Hey, still there, mom?" Tumawa si Pierce. "Okay." Lumingon syang muli saakin at
namutla ang mukha nya. "I-I love you too."

Doon ako talaga nagulat. I love you too? Since when pa sya naging sweet sa mommy
nya? At 'po'? Wow.

Nang maibaba nya ang tawag ay tumingin sya saakin. Tumingin rin sya sa oras. "May
curfew ka?"

Nakagat ko ang labi ko at kinunot ko ang ilong ko. Tumango ako. "Oo eh.." Pero
ayoko pang umuwi! Gusto ko pa syang makasama. Namiss ko sya. Bukas sa school ay
siguradong hindi naman kami ganito. Iba kapag kami lang.

"Ihahatid na kita."
"Pero ayoko pang umuwi.." Pagtanggi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya. Kumuha sya ng isang maliit na bato at ibinato
iyon sa baba. Pinanuod ko lang sya at ang mga galaw nya. Gwapo mo talaga, Jimenez!

"Pero mapapagalitan ako ng mama mo." Aniya at sumulyap saakin.

Napaisip ako doon at napasimangot. Oonga, baka mapangitan pa si mama sa image ni


Pierce. Ayokong mangyari 'yun sa oras na ipapakilala ko na sya.

Tumango ako at naglakad na kami papunta sa parking area. Habang naglalakad kami ay
hinawakan ni Pierce ang kamay ko. At wala na naman tigil sa pagtalon ang lintek na
puso ko.

Sa kalagitnaan ng pagda-drive nya ay bumaba ang yakap ko sa katawan nya. Hindi kasi
sya nagsasabi saakin na yumakap ako, hinahayaan nya lang akong humawak sa balikat
nya. Medyo napalingon sya nun, pero nakita ko rin ang pagtaas ng sulok ng labi nya.

Huminto ang motor nya sa harap ng bahay namin.

"Gusto mo bang pumasok?" Tanong ko. Hindi ako sure kung nandoom si mama, pero
siguradong nandoon na si Sam.
Nilingon nya ang bahay namin at umiling. "Not yet," Hinawi nya ang buhok nya.
"Maybe after I got my hair trimmed, kapag maayos na ang itsura ko, pag hindi na
motor ang dala ko.."

Napangiti ako. Pierce Jyn, bakit ganyan ka? Bakit pa pakiramdam ko ay perpekto ka
na masyado?

Tumango na lamang ako at hindi ko na mapigilan ang ngiti sa labi ko.

Nakagat nya ang labi nya. Ngumiti ako sa kanya. "Goodbye, Pj.. ingat."

Natigilan sya, nakaawang ang labi at ngumisi lang din. "Bye, Pj." Sabi nya din.

Sumakay na sya ng motor nya. Ang saya saya talaga. Tama ba kung sasagutin ko na
sya? Tama bang magdesisyon ako ngayon dahil masaya ako? Dahil sobra-sobrang saya
ko? Anong epekto 'to Pierce? Bakit ganito? Bakit sobrang tindi ng sayang
nararamdaman ko?

"Nga pala, Pierce.. sinasagot na kita." Biglaang sabi ko. Napagsama ko ang palad ko
sa likod ko habang hawak ang rose na ibinigay nya kanina.

Natigilan sya at agad na kumunot ang noo. "What.."

"Sinasagot na kako kita." Humalakhak ako dahil sa reaksyon nya.


Umawang ang labi nya at agad na bumaba sa motor nya. Nilapitan nya ako. "A-are you
serious?"

Tumango ako at napasandal sa gate namin dahil masyado syang malapit. Ang tangkad
nya pa kaya medyo nakatingala ako.

"Wow.." Hindi makapaniwalang sabi nya.

Natawa akong muli dahil para bang hindi nya kahit kailanman inaasahan na sasagutin
ko sya. Na para bang imposible na mangyari ito. "Wow?" Tinawanan ko sya.

"Damn it!" Sigaw nya at kitang kita ko na masaya sya. Sumasayaw ang ilaw na nagre-
reflect sa loob ng mga mata nya.

Madilim na ang parte sa bahay namin lalo na at gabi na at kaunti lamang ang street
lights. Sa sobrang lapit nya saakin, iniisip ko na hahalikan nya ako. Oh, I can't
stop dreaming about his lips.

Lumapit sya saakin lalo. Gamit ang hintuturo nya ay tinaas nya at hinawakan ang
baba ko para itaas ang mukha ko.

"Say it again.." Utos nya. "Confirm it. Tell me na sinasagot mo na talaga 'ko."

Ngumiti ako. Bakit hindi sya makapaniwala? Come on, Jimenez! You can get every girl
that you like in just a snap of your finger! Now what?
"Sinasagot na kita." Kinakabahang sabi ko. Ang lapit nya talaga.

Naramdaman ko ang mainit nyang paghinga. Nakikita ko lang ang manipis at mapula
nyang labi na ngumingiti ng tagumpay. Masayang masaya ang labi nya. Masayang masaya
ang ngiti at ang pagtitig nya saakin. Kung tumingin sya ay para bang nakuha nya na
ang isang bagay na matagal nya nang gustong gustong makuha.

Namumungay ang mga mata nya habang nakatingin saakin. Bumaba ang hawak nya mula sa
mukha ko pababa sa balikat ko. Huminto iyon doon at narinig ko sa kanya ang tanong
na sobrang ikinagulat ko.

"Can I kiss you?"

Hindi ako nakagalaw. The thought of his lips and mine touching, made my heart stop
beating. Wait, humihinga pa ba ako? Gising ba talaga ako? What the fuck? What the
fuck talaga! This is Pierce Jyn Jimenez asking if he could kiss me! Wake up,
Princess!

Pinagpatuloy ko na lamang ang pananahimik at kinakapos na ako sa hangin hindi pa


man nya ako hinahalikan. Marahan nyang hinawakan ang gilid ng mukha ko.

Lumapit ang mukha nya saakin, titig na titig sya sa mga mata ko, pababa sa labi ko
na para bang isa akong bagay na sobrang kinaka-adikan nya. Medyo nakatagilid ang
ulo nya para hindi magtama ang ilong namin. Nakita ko ang dahan-dahang pagpikit ng
mga mata nya habang palapit. Naramdaman ko na kaunti na lamang ang dumadaang hangin
sa pagitan ng mukha namin.. malapit na.. at ipinikit ko na rin ang mga mata ko.
At naramdaman ko na lang ang napakalambot nyang labi na dumampi sa labi ko.

It felt surreal, it was perfect, damn. Pakiramdam ko ay first time ko ulit iyon.
It.. it felt really different with Pierce. Para akong lumulutang. Mga tatlong
segundo yata nagdikit ang labi namin at ang tatlong segundo na 'yun ay sapat na
sapat na ngunit kulang na kulang pa rin.

=================

TKP 38

TKP 38

Wala akong tigil sa pagsigaw sa ilalim ng unan at pagpapadyak habang nakahiga sa


kama. It happended! Nagkiss kami ni Pierce! Smack lang iyon pero ang saya saya ko!
Para bang first time lang iyon kahit na si Kharl na ang first kiss ko.

Inalala ko ang nangyari pagkatapos nun. Pulang pula sya pagkatapos samantalang ako
ay hindi makagalaw at kumu-kurap kurap pa.

Alam kong hindi na iyon ang first kiss nya. Imposible namang ako lang at si Elaine
palang ang nahahalikan nya. Siguradong may ibang babae parin. Tahimik sya pero
sigurado akong nakahalik na sya ng ibang labi ng babae.

Matapos nyang sumakay sa motor nya ay tumingin ulit sya saakin kahit na hindi nya
na mai-focus ang mga mata nya. 

"Good night." Aniya. Tumingin sya sa harapan at mariin nyang nakagat ang labi nya.
Hindi na ako nakapagsalita nun hanggang sa dahan-dahan syang makaalis. Tinanaw ko
na lamang ang motor nya hanggang sa mawala iyon.

Nakagat ko ang labi ko habang inaalala ang mukha ni Pierce. Ang tindig nya at kung
paano sya gumalaw. Ang mga paghawi nya ng buhok at pag-iiwas nya ng tingin. Lahat
iyon ay kahanga-hanga. Lahat iyon ay nagmimistulang magandang tanawin saakin.

Tinabi ko ang kauna-unahang rose na ibinigay saakin ni Pierce sa tabi ng paborito


kong notebook. Binigyan na ako ni Kharl noon ng roses, ng bouquet pero iba noong si
Pierce na. Bakit ganun?

Tinitigan kong mabuti ang anklet na ibinigay saakin ni Pierce. White gold iyon,
manipis at may isang maliit na hugis pusong pendant na may diamond sa pinaka-gitna.

"Ang ganda.." Wala sa wisyong sabi ko, nakatulala lamang sa anket. Maingat kong
tinaggal ang anklet sa paa ko. Tinabi ko iyon sa loob ng drawer ko sa tabi ng
puting panyo na ibinigay saakin noon ni Pierce.

Lumabas ako ng kwarto nang tuwang-tuwa habang katext si Pierce. Wala si mama at
tanging si Sam na nanunuod lamang ng TV ang kasama ko. 9 PM na rin.

"Ate, bakla ba talaga 'yun? Bakit nagkiss kayo?" Tanong ni Sam habang titig na
titig parin sa TV.

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ng nakababatang kapatid ko. "Anong--" Nanlaki
lalo ang mga mata ko. "Nakita mo?"
Ngumisi sya at napa-iling na lamang. "Bakla pala ah.." Tumawa pa sya ng nanunukso.

Naalala ko tuloy na sinabi ko sa kanyang bakla si Pierce. Nagbuntong hininga ako.


Malalaman din naman ni mama kaya hindi ko na kailangang itago pa kay Sam, hindi na
siguro.

"Boyfriend ko 'yun.." Napangiti pa ako habang iniisip si Pierce.

Ang sarap sabihin.

Nakataas ang dalawang kilay nya na tumingin saakin. "Eh si kuya Kharl?"

Nawala ang ngiti ko at kumunot ang labi ko. Ano naman si Kharl? "Matagal na kaming
wala nun, wala ka bang alam?" Naiiritang tanong ko sa kanya.

Bumaligtad lang ang labi nya at nagkibit balikat.

"Hoy, h'wag mo muna sasabihin kay mama ah? Ako na magsasabi pero hindi muna
ngayon.." Sabi ko lang pero parang hindi naman sya nakikinig at nanunuod lamang.

Mga bandang 9:30 PM ay nagbukas ako ng facebook para i-chat si Loraine. Chinat ko
sya para ipamalita na kami na ni Pierce.
Princess Jade: Lorainee! Kami na! Kami na! Ang saya saya ko!

Wala pang tatlong segundo ay nagreply na sya.

Loraine: Seryoso?! Ni pierce?!

Princess Jade: Yes! Bukas na bukas magke-kwento ako sayo! Ang saya saya!

Habang hindi nagrereply si Loraine ay tinignan ko ang picture namin ni Pierce. Ako
ang kumuha non sa cellphone ko, hindi naman sya tumanggi. Nakangiti na nakangisi
sya sa picture namin, medyo nasa likuran ko sya. Ang gwapo nya talaga. May gusto ba
talaga sakin 'to?

Icha-chat ko sana si Pierce ngunit agad na may nagnotification saakin. Nanlaki ang
mga mata ko at muntik ko nang maibato ng tuluyan ang cellphone ko.

Pierce Jyn Jimenez 

Relationship Request

Kanina pa ako nagugulat sa mga nangyayari pero walang nagbago sa reaksyon ko.
Nagulat ulit ako. Naggugulong na naman ako sa kama at hindi ko agad iyon naconfirm.
Hiyaw ako ng hiyaw at pigil na pigil ang ingay dahil baka marinig ako sa kabilang
kwarto.
Nagchat saakin si Pierce.

Pierce Jyn: Dali na pakiconfirm. :D

Princess Jade: Okay! Hahaha.

Ni-confirm ko agad iyon at kagaya ng inaasahan ko ay nagdagsaan na naman ang


notifications ko at friend requests.

Hindi agad ako nakatulog ng gabi na 'yun. Hanggang 1 AM yata ay kachat ko pa si


Pierce at si Loraine. Sumuko si Loraine at nauna nang matulog samantalang si Pierce
naman ay nakatulugan ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang orasan. 7:00 AM na at 7:10 ang simula ng
klase! Late na ako!

Nagmamadali akong tumalon mula sa kama, paglabas ko naman ay nakita ko si mama na


nanunuod ng TV. Habang nagtu-toothbrush ako ay kinausap ko sya.

"Ma naman! Bakit di mo 'ko ginising?"

Sumulyap sya saakin. "Ginising kita, nagalit ka pa sakin, sinabi mong hindi ka
papasok." Aniya.

Umirap na lang ako at hindi na kumibo dahil sa pagmamadali. Ngayon pa naman papasok
si Pierce. Bakit kasi anong oras na kaming nakatulog eh. Nakatulugan ko pa sya ng
hindi sinasadya!

Mabilis lang akong naligo at hindi na ako kumain ng almusal. Natapos ako ng saktong
7:30 at sumakay na ng tricyle. Ang kaso ay hindi na ako aabot sa unang subject
namin. Late na ako.

Napa-kapa ako sa cellphone ko para magbasa ng mga text ni Pierce dahil hindi ko
iyon nacheck kanina. Nasampal ko ang noo ko nang marealize na nakalimutan ko ang
cellphone ko. Tsk. Ang tanga mo naman Princess!

Nang makapasok ako sa gate ng school ay nagbuntong hininga na lamang ako. Late na
talaga ako at hindi na ako papapasukin nito. Sana pala ay sa second subject na
lamang ako pumasok. Ngayon, anong gagawin ko dito?

Umupo na lamang ako sa waiting area. Ipinatong ko ang bag ko sa mahabang lamesa at
magsa-saksak na sana ng earphones nang makita ko si Elaine na naglalakad.

Naman oh. Ang galing naman talaga. Hindi sya nakatingin sa gawi ko pero papunta
naman sya dito. Mukhang lalabas ata ng school.

Nag-iwas ako ng tingin at humarap sa harapan ko, nagbabaka sakaling hindi nya pa
ako nakikita. Kita ko naman sya sa gilid ng mata ko at nakita kong medyo natigilan
sya. Kakausapin nya kaya ako? Magtatanong kaya sya? Magagalit? Ngayon lang nya ako
nakita na mag-isa at libreng kausapin!

"Princess..." Napapikit ako nang marinig ang mahinhing boses nya.


Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako, nilingon ko sya. Mayroon syang eyebags,
maputla sya at mukhang kulang sa tulog.

"Ano 'yun, Elaine?" Tanong ko habang sinusuri ang mas humahaba nyang buhok ngayon.
Masyadong alaga ang buhok nya.

"Hindi mo sinabi saaking gusto mo rin pala si Pierce." Aniya at narinig ko ang
mahinang pagtawa nya. Mukha syang may sakit. "At kayo na pala.. bakit ka ganyan?"
Rinig ko ang bitterness sa boses nya pero kahit ganun ay ang ganda ganda nya parin.

Bumuka lamang ang labi ko pero hindi ako makapagsalita. Hindi ko malaman ang
sasabihin. Hindi naman dapat ako maguilty dahil hindi naman ako nangako sa kanya.

"M-may sakit ka?" Tanong ko at kumunot ang noo ko.

Tumango lamang sya, ngunit hindi nagsalita tungkol doon.

"Kailan pa? B-bakit hindi mo agad sinabi? Kailangan ko pang magmukhang tanga sa
pakikiusap sa'yo, 'yun pala ikaw mismo 'yung mang-aagaw sa kanya.." Aniya at
nakagat nya ang labi nya. Nanginginig iyon. Kitang-kita ko na gusto nya nga si
Pierce. Gusto nya talaga si Pierce higit pa sa nararamdaman ko.

At naiinis ako doon. Ano ba talagang nararamdaman ko? Gusto ko si Pierce pero hindi
ko maramdaman na gustong gusto ko sya kagaya ng nakikita ko sa mga mata ni Elaine
ngayon.
Napatingin ako sa ibang dako. "I-I'm sorry.."

Dahil hanggang doon lang naman ang kaya kong sabihin. Hindi ako magpapaubaya. Sino
bang gumagawa nun?

Narinig ko ang paghikbi nya. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya.
Nakaupo ako at sya naman ay naka-tayo. Tinakpan nya ng panyo ang mukha nya pero
kitang-kita ko na nagtataas baba ang balikat nya. Umiiyak sya. Iniiyakan nya si
Pierce..

Hindi ko malaman ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin! Ang maputla nyang
mukha ay ngayon ay mas lalong namumutla. Lalong namasa ang labi nya dahil
bumabagsak ang luha doon.

"I really like Pierce, Princess.." Humikbi sya. "Tutulungan naman kita kay Kharl
eh. I'm doing my part, please naman oh.."

Tumitig saakin ang namumula nyang mga mata dahil sa pag-iyak. Ang ilong nyang
matangos ay namumula rin. Hindi ko aakalaing ang isang Elaine Cortez ay umiiyak sa
harapan ko ngayon. Nakikiusap para lamang.. kay Pierce.

You can't do that. You can't beg for someone to like you.. or love you. I've been
there, at alam ko ang nararamdaman nya ngayon. Saakin lang ay hindi ako nakiusap na
bumalik si Kharl, at mas lalong hindi ako nakiusap kay Elaine na ibigay nya saakin
si Kharl. I was just waiting, umaasa pero hindi nagpapaka-desperada.

"G-gusto ko rin si Pierce." Naibulong ko na lamang.


Napayuko sya at tuluyan nang pinahid lahat ng luha nya. Para syang hiyang-hiya na
umiiyak sya. Sino nga bang hindi mahihiya? Para kang nakikiusap at nagmumukha kang
tanga.

"Bakit ganyan ka? Si Kharl ang mahal mo diba? Sigurado akong ginagamit mo lang si
Pierce." Pinigilan nya ang sarili nya sa pag-hikbi. I saw a hint of anger inside
her beautiful and innocent eyes.

Umiling ako. "Hindi 'yan totoo."

"H-hindi ko alam kung bakit kayo na." Umiling sya. "Gayung hindi ka naman talaga
nya gusto." Tumitig sya sakin at tumagilid ang ulo nya habang kinakatitig-titigan
ako.

Napataas ang dalawa kong kilay. Hindi ko iyon inaasahan mula sa kanya. Hindi ako
makapaniwala na nagsasalita sya ngayon ng ganito. At hindi ako naniniwala. Hindi
mula sa kanya. Hindi mula sa isang tao na may gusto kay Pierce. Na alam kong
pwedeng naninira lamang.

"Gusto ako ni Pierce." Sabi ko na lamang. Ayoko syang tignan dahil alam kong kaya
kong magsalita ng masasakit na salita.

Umiling sya. "Pierce likes me." Sabi nya at ngumiti ng kaunti. "Lumipat sya dito
para saakin, Princess."

Kumunot ang noo ko. Napalunok ako ng sunod-sunod. "Hindi 'yan totoo, Elaine. Alam
nating lahat na kick out lamang si Pierce dahil sa mga ginagawa nya. Hindi sya
lumipat dito dahil lang sa gusto nya."
Naiinis ako. Nasasaktan ako. Alam kong may laban sya saakin. Hindi ko pa gaanong
kilala si Pierce. Hindi ko pa talaga alam ang past nya. Pero imposible. Ayokong
maniwala na gusto nya si Elaine. Oh please, h'wag naman si Elaine.

Ako naman diba? Ako nga ang niligawan ni Pierce. Ako lang.

"You really think na kaya sya nagpursigi na mag-ayos ay dahil lang sa gusto nyang
mag stay sa school na 'to? He wanna stay because of me, Princess. Nag stay sya
noong sinabi ko sa kanya na wala talagang meron saamin ni Kharl."

Nalaglag ang panga ko. Hindi 'to totoo.

Umiling ako. Ngumisi lang ako ng malungkot sa kanya at naglakad na. Sumunod sya
saakin.

"Magkaibigan si Pierce at Kharl noon, Princess. Kung sakali lang na hindi mo alam,
nagka-away sila dahil matagal na akong gusto ni Kharl."

Humarap ako sa kanya. Pumikit ako ng mariin. Confident naman ako na ako ang gusto
ni Pierce. Well, sige ayos na saakin ngayon kung nagustuhan sya dati ni Pierce,
pero sigurado ako na ako na ngayon. 

"Tama na, Elaine. Hindi ako naniniwala sa'yo."


Umiling sya. "Why don't you ask Pierce? Sinuntok nya pa si Kharl sa harapan ko
noong bagong lipat nya. He said he punched Kharl because of the game he's playing
with you, but trust me Princess. Sinuntok nya si Kharl dahil ang akala nya ay si
Kharl talaga ang gusto ko. Iyon naman si Pierce eh. Ganun talaga sya. Magagalit sya
pero hindi nya aaminin na nagseselos sya."

Tumawa ako. Tumawa lang ako dahil wala akong masabi. Naalala ko noong pumunta si
Kharl sa bahay namin at sinabing sinuntok daw sya ni Pierce dahil saakin.
Kinumbinsi ko naman ang sarili ko noon na hindi naman talaga para saakin 'yung
ginawa ni Pierce pero ngayong ibang tao na ang nagsabi, bakit ang sakit?

"Paano ka nakakasigurado?" Tumawa ako. Ayokong makita nya na natatalo ako.

Umiling lang sya at nagkibit balikat. "Wala. Alam ko lang na gusto ako ni Pierce."

Umismid lamang ako. "Sinabi nya sayo?"

Umiling sya ulit. "Hindi. Pero ramdam ko, noon pa man."

Tumawa ako kahit na nasasaktan ako at pakiramdam ko ay mabubuwal ako. "Sinabi na


kasi saakin ni Pierce na gusto nya ako. Nangligaw sya saakin, Elaine. Kung gusto ka
ba nya, bakit hindi ka pa nya nililigawan?"

Ngumiti sya saakin. Isang totoong ngiti. "Kasi kilala ko si Pierce. Kapag gusto ka
nya, hindi ka nya kakausapin, unless kung kakausapin mo sya. Hindi nya ako
nililigawan dahil ang akala nya ay may gusto ako kay Kharl."
Wala akong masabi. Gusto ko syang saktan. Gusto ko syang saktan dahil palagi na
lamang sya. Naiinis ako. Nilalamon na naman ako ng insecurities ko.

"Si Pierce, pakiramdam ko kaya ka lang nya niligawan ay dahil alam nyang kaya ka
nyang pasagutin." Hinawi nya ang buhok nya. "Sorry, ayokong saktan ka pero iyon ang
sa tingin ko ay totoo. Saka.. I don't know, maybe he's using you to make me
jealous."

Nasapol ako doon. Pwedeng hindi totoo at pwedeng totoo iyon. Para tuloy ngayon ay
naiinis ako sa ginawa kong pagsagot ng maaga kay Pierce.

"Edi aminin mong gusto mo sya." Paghahamon ko sa kanya. Pero sht. Nang sabihin ko
iyon ay gumuhit ang sakit sa puso ko. Sht!

"Gagawin ko." Ngumiti ulit sya saakin. "Matagal na kaming magkakilala, Princess.
Madami nang nangyari noong elementary. We shared more moments than you too shared
together."

Nanginginig ako sa galit, pero ayokong malaman nya iyon. "Alam ko, Elaine.
Elementary pa lang magkakilala na kayo. Pero hanggang saan ba? Hanggang saan ba
talaga ang meron kayo noon ni Pierce? Magkaibigan? Magkaklase? Hindi lang dahil sa
hinalikan ka nya noon, ibig sabihin ay may gusto na sya sa'yo. Alamin mo minsan ang
pagkakaiba ng crush sa love."

Nakita ko ang pagkagulat nya sa sinabi ko. Natigilan sya at para bang nakarinig sya
ng kung ano.

Nakabawi sya agad. Bigla syang ngumiti at hinawakan ang bag nya. "Sorry.. sorry
talaga. Siguro naman hindi nya ako hinalikan dahil lang sa wala diba?"
Hahawakan nya sana ako pero para bang may sariling utak ang katawan ko dahil
otomatik silang umatras.

"Sorry talaga, Princess." Ngumiti sya ng kaunti. Umalis na sya pagkatapos nun.

Nanghihina ako. Naiiyak na naman ako. Ramdam ko naman at hindi ako tanga. Ramdam
kong nakikipagkompitensya sya saakin. Ngayon anong gagawin ko? Maganda sya masyado
at pwedeng magkagusto sa kanya si Pierce. Lalo na at kung first crush sya ni
Pierce, pwede iyong bumalik!

Pumikit ako ng mariin. Wala syang sinabi na sinabi sa kanya ni Pierce na talagang
nagkagusto si Pierce sa kanya. Pwede namang nag-aasume lang sya.

Hindi dapat ako magalit dahil lamang doon.

Nagpalipas ako ng ilang minuto doon hanggang sa magsecond period. Habang naglalakad
ako ay may nakasalubong akong kaklase ko. Binati nya ako.

"Huy, ba't kay late? Mukhang badtrip ang boyfriend mo kanina ah? LQ ba kayo?"
Nanunukso ang tingin nya saakin. Malaki ang ngisi nya sa labi.

"Si Pierce? Badtrip?" Tanong ko naman.

Tumango sya. "Oo, nalate 'yun kanina tapos natulog lang buong klase kaya iyon,
napagalitan na naman ni ma'am."

Nakagat ko ang labi ko nang maisip na kaya late sya ay dahil saakin. Hinintay nya
ako at hindi ako nagpakita.

Nang makarating ako sa room ay nakadukdok parin sya doon at natutulog. Nandoon sya
sa huling row, naka-upo sya sa gitna, sa tabi ng bangko ko.

Nagtitinginan saakin ang mga kaklase ko at nagsimula na naman ang bulungan. Binati
ako ng iba at 'yung iba ay ngumiti lang saakin ng alangan.

"Ayiie.." Ngumiti lamang saakin ang tatlo kong kaklase na babae nang malapit na ako
kay Pierce. Tinanguan ko na lang sila.

Napangiti ako nang makaupo na ako sa tabi ni Pierce. Ipinatong ko ang kamay ko sa
nakadukdok na ulo nya, hinaplos ko ang buhok nya.

Biglang umangat ang ulo nya para tumingin saakin. Nang makita nya ako ay mabilis
syang yumukyok sa table nya para hindi ko makita ang mukha nya.

"Jimenez, sorry naman na.." Sabi ko at hinaplos ulit ang buhok nya. Wala akong
pakialam sa mga nanunuod.

Nakita ko pa si Loraine na itinaas ang thumb finger nya habang ngiting ngiti.
Hindi nag-angat ng ulo si Pierce. Marahan kong hinaplos ang tainga nya para
kilitiiin sya. "Uy.. nalate kasi ako ng gising eh. Matagal ka bang naghintay?"

Tumaas na muli ang ulo nya at sumandal na sa upuan nya habang inaayos ang buhok nya
sa harapan na magulo dahil sa pagakaka-dukdok.

"Naiwan ko pa cellphone ko, napuyat kasi ako kagabi eh. Matagal ka bang naghintay
sa gate? Sorry na.."

Sumulyap sya saakin habang patuloy na inaayos ang patilya nya. "Kiss muna."

Umawang ang bibig ko dahil hindi ko iyon inaasahan mula sa kanya.

Nakita ko ang pagpigil nya ng ngiti habang nakatingin sa reaksyon ko. "Biro lang."
Natawa pa sya ng kaunti.

Nakahinga ako doon ng maayos. "Marunong ka ng magbiro ngayon ah.." Tukso ko sa


kanya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya at napa-iling sya.

Bago magsimula ang klase ay hinawakan nya ang kamay ko. Simpleng galaw lang iyon
ngunit mabilis ang pagtakbo ng puso ko. Pinilit kong alisin si Elaine sa utak ko
dahil lason lang iyon. Iniisip ko na lang na mahilig syang mag-assume.
"Huy Pierce ano ba, makinig kang mabuti!" Suway ko sa kanya dahil kanina nya pa
pinaglalaruan ang kamay ko habang nagka-klase kami. Ramdam ko nga na panay na
tumitingin saamin si ma'am. Lalo na noong isang beses na hinalikan ni Pierce ang
likod ng kamay ko.

"I can't." Dismayadong sabi nya.

Kumunot ang noo ko sa sagot nya. Seryoso ba ang isang 'to?

Nagpatuloy lang sya sa paggalaw sa kamay ko hanggang sa mapagalitan na naman kami


ni ma'am at tuluyan na naman syang pinalipat ng upuan sa dulo. Ang kulit!

"Tara?" Nakatingin na naman ang mga mata nyang nakaka-intimida saakin. Hanggang
ngayon ay hindi ako makapaniwalang kami na. Na meron na talagang 'kami'.

Kinunutan ko sya ng noo. "Saan? Sabay tayo?" Takang tanong ko. Snack break na kasi.

Nakagat nya ang labi nya at humawak sa strap ng bag nya. Kumurap sya na para bang
hinihintay nya ako na tumayo.

"A-ayaw mo ba?" Mahinang tanong nya at nagsimula na naman syang mahiya. Ang sarap
siguro pisilin ng pisngi nya!
Naglapitan sila Raven sa kanya. "Pre, tara na!"

Saakin parin ang tingin ni Pierce noong sumagot sya kila Raven na mukhang handa na
rin para lumabas. "Sabay kami ni Princess.."

Kinilig ako sa salita nyang iyon. Simpleng salita lamang iyon ngunit ang saya saya
ko na. Tsk, para namang hindi pinagdaanan kay Kharl! Bakit kasi iba kapag si Pierce
na?

Nagtinginan saakin sila Raven pati na ang iba pa naming mga ka-klase. "Uy oonga
pala ano! Iba ka na bro! Grats!" Nagbiruan pa sila at tinapik nila si Pierce bago
magsi-alisan.

Tumayo na rin ako dahil nakakahiya kay Pierce na mukhang handa nang umalis.

"Uh, kasabay ko kasi si Loraine. Wait, aayain ko lang sya." Sabi ko sa kanya.

Kumunot lamang ang noo nya ngunit hindi na nagsalita pa dahil tumalikod na agad
ako.

"Loraine, tara. Inaaya ako ni Pierce. Sabay ka na saamin?" Pag-aaya ko sa kanya.

Kinunot nya ang ilong nya. "Daya daya! Ayokong ma-OP, sweet pa naman masyado si
Pierce. Kayo na lang.." Tumaas taas ang dalawang kilay nya.
Nilingon ko si Pierce na nakatayo lamang malapit sa pinto ng kwarto, ang gwapo
talaga ng masungit na 'to.

"Sira, hindi 'no." Tumawa ako.

Hinampas nya ako ng malakas. "Sus, sige ke-kwentohan mo pa ako kapag nagka-oras
tayo eh.." Kinindatan nya ako at umalis na.

Nilapitan ko si Pierce. Inatake na naman ako ng kaba. Kami lang. Kaming dalawa
lamang. Hindi ba ito awkward? Maraming tao ang makakakita ngayon!

"Tara na." Pag-aaya ko sa kanya.

Nauna akong lumabas sa kanya at nang maka-labas na sya ay tumabi sya agad saakin.

Naglakad na kami papunta ng canteen nang mayroong maraming matang nanunuod. Alam na
nilang lahat, sigurado ako doon.

Napatingin ako sa masungit nyang mukha nang bigla na lamang syang umakbay saakin.
Hanggang leeg lang yata nya ako kaya naman madali lang syang maka-akbay. Para ngang
pinatong nya lamang iyon.

Nang tumingin ako sa harap ay nakita ko si Kharl kasama ang mga kaibigan nya na
naglalakad rin papunta sa loob ng canteen. Nandoon rin si Vince na tumatawa-tawa pa
ngunit may mga pasa pa sa mukha at.. madami iyon. Mukhang hindi pa sya maayos.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Si Pierce ay walang pakialam, ngunit ako ay
pinapanood ko sila Vince. Nakita ko silang tumingin saamin habang naglalakad rin.
Narinig ko pa ang pagpito nung isa, at halatang bumulong at nagtinginan sila
saamin.

Hindi ko iyon pinansin. Ramdam ko na napapansin iyon ni Pierce. Damn. Mapang-inis


pa naman ang mga kaibigan ni Kharl at ayokong mapa-away ulit si Pierce.

Umupo ako at tumingin kay Pierce na nakatayo parin. "What food do you want?" Tanong
nya.

Sila Kharl ay umupo sa katabi ng table namin. Tabing tabing table pa talaga, ang
laki laki ng canteen! Pinangunahan iyon ni Vince. Si Vince na hanggang ngayon ay
bugbog ang mukha ay nagmamayabang parin.

Tumigas ang mukha ni Pierce kahit hindi naman nya sila sinusulyapan. Siguro ako na
nakikita nya sila sa gilid ng mata nya.

"Pierce, hayaan mo na lang sila, okay?" Ngumiti ako sa kanya. "H'wag kang magpapa-
apekto. Nanunudyo lang sila.." Sabi ko. Hindi pa naman sanay si Pierce na iniinis
sya. Matapang lang naman ang mga kaibigan ni Kharl dahil marami sila.

Pinatong nya ang kamay nya sa lamesa habang nakatayo parin, nakatingin sya sa mga
mata ko na para bang kami lang ang tao doon. "I know. I know Princess." Ngumiti sya
saakin at inayos ang buhok ko sa tainga ko. Nakarinig ako ng ugong sa canteen. Sht.
Ang daming nanunuod!
"Good." Nakahinga ako ng maluwag. "Good boy, na okay?"

Natawa sya at sumulyap sa banda nila Kharl. "As long as I'm getting rewards."
Ngumisi sya. "Kiss rewards, maybe?"

Nalaglag ang panga ko doon pero tumawa na lang ako. Umiling iling ako at inirapan
na lamang sya ng pabiro.

Pagkatapos nun ay umalis na sya para umorder ng pagkain namin. Pasimple akong
tumingin kay Kharl at nakita kong matalim ang mata nya kung tumingin, nang magtagpo
ang mga mata namin ay napa-iling sya ng hindi makapaniwala at ngumisi. Iritado
syang sumandal sa upuan nya at patuloy ang kantyaw ng mga kaibigan nya.

"Psst!" Pasuwit nung isa. Hindi ko iyon pinansin.

"Miss!"

"Easy to get talaga.."

"Mukhang ang sarap mo." Tapos ay naghalakhakan sila. Boses ni Vince ang narinig ko.

"Tsk! Tumigil na nga kayo!" Iritadong sabi ni Kharl.

Hindi sya pinansin ng mga kaibigan nya at nagpatuloy ang ingay. Ang nasa ibang
tables ay nakikinig rin at nakikitawa ng mahina. Mahinang mahina na hindi
makakarating kay Pierce na hanggang ngayon ay nasa counter na medyo may kahabaang
pila.
Naiiyak ako. Hindi pa talaga ako nasanay. Bakit ganito sila ka-judgemental?
Pakiramdam ko ay pahiyang-pahiya ako. Ayoko na 'tong sabihin kay Pierce. Ayokong
mapaaway sya.

Patuloy ang tawanan at bulungan ng mahina. Patuloy ang pangungutya nila saakin. Ang
gusto ko na lamang ay bumalik na agad si Pierce dito. Lalo yatang dumadami ang
nagagalit saakin lalo na at kami na ni Pierce. Ang masama ay malandi pa ang tingin
nila saakin. Siguro nga ganun ang iniisip ng lahat. Kahit wala naman silang alam.

"Butterfly.."

Nagbuntong hininga ako at napapikit ng mariin nang marinig ang boses ni Yvo sa
hindi kalayuan. Oh please. Sana dito na lamang sila umupo. 

Inilapag ni Yvo ang bag nya sa table. Umupo sya sa harapan ko at ipinatong rin ang
magkabilang siko sa table para ipatong ang baba nya sa dalawang palad nya. Tamad
syang tumitig saakin.

Umupo si Clinton at Paris sa tabi ni Yvo, si Ace sa tabi ko, si at si Jynx na


nawawala.

Ngumiti lamang ako kila Yvo para bumati. Ang totoo ay wala na ako sa mood. Sobrang
pagpapahiya na ang nararanasan ko.

Tumingin si Yvo sa gilid nya bago mabagal na ibinalik muli saakin ang tingin.
Napansin kong nanahimik sila Vince sa gilid at tahimik na kumakain.
Ngumisi si Yvo saakin at nanlaki ang mga mata ko sa sumunod nyang ginawa.

"Vince!" Tawag ni Yvo kay Vince na nasa kabilang table lang ngunit masyado iyong
malakas kaya naman nagtinginan rin ang ibang estudyante.

"A-ano 'yun pare?" Tanong ni Vince. Ang sagwa ng mukha nya dahil medyo nagba-violet
pa iyon.

Tinuro ni Yvo ang gilid ng sariling labi, sumunod ay tinuro nya ang buong mukha
nya. "Masakit?" Tukoy nito sa mga pasa ni Vince. Sumandal si Yvo at inilagay ang
dalawang siko nya sa sandalan sa likod.

Nagkaroon ng katahimikan. Kinabahan ako. Narinig ko ang mahina at kabadong tawa ni


Vince. "Medyo.." Sagot nya lang na nahihiya, tumingin pa sya sa mga nanunuod.

Tumango si Yvo. "Kaya manahimik ka na lang dyan, ah? Baka kasi madagdagan pa 'yan
sa oras na na marinig ko 'yang bastos mong bibig ulit." Ngumiti si Yvo at tumaas
ang dalawang kilay nya.

Hindi nagsalita si Vince at tumigas lang ang mukha. Dumating si Pierce na may
dalang tray. Nilapag nya iyon sa harapan ko habang kunot ang noo nyang nakatingin
kila Yvo. Pansin nya ang tensyon at ang iritado ngunit nang-iinis na mukha ni Yvo.

"What happened?" Tanong ni Pierce.

Padabog na ibinaba ni Clinton ang kamay nya sa lamesa. "Edi nagpaparinig 'yang sila
Vince sa Princess mo.."

Kung hindi ako nagkakamali ay magkaka-klase lamang sila. Sila Yvo pati na rin sila
Kharl.

Napatayo ako nang makita si Pierce na galit na papunta sa table nila Kharl.
Nagtayuan rin sila Yvo. Mas nagulat ako nang iniharap ni Pierce si Vince at
sapilitang itinayo gamit ang paghawak nito sa kwelyo ni Vince. Naglikha iyon ng
malakas na ingay kaya mayroong isang babae na biglang humiyaw. Naglapitan ang mga
estudyante at pinalibutan kami.

"Ano ba Jimenez!?" Gulat na sigaw ni Vince.

Binitawan ni Pierce si Vince sa kwelyo para malakas na itulak ito sa dibdib kaya
naman napahakbang ng maraming beses si Vince paurong at nasapo lamang sya ng mga
kaibigan nya.

"Bunch of pussies." Tinulak nyang muli si Vince. "Sakin mo sabihin 'yang sinasabi
mo kay Princess. You motherfcking bastard." Paghahamon nya. Muli nyang itinulak si
Vince sa dibdib kung kaya't paurong sya ng paurong.

"Tama na, Jimenez." Ani Kharl.

Lalong dumami ang mga estudyanteng nanunuod. Nakikita ko ang nanginginig nyang
kamao. Isang suntok nya lang kay Vince ay baka kung ano na ang gawin sa kanya ng
principal. Please, h'wag kang magkakamali Pierce.
"You all listen very carefully, pussies." Ani Pierce at nagtagal ang tingin nya kay
Kharl. "Nobody can touch what is mine. Nobody can ever dare. So don't attemp to
touch Princess."

Nakita ko ang mariin na pagpikit ni Kharl. "Princess.." Hindi ko alam kung anong
pumasok sa utak nya at tinawag pa nya ako.

"Stop trying." Ani Pierce. Lumapit sya saakin at hinapit ako papalapit sa kanya.
"You lost her. You'll never get her back again." Direktang sabi ni Pierce.

Pinanuod ko ang reaksyon ni Kharl. I saw pain. Bakit nasasaktan sya? At bakit ba
pinapanuod ko pa sya?

Nakita kong masyadong marami parin ang nakatingin. Nakita ko ang kagustuhan nilang
malaman ang nangyayari dito, at puno ng inggit ang mga mata nila.

Inakay ko si Pierce papunta sa room namin. Hinawakan ko ang kamay nya. Habang nasa
room kami ay tahimik lamang sya. Ano kayang iniisip nya? Mukha syang wala sa mood.

"Pierce, h'wag ka ng mag-isip ng kung ano ano." Bulong ko.

Tumingin sya saakin at kumurap. Tumango sya at hinawakan ang kamay ko. "You're not
wearing it, you didn't like it?" Tanong nya habang nakatingin sa paa ko.

Napakurap ako at napatingin rin sa paa ko. "Hindi 'no! Gusto ko nga eh.. nalate
lang talaga ako at nagmamadali kaya hindi ko naisuot."
Noong mag lunch time na ay magkasabay kami kumain. Nandoon rin sila Vince sa
canteen pero tahimik lamang sila. Si Pierce lamang at ako ang magkasabay. Libre nya
ako sa lahat. Sinasabi ko naman na ako ang magbabayad pero inuunahan nya ako.
Siguro ganito lang talaga sya sa una.

"Sa taas tayo?" Tanong ko nang matapos kaming kumain.

Sabay kaming naglakad papunta sa pinaka-itaas ng school. Medyo kaunti lang ang
nagpupunta dito at madalas ay barkada o di kaya ay magboyfriend-girlfriend

Umupo ako doon at umupo sya ng medyo malayo saakin. Nang tignan ko sya ay nagulat
ako nang humiga sya at ini-unan ang ulo nya sa kadungan ko.

"P-pierce.."

Pumikit sya at ipinatong ang forearm nya sa noo nya. "Comfortable." Komento nya.

Napangiti ako at susubukan ko sanang hawakan ang malambot nyang buhok ngunit hindi
ko ginawa. Tinitigan ko lang sya. Matutulog kaya sya?

Habang nakatitig ako sa napakagwapo nyang mukha ay hindi ko na napigilang hawakan


ang buhok nya. Hinaplos ko iyon at sinuklay. Ang sarap nya panuorin.
"Princess.." Bigla nyang tawag saakin.

Nakagat ko ang labi ko at pinagpatuloy ang pagsusuklay sa buhok nya gamit ang
daliri ko. "Akala ko tulog ka na."

Ngumiti sya. Dumaan ang malakas at masarap na hangin. "I can't just sleep when I'm
with you. You know that."

Natawa ako. "May klase pa kaya tayo." Paalala ko sa kanya.

"Sa next subject na tayo pumasok.." Pag-aaya nya. Dumilat bigla ang mga mata nya.
Nahuli tuloy ng mata nya ang pagtitig ko sa mukha.

"Hindi pwede." Sabi ko lang at inirapan sya. Diretso na akong tumingin sa malawak
na paligid. Tinanaw ko ang langit.

"Tss.." Narinig ko lang mula sa kanya. Ayokong tumingin sa kanya dahil pakiramdam
ko ay nakatitig sya.

Naramdaman ko talaga syang nakatitig kaya naman tumingin ako pababa. Ang awkward
naman.

"H'wag mo nga akong titigan!" Saway ko sa kanya at naramdaman ko ang pag-init ng


pisngi ko.
"Why?" Tumawa sya. Nakagat nya pa ang ibabang labi.

"Basta!"

Pero naramdaman ko parin syang nakatitig. Ngiting ngiti ang loko.

"Tsk, Jimenez!"

Tumawa na naman sya na para bang tuwang tuwa sya sa panunuod saakin. "Bakit po ba?"

Umirap ako ng malaki.

"Tigilan mo sabi paninitig mo!" Hinampas ko sya sa katawan nya, ang tigas kahit na
medyo may kapayatan sya.

"Kiss mo muna 'ko.." Bulong nya, hindi na sya tumatawa. Seryoso at malambing na ang
boses nya.

Lalong nag-init ang pisngi ko.

"Pierce naman, tigilan mo nga ako.." Lalong uminit ang pisngi ko. Wala na bang mas
a-awkward pa dito?

"Hmm." Ngumisi sya. "Kiss me first."

"Tss.." Pakiramdam ko ay tumigil na ang pagtibok ng puso ko. Hindi parin sya
tumitigil sa paninitig.

Naramdaman ko ang paghawak nya sa pisngi ko. Lalong nag-angatan ang mga balahibo ko
sa mukha. Damn, Pierce!

"Kiss lang naman po.." Natatawang sabi nya. Pinaikot nya ang index finger nya sa
cheekbone ko, samantalang ang thumb finger nya ay gumagapang sa ibabang labi ko.

Hinampas ko sya ng mas malakas kaya medyo ngumiwi ang gwapo nyang mukha. "Bakit ba
ang lakas mong mang-inis ngayon!?" Ngumuso ako. Nakikita naman nyang awkward ako
eh.

Tinrace nya ang maganda nyang kilay pagkatapos ay hinihimas naman ng thumb finger
nya ang ibabang labi nya. "Teach me how to kiss."

Umirap ako. "Nako, kung alam ko lang! Experienced ka na! Tss!"

Kumunot ang noo nya at natawa. "You're my first. I thought you knew that."
Dinagsa ng libo-libong imahe sa utak ko si Pierce na nangkikiss ng isang grade 4 na
babae. I can't stop thinking about it. Tss. Nakalimutan nya yata o nagsisinungaling
sya.

"Anong tingin mo kay Elaine Cortez?" Biglang tanong ko.

Kumunot ang noo nya at hinawakan ang forearm kong nakapatong sa dibdib nya. He
caressed it at mukhang tinamad sya bigla sa topic namin.

"What about her?"

Hindi ko alam kung dapat ko bang lagyan ng meaning ang pagiging walang reaksyon nya
sa mukha o hindi. It's his normal expression, right?

"Nagagandahan ka ba sa kanya?" Tanong ko.

Tumigas ang panga nya. Naguluhan ako doon.

Tumayo sya mula sa pagkakaunan sa hita ko. Naiinis syang sumandal habang magkatabi
na ang kilay nya. "Are you insecure? Tsk. So you still like Kharl?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa iniisip nya. Ang akala nya ba ay nai-insecure ako
kay Elaine dahil kay Kharl? Oh crap.
"H-hindi iyon doon, I mean nagcha-chat sa'yo 'yun.."

Umayos lamang sya ng upo, parang hindi parin sya naniniwala. Kumunot ang kilay nya.

"Hindi naman ako nagrereply."

"Gusto mo ba 'yun?"

"What made you think?" Umirap sya.

"Wala lang. Kasi maganda sya? Maganda sya diba?"

"I don't know. I don't find her special, I don't even give a sht about her.
Classmate lang kami dati.

Ngumuso ako. "Hindi mo ba naging crush 'yun?"

Tumingin sya saakin. "Are you sure you're not asking that because of Kharl?"

Hinampas ko sya. "Of course! Naka move on na ako doon!"


Nakita ko ang pagngisi nya. "I can't really remember, pero gusto sya ni Kharl nun
pati na rin ni Klark."

"Nung kambal mo?" Tanong ko.

Tumango lang sya. "Can we just drop that topic?"

Natawa ako at tumango. Minsan talaga, kahit na magulo ang lahat, kahit na madami
kang iniisip, h'wag mong kakalimutan na maging masaya hanggat kaya mo pa.

"Can I get my kiss now?"

Lumunok ako, pinilit kong pigilan ang pag-init ng pisngi ko.

"Next time na, Pierce! Ang dami kayang tao.."

Tumingin sya sa paligid. At doon ko lang napansin na kami na lang pala ni Pierce
ang nandoon. Anong oras na pala kaya kami na lang ang nandito.

"Now what?" Pinigil nyang ngumiti.


=================

TKP 39

TKP 39

Days, weeks.. 

Wow, malapit ma pala kami maging isang buwan ni Pierce.

Kumurap kurap ako habang iniisip si Pierce. Ilang weeks na kami, at sa araw araw na
yun ay magkasama kami, walang palya. Mas naging komportable ako sa kanya. Hindi sya
gaanong sweet pero palagi kong nararamdaman na gusto nya talaga ako. Pinaparamdam
nya saakin na kagusto-gusto talaga ako.

"Aminin mo nga sakin, Loraine." Tumingin saakin ang bestfriend ko mula sa hawak
nyang phone. "Hindi naman ako maganda, diba?"

Iyon talaga ang pinagtataka ko sa lahat. Bulag ba si Pierce? Oo, si Kharl nagtaka
ako na nagkagusto saakin, pero hindi naman sya umaakto na para bang.. baliw na
baliw sya saakin.

Umurong ang mukha nya na para bang nagulat sya sa tanong ko. "Hindi ah, maganda
syempre." Walang pag-iisip na sagot nya. Bumalik ang tingin nya sa phone nya.

Tumagilid ang ulo ko para titigan sya. Hmm. Liar. "Yung totoo kasi.."
Kinunutan nya ako ng noo. "Oo nga, maganda ka. Na-aano ka ba?"

Umirap ako. "Syempre sinasabi mo lang 'yan kasi bestfriend mo 'ko." Tumawa sya sa
narinig. "Hindi naman ako maganda." Sabi ko na lamang.

Hinampas nya ako sa balikat. Kasalukuyan kaming nasa bahay nila, sa kwarto nya.
Sunday kasi ngayon. Si Pierce naman ay hindi nagte-text. Kahapon at ngayon lamang
kami hindi nagkita simula noong maging kami. Pati kasi Sunday at Saturday ay may
date kami.

"Aminin mo na kasi." Inirapan ko sya habang nakanguso.

Humalakhak muna sya bago nya inayos ang pag-upo nya sa kama.

"Okay.." Umubo pa sya ng peke. "Sa totoo lang, normal lang ang itsura mo. Hindi
kagandahan pero mas lalong hindi pangit. Alam mo, malakas kasi 'yung appeal mo eh."
Nanliit ang mga mata nya habang sinusuri ang mukha ko. "Pero 'yung tipo mo kasi
'yung bang gini-girlfriend." Ngumiti sya na para bang ngayon nya lang iyon na-
realize.

Medyo nalungkot ako sa pag-amin nya pero iyon ang hinihingi ko eh. Tss. Hindi
kagandahan. Malakas appeal, nagsasabi kaya sya ng totoo?

"Bakit ka ba nagtatanong?"

Nagkibit balikat ako at tumingin na lamang sa phone ko. "Wala lang.."


Pero sa totoo lang ay nagtataka lamang ako. Normal lang naman ang itsura ko pero
kung umakto si Pierce ay para bang ako na ang pinakamagandang babae na nakilala
nya. Palagi ko syang nakikitang nakatitig saakin tapos palagi syang nagseselos.
Para namang may mang-aagaw saakin mula sa kanya at para namang ipagpapalit ko pa
sya.

Nang magvibrate ang phone ko ay agad kong tinignan iyon dahil inaasahan kong si
Pierce na 'yun.

From Clinton:

Sup? What are you doing?

Kumunot ang noo ko kung bakit nagtext si Clinton pero nagreply parin ako.

To Clinton:

Kasama ko si lor. Si pierce ba kasama mo?

Hinintay ko lamang ang reply nya habang iniisip ko si Pierce. Hmm.. hindi pa nya
ako sinasabihan ng I love you. Big deal ba 'yun? I mean, kailan nya pa kaya
sasabihin 'yun? At nararamdaman nya na ba 'yun o hanggang 'gusto' parin ang
nararamdaman nya para saakin?

'Yung iba naman kasi, porke sila na, nag I-I love you-han na kahit wala pa naman
talagang 'love'. Pero.. kaya mo ba sinagot ang isang tao ay dahil sa mahal mo na
sila? Hindi naman diba? 'Yung iba, kaya nila sinagot, dahil may feelings na sila..
at saka palang iyon madi-develop.
Ako kasi, well.. yes, nagseselos ako kapag nakikita ko syang hawak ang phone nya.
Naiisip ko na may katext syang iba kahit na wala naman akong nakikitang babae na
naka-aligid sa kanya. Sumasama ang mood ko kapag lumalapit sila Victoria sa kanya.
At nag-away pa kami nung Friday dahil may nakita ako sa cellphone nyang picture nya
na may kasamang ibang babae.

"Hey.. are you mad?" Nagtatakang tanong nya matapos kong isauli sa kanya ang phone
nya, katatapos ko lang tignan ang mga pictures nya sa phone nya. Isang picture lang
iyon, pero.. lintik.

Hindi ko alam kung bakit nga iyon natanong. Siguro ay halata sa mukha ko, at hindi
ko rin kasi sya kinakausap.

Sino ba kasi 'yung babae? At malalaman ko ba ang sagot kung mananahimik lang ako?
Hindi. Pero ayokong malaman nya na nagseselos ako. Hindi pa nya kailanman ako
nakitang nagselos sa halos isang buwan naming relasyon.

"Hindi," Tinignan ko sya na para bang nahihibang sya.

"You look mad though." Hinawakan nya ako sa forearm ko.

"Hindi nga sabi!" Sabi ko sa kanya at tinanggal ang kamay nya.

Sino nga kaya ang babae na 'yun? Inalala ko ang picture. 'Yung babae ang may hawak
ng phone nya at nasa likod lang sya at nakatingin sa camera. Medyo masungit ang
itsura nya doon pero halatang magkasama sila at halatang close sila. Sht. Maganda
'yung babae at maputi. Ombre ang kulay ng buhok nya, at mamula mula 'yung kutis
nya. Parang tiga-ibang bansa pero dugong filipino.

Ayokong sabihin sa kanya na nagseselos ako. Paano kung close friend nya lang iyon?
Pero nakakainis parin. Close girl friend, huh?

Tsk, dito nagsisimula ang pagkakaroon ng labuan eh. Ang tanga mo, Princess. Sana
tinanong mo na lang! Ngayon, ikaw ang naghahabol!

Bumalik ako sa ulirat nang nagvibrate muli ang phone ko.

From Clinton:

Di ko kasama e. What are you doing?

Nawalan ako ng interes na itext sya kaya hindi ko na lamang pinansin. Nasaan kaya
ang Pierce na 'yun at kahit good morning ay wala akong natanggap? Nag text naman
ako pero wala talaga. Talaga lang, huh? Hindi na nga kami ayos nung Friday, di pa
nya ako ite-text ngayon.

Walang Elaine na pumasok sa larawan. Hindi sya nagparamdam saamin ni Pierce. Hindi
ko alam kung umamin ba sya kay Pierce pero wala naman akong nalaman mula kay
Pierce. At ni hindi ko sya nakikita na tumatapak malapit saamin.

Isa pa, wala akong nakikita na epekto kay Pierce kapag dumadaan si Elaine. Oo,
pinapanuod ko sya pati na rin ang mga reaksyon nya.
Hapon na nang maka-uwi ako sa bahay. Naabutan ko si mama na mukhang masayang-masaya
na nakaupo sa sala.

"Oh, ma? Saya saya mo yata?"

Ngumiti si mama saakin. "Tumawag ang papa mo kanina. Nai-processed na daw ang
lahat. Ayos na ang lahat, baka hindi ka na dito magcollege."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni mama. Hindi ako makapagsalita noong una. Hindi
ko malaman kung ano ba ang nararamdaman ko. 

"S-seryoso ma?"

Tumango sya. "Tatapusin mo na lang ang highschool dito, tapos mga ilang months lang
siguro pagtapos ng graduation nyo, baka pumunta na tayong Canada."

Pakiramdam ko ay may bumagsak na kung ano saakin. Para bang bumigat ang dibdib ko.
Hindi ko malaman ang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit. Matagal ko naman nang
gusto 'to diba? Matagal ko 'tong hinintay.

Kahit noong kami pa ni Kharl, alam ko na ang tungkol dito, pero ayos lang, walang
serious or big deal. Pero ngayon.. ayoko. Ayoko na.

"W-wow.." Tumawa ako. "Sige ma, kwarto na po ako.."


Nang makapasok ako sa kwarto ay bigla akong naiyak. Ang babaw ko. Pero siguro ay
pinagsama-sama lamang 'to. Hindi kasi nagtetext saakin si Pierce. Bakit ganun? Ang
bigat ng pakiramdam ko.

Hindi ko maisip na maghihiwalay kami ni Pierce after highschool. Hindi pa naman


matatag ang relasyon namin pero pakiramdam ko ay hindi ko kaya. Ni wala pa ngang
kasiguraduhan kung kami na hanggang sa matapos ang highschool eh. Masyado pa kaming
bata.

Pero ayoko. Ayokong mahiwalay kay Pierce eh..

Napatitig ako sa kisame. Ngayon ko lang narealize na.. mahal ko na pala sya.

And I hate him too. Nakakainis sya. Bakit ngayon ko pa naiisip 'to kung kailan
hindi sya nagrereply sa mga text ko? Nakakainis na sya ah!

To Pierce:

Wow pierce. Sabihin mo sakin kung nagsasawa ka na.

Ang babaw, oo. Pero hindi naman sya nawawalan ng load eh. Sya pa ang kauna-unahang
bumabati saakin tuwing umaga. Minsan tumatawag pa sya. Tapos ngayon, ako na ang
naunang nagtext wala paring text mula sa kanya. Tinawagan ko pa sya kanina, hindi
nya sinasagot!

Nakakagalit. Nung Friday ko lang nakita 'yung picture nya kasama 'yung babae, at
kinuhanan ang picture na 'yun last week din. Hindi kaya may iba syang ka-text? Baka
iyon ang pinagtutuunan nya ng pansin ngayon dahil nagsasawa na sya saakin?

Hindi, hindi naman ganun si Pierce.

Biglang nagvibrate ang phone ko. Nakita kong galing kay Pierce ang text kaya agad
ko iyong tinignan.

From Pierce:

Sino to?

Nalaglag ang panga ko at punong puno ng tanong ang isipan ko. Bakit magtatanong ng
ganito si Pierce? Dinelete nya ba ang number ko? Hindi ko malaman ang ire-reply.
Nanginginig ang mga daliri ko sa galit, inis, sakit at pag-iisip.

I overthink things. Nakakairita ako. Nakakainis. Nakakainis si Pierce.

Hindi ako nagreply at nakatitig lamang ako sa text nya nang bigla syang tumawag.
Hindi na ako nag-iisip ng maayos. Sinagot ko iyon agad.

"Pierce?" Maingat at malumanay na sabi ko.

"Hi, sino 'to?" Boses ng babae. Nanigas ako at hindi agad nakapagsalita.
Nangingilid na ang luha ko. 
Please tell me na kaibigan, pinsan o tita mo lang 'yan! Kasi tangina Pierce, nasa
kanya ang lintek na phone mo!

Narinig ko ang playful na tono ng boses nya, parang nagpipigil ng tawa o ano. Hindi
iyon si Kret dahil dalaga na ang boses ng may ari at kilala ko ang boses ng kapatid
nya.

"Oh sorry. I mean, you're Princess right?" Para bang may itinatago sya sa boses nya
at parang may alam sya.

Nakakainsulto, ganun ang boses nya.

Hindi ako nagsalita. Masyado na akong nasasaktan at nabibigatan. Bakit nasa kanya
ang phone ni Pierce? Bakit magkasama sila, lalo na at 8:00 PM na?

Kaibigan? May kaibigan bang babae si Pierce? Wala. Wala akong kilalang kaibigan
nyang babae. Pinakilala nya na saakin ang iba nya pang mga kaibigan pero wala syang
pinapakilalang babae.

"Hey, still there?" Tanong nya. Hindi ako nagsalita. "--Maxine, please.." Narinig
ko ang seryosong boses ni Pierce na mukhang ilang hakbang ang layo.

Doon ako kinabahan at nanglamig talaga. Magkasama sila.


"Ayoko nga!" Kasunod nun ay hagikhik nung babaeng tinawag nyang Maxine.

"Tsk. Maxine, it's not fu--" Pinatay ko na ang tawag. Mukhang hindi alam ni Pierce
na kausap ako nung kasama nyang babae.

Nagmukmok ako sa loob ng kwarto. I hate him! Nakakainis sya. Pinatay ko ang
cellphone ko. Hindi sya nagrereply saakin kasi may kasama syang iba? Hindi man lang
nya sinabi saakin? Ano ba ako sa kanya? Girlfriend nya ba talaga ako?

Aba't two timer na ba sya? Kailan pa sya naging playboy? Bwisit! Subukan lang naman
na may iba!

Kinabukasan pag gising ko ay hindi ko parin binubuksan ang phone ko. May tawag o
text na kaya si Pierce? Nagsawa na kaya sya? Kun'sabagay ay hindi naman kami nagka-
ayos nung Friday, at Saturday ay hindi ako nagrereply sakanya. At least kahapon ay
nagtext na ako, nagpapa-chicks ba sya?

Medyo late na ako pumasok. Araw araw kasi akong hinihintay ni Pierce at ayokong
umasa na hinihintay nya rin ako ngayon. Pero laking gulat ko nang makita sya sa
waiting area ng school na cool na nakaupo.

Tumingin sya saakin. Magulo ang buhok nya at ganun parin naman sya. Lintik sa ka-
gwapuhan. Hindi nakakasawang mukha.

Princess, dapat magsawa ka na. 'Yung ganyan ka-gwapo, magsasawa rin sayo 'yan at
iiwan ka. Tsk.. pero wala eh. Mahal ko 'yan at ipaglalaban ko hanggat nasa akin.
"Princess.." Nilapitan nya agad ako at hinawakan ang kamay ko.

Nilagpasan ko sya.

"Are you still mad?" Tanong nya habang humahabol.

Hindi ako sumagot sa kanya. Papasok na sana ako ng room nang bigla nya akong
hinatak.

"Ano ba, Pierce?!" Mahinang sigaw ko sa kanya.

Nakatalikod na sya saakin at hinihila nya ako papunta sa garden ng school. Nang
makarating kami doon ay binitawan nya na ang kamay ko at tumalikod ulit sya saakin.

"What's the damn problem, Princess?" Tanong nya habang nakatalikod parin. Para bang
namo-mroblema na sya.

"Wala."

Humarap sya saakin, mukhang frustrated ang gwapo at masungit nyang mukha.

"Tell me." Lumapit ang mukha nya saakin at napatingin ako sa labi nya.
Tsk. Ang labing ilang beses nang nagnanakaw ng halik saakin. Ang labi ng ilang
beses ko nang natikman. Ilang beses na pero hinahanap hanap ko parin.

"Wala nga."

Ginulo nya ang buhok nya at tumalikod saakin. "You tell me, because I want this to
work out." Seryosong sabi nya. Ngayon lang sya naging seryosong seryoso ngunit
malambing parin habang galit. Lumapit sya saakin at hinawakan ang pisngi ko. "Gusto
ko 'tong magtagal, Princess. May mali na ba sakin? May mali na ba akong ginagawa?"

Damn. 'Yung boses nya..

"Tell me. Because honestly, pinagaaralan kong maging perpekto.. so that you won't
unlike me."

Niyakap na naman nya ang puso ko. Iyon yata ang minamahal ko sa kanya. Ang pagiging
seryoso nya. Ang pagiging inosente nya. Ang pagtitig nya saakin na para bang
natatakot sya na mawala ako.

Because girls love it more when the guy takes their relationship seriously.

"Nobody is perfect, Pierce." Cold na sabi ko parin.


Malungkot na ngumiti sya. Bakit ba mukhang hindi pa sya natutulog? "Well fck that.
I want to be perfect. For my princess." Hinalikan nya ang noo ko. He even sniffed
it.

Tahimik lang ako doon.

"Bakit ka galit nung byernes? Tell me. Ayokong dumating sa punto na iwanan mo ako,
dahil lang sa isang bagay. I don't want to let you go. I can't let you go,
Princess. I won't. Never."

Sumimangot lang ako. "Wala ka namang pakialam ah? Hindi ka nga nagtext kahapon.."

"Walang pakialam? I texted you the entire saturday and you didn't even try to
reply. Not even once. Kahapon, wala sakin ang phone ko and I thought, you need
time, ayokong masakal ka sakin. I was always close to dialing your number, but then
ayokong magsawa ka sakin.."

Pinanuod ko ang pag-iwas nya ng tingin saakin. Hindi na sya humarap saakin at
humarap na sya sa harapan nya. Yumuko sya at pinaglaruan ang zipper ng bag nya.
Hindi na sya nahihiya sa mga sinasabi nya pero para bang nalulungkot sya at
nasasaktan.. at natatakot.

Always my adorable Pierce. Nasasaktan ba kita?

"Kahapon, syempre wala sayo ang phone mo. Hawak ng ibang babae eh."

Nagulat ang mukha nya at agad na kumunot ang noo nya. "How did you know?"
Hindi nya pala talaga alam na tumawag ako? "Tumawag sya sakin. Narinig ko pa kayo.
Ang sweet nyo nga eh." Umirap pa ako at lumayo ng upo sa kanya.

Nakita ko ang pagngisi nya. Ngumiti sya pero pigil na pigil iyon.

"My girl is jealous.." He said. Astonished.

Umawang ang bibig ko dahil mukha syang nabighani at nagalak. "Hindi 'no!"

Umusog sya para tumabi saakin. Tinaas nya ang kamay nya para ipatong iyon sa gilid
ng ulo ko, marahan nyang tinulak ang ulo ko para ilagay sa dibdib nya. Napasimangot
na lang ako pero napanatag na rin. Alam nya na yata ang bago kong paboritong unan.

"She's Maxine. Just my cousin." Tumawa sya ng mahina. 'Yung tawang nang-iinis.

"Cousin pa nga!" Tinanggal ko ang kamay nyang naka-akbay. "Cousin-tahan!"

Kumunot ang kilay nya at hindi nya napigilang tumawa na para bang ngayon nya lang
narinig ang joke na iyon. "But I'm telling the truth, missy." Tumatawa parin sya.

Kinulit nya pa ako hanggang sa napaniwala na rin nya ako, sa totoo lang ay
nagpapakulit lang ako. May tiwala naman ako sa kanya kapag ganitong bagay na. Tska
mukhang tuwang-tuwa sya na nagseselos ako!

"Eh sino naman 'yung babaeng kasama mo sa picture? Dyan sa phone mo?" Sa wakas ay
naitanong ko na sa kanya ang kinakagalit ko talaga.

Narinig ko na naman ang tawa nya na parang biglang may naisip. "Ah! So you're mad
because of that?"

Hinampas ko sya ng malakas.

Hinawakan nya ang mukha ko. Nilapit nya ang mukha nya at hinalikan ako ng mabilis
sa labi habang nakangiti.

"You're the only one, Princess. Just so you know." Hinalikan nya ulit ako, nagtagal
iyon.

"So sino nga iyon?" Nakasimangot ako habang pinapanuod sya na sinusubukang ibuka
ang labi ko.

Hindi sya sumagot. Hindi ko alam kung nakapikit ba sya o nakatingin sa labi ko.
Mukha syang naa-adik sa halik, and believe me. Ang sarap nyang panuorin.

Ako lang huh, Pierce. Sa halik ko lang ikaw ganyan. Sa akin lang dapat. Hindi ko
yata kaya kung may iba.
Napunta ang kamay nya sa likod ko, marahang tumataas at bumababa iyon. Nararamdaman
kong hinihimas nya nang paikot ang likuran ko. Ang isang kamay nya ay nasa bewang
ko, tumataas iyon. Nasa ilalim lang iyon ng dibdib ko, at kaunting taas na lamang
ay mahahawakan nya na iyon.

Naramdaman ko ang pagkagat nya sa ibabang labi ko.

"I want to bite your lips.." Bulong nya nang lumuwag ang labi nya saakin, pero
magkadikit parin iyon.

Kinagat nya ang ibabang labi ko. Napapikit ako.

Pinagdikit nya ang noo namin at hinawakan nya ang gilid ng leeg ko, at ang mukha
ko.

"I want to do it again.." Aniya sa napaka-babang boses. Para syang nang-aakit!


"Again.." Ngumiti ako nang kinagat nyang muli iyon. "..and again.."

Napahagikhik ako. Naramdaman ko ang kamay nyang bumaba sa bandang puson ko, ang
isang kamay nya ay sa bewang ko.

"And again." At hinalikan nyang muli ako. Naramdaman ko ang pagpasok ng dila nya
saakin. He's good at it. Nakakapagtaka na mabilis lamang syang matuto. Nahihiya nga
ako minsan sa kanya dahil pakiramdam ko ay ako ang baguhan saaming dalawa.
Napaungol ako at napahawak ng mariin sa uniform nya. Tumaas ang isa nyang kamay.
Ramdam na ramdam ko iyon sa manipis na uniform ko. Malapit na iyon sa dibdib ko.

What the. Ginagawa talaga namin ito sa garden, huh? Paano kung may makakita?

Tinulak ko sya ng kapusin na ako sa paghinga. Damn. Hindi ko makayanan ang ka-
gwapuhan at ka-hot-an nya. Idagdag pa ang napaka-galing nyang labi!

Ang init! Ang init init. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang buo kong katawan. Mula
mukha hanggang sa pinaka-paa ko.

Nakita ko ang pagpikit nya ng mariin, hindi na sya ulit nakaharap saakin. Kinakamot
nya ang likuran ng ulo nya. "I'm sorry, h-hindi ko sinasadya.."

Hinahabol ko parin ang hininga ko. It's okay. Anong isino-sorry nya? First time
nyang kinagat ang labi ko, ngayon lang din naging needy ang kiss nya. 'Yung haplos
nya.. pati na rin 'yung tagal. Ito ang pinakamatagal. Damn! Hindi ko maisip na
ginagawa talaga namin 'to ni Pierce. At.. halos hawakan nya na ang dibdib ko
kanina!

"So sino nga 'yung babaeng kasama mo sa picture?" Pag-iiba ko ng usapan.

Medyo nagtagal sya dahil medyo hinahabol parin nya ang paghinga nya. Naka-awang ang
labi nya, gusto ko rin iyong kagatin. Ang manipis at mapula nyang labi.

"Maxine Francisco." Aniya. Sa harap parin ang tingin nya.


Napataas ang kilay ko. Iisang tao lang pala iyon. "Iyong pinsan mo rin? Bakit
tumawag sya saakin?"

Inakbayan nya ako at ikinuwento nya saakin na 'yung Maxine daw ay pinsan nga nya ay
galing sa America, kakauwi lang daw, pero nagpapabalik-balik rin. Half cousin nya
iyon. Medyo close daw nya iyon pero mas close daw nun si Klark. Pinagkatuwaan daw
sya nung malaman na may girlfriend na sya.

"May family reunion kami, isasama kita." Ani Pierce at hinalikan ang tuktok ng ulo
ko.

"Ehh? Ayoko nga.." Hindi na nya ulit ako nadala sa bahay nila. Ang huling punta ko
doon ay noong umulan. Hindi pa kami noon. Mas lalo akong mahihiya dahil kami na
talaga ni Pierce ngayon.

Alam kaya ng family nya na kami?

"Tss.." Sabi nya lang.

Tahimik lang kaming nakaupo doon. Alam kong simula na ng klase at alam din iyon ni
Pierce. Hindi na sya nagka-cutting at ngayon lang naman namin gagawin, hindi na
masama.

"Princess.." Tawag nya saakin.


"Hmm..?"

Naramdaman ko ang pagsuklay ng mga daliri nya sa buhok ko habang nakasandal ako sa
dibdib nya at nakapikit.

"Are you.." Humina ang boses nya. "..in love with me already?"

Hindi ako sumagot. Pero hindi na rin ako nagulat sa tanong nya. Alam ko na kasi eh.
Pinikit ko lang ang mga mata ko. Ayokong umamin. Gusto kong sya ang mauna. Paano
kung hindi pa talaga sya in love saakin?

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya matapos nang pananahimik ko.

Siniksik ko lalo ang mukha ko sa dibdib nya. December na bukas. Ilang months na
lang ay graduation na. Three months o four pa. Kami parin kaya ni Pierce hanggang
sa matapos ang highschool? Kung oo, kaya ko kayang mapa-layo sa kanya? Kung hindi
naman..

Ewan ko. Ayoko. Pipilitin ko na kami parin.

"I can wait.." Aniya sa namamaos na tono.

Ngumiti lang ako kahit hindi nya nakikita. Mahal kita, Pierce. It's just that..
it's not yet the right time to say it. Makakapaghintay naman 'yan.
"But I want you to know that I do." Bulong nya. "I love you."

=================

TKP 40

TKP 40

"Nagkiss na ba kayo?"

Nakagat ko ng mariin ang kinakain ko. Hindi ko kasabay si Pierce kumain dahil
hinayaan ko muna syang sumama sa mga kaibigan nya. Isa pa, namimiss ko na si
Loraine. Hindi na kami masyadong nakakapagdaldalan, marami pa naman kaming hindi
napag-uusapan, masyado kasing... clingy si Pierce.

"Hindi pa 'no.." Nag-iwas ako ng tingin. Nahihiya akong sabihin sa kanya. Tahimik
pa naman si Pierce at baka kung sabihin kong nagkiss na nga kami, magtanong pa sya
ng magtanong. Hindi muna ngayon..

Lumaki ang mata nya na para bang nagulat pero bigla rin syang ngumiti.

"Hmmm." Sabi lang nya at kumain. Hindi sya naniniwala.

Nangiti lang ako nang maalala ang kiss namin noong isang linggo ni Pierce.
Nakakakilabot kapag iniisip. Ang sarap halikan ng labi nya. Ang lambot at ang
nipis. Kissable lips rin kaya ako? Nasisiyahan rin kaya sya sa mga kiss ko?

Humalumbaba ako at napakapa sa bulsa ko nang maramdaman ko iyong nagvibrate.

Nakita kong may text doon si Clinton.

From Clinton:Miss, di ka yata kasama ni pierce? :)

Nagtaka ako sa panay na pagte-text ni Clinton. Anong kailangan nito saakin? Dati
hindi naman nya ako gusto ah. Nakiki-close na ba sya ngayon? Ngumiwi ako bago
magtype.

To Clinton:Kasama ko bestfriend ko. Ano ginagawa ni pierce?


Wala pang isang minuto ay nagreply na sya.

From Clinton:Wala. Ako di mo ba tatanungin?

Napangiwi ulit ako sa text nya. So tina-try nya talaga akong i-close ngayon. At
bakit naman? Ano naman kayang balak ng isang 'to?

To Clinton:Oh, ano ginagawa mo?

Nakipagkwentuhan ako kay Loraine. Kinuwento nya saakin ang boyfriend nyang si Enzo
na wala raw kwenta.

"Tangina nya. Wala syang kwenta. Ni hindi na nga nagtetext saakin, girlfriend pa
kaya ako ng hayop na 'to. Sht lang, ah?" Galit na sabi ni Loraine. Nakamot ko ang
tuktok ng ilong ko habang natatawa sa pagmumura nya.

Humalumbaba ako. "Diba may nangliligaw naman na sa'yo? Bakit hindi na lang 'yun?"

Umirap sya. "Madaling sabihin para sa'yo." Nakita ko ang malungkot nyang mata.
"Mahal ko si Enzo."

Tumango na lang ako. Maya-maya ay biglang umusok 'yung ilong nya habang hawak nya
ang phone nya. Naibato nya ang hawak na pagkain.

"Tangina kasi eh! Feeling ko wala akong kwenta. Alam mo 'yun, Cess? Ako palagi
'yung unang nagte-text, ako palagi unang nagsosorry sa kanya tuwing nag-aaway kami!
Kapal kapal ng mukha! Tapos ngayon, ang tagal magreply, at ang sasabihin nya lang
ay 'haha' wow!" Nakita ko ang medyo nagtutubig nyang mga mata.

Nakaramdam agad ako ng awa at hindi na ako komportable sa inuupuan ko. Patagal kasi
ng patagal ay lalong lumalala si Enzo.

"Shh.. h'wag mo na lang kayang i-text? Hayaan mo sya! Paghabulin mo! Ang ganda-
ganda mo tapos nagpapakatanga ka lang sa kanya? Tsk, mga lalaki oh.." Hinawakan ko
'yung mga daliri nya sa kamay.

Ngumuso lang sya habang nakasimangot. Mangiyak-ngiyak na talaga sya at pinipilit


nyang hwag umiyak.

"H'wag kang iiyak. Hindi iniiyakan 'yung mga ganyan. I-break mo na." Matigas na
sabi ko.

Hindi sya sumagot at para syang nag-iisip mabuti. Nagvibrate ang phone ko at may
text ni Pierce at ni Clinton.

From Pierce:Sunduin kita, nasan ka? Wala daw tayong next subject

To Pierce:Wait lang. Kami na lang pupunta dyan ni loraine.

Binasa ko ang text ni Clinton.

From Clinton:Wala. Boring nga eh. Saan ka ba? Sana nandito ka na lang.

Nalaglag ang panga ko sa text ni Clinton. Hindi ako tanga pero.. nilalandi nya ba
ako? No way, boyfriend ko ang kaibigan nya eh. Alam nya ba ang ginagawa nya? Tsk.
Clinton naman oh!

Hindi ako nagreply sa kanya. Parang nagbago tuloy ang isip ko na puntahan sila
Pierce. Kasama nya panigurado sila Clinton. Ang awkward nito, katext ko si Clinton!
Akala ko pa naman ikino-close nya lang ako. At sinabi nya saakin na sana nandoon
ako. Bakit naman nya sasabihin 'yun?

O baka naman ganun lang talaga ai Clinton? Ahhh! Nakakainis naman. Sana pala hindi
ko na lang sya nire-replyan kahit na mapangit naman kung ini-isnob ko sya. Kaibigan
parin sya ni Pierce eh.

"Maghanap ka na lang ng iba." Sabi ko sa kanya, nahuli ko syang nakatingin sa isang


babaeng dumaan. Si Chin. Iyon yata ang kinaiinisan nya dahil masyadong close daw
kay Enzo. Ah! Marami syang kinaiinisang babae, malapit kasi si Enzo sa babae.
Walang problema kung sa malapit lang eh, ang problema, halata namang may halong
landian.

"Kung meron lang ay!" Malungkot na sabi nya.

Tumawa ako. "Madami dyan. Mga kaibigan lang ni Pierce, may mga itsura na." Ngumisi
ako.

Umirap sya. "Correction, mga gwapo sila. Pero--" Nag-isip sya bigla. "Ayoko, wala
akong type sa kanila."

Tumawa lang ako ng hindi naniniwala. Masyado talaga syang in love kay Enzo. Mga
babae talaga, mahilig magmahal ng mga taong walang pakialam sa kanila. Bakit ganun?
Kung sino pa 'yung mukhang hindi ka talaga mahal, sila pa 'yung minamahal mo.

"Akala ko ba si Yvo?" Tumawa ako. "Tara, pinapapunta ako ni Pierce doon eh."

Sumimangot sya. "Crush ko lang si Yvo.. alam ko namang hindi nagseseryoso sa buhay
'yun eh. Tska kung sa pagbo-boyfriend, hindi si Yvo ang hanap ko."
May bigla akong naisip. "Hmm.. May kilala ako! Type mo 'yung Clinton?"

Kumunot ang noo nya. "Baliw ka ba? Jino-joke lang kita. Boyfriend ko parin si Enzo
'no! Kung hindi sya loyal saakin, at least alam nyang loyal ako sa kanya. Hindi ako
nagkulang. Kaya tumigil ka na sa pagpapahanap saakin ng iba. We will work this
out." Kumindat sya. Kanina lang, maiyak iyak sya eh.

"Pero lumalabis ka naman." Umiling iling ako.

Hinatak ko na sya at nagpahatak naman sya kahit na medyo nagpapa-bigat pa.

"Hmm, maybe. Pero ano naman kung labis nga ako, kung sa bandang huli naman worth it
sya." Ngiting ngiting sabi nya.

"'Yun ang masakit. 'Yung nagbigay ka ng matinding efforts, umasa ka na magiging


worth it, pero sa bandang huli, worthless lang din pala. Wala din." Malungkot na
sabi ko.

Nanahimik sya habang naglalakad kami. Para bang nasaktan sya sa sinabi ko. Na-
guilty tuloy ako bigla.

"Hindi naman masama kung makikipag-flirtan ka? Tutal iyon din naman ang ginagawa ng
'boyfriend' mo eh." Sabi ko na lang. Sana maintindihan nya na ayoko na sa Enzo na
'yun.

Napaisip tuloy ako. Buti na lang hindi malapit si Pierce sa babae.

"Hmm.." Aniya, hindi sumasang-ayon.

"Try mo 'yung Clinton. Mukhang masungit pero mabait naman 'yun." Nakagat ko ang
labi ko. "Sya naman 'yung tipong nagseseryoso."

Hindi lang sya sumagot pero pakiramdam ko ay pinag-iisipan nya naman. Hindi ko
nilalason ang utak nya, pero binibigyan ko sya ng choice. Ilang beses na syang
halatang niloloko ni Enzo pero patuloy lang nya iyong pinagbibigyan. Bakit kasi
sobrang mahal nya si Enzo eh.

Nang makarating kami sa court ay nakita ko si Pierce na nakaupo sa gilid, katabi


nya sila Clinton. Si Yvo at Paris ay nagbabasketball. One on one. Walang masyadong
tao pero may mga nagkalat parin kahit papaano.

Si Pierce ay chine-check ang phone nya, samantalang ang katabi nyang si Clinton ay
nakatingin sa amin ni Loraine. Diretso.. sa akin. Kinilabutan ako doon.
"Nakatingin dito si Clinton oh.." Bulong ni Loraine saakin. Siguro ay sinusubukan
nyang tignan si Clinton ngayon sa ibang way dahil sa sinabi ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang makarating kami doon ay hindi na nakatingin si


Clinton. Pinapanuod nya na sila Yvo. Nakatukod ang magkabilang kamay nya sa
dalawang gilid nya. Si Pierce naman ay tinapik ko noong nandoon na kami, nakatutok
kasi sya sa phone nya at nakakunot pa ang kilay nya. Problema nya?

"Busy ah? Sinong katext mo?" Biro ko sa kanya.

Umirap sya. "Ikaw. Sabi ko susunduin kita, diba?"

Ang sungit naman. Pinausog ko sya at umusog naman sya. Tumabi ako sa kanya at
hinatak ko si Loraine sa tabi ko, at sa tabi ni Clinton.

"Grabe ka. Nasa school lang tayo. Para namang may mangyayari saking masama." Tumawa
ako at ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib nya. Bango talaga ng boyfriend ko.

Natahimik lang sya doon. Nanatili lang ang ulo ko sa dibdib nya habang pinapanuod
sila Yvo. Pawis na pawis na sya habang seryosong nagdi-dribble ng bola.

"Pierce, magaling ka magbasketball diba?" Bigla kong nasabi. Wala kasi akong
masabi.

"Bakit?" Tanong nya.

Naramdaman ko ang kamay nyang humaplos sa buhok ko sa likod. Inaayos nya iyon.
Napangiti ako at kinilig sa simpleng galaw nya. Sana palagi nya iyong ginagawa. I
don't know. Pakiramdam ko ay ingat na ingat sya sa buhok ko.

"Wala lang. Cute mo kasi." Tumawa ako at hinawakan ang isang kamay nyang hindi
nakahawak sa buhok ko.

Pinagpantay ko iyon at mas malaki ang kamay nya. Ang lambot lambot naman ng palad
nya. Parang walang ginagawa eh.

"Liit ng kamay mo." Puna nya.

"Masama kung lumaki 'to, eh hindi naman ako kalakihan.." Sabi ko habang patuloy na
pinagpapantay ang kamay namin. Bigla nya iyong pinag-sama at hinalikan nya ang
likod ng kamay ko.

Tumawa sya. "Ano bang height mo?"


"5'1 yata eh, ikaw ano ba height mo?" Sikreto kong inamoy ang pabango nya. Ang
bango talaga nya.

"5'9? I'm not sure."

"Ganun? Tatangkad pa kaya ako? Ano bang gusto mong height sa babae?"

Narinig ko ang pagtawa nya ng mahina. Tapos ang lakas ng tibok ng puso nya! Ang
sarap pakinggan.

"'Yung mga 5'1." Tapos tumawa pa sya.

Kinurot ko sya sa braso. Niloloko nya na naman ako. Binaon ko lalo ang mukha ko sa
dibdib nya. Nakaka-adik ang amoy nya!

"Wanna play basketball?" Tanong nya malapit sa tainga ko.

Hindi ako 'yung tipo ng babae na gustong matuto ng basketball, pero parang gusto ko
yata matuto ngayon. Kung si Pierce ba naman ang magtuturo eh.

"Sure!" Masayang sabi ko at dumiretso ng upo. Nakita ko si Loraine na medyo malayo


lang ng kaunti saakin, kausap nya si Clinton. Nahuli ko pa si Clinton na sumulyap
saakin.

Nag-iwas rin agad ng tingin si Clinton. Sya ang nagpa-awkward nito para saamin!
Bakit sya magtetext ng ganun?

Biglang tumingin saakin si Loraine. Nginisian ko sya at ngumiti lang sya pabalik
saakin. Hindi naman sya mukhang kinikilig, baka sinungitan ni Clinton? Mukha kasing
ayaw makipag-usap ng lalaki na 'yun.

"Yvo!" Tawag ni Pierce kay Yvo na naka-upo sa flooring habang hinihingal. Katabi
nya ang bola. Sinenyasan ni Pierce si Yvo at maya-maya lang ay inihagis na ni Yvo
ang bola kay Pierce.

Nang masalo iyon ni Pierce ay ini-lapag nya iyon sa tabi nya.

Hinawakan ni Pierce ang kamay ko para tulungan ako sa pagtayo. Pumunta naman sya sa
likod ko na ikinataka ko. Naramdaman ko ang kamay nya na inayos ang buhok ko.
Iniipon nya iyon papunta sa gitna.

"Iipitan mo 'ko?" Natatawang sabi ko.


Hindi sya sumagot, inayos nya pa lalo ang buhok ko at kinuha ang ipit ko sa wrist
ko. Sinuklay nya iyon gamit ang mga daliri nya. Nang matapos nya akong ipitan ay
naramdaman kong medyo loose iyon pero hinayaan ko na lang.

"Marunong ka palang mag-ipit." Tukso ko at tumawa.

Tumango sya. "Long hair ako dati."

Nagulat ako dahil hindi ko iyon ma-imagine. Bigla syang tumawa.

"Just kidding." Tapos ay bigla nya akong biniro na ipapasa nya ang bola saakin pero
hindi pala kaya napa-atras ako dahil akala ko ay tatamaan ako sa mukha.

Humalakhak sya sa reaksyon ko.

"Bwisit ka!" Sigaw ko sa kanya at aatakihin sana sya ng kurot pero lumayo na sya
agad habang nagdi-dribble.

Tawang-tawa ako habang hinahabol ko sya. Hindi naman sya gaanong lumalayo saakin.
Nagdi-dribble sya at pinapa-agaw saakin ang bola. Imposible namang makuha ko sa
kanya! Matangkad sya saakin at mabilis syang kumilos. Isa pa, anong alam ko sa pag-
agaw ng bola?

"Try mo magshoot."

Lumapit sya saakin at binigay ang bola.

Pumunta sya sa likod ko. Hinawakan nya ang bewang ko. Inayos nya ng kaunti ang
posisyon ko at ramdam ko ang katawan nya sa likod ko. Damn, Pierce.

"PDA!!" Sigaw ni Yvo sa gilid.

Nahiya ako bigla, nanonood pala sya.

"Shoot." Utos nya saakin.

Hinagis ko ang bola, pero hindi iyon na-shoot. Masyadong kulang. Ni hindi tumama sa
ring.

Nagjog si Pierce papunta sa bola. Lumapit ulit sya saakin habang natatawa.

"Ang cute mo magshoot." Aniya at tumawa.


Nakagat ko ang labi ko. "Ang bigat kasi eh. Bakit ganyan? Parang ang hirap naman
ihagis."

Naka-ilang subok ako. Naawa ako kay Pierce na pabalik-balik para lang kuhanin ang
bola at ibigay saakin.

"Ayoko na, 'di ko naman kaya." Sabi ko.

Tinignan ko ang gwapong mukha ni Pierce na ngayon ay pawisan na. Ang gwapo naman
nito! Malinis man, o magulo ang ayos nya, gwapo pa rin!

"Pag na-shoot ko 'to, may kiss ako mamaya?" Nakatingin sya saakin habang
pinapatalbog ang bola. Ngumisi sya. Bakit ang gwapo nya magdribble?

"Kahit naman hindi mo mai-shoot 'yan, may kiss ka parin." Tumawa ako at bigla akong
nahiya sa sinabi ko.

Nakagat nya ang labi nya at mula sa pagtingin sa bola ay tumingin sya ulit saakin.
Ngumiti sya at nakita ko ang pagpula ng pisngi nya. Nag-iwas sya ng tingin. "Then
Let's have a date later?"

Ngumiti na lang ako at tumango. Shinoot nya ang bola at na-shoot 'yun. Grabe, bakit
ang galing ng mga lalaki sa pagshu-shoot? Samantalang ako ay hindi ko magawa.
Tsambahan yata 'yun. Papalakpak na sana ako kaso narinig ko ang hiyaw ng mga
babaeng nagdaan.

Pagtingin ko kay Pierce ay nakangiti na sya ng matagumpay. Damn. Ang gwapo nya
kapag ngumingisi! Nagjog sya papunta sa bola. Hinawakan na lang nya ang bola sa
kamay nya at sa bewang nya pabalik saakin.

Narinig ko na naman ang hiyawan ng mga babae. Damn! Para namang kasing model si
Pierce! Pangmodel na nga ang katawan, pangmodel pa ang lakad at ang gwapo-gwapo pa!

"Mamaya 'yung kiss ko ah." Bulong nya at inakbayan ako.

Naglakad kami pabalik sa upuan. Nakita kong tumayo si Clinton. May seryoso syang
mukha. Umalis sya at hindi man lang nagpaalam kahit sa mga kaibigan nya.

Tinignan ko si Loraine. Nagkibit balikat lamang sya. Nang mabakante ang upuan sa
tabi nya ay tinabihan sya ni Paris.

Nagvibrate ang phone ko. Malakas ang kutob ko na si Clinton iyon. Tsk. Medyo lumayo
ako kay Pierce habang binubuksan ko ang phone ko. Kasulukuyan naman syang umiinom.
From Clinton:Why do i feel hurt about something i shouldnt be hurt about?

Nawalan yata ako ng hininga sa nabasa. Anong nangyayari sa'yo, Clinton?

Noong dumating ang hapon ay inaya ako ni Pierce na magdate kagaya ng sinabi nya
kanina. Sinang-ayunan ko iyon at masayang sumama sa kanya. Hinatid lang kami ng
driver nya sa pupuntahan namin.

Nang makababa kami ay kinausap lang ni Pierce sandali ang driver nya habang
tinitignan ko ang paligid. Napangiti ako nang maramdaman ang malakas at malamig na
hangin, anong oras na rin kasi.

Matapos kausapin ni Pierce ang driver nya ay kumuha sya at nagbayad sa lalaki sa
gilid. Nagrent sya ng dalawang bike.

Tinulungan nya akong sumakay sa bike ko, kahit na kaya ko naman. Matapos ay sya
naman ang sumakay.

Nauna akong umandar at nakasunod lamang sya saakin. Ahhh. Ang sarap ng hangin!

"Sino 'yung Lucas na ka-chat mo?" Tanong ni Pierce, mabagal lamang ang andar namin.

Lumingon ako sandali sa kanya, tinanaw ko ang mga alon ng dagat sa malayo na kanina
ko pa naririnig na humahampas.

"Wala 'yun. Bata satin 'yun ng dalawang taon." Sabi ko lang.

Hindi sya doon sumagot. 'Yung Lucas kasi ay ka-schoolmate namin na ilang beses nang
nagchat saakin. Wala lang naman iyon. Hindi ko naman nire-replyan dahil hindi ako
interesado at syempre, may boyfriend na ako. Pero cute iyon, crush nga iyon ni
Loraine.

"Dapat kasi inu-unfriend mo na 'yung mga ganun." Seryosong sabi nya.

Nakagat ko ang labi ko at natawa. Ang cute talaga nya. Nagseselos na naman sya.
Hay, ang cute cute.

"Ikaw ba, kapag china-chat ka, inu-unfriend mo?" Tawa ko sa kanya.

Narinig ko ang iritadong pagngisi nya. "Hindi. Pero hindi naman ako nagcha-chat
pabalik."

"Hindi din naman ako nagcha-chat pabalik ah?" Depensa ko.


"Hindi raw.." Pikong sabi nya. "Kaya pala, 'Hello rin, hehe' Tss!" Ginaya nya pa
ang boses ko kahit na nabasa lang naman nya iyon. At saka, si Loraine ang nagreply
doon nung nakita nya sa phone ko.

Natawa ako kasi naalala nya pa iyong exact words na nasa chatbox namin nung Lucas.

"Iyon lang! Eh bata naman 'yun, kaya wala lang. Friendly lang siguro.." Sabi ko at
tumawa. Hindi ko sinabing si Loraine ang nagreply doon dahil ang sarap nyang
panuorin kung magselos.

"I-unfriend mo 'yun." Parang bata na sabi nya. "Crush mo yata eh.."

Humalakhak ako. Para talaga syang bata. "Hmm, konti. Cute kasi." Pang-aasar ko
kahit na hindi ko naman talag type si Lucas.

Naasar sya. Hindi na sya sumagot doon.

"Hoy, joke lang!" Tawa ko at binilisan ko rin sa pag-padyak dahil bigla syang
bumilis.

Nang makarating kami sa malapit sa dagat ay bumaba na kami ni Pierce ng bike.


Pumunta sya sa isang maliit na cottage.

Nang makapasok ako doon ay nagulat ako dahil may nakahandang iba-t ibang klase ng
pagkain! My Goodness! Don't tell me hinanda nya ito? Oh my god. Hindi ko ito ine-
expect mula sa kanya!

"Ikaw ba naghanda nito-- para satin 'to?" Namamanghang sabi ko. Si Pierce pa talaga
ang naghanda ah?

Nakita ko ang pamumula ng pisngi nya. "T-tinulungan ako ni Maxine.." Aniya at


hinatak ang upuan para saakin.

Umupo ako, kaharap sya at tinignan ang mga pagkain. Bigla akong nagutom. "Mukhang
mabait 'yung pinsan mo ah.." Ngiting ngiting sabi ko.

Nagkibit balikat sya. "She likes you."

Kumunot ang noo ko. "Huh? Kilala na ba nya ako?" Gulat na tanong ko.

Tumango sya. "Pinakita ka sa kanya ni Kret, 'yung mga pictures mo. Nagkwento ng
nagkwento si Kret tungkol sa'yo..." Tumawa sya. Kita ang ebidensya ng saya sa mga
mata nya. "Kret loves you."
Nakagat ko ang labi ko at ngumiti ng masaya. Wala na yatang mas sasaya pa dito.
Wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam. Para bang perpekto na ang lahat.

"Kain na tayo." Yaya ko sa kanya.

Matapos nang matagal naming pagkain, lumabas kami ni Pierce. Pinakiramdaman ko ang
malamig na hangin pati na rin ang buhangin sa paa ko, tinanggal na kasi namin ni
Pierce ang sapatos namin.

Napatitig ako sa madilim na kalangitan. Maagang nagdilim dahil malapit na magpasko.

Umupo si Pierce sa buhanginan at nilahad nya ang kamay nya saakin. Inabot ko iyon
at umupo sa pagitan ng dalawang hita nya. Naramdaman ko agad ang katawan nya pati
na rin ang biglang pagyakap nya saakin mula sa likod. Hmm, just how I like it.

Tumitig lang ako sa kalangitan habang nakasandal sa dibdib nya. Hinihipo ko naman
ang anklet ko habang nangangarap. Pumikit ako habang nakangiti. I love you, Pierce.
Ang saya saya ko sa'yo.

"Isang buwan na tayo.." Bulong nya. Nakadukdok sya sa balikat ko.

Nanlaki ang mga mata ko. December 8 ngayon!? Hindi ko iyon naalala! "O-one month na
tayo?" Gulat na sabi ko. Fck. Ang tanga, bakit kinalimuta ko?

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya, mukha naman syang hindi galit.

"God, sorry nalimutan ko. Happy first monthsary, Pj!" Gusto kong maiyak! Ang tanga
ko! Bakit nalimutan ko 'to!

Tumawa lang sya at hinalikan ako sa pisngi. Mamaya-maya ay uuwi na ako. Hindi ako
pwedeng gabihin. Tsk, ano ba naman kasing katangahan 'to. This day is important.
This date should have been more special, dapat nalaman ko agad!

"Sana ganito parin tayo after ilang years 'no..?" Sabi ko habang nilalaro ang
buhangin sa palad ko.

Naramdaman ko ang init ng hininga nya sa leeg ko. "What?"

"Sana tayo parin." Bulong ko.

Matagal bago sya nakasagot ulit.

"Tayo parin." Aniya. Mukhang nalilito ang boses nya sa sinasabi ko. At para bang
buong buo ang pagkakasabi nya nun, na parang walang titibag.

Tumawa lamang ako. "Hmm.." Sabi ko na lang.

"Tayo parin, Princess. Tayo parin hanggang huli." Aniya. Seryoso ang boses nya pero
naamoy ko ang takot.

Hindi ako sumagot at tumango. Ayokong magsalita ng tapos eh. Mas lalo kasing hindi
nasusunod.

"Tayo lang hanggang huli huh?" Sabi nya. Na para bang sinisigurado nya. Para bang
pilit nya iyong sinasabi sakin para sumagot ako at magsalita.

Hindi ako sumagot. Syempre gusto ko. Pero hanggang kailan ba talaga 'to? Masyadong
mapaglaro ang tadhana. Ayokong mangyari na, masyado nya kaming pahulugin ni Pierce
sa isa't-isa kung hindi lang rin naman kami sa huli.

Okay na 'yung ganito. 'Yung may feelings kayo para sa isat isa pero alam mong hindi
masyadong malalim. Okay na 'yung ganito na pinaparamdam ko sa kanya kung ano ang
pakiramdam ng love. Kasi alam kong nagtataka pa sya at alam kong maaaring curious
lang rin sya. At least sa susunod na.. magmamahal sya, mas ibibigay nya. Mas
ibibigay nya ang sarili nya. At mas masisiyahan sya sa second time, dahil malalaman
nya na may mas hihigit pa palang tao na kayang iparamdam sa kanya ang totoong
meaning ng love.

Pero ang sakit isipin ng lahat ng 'yun ah? Hindi sa gini-give up ko agad ang
relasyon namin. Tumitingin lang din ako sa posibilidad dahil walang mangyayari kung
iisipin mo na lang na kayo talaga hanggang huli. Pinakamahirap ang umasa.

"Princess.." Tawag nya sa pangalan ko dahil ayokong sumagot. Dinukdok nya ang mukha
nya sa leeg ko. "Don't be like that. Don't act like you don't want to be with me..
please.." Pahina ng pahina ang boses nya.

Napasinghap ako doon. Hindi iyon 'yun Pierce. "Ano ka ba? Syempre gusto ko 'no!"

Tahimik sya at maya-maya ay nagbuntong hininga.

"Akala ko lang kasi." Sagot nya at malungkot ang boses nya. "Promise me, na
hanggang huli tayo.."

Bakit ganyan ka kung magsalita, Pierce? Para bang siguradong sigurado ka sa


feelings mo. Para bang hindi na tayo bata kung magsalita ka. Ganyan ba katindi ang
pagmamahal mo saakin? Hindi naman diba? Siguradong hindi pa matindi 'yan.

Napatingin ako sa langit. Nakita kong may dumaang shooting star at napangiti ako.
"Sana." Hiling ko at sagot ko na rin sa kanya. Pumikit ako.

But we're too young, Pierce. 16 lang tayo. Highschool lang. They said highschool
lovers can't really make it until the end.

=================

TKP 41

TKP 41

Habang nakasakay ako sa sasakyan nila Pierce, nakaunan lang ako sa dibdib nya.
Syempre, gusto ko pang magtagal na kasama si Pierce pero hindi pwede dahil
mapapagalitan ako ni mama. At ayaw din naman ni Pierce na gabihin ako, kaya sya na
rin ang nag-aya.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Nang kuhanin ko iyon para tignan ay
naramdaman ko si Pierce na nakatingin rin sa phone ko.

From Loraine:

I dont know what to do na. Please, princess answer my call. 

Nagulantang ako sa text nya at marami rin pala syang tawag saakin na hindi ko
nasagot dahil magkasama kami ni Pierce kanina. Ngayon ko lang iyon nakita.
To Loraine:

Uy, anong nangyari sayo?

Bigla syang tumawag. Nakita ko si Pierce na nakatingin. Pinakita ko sa kanya na si


Loraine ang tumatawag. Sinagot ko iyon agad.

"Loraine?"

"Cess.." Humikbi sya. "Nahuli ko na sya! Nahuli ko na!" Iyak sya ng iyak. "Nakita
ko na talaga this time! Putangina ang tanga tanga ko!" Narinig ko ang garalgal
nyang boses.

"Loraine, kalma ka muna. Pupunta ako dyan, okay?"


Suminghot lamang sya at hindi na nagsalita. Kinabahan ako para sa kanya. Ang
lungkot lungkot ng boses nya at halatang nasasaktan. Ayaw kong maramdaman nya yung
pakiramdam na walang karamay. Kasi sobrang hirap. Pinatay ko na ang phone ko. 

"Pierce, sa bahay ako nila Loraine muna."

Kumunot ang noo nya. "What? Hindi pwede. Anong oras na."

Umiling ako habang tinitignan ang daan na malapit na kila Loraine. 7:00 palang. 

"Uuwi rin agad ako."

"Tsk, hindi pwe--"

"Please, Pierce! Hwag ngayon! May problema ang bestfriend ko!" Sigaw ko sa kanya.
Ni hindi ko sya matignan dahil panay ang tingin ko sa labas.
Natahimik sya doon. "Anong oras ka uuwi? Susunduin kita."

"Hwag na Pierce. Please naman." Sabi ko at napahawak sa noo ko. Ang kulit naman.

"I won't let you. It's too damn late!" Aniya na pilit akong pinagtataasan ng boses.

"Magpapahatid na lang ako sa sasakyan nila Loraine. 7 palang naman! Pierce naman!"
Iritadong sigaw ko. Walang sasakyan sila Loraine pero wala na akong magawang
excuse. Isa pa, nalagpasan na namin ang bahay nila Loraine.

Hindi parin sya kumbinsido pero wala na syang nagawa. Masyado akong nagmamadali.
Sinabi ko sa driver nya na ibaba na lang ako sa tabi pero ang makulit na si Pierce
ay pinabalik pa ang sasakyan para ihatid ako sa mismong bahay nila Loraine.
Nakakahiya tuloy sa driver.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Loraine ay agad kong pinihit ang
pinto ng sasakyan ngunit biglang hinawakan ni Pierce ang kamay ko.
"Go home early, okay?" Maamong sabi nya.

Nakagat ko ang labi ko. Tumango na lamang ako. 

Tatalikod na sana akong muli sa kanya pero bigla syang lumabi. 

Alam kong hindi ito ang oras para ma-cute-an sa kanya ngunit-- damn. Ang cute nya!

"Wala ba akong kiss?" Kumurap sya at nagkamot ng ulo.

Natawa ako. Napahawak ako sa noo ko dahil mukhang wala syang pakialam sa
nangyayari, mukha ba akong hindi namo-mroblema kay Loraine?
"Pierce, nagmamadali ako." Mahinang sabi ko sa kanya.

Kumurap sya na para bang hindi nya naintindihan ang sinasabi ko. Mula sa cute at
inosente nyang mukha ay bigla syang naging seryoso at sumandal. Hindi na sya
tumingin saakin.

"Psh," Masungit na bulong nya.

"Tss.." bulong ko at lumapit na lamang para halikan sya sa pisngi. "Opo, uuwi po
ako ng maaga." natatawang sabi ko.

Nakagat nya ang labi nya at tumango na lamang, hindi parin tumitungin saakin.
Natawa ako kasi parang hindi halik sa pisngi ang gusto nya. Lumabas na ako ng
sasakyan.

Nang makalabas ako ng sasakyan ay bumaba naman ang bintana nya. 


"I'll text you so keep on checking your phone." Aniya. Masungit parin.

Natawa ako. "Oo na."

Tumikhim sya. "Alright, pumasok ka na." Utos nya. Sungit!

Lumapit ako sa kanya at medyo yumuko. Kumunot ang noo nya sa paglapit ko. Hinawakan
ko ang pisngi nya at hinalikan sya sa labi. Nagtagal iyon ng ilang segundo bago ako
bumitiw.

Naabutan ko pang nakapikit ang mga mata nya. Nang dumilat sya ay namula sya at
dumiretso ng upo. Ngumiti na sya. Sa wakas ay ngumiti rin sya!

"P-pumasok ka na.." Aniya, hindi makatingin saakin.


Tumango ako. Ngiting-ngiti. "Okay, I love you." sabi ko at ngumisi sa kanya.

Sya naman ay parang nakakita ng multo dahil lang sa sinabi ko. Pumasok na ako ng
bahay nila Loraine at hindi na naghintay sa sagot nya.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ng kwarto ni Loraine ay nagvibrate na ang phone ko.

From Pierce:

Damn it

Napangiti ako at nakagat ko ang labi ko. Nagtext sya ulit agad.

From Pierce:

I love you more. Damn, i love you most.


Ibinulsa ko ang phone ko at hindi na nagreply. Walang tao sa bahay nila. Wala naman
kasing madalas na tao dito.

Nakita ko si Loraine na nasa gitna ng kama nya, umiiyak habang may nakatabi sa
kanyang isang box ng tissue. Kita ko ang pagtaas baba ng balikat nya. Umiiyak sya
ng tahimik.

Nilapitan ko agad sya at nang maramdaman nyang nandoon na ako ay tumingala sya
saakin at inilahad agad ang braso nya para yumakap. 

"Shhh.." Pagpapatahimik ko sa patuloy nyang pagiyak. Niyakap ko sya ng mahigpit.


"Loraine.."

Humikbi lang sya ng humikbi. Hindi ko agad sya pinilit na magsalita. Hinayaan ko
lamang na nakayakap sya saakin. Kitang kita ko ang namumugto nyang mga mata. 

"N-nakita ko sya Cess.." Halos pumiyok sya.


Tahimik lamang ako habang hinahagod ang likod nya. 

"Pinuntahan ko sya sa bahay nya. Nakita ko, kasama nya si Chin. S-silang dalawa
lang tapos ang ikli-ikli ng suot ni Chin.."

Nakagat ko ang labi ko at nakaramdam ng matinding pagkagalit para kay Enzo at kay
Chin.

"Nakaupo sila sa sofa ng magkadikit na magkadikit! Nakaakbay pa si Enzo sa kanya!"


Lalong bumuhos ang luha nya.

Tahimik parin ako.

"Putangina, Princess eh. Puta, hayop. Ang sakit sakit pala." Lalo kong hinigpitan
ang yakap sa kanya. "Nung una, hinala lang. Shit, ang sakit sakit nung nakita ko
na!"
"Alam mo 'yung mas masakit? Nung nakita nya ako, nagulat lang sya na nandoon ako!
Hindi sya tumayo..." Patuloy ang pagpahid nya sa luha nyang tila hindi na yata
titigil. 

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko pero hindi ko iyon pinansin.

"Sinampal ko sya, Cess! Sinampal ko silang pareho." Umiyak ulit sya at hikbi sya ng
hikbi. "Ang sakit ng kamay ko!"

Napahawak ako sa noo ko dahil hindi ko malaman ang gagawin sa kanya. 

"Pero tangina nya talaga! Tinulak nya ako, Cess! Kinaladkad nya ako papalabas sa
bahay nila! Hindi pa kami break ah? Ha ha! Tapos, tapos ako yung nakipagbreak nung
nasa labas na kami.. Nakipagbreak ako habang umiiyak sa kanya.. Nakipagbreak ako
habang nakikiusap sa kanya.." Pahina ng pahina ang boses nya. "Pero shit? Pumayag
lang sya at pumasok na sa loob."

Napanganga ako. "God.." Hindi ako makapaniwalang ganun katindi si Enzo. Mas matindi
pa sya kay Kharl!
"Cess.. Hindi ako nagkulang ay.." Umiling iling sya. "Binigay ko lahat. Binigay ko
lahat lahat ng meron ako. P-pati yung sarili ko binigay ko.." Pumiyok sya. 

Lumaglag ang panga ko. "Hindi.. anong ibig mong sabihin?"

Yumuko sya at kitang kita ko ang pagsisisi sa mukha nya. "Sinuko ko sa kanya Cess..
ang tanga tanga ko.."

Tuluyan ko nang hindi naisara ang bibig ko sa gulat. Nabitawan ko sya at napahawak
sa bibig ko. 

"Loraine naman eh.." Naiyak ako. Hindi ko aakalaing nagawa nya yun. At nagawa nya
pa sa taong iiwan lamang sya ng ganun kadali.

Sobrang galit ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung mas matindi pa ang galit na
nararmdaman ko ngayon kesa sa nararamdaman ko noon kay Kharl.
Niyakap ko lang sya ng mahigpit. Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko
sa kanya. Ayoko syang pagalitan dahil hindi ngayon ang tamang oras para doon. 

Iyak lamang sya ng iyak. Nalulungkot ako para sa kanya. Samantalang ako,
nagpapakasaya lang kanina. Hindi ko man lang narinig ang phone ko na nagriring.
Lagi lang kasing naka-silent iyon lalo na pag kasama ko si Pierce.

Naglabas pa ng himutok saakin si Loraine at pinakinggan ko lamang sya. She needs


it. Iyon lang naman ang mahalaga, ang mailabas mo.

"C-cess, anong oras na baka pagalitan ka pa sa inyo.." Nagaalalang sabi ni Loraine


habang namumugto parin ang mga mata nya. 

Napatingin ako sa orasan at 10:00 na. Hindi naman ako papagalitan lalo na kung
sasabihin kong nanggaling lamang ako kila Loraine. 
"Okay lang, ano ka ba." Sabi ko at kinuha ang trash can para ilagay doon ang mga
nagamit nyang tissue.

Hindi rin nagtagal ay nakatulog na si Loraine. Tinignan ko ang maganda nyang mukha.
Namumutla sya, namumula ang ilong nya at mukhang wala syang tulog. Nilagyan ko sya
ng kumot bago ako lumabas ng kwarto nya. Nilock ko na rin ang pinto nila sa labas.

Agad kong inilabas ang phone ko at nagbasa ng mga text ni Pierce. Ayoko namang
gamitin ang phone ko kanina habang kausap si Loraine. Gusto kong maramdaman nya na
nandoon lamang ako at walang ibang nakakakuha ng atensyon ko.

From Pierce:

Anong oras na princess

Iyon ang pinakahuli nyang text na 3 minutes ago lamang. Binasa ko pa ang ibang
nyang mga text habang naghihintay ng sasakyan.

From Pierce:

I will fetch you alright?


Nagtext na ako kay Pierce. 

To Pierce:

Im hooome ;) kanina pa. Sorry may nilinis lang sa kwarto. 

I lied. Sorry, ayoko lang pag-awayan namin na anong oras na ay hindi pa ako
nakakauwi, at sinasabi nya pang susunduin nya ako. Pwedeng pwede nyang gawin yun
dahil may motor sya, ngunit delikado na at ayoko nang mang-abala pa. Isa pa, pagod
ako para pag-usapan pa namin to.

Maya maya ay biglang nagvibrate ng matagal ang phone ko. Tumatawag si Pierce.
Nanlaki ang mata ko at hindi ko alam ang gagawin. Hala malalaman nyang wala pa ako
sa bahay kapag sinagot ko to. Rinig kasi ang ingay ng sasakyan.

Patuloy iyon sa pagvi-vibrate nang may humintong taxi sa harapan ko. Agad akong
sumakay doon.
Nang hindi pa tumigil ang tawag ay agad ko iyong sinagot. Tahimik naman sa loob ng
taxi kaya ayos lang. Medyo kinakabahan lang ako. 

"H-hello," Bulong ko.

"Where are you?"

Nakagat ko ang labi ko. 

"Sa bahay nga--"

"Miss, san po tayo?" Tanong ng driver. Nagkasabay pa kami. 

Nanlaki ang mga mata ko. Kumunot ang kilay ng driver dahil nanlalaki ang mga mata
ko sa kanya.
"Miss, san pa tayo?" Paguulit nya pa!

"You're lying.." Narinig kong sabi ni Pierce sa kabilang linya. Mahinang mahina
iyon ngunit parang disappointed ang boses nya.

"Text na lang kita mamaya." Agad kong pinatay ang tawag at tumingin sa driver para
sabihin and address namin. 

Kinakabahan ako. Baka pagalitan ako ni mama. Masyado na kasing gabi. Pero
maiintindihn naman nya lalo na at pagsinabi kong galing lamang ako kila Loraine.

Nagbayad ako sa driver at bumaba. Natanaw kong medyo nakabukas ang gate namin. Nang
pumasok ako ay nakita ko si mama na naghihintay sa terrace.

"Oh ma," Umupo ako sa tapat nya at nag inat. "Galing ako kila Loraine ma.."
Ngunit seryoso ang mukha nyang nakatingin saakin. Kumunot ang noo ko.

"Uy ma, galit ka ba? Kila Loraine ako galing ma." I laughed nervously. Seryoso kasi
talaga ang mukha nya. At minsan lang sya nagkakagayan, kapag nagagalit lang sya.

"Saan ka galing?"

Tumawa ulit ako. "Kila Loraine nga ma."

Tahimik sya ng ilang segundo. "Hwag ka ngang magsinungaling." Matigas ang boses
nya. 

Natakot ako. "Ano bang sinasabi mo, ma?"


Napalunok ako. "Galing ako sa school nyo kanina. Nakausap ko si Kharl--"

Nanlaki ang mga mata ko. "Kinausap nyo si Kharl? Ma-- bakit naman? Alam nyo namang
break na kami, hindi ba kayo nahiya?!"

Oo malapit sila sa isa't-isa noon. Pero noon yun. Noong kami pa. At hindi na  kami
ngayon. Wala nang rason para magbatian pa sila sa school.

"Hwag mo nga akong sigawan, Princess! Iyan ba ang tinuturo sayo ng boyfriend mong
si Pierce?!"

Nanlaki ang mata ko at lumaglag ang panga ko nang mabigkas nya ang pangalan ni
Pierce.. paano nya nalaman..

"Ano, kung hindi pa sasabihin sakin ni Kharl, hindi ko naman malalaman diba? Bakit?
Bakit hindi mo sakin sinasabi? Nagmukha pa akong tanga na hindi ko alam!"
Napaiwas ako ng tingin. Naiinis ako kay Kharl, ano pang sinabi nya kay mama?

"Pumunta ako sa school nyo kanina para magbayad ng mga requirements nyo, lumapit
sakin si Kharl. Nagbless sya saakin-- at hwag mo akong gawing tanga, alam ko na
wala na kayo. Hindi ko sya kakausapin kung hindi sya ang lumapit saakin! Tinanong
ko kung nakita ka nya, kahit hindi naman kita hinahanap. Ayoko lang maging bastos
Princess dahil naging malapit din saakin ang bata na yon." 

Hindi ko alam kung bakit may ganung tingin sa mga mata nya. Bakit parang ang sama
sama ni Pierce kung tumingin sya!

"A-anong sinabi nya, ma? Siniraan ba nya si Pierce, huh?"

Tumigas ang mukha nya. "Sinabi nyang nakita ka nyang lumabas kasama ang boyfriend
mo. Princess, nagulat pa ako na may boyfriend ka na! Nagulat ako sa harapan ni
Kharl! Ano, alam ng lahat, pero sarili mong ina hindi pa?"

"Ma, sasabihin ko rin naman sayo! At hindi na ako bata para pagalitan mo dahil lang
sa may boyfriend ako!" Naiinis talaga ako. Para nyang jinu-judge si Pierce sa mga
tingin nya.
"Hindi ako nagagalit dahil lang sa may boyfriend ka! Alam mong ayos lang saakin na
meron-- pinalagpas kong napahiya ako, Princess! Dahil boyfriend lang naman! Pero
nung nagtanong ako kay ma'am Carmel mo--" Napahawak sya sa noo nya. "Ang akin lang,
kung magboboyfriend ka, sana pumili ka naman ng maayos!"

Nanlaki ang mga mata ko. Kilala na nya si Pierce! Siniraan sya ni Kharl!

"At naniwala naman kayo sa Kharl na yun ma? Sinisiraan lang nya si Pierce!" Hindi
ko alam kung bakit iyon gagawin ni Kharl, pero alam kong ginawa nya yun! Ilang
beses na syang nagtetext saakin at nagpapakita sya ng hints na gusto nya ulit ako.

"Hindi si Kharl ang nagsabi saakin ng mga kalokohan ng boyfriend mo, si Carmel!
Bakit ba galit na galit ka kay Kharl, eh napakabuting bata nun!" Kita ko ang
panghihinayang sa mga mata nya. "Pipili ka na lang, yung gusto pa, sa wala syang
kinabukasan." Bulong nya.

Tumayo si mama at iniwan ako. Ang sakit na sabihin nya yun kay Pierce. Ang sakit
sakit para saakin.
Sinundan ko sya. "Wala kang karapatang sabihan ng ganyan si Pierce ma, hindi mo pa
sya kilala.."

Lumingon saakin si mama. "Kilalang kilala ko na, anak. Sya lang naman yung pinaka-
sikat sa school nya dahil sa katarantaduhan! Sya yung puno ng records sa office
nyo. Palaging nagcucutting, nagsisiga-sigaan sa school, naninigarilyo,
nakikipagbugbugan, na-kick out sa iba't-ibang school.." Umiling sya saakin. Mukha
syang disappointed. "Iyan lang ba ang type mo? Ang mga pariwarang lalaki?
Napakababang babae mo naman pala!"

Naiyak ako sa sinabi nya. Hindi, hindi nya kilala si Pierce. Kung meron man dito
ang nakakakita ng good sides ni Pierce, ako lamang yon.

"Hindi yan totoo ma, kung gusto mo dadalhin ko sya dito--"

Hindi pa ako nakakatapos magsalita ay nagsalita na sya.

"Iyan ang hwag na hwag mong gagawin Princess. Hinding hindi ko tatanggapin ang bata
na yan. Paniguradong bastos lang yan."
"Ma!"

"Hindi ba? Eh sinasagot sagot nya nga si Carmel sa klase nyo diba? Hwag kang
magalala, ikinuwento na nya saakin lahat!"

"Nagbago na si Pierce ma.."

"Nagbago? Ano, lumala? Sinasama ka pa ngang magcutting diba? Hindi na ako magugulat
kung bumababa ang grade mo!"

Wala akong masabi doon. Panay nga ang pacucutting namin ni Pierce. At nadadalas pa
yun kay maam Carmel. Ang totoo ay palagi akong late pumapasok at hinihintay ako ni
Pierce. May tatlong araw pa na nasa labas lang ako dahil second subject namin ay
may ipapasa ako, kaya si maam Carmel ang hindi ko pinapasukan dahil mataas naman
ako sa kanya. Si Pierce naman ay nagpupumilit na sumama saakin dahil wala din daw
syang gagawin sa room kung wala ako doon. 

"Gusto mo ba sya dahil lang sa maganda lalaki? Dahil lang sa mayaman? Princess
tandaan mo, iiwan mo lang yan pagtapos mo ng highschool."

Gusto ko syang sigawan sa panghuhusga nya. "Mahal ko si Pierce, ma.."

"Mahal!" Tinawanan nya ako.

Pinigil ko ang luha ko.

"Hindi ganyang klase ng lalaki ang minanahal. Kahit na gaano kayaman yan, kung
walang pangarap sa buhay, wala rin sa huli." Pangangaral nya. "Hindi tulad ni Kharl
na maayos," Bulong nya pa.

Wala, talagang naikwento na sa kanyang lahat ni ma'am Carmel. Naiinis ako dahil
magkaibigan sila! Paano ako ngayon gagalaw sa school na yon?

"Iwanan mo yan, Princess ah." Ani mama habang nakahawak sa lamesa.


Umiling iling ako. Hindi ko iyon gagawin. Aalis na nga kami papuntang Canada tapos
kaunting kaligayan ko, tatanggalin nya pa?

"Ano, hihintayin mo pang mabuntis ka?"

Lalong nagsiklab ang galit ko! Iyon talaga ang tingin nya kay Pierce?! Bakit
sobrang sama? Dahil lang sa nalaman nyang kick out sa iba't ibang school? Shit!

"Mali yung mga iniisip mo ma," Pinigilan kong umiyak.

Umirap sya na parang nagsasawa na sya sa sinasabi ko. "Mali ba? Kung alam ko lang
na boyfriend mo yang Pierce na yan, hindi kita pinayagang makitulog dyan."

Paano nya ako hindi papayagan, eh wala naman ng choice noon? Masyadong malakas ang
ulan at baha ang daan. Hindi ako nagsalita. Sige na, hindi naman sya nakikinig.
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng galit sa kanya.

"May nangyari na ba sainyo?" Tanong nya. Nagpipigil ang boses nya.

"Wala nga, ma!" Paulit ulit!

Umiling sya. H-hindi sya naniniwala.. "Bastos! Ang bastos mong magsasagot! Hindi
naman na ako nagtataka kung bakit!"

Nakakainis ka ma. I hate you.

Tinalikuran ko sya. Para bang naubos na lamang bigla ang enerhiya ko. Ayoko na
syang harapin. Nauubos na ako. Kaunti na lang ay masasagot ko na talaga sya. At
ayokong mangyari yon. Hindi lang dahil ginagalang ko sya, ayoko ring masabihan si
Pierce.
Nagtalakbong agad ako ng kumot pagpasok ko sa kwarto. Umiyak ako ng umiyak. Bakit
ganun, ang sama sama nya magsalita? Nagjudge agad sya kay Pierce at naniwala sa mga
narinig nya! Totoo ang mga iyon pero hindi naman ganun katindi si Pierce.
Nakakainis sya!

At nakakainis si ma'am Carmel. Bakit nakikialam sya? At ano bang alam nya? Hindi ba
nya nakikitang nagbabago na si Pierce? Oo ilang beses kaming wala sa klase nya,
pero bilang na bilang lang yun! At hindi si Pierce ang may kasalanan, ako. Ako yung
lumiliban sa klase at sumasama lang si Pierce. 

Paano ko lilinisin ang pangalan ni Pierce? Kailangan nya bang nalaman na ayaw sa
kanya ni mama?

Hindi. Ayoko. Nahihiya ako sa kanya. Wala naman syang ginagawa para ayawan sya eh..

Namumugto ng mga mata ko hanggang sa nakatulog ako. Ni hindi ko pinapansin ang mga
text ni Pierce. Pero hinding hindi ko gagawin ang iwan sya. Hindi ko kaya. Masaya
na ako. Masaya kami.
Tahimik akong kumain ng almusal habang si mama ay wala paring kibo. Ni mukhang ayaw
nyang humarap sa hapagkainan kung wala lang dito si Samuel.

Nagpunta agad ako sa kwarto at ni hindi kinibo si mama. Ayoko syang kausapin.
Ayokong magsalita ng kahit na ano sa kanya. Masyadong masama ang loob ko.

Kasalanan ko rin naman. Hindi ko sya naipakilala agad. Pero hindi eh. Masyadong
marumi ang isipan nya. Naisip nya pang may nangyayari saamin ni Pierce?

Dahil lang sa minsang nakitulog ako, hindi ko naman iyon choice. At inakala nyang
ginabi ako kagabi dahil kay Pierce? Sana pala ay inamin kong, oo nagdate kami, pero
maaga rin akong inuwi ni Pierce! Maaga akong pinapauwi ni Pierce tuwing date namin
dahil ayaw nyang ginagabi ako at ayaw nyang..

..ayaw nyang pumangit ang image nya kay mama.

Ang sakit. 
Nang natapos ko na ang lahat ng gawain ko ay naghanda na ako papuntang school.
Malungkot akong nakatingin sa labas habang bumabyahe.

Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Hindi ba pwedeng maging masaya na lang?

Nang bumaba ako ng tricyle ay agad rin akong pumasok sa gate. Natanaw ko si Pierce
na naghihintay muli. Seryoso ang itsura nyang naghihintay saakin. Alam kong
nagagalit sya. Nagsinungaling ako sa kanya kagabi at hindi ko na sya nakausap dahil
nagkasagutan kami ni mama.

Pero kahit na gaano sya kasungit tignan palagi, alam kong gusto nya ako. Alam kong
mahal nya ako, seryoso sya saakin. Alam kong hindi sya kagaya ni Kharl. Hindi nya
ako sasaktan.

Ma, hindi sya kagaya ni Kharl na ipinagmamalaki mo. Sya yung lalaking sumapo saakin
nung mga oras na binitawan ako ng lalaking hinahangaan mo. Kung kaya mo lang
makinig, ma. Alam kong mamahalin mo rin si Pierce kagaya ng pagmamahal mo kay
Kharl.

Maiintindihan mo rin, ma. Ipapaintindi ko sayo.


Lumingon saakin ang nakakunot noong si Pierce. Nawala ang inis sa mukha nya nang
makita ang malungkot na ngiti ko sa kanya. 

Ngayon, sabihin mo saakin kung paano ko iiwan ang lalaking to, ma. Paano ko sya
bibitawan?

Hindi ko kasi kaya. At buo ang desisyon ko. Magalit ka na sakin ngayon ma,
maiintindihan mo din..

Na hindi ko kayang wasakin ang lalaking muling bumuo at nagpasaya saakin.

=================

TKP 42

Sorry sa late UDs. May problema kasi sa notes ko and laptop. Ni-cut ko to dahil
hindi pa edited yung other half. Thank you sa patuloy na pagbabasa ;)

TKP 42

Nagkibit balikat ako habang nakatingin kay Pierce at piniling kalimutan ang lahat
ng sinabi ni mama kagabi. Ayoko munang isipin yun.
Pinanuod nya ako hanggang sa makalapit ako sa kanya. Mayroong kung ano sa mata nya
habang nakatingin sa akin. Para bang may gusto syang sabihin pero hindi nya magawa.

Huminto ako nang makarating na ako sa inuupuan nya. Ngumiti ako ngunit seryoso
lamang sya, galit parin siguro.

Ang akala ko ay iirapan nya ako o susungitan dahil nagsinungaling ako kagabi. Pero
tahimik laman syang nakaupo. Hindi sya nagsalita. Mukha syang may iniisip.

Umupo ako sa tabi nya. Naisip ko na naman ang report ko para sa isang major subject
namin na hindi ko pa naipapasa. Second period pa naman yun kaya dapat kong gawin
ngayon. Last naman na absent ko ngayon kay ma'am Carmel. Isa pa, ayokong pumasok sa
kanya. At isa pa, deadline ko na ito para sa report. Kung bakit kasi hindi ko pa
sineryosong gawin ito noong mga araw na nagka-cutting kami ni Pierce kay ma'am
Carmel eh. Pag-uwi naman sa bahay ay kinakatamaran ko na.

Ahhh! Ang dami kong problema. Hindi sana sasakit ang ulo ko ng ganito kung hindi
dumagdag si mama.

Habang nag-iisip kung papasok ba o hindi ay nagsalita si Pierce.

"Aren't you going to say something?" Tanong nya. Concern ang boses nya ngunit hindi
nagagalit. Nagtaka ako doon.

Dapat ay galit sya, hindi ba?


Kumunot ang noo ko at sumulyap sa kanya habang nakaupo kami.

"Huh?"

Tumingin lamang ulit sya sa harapan nya at hindi na nagsalita. Hindi rin ako
nagsalita at inilabas ko na ang mga papers na tatapusin ko. Pag malapit nang
magtime ay papapasukin ko na si Pierce. Hindi ko sya isasama saakin ngayon. Hindi
na pwede.

"Say something?" Kumunot ang kilay nya at hinawakan ang kamay ko para patigilin ako
sa pagsusulat at pansinin sya. "Wala ka bang sasabihin?"

Bakit ang lungkot ng mga mata nya? Para bang may dinadala sya. Ano bang iniisip
nya?

"W-wala akong sasabihin. Ano naman sasabihin ko?" Nag-iwas ako ng tingin dahil
parang binabasa nya ang mga mata ko.

Umiling iling ako at kinuha sa kanya ang ballpen at nagsimula na muling magsulat.
Wala to, Pierce.

Kumurap kurap sya habang nakatitig saakin. "Your eyes say otherwise. There's a
problem?"
Bumuntong hininga ako at binitawan ang hawak kong ballpen, masyadong na sigurong
obvious sa mukha ko na namo-mroblema ako.

"I'm just... happy." Sagot ko at hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa forearm ko.

I need to feel you more. I want to feel you more.

Bumuntong hininga sya. "Just tell me if there is. I will listen,"

Damn it. Damn it Pierce. Paano nasasabi ni mama to sayo? Kung ako nga nasasaktan sa
mga sinabi nya tungkol sayo, ikaw pa kaya?

Ayokong malaman mo Pierce. Hindi mo naman na kailangang malaman.

Tumango ako. Nakagat ko ang labi ko dahil naiiyak na naman ako. Nagsimula na akong
magsulat para mai-iwas ko sa kanya ang mata kong panigurado ay nagtutubig na. Bakit
kasi, naalala ko lang yung mga sinabi ni mama, naiiyak na ako.

Siguro kasi nakikita ko ang inosenteng mukha ni Pierce. Oo nagka-cutting sya noon.
Oo, naninigarilyo sya at nakikipag-away. Pero ilang beses lang ba syang nahuli? Mga
tao nga naman. Masyadong nilang pinasama si Pierce. At kapag ba ginagawa iyon ng
isang tao ay masama na agad sya?

Kinuha ni Pierce ang cellphone ko mula sa bag. Kinatikot nya iyon. Wala naman akong
itatago sa kanya. Bukod lamang kay.. Clinton na nagtetext saakin paminsan-minsan.
Dine-delete ko ang mga text nya. Ayoko kasing mag-isip ng kung ano si Pierce.
Ayokong mag-away sila lalo na at alam kong, oo, may something kay Clinton. Hindi ko
sya nire-replyan kung hindi lang talaga kailangan.

Pinagpatuloy ko ang pagsusulat at nakita ko sa gilid ng mata ko na ibinaba na ni


Pierce ang phone ko. Maya maya ay nagbago sya ng posisyon ng upo. Magkatabi lamang
kami sa pahabang batong upuan kaya naman ang upo nya ay naka-buka ang hita nya sa
pagitan ng upuan para humarap saakin. Naramdaman ko ang pagtitig nya sa akin at sa
ginagawa ko.

Bored na siguro sya.

Hindi ko napansing nilalaro nya na ang buhok ko, sinubukan kong bilisan ang
pagsusulat, baka kasi umabot pa ako kay ma'am Carmel ngunit hindi na talaga.

"Hindi ako papasok kay ma'am Carmel, Pierce." Sabi ko habang inaayos ang bag ko na
ginulo ni Pierce dahil sa pagka-kalkal nya kanina.

Last na talaga to. Tatapusin ko na ang mga reports ko.

Hindi sya nagsalita, pinagpatuloy nya lamang ang panggu-gulo sa buhok ko. Siguro ay
inaakala nyang sinasama ko sya saakin na hindi pumasok.

"At hindi ka pwedeng sumama sakin." Inunahan ko na sya.


Kung magagalit man si ma'am Carmel, saakin na lang. At least makikita nya si Pierce
na pumasok kahit wala ako.

"Why?" Tanong nya. Tinantanan nya na ang buhok ko at bumagsak ang balikat nya.
Tinignan nya ako na para bang nanay nya ako at hindi ko sya ibinili ng laruan na
gusto nya.

Kinuha nya ang bag ko mula sa lamesa. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko doon.

"Tatapusin ko na yung mga reports ko, ngayon na talaga ang deadline, diba?"
Seryosong sabi ko. Inagaw ko muli sa kanya ang bag. "Last naman na ngayon."

Si Pierce naman ay hindi ko alam kung nagpapasa. Minsan kasi ay sya ang gumagawa ng
buong report ko at alam nya naman. Siguro nga ay nagpapasa sya.

"Wala akong gagawin sa room." Aniya.

Kinuha ko sa kanya ang bag kong inagaw nyang muli. Tsk! Napaka kulit! "Balik na sa
room." Utos ko.

Umiling sya. "Ayoko."

"Pierce ang kulit kulit mo ba? Para akong may alagang bata eh!" Hindi ko napigilan
ang sarili ko. Sinigawan ko sya.
Nagtingingan ang ilang mga estudyante na nagdadaan, pati na rin ang mga nakatambay.

Hindi sya doon sumagot.

Padabog na kinuha ko ng tuluyan sa kanya ang bag ko. "Punta ka na sa room natin."
Utos ko sa kanya.

Tumayo na sya at hindi man lamang nagpaalam para umalis. Tsk, parang bata kasi
talaga. Kailangan ba sa lahat na lang ng pupuntahan ko, kasama sya?

Napa-iling ako at pinanuod ko syang maglakad. Ramdam kong galit sya. Galit ba sya
dahil pinalayas ko sya? Tsk.

Nagsimula na akong magsulat at mag-isip. Pero naiirita ako dahil sagi ng sagi sa
isipan ko ang kung ano-anong mga bagay.

Si mama. Sigurado akong matatanggap nya si Pierce kapag nakilala. Ang kinakatakot
ko lang ay paano ko ihaharap si Pierce? Paano kung dalin ko si Pierce at hindi
maayos si mama? Paano? Babastusin nya si Pierce? Iju-judge nya? Titignan nya na
parang maliit at mababang tao si Pierce?

Isa pa si Kharl. Naiirita ako sa kanya. Bakit kasi kailangan pang sabihin yun?
Hindi ba pwedeng sabihin na lang nya na hindi nya ako nakikita sa school tutal ay
malaki naman ang school namin!
At lalo naman si ma'am Carmel. Sukdulan na yata ang inis ko sa kanya. Pinarumi nya
ang utak ni mama! Bakit kailangan nyang maki-alam? Bakit hindi na lang nya hayaan
na ako ang magsabi?

"Hindi ka papasok?"

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Clinton na naka-earphones, tinanggal


nya yung isa para kausapin ako.

Paano nya ako nakakausap ng ganito matapos ng araw-araw, gabi-gabing pang-tetext


nya ng kung ano saakin na sigurado akong nilalandi nya lamang ako!

Napansin ko ring bagong gupit sya. Parang katulad ng kay Pierce.

Nagkibit balikat ako at tumingin ulit sa papel ko. "May tinatapos eh."

Dapat maramdaman nyang hindi ako interesado. Girlfriend ako ng kaibigan nya, ano
bang iniisip nya?

Hindi ko sya narinig na sumagot ngunit umupo sya sa inuupuan ni Pierce kanina. Nang
makaupo na sya ay tumingin ako sa kanya pati na rin sa kaunting estudyante na
nanunuod.

"Anong gagawin mo dito?" Tanong ko. Medyo iritado.


Tinanggal nya na ang earphone nya at naglabas ng maliit na binder notebook.

"Masama ba?" Ngumiti sya saakin o ngumisi habang nakatingin saakin ang mga mata
nya. Itinaas nya ang binder para ipakita saakin.

Hindi ako tanga para hindi makita na nagpapa-cute ang mga mata nya.

"Hindi masama. Pero time na." Iritadong sabi ko. Paano ako makakagawa ng maayos
nito? Tsk.

"Bakit naman ikaw?" Humagikhik sya ng mahina.

Umirap ako sa hangin. Isinara ko ang ilang mga notebook ko para tumayo. Pupunta na
lang siguro ako sa library.

Hinawakan nya ang siko ko nang makita nyang kinukuha ko na ang mga gamit ko.

"Clinton, ano ka ba?" Tinignan ko sya sa mata nya. Gusto kong ipa-realize sa kanya
kung sino sya sa pamamagitan ng tingin na iyon.

"Ano bang problema mo sakin?" Kumunot ang noo nya at may sakit sa boses nya.
"Anong 'anong problema'?!" Mahinang sigaw ko.

"Ang sungit sungit mo sakin. Hindi ka naman ganyan kila Yvo, bakit sakin ganyan
ka?" Nakagat nya ang labi nya ngunit hindi parin binibitawan ang siko ko.

Tumawa ako at hinila ang kamay ko papalayo sa kanya.

"Clinton, di mo ba nakukuha? Text ka ng text saakin ng kung ano-ano, may boyfriend


ako. Yung kaibigan mo."

At hindi ako interesado sayo kahit wala akong boyfriend.

Nakatingin lamang sya saakin ng limang segundo. "Anong masama doon?"

"Hindi mo nakuku-"

"You think I'm flirting with you? Behind my friend's back?" Walang pagkagulat sa
tanong nya. Wala naman talaga dahil iyon ang ginagawa nya at alam nga iyon.

Hindi ako sumagot at kinupkop muling lahat ang gamit ko.


"Stay, Princess." Aniya.

Hindi ako nagsalita.

"I'm not flirting, alright? I'm not. It's just that, I find you really comfortable
to be with. That's it."

Suminghap ako at tumingin pabalik sa kanya. Nakatitig lang din sya saakin at ako
ang umiwas ng tingin. Umupo ako pabalik.

Dapat ko bang alisin ang lahat ng mga iniisip ko sa mga text nya dahil lang sa
sinabi nya ngayon? Kaibigan sya ni Pierce at siguro naman dahil sa nasabihan ko na
sya ay malinis na ang intensyon nya.

"Okay. Basta wala nang text na ganon ah?" Sabi ko.

Ngumiti lamang sya sa notebook nya habang nagsusulat.

"Crystal clear," Aniya.

Mabuti naman at hindi sya nagsalita o nangulit. Natapos ko ang ginagawa ko ng maaga
kesa sa ine-expect ko. Mayroon pa akong 10 minutes bago magtime.
"Kamusta si Enzo sa room nyo?" Tanong ko. Finding more informations, sana lang ay
hindi sya masaya ngayon katulad ng nararamdaman ng bestfriend ko.

Naglalaro lamang sya ng Angry Birds sa phone nya. Hindi naman talaga sya gumagawa
ng assignment. Para lamang syang si Pierce. Medyo cold. Medyo tamad. Medyo tahimik.

Ano bang special kay Pierce? Ewan ko ba at tuwing maiisip ko lamang ang pangalan
nya ay napapangiti na ako.

"Ewan ko don. Anong meron sa kanya?" Patuloy sya sa paglalaro.

Kunsabagay, hindi naman sila close ni Enzo kahit na magka-klase sila. "Anong tingin
mo kay Loraine?" Tanong ko. Hindi ko alam pero gusto ko sila sa isa't-isa.

"Yung bestfriend mo? Ayos lang." Kumunot ang kilay nya at mukhang nagtataka dahil
sa tanong ko.

"Maganda sya diba?" Ngumisi ako.

Pinatay nya ang phone nya. Tumitig sya saakin. "May iba akong type,"

Tsk. Bakit ba kasi ganun sya tumingin? Ganun ba talaga sya o sinasadya nya?
"Sus, pero maganda sya diba?" Ngumisi ulit ako. Hindi ako naiintimida kay Clinton
kahit na medyo mahiyain ako sa mga taong tahimik.

Nagkibit balikat sya. "Oo na."

Tumawa ako. "Ayun ay. Gusto mo ba ng number nya?"

Makakamove on kaya si Loraine kapag may Clinton sya? Gwapo si Clinton at matangkad.
Ang katawan nya ay medyo may kaliitan kagaya ng kay Pierce pero mas matigas si
Pierce.

"Hindi. Aanhin ko naman yun? At may boyfriend yun diba?" Mukha syang naiirita.

"Si Enzo? Break na sila." Nakangiti kong sabi. Na para bang sinasabi ko na may
chance sila.

Hindi ako nanghihinayang na break na sila. Gago si Enzo at kawalan nya ang
bestfriend ko.

"Ah." Tumango tango sya.

"Ano?" Ngumisi ako.


Kumunot ang noo nya. "Anong 'ano'?" Natawa sya sa mukha ko.

"May chance na kayo,"

Ngumiwi sya. "Hindi ko nga type, Princess? Kulit mo ah?"

Humalakhak ako. "Sus! Bakit naman?"

Maganda si Loraine. At kung boys lang ang paguusapan, madaming nagkakagusto sa


kanya. First year pa lamang kami ay umuulan na ng nagka-crush sa kanya. Kaya
siguradong nagagandahan si Clinton sa kanya lalo na at nag-usap na sila.

"Walang spark?" Aniya.

Natawa ako sa term nya. "Edi lagyan mo?"

"Ano bang pumapasok sa ulo mo, Princess? Isa pa, isang beses pa lang kaming nag-
uusap."

"Kausapin mo! Pwede naman yun." Kunwari pa, bakla yata to eh.

"Ano bang type nun?" Tanong nya. Pakiramdam ko ay kuminang ang mga mata ko sa
tanong nya na iyon.

"Yung seryoso, masarap kausap, tahimik, gwapo." Sagot ko. Ano pa bang type ni
Loraine?

Ngumuso sya, ang akala ko ay nag-iisip na sya at magtatanong ng tungkol kay Loraine
ngunit nagkamali ako.

"Eh ikaw?" Seryosong tanong nya.

Natahimik ako. Really Clinton? Tsk.

"Bakit ba pinapamigay mo ko?" Dagdag nya pa.

Mukhang hindi naman nya nga gusto si Loraine. Ni kaunting interes ay hindi ko
makita sa kanya. Gusto ba talaga nya ako?

"Basta subukan mong i-date, ah?" Tumawa ako ng awkward at ramdam kong pinapanuod
nya ako.

Hinding-hindi na talaga ulit ako makikipag-usap sayo, Clinton.

"Princess," Anang malamig na boses sa likuran namin.


Napatayo agad ako dahil alam na alam ko kung kaninong boses iyon. Hindi ako
natatakot, wala naman akong ginagawang masama. Pero si Clinton ay meron.

"Jimenez," Bati ni Clinton at tumawa. "Girlfriend mo nagka-cutting, di ka


sinasama?" Biro nya.

Biruin mo pa. Hindi ba halatang mukhang bad trip yung tao?

Hindi sya pinansin ni Pierce. Mabilis kong kinuha ang bag ko. Kanina pa naka-ayos
ang mga gamit ko doon. Hindi na ako nagpaalam kay Clinton at lalo namang hindi
bumati si Pierce sa kanya.

"Pumasok ka?" Tanong ko kay Pierce dahil hindi sya nagsasalita habang naglalakad
kami.

"Oo." Cold na sabi nya.

"A-ah, bat pinuntahan mo pa ako?" Tanong ko.

Tumigas ang panga nga. "Obviously, time na." Sarkastikong sabi nya. "Why? Na-
istorbo ko ba kayo ni Clinton?"
Tumawa ako ng kinakabahan. See? Nagseselos na sya. Paano pa kaya kung malaman nyang
nagtetext saakin si Clinton?

"Hindi," Cold na sabi ko naman.

Nang makarating kami sa room ay doon na lamang sya ulit bumulong.

"Nagcutting ka kasama si Clinton at hindi ako?"

Tumawa ako sa inis at umupo. Para namang sinasabi nyang planado iyon! "Naki-upo
lang si Clinton kasi may ginagawa rin syang assignment, at nagkataon na medyo maaga
kaming natapos kaya nagkwentuhan kami! Anong problema doon?"

"Anong pinag-usapan nyo?" Tanong nya. "You looked really happy by the way."

Napahawak ako sa noo ko. "Tungkol lang yon kay Loraine at Enzo. Naman Pierce? At
kailangan ba, nakasimangot kapag nakikipag-usap? Lahat ba tatanungin mo? Nakakasal
na ah."

Hindi ko sinasadyang sabihin iyon. Ewan ko lang kung bakit nasabi ko bigla.
Nakakasakal siguro yung sitwasyon at nangyayari saakin, pero hindi sya ang
nakakasakal.

Wala na akong narinig na tanong sa kanya matapos nun. Nang dumating ang teacher
namin ay naglesson lamang at ni hindi ako hinawakan ni Pierce kahit isang beses.
Nasaktan siguro sya sa sinabi kong nakakasakal. Hindi ko naman sinasadya eh..

Hindi pumasok si Loraine kahit pangalawang subject na. Si Pierce naman ay nakikita
ko sa gilid ng mata kong nakikinig, dahil nakahalumbaba syang nakaharap sa board
pero nagkamali ako nang lingunin ko na sya. Nakapikit sya!

"Pierce!" Mahinang sigaw ko sa kanya. Tapos ay narealize ko bigla na magka-away nga


pala kami at ako ang unang kumausap!

Unti-unting dumilat ang mga mata nya. Parang ayaw pa ngang bumukas. Tumingin saakin
ang inaantok nyang mga mata.

"Hindi ka na galit?" Namumungay ang mga mata nya at namamaos ang boses nya.

Kinunutan ko sya ng noo. Natawa ako. "Hindi na." Bakit naman ako magagalit? "At
hwag kang ma tulog!" Suway ko. Baka mapagalitan sya nito eh. At makarating pa sa
ma'am kong puro sumbong!

Umayos sya ng upo at lumapit ang katawan nya saakin. "Okay," Aniya at kinusot ang
mata. Nakita kong ngiting ngiti sya.

"Bakit ngiting-ngiti ka dyan?" Tanong ko.

Nakagat nya ang labi nya at mabilis na tinanggal ang ngiti sa labi.
"Hindi ka na kasi galit eh." Sagot nya.

Tumawa ako sa kanya at napa-iling. Hinawakan nya ang kamay ko. Sus.

Maya maya ay tumingin ulit ako sa kanya, natutulog na naman sya at hindi iyon
halata. Doon yata sya magaling eh, sa pag tatago ng tulog.

"Isa, Pierce."

Narinig ko ang buntong hininga nya at sumandal na sya ng upo. Bakit mukhang wala
syang tulog?

"Mapapagalitan ka na naman nyan eh, umayos ka nga.. Matutulog ka kasi ng maaga!"


Bulong ko sa kanya.

Hindi nya pinansin ang sinabi ko at hinawakan lamang ang kamay ko ng mahigpit.
"Sorry na," Makasat nyang sabi at tumingin saakin na para bang playboy sya.

Umirap ako. "Umayos ka naman," nagkunwari akong hindi natutuwa sa kanya.

Nakagat nya ang labi nya. "O-okay.."


Lumambot ang puso ko. Ugg! Nakaka-guilty ang boses nya! Paano ko ba susuwayin ang
isang to? Susungitan ko palagi? Baka naman magtampo na sya saakin!

"Kasi, bakit ka ba kasi inaantok?" Malambing na sabi ko.

Bakit biglang lumambing? Dapat lang na sungitan ko sya para magtino sya!

Umiling lang sya habang nakaharap sa board.

Tsss. "Bakit nga?"

Hindi ko sya tinigilan sa paninitig hanggang sa nagbuntong hininga sya. "Hindi ako
nakatulog kagabi."

Tumaas ang kilay ko. "Bakit naman?"

Umikot ang mata nya paitaas at hindi sumagot.

"Bakiiit?"
Tumingin sya saakin. "I was worried."

Natahimik ako doon. Hindi nga pala ako nakapagtext sa kanya. Malamang nag-alala
sya.

"Sorry," Sagot ko.

"Sabi ko naman, susunduin kita." Malamig na sabi nya.

"Sorry, at hindi mo naman ako responsibilidad." Sagot ko.

"Anong oras na nun, Princess. Pano na lang kung masamang tao yung nasakyan mo?"
Galit na tanong nya. Habang nagsasalita sya ay nakakunot ang noo nya.

"Sorry,"

"Di mo man lang inisip yung mararamdaman ko na hindi ka nagtext na nakauwi ka na."
Bulong bulong nya. Medyo naka-nguso.

Oo na. Mali na ako. "Sorry na nga.."

"Ni hindi ka sumasagot sa tawag ko."


"S-sorry.."

Hindi parin sya nakatingin. Diretso sa harapan ang tingin nya. "Puro ka sorry,
anong gagawin ko sa sorry mo kung may nangyari sayo?"

Napasimangot ako. "Ano bang gusto mong gawin ko?"

Hindi sya sumagot agad.

"Wala."

"Nagtatampo ka na naman.." Lumabi ako at hindi nya ako pinansin. "Kiss na lang
kita," pangungulit ko sa kanya dahil hindi sya mamamansin.

"You think that's enough?" Cold na sabi nya.

Sus, halata namang pinipilit na lang nyang maging cold. Hahaha!

"Hindi ba?" Tumaas taas ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa kanya.
Mabuti ay hindi pa kami nahuhuli ng teacher namin.

"Hindi." Aniya at pinanuod ko ang reaksyon nya. Nangingiti sya at pinipigilan


lamang nya!

Tinitigan ko sya at nahuli ko ang pagkagat nya sa ibabang labi nya.

"Hindi raw.." Tukso ko pa.

"Tsk, stop it Princess." Aniya. "Nakikinig ako." Aniya na nakatingin sa teacher


namin. Muntik na akong maniwala na 'nakikinig' nga sya.

=================

TKP 43

TKP 43

To Loraine:

Bess, di ka ba talaga papasok?

Nagtext ako kay Loraine matapos namin maglunch ni Pierce kasama ang mga kaibigan
nya.
Katabi ko si Pierce na tapos na rin kumain at inuubos na lamang ang Chuckie nya.
Katabi ko naman sa kabila si Clinton na nakikinig sa earphones nya habang kumakain.

Mabuti at hindi na nagalit si Pierce sa ginawang pagtabi saakin ni Clinton.


Naabutan ko lamang syang mainit ang titig kay Clinton noong uupo ito sa tabi ko,
nang makita nyang nakatingin ako sa kanya ay tinigilan nya na ang masamang pagtitig
kay Clinton.

Hindi ko kinausap o hinarap si Clinton. Medyo nakatagilid nga ako sa kanya para
medyo nakaharap sa kanya ang likod ko. Alam kong bastos, pero hindi parin kasi
naging maayos ang pag-uusap namin. Baka inaakala nya pa ay nakikipag-flirtan rin
ako.

Nakita ko si Enzo na naglalakad. Kasama nya si Chin pati na rin yung isa pang babae
na lagi ring kasama ni Chin. Naka-angkla si Chin sa braso ni Enzo habang tumatawa.
Si Enzo naman ay seryosong nakatingin sa buong cafeteria. Nang magtama ang mga mata
namin ay agad rin syang nag-iwas ng tingin.

Nanliit ang nga mata ko at parang nagsikip ang dibdib ko. Ito ba talaga ang
lalaking iniiyakan ng bestfriend ko? Ganito sya katindi? Ganito kabilis? Mas
masahol sya kay Kharl!

"Huy, anong ginagawa mo sa tissue, Princess?" Puna saakin ni Paris. 

Napatingin ako sa hawak kong tissue at binitawan ko na iyon nang makitang matindi
na ang lukot.

Inilagay ni Pierce ang kamay nya sa sandalan ko. "Sa room na tayo?" Nahuli ko ang
pagsulyap nya sa katabi ko.

Kumunot ang noo ko. "Sandali, maya-maya na.." Hindi ko sya gaanong pinansin dahil
pinanuod ko kung saan papunta si Enzo.

Tumango na lamang sya nang makita ang nakukulitan kong ekspresyon. "Alright,"
Tumango sta ninakawan ako ng halik sa pisngi.

Napairap ako nang maka-alis na sila Enzo. Ang tindi nya. Akala ko pa naman maayos
na maayos na sya! Ang akala ko isa sya sa mga matitinong lalaki!

Naramdaman kong nakatingin si Clinton. Dapat bang sabihin ko kay Pierce ang tungkol
kay Clinton? Na parang.. may something sya saakin? Pero paano kung wala naman pala,
edi nagkaaway pa si Pierce at Clinton?

Nang pabalik na kami ng room ni Pierce ay nadatnan ko si Enzo na nakikipagusap— o,


paguusap nga lang bang matatawag iyon? Nasa gilid sila ng main building at doon
naglalampungan.

Kating-kati akong puntahan sila.

"Pierce.." Tawag ko kay Pierce. 

Gusto ko muna syang paunahing umalis. Gusto ko kasing kausapin si Enzo. Gusto ko
lamang syang sisihin at ipamukha sa kanya ang kasamaang ginagawa nya kay Loraine.
Gusto kong malaman nya na hindi maganda ang ginawa nya. Isa pa iyong babae.
"Mauna ka na sa room, magc-CR pa ako."

Nagiinit talaga ang ulo ko kay Enzo! Paano nya nagawa to kay Loraine? Pati ang puri
nya kinuha pa! Sobra-sobra naman ata sya!

"Ah," Kumamot si Pierce sa ulo nya. "Sama ako?" Paghihingi nya ng pahintulot. 

Kinunutan ko sya ng noo, seryoso ba sya? Lahat ng pupuntahan ko susunod sya?

"Sa CR ako pupunta, Pierce? Sasamahan mo ako?"

Nagulat ako nang makita ang mukha nyang namumula. Kumunot ang noo ko.

"Hoy, anong iniisip mo?" Tanong ko at pinagmasdan ang mukha nyang namumula.

Umiling sya. "S-sa labas lang naman ako.." Bulong nya.

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Tinotoo ko nang mag-CR. Pinagiisipan ko kasi
kung ano ang sasabihin kay Enzo, lalo na at kasama ko si Pierce. Nakakahiya naman
kung magsisigaw ako, baka maturn-off si Pierce.
Nang lumabas ako ng Comfort room ay nakita ko si Pierce na nakasandal sa dingding.
Napanguso ako at nag-imagine ng kung ano-ano. Ang bad boy naman kasi nya kung
tumayo. Naiisip ko syang may nakapasak na sigarilyo sa bibig. Kumunot ang noo ko at
naalala ang mga sinabi ni mama.

"Pierce, naninigarilyo ka pa?"

Tumayo sya ng maayos at sinabayan ako sa paglalakad. "Hindi na," Nangingiti nyang
sabi.

Huminto ako. "Bat nangingiti ka?" Siguro nagsisinungaling sya!

"Wala."

Pinanliitan ko sya ng mata. Nangingiti parin sya! Nakagat nya ang labi nya at
umiwas ng tingin saakin.

"Bakit natatawa ka?" Naghihinalang tanong ko.

Inayos nya ang buhok nya at hindi na tumingin saakin. "'Cause you're concerned.."

Ako naman ang nangiti doon.


"Pero hindi ka na talaga naninigarilyo? Kailan ka pa talaga tumigil?"

Suminghap sya ng mahina. Sumulyap sya sandali saakin habang naglalakad kami
pagkatapos ay inakbayan ako. "Matagal na po," Sagot nya para masatisfy ako. 

"Ows? Ang alam ko, mahirap tumigil sa paninigarilyo once na na-adik ka na."
Tinanggal ko ang pagka-kaakbay  nya.

"Mas mahirap humingi ng kiss sayo kung amoy sigarilyo ako."

Sumulyap syang muli sa akin, pinaka-nakaka-akit ang mga mata nya sa lahat ng mga
nakaka-akit na matang nakita ko na. 

Namula ako doon. Damn, Pierce. Seryoso parin sya. Kaya ko sya mahal eh, kasi hindi
nya ginagawang banat ang lahat. Sinasabi nya kung ano talaga ang nararamdaman nya.
Hindi lamang dahil sa gusto nya akong pakiligin. Hindi nya kailangang humanap pa ng
salita, it just comes out naturally. 

Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw kong muli sila Enzo. Huminto rin si Pierce
at tumingin saakin bago tumingin sa tinitignan ko.

"What's wrong?" Tanong nya. 

Tumingin ako sa kanya at tumingin kay Enzo muli. Hindi ba nya nakikita? Iyon ang
mali! Sila Enzo ang mali!
"Si Enzo, Pierce. Bakit ganun sya?" Bumuntong hininga ako.

"Ewan ko, bakit sakin ka nagtatanong?" Nakakunot ang noo nya habang nakatingin rin
kila Enzo na nagtataka.

Ngumuso ako. "Bumalik ka ng room, Pierce. Kakausapin ko lang si Enzo."

"What? Why?" Pinagsalikop nya ang kamay naming dalawa.

"Pierce, kasi ex boyfriend sya ni Loraine. Hindi mo ba nakikita? May kasama syang
iba oh!" Sigaw ko.

Medyo tumitig sya saakin at para bang naalala nya na. Siguro ay naalala nyang
boyfriend iyon ni Loraine. Ex. "And? Why would you talk to him? This is about her
and him. You're out. Mind your own business?"

Kinurot ko sya sa gilid nya. "Bestfriend nya ako. Kakausapin ko lang naman si
Enzo."

Umiling-iling sya. "Anong mangyayari kapag kinausap mo? Will it change the fact
that he wants to talk to another girl? It won't. Let them be."
"Ahh! Kasi ganyan kayong mga lalaki eh! Sainyo kasi wala lang ang lahat, basta
maraming babae, go lang." Tumawa ako ng peke at umiling. Sa kanila talaga easy-han
lang ang lahat. Psh.

"Don't compare me to that douche, Princess. I'm all yours." Umirap sya at inakbayan
ako sabay hila saakin palayo.

Siniko ko sya ng mahina. "Bitawan mo nga ako, Jimenez! Kakausapin ko lang! Balik sa
room!"

"I'm not your dog," Bulong nya.

Kumunot ang noo ko sa makulit na si Pierce. Hindi ko narinig ang binulong nya.
"Anong sabi mo?"

"Wala." Bumuntong hininga sya. "I said I'm coming with you. Uncontrollable things
might happen and you might not to get away from it safely."

"At kapag kasama ka?" Nayayabangang tanong ko.

Ngumisi sya. "You're safe with me, you know that."

"Ang yabang mo!" Natatawang sigaw ko sa kanya.


Hinayaan ko syang sumama saakin. Natigil ang kulitan ni Enzo at ni Chin nang
makitang papalapit kami. Bigla silang natahimik at nakita ko si Chin na ilang beses
na sumusulyap kay Pierce.

Humakbang ako ng isang beses pa, si Pierce ay iniwan ko sa likod ko. 

"Ano to, Enzo?" Tanong ko sa kanya. Seryoso ang boses at mukha ko. 

Hindi ako makapaniwalang naging malapit rin ako sa kanya. Ang kapal nya!

Tumigas ang mukha nya at tumingin lamang sa gilid. Walang nagi-guilty na tingin sa
mukha nya. Mukha syang naiinis dahil nagambala ko sila. Hindi ito ang Enzo na
unang-una kong nakausap. Anong nangyari sa kanya?

"Paano mo to nagagawa kay Loraine?" Medyo tumaas ang boses ko. Naalala ko ang
itsura ni Loraine na umiiyak. 

Iniiyakan nya ang lalaking to?

Okay lang na hindi sya magsalita. Gusto ko lamang marinig nya lahat ng sasabihin
ko.

"Gago ka, Enzo. Alam mo yun? Gago ka!" Naramdaman kong lumapit saakin si Pierce
ngunit hindi naki-alam. Siguradong bina-back up-an nya lamang ako.
Nakita ko ang kaunting pagngisi nya ngunit hindi parin saakin nakatingin.
Nakakainis syang tignan!

"Sa una ka lang magaling eh, ano to? Pagkatapos mo sa bestfriend ko may bagong.."
Ngumiwi ako. "Babae naman?"

Gusto ko sana syang tawaging haliparot, kung wala na talaga akong natitirang
paggalang.

"Tara na nga, Enzo. Hwag mo nang pansinin yan!" Aniya na medyo malakas.

"Pwede ka namang umalis." Sabi ko habang nakatingin kay Chin. Nang hindi kumilos si
Enzo ay nanatili ring naka-upo si Chin.

Tumingin ulit ako kay Enzo. Nakakapaginit sya ng ulo.

"Ang tindi mo, Enzo! Ang galing galing mo.." Tumigas ang mukha ko habang pinapanuod
syang mukhang tinatamad na nakikinig.

Gusto kong isumbat sa kanya pati na rin ang virginity ng bestfriend ko, pero ayoko
syang ipahiya sa harapan ng lintik na Enzo na ito at lalo naman sa babaeng to.

Tumayo sya bigla at hinila si Chin sa kamay upang umalis. 


Hinarang sya ni Pierce. "She's still talking."

Kumuyom ang kamao ni Enzo. "Paraan ako, Jimenez."

Hindi nagsalita si Pierce ngunit nanatiling nakaharang sa dadaanan ni Enzo. Malamig


lamang ang ekpresyon ng mukha ni Pierce at walang nagawa si Enzo kundi ang
manatili. Si Chin ay parang nahulog na ang panty kay Pierce.

Pinagpalit ni Enzo si Loraine sa babaeng to? Ano bang nangyayari sa mundo?

"Fine!" Binitawan ni Enzo ang kamay ni Chin at umurong papalayo kay Pierce para
puntahan ako. "Ano? Sabihin mo na ang mga sasabihin mo." Halos pasigaw na sabi ni
Enzo saakin. Nakataas pa ang dibdib nya na para bang lalaki ako na hinahamon nya.

Nagulat ako dahil may mas maiba-bastos pa pala sya. 

"You better not lay a finger on her," Babala ni Pierce at lumapit saakin para itago
ako sa likod nya.

"Ano? Eh may gustong sabihin sakin ang girlfriend mo.." Sabi ni Enzo na mukhang
nagpipigil.

Sinubukan ni Enzo na abutin ako. Bahagya nya akong tinulak sa balikat gamit ang
hintuturo. "Ano na ang sasabihin mo?" Tumango sya saakin na mukhang nag-aangas.

Hindi ako makapaniwalang minahal sya ng bestfriend ko.

Habang gulat ako ay nakita ko na lamang si Enzo na nakahiga na sa sahig. Sa sobrang


gulat ko ay hindi agad ako nakagalaw.

Nang tignan ko si Pierce ay galit na galit sya. "Pierce, hwag." Pagpigil ko sa


kanya. Hinawakan ko ang kamay nyang nanginginig. 

"Putangina," Bulong ni Enzo habang pinupunasan ang dugo sa labi nya. "Putangina
nyo."

Si Chin ay nakita kong nagtatakbo paalis. Kinabahan ako. Hindi kaya ay magtatawag
yun?

"Pierce, pierce.." Tawag ko sa kanya dahil mukhang gusto nya pang paulanan si Enzo
ng suntok. Tumataas baba ang balikat nya at nasa likuran lang nya ako habang
hinihila ko ang dulo ng suot nyang pang-itaas. "Tara na, alis na tayo.."

"Oh bakit? Bakit nagagalit ka? Ano naman kung iniwan ko yung bestfriend nya? Anong
kinakana mo? Bat nagagalit ka? Kasi parehas sila ng kaibigan nya? Ah oo, pareho
sila ni Princess!" Galit na sigaw ni Enzo at tumayo. 

Hinila ko si Pierce na nagsisiklab na sa galit. Hindi ako nakaramdam ng galit, para


sa sarili ko. Sanay na ako na marinig yun. Nagagalit ako para sa mararamdaman ni
Loraine na sinabihan sya ng ganito. At nag-aalala ako. Ayokong may makakita sa
kanila at ayokong ma-office si Pierce.

Kinakabahan ako dahil isa pang kana ni Enzo ay madudurog na ang mukha nya!

"Pierce, may nililinis kang pangalan." Takot na bulong ko sa kanya. Pinagsalikop ko


ang kamay namin.  Kitang kita ko ang tigas ng panga nya habang nakatitig kay Enzo.
Ang kamay nya ay walang tigil sa panginginig. "Please? Para sakin, Pierce.."

"Pareho silang puta!" Dagdag ni Enzo.

Doon ay binitawan nya ang kamay ko para suntuking muli si Enzo.

Pilit kong pinigilan si Pierce. Nagsimula silang magsuntukan. Kitang kita ko ang
galit na braso ni Pierce sa bawat tama ng kamao nya sa mukha ng walang laban na si
Enzo.

Pierce naman..

"Bakit mukhang baliw na baliw sayo si Pierce?" Tanong ni Chin saakin. 

Magkatabi kaming naghihintay sa labas ng Principal's office. Nasa loob si Enzo at


Pierce na hanggang ngayon ay kinakausap. Kami naman ni Chin ay kinausap rin ng
ilang oras hiwalay kila Pierce.
"Yan talaga ang itatanong mo sakin?" Tanong ko, hindi tumitingin sa kanya kahit
pansin ko na sinusuri nya ang mukha ko.

Pinanuod ko si Pierce at Enzo na kinakausap ng principal. Mula kasi sa labas ay


kitang kita sila dahil isang malaking glass wall lamang ang pagitan. 

Naninikip ang dibdib ko. Nagtitinginan ang mga teachers sa way namin. At oo,
nandoon si ma'am Carmel na may sinusulat sa papel ngunit panay rin ang tingin
dito. 

Masama na naman ba ang iniisip nya? Kunsabagay ay lahat naman siguro ng teachers ay
iyon ang iniisip kay Pierce. Ang magandang gawin na lamang nya sa ngayon ay hwag
makialam. Sige na, isipin nya na lahat ng kasamaang meron si Pierce, ang akin lang
ay hwag na syang magsalita o maki-alam.

Naririnig ko na usapan na naman si Pierce. Usapan sya ng mga teachers na nagdadaan.


Usapan rin sya ng mga babae. Naririnig kong lahat iyon. Ni hindi nga nila alam na
si Enzo ang kaaway. Basta alam lang nila, si Pierce. Basta may dalawang nag away,
at kasama si Pierce, si Pierce lamang ang pag-uusapan. 

Bakit ngiting-ngiti ang mga babae? Kanina pa sila tuwang-tuwang nagdadaanan dito.
Bakit natutuwa sila dahil nakipag-away na naman si Pierce? Anong nakakatuwa doon?

"Hmm, oo." Sagot nya. 

"Ikaw, bat pinatulan mo si Enzo? Alam mo namang may girlfriend yung tao ah." Tumawa
ako.
Nagtagal bago sya sumagot. Para syang naiinsulto. "Friends lang kami."

Umirap ako at pumikit. 

"H-hindi naman ako ang naunang magpakita ng hints eh.." Pag-amin nya maya-maya. 

Wow. Wow lang huh?

Hindi ako nagsalita. Mahirap makipag-usap sa isang tao na hindi mo naiintidihan.

Maya-maya ay narinig kong bumukas na ang pinto ng Principal's office. Tumayo na si


Chin sa tabi ko ngunit nanatili lang akong nakatitig sa lapag hanggang sa nakita ko
ang sapatos ni Pierce sa baba.

Nang i-angat ko ang tingin ko ay nakita ko ang seryoso nyang mukha. Galit parin
dahil sa kanina. Wala sya kahit isang galos. Dahil saakin kaya sya napa-away. Pero
hindi naman nya kailangang suntukin si Enzo. Lahat na lang kasi dinadaan nya sa
kamao nya eh. 

Tahimik akong tumayo at hindi sya kinausap. Nakakapagod. Anong gagawin ko? Anong
sasabihin ko sa kanya? Na salamat at ang galing nya dahil napa-tumba nya ang
bumastos saakin?

Uwian na namin at pupunta kaming room para kuhanin ang mga bag namin. Nauuna akong
maglakad kay Pierce dahil ayoko syang sabayan. Hindi sya nagsasalita. Nakasunod
lamang sya. Siguro ay ramdam nyang hindi maganda ang ginawa nya.

Ano kaya? Pinapaalis na ba sya sa school? Tss..

"Oh, anong nangyari?" Malamig na tanong ko nang malapit na kami sa room namin.

Naiinis na binuksan ko ang pinto at nakitang wala na nga kami kahit na isang
kaklase dito. 5:30 na at nagdidilim na. Medyo malamig pa dahil anong petsa na.

"P-pinagsabihan lang kami tapos pinauwi na.." Mahinang sabi nya na parang bata
syang takot na nagpapaliwanag sa nanay nya. 

"Buti hindi ka pa pinapa-alis ng school?" Tanong ko. 

Ayokong sabihin to pero nakakainis na kasi. Syempre, sino bang gustong lumayas sya
ng school na to? Pero kung hindi ko kasi sya titigasan ay walang mangyayari.

Umiling iling sya. Sinuot nya na ang bag nya sa isang balikat nya.

"Galit ka?"

Tumalikod ako sa kanya at papalabas na sana ng room. Nakasunod naman sya saakin. 
"Bakit ka galit?" Nasa likod ko parin sya. 

Hindi ba halata?! Kailangan bang ipaliwanag ko sa kanya ang lahat? Ano sya batang
walang alam? Hindi lang naman to para malinis ang pangalan nya kay mama eh! Para
din sa kanya to, ano pag umiinit ang ulo nya, susuntukin na lang nya bigla? Lahat
aawayin nya? Papaikliin nya ang buhay nya dahil sa dami ng kaaway nya?

"Kasi Pierce, obvious naman diba? Namihasa na naman ang init ng ulo mo at nanuntok
ka!" Bumalik ako at humarap sa kanya.

Sumabay na sya sa paglalakad saakin. "Galit ka dahil lang doon?"

"Pierce naman! Intindihin mo rin kasi ang sitwasyon!" Galit na sigaw ko.

"You're not mad at him for calling you names, yet you're mad at me because I hit
that douche?" Hindi maintindihan tanong nya.

"Hindi! Bakit ako magagalit?! Wala lang naman yun Pierce! Sanay na sanay na ako!"

"Wala?" Pagputol nya saakin. 

Nasapo ko ang noo ko. Pag-aawayin talaga namin to?


"If that's nothing to you, then it is to me. No one is allowed to call you a whore.
Goddammit!"

Pabago bago ang kondisyon ko. Nagagalit ako. Nawawala. Nagagalit. At nahuhulog.

"Para rin naman kasi sayo to Pierce eh.."

Inis syang tumalikod saakin. "I don't care what it takes to protect you, Princess."

Napayuko ako. Mahal ko si Pierce.. pero bakit pakiramdam ko naguguluhan ako? Bakit
gusto ko syang ipaglaban pero gusto ko ring sumuko?

"Don't be like this, Pierce.. inaayos lang naman kita eh.."

"Maayos naman ako, ah?" Halos umamo sya, nangungimbinsi ang boses nya.

Kulang pa. Sorry pero kulang pa. Hindi sakin, para sa iba. Kulang ka pa para sa
ibang tao.

"Hindi Pierce," Naiyak ako.


Humarap sya nang marinig ang pagsinghot ko. Lumapit agad sya saakin. 

Nakita ko sa mga mata nya ang takot. Gusto nyang punasan ang luha ko pero ayaw
nyang lumapit dahil may takot sa mga mata nya.

"N-nahihiya ka ba sakin?" Tanong nya. Kita ko ang pag-aalala sa mata nya.

Anong tinatanong nya?

"Nag-aayos na ako, Princess. Para satin. H-hindi ko lang talaga napigilan yung
sarili ko kanina because, fuck," Pinunasan nya ang pisngi ko gamit ang daliri nya.
"Walang pwedeng uminsulto sayo."

Umiling ako. "Pierce, hindi." Iling ako ng iling. "Enough ka na saakin. M-may ibang
tao lang talaga.. ibang taong hindi naiintindihan. Kailangan pa nating ipa-intindi
sa kanila na maayos ka. Kailangan nating mapatunayan, diba?"

Pumikit sya ng mariin at hinalikan ang noo ko. Para syang nasasaktan. "Tungkol ba
to sa mommy mo?"

Nagulat ako ng mabigkas nya si mama. "A-ano?"

Ngumiti sya ng malungkot. "I know, Princess.."


Ilang segundo pa bago ko marealize ang lahat. Alam nya. Alam nya na! Kaya ba sya
malungkot kanina pa? At kailan nya lamang nalaman? Kahapon? Kanina?

"P-paano mo? Bakit?"

Tumitig sya sa madilim sa classrom namin at umupo sa isang bangko. "I don't know
Princess.. ang alam ko lang ay ayaw nya saakin." Ang boses nya ay sobrang
nasasaktan. At ayokong naririnig ang tono na iyon sa kanya. Pwede bang maging cold
ka na lang?

Napasinghap ako at umupo rin. Sa likod nya ako umupo para hindi nya ako makita.
Pakiramdam ko ay maiiyak ako. Ang sakit marinig ng ganoong boses nya.

"Kailan mo sya nakausap, Pierce? Anong sinabi nya? Sabihin mo sakin!" Pakiramdam ko
ay nakakahiya ang lahat ng sinabi ni mama! Anong mga sinabi nya? Bakit ang big
deal?

Putangina naman, wala namang ginagawa si Pierce!

Mukhang ayaw nyang magsalita ngunit pinilit ko sya.

"Please, Pierce.. kailangan ko ring malaman.."

Nanahimik muna sya. Tumayo ako at inusog ang upuan paharap sa kanya. 
Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha nya. Inexpect ko na malulungkot sya kung
malalaman nya na ayaw sa kanya ni mama, pero hindi ko inakala na ganito sya.
Tahimik lamang ang mukha nya pero alam kong madaming iniisip. Hindi ko inakalang
napaka-big deal sa kanya na ayaw ni mama saamin.

"Please talk.." Sabi ko habang hawak hawak ang magkabila nyang pisngi sa kamay ko
at pilit syang pinapatingin saakin.

Nang magtama ang mga mata namin ay saka lang sya nagsalita.

"Pinuntahan kita kagabi ng 11. I saw your mom coming out.." Pinatong nya ang noo
nya sa kamay nya para hindi ipakita saakin ang mukha. "She saw me. Mukhang kilala
nya ako, dahil lumapit sya.."

Hindi ako makapaniwala. Ayokong marinig ang mga susunod pa..

"I didn't know what to do, Princess. Hindi ako sanay na humarap at gumalang sa
nakatatanda." Mapait syang natawa. "I was nervous and I was shaking when he called
me by my name."

Para bang ayaw nyang ituloy. Gusto kong marinig. "Please ituloy mo. Gusto kong
marinig, Pierce.."

Nagbuntong hininga sya at yumuko. Ayaw nyang sabihin. Gusto nyang sarilihin? Pero
gusto kong malaman, hindi nya kailangang solohin ang mga sinabi ni mama. Hindi nya
kailangang mag-isa.
"She doesn't like me.." Mahinang sabi nya.

Umiling lang ako ngunit wala akong masabi.

"Wala naman akong pakialam sa tingin ng iba saakin," Mahinang sabi nya. "But for
the first time, I want someone to like me so much.." Halos hindi ko na marinig ang
mga sinasabi nya.

Lumunok ako.

"She told me that you were already inside your room," Bulong nya. "And she told me
to stay a-away from you.."

Napasinghap ako ng tahimik. Gumising ako kaninang umaga at nagkaharap kami, yet
wala syang sinabi saakin na nagkausap sila ni Pierce matapos ng sagutan namin!?

"Then she left me without waiting for me to say a word."

Nasaktan ako. Ramdam na ramdam ko ang sakit nya kahit ayaw nyang magsalita ng
marami.

"Gusto ko sanang magtanong, princess. I wanna ask why she hates me so much." It's
not easy to see Pierce like this. Palagi ko syang nakikitang malamig, arogante at
walang pinapakitang emosyon. Pero ngayon... nakikita kong nasasaktan talaga sya.

Umiling iling ako at walang nagawa o masabi.

"Bakit hindi mo agad sinabing nagusap kayo ni mama?" Tanong ko.

Tinitigan nya ako. "A-akala ko ikaw ang magsasabi. I-I was waiting for you to say
it. And god knows how scared I was. Akala makikipaghiwalay ka na.."

"Hindi ko yun gagawin.." Sabi ko. "I'm so sorry, nagagalit ka ba?" 

Tinitigan ko sya.

"Why? I'm not." Hinawakan nya ang pisngi ko.

"N-nasaktan ka ba ni mama?"

Pinanuod ko lamang sya. napunta ang kamay nya sa tuktok ng ulo ko para guluhin ang
buhok ko. Marahan syang umiling. Then he faked a smiled that broke my heart.

=================

TKP 44
TKP 44

Tahimik naming nilakad ni Pierce ang daan papalabas ng school. Ang mabigat na
hangin ay hindi ko yata kayang kayanin kaya naman nagsalita ako.

"Anong iniisip mo?" Natatakot kong tanong ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

Natatakot ako sa katahimikan nya. Tahimik sya, pero hindi ganito katindi. Ayokong
mag-isip sya ng mag-isip. Ayokong magcome up sya sa isang idea.

Idea na kagaya na lamang ng paggi-give up.

Kanina bago kami umalis ng classroom ay sinabi ko sa kanya ang lahat. Kung bakit
ayaw sa kanya ni mama. Ang lahat ng kinuwento ni ma'am. Sinabi ko ang tungkol sa
pangingi-alam ni ma'am Carmel. Kinuwento ko na magkaibigan sila.

Tahimik lamang syang nakikinig at walang sinasabi.

Matapos kong sabihin sa kanya ang lahat ay wala akong narinig na hinanakit mula sa
kanya. Tahimik lamang syang nakayuko at nilalaro ang kamay ko na nakapatong sa
desk.

Alam kong nasaktan sya pero hanggang saan ba si Pierce? Paano kung ayaw nya na?
Paano kung masyadong syang nadismaya? Natatakot ako.
"Wala," Inakbayan nya lamang ako hanggang sa malagpasan na namin ang gate at ang
guard.

Hindi ako mapakali. Alam ko kasing may tumatakbo sa utak nya. Alam kong may iniisip
sya.

Nang makarating kami sa sakayan ay kumuha sya ng isang taxi at kinausap ang driver.
Hindi ko narinig ang mga pinagusapan nila at tahimik ko na lamang hinintay si
Pierce. 

"Hindi kita maihahatid ngayon." Aniya. Hindi sya makatingin.

Naiintindihan ko naman pero ang sakit lang. Naapektuhan sya sa nangyayari at pati
ang kinikilos nya. Naiintindihan ko naman. Dapat ay intindihin ko. Hindi nya
kasalanan.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Sige, umuwi ka na rin ah?" Pinilit kong magtunog
okay.

Ang bigat sa dibdib. Hindi ko man lang alam ang iniisip nya. Pwede bang wala?
Nakakatakot eh. Kaya ayokong sabihin sa kanya, alam kong may magbabago.

Kumunot ang noo nya at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makapasok ako ay hinintay
kong isara nya ang pinto.
Nagsquat sya sa labas para magpantay kami. Malungkot ang mukha nya nang magtama ang
mga mata namin. "Hey.."

"Hmm?" Tanong ko at nagkunwaring nag-aayos ng bag para hindi nya makita ang
naluluha kong mata.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nya.

Tumango-tango ako. "Oo, umuwi ka na rin.."

Naramdaman ko ang titig nya saakin. "Please don't be sad,"

Tumawa ako. Tapos ay pinunasan ang luha ko. Nakakainis lang talaga pag napakababaw
mong tao. "Sorry.. Sorry.." Sabi ko lamang.

Bumuntong hininga sya. "Don't cry, please Princess. You're making it hard for me.."
Hindi ko makita ang mukha nya pero alam kong nag-aalala na talaga sya.

"Sige na.. ano ba, ayos lang naman ako eh." Tumawa ako at umiling.

Tumingin ako sa kanya at nakagat nya ang labi nya. "Trust me, everything will be
fine." Aniya. 
Nakahinga ako ng maayos doon. Ang sarap sa pandinig.

Lumabas ako ng taxi, napatayo naman sya. Niyakap ko sya ng mahigpit na ikinagulat
nya. This is all I need. Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya na halos natuyo na
ang mga luha ko sa damit nya.

Noong una ay nakataas lamang ang kamay nya ngunit bumaba rin iyon dahan-dahan sa
likuran ko. Hinagod nya iyon at lalo kong naramdaman na mahal nya talaga ako.

"I trust you," Sabi ko at pumasok na ulit sa taxi. Sinara nya iyon at unti-unti
kaming umandar, hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.

Pinunasan ko ang lahat ng luha sa mukha ko at pinakalma ko ang sarili ko. Ayoko
nang umuwi sa bahay. Gusto ko na lamang samahan si Pierce.

Nang tumingin ako sa labas ay may napansin ako. Nakasunod saamin ang sasakyan nila
Pierce. Napangiti ako ng malapad. Binabantayan nya ako. Alam ko iyon dahil kahit na
gaano kabagal ang sasakyang sinasakyan ko ay mabagal rin silang nasa likuran namin
na nakasunod.

Nang huminto ang taxi sa bahay namin ay nakita ko pa ang medyo paghinto ng sasakyan
nila Pierce. Napangiti ako ng malungkot.

"Kuya, bayad po." Sabi ko sa driver.

Umiling-iling ang driver. "Ay, nabayaran na ho ako ng boyfriend nyo kanina.


Magdahan-dahan nga raw ho ako sa pagda-drive, binigyan pa ako ng tip." Ngisi nung
driver.

Napanganga ako at lumabas na ng taxi. Tinanaw ko ang sasakyan ni Pierce at wala na


sila.

Pumasok ako ng bahay at hindi ko naman nadatnan si mama kaya dumiretso na ako sa
kwarto ko. Hindi pa ako nakakapagpalit ng uniform ay nagvibrate na ang phone ko.

From Pierce:

Hindi kita pwedeng ihatid. I hope you understand princess

Mabilis akong nagtype.

To Pierce:

Naiintindihan ko :)

Hinintay ko syang magreply habang kinakabahan. Ayokong magbago kami. Agad akong
sumaya ng makita na may message agad sya.

From Pierce:

Okay na ba kayo ni mama mo?


Humiga ako sa kama habang iniisip ang text ni Pierce. Naikwento ko sa kanya na
nagkasagutan kami ni mama kagabi rin bago sila mag-usap.

To Pierce:

Nope. Ayokong sinasabihan ka ng ganun pierce. Hindi ka naman kasi ganun.

Nagpalit ako ng uniform habang hinihinay ang text nya.

From Pierce:

Dont be mad at her. Nagaalala lang sya sayo. Ayaw ka nyang mapasama

To Pierce:

Mapasama? Kanino sayo? Tss. 

Sumasakit ang ulo ko!

From Pierce:

You cant blame her. She only wants the best for you :)

Paano nya to nasasabi? Hindi ba sya nagagalit kay mama?


To Pierce:

Youre the best for me.

Naiinis na ngumuso ako habang naghihintay ng reply nya. Dapat ay daluhan nya ako.
Naiinis ako kay mama, at hindi nya dapat sabihin na tama ang ginagawa ni mama.
Dahil hindi!

From Pierce:

Kinikilig ako :')

Nalaglag ang panga ko at natawa. Magrereply sana ako ngunit nagvibrate muli ang
phone ko.

From Pierce:

Damn it. Si klark yon inagaw ang phone ko

Napatango ako at nanghinayang. Gusto ko pa naman syang kiligin.

To Pierce:

Sayang :( gusto ko kinikilig ka.


Maya-maya ay tumawag sya saakin at nag-usap kami ng matagal. Inabot yata ako kami
ng dalawang oras sa pag-uusap ng kung ano. Hindi naman sumagi sa usap namin si
mama.

Nakatulugan ko si Pierce habang kausap sya at nagising ako ng mga bandang 10 PM.
Nakita kong nay text doon si Pierce.

From Pierce:

Sleep well, angel

Halos mabaliw ako ng gabi na iyon sa kakaisip. Sakit ko na yata ang pag-iisip
masyado. Eh si Pierce kaya? Tulog na kaya yun? Natatakot kasi akong itext sya. Baka
may iniisip sya, tapos ay guluhin ko pa.

Naligo lang ako at kumain pagkatapos ay humiga nang muli para mag-isip ng kung ano-
ano.

Kinatikot ko ang phone ko at nagbasa-basa ng mga texts nya na hindi ko pa nabubura.

From Pierce:

Eat more, okay?

Napangiti ako.
From Pierce:

Im not jealous. Ayoko lang na napapatingin ka kay kharl

Natawa ako ng maalala yun. Isang beses ay nakita ko si Elaine na kasama si Kharl.
Hindi ko alam kung bakit ko pa tinignan si Elaine, para siguro pagmasdan ang
kagandahan nya. Tinitignan ko rin kasi kung nakatingin sya kay Pierce.

At nagalit yata si Pierce dahil daw pinapanuod ko pa ang ex ko. O-kay.

From Pierce:

Mom told me you look really pretty =))

Nakagat ko ang labi ko. Isang araw iyon na pumunta si mrs. Jimenez sa school at
nakita nya kami ni Pierce. Hiyang hiya ako dahil haggard pa ang mukha ko at medyo
pawisan dahil naglaro kami ni Pierce kasama ang mga kaklase namin sa P.E.

"Nakakahiya! Ang dai kong pawis!" Sigaw ko kay Pierce at hinampas-hampas pa sya
dahil nakakahiya talaga.

Alam kong alam nyang gwapo ang anak nya, kahit pawisan pa. Anong iisipin nya na
nakita akong ganun kapangit?

Samantalang ang linis-linis ni mrs. Jimenez nung nakita ko. Mas mukha pa syang
fresh kesa saakin. Nakakahiya tuloy. Baka sabihing dugyot ang dine-date ng anak
nya.

Natawa sya ng malakas habang pinapanuod akong pinupunasan ang pawisan kong mukha
gamit ang panyong hiniram ko sakanya.

"You look fine, what the heck is your problem?" Natatawa parin sya.

"Fine? Fine na ang bagong haggard ngayon?" Inis na sabi ko. Kung bakit naman kasi
hindi alam ni Pierce kung kailan bumibisita ang mommy nya eh! At bakit nandito nga
ba ang mommy nya?

"Don't shout, you're scaring me." Natatawang sabi nya.

"Tss.." Sabi ko lang. Noong nag-uwian ay hinatid nya ako gamit ang sasakyan nila
pagkatapos ay nakatanggap nga ako ng text mula sa kanya na sinabi daw ng mommy nya
na pretty ako. Alam ko namang nasisinungaling sya.

Halos mapatalon ako sa pag-iisip nang biglang may nagtext. Namatay na pala ang
phone ko sa kakaisip kay Pierce.

From Clinton:

Heard what happened. May ginawa ba si enzo kay pierce?

Ngumuso ako habang nagta-type.


To Clinton:

Nagkainitan sila. Ayos naman na. 

Naghintay ako sa reply nya na agad namang dumating.

From Clinton:

Sayo? Meron ba?

Napasapo ako sa noo ko. Ano naman kung meron nga? Pinatay ko ang phone ko at humiga
ng maayos at naghanda para matulog.

Kinabukasan ay nagising ako ng may luha sa mata. Maaga akong nagising hindi kagaya
ng palagi kong gising. Humikab ako at umupo sa kama.

Kinuha ko ang cellphone ko na 4:30 AM palang ang nakasulat. Masyado pang maaga.

To Pierce:

Good morning!! <3

Tinabi ko ang phone ko sa gilid dahil alam kong hindi pa gising si Pierce ngunit
agad na nagvibrate ang phone ko.
Tinakbo ko ang diatansya ng pinto ng kwarto at ng kama. Excited ako.

From Pierce:

Aga mong magising?

Magta-type sana ako ngunit bigla syang tumawag.

"Hello?" Sagot ko sa tawag nya.

Hindi sya agad nagsalita.

"Hello?" Ulit ko.

Umubo sya sa kabilang linya. "What are you doing? Hindi ka ba natulog?"

Ngumiwi ako sa cold na boses nya. "Natulog, pero maaga ako masyadong nakatulog kaya
maaga akong nagising."

Hindi na sya ulit nagsalita.


"I-ikaw, anong ginagawa mo?" Tanong ko.

Bakit pakiramdam ko ay nanlalamig sya?

"Iniisip kita." Sagot nya.

Napangiti ako at ewan ko na naman kung bakit ako naiiyak. That's impossible, right?
Hindi magiging cold si Pierce saakin dahil lang sa ginawa ni mama sa kanya. He is
better than that.

"Bakit naman?"

Narinig ko ang mahinang pag-singhap nya. "I'm worried about you, I can't sleep.."

Nakagat ko ang labi ko at humigang muli.

"Bakit ka naman nagwo-worry?"

Kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Pakiramdam ko ay mamimi-miss ko ang boses ni
Pierce. Kung nasa ibang bansa na ako, syempre ay wala na kami ni Pierce nun. Hindi
talaga ako naniniwala sa long distance relationship. Isa pa, hindi pa kami matatag
ni Pierce.
"Kasi mukha kang disappointed kahapon."

Nagbuntong hininga ako pero hindi ko pinarinig.

"Naiintindihan mo naman diba? Your mom can't see me with you. She'll get furious,
that's the last thing I want to happen.."

Tumango tango ako. "Naiintihan ko.."

Narinig ko na naman ang mabigat nyang buntong hininga. Nang mapansin kong wala na
syang sasabihin ay nagpaalam na ako. Ang tahimik nya kasi masyado, hindi naman sya
ganun. Kahit na wala kaming mapag-usapan ay paulit-ulit nyang tatawagin ang
pangalan ko para mangulit.

"Sige, mamaya na lang.." Malungkot na sabi ko. Sabi ko na nga ba eh. Talaga namang
may magbabago. Imposibleng wala.

"P-princess," Halos tumakbo ang puso ko. May sasabihin pa sya.

"Hmm?"

"Hindi na kita mahihintay sa gate.." Malumanay na sabi nya.


Para akong binawian ng hininga doon. Hindi ko pinarinig sa kanya ang pagbigat ng
paghinga ko. Masakit, Pierce!

"Ooh.. sige." Tumawa ako at pinatay na agad ang tawag.

Pagkamatay ng phone ay binitawan ko agad iyon sa gilid ng kama ko at agad na


sumubsob. I knew it! Nagbabago na sya! Unti-unti na. Nawalan ba sya ng gana dahil
sa nangyari?

Umahon ako sa pagkakasubsob ng marinig ang phone ko na may nagtext.

From Pierce:

I love you.

Hindi ko na namalayan ang oras at nakatulog muli ako sa pagiyak. Naramdam ko na


lamang na may tumatapik saakin.

"Princess, male-late ka na." Narinig ko ang boses ni mama.

Umupo ako sa kama at pinunasan ang mata kong may luha pa. Galit ako sa kanya pero
agad namang nawawala iyon dahil kita ko ngayon na malambot ang mukha nya.
Agad din naman syang lumabas sa kwarto ko nang hindi ako nagsalita. 6:20 na pala.

Kinapa ko ang cellphone ko at may text doon si Pierce.

From Pierce:

Princess?

Ilang minutes nya lang text iyon matapos kong hindi magreply sa 'I love you' nya.

Ayokong magalit sa kanya dahil lang sa ganitong kaliit na bagay. Dapat ay


intindihin ko sya. Intindihin ang sitwasyon.

Tama, tama. Wala akong dapat na ikagalit.

Ngunit pagtayo ko ay ramdam ko talaga ang lungkot. Ang lungkot-lungkot. Ibang-iba


ito sa mga araw na masaya akong bumabangon dahil alam kong masaya at magiging
maayos ang lahat dahil meron akong Pierce.

I didn't know I needed him this much.

Tahimik akong nag-almusal habang nag-uusap si mama at si Samuel.


"Ma, anong sinabi mo kay Pierce?" Mahinang tanong ko ngunit malamig na nakatingin
sa pagkain.

Natigilan sya sa pakikipag-usap kay Sam.

"Wala akong sinabi—"

Naiyak ako. "Ma naman! Ma importante sakin si Pierce ma, bakit ka ganyan?"

Nalaglag ang panga nya habang pinapanuod ang reaksyon ko.

"Wala akong sinabing masama, Princess!" Galit na sigaw nya.

"Wala, wala." Pag-uulit ko sa sinabi nya. "Ma naman, binastos ka ba nya? Bakit
kailangan mo syang bastusin ma?"

Tumigas ang mukha nya. "Nagsumbong talaga sayo, ah?" Tumaas pa ang sulok ng labi
nya.

"Pinilit ko syang magsalita, ma!" Galit na sabi ko.


"Wala akong sinabi. Nakita ko lang sya, namukhaan ko yung pinakita saakin ni Carmel
at nilapitan ko dahil mukhang ikaw ang sadya, nakaparada kasi yung motor nya sa
tapat ng bahay natin." May diin pa sya sa motor ni Pierce.

Hinintay ko lamang sya.

"Sinabi ko lang na layuan ka nya, na may ibang lalaki akong gusto para sa iyo—"

"Ano ma, sinabi mo yon?" Gulat na sabi ko. Hindi iyon nasabi ni Pierce.

Umirap sya na parang galit. "Oo, sinabi ko talagang gusto ko iyong isang boyfriend
mo. Para malaman nya na walang-wala sya doon—"

Hindi ko sya pinatapos at bumalik na ako sa kwarto ko. Iba't-ibang mura ang
naibulong ko. Nakakahiya! Nasabi nya yun kay Pierce?! Si Kharl? Si Kharl ang mas
better kay Pierce?!

Wow!

Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Ayoko nang magtagal sa bahay na ito.

Nang nakapasok na ako sa gate ay napatingin parin ako sa sunod-sunod na hanay ng


mga bench doon sa waiting area. Kahit hindi ko man aminin, hinihiling ko parin na
sana, sana hinihintay ako ni Pierce.
Malungkot na pumanhik ako sa classroom. Naabutan ko si Pierce sa upuan namin na
nakadukdok at mukhang natutulog.

Nagtinginan saakin ang nga kaklase ko. Hindi siguro sila sanay na mag-isa lamang
akong pumasok sa pinto, at nauna saakin ang palagi kong sundo.

Nang makaupo ako ay agad namang umangat ang ulo ni Pierce, hindi ko naman sya
ginising o kinausap.

Awkward. Nakita ko ang inaantok nya pang mga mata. Wala syang reaksyon, ngunit
nakikita ko ang malalim nyang pag-iisip sa mga mata nya. Sumandal lamang sya ng upo
at wala akong natanggap na bati.

"Musta na ba?" Tanong ko. Anong tanong iyon?

Sumulyap sya saakin at pinagsalikop ang kamay naming dalawa.

"Bakit hindi ka nagtext?" Tanong nya.

Umiling lang ako at tumingin sa kamay naming dalawa. Hindi sya nagsalita.

"Tell me." Aniya.


"Nakatulog ulit ako eh." Sabi ko na lamang.

Tahimik lamang sya at hindi na nagsalita. Para bang tinanggap nya na ang excuse ko
kahit alam naman nyang hindi iyon totoo.

Nang dumating si ma'am Carmel ay unti-unti nyang pinalaya ang kamay ko. Napalunok
ako nang gawin nya iyon. He never let go of my hand on class. Ever. 

"Tabihan mo yung bestfriend mo," Aniya at nginuso si Loraine na nasa kabila at


nakadukdok rin. Ngayon ko lamang sya napansin.

Agad naman akong napatayo. Pero habang naglalakad ako papunta kay Loraine ay
nasasaktan ako. Alam ko namang pinapalayo nya ako. Okay lang. Palabas lang naman
namin ito kay ma'am Carmel.

Tinabihan ko si Loraine at sumulyap kay Pierce na diretso ang tingin sa harapan


habang nakasandal. Hindi man lang sya ulit tumingin saakin.

Pumikit ako ng mariin at ngumisi kay Loraine. Pasikreto ko syang dinaldal.

"Wala na kayo ni Pierce?" Anang katabi ko sa kabila.

Tumingin ako sa kanya at mukhang interesadong-intersado sya.


"Bakit?"

Kumunot ang ilong nya. "Akala ko lang. Hindi kasi kayo sabay, tapos hindi pa kayo
magkatabi ngayon." Nakagat nya ang ibabang labi. Mukha talaga syang interesado. "So
kayo pa ba?"

Naiirita man ay sumagot parin ako. "Oo naman." Tapos ay hindi ko na sya tinignan
muli at nakinig sa teacher namin.

"Mags-snack ka ba?" Tanong ni Loraine saakin matapos umalis ng pangalawang teacher


namin.

Mukhang hindi sya ayos at marami pa kaming pag-uusapan at madami akong sasabihin sa
kanya kaya naman humindi ako. Sumulyap ako kay Pierce na nakatingin pala saamin
habang inaayos nya ang bag sa balikat.

Tumayo ako at lumapit kay Pierce. "Hindi ako lalabas, sasamahan ko muna si
Loraine."

Tumango lamang sya at hindi makatingin saakin.

"Anong gusto mong bilhin ko para sayo?" Tanong nya.

"Wala, hindi na.." Sabi ko habang medyo nakataas pa ang kamay.


Kumurap lamang sya habang nakatitig saakin. Nakagat nya ang labi nya at tumango.

"Sige na, pupunta ka ba kila Yvo?"

Tumango-tango lamang sya. Umalis na ako sa dinadaanan nya, masyado na kasing


nagiging awkward. Ang hirap ng ganito, bakit kasi kailangan pang ganito.

Suminghap sya at tumingin lamang sa ibinigay kong space na dadaanan nya. Naglakad
sya papalapit saakin at tinaas ang isang kamay nya para ilapit ang ulo ko sa dibdib
nya. Niyakap nya ako at maya maya ay nilayo ng kaunti para halikan ako sa noo.

"Ang hirap.." Bulong nya. Hinaplos nya ako sa gilid ng leeg ko at hinawakan ako ng
bahagya sa pisngi. 

Pagkatapos ay iniwan nya na ako sa room.

Pinanuod ko lamang sya hanggang sa maka-alis na sya. Lumapit ako kay Loraine na
tulala lamang sa harapan nya.

Kinuwentuhan ko sya tungkol sa nangyaring away kahapon, pati na rin ang tungkol kay
Enzo. Tahimik lang syang nakikinig at hindi ko alam kung bakit sya umiiyak.
Kinuwento ko na rin ang tungkol saamin ni Pierce. Nang natapos kong ikuwento ay
niyakap nya ako.

"I'm sorry.." Bulong nya. "Namo-mroblema ka na nga, dumadagdag pa ako."

Sinuway ko sya at nagtawanan lamang kami. Kulang pa nga ang ilang minuto naming
pagke-kwentuhan dahil dumating na ang susunod na teacher.

Hindi na ako tumayo at nanatili lamang nakatabi kay Loraine. Siguro kung walang
nangyayari saaming ganito ni Pierce ay nakatabi naman talaga ako kay Loraine.
Kailangan ako ng bestfriend ko ngayon.

Gusto ko na syang tabihan.

Ayaw nya.

Hindi naman nya to gusto, diba?

Nang matapos ang napakahabang oras ng klase ay sa wakas ay lunch na. Masaya kong
inaya si Loraine na sumabay saamin. Tahimik lamang syang tumango. Matapos ay iniwan
ko sya sandali para ayain naman si Pierce. Magkakasama na kami, sa wakas. Namimiss
ko na talaga sya.

"Tara, lunch?" Ngisi ko sa kanya.


Kumamot sya sa likod ng ulo nya nya. "Hindi ako sasabay." 

Natahimik ako doon at tila nanigas. Bakit? Kailangan rin naming magtago? Hindi
namin kailangan magtago! Wala akong pakialam, magsumbong silang lahat!

"Come on, Pierce.." Pilit ko sa kanya pero hindi ako nagpakita na nagagalit.

Hinawakan nya ang siko ko para aluin ako. "May.. may gagawin lang ako.." Hindi sya
makatingin sa mga mata ko. "Pero baka sumunod din ako."

Huminga ako ng malalim.

Saka tumango.

Naiintindihan ko.

"Okay, maghihintay ako." Ngiti ko.

Nakita kong may kumislap sa mga mata nya, at alam kong nasasaktan sya. I know. I
know. Gusto nyang linisin ang pangalan nya. Hindi nya na kailangan. Hindi nya
kailangang magustuhan sya ni mama. Aalis rin kami. Sige, sasabihin ko iyon sa
kanya. Ang meron na lang kami ngayon ay kaligayan. Gusto kong maging masaya sa
ilang months ko dito. Gusto kong maging masaya, nang kasama sya.
Hindi sya tumango o ngumiti, marahan nya lamang akong nilagpasan. Nanghina ang
tuhod ko at pilit na pinakalma ang sarili ko. 

"Princess, tara na?" Ani Loraine.

"Bakit ganito, Loraine? Tingin mo ba ayaw nya na? Tingin mo ba na-apektuhan sya ni
mama? Nagsawa na ba sya o natakot at nag-give up..?" Tanong ko at nagkunwaring
ngumiti.

Umiling iling sya. Mabuti ay walang pumapasok na kaklase namin dahil nasa labas na
ang lahat. 

"Akala ko nag-iisip kang mabuti, hindi pala. Magpaka-talino ka naman.." Umiling


sya.

Kumunot ang kilay ko.

"Obviously, Princess.. He is not giving up on you. He is working on it. Gusto nyang


magwork ang relationship nyo kaya nya to ginagawa. He is trying to win your
mother's heart."

Natahimik ako at pinunasan ang luha. Napatango ako at napayakap sa kanya. Basag ang
boses nya.
"I need a boyfriend like him, damn it." Biro nya habang natatawa. Ngumuso na lang
ako at nakitawa.

=================

TKP 45

TKP 45

Pumunta kami ng canteen ni Loraine ng kaming dalawa lang. Ramdam ko na mas rumarami
ang nagtitinginan samin ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa naguusap sila
tungkol saamin ni Pierce, kasi wala si Pierce sa tabi ko na ngayon lang nangyari o
dahil din sa break up ni  Enzo at Loraine.

"Princess!" May tumawag saakin.

Nilingon ko sila Yvo na kumakain sa table na palagi nilang inuupuan.

Lumapit saamin si Yvo. "Si Pierce?" Tanong niya.

Ayoko naman nang malaman nila na may problema kami ni Pierce. "Baka daw sumunod na
lang sya, may ginagawa eh.." Sabi ko.

Tumango tango sya. "San kayo? Punta kayo samin pagbili nyo, ah?" Pag-aaya nya at
tinuro ang lamesa kung saan nandoon din sila Clinton.

Tumango ako at umalis na si Yvo.


Nang matapos kaming bumili ay pinuntahan na naman sila. Kahit wala si Pierce ay
close ko naman na sila kaya ayos lang. Umupo ako sa tabi ni Yvo, ako ang dulo. Sa
harapan ko naman ay si Loraine, Paris at Ace. Katabi ni Yvo si Clinton at si Jynx
ay sa kabilang dulo.

Nasaan kaya si Pierce? Saan kaya yun nagpunta? Saan sya magla-lunch? Ayoko namang
dahil lamang sa pag-iwas nya sakin ay napapabayaan nya na ang pagkain nya.

"Guys, tahimik nyo?" Tanong ni Yvo.

Sa pagkain ko ako nakatingin. Nang walang sumagot kay Yvo ay tumingin ako para sana
sagutin sya. Nakita ko syang nakakunot ang noong nakatingin kay Loraine habang
hinahawakan ang ibabang labi.

Tinignan ko rin si Loraine. Tahimik sya at malamyang nakahawak sa kutsara.

"Lor, anong gusto mo? Balik na tayo sa room?" Nag-aalalang tanong ko. Halos tapos
ko na rin naman ang kinakain ko, at baka hindi lamang sya komportable sa mga kasama
namin.

"Hindi, ayos lang ako." Malumanay na sabi nya. Kung titignan sya ay para bang
magkakasakit sya ano mang oras.

Nilalaro nya ang pagkain nya gamit ang kutsara. Hindi pa iyon nangangalahati.
"Masama ata pakiramdam ng kaibigan mo, butter— Princess."

Kinunutan ko lamang ng tingin si Yvo. Hindi ko muna sya pinansin.

"Ah, hindi ba sumasakit ulo mo?" Tanong ko.

Tumawa lamang si Loraine na para bang baliw ako na tanong ng tanong. Nagkukunwari
syang maayos pero alam kong hindi.

"Baka naman gusto lang magpahangin ng kaibigan mo, Princess?" Ani Yvo.

Bakit ba singit ng singit to?

Kinunutan ko sya. Kaso ay hinihintay ko pa si Pierce. Pero baka nga kailangan lang
magpahangin ni Loraine.

"Oo nga, ano? Samahan mo kaya?" Tanong ko kay Yvo. Umaasa parin kasi ako na
dadating si Pierce kahit na anong oras na rin. Baka pag dumating na sya dito, wala
ako.

Medyo lumaki ang mga mata nya at umatras ang ulo na para bang hindi nya inaasahan
na sasabihin ko iyon. Nahuli ko ang pagtingin nya kay Loraine. Nagkamot sya sa
likod ng ulo nya. "Ah, eh, kung gusto ng kaibigan mo?"
Nakagat ko ang labi ko. Nang silipin ko si Loraine ay mukha syang walang pakialam?
Kung normal na araw to ay kinilig na sya! Si Yvo Ponferrada itong pinaguusapan
namin! Matagal nya na rin syang crush!

Naghihintay ng sagot si Yvo ngunit wala syang nakuha. Mukha tuloy syang
disappointed. Teka, pumoporma ba sya kay Loraine, dahil alam nyang wala na sila ni
Enzo? Hindi ko masyadong gusto ang image ni Yvo sa school dahil may ilang babae rin
akong naririnig na nakadikit sa kanya.

Pero magiging judgmental rin ba ako kagaya ni mama?

"Uy." Mahina kong sinipa si Loraine sa ilalim ng lamesa.

"Aray, sino yon!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Paris.

Nakagat ko ang labi ko at iniwas ko agad ang tingin ko sa kanila. "Loraine,


tinatanong ka ni Yvo.."

Tinanggal nya ang titig nya sa plato nya.

"H-huh? Ano yun?" Tumingin na sya kay Yvo.

At nakita ko mula sa reaksyon ng mukha nya na hindi parin pala mawawala ang epekto
ng crush kahit na brokenhearted ka na.
"Samahan ka raw ni Yvo magpahangin sa labas," Sabi ko. Sikreto akong ngumisi sa
kanya.

Namula sya doon. Bigla nya akong inirapan habang natatawa sya. Si Yvo naman ay
bini-busy ang sarili nya sa pag-aayos ng sapatos.

"A-ahh.." Nakagat nya ang labi nya. Ang medydo namumutla nyang mukha kanina ay
biglang namula. "T-tara.."

Tahimik akong napa-yes! Nakita ko ang excited na pagtayo ni Yvo at nang makatayo na
sya ay hinintay nya si Loraine dahil hindi pa tumatayo ang bestfriend ko.

"Huy," Pinanlakihan ko ng mata si Loraine.

Agad naman syang nagpanic. "A-ah? Kami lang ba?" Kabadong tanong nya. "Ikaw?"

Nakagat nya ang labi nya at tumayo na rin dahil siguro nahihiya sya kay Yvo na
kanina pa nakatayo.

"Hinihintay ko pa si Pierce.." Sabi ko lamang, nanunuyang ngumisi sa kanya.

Tumango sya at humarap kay Yvo. "Tayo lang ba?" Awkward na tanong ni Loraine.
Lumaglag ang panga ko nang masaksihang nag-iwas ng tingin si Yvo at nagkamot ng
batok. "Huh? Ah, sama ka dude?" Ipinatong ni Yvo ang kamay nya sa balikat ng
nakaupong si Jynx para magtanong.

Nagtinginan naman pati sila Paris at Ace. Si Clinton ay tahimik na nanunuod.

"Saan?" Clueless na tanong ni Jynx habang nakatingin sa phone nya. May pinapanuod
kasi sya doon.

"O sige." Sagot naman ni Yvo. Humarap si Yvo kay Loraine at nagkibit balikat. "May
ginagawa daw sila eh.."

Napatango na lamang si Loraine. Sumulyap sya saakin at pinanlakihan ako ng mata.


Nang maka-alis sila ay binalikan ko na lamang ang kinakain ko. Ang tagal naman ni
Pierce.

"Where's Pierce, Princess?" Tanong ni Jynx. Si Clinton na ngayon ang katabi ko.

Bumuntong hininga ako. "Hindi ko nga alam eh, pero sabi naman nya ay susunod sya.."

"Susunod pero malapit ng magtime." Natatawang sabi ni Clinton.


Nagkibit balikat ako sa kanya. "I don't mind." I lied.

"Ako kasi, hindi ko paghihintayin ang girlfriend ko ng ganito." Mahinang tawa nya.

It may sound okay to others, but not to me. Pakiramdam ko ay sinisiraan nya si
Pierce.

"Sus, anong kalandian yan Clinton? May pinopormahan ka na ba?" Tanong ni Ace.

"Oo eh, mukhang ayaw lang sakin." Ani Clinton at sumubo ng chichirya habang
natatawa.

"Sino ba yan?" Tanong ni Paris.

"Hmm, hwag nyo na alamin. Confidential." Nagbibirong sabi nya.

Nagtawanan lang sila. Hindi ako sumagot pero ang lintik na si Clinton ay talagang
nagpapasok ng kung ano-ano sa usapan.

"Siguro nagba-basketball si Jimenez," Suminghap sya. "Talagang hilig nya yun ano,
Princess?"

Tumango ako. "Oo."


Nagba-basketball nga ba si Pierce? Hindi nya naman sinabi saakin. Sana naman kumain
muna sya.

Matagal-tagal rin akong ininis ni Clinton. Hindi ko alam pero tuwang-tuwa sya sa
mga simpleng sinasabi nya at panunukso. Tumigil lamang sya noong napikon na talaga
ako at hinampas sya ng malakas sa balikat.

Sinaway pa nga sya ni Paris isang beses. "Panay mong iniinis si Princess, ah?
Isusumbong ka nyan kay Pierce, bahala ka."

"Di naman ako takot," Nagbibirong sabi ni Clinton at tumawa.

Tumawa-tawa lang sya at mukhang masayang-masaya.

Matapos ng ilang minuto ay bumalik na si Yvo at Loraine. May hawak pang malaking
pink cotton candy si Loraine habang tawang-tawa sa mga sinasabi ni Yvo na alam kong
magiging mabenta sa kanya, mabenta si Yvo sakin eh.

Bumalik na kami ng classroom ni Loraine, hinatid pa kami nila Yvo. OP tuloy ako
dahil close na agad sila. Si Clinton naman ay panay ang ngisi sakin.

"Tigilan mo nga ako, Clinton." Sabi ko at umirap. Hwag nya naman akong lokohin
ngayon. Iritado na ako ngayong araw, hwag nya nang dagdagan pa.
"What? Wala akong ginagawa, damn it woman!" Tawa nya pa.

"Hindi nakakatawa, Clinton." Sabi ko. Bad trip ako dahil walang Pierce na dumating.
Saan sya kumain at bakit hindi na sya nagpakita?

Pwede naman syang sumabay kanina. Ang masama ay kung kaming dalawa lang ang nagla-
lunch. Oo, nakakasama nga namin sa loob ng canteen ang mga teachers minsan kapag
lunch, pero papansinin pa ba kami ni ma'am Carmel kung marami naman kami?

Nang makarating kami ng room ay nagsalita sya.

"Alam kong meron kayong problema ni Pierce." Sabi nito at hinawakan ang hikaw nya
sa tainga.

"Nagkwento si Pierce?" Tanong ko.

Umiling sya. "Hindi. Pero halata naman. Hindi ka nya sinundo kanina. I saw you
entering the school alone, nauna pa si Pierce sayo."

"Stalker ka ba?"

Natawa sya ng mahina. "Stalker huh? Wala naman akong gusto.."


Hindi nya tinuloy ang sasabihin nya at tumigil sa kalagitnaan para ngumisi.

Nagkibit balikat sya. "Kung sabagay, what's not to like about you?" Umiling sya na
parang walang sinabing mali.

"I can't believe you.." Mahinang sabi ko, naasar.

Kumamot sya sa patilya nya habang nakatingin saakin. "I can't believe myself
either."

Umalis na silang magkakaibigan. Parang nananaginip si Loraine na nagbuntong


hininga.

"Anong nangyari sainyo ni Yvo?" Tanong ko at ginala ang mata ko sa buong classroom,
wala si Pierce.

Umiling sya. "Wala. Masarap  lang syang kasama. Nakakatuwa," Komento nya at
ngumisi.

Nakinig lamang ako sa kanya.

"Alam pala niya? Kunsabagay ay kaklase nya si Enzo. Sabi nya pa sakin, ano daw bang
gusto kong gawin nya kay Enzo?" Tawang tawang sabi nya at halatang humahanga sya.
Ngumiwi ako at napailing. Yabang talaga ni Yvo. Nagpapasikat sya ngayon sa
bestfriend ko, ah? At bakit sya tuwang-tuwa? Hindi ba dapat ay broken sya?

Pinanuod ko ang mga reaksyon nya sa mukha. Damn, kinikilig ba sya kay Yvo?

Nawala ang pansin ko kay Loraine nang may makitang nagtutulukan papunta saaking
babae na parehong kaklase ko. Si Ella at si Eva.

"Princess.." Ani Ella.

Ngumiti ako sa kanya. "Ano yun?"

Umupo silang dalawa sa tabi ko na mukhang may isusumbong. "Nakita namin si Pierce
kanina, kausap nya si Elaine.." Ani Ella.

Parang may sumampal yata saakin ng mga oras na iyon.

"Yun lang ba? Baka naman may pinag-uusapan lang sila.." Sabi ko at tumawa. At kung
meron man nga, ano naman kaya?

Siniko ni Eva si Ella. "Sabi sayo eh!"


Umiling si Ella. "Gusto lang namin sabihin kasi.. alam naming hindi naman
nakikipagusap sa ibang babae si Pierce bukod sayo. Tska parang seryoso sila eh. Yun
lang, hwag mo kami isusumbong kay Pierce ah?"

Tumango ako at hinila na sya ng kasama nya para umalis.

Hindi ako magagalit. Ilang beses ko na bang napatunayan na walang gusto si Pierce
kay Elaine? Bukod sa hindi maalala ni Pierce na hinalikan nya noon si Elaine ay
wala na akong pruweba na may gusto sya kay Elaine.

Hindi nya gusto si Elaine. Hindi. Basta hindi. Hindi pwedeng si Elaine!

Pero bakit sila magkasama? Bakit hindi nya sinabi saakin?

Hihintaying ko na lamang syang pumasok at tatanungin ko na lang sya.

Ngunit hindi pumasok si Pierce! Hindi ko sya nakita hanggang sa mag-uwian na. Puno
na ako ng tanong sa sarili ko. Wala ba akong tiwala kay Pierce?

"Hwag ka munang kabahan, Cess.." Ani Loraine. "Hintayin mo munang makausap mo si


Pierce, okay?"

Tumango ako. "Sige mauna ka na." Sabi ko.


Nakita ko ang malungkot nyang mukha para saakin. Tumango na lamang sya at nagpaalam
sakin para umalis.

Kailangan kong kausapin si Pierce. Hihintayin ko sya dito. Baka hindi lang sya
pumasok pero naandito sya sa school.

Naupo ako at sinubukan ko syang tawagan pero walang sumasagot. Naka-silent siguro.
Hindi naman sya nahuhuling sumagot eh. Nagtext na lang ako.

To Pierce: 

Saan ka? Bakit hindi ka pumasok?

Nagmamadali akong lumabas ng room para hagilapin si Pierce sa buong school ngunit
pagbukas na pagbukas ko pa lamang ng pinto ay bumungad saakin si Elaine.

Kumulo ang dugo ko ngunit hindi ko sya pinansin.

"Princess.." Narinig kong tawag nya. Napaka-hinhin ng boses nya.

Nilingon ko sya. "Ano?"

Nakagat nya ang labi nya. "Gusto ko lang.. uhm, magtanong kung nagkaka-textan pa
kayo ni Kharl.."

Si Kharl? Si Kharl talaga ang itatanong nya? Hindi ko iyon ine-expect. Matagal na
akong walang balita o pakialam kay Kharl.

"Hindi na. Wala na akong pakialam kay Kharl, hindi mo ba naiintindihan yon? Aalis
na ako."

Hinawakan nya ako sa forearm na ikina-kilabot ko. Agad rin nya iyong binitawan nang
makita ang reaksyon ko.

"Kahit na sabihin kong mahal ka na nya talaga?" Kunot noong tanong nya. "He loves
you, Princess. He's a coward for not telling you.."

Bullsht. Hindi ba nya makita na wala na talaga si Kharl para saakin?

"Wala na akong paki-alam, Elaine. I'm happy with Pierce. We're happy." Sagot ko.

Natawa sya sa sinabi ko. 

"But I don't see it," Kunot noong sabi nya at tumagilid ang ulo nya.

Nakagat ko ang labi ko.


"Uh, look, I don't intend to burst your bubble pero.. may naririnig ako na
naghiwalay na raw kayo, or! Malapit na daw.." Pinalobo nya ang pisngi nya. "At
hindi kayo magkasama ni Pierce kanina, so.." Mariin nyang pinagdikit ang labi nya
at ngumit.

Nag-iwas ako ng tingin. "Aalis na ako.."

"Anong problema nyo, Princess?" Tanong nya. "Ayaw na ba ni Pierce?"

Kitang-kita ko sa mga mata nya na gusto nyang malaman ang sagot at wala pa syang
alam. Kita ko ang hope sa mga mata nya na sabihin kong ayaw na ni Pierce.

Nagkibit balikat ako. Hindi ko sya gustong bigyan ng matinong sagot. Gusto ko syang
mag-isip kagaya ng pag-iisip ko.

"Sorry, aalis na ako." Tumalikod ako.

"Hinahanap mo ba si Pierce?" Tanong nya. Matigas na ang boses nya ngayon.

Napahinto ako dahil sa tunog ng boses nya ay may alam sya kung nasaan si Pierce.

"Hwag mo na syang kausapin, Princess." Ani Elaine. "S-sinubukan ko nang umamin sa


kanya."

So totoo ang sinabi nila. Pero walang gusto si Pierce sa kanya kaya hindi ako
natatakot.

"At nahihiyang binigay nya saakin to.." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang
isang pamilyar na singsing.

Iyon ang singsing na nakita ko sa kwarto ni Pierce noon. Pahugis tiara iyon. Si
Pierce ang may-ari nun. Bakit nakasuot iyon kay Elaine?

"Goodness, Princess.. ayaw ka lang siguro nyang masaktan pero kung ako sa iyo ay
ikaw na ang makipag-hiwalay."

Gusto kong hugutin ang singsing sa kamay nya! Tinalikuran ko sya. Naglakad ako
papalabas ng school at hindi na hinintay si Pierce. No, hindi ako maniniwala. Baka
kapareho lang iyon ng singsing na nakita ko sa kwarto ni Pierce, ilang segundo ko
lang iyon nakita kaya hindi ako sigurado kung iyon nga iyon.

I trust Pierce. Sinabi nyang wala syang gusto kay Elaine. Iyon ang paniniwalaan ko.

Days pass, o mahigipit isang linggo na yata kaming ganito ni Pierce. Palaging text
lang. Kaunting usap. Napansin ko rin na active sya sa klase at matataas ang mga
scores nya. Masaya ako sa nangyayari. 

Walang meron sa kanila ni Elaine. Sinabi nya iyon saakin noong kinagabihan na araw
noong kinausap ako ni Elaine dahil nagtext ako sa kanya. Pinaliwanag nya na umamin
si Elaine sa kanya ngunit iniwan lang daw nya si Elaine. Hindi daw sya pumasok
dahil meron syang hinahanap na mahalaga.

Wala akong nagawa kundi ang maniwala. Iyon ang nararamdaman ko. Ang maniwala.

This is the best for now, I think. Siguro ay nagke-kwento na si ma'am Carmel kay
mama? Sana. Sana lang talaga. Nakikita ko sya sa bahay namin minsan. Imposibleng
hindi magtanong si mama tungkol kay Pierce.

Mahigit isang linggo na. Matagal na kaming ganito ni Pierce.

At kami naman ni mama ay ganun parin. Hindi nagpapansinan. Kahit na medyo lumambot
na ako sa kanya. Medyo sumasagot ako ng magalang ngunit hindi iyong parang close na
close na ulit kami. Ayoko namang isipin nya na nagbabago ang ugali ko.

Nararamdaman ko na rin na medyo lumalambot na si mama. Ganito naman kasi talaga


sya. Kapag nasabi nya ang isang bagay, o iniisip nya, iyon na talaga iyon. It will
take time to make her realize na kailangan nyang makinig sa panig ng iba. Siguro
tama nga si Pierce na kailangan muna ni mama na makarinig ng mga bago at
mababangong balita galing kay ma'am Carmel bago ako naman ang magsalita. Pagkatapos
siguro nun, doon lang sya lubusang makikinig. I hope so.

"Psst!" Napatingin ako sa likod ko nang makarinig ng pasuwit.

It's December 17 at sa isang araw ay Christmas party na namin. Umaasa sana ako na
makakasama ko si Pierce para bumili bukas ng regalo ngunit hindi pala sya pupunta
ng party.
"Psst!" Lumingon agad ako at nahuli ko si Clinton na nagtatago sa poste.

Tumawa sya nang makita nyang nahuli ko na sya. Ang akala ko noon ay misteryoso at
masungit sya. Iyon pala ay magulo sya kapag nakausap mo na ng matagal!

"Opps, busted!" Tawa nya. 

"Ano bag problema mo?" Galit na sigaw ko sa kanya.

Nakakainis sya. Isusumbong ko na talaga sya kay Pierce para naman magselos si
Pierce at lumapit na ulit saakin! Gusto kong bantayan nya ako at hawakan nya ulit
ang kamay ko! Namimiss ko na sya.

"Wala naman," Natatawang sabi nya at sumabay saakin sa paglalakad.

Iritado akong naglakad ng mas matulin. Bago kami makalagpas sa parking area ng
school ay nagsalitang muli si Clinton.

"Teka, si Jimenez yon ah.." Bulong ni Clinton sa sarili.

Natigilan ako at tumingin sa tinitignan nya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si
Pierce na nakaharap kay Elaine na nakasandal sa dingding. Hindi ko sila masyadong
makita dahil masyadong malayo.
Agad kong hinila si Clinton para itago ko sya. Damn, bakit kami nagtatago?
Pinaghihinalaan ko ba si Pierce? Pero sht! Bakit sila magkausap?

"The fck?" Hindi makapaniwalang bulong ni Clinton nang bigla na lamang yakapin ni
Elaine si Pierce. 

Ganung-ganun din ang huli kong yakap kay Pierce. Ang pagkakaiba lamang ay hindi
ibinaba ni Pierce ang kamay nya para yakapin pabalik si Elaine. Instead, tumingin-
tingin sya sa paligid para makita kung may nanunuod sa kanila.

"Tara na, Princess.." Malumanay na sabi ni Clinton saakin.

Parang winawarak ang puso ko. Nakita kong medyo tinatanggal ni Pierce ang brasong
nakapalupot sa kanya na parang takot na takot kung may makakakita sa kanila.

Binitawan ko si Clinton mula sa matinding pagkakahawak. "May alam ka ba? Huh? May
tinatago ba kayo? Pinagtatakpan mo ba si Pierce?"

God nababaliw na ako.

Nahuli ko muli ang kinakabahang si Pierce na tumingin tingin sa paligid habang


marahan nyang tinatanggal ang yakap ni Elaine na patuloy ang pag-iling. 

Natatakot ba si Pierce na may makakita sa kanila.. may tinatago ba sila?


Parang nakikipag-karerahan ang puso ko sa bilis.

Inilahad ni Pierce ang kamay nya kay Elaine na parang may hinihingi o hinihintay.
Hindi ako makapaniwala nang makita si Elaine na ibinigay ang kamay nya kay Pierce
at muling niyakap nito si Pierce sa leeg.

Tinulak ko si Clinton at umalis. I fcking hate him. I hate Clinton!

"Princess!" Tawag nya.

Hinabol nya ako hanggang sa makaabot sya.

"Wag mo nga akong sundan, Clinton! I hate you! Leche ka!" Umiiyak na sigaw ko
habang tumatakbo.

Ang pag-iyak ko ay hindi lamang dahil sa maliit na bagay na yon. Hindi lamang dahil
sa nakita kong nakayakap si Elaine sa kanya. Dahil din iyon sa pag-iiwas nya saakin
ng mahigit isang linggo. Ang akala nya ba ay masaya na ako sa mga texts o mga tawag
nya? I hate it. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Hindi nya na ito kailangang
gawin. Sigurado ba sya na nagke-kwento si ma'am Carmel kay mama? Hindi! Kung gusto
nyang may mang-yari, pumunta sya sa bahay! Iyon lang naman ang dapat nyang gawin,
bakit hindi nya magawa? Ayoko lang na pangunahan sya pero kung talagang matapang
sya at talagang seryoso sya saakin, pupunta sya ng bahay.

Walang mangyayari sa pagpapakabait nya dito sa school, sa totoo lang. Nakikita ba


sya ni mama?
All this time, anong ginagawa ni Pierce? Naggive up ba sya? May sikreto sila ni
Elaine? Baka naiinip na sya saakin kaya naghanap muna sya ng thrill!

At bakit hindi ko man lang alam na nag-uusap sila? Kailan pa? Oo, may mga naririnig
ako na madalas nilang makita si Pierce at Elaine pero hindi ako naniniwala dahil
wala namang sinasabi si Pierce. Pero kung wala talaga, bakit hindi nya sinasabi
saakin? Bakit sikreto pa silang nag-uusap? At magkayap sila.. tangina.

"Bakit sakin ka nagagalit, huh?!" Iritadong sigaw nya at marahas na hinatak ako
para patigilin ako sa pagtakbo kaya naman muntik na akong madapa kung hindi nya
lamang ako hawak.

"Kasalanan mo! Bwisit ka! Bakit kasi tinuro mo pa sila!" Hinampas ko sya sa dibdib,
iyong sobrang lakas.

"Princess, hindi ko alam na—"

"Hindi eh, alam mo! Masaya ka na sana ah! Gustong-gusto mo kaming maghiwalay ni
Pierce eh!" Alam kong walang kasalanan si Clinton. Pero.. hindi ko alam kung bakit
kailangang may sisihin.

Kumunot ang noo nya at agad akong binitawan.

"I like you, but I'm not that desperate, Princess." Aniya. Nagulat ako nang sabihin
nya iyon.
Tumitig lamang ako sa kanya habang umiiyak.

"Kaibigan ko si Pierce and.." Umubo sya. "Yes, I admit I was trying to flirt with
you. Pero hanggang doon lang ako, I was just.. I don't know.." Kunot noong sabi nya
at nag-iwas ng tingin.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. Inamin nya na nilalandi nya ako, at
inamin din nyang alam naman nya na kaibigan nya si Pierce. Seryoso ba sya?
Nakahithit ba sya o ano?

"Ngayon, yung nakita mo.. hindi ko rin iyon alam." Nakagat nya ang labi nya at
tumitig lalo saakin.

Umalis ako at iniwan sya. I hate Pierce Jyn Jimenez! I really hate him. Hindi sya
tumawag saakin buong gabi na iyon. Hindi ko sya naiintindihan. He loves me, pero si
Elaine? Ano naman si Elaine? Gusto nya ba sya?

Nagtext lang sya ng isang beses saakin.

Pierce:

I miss you.

Noong mag10 na ay nagtext lang sya ng goodnight saakin.


That's it. I guess ayaw nya lang makipag-usap. Tinatamad na siguro sya saakin.

Hinintay ko hanggang sa mag-12 AM, wala parin. Hindi na sya magpaparamdam. I miss
you lang at goodnight? Wala na ba syang ibang sasabihin o ipapaliwanag saakin? Kaya
natulog na ako dahil mayroon pa kaming pasok kinabukasan.

"Princess.." Tawag ni Pierce saakin. Nakatayo sya sa likod ko. Hindi pa dumadating
si ma'am Carmel kaya naman may lakas pa sya ng loob makipag-usap.

Walang alam si Loraine sa mga nalaman ko kay Pierce. Hindi ko kayang parumihin ang
pangalan nya sa bestfriend ko.

Ngumisi saakin si Loraine at umalis sa bangko nya para makipag-usap sa iba at para
na rin hayaan si Pierce na kausapin ako.

Umupo sya sa tabi ko at kitang-kita ko na sinusuri nya ang nanlalamig kong reaksyon
sa kanya.

"Hey, pupunta ka ba bukas?" Tanong nya. Hinalikan nya ang likod ng kamay ko.

"Hindi." Sagot ko, nakatingin sa board. 

Please, try to explain kung bakit ka hindi nagtext buong gabi. At gusto kong ikaw
ang magsabi saakin ng tungkol kay Elaine, ayokong magtanong. Magkusa ka.
"Princess?" Tawag nya saakin dahil hindi ko sya tinitignan pabalik.

Hindi ko sya pinansin.

"Why are you so cold?"

Naninibago ako sa paghawak nya sa kamay ko. Hindi ko makilala. Bihira ko na iyon
mahawakan at ilang araw na rin ang huli.

"Eto naman ang gusto mong set up natin, ah?" Normal na sabi ko.

"No, not like this." Aniya.

Isang text nya lang naman kahapon at isang paliwanagan ayos na eh.

Nakakapagod. Kung wala lang ang nangyari kahapon, pwedeng sabihin nya na lang ang
nangyari? I need that. Girlfriend nya ako at may karapatan naman siguro akong
malaman kung bakit may nakayakap na babae sa kanya kahapon.

"Someone told me you were always with Clinton?" Tanong nya. Nagseselos ang boses
nya. "And I saw you yesterday with him,"
"Minsan lang." Kahit hindi naman talaga. Sino naman kaya ang nagsabi? Ngayon,
babalikan mo na ba ako? "Bakit hindi ka nagtext kahapon?"

"Hey, I did. But then I thought you were tired, and already asleep. I don't wanna
wake my princess up just because I miss her." Paliwanag nya. Seryoso syang hinuhuli
ang tingin ko.

Sumandal sya sa upuan ni Loraine habang hawak ang kamay ko. Tahimik lang kami doon.
Hindi ako makahinga sa bigat ng hangin na nararamdaman ko. Bakit ganun..

"Pierce kung ayaw mo na, ayos lang naman. Sabihin mo na agad sakin para maputol na
natin to." Bulong ko.

Mukhang nagalit ang mga mata nya. Agad na nagsalubong ang kilay nya. "What?"

Lumunok ako. Hindi ko nagustuhan ang reaksyon nya. "Kung may iba ka nang gusto,
ayos lang. Sabihin mo lang." Anunsyo ko.

Tumigas ang panga nya habang nanliliit ang nga mata. "Are you fcking kidding me? Is
this what?" Hinawakan nya ang forearm ko. "Is this some kind of joke? This is not
funny."

Umiling ako. "Seryoso ako. May iba ka na bang nagugustuhan? Nagsasawa ka na ba?"
Nagmura sya ng sunod sunod. "Ikaw lang, Princess. Ano bang sinasabi mo? Sht!"

Naramdaman kong nagtinginan ang mga medyo malapit saamin na nakakarinig.

Naramdaman kong nagsasabi sya ng totoo. Pero ang totoo ay hindi na talaga iyon ang
iniisip ko. Wala naman na eh. Ano bang pinaglalaban namin? Hindi na sya
magugustuhan ni mama. Wala namang progress ang ginagawa namin. Nakakapanghina ng
loob. Masakit. Mahirap. Kung masasaktan lang kami, agahan na lang siguro. Hwag nang
patagalin pa.

"Pierce, maghiwalay muna tayo." Sabi ko. Bahala na.

=================

TKP 46

TKP 46

Tumigas ang mukha nya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Para bang nakarinig sya
ng mga salitang kahit kailan ay hindi nya inexpect. Hindi sya makapagsalita
hanggang sa makarating na si ma'am Carmel.

Hindi sya tumingin sa pagbukas ng pinto. Nasa akin lamang ang buong atensyon nya. 

"W-why...?" Tanong nya. Nakita ko ang pagragasa ng lungkot sa mga mata nya.

Nasasaktan ako. Ang sama ko. Ang hina-hina ko. Wala akong kwenta. Oo, alam ko iyon.
"Andyan na si ma'am, Pierce." Bumalik ka na." Hindi ako tumingin sa kanya.

"Tell me you're not breaking up with me first, Princess. Just please.." Mahinang
sabi nya na parang inaamo ako. Nakikiusap ang mga mata nya. Pilit nya akong
pinapaharap sa kanya habang hinahawakan ang siko ko.

Nagsisikuhan at nagbubulungan ang mga babae sa harapan. Napapahiya na si Pierce sa


ginagawa nya. Hindi ba nya nakikita na pinagtitinginan kami, at halatang nakikiusap
sya saakin? Hindi nya kailangang magpaka-baba ng ganito. Para lang saakin. I do not
deserve his love.

Nakita ko si Loraine na nakatingin saamin. Maging si ma'am ay tahimik kaming


pinapanuod habang inaayos ang mga dala nya sa desk. Hindi galit o nangiintimida ang
mga mata nya. May bago doon.

"Pierce, nandyan na si ma'am.." Ani Loraine. Maamong-maamo ang ginamit nyang boses
kay Pierce. Mukhang alam nyang may pinag-aawayan kami.

Hindi nagsalita si Pierce. Napakatahimik nya habang hinihintay na magsalita ako.


Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga sa ginagawa nyang pagtitig.

"Fuck it. Really huh, Princess?" Napaka-lamig ng boses nya saakin. Ilang segundo pa
bago ko narinig ang pag-usog ng bangko.

Umalis na sya.
Agad akong huminga ng malalim. What am I doing? What! Naiinis ako sa sarili ko..
Mahirap na nga ang sitwasyon, pinapahirap ko pa. 

Pakiramdam ko ay mali at tama ang ginagawa ko. Pero ano bang dapat gawin? Lalong
tumatagal, lalo lang nagiging mahirap. He deserves to be happy. Hindi na sya masaya
sakin dahil alam kong nape-pressure sya. Binabago nya ang sarili nya at ayoko nun.
Hindi dahil saakin. He is the best, and I am the worst girl for him.

Hindi nagtanong si Loraine ngunit ramdam ko ang titig nya saakin

Nang i-dismiss kami ng pangalawang teacher namin para sa snack ay kauna-unahang


lumabas si Pierce. Malamig na malamig ang tindig nya at walang pwedeng humarang sa
daan nya. Pati ang mga kaklase naming lalaki na close nya ay hindi sya binati dahil
napakalamig ng ekspreyson ng mukha nya.

"What happened?" Tanong ni Loraine.

Pinigilan ko ang pagtubig ng mga mata ko. Ako ang nakipagbreak kaya wala akong
karapatan na umiyak.

Sinabi ko sa kanya na nakipaghiwalay na ako kay Pierce. Tinanggap ko ang mga


nababanas nyang pangangaral saakin. Galit na galit sya sa ginawa ko. Kunsabagay ay
hindi ko naman naike-kwento sa kanya ang lahat kaya hindi nya alam. Hindi nya rin
alam ang nararamdaman ko. Ang hirap huminga ng ganito. Yung hindi mo alam kung
meron bang mangyayari sa bandang huli o wala talaga.

Ang ginagawa ba namin ay worth it talaga? Hindi ko alam.


"Ang bilis mo namang gumive-up! Alam mo yon? Ikaw kasi yong ganung klase ng tao eh.
Mabilis sumuko!" Iling nya. "Mahal mo naman si Pierce, pero bakit ganyan ka?
Nahihirapan yung tao, no!"

"Hindi mo naiintindihan.." Bulong ko.

"At ang galing mo rin ah? Nakipagbreak ka ng ganun kabilis? Ni hindi mo kinausap ng
maayos. Naiintindihan ko na kailangan nyo muna ng space para kay mama mo, pero ito
na nga lang ang pwede mong gawin eh, ang suportahan na lang sya dahil sya naman ang
kumikilos!" Galit na sigaw nya.

"Paano ko kakausapin ng maayos, Loraine? Hindi nya binibigay ng buo ang detalye!
Pwede bang yakapin sya ni Elaine ng ganun lang? Kilala ko si Pierce. Hindi sya
magpapaganun kung hindi nya gusto ang tao." Giit ko.

"So you don't trust him?" Tanong nya.

Umawang ang bibig ko. "Syempre, may tiwaka ako, Loraine. Ano ka ba? Ang akin lang,
dapat binigay nya ng buo ang mga detalye. Ano ba ako, Loraine? Girlfriend ba ako?"

Nakagat nya ang labi nya. "May mga bagay na hindi na kailangang sabihin,
Princess.."

"Meron, oo Loraine. Pero yung bagay na yun, sinasabi." Nag-iwas ako ng tingin.
"Sakit nyo naman sa puso. Pwede naman kasing maghintay ka na lang muna. Kahit ilang
weeks pa, sigurado naman akon di ka na matitiis ni Pierce ng isa pang week?"

"Maghintay? Kaya ko naman eh. Pero sana lang, sinasabi nya sakin yung mga ginagawa
nya.." Naiyak na ako. "At kaya nya akong tiisin, Loraine. Nagawa nya nga ng isang
linggo eh."

"So.. you think Pierce is cheating on you?" Ngumiwi sya.

Umiling ako. "I'm not sure, pero tingin ko naman ay hindi."

"Iyon naman pala eh. Bakit nakikipagbreak ka pa?"

"Ayoko na."

"What do you mean!" Galit na sigaw nya.

Uniling iling ako.

"You're giving up? Hindi mo ba naiisip ang ginagawa nya?"


"Ano bang ginagawa nya? Meron ba?" Natawa ako.

Nasapo nya ang noo nya. "My goodness! Ang tataas ni Pierce sa mga test natin,
napupuri sya ng mga teachers natin. He's doing a great job! Iyon ba ang wala lang?!
Binabago nya na ang sarili nya! God, kitang-kita ko na hulog na hulog sayo yung tao
at sinasabi mong wala lang?! Bulag ka ba?"

Noong dumating ang teacher namin ay hindi ko nakita si Pierce. Saan nagpunta yon?
Agad akong sinugod ng kaba. Hindi kaya ay nag-init ang ulo at nakipag-away?

Alalang-alala ako hanggang sa maglunch.

Lutang ako habang bumibili kami ng lunch ni Loraine. Narinig ko pang tinawag kami
ni Yvo para sa table nila umupo dahil nakaupo na kami ni Loraine sa iba. Sinabi ko
kasi kay Loraine na ayoko muna ng mga tanong kaya naman sa iba na kami umupo.

Ngumiti ako kay Yvo at tumango, ngumuso lang sya na mukhang nagtataka kung bakit
hindi kami pumunta sa kanila.

Pinanlilisikan ako ng mata ng mga kababaihan. Sa tingin ko ay alam na nila. Matagal


na nilang alam dahil isang linggo na kami ni Pierce hindi nagkakasama at tanging
ang mga barkada nito ang kasama ko. Ngayon ay kumakalat na siguro na hiwalay na
talaga kami.

"Tss!" Umirap sakin ang isang babae at hindi ko na lamang pinansin.

Madami pa ang nangyari. Puro pagpaparinig iyon. Na hindi naman raw ako kagandahan,
ang lakas daw ng loob ko.

Hanggang sa mag-uwian ay wala pa si Pierce. Hindi na sya pumasok. I-text ko kaya


sya? Ah, hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ay makausap ko sya sa personal.
Kailangan kong manghingi ng sorry. Nilamon ako ng pinaghalong pagka-miss,
panlalamig at pagseselos. Si Loraine lang ang nagpamulat saakin na ang tanga tanga
ko. Na si Pierce ay ginagawa naman ang lahat..

Hindi ko aakalaing ganito nya kase-seryosohin ang sinabi ko. Ang akala ko ay
kakausapin nya ako matapos ng klase. Hindi ko alam na hindi sya papasok dahil lang
sa sinabi ko.

"Saan tayo bibili?" Tanong ni Loraine saakin. Nakapangako kasi ako sa kanya na
sabay kaming bibili ng exchange gift para bukas sa christmas party. Hindi naman na
ako sasama doon ngunit sasamahan ko na lamang si Loraine.

Tumuloy kami sa pinakamalapit na mall at naghanap-hanap.

7:00 PM na kami natapos sa pamimili ni Loraine. Nag-gala gala pa kami kaya naman
medyo nagtagal.

"Bakit hindi mo na lang sabihin yung tungkol sa nangyari sainyo ni Kharl, baka doon
matanggap sya ni mama mo?" Ani Loraine habang binubuksan ang pinto para sa ice-
cream shop.

Umiling ako. "Hindi pa pwede, Lor. Mainit pa ang ulo nya. Papalamigin ko lang ng
kaunti. Para namang hindi mo kilala si mama. Hindi pa maniniwala saakin yon dahil
may sarili pa syang pinapaniwalaan. Papalamigin ko lang ng kaunti ang ulo nya.."
"So balak mo ring sabihin?" Tanong nya.

Tumango ako. "Sana naman makinig sya.."

Habang bumibili kami ng ice-cream ay bigla kong naramdam ang pagba-vibrate ng phone
ko. Nang kuhanin ko iyon sa bag ko ay nakita kong maraming missed calls si Jynx.
Kinabahan ako. Tungkol kaya ito kay Pierce? Ako na sana ang tatawag nang bigla ulit
iyong magring.

"Jynx?" Kabadong sagot ko.

"Fck, Princess. Anong nangyayari kay Pierce?"

Narinig kong medyo may kaingayan sa background nila. Narinig ko ang nakakairitang
boses ni Yvo na kumakanta gamit ang mic sa karaoke. Hindi ko alam! Ang naiisip ko
na lamang ay si Pierce na naririnig kong minumura ang mga kaibigan nya. Medyo
nagkakagulo doon.

"Huh?" Kabadong tanong ko. "Anong nangyayari?" 

"Lasing na lasing, Princess! Putangina, ngayon lang to nag-ayang maginom!" Galit na


sigaw ni Jynx at halatang iritado dahil sa kaibigan.

"Tangina mo Jynx! Minumura mo ba si Princess?!" Narinig ko si Pierce na papalapit


kay Jynx. 
Sht, lasing sya!

"Jynx! Itext mo ako kung nasaan kayo, naiintindihan mo?"

Binaba ko agad ang tawag at agad na hinarap si Loraine. "Loraine, pwedeng mauna ka
nang umuwi? Pupuntahan ko si Pierce.. may nangyari.." Sabi ko.

Tumango sya at mukhang naiintindihan dahil siguro alam nyang may tumawag.
"Sasamahan kita."

"Hindi na, ayos lang. Mauna ka na." Alam ko naman kasi na madami pa syang gagawin.
Magbabalot pa sya ng regalo at pipili raw sya ng susuotin nya, kwento nya kanina.

"Sigurado ka? Mag-isa ka lang.." Tanong nya.

Tumango lamang ako at naghiwalay na kaming dalawa. Pinuntahan ko agad ang text
saakin ni Jynx. Isa iyong club. Ngumiwi ako.

Nang makapunta ako doon ay agad kong nakita si Jynx sa labas na naninigarilyo. Ang
sabi kasi nya ay hihintayin raw nya ako. Mabuti naman dahil wala akong alam dito.

Binato nya ang hawak nang makalapit ako. "N-nasaan na si Pierce?"


Tinuro nya ang loob ng club. Nagbuntong hininga ako. Tsk, Pierce naman oh.

"Kasama ko," Ani Jynx doon sa may malaking katawan na nagbabantay sa labas.

Nakita ko ang magulong dance floor, madilim at kung ano-ano ang kulay ng mga lights
na masakit sa mata. Maraming mga nagsasayaw doon at halos hindi ka makasingit.

"Nasaan si Pierce?" Tanong ko.

Hinatak lang nya ako at mukhang hindi nya ako naririnig dahil sa ingay ng music.
Umakyat kami sa hagdan at doon ay pahina na ng pahina ang music. Medyo nagba-
vibrate na lamang ang tinutungtungan namin.

Nalaman kong naka-private room sila. Kinabahan ako nang buksan ni Jynx ang pinto.
Narinig ko ang kumakantang si Yvo. Nage-expect ako na may mga kasama silang babae,
ngunit wala. Tanging nag-iinom lang sila at nagpapaka-saya.

"Hey.. Hey.. Hey!" Kanta ni Yvo at medyo tumigil nang pumasok na kami ngunit
nagpatuloy muli. Kumindat sya saakin at halatang may tama na sya.

Nadatnan ko si Pierce na nakasandal sa black leather na sofa na halos humiga na.


Medyo nakapikit sya, naka-awang ang labi at parang inaantok na.
"Patayin mo yan." Utos ni Jynx kay Yvo.

Nakita ko ang may tama na si Yvo na nalulungkot na pinatay ang kinakanta nya. Umupo
sya sa tabi ni Clinton. Umalis naman si Paris sa tabi ni Pierce. Si Jynx lang ang
nakita kong matino. Si Clinton ay medyo may tama. At lahat sila ay lasing na.

Biglang tumahimik ang lugar. Sobrang tahimik.

"Pierce." Maotoridad kong tawag sa kanya.

Nakasandal ang ulo nya sa headrest ng sofa. Umangat agad ang ulo nya nang marinig
ako. Dumilat ng kaunti ang kanyang mata para sumilip saakin matapos nun ay pumikit
ulit sya nang makita ako at sumandal ulit. 

Ngumisi sya. Habang nakapikit ay tinungga nyang muli ang iniinom.

"Pierce!" Sigaw ko sa kanya at lumapit para kuhanin ang bote.

"Fck," Bulong nya.

"Ano ka ba?" Galit na sigaw ko. "Bakit ka ba naglalasing?" Nakayuko ako sa kanya
dahil nakaupo sya.
Tumawa sya at ni-tap ang dibdib nya habang nakapikit parin. "'Cause you broke.. my
heart!"

Sht. Lasing na lasing sya! Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko! Pinipiga ang
puso ko sa nakikita.

Dahan-dahang dumilat muli ang mata nya. Tumayo sya. Ngayon ay mas mataas na sya
kaya naman ay nakatingala na ako.

"You? What are you doing here?" Malamig na tanong nya, amoy alak at sigarilyo ang
bibig nya. Nanigarilyo sya?

Hindi ako nakapagsalita. 

"Nakipagbreak ka sakin Princess.." Bulong nya. Nagtutubig ang mga mata nya. "And
then, pupunta ka dito para patigilin ako sa paginom? Parang sinaksak mo ako at
inutusan na hwag magdugo!"

Tahimik akong yumuko doon. He's drunk. Really drunk. At natatakot ako dahil baka
makapagsalita sya ng kung ano-ano. Tahimik si Pierce hindi nya ako nasasabihab ng
mga salitang nakakasakit, ngayon ay wala sya sa sarili nya at pwede nyang masabi
lahat ng nasa dibdib nya.

Ayoko yatang marinig.

"Alam mo kasing susunod-sunod lang ako sa kahit anong sabihin mo.." Pinilit nya
idilat ang nga mata at halos bumuwal na sa pagtayo. Gaano na ba karami ang ininom
nya? "Okay lang, basta ba hwag ka lang bibitaw.."

Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ako makatingin.

"But you gave up. Why? Because of Elaine? How many times do I fcking need to tell
you that I don't like anyone else? It's just you, Princess. Ikaw lang!"

Nagulat ako dahil alam nyang si Elaine ang dahilan.. napatingin ako kay Clinton at
nag-iwas sya ng tingin. Siguro ay sinabi nya na.

Napahikbi ako na parang bata at pinahiran ulit ang luha ko habang sinisigawan nya
ako. Wala akong kwenta!

"Putangina lang kasi, Princess.. ginagawa ko naman lahat para maging maayos na ako
kay mommy mo.. kaunti na lang naman.. And then you fucking gave up just because of
Elaine!" Galit na sigaw nya.

Umiling ako at pinigilang humikbi. This is killing me!

"Fuck! Bullshit! Damn it! Mahal na mahal kita pero.." Huminto sya at sinabunutan
ang sarili nya. Ang gulo-gulo na ng buhok nya. "Pero wala eh, mahal talaga kita.."

Tumalikod sya saakin. Nakita ko ang mga kaibigan nya na tahimik na nakaupo doon sa
sofa nang magkakadikit at mga nakayuko na parang naghihintay silang masermonan.
"At nakakainis! Kasi mahal na mahal kita pero ako, hindi mo ako mahal.." Parang
bata nyang sinabi. Kahit na nakatalikod sya ay nakita kong pinunasan nya gamit ang
likod ng kamay nya ang pisngi nya.

"P-pierce.. umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong ko. Naguilty ako. Kasalanan ko! "At
hindi totoo yon, mahal kita!"

Para akong nakikipag-usap sa batang nagtatampo. Damn, para syang mababasag.

Lalo syang tumalikod nang lumapit ako. Ayaw nyang makita ko sya. Umiiyak ba talaga
sya? "No.. no. Hindi mo naman ako mahal.."

"Tsk, ang kulit mo! Sasagutin ba kita kung hindi kita mahal?!" Galit na sabi ko at
hinapit sya para yakapin sa bewang.

Tahimik sya habang niyayakap ko sya.

"Hindi mo 'ko mahal." Aniya. Ang kulit!

"Mahal nga kita!" Hinampas ko sya sa likuran. "Tsk.."

"Lagi kang galit sakin, tapos," Narinig ko ang sobrang hinang hikbi nya. Lalo kong
hinimas ang buhok nya. "Tapos gusto mo na akong iwan. That only means you don't
love me.."
Ugg, ang hirap naman mapaniwala ng lasing na si Pierce.

"That only means I love you, Pierce. Ayaw kasi kitang masaktan.."

Humigpit ang yakap nya kaya naman lalong nadikit ang katawan ko sa katawan nya.

"Pero masakit Princess. I don't want you breaking up with me.." Bulong nya.

Hinagod ko ang likod nya. "Ayaw kitang nasasaktan." Binaon ko ang ulo ko sa dibdib
nya. "Shh.. sorry, di na kita sasaktan.."

Ang tanga ko. Ang sama ko at ang hina-hina ko. Paano ko nagagawa to?  Sabihin ko na
ngang nagkulang sya sa hindi pagsasabi saakin, pero paano ko nagawang hiwalayan sya
ng ganun lang? Paano ko nagawang hiwalayan ang lalaking mahal na mahal ako?

Hinigpitan ko lalo ang yakap sa lasing na si Pierce. Para syang bata at ayaw nya
akong pakawalan. Napangiti ako nang ma-realize na hindi ko pala kaya. Hindi ko rin
kayang wala sya.

Kung ganito naman ang kasama mo sa laban, bakit hindi ka lalaban diba? Kung ganito
kalakas at alam mong hindi ka iiwan, bakit hindi mo subukang lumaban, diba? At
least sa huli, alam nyong sinubukan nyo.
This time, I will fight for us too.

"S-so mahal mo ako?" Tanong nya. Sana ay lasing na lang sya palagi.

Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. "Baliw! Matagal na, ano ka ba?"

"Pero bakit sinasaktan mo 'ko?" Mahinang tanong nya. Paulit-ulit sya. Ganito ba sya
malasing?

"Sorry, sorry. Di na mauulit. Okay? Sorry.." Hinamas ko ang ulo nya at sinuklay ang
buhok nya ng mga daliri ko.

Hinila ko sya at niyakap sa leeg. Inamoy ko sya. Damn I miss him! Kumawala na ako
sa yakap at tinignan sya. Damn! Umiyak sya!

Narinig ko ang sobrang hinang pagsinghot nya. "Tayo na ba ulit?" Tanong nya. Ang
namumula nyang mata ay nakikiusap na sumang-ayon ako.

Habang naiiyak ako ay natawa ako ng mahina at hinaplos ang ulo ng lasing na si
Pierce. Napayuko naman sya dahil doon. "Oo na, oo na." 

Nakita ko ang biglang pagkawala ng lungkot sa mga namumungay nyang mata. Nakita ko
ang pag-usbong ng saya doon.
"I'll talk to your mom tomorrow, Princess." 

=================

TKP 47

TKP 47

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya ngunit hindi ko iyon sineryoso. Lasing pa sya
at wala pa sya sa tamang pag-iisip nya. Baka kung ano-ano lang ang pumapasok sa
isip nya.

"Nagpasundo na ako kay tito.." Ani Jynx.

Nakahinga ako doon ng maayos. Mabuti naman at magpapasundo sila. Ano bang iniisip
nila? May christmas party pa kami bukas. Hindi rin ba sila magsisi-punta doon?

"Hindi ba kayo pupunta ng christmas party bukas, Yvo?" Tanong ko kay Yvo na
nakadukdok sa table ngunit nakadilat.

"Pupunta.." Wala sa sarili nyang sabi.

Nagbuntong hininga ako. Magsisipag-inom pero mga hindi naman kaya. Lasing yata
silang lahat. Pinakamatino lamang yata si Jynx at Clinton.
Napatingin ako sa katabi kong si Pierce na mukhang hilo parin at medyo inaantok.
Nakasandal ang leeg nya sa headrest ng sofa at nakahawak sa kaliwang kamay ko.

Pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok nya na magulo, medyo namamasa iyon dahil pawis
sya. "Masakit ba ang ulo mo? Hindi ka ba nasusuka?"

Tumingin saakin ang mga namumungay nyang mga mata. Tumango-tango sya. "Medyo
nasusuka ako.."

Ngumiwi ako. "Tsk! Kasi maglalasing-lasing ka, tapos hindi mo naman kaya!"

Tumayo ako para hilahin sya patungo sa banyo. Inalalayan ko sya.

Nakasimangot lamang sya. "Simple lang, hwag kang makikipagbreak sakin, para di ako
mag-inom."

Natawa ako. Tinulak ko sya papasok sa banyo. "Oo na, oo na. Oh, sumuka ka muna para
guminhawa ang pakiramdam mo.."

Pumasok sya sa banyo at hinintay ko sya. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin
sya.

"Nai-suka mo ba?" Mahinahong tanong ko.


Umiling-iling sya. "Ang hirap."

Umirap ako at inalalayan sya. "Ikaw talaga, kulit mo kasi eh." Muli kaming umupo.
"Anong sabi ng mommy mo sayo? Pinayagan ka bang mag-inom? Ishh.."

"She doesn't know."

Kumikirot ang ulo ko kay Pierce! Bakit ganito katigas ang ulo nya? Hindi ko naman
sya pwedeng pagalitan ngayon, baka magwala sya.

"Tsk.." Sagot ko na lang.

Nang dumating ang sasakyan ng tito ni Jynx ay pinasakay nya kaming lahat. Una na
daw akong ihahatid.

"How could you do that?" Namamaos ang boses ni Pierce. Kami ang nakaupo sa
pinakalikod ng sasakyan.

Pinagpatuloy ko ang pagsusuklay sa buhok nyang magulo. Sya ay nakahilig saakin at


halos hindi na ako makahinga dahil yakap na yakap sya sa katawan ko at naka-unan
sya sa dibdib ko.

"Hmm? Ano yun?" Tanong ko at inamoy-amoy ang buhok nya. Ang bango parin kahit na
pawisan.
"Iyon. Yung makipagbreak sakin. You already told me you love me. We kissed already.
Then suddenly, break up with me. What's that?" Nakapikit parin sya. Tanaw na tanaw
ko ang tungki ng ilong nya.

Pwede bang palagi na lang syang madaldal?

"Sorry.. Nahihirapan kasi ako at.. akala ko kasi si Elaine eh.." Hindi ko maituloy
ang sasabihin ko dahil alam kong mali ako.

Oh god, I was so wrong.

Nakita ko ang pagsimangot nya. "I was looking for a ring, Princess. Someone told me
she has it. Kinuha ko lang. I never liked her." Seryosong sabi nya.

Kumunot ang kilay ko. Ring. Sing sing. Hindi.. iyon ba ang suot ni Elaine na
pinakita nya saakin na ibinigay raw ni Pierce? Hindi ko na naisip yon dahil hindi
rin naman ako naniniwala.

"Anong ring, Pierce?" Tanong ko.

Tumawa sya at kinapa ang bulsa ng jeans nya. Nang makuha nya iyon ay pinakita nya
saakin. "This. This is for you.." Aniya habang nakapikit parin. Medyo tumatawa pa
sya.
Napangiti ako at kinuha ang singsing sa kamay nya. Tama nga ako, pahugis tiara sya
o korona na binuo ng pinagdikit-dikit na hugis puso.

Sa loob ay may nakaukit na mga letra.

PJ&PJ

Napangiti ako at naiyak. Nakita ko na ito noon! Sa loob ng kwarto ni Pierce! So


noon palang..?

"Ikaw ah? Matagal mo na akong gusto.." Natatawang biro ko sa kanya. Talagang may
singsing na sya ng mga oras na yon na may naka-ukit na ganung letra, huh?

Dahan-dahan kong pinadulas ang singsing sa daliri ko.

Tumawa sya. "Oo naman.." Para syang nananaginip na lamang at gusto kong kurutin ang
pisngi nya. Nagsasabi ba to ng totoo?

Tumawa ako at hinaplos ang mukha nya na walang bakas ng kahit na anong tagyawat,
black or whiteheads. Hmm? Anong gamit nito sa mukha?

"Elementary palang.." Bulong nya.


Nanlaki ang mga mata ko. Lasing sya pero hindi naman siguro sya gumagawa ng
istorya, diba? Ugg.

"Huh? Diba si Elaine ang crush mo noong elementary?"

Lalong humigpit ang yakap nya saakin. "I'm starting to hate that name.."

"Pero hinalikan mo sya noong elementary kayo.." Sabi ko.

Bigla syang lumayo sa pagyakap saakin at hinalikan ako sa labi ng ilang ulit.
Nanlaki ang mga mata ko dahil baka may makakita saamin. Tinulak ko sya at
pinagalitan.

"Pierce!" Bulong ko.

Nagpout ang mapulang labi nya at yumakap muli saakin. "Hindi na ako iinom ulit,
sorry po.."

"Talagang dapat hindi na.."

Tumango sya ng tatlong beses. "Hindi ko hinalikan si Elaine, ikaw pa lang ang
nahahalikan ko." Humikab sya.
"Pero sabi ni Clinton.." Hindi ko pa maituloy-tuloy ang sinasabi ko.

"I told you, Pierce kissed Elaine before, but actually, I wasn't really sure about
that.." Nagulat ako nang magsalita si Clinton. Nasa harapan namin sya katabi nya si
Yvo at Paris. "I'm sorry.."

Nagtawanan si Yvo at sila Paris. "Dude, sabi na nga ba! Alam kong hindi nya talaga
type si Elaine!" Tumawa ng tumawa si Yvo.

"Fck you, Clinton! You're poisoning my girl's mind. Fck you." Galit na sabi ni
Pierce. Kung hindi lang nakayakap si Pierce sakin ay malamang na hinablot nya na si
Clinton.

"I'm not! Iyon ang naaalala ko!" Mahinang sigaw ni Clinton.

"Pero diba nga hinalikan mo si Elaine?" Nagtatakang tanong ni Ace.

"Si Klark yon." Ani Pierce. "May gusto sya kay Elaine noong elementary."

Nagtawanan sila. "Diba si Mira ang gustong-gusto ni Klark nung elem?" Ani Paris.

"Mas matimbang daw si Elaine sa puso ni Klark!" Halakhak ni Yvo.


Nagpatuloy sila sa pag-uusap at pag-alala ng elementary days nila, samantalang si
Pierce ay tahimik.

"Why didn't you ask me?" Tanong ni Pierce saakin.

"Maliit na bagay," Sabi ko lang.

Umiling sya. "Malaking bagay yon. Ayokong akusahan mo ako sa iba, dahil ikaw lang."

Tumawa ako. "Adik mo.."

Lalong humigpit ang yakap at pakiramdam ko ay inuubos nya ang amoy ko.

"Dapat kasi sinabi mo sakin ang tungkol kay Elaine. Kung sana sinabi mo, edi sana
clear ang lahat?"

"Hindi ko naman alam na nakita mo kami. Kasasabi lang ni Clinton.."

"Dapat pa bang malaman ko? Hindi ba dapat ay ikaw ang magkusa?"

Lumabi sya saakin at parang inaamin nya na mali sya. Lalong sumiksik ang mukha nya.
"I'm sorry.. I thought I didn't have to tell you. I didn't want you to worry,
Elaine is nothing to me. That's the truth."

Naiintindihan ko na sya. "Pero kahit na.. sa susunod, hwag ganun ah, Pierce?"

Mabilis nya akong tinanguan. "I knew you were already mad and cold, I don't wanna
pull the trigger, that's why I didn't say anything."

Tahimik na lang ako at tumingin sa labas.

"I-I saw you with Clinton. I don't wanna go mad, but I was. I was so jealous..
palagi kayong magkasama. Pero ako, hindi ako makikipagbreak dahil lang sa
nagseselos ako.." Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakasiksik na iyon sa leeg
ko.

Hindi naman ako nakipagbreak dahil lang sa nagseselos ako. Bakit hindi nya iyon
maintindihan? Tsk. Saka ko na nga lang sya kokontrahin kapag hindi na sya lasing.

Nang malapit na kami sa bahay ay umayos na ng upo si Pierce. "Bukas pupunta ako.
Haharapin ko na si mama mo.."

Kumunot ang noo ko. Hindi naman sya seryoso, diba? Lasing lamang sya, diba?

Nagpababa ako sa may kalayuan sa bahay namin, iyong hindi matatanaw itong sasakyan.
Nagpasalamat ako kay Jynx sa paghahatid, pati na rin sa tito nya.
"Bye, Pierce. Bye guys, ingat kayo ah." Tumingin ako sa tito ni Jynx. "Thank you
po.."

Tumango lamang ang tito nya at ngumiti.

"Bye-bye buttercup! See yah! Love you, mwa-mwa, chup—" Hindi na naituloy ni Yvo ang
sinasabi dahil malakas na sumara ang pinto.

Pagpasok ko ng gate ng aming bahay ay naabutan ko si mama na nagtutupi ng mga


damit. Napatingin sya saakin.

"Oh, nakabili ba kayo ni Loraine?" Malumanay na tanong ni mama.

"Opo, sinamahan ko lang si Loraine. Hindi naman po ako pupunta bukas." 

Tumango sya. Hindi ako naglakad papaalis. Tamang oras na to, diba? Alam kong
makikinig na sya.

"Ma, pwede ba tayong nag-usap?" Tanong ko.

Hindi ako sigurado kung pupunta nga si Pierce dito pero kahit na hindi ay kailangan
ko nang magsalita, lalo ngayon at mukhang maayos si mama.
Tumango si mama at tumingin sa labas. Umupo ako sa harapan nya at nagsimula.

"Ma.." Napisil-pisil ko ang mga daliri ko. Hindi ako makatingin sa sobrang kaba.
"Mabait pong tao si Pierce.." Simula ko.

Nagulat ako dahil hindi nya kinontrana ang sinasabi ko. Naghahanda pa naman ako sa
mga sasabihin nya. Subalit ay nagpatuloy lamang sya sa pag-aayos ng mga damit.
"Pero iiwan mo din ang batang yan.." Bulong nya.

Umiling-iling ako. Kanina, habang kausap ko si Pierce narealize ko na.. Pwede pala
talagang mahalin mo ang isang tao ng lubos-lubos kahit na gaano pa kayo ka-bata.
Susugal ako, para saamin ni Pierce, baka sakali naman na kami hanggang huli, diba?
O kung hindi man, at least nagtagal kami at sinubukan namin.

Tumango ako. "Alam ko yun, mama. Pero pakinggan mo muna ako ma.."

Hindi sya nagsalita.

"Si Kharl, ma.. minahal ko talaga si Kharl. Sobra-sobra. Sya kasi yung tipo ng
lalaki na halos perpekto na. Iyong nililigawan ka pa lang, binibigay na sayo ang
lahat. Kaya nga hulog na hulog ako sa kanya eh." Natawa ako. Pinahiran ko ang luha
ko nang maalala si Kharl at ang mga ginawa nya noong una palang kami. Hindi ako
naiiyak dahil nasasaktan parin ako. Naiiyak ako dahil akala ko noon, hindi ko kaya.
Na hindi ko matatagalan ang natitirang araw ko sa highschool. Pero nakayanan ko,
bakit hindi? Nandyan si Pierce..

Kumurap ako ng ilang beses. Nanatiling tahimik si mama.


"Habang si Pierce.. kalilipat lang nya noon, noong mga araw na nakipagbreak saakin
yung lalaking gustong-gusto mo. Si Pierce, hindi sya perpekto, ma.." Napangiti ako
habang ina-alala si Pierce. "Sya yung kapapasok palang, napapaaway na. Nakita ko na
rin syang nanigarilyo. Masungit syang tao. Malamig at hindi pala-salita. Pero hindi
sya masamang tao, ma.."

Hinawi ko ang buhok ko para tignan ang reaksyon ni mama. Hindi iyon cold, masungit
o ano. Nakikinig lang sya.

"Ma.. sorry kung hindi ko nasabi noon, ayoko lang kasing mag-alala ka. N-nabully
ako noon, nung nakipagbreak si Kharl." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya.

Tumango-tango ako. Naiyak ako nang maalala kung gaano na rin pala kalayo at
katagal.

"Kasi iniwan ako ni Kharl eh. Jinudge nila akong lahat kagaya ng ginawa nyo kay
Pierce. Hindi ko rin alam kung bakit ganun katindi ang nangyari saakin dahil lang
nagbreak kami ni Kharl. Siguro kasi sikat sya masyado.. at dahil na rin sa mga
kumalat."

Kitang ko ang pagtataka ni mama sa mga pinagsasabi ko. Masakit ring makita na
nawawala ang hopes nya kay Kharl dahil iba ang pagkaka-kilala nya rito. Pero iyon
ang totoo. Kailangan nyang malaman.

"Nabully ako noong nakipagbreak saakin si Kharl.. at ma, hindi yung pagkakawasak
nya saakin ang pinaka-masakit doon, mas masakit nung nalaman kong trip lang ang
lahat.. pinag-pustahan nila akong magkakaibigan ma.."
Nakita ko ang hindi makapaniwalang mukha nya. Ang sakit na dumaan sa mga mata nya
ay lalong nagpaiyak saakin.

"Nilayuan ako ng lahat pagakatapos nun.." Nakagat ko ang labi ko at pinahiran ang
luha ko. "Yung mga kaklase ko, mga kaibigan. Pati si Loraine na bestfriend ko,
nagawa nya akong iwan, ma. Ang sakit-sakit.. at alam mo ba mama, kung sino lang ang
sumama saakin nung mga araw na yon?"

Ngumiti ako at pumatak na naman ang luha ko.

"Si Pierce lang."

Huminga ako ng malalim.

"Ilang beses napa-away si Pierce ma, dahil iyon sakin. Dahil sa mga nangbabastos
saakin. One time nga, binastos ako ng kaibigan ni Kharl. Pinagtanggol nya ako at
binugbog yung taong bumastos sakin, kaya sya na-office. Ako rin iyong palaging
nagka-cutting ma, at desisyon ko iyon, hindi dahil sa impluwensya ni Pierce.
Sinasamahan ako ni Pierce para tumulong sya sa mga tinatapos ko. Ganun lang sya.
Tuwing may lakad kami, sya ang nag-aayang umuwi ng maaga kasi ma.." Nagtuloy-tuloy
ang luha ko. "Ayaw nyang mabad-shot sayo.."

Nakita ko ang pag-iwas nya ng tingin at paglunok.

"Nagpapaka-bait sya sa school kasi gusto nya nang maging maayos dahil pangako nya
sakin yon. Na titigil sya sa paninigarilyo at pagka-cut. Alam nya kasing ayaw ko ng
ganon.." Ngumiti ako. Damn, mahal na mahal ko si Pierce.
Suminghap si mama at nagbuntong hininga.

"Ma, kung hahayaan mo lang sana ako na ipakilala si Pierce sa inyo.." Pagsusumamo
ko.

"Matulog ka na." Ani mama.

Hindi ako makapaniwala na iyon lamang ang nasabi nya. Wala na ba syang ibang
sasabihin bukod doon? Ganun sya katigas?

"Ma, baka pumunta si Pierce dito bukas.." Nagmamakaawa ang boses ko. "Ma please..
h-hindi ka ba kinakausap ni ma'am Carmel? Wala b-ba syang nasasabi sayo.."

Tumango sya. "Sinabi nya saakin na nagbabago si Pierce. Na nag-aayos na sa pag-


aaral. Pagbutihan nyo yan."

Napa-iyak ako at unti-unting nawawalan ng pag-asa dahil sa boses nya. Hindi ba


pwedeng pag-isipan nya na lang? Kahit pag-isipan nya! Hindi yong ganito kabilis!

"Ma.." Tawag ko, kulang na lamang ay lumuhod ako.

Tumayo si mama. "Pumunta ka na sa kwarto mo."


Matigas ang boses nya, at alam kong dapat ay hanggang dito na lamang ako kung ayaw
kong lumala pa ang sitwasyon.

Huminga ako ng malalim at nagtuloy-tuloy muli ang luha ko. Yumuko ako at
nanginginig ang bibig ko, gustong kumawala ng masasakit na salita. Ano pa ba doon
ang hindi nya naiintindihan? Wala ba sa sinabi ko ang nagpamukha sa kanya kung
gaano ka-gago si Kharl at hindi katulad ng iniisip nya si Pierce? Ano pa bang
kulang ang hindi ko nasabi?

Pero pinigilan ko ang pagsasalita. Hindi. Hwag Princess. Hwag kang magsasalita ng
masama. Malapit ng matanggap ng mama mo. Hintayin mo lang..

Naglakad ako ng dahan-dahan papuntang kwarto. Nage-expect na baka bigla nya akong
tawagin at kausaping muli. Pero wala. Nakatulog ako sa kwarto nang umiiyak.

Kinabukasan ay nagising ako ng 10:00 AM at sabog ang cellphone ko sa mga text ni


Pierce at isang unknown number.

Puro 5:00 AM texts pa ang mga iyon.

From Pierce: 

Good morning to my princess :)

From Pierce:

What is your mom's favorite chocolate?


From Pierce:

Her favorite cake flavor?

From Pierce:

What kind of cake?

From Pierce:

Flowers, what do you think?

From Pierce:

Hey princess, reply please?

Ang huli nyang text ay 7:30 AM

From Pierce:

Im nervous. Pray for me. I love you.

Nanlaki ang mga mata ko. Pupunta si Pierce!! Bago pa ako makatakbo sa labas ay
binasa ko ang unknown number.  
From unknown number:

God bless my twin ;)

Nagmamadali akong pumunta sa labas ng kwarto ko. Kailangan kong pilitin si mama na
maging maayos ang pag-iisip. Ayoko ng masaktan si Pierce. Hindi sya pwedeng
magsalita ng kung ano-ano!

Isa pa, alam ng kapatid ni Pierce na pupunta si Pierce dito? Kung ganun ay alam rin
ba ng parents nya? Oh.. God.

Nang makalabas ako ng kwarto ay nakita ko ang busy na si mama na naghahanda ng


pagkain. Madaming pagkain.

"Mama—"

Bigla ko naman napansin na may.. isang tao pa sa sala bukod kay Samuel. 

Nakita ko syang nakasuot ng black long sleeve button down na nakatupi hanggang sa
siko nya at jeans. Pansin ko rin ang malinis na gupit nya at wala na syang suot na
kahit na anong hikaw. Sa kaliwang kamay ay nakasuot sya ng disente at mukhang
mamahaling relo.

Nalaglag ang panga ko sa nasaksihan. Naandito sya..


Nanlalaki parin ang mga mata ko habang nakatingin kay mama at pinagtaasan nya
lamang ako ng kilay. 

"Akala ko may ipapakilala ka ngayong araw? Bakit hindi ka pa naliligo?" Aniya


habang tinitignan ako. Naiyak ako at niyakap sya.

=================

TKP 48

TKP 48

Hindi ko na tinignan ulit si Pierce dahil nahihiya ako sa itsura ko. Ayokong makita
nya akong bagong gising lamang.

Agad akong naligo at nang natapos ay mabilis na nag-ayos. Lumabas agad ako.
Nadatnan ko si Pierce at Samuel na nagke-kwentuhan at nagtatawanan. Nandoon lamang
si mama na natatawa habang pinapanuod rin sila.

Doon ko lamang na-realize na may tinitignan pala silang photo album. Agad ko silang
nilapitan at inagaw iyon.

"Ah! Ang daya nyo!" Halos umiyak ako. "Ang panget panget ko dito eh!"

Tumawa silang tatlo. Ugg!


Nakita ko ang ilang box ng cake sa living room table namin. Mayroon din doon isang
bouquet ng bulaklak.

Napangiti ako ng sikreto.

Ngumisi si mama saakin. "Ihahanda ko lang ang pagkain.."

Ngumiti ako at tumabi kay Pierce. Hinampas ko sya sa braso. "Lasing ka kagabi,
akala ko nagbibiro ko lang na pupunta ka—"

"I wasn't drunk," Kunot ang noo nya. Naamoy ko agad ang bango ng pabango nya.

Ngumisi ako habang natatawa. "Hmm. Baka gusto mong ipaalala ko sayo lahat ng sinabi
mo?"

Nakagat nya ang labi nya at namula. Napaisip tuloy ako. Naalala nya kaya? Siguro ay
iba lang ang epekto sa kanya pero naaalala naman siguro nya ang mga ginawa at
sinabi nya.

Ininis ko sya sa mga ginawa nya noong lasing sya.

"Mahal na mahal mo ako no.." Tumawa ako at sinundot ang tagiliran nya.
Ang akala ko ay itatanggi nya, ngunit kumunot lamang ang noo nya at nangingisi-
ngisi.

Natawa ako. "Anong oras ka naandito?"

"Kaninang 8:20 lang."

Ang aga! "Anong nangyari?"

Nakagat nya ang labi nya. "Akala ko hindi pa ako tanggap ni tita.." Sabi nya at
napangiti.

Nakagat ko ang labi ko at parang naguumapaw ang saya na nararamdaman ko. Ang saya-
saya na makita syang ganito. At tinawag nyang tita si mama!

Hinawakan ni Pierce ang kamay ko. "Pinapasok agad ako," Ngiting-ngiti sya. Tuwang-
tuwa ah? "Hindi ka pa gising, kaya nag-usap lang kami.."

Uggg! Gustong-gusto ko malaman ang nangyari bago iyon! Gusto kong malaman ang
nangyari sa kanila ni mama. Kung paano sya pinapasok at kung paano sya kinabahan.
Kung paano sya sumagot kay mama! Gusto kong makita ang mga reaksyon nya.

"Thank you, Pierce.." Bulong ko. Hindi ko masabi kung gaano ako kasaya. Ang akala
ko ay hindi kami aabot sa ganito. Yung ipapakilala ko sya kay mama..
Ginulo nya ang buhok ko at tumawa ng mahina.

"Damn, I never knew I could do things like this for a girl." Hinalikan nya ang noo
ko.

Napapikit ako habang ang labi nya ay nasa noo ko.

Hindi kailangan ng tao ng mamahaling bagay para sumaya. Minsan, sa simpleng sikap
lang nya para sayo, ayos na. Ayos na ayos na.

Diretso ang upo nya sa sofa, hindi gaanong naka-sandal kagaya na lang kapag
nakikita ko sya sa bahay nila. I really love this man. Alam nya kung kailan dapat
tumino.

"Halika na. Kumain na kayo." Pag-aaya ni mama saamin.

Sabay kaming naglalakad at nauuna saamin si Samuel. Tuwang-tuwa ang kapatid ko


dahil dinalhan pa sya ng laruan ni Pierce. Nililigawan nya yata pati ang kapatid
ko.

Matapos naming kumain ay nagkaroon ng maikling kwentuhan. Kitang-kita ko si Pierce


na awkward na sumasagot kay mama, ngunit nakangiti sya. Hindi ako makapaniwala na
ang sarap nyang panuorin nang ganito.
Kung saan-saan napupunta ang usap namin. Si Pierce ay kinakabahan habang ako ay
nage-enjoy na panuorin sila.

"O-opo.. nagtutulungan naman po kami ni Princess sa school.." Pabalik-balik ang


kamay ni Pierce sa likod ng batok nya pati na rin sa kilay nya.

Kabadong-kabado sya!

"Mabuti ang ganun. Mag-aral kayong mabuti." Ani mama. Kahit na hindi sya ngiting-
ngiti ay kita ko na masaya sya at magaan ang kwentuhan.

Nagtaka tuloy ako kung ano-ano ang napag-usapan nila ni mama kanina. Nagkaroon kaya
ng drama? Gaano sila katagal nag-usap?

"Hindi ba maloko si Princess sa school?" Tanong ni mama.

Kinabahan ako. Sana ay hindi ako ilaglag ni Pierce! Paminsan-minsan ay niyayaya ko


syang magcutting at minsan ay late kami ni Loraine kung pumasok.

"Hindi po," Sabi ni Pierce at nangiti. "Sya po tumutulong saaking magpakabait."

Natawa si mama sa sinabi ni Pierce. "Dapat lang na magpakabait kayo, ang babata nyo
pa."
Tumawa na lang din ako.

"Hindi ba ay sainyo naki-tulog si Princess, noong bumagyo?"

Nakita ko ang kabadong mukha ni Pierce.

"Opo," Tumawa sya at napakamot muli sa ulo.

Pasikreto akong tumawa.

"Hindi ba nakakahiya iyon sa mga magulang mo? Naku talaga." Pinanlakihan ako ng
mata ni mama.

"Hindi po. Gustong-gusto po sya nila mommy.." Kumikislap ang mga mata ni Pierce.

Natapango-tango na lamang si mama, kita ko ang galak sa mga mata nya habang patuloy
ang usapan namin tungkol saamin ni Pierce.

Matapos naming kumain ay nagpunta kami sa sala at nagkwentuhang muli. Paalis-alis


si mama dahil may kausap syang kaibigan nya sa labas. Hindi ko  rin ma-solo si
Pierce. Madami pa naman akong gustong itanong sa kanya. Kausap nga lang nya ang
kapatid ko.
Noong nag 12 na ay nagpaalam na rin si Pierce. Hinatid naman sya ni mama sa gate.

Sobrang awkward na tao ni Pierce! Hindi ko aakalaing ganun sya kung mahiya kay
mama? Woah!

"Ma, salamat po.." Sabi ko kay mama, naiiyak na naman ako.

Ngumiwi lang si mama saakin. Hinapit nya ako at niyakap. Namiss ko si mama!
"Sorry.."

Tumango lang ako habang yumayakap rin sa kanya.

"Hindi mo maaalis saakin na mag-alala, Princess.. nalaman ko na kick out sya, tapos
ay muntikan na ring ma-expelled sa school nyo, anong gusto mong maramdaman ko
bilang ina?"

Tumango lamang ulit ako.

Nang maghiwalay kami sa yakap ay ngumiti sya. "Napaka-bait na bata.." Bulong nya at
alam kong tinutukoy nya si Pierce. "Pero sana tandaan mo na iiwan mo rin sya. Hindi
ka pwedeng maiwan dito, Princess. Kaya nyo ba ang long distance relationship? At
alam na ba nyang aalis ka?" Tanong nya.

Ngumiti lamang ako. "Alam ko naman yun, ma. Hindi ko pa nasasabi sa kanya eh,
ayokong masira ang moments namin. Isa pa, bakit hindi? Susubukan naming kayanin ang
long distance relationship na yan."
Tumango-tango si mama. Pinag-usapan pa namin si Pierce nang pinag-usapan. Kinuwento
ko sa kanya ang mga masasayang moments namin ni Pierce. Kung gaano kasungit at
gaano rin ka-sweet na tao si Pierce.

Nagtext saakin si Pierce habang nasa kama ako at nagpapahinga na. Christmas party
sana namin ngayon, eto at hindi kami nakasama. Pero ayos lang, ayos na ayos.

From Pierce:

I got home. What? May nasabi ba sakin si tita?

Napangiti ako. Kinagat ko ang kuko ko habang nag-iisip.

To Pierce:

Oo, medyo mayabang ka raw.

Natawa ako at naghintay sa reply nya. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nagring
ang phone ko, tumatawag si Pierce. Pinilit kong tumahimik bago sagutin si Pierce.

"Hello?" Pinigilan kong tumawa.

"Hey. Anong ginawa ko? Damn, I can't remember!" Sobrang frustrated ang boses nya.
Natawa ako. Ang sama-sama ko talaga. Dapat ay tinitigilan ko si Pierce sa mga
ganitong bagay.

"Wala, biro lang no!" Tumawa ako.

Suminghap sya at nagbuntong hininga. "Anong sabi saakin ni tita?"

Ngumisi ako. "Wala naman masyado, basta ang ang bait mo raw. Ganun.." Ano pa nga ba
ang sinabi ni mama kanina?

Hindi agad sya nagsalita. "Ahh.." Ramdam kong nakangiti sya sa kabilang linya.

Tumawa ako. "Sayang, di tayo nakapunta sa christmas party." Sabi ko.

"Ano namang gagawin natin dun?" Tanong nya.

Umirap lamang ako at gumulong sa kama. Masaya kayang magchristmas party!

"Namiss kita! Nakakainis ka, kung hindi pa ako nakipagbreak sayo, hindi ka pa
magpapakilala kay mama! Kainis ka, miss na miss na miss na kita!"
Natahimik sya sa kabilang linya. "Kailangan kong palamigin ang ulo ng mommy mo,
hindi ako pwedeng basta lumitaw na lang. What? Baka mas lalo pa syang magalit
saakin." Aniya. "And fck, kung namimiss mo ako, hindi mo alam kung gaano kita ka-
miss.."

Niyakap ko ang unan ko. "Miss na talaga kita.."

Narinig ko ang malumanay nyang pagtawa. "Pero gusto mong makipagbreak.."


Sarkastiking sabi nya.

Ngumuso ako. "Gusto kong makipagbreak dahil akala ko wala na tayo. Pakiramdam ko
kasi.. ayos ka lang na wala ako. Na hindi naman talaga ako mahalaga. You see.. mas
naging better ka nung wala ako.."

"Mas naging better ako para sayo, how could you think of our situation that way?"
Tanong nya. Parang nakikita ko syang nakakunot ang noo.

"And yung si Elaine rin.." Sabi ko na lang para iligtas ang sarili ko.

"Elaine.. tsk. Don't you trust me?" Buntong hininga nya.

"S-sorry.. A-akala ko kasi talaga naging gusto mo sya. Yung kwento kasi ni Clinton
hinalikan mo sya eh.." Bwisit yung Clinton na yon ah? Anong problema nya?

Iritado syang suminghap. "That ass, may gusto siguro talaga yon sayo!" Galit na
bulong nya.

Suminghap ako at namutka. "Wala no!"

"Tsss.."

Tapos ay may naalala ako "Sinabi mo kahapon na gusto mo ako noong elementary,
kilala mo pala ako?" Tanong ko. Nakakapagtaka naman. Crush nya ako dahil nakikita
nya ako? Hindi naman ako maganda ah?

Natigilan sya. "S-sinabi ko yon..?"

Humagalpak ako. "Oo! Hahaha. Kilala mo pala ako noong elementary?"

".." Hindi sya nagsalita.

"Kwentuhan mo ako!" Natutuwang sabi ko. Gusto kong malaman kung paano nya ako
naging crush. Mahinhin kaya ako noong elementary? Hindi ko talaga maalala.

At saka, bakit hindi ko sya matandaan? Kung hindi ko ba sya matandaan ay ibig
sabihin hindi sya espesyal noon? Nagkausap kaya kami? Parang hindi!

"W-wala yon.." 
"Ehh! Kwentuhan mo ako!" Pangungulit ko sa kanya. Hindi pwedeng hindi ko iyon
malaman.

"Wala nga yon.."

"Tss." Sabi ko lang at nanahimik.

Ilang segundo rin syang tahimik, matapos nun ay umubo sya.

"Princess.."

"Hmm." Sabi ko, nakasimangot.

"Hwag nang makulit, hindi mo rin naman natatandaan.." Aniya, nang-aamo ang boses.

"Kaya nga ipa-alala mo eh." Nakagat ko ang labi ko.

Suminghap sya. 
"Please," Nagpapaawang sabi ko.

Bumuntong hininga ulit sya.

"Please..?" Lalo kong pinalungkot ang boses ko.

Suminghap syang muli. Ganun ba talaga nya ka-ayaw na pag-usapan namin? Pero gusto
kong malaman. At bakit ayaw nyang sabihin?

"Ilang beses lang tayong nag-usap nun. Yun lang, nothing special.." Aniya sa
mababang boses.

"Eh! Nag-usap tayo?!" Gulat na tanong ko.

"Tss.."

"Pero hindi ko maalala!"

"Yes, because you're unfair.." Parang may hinanakit sa boses nya. Napalabi ako.
Unfair? Hindi ko talaga maalala.

"Naging magkaibigan ba tayo noon?"


"Nooope." Mahabang sabi nya. "Apat na beses."

Nakagat ko ang labi ko at kumunot ang noo ko. "Apat na beses?"

"Apat na beses lang tayong nag-usap."

Lumunok ako. Apat na beses? Naalala nya pa? Wala akong ma-alala. Matagal ba ang mga
pag-uusap namin? May amnesia ba ako? Tsk!

Ahhh. Kaya siguro hindi ko sya maalala! Apat na beses lang pala kami nag-usap. Ni
hindi ko nga maalala na nag-usap kami! Ni hindi ko nga maalala na nakita ko sya
kahit na isang beses!

"Kaya siguro hindi kita maalala, kasi apat na beses lang pala tayo nag-usap." Sabi
ko.

"Then why do I remember you?" Tanong nya.

Nanlaki ang mga mata ko at nakagat ko ang labi ko. Nakaka-ooffend pala ang sinabi
ko.

Tinigilan ko na ang pagtatanong sa kanya. Apat na beses lang kami nag-usap pero
bakit sinabi nya saaking crush nya ako? Paano nangyari yon?

Palagi lang tumatawag si Pierce saakin. Text lang ang tanging pinagkakaabalahan ko
sa bahay dahil bakasyon na. Si Loraine ay paminsan-minsang pumupunta sa bahay namin
at ako rin sa kanila. Hindi pumupunta si Pierce sa bahay dahil nahihiya sya.
Magpapalipas lang raw sya ng ilang araw. Daming alam!

"Pwede ba ako dyan sa christmas eve?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Pierce.

"H-huh? Papayagan ka ba? Siguradong hindi ka papayagan ni mommy mo?" Kinakabahang


sabi ko. 

Oh please. Hindi sya pwede magchristmas eve saamin dahil hindi kasing-engrande ang
handaan namin kagaya ng kanila. Siguradong gumagastos sila ng malaki para doon!

"Papayagan ako ni mommy nyan. Ano, sa tingin mo papayagan ako ni tita?" Tanong nya.

Nakagat ko ang labi ko. Sigurado namang papayag si mama kung iyon lang. Ang kaso ay
Christmas iyon at dapat ay kasama mo ang family mo. Kahit na ba christmas eve lang,
hindi ba?

"Pierce.. hindi pwede. Christmas iyon. Sinasalubong iyon with family." Ngumuso ako.

"Pero ikaw ang gusto kong kasama.." Aniya.


Natawa ako at kinilabutan ngunit hindi ko pinahalata. "Kahit na! Magagalit si mommy
mo.."

Kinulit nya lamang ako ng kinulit. Ayaw nya akong tigilan! Bukas na ang christmas
eve, aba! Hindi pa naman sya nakakapag-paalam.

"Sige na nga wag na nga lang." Malungkot na sabi nya pero alam kong gini-guilty nya
lang ako.

Nagbuntong hininga ako at suminghap. Kanina pa talaga sya nangungulit. 

"Sige na nga, bahala ka na nga. Magpaalam ka muna kay mommy mo." Utos ko.

Narinig ko ang ngisi nya. "Yes, yes po!"

Nagkaigihan kami ng usap at sinabi nya rin saakin na pumayag si mommy nya. Hindi
ako sigurado kung nagsasabi sya ng totoo o sinabi nya lang yon para pumayag na ako.

Kinabukasan, mga bandang 7:00 PM ay dumating si Pierce saamin dahil nalaman nyang
magsisimba kami ng 7:30 at sasama raw sya.

Nagulantang pa ang mga lola ko pati na rin si tita Trina na step sister ni papa.
Hindi ko pa sya nasabihan na naandito ang ilan sa kakaunting pamilya ko.
Nagbless sya sa lola ko at magalang na pumasok. Panay naman ang suri ni tita Trina
kay Pierce. Wala pa dito ang mga anak nya dahil silang dalawa lang ni lola ang
talagang nauuna dito tuwing Christmas eve para tumulong magluto ng ibang hindi pa
handang potahe.

Nakasuot si Pierce ng red polo shirt and jeans. Kitang-kita ang pagka-lean ng
katawan nya at ang ganda ng braso nya. Damn, his legs!

"Hmm.." Lumapit ang mukha saakin ni mama habang nakatingin kay Pierce na nakaupo sa
sofa habang nakapatong ang dalawang siko sa magkahiwalay na tuhod. Magkasalikop ang
kamay nyang naghihintay. "Mas gwapo sya kay Kharl, anak."

Tumawa ako at umiling. "Ngayon mo lang narealize, ma?"

Nilapitan ko si Pierce at tumayo na sya ng maayos. Kanina ay hinatid sya ng driver


nila at may dala syang box na naka-wrap wrap sa magandang christmas gift wrapper.
May isa pa syang dalang paper bag at ibinigay iyon kay mama at syempre ay meron din
para saakin.

"Tara na?" Aya ko sa kanya.

Hindi pa nya pinapaalis ang driver nya at hinatid kami nito sa simbahan. Si Pierce
talaga oh..

Nauunang maglakad si mama at Samuel habang kami ni Pierce ay nakasunod. Ang mga
tahimik na kababaihan na mga nasa labas pa ng simbahan ay pinanuod kami nila Pierce
hanggang makapasok kami sa loob.
Habang nasa misa ay kumulo ang tyan ko. Nagutom ako bigla!

"Nagugutom na ako.." Bulong ko kay Pierce habang nagmimisa. Nasa kalagitnaan na.

"Quiet, Princess." Masungit na sabi nya at hindi man lang ako tinignan.

Pinatayo ang lahat at nagsimula na ang kanta ng mga choirs.

"Sungit!" Bulong ko.

Nakita ko ang pagngisi nya. "Baka kasi pagalitan tayo ni tita." Kinunot nya ang
ilong nya at natawa ako doon.

Tss.

Sumabay akong kumanta sa choir. Naramdaman kong nakatingin saakin si Pierce. Hindi
tuloy ako makapag-concentrate.

"Lalo akong naiinlove sayo." Bulong nya.


Nangiti ako at napa-iling. Ano namang nakaka-in love sa pagkanta ko, ni hindi nga
maganda ang boses ko.

"Baliw.." Bulong ko.

Nakita ko syang nakatingin sa harapan, pagkatapos ay nakagat nya ang ibabang labi.
Magkasama ang kamay nyang nasa harapan nya at seryosong nakatayo. Medyo tinitingala
ko pa sya para lang makita ang reaksyon nya.

"Baliw ka talaga.." Pag-uulit ko pa.

Kumunot ang noo nya at umusog ng kaunti palapit saakin. Hinawakan nya ng pasikreto
ang kamay ko, iyong hindi kita ni mama. 

"Nah, I'm serious. Lalo talaga akong nai-in love sayo," Aniya at nangiti sa
harapan, na alam kong para saakin.

Tinapos namin ang misa nang magkahawak ang kamay namin. Pumikit ako at nagdasal na
sana magtagal. Magtagal kami.

=================

TKP 49

TKP 49

Nang makauwi kami ay handa na ang lahat ng pagkain. Tinanaw muna namin ni Pierce
ang labas at pinagkatuwaan ang malaking christmas tree habang hinihintay ang mga
anak ni tita Trina para sama-samang kumain.

Nang dumating ang isang puting sasakyan ay alam ko na agad na iyon ang asawa ni
tita Trina pati na rin ang tatlo nyang mga anak.

"Lika na, Pierce." Inakay ko sya papasok.

Hinila ni Pierce ang isang upuan at pinaupo ako doon. Tumabi sya saakin at si
Samuel ay tumabi sa kabilang side nya.

Nakikipagtawanan pa si mama kay tita Trina habang inaayos ang iba pang pagkain.

"Merry Christmas!" Bati ni tito Rudolf saamin nang makapasok sya kasama ang tatlong
mga anak nya. 

Tumawa ako at binati si tito Rudolf na malapit na malapit saamin ni Samuel. "Merry
Christmas tito! Uy, Trisha, Lyka, Gwen, upo kayo dito!" Bati ko sa tatlong anak nya
na hindi ko naman gaanong close dahil mga mai-ilap.

Ngumiti saakin si Trisha, sya ang pinakamatanda. Matanda lang sya saakin ng isang
taon.

"Merry Christmas.." Bati nya pabalik at napatingin sa katabi ko.


Napansin ko rin ang tingin nila Gwen kay Pierce. Napalunok ako, at tinawag silang
ulit para umupo na.

Pasikreto pa silang nagtutulakan kung saan uupo, batid kong nahihiya sila sa kung
anong dahilan.

Si Trisha ay nagmamadaling umupo sa tapat ko, si Gwen ay umupo sa tapat ni Samuel,


hiyang-hiya namang umupo si Lyka sa tapat ni Pierce.

Naandito ngayon si lola. Ang lola ko ay may inaruga bago nya maging anak si papa.
Kaya ang mga anak ng inaruga ng lola ko ay hindi ko naman talaga kadugo.

Si Gwen ay muntikan nang madapa bago tuluyang makaupo. 

Ang katabi kong si Pierce na kumakain habang kausap ang kapatid ko ang tinitignan
nila. Pinaguusapan nila ang tungkol sa isang mamahaling laruan na niregalo ni
Pierce. Seriously, he's spoiling my brother.

"Hi ate Princess." Ngumiti saakin si Gwen na bata saakin ng isang taon.

Ngumiti ako sa kanya. "Hello."

"Boyfriend mo po?" Tanong nya, tinutukoy si Pierce.


Tumango ako. "Uh, Pierce!" Tawag ko kay Pierce. Tumingin naman sya saakin. "Mga..
pinsan ko, sila Gwen, Trisha at Lyka."

Nakaawang lang ang labi ni Pierce noong una dahil kausap nya pa rin si Sam,
pagkatapos ay ngumiti ng bahagya sa kanila.

Nakagat ni Trisha ang labi nya at tumango-tango na lang.

"Si Pierce, boyfriend ko." Ngiti ko na lang.

"Hi po.." Bati ni Lyka kay Pierce. Ngumiti naman ng nahihiya sila Gwen.

Ngumisi lang si Pierce sa kanila at tumango. Kinausap na ulit ni Pierce si Samuel.


Naka-kwentuhan ko naman sila Trisha tungkol sa mga kung ano-ano habang hinihintay
sila mama.

Maya-maya lang ay dumating na sila lola kasama si tita Trina at ang asawa niya,
galing yata sila sa kitchen.

Ako ang nasa hot-seat. Syempre, ako kasi ang may dalang boyfriend at syempre..
nagagwapuhan kasi sila kay Pierce.

"Hindi ka ba hahanapin sainyo nyan, Pierce?" Tanong ni mama.


Hindi ako mapakali dahil titig na titig sila Trisha kay Pierce at mga nag-aabang ng
sagot. Wala naman akong dapat na ika-kaba diba?

Umayos ng upo si Pierce at pinatong ang kamay nya sa lamesa. "Hindi po, nagpaalam
po ako."

Tumango-tango si mama. "Sa New Year, saan nyo balak nyan?" Tanong ni mama at inayos
ang tablet nya dahil makikipag-skype si papa maya-maya. Kinakabahan ako!

Nakagat ni Pierce ang labi nya. "H-hindi ko po alam.."

Natawa ako. Sinabi kasi saakin ni Pierce na dito rin daw nya gusto mag-New Year.
Aba, aba! Nangisi ako.

"Ma, sinabi nya sakin, sasama raw sya satin sa New Year!" Tawa ko sa pagbubuko kay
Pierce.

Unawang ang labi ni Pierce na mukhang hindi inaasahan na ila-laglag ko sya. Namula
sya at tumawa na mahina. "H-huh?" Kumamot sya sa ulo nya.

Natawa si mama. "Ayos lang naman iyon pero baka magtampo na ang mga magulang mo
saiyo nyan?"
Nagliwanag ang mukha ni Pierce. "Hindi po! Papayagan po ako nyan." Excited na sabi
nya.

Napailing ako.

"Kayo ba? Saan ba nagcecelebrate ang family nyo?" Tanong ni mama.

"Sa bahay po ng lolo ko," Magalang na sabi ni Pierce.

Tumango-tango si mama. "Bakit hindi mo na lang isama si Princess sayo, para hindi
naman unfair sa mga magulang mo?"

"Ma!" Gulat na sabi ko.

"Papayag po kayo?" Tanong ni Pierce.

Tumango-tango si mama. "Hindi rin naman kasi namin masyadong sine-celebrate ang New
Year. Nagpupunta lang kami sa bahay ng lola ni Princess doon at kainan lang."

"H-hindi na ano.." Sabi ko. Ayoko. Nahihiya ako. Ayokong makaharap ang mga kamag-
anak ni Pierce! Siguradong nandoon ang buong angkan nila.

"Ano ka ba, Princess? Para namang hindi ka pa nakapunta sa bahay nila Pierce!"
Kumunot ang noo ni mama.

"Talaga nagda-dalaga na itong si Princess, ah?" Tawa ni tito Rudolf.

Ngumuso lang ako sa kanya at natatawang umiling.

"Hah!" Nakitawa sila Trisha.

"Welcome na welcome po si Princess saamin." Bwisit talaga tong si Pierce. Ugg!

Tumawa si mama. "Sige, sainyo na si Princess sa new year."

"Kung gusto nyo po, tita, pwede rin po kayo kayong sumama." Ani Pierce.

"Ha? Hay nako, hindi na ano!" Humalakhak si mama. "Basta ba ibabalik mo rin si
Princess." Tawa pa ni mama.

Nakitawa si Pierce sa kanila. Aba ang loko, marunong nang makitawa ah?

"Mga baliw.." Bulong ko na lang. Kinabahan na rin ako.


Maya-maya ay nakipag-skype na nga si papa. Hindi naman sya masyadong nagulat dahil
sinasabi na ni mama sa kanya ang tungkol sa pagbo-boyfriend ko, kinuwento na rin ni
mama sa kanya si Pierce.

Nakipagkwentuhan Lamang sila mama at sila tito kay papa. Medyo hindi na ganoong ka-
kaba si Pierce. Siguro ay naibsan na dahil tanggap naman sya ni mama at mukha
namang mabait si papa.

Nakipagtawanan pa sila Trisha habang kakwentuhan sila papa. Si Pierce ay paminsan-


minsang magsasalita kapag sya na ang kinakausap.

Maya-maya, nang matapos ang kainan ay lumabas sila Trisha para tumambay sa labas.
Si mama ay ka-skype pa rin si papa, kasama sila tito Rudolf. Si Samuel ay natulog
na. Inaya ko naman si Pierce sa sala.

Magkatabi kami sa sofa habang nakatingin sa Christmas tree. Nakasandal lang ako sa
dibdib nya. Ang sarap sa pakiramdam.

Hinawakan ni Pierce ang kamay ko at pinagsalikop nya iyon. Medyo tahimik dahil wala
na ang tawanan nila tito, at wala na rin ang bungisngisan nila Trisha.

"Bakit hindi mo suot?" Tanong ni Pierce at hinalikan ang likod ng kamay ko.

Naalala ko yung singsing! "Ah, nasa kwarto ko! Sandali, kukunin ko.."
Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko. Hinagilap ko iyon sa lalagyan ko ng accessories
at nang makita ay handa na sanang balikan si Pierce ngunit nakita ko syang naka-upo
sa dulo ng kama ko, medyo nakabuka ang hita nya at nakapatong doon ang dalawang
siko nya. Ang baba nya ay nakalagay sa pinagsamang nakasaradong kamao habang
pinapanuod ako.

Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko napansin na sumunod pala sya! Tumingin ako sa
pinto ngunit nakita ko iyong nakabukas naman.

Suminghap ako at tumabi kay Pierce sa kama.

Umayos sya ng upo at itinukod ang kamay sa mattress ng kama ko.

"Thank you nga pala dito, ang ganda.." Sabi ko at pinakita sa kanya ang mga daliri
ko, kung saan doon nakalagay ang singsing.

Naramdaman kong nawala ang paglubog ng kutson, nawala na doon ang kamay ni Pierce
at gumapang ang mga iyon papunta sa bewang ko.

Napasinghap ako ng mahina at lumakas ang tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang
pagtaas ng mga balahibo ko.

Oh my god, Pierce.

"Mas maganda ka po.." Mahinang sabi nya at naramdaman ko ang mainit nyang hininga
sa leeg ko.
Napalunok ako. Nawala na ang kamay nya sa bewang ko at napunta ulit iyon sa likod
ko, sa kutson ng kama. Kunwari ay tinititigan ko ang kamay ko, kasi naman ay
pinapanuod nya ang mukha ko!

"N-nako nga.." Kabado akong tumawa.

Narinig ko rin ang pagtawa nya. "Ayaw pang maniwala,"

Gusto ng malaglag ng panga ko kung hindi lang ako kinakabahan. Ang landi nya! Ang
landi-landi nya. Hindi ko malaman ang gagawin ko!

"Ikaw kase," Anong sasabihin ko? Ano? Ano! "Talagang PJ&PJ ang nakalagay ah? Ikaw
ah?"

Princess, ugg!

"Dapat nga, PJ heart PJ yan. Sabi ni Klark, hindi mo daw tatanggapin. Baka daw
mabaduyan ka.." Aniya at ramdam na ramdam ko ang tungki ng ilong nyang pinapadaan
nya sa balikat ko. Nakasuot ako ng black off shoulder!

"B-bakit naman hindi? Ha? Ma-maganda k-kaya y-yun, a-ano sya?" Hindi ko na alam ang
mga pinagsasasabi ko! Hindi pa ako makahinga!
Kinakabahan ako! Ano bang ginagawa ni Pierce, bakit sya gumaganto? Napatingin ako
sa pinto na nakabukas parin. Baka dumaan si mama! O sila tito, o sila Trisha! Shit!

"I love you," Namamaos ang boses nya at napakahina nun. Binigyan nya ng isang halik
ang balikat ko.

Hindi ko na maramdaman kung humihinga pa ako ng normal, anong ginagawa mo Pierce?


Anong ginagawa mo sakin?!

Tinukod nya ang isa nya pang kamay sa kabilang side ko kaya naman para nya na akong
hahalikan!

"H-hoy.." Napaatras ako, magkaharap na ang mukha namin. Mauubusan na talaga ako ng
hangin!

Nakatitig ang mga mata nya sa labi ko, para syang baliw na baliw sa parte na
tinititigan nya!

"I want to kiss those lips, Princess. I'm dying to kiss you.." Aniya, para syang
bibigay ano mang oras at susunggaban na lamang ako.

Ngunit bago pa ako makapikit ay tinanggal nya na ang pagkakatungkod nya at umayos
na ng upo. Napa-upo rin ako ng maayos.

Doon lamang ako nakahinga. My god! That was so intense! Pero pakiramdam ko ay na
disappoint ako. That was close!
"But not here, you're mom might see us." Natawa sya at tumayo. Kinurot nya ang
ilong ko at hinila ako palabas ng kwarto.

Author's Note:

Hi! Someone made a group page on Facebook for my readers: SexyKisser's Readers.
Join if you want to, I'll keep you guys updated there. Thank you, lovelots!

=================

TKP 50

TKP 50

Ang saya! Nakahiga lamang ako sa kama, wala na si Pierce. Umuwi sya kaninang
2:00 AM. Ayaw pa nga nyang umuwi! Tulog na sila mama kaya naman pinauwi ko na rin
sya.

Hindi pa kami natulog at ka-text ko sya buong magdamag, hanggang sa mag alas
kwatro.

From Pierce:

Matulog ka na. Papayat ka lalo


To Pierce:

Hindi ako payat!

From Pierce:

I want you to gain more weight princess :(

To Pierce:

Sige, magpapakataba ako! Yung tipong balyena! Hahaha!

From Pierce:

I like that. Para ako na lang ang nakatingin sayo :D

Nakatulog ako ng bandang 4:30 na. Nakatulugan ko na naman si Pierce, mabuti ay


hindi sya nagagalit saakin pag tinutulugan ko sya.

Kinusot-kusot ko ang mata ko. Nakita ko si Samuel na nakagayak, manluluhod yata.


Agad akong kumain.

Napatitig ako sa kawalan habang kumakain. Namimiss ko na agad si Pierce. Bumuntong


hininga ako.
Nagtext ako sa kanya.

To Pierce:

I miss you

Tinatamad ako sa bahay. Gusto ko ulit makasama si Pierce pero hindi naman pwede
yon, inangkin ko na nga sya kagabi, hanggang ngayon ba naman? Syempre, family
naman.

Katext at katawagan ko si Pierce buong araw. Hindi naman ako masyadong nainip dahil
nagpupunta ang mga kaibigan ni mama dito, at ang ilang mga ninang ko rin.

Si Loraine ay naka-video call ko at nagbatian lang kami at nagtawanan. Matapos ng


pasko ay wala na naman akong ginawa sa bahay. Tumatawag lamang si Pierce palagi.

Ilang araw na rin! Gusto ko na talaga sya makita eh. Nahihiya naman akong sabihin
iyon kay Pierce dahil alam kong susunduin nya ako o kaya naman ay pupuntahan nya
ako. Ayaw nya lang maunang sabihin yon dahil alam kong nahihiya sya kay mama na
palagi syang naandito. Isa pa ay magkikita naman na kami sa 31.

Ilang araw na lang, hindi ka makatiis, Princess?

December 27 ngayon at halos mabaliw na ako sa kagustuhang makita si Pierce. Bakit


ba miss na miss ko yung lalaki na yon, at pakiramdam ko ay hindi na ulit kami
magkikita?
Napahawak ako sa puso ko at naramdaman kong bumigat iyon. Bigla akong nalungkot sa
hindi malamang kadahilanan.

To Pierce:

Miss na kita :((

Nagpagala-gala ako sa bahay at kumain ng kung ano-ano. Pinag-tripan ko na rin si


Samuel ngunit wala paring text si Pierce.

Pinaglaruan ko ang cellphone ko at hinintay ang text nya. Nang mag vibrate iyon ay
agad ko iyong chineck. Si Pierce nga!

From Pierce:

Sorry late reply. I miss you too :)

Ngumuso ako. Ano kayang ginagawa nya? Inabot sya ng isang oras para makapagreply?

To Pierce:

Anong ginagawa mo?

Matagal muli bago sya nakapagreply. Hmm. Busy nga, huh?


From Pierce:

Nasa bahay kami ni lolo. Tumutulong lang ako maglinis :)

Naglilinis? Si Pierce? Hindi ako naniniwala. Asa namang naglinis yun?

To Pierce:

Ah, okay. Maya na lang busy ka yata eh. 

Humiga ako sa kama ko at tuluyan nang na-bored. Puntahan ko kayo si Loraine?


Humikab ako at naramdaman ang luha sa mata ko. Inaantok na ako. 6:30 PM pa lang.

Matapos ang kalahating oras ay nagreply na sya.

From Pierce:

Di ako busy, wait

Hindi raw busy? Hindi naman sya nagtatagal para lang magreply. Siguro may
importanteng ginagawa lang, hayaan ko na muna at baka na-aabala ko pa.

Hindi na lang muna ako nagreply baka dahil busy nga sya at nahihiya lang sabihin.
Maya-maya ay tumunog ang phone ko. Number ni Klark ang lumabas. Iyon yung nagtext
saakin dati. Ang kambal ni Pierce.

From Klark:

Busy boyfriend mo dito :D

Napanguso ako sa text nya. Ang sabi ni Pierce ay hindi sya busy. Ano kayang
pinagkaka-abalahan nun?

To Klark:

Busy saan? Haha!

Antok na antok na ako pero hindi ko pa rin gustong matulog. Masyado pang maaga.

From Klark:

Sinisinop yung mga nakakahiyang pictures nya sa bahay ni lolo. Ayaw ipakita sayo.
Hahaha!

Napa-iling ako. Nakakahiyang pictures? Bakit naman sya magkakaroon ng nakakahiyang


pictures eh bata pa lang sya ay gwapo na sya?
Tapos ay may kasunod na naman syang text.

From Klark:

I heard, pupunta ka sa new year? ;)

Ah sinabi na siguro ni Pierce. Kinabahan tuloy ako nang maalala.

To Klark:

Ah oo :)

Sa wakas ay nagtext rin si Pierce.

From Pierce:

Im not busy, hey?

Hindi daw! Natawa na lang ako at hinayaan syang mag-ayos sa bahay ng lolo nya.

Maya-maya ng kaunti ay nagtext na naman sya.

From Pierce:
Princess?

Tapos ay nagtext na naman ulit sya. Hilig sa sunod-sunod na text eh.

From Pierce:

Nasa labas ako ng bahay nyo :D

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nawala ang antok kanina. God! Is he serious?
Tumakbo ako papuntang salamin at inayos ang buhok ko.

It's almost 8:00 PM!

Nang makapunta akong sala ay chineck ko kung gising pa si mama, ngunit nakita kong
sarado ang pinto ng kwarto nya.

Nagvibrate na naman ang phone ko. 

From Pierce:

Bilis! Lamig sa labas!

Napasimangot ako. Hindi nga ba nya sinasabi na pupunta sya dito!


Binuksan ko ang gate at nakita si Pierce na nakaknee-length denim shorts at black
deep v-neck tee. May hawak syang paper bags ng McDo takeouts.

 "Anong ginagawa mo dito? 8 na!" Bulong ko sa kanya.

Nagtuloy-tuloy syang pumasok sa loob. "Si tita?"

Kumunot ang noo ko. "Mga tulog na sila eh."

Tumango lamang sya at pumasok na sa loob. 

"Anong dala mong sasakyan?" Tanong ko.

"Nagpahatid ako," Aniya at nilapag ang mga dalang paper bags sa center table.
Pagtapos ay umupo sya sa sofa at tinapik nya ang tabi nya.

"Nasan na ang driver nyo?" Tanong ko.

"Pina-uwi ko na. Magko-commute na lang ako pauwi." Tinaasan nya ako ng kilay.
Tinapik nyang muli ang tabi nya.
Nagutom ako sa amoy kaya naman tumabi ako sa kanya para kumain na rin. Marami syang
dala ngunit tulog na sila mama kaya naman hindi namin iyon naubos.

"Inaantok ako, Pierce.." Sabi ko habang patuloy na kumakain ng fries.

Inakbayan nya ako at tinulak nya ako papunta sa katawan nya. "Sleep then."

Humagikhik ako. "Pano ka?"

Narinig ko lang ang ngisi nya at ginulo nya ang buhok ko habang naka-akbay parin.

Nagharutan lamang kami ni Pierce at hindi na rin ako inantok. Dinaldal ko lang sya
ng dinaldal.

"Pierce, anong itsura ko noong nagustuhan mo ako, noong elem?" Tanong ko,
nakadukdok parin sa dibdib nya. Bango.

Natahimik sya at sinandal nya ang leeg nya sa headrest ng sofa. Napalayo ako sa
pagkakadukdok sa kanya upang tignan sya. Hindi ko makita ang mukha nya, leeg
lamang.

"Ahh, forget about it, Princess.." Aniya, nahimigan ko na ayaw nya talagang pag-
usapan.
Napa-labi ako. Nakakainis naman. Gusto ko pa naman talagang malaman.

"Hindi mo talaga ike-kwento?" Tanong ko.

Tumingin na sya saakin at meron syang natutuwang ngisi sa labi. Umiling sya.
"Nope."

Hinampas ko sya. "Ang daya! Gusto kong malaman!" Patuloy ang hampas ko, gusto kong
malaman!

Natatawa nyang sinalo ang mga hampas ko. "Aray! Ikaw ang madaya, kinalimutan mo
'ko! Aray!" Tumatawa parin sya at hinuli na ang dalawang kamay ko para patigilan
ako sa pangha-hampas.

Ang laki ng kamay nya!

"Elementary lang tayo noon, ano ka ba? Syempre, nalimutan lang. Baka ikaw kasi,
matindi pang-alala mo." Ngumuso ako sa kanya.

"Wala, wala." Ngumisi lang sya. Halatang iniinis nya ako dahil wala akong alam, at
tinutukso nya ako.

Yumakap na lang ako sa kanya at sumandal ulit sa dibdib nya. Hwag ko na nga lang
tanungin, ayaw naman nyang sabihin. Pero pipilitin ko parin sya next time.
Matapos nang mahabang katahimikan ay nagsalita ulit ako.

"Pano mo nalamang mahal mo na ako?" Tanong ko habang pinapakinggan ang mabilis na


tibok ng puso nya. Bigla lang akong na-curious.

Narinig ko ang pagngiti nya. Naramdaman ko ang kamay nyang humaplos sa buhok ko.
"Alam ko lang."

Napangiti ako at tinanggap ang sagot nya. Kontento na ako doon.

"Umuwi ka na." Utos ko.

Doon lamang gumapang ang mga kamay nya papunta sa katawan ko para yakapin ako
pabalik.

"Ayoko pa po eh." Sagot nya.

Humiwalay ako sa yakap kahit na ayoko pa rin. Delikado na sa labas ngayon. Anong
oras na! Dapat ay nasa bahay na sya.

"Hindi pwede, anong oras na eh. Uwi na." Tumayo ako at hinatak sya patayo mula sa
sofa.
Nagpabigat sya at ayaw pang magpahila. Tumatawa sya habang pinapanuod akong
nahihirapan sa paghila sa kanya. Ang bigat at ang laking tao nya kaya!

"Hoy ano ba!" Mahinang sigaw ko at ginamit ang buong lakas ko para mahila sya.

Kaya naman nang bigla syang tumayo ay muntik na akong mabuwal, mabuti na lang ay
sya naman ang humatak saakin at inakbayan nya ako papalabas ng bahay.

"Magpakasal na kaya tayo.." Biglang sabi ni Pierce, mukhang wala pa sya sa sarili
nya.

Nginiwian ko sya habang natatawa. Kung ano-ano naiisip nya! Binuksan ko ang gate
para makalabas kami.

"Kasal huh? Gusto mo nang matali?" Ngisi ko sa kanya. Alam ko namang nagbibiruan
lang kami.

Pinagsalikop nya ang kamay naming dalawa. "Gusto kong matali ka na sakin."

Napailing ako at nag-init ang pisngi ko.

"Saan tayo mag-aaral sa college?" Tanong ni Pierce at pinisil-pisil ang kamay ko.
Kami? Nag-iwas ako ng tingin habang kunwari ay tumitingin ako sa mga bahay-bahay.

Magkakalayo tayo, Pierce. Magiging malayo tayo sa isa't-isa. Malayong-malayo.

Nang hindi ako sumagot ay marahan nya akong hinila papaharap sa kanya.

"Saan tayo mag-aaral?" Tanong nya ulit.

Oh shit. Ang sakit.

"H-hindi ko pa naiisip yan.." Bulong ko na lang at tinignan ang paa ko. Naramdaman
ko ang malamig na ihip ng hangin. Ang lamig.

Tumango sya at nag-isip. "Alright, pag naisip mo na, sabihin mo agad sakin." Mahina
syang natawa. Tinaas nya ang dalawang kamay ko palebel sa kanya habang magkasalikop
iyon. "Ayokong malayo sa'yo.."

Napalunok ako at gusto nang kumawala ng mga luha ko sa mga lintik kong mata.

"Sige na.. baka wala ka pang masakyan." Malumanay na sabi ko sa kanya.


Sumeryoso ang mga mata nya. Naramdaman nya kaya na ayaw kong sumagot? Nasasaktan na
naman ba kita? Pierce..

Tumango sya at naging tahimik na naman ang mukha nya. "Pumasok ka na.." Utos nya.

"O-okay. Text ka na lang pag naka-uwi ka na, huh?" Sabi ko.

Napalunok ako at ngumiti sa kanya. Pumasok na ako ng gate namin at tinanaw sya.
Pinapanuod nya parin at sinisigurado na naka-pasok na ako. Nang makasigurado sya ay
naglakad na sya papalayo.

God, this guy truly loves me. I don't wanna break his heart. Ayoko. Pero paano?

Nang pumasok ako ng bahay ay nakita kong umiiyak si mama na naka-upo sa sofa habang
may kausap sa phone.

"M-ma.." Kinakabahang sabi ko. Wala akong alam kung bakit sya umiiyak.

Napatingin sya saakin. Kitang-kita ko ang namumula nyang mata at ilong na dulot ng
pag-iyak. Bakit sya umiiyak?

Umupo lang ako sa gilid at hinintay na matapos ang tawag.


"S-sige, salamat, Angela." Sabi ni mama. Si tita Angela ay isa sa mga pinaka-
malapit na kaibigan ni papa at ni mama.

"Princess.." Napayakap sakin si mama. "Ang papa mo, na-aksidente.."

Nagulat ako at hindi agad nakapag-react. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.
Ayokong maniwala. At bakit sya ganito kung umiyak? Matindi ba ang aksidente? Gaano
ka-tindi?

Naiyak na ako at ilang segundo pa bago ako nakapag-salita.

"M-ma.." Naramdaman kong tumulo na naman ang panibagong batalyon ng mga luha ko.

"Car accident, Princess.." Humikbi si mama at umupo sa sofa. Nanlulumo ang itsura
nya. "Matindi raw ang natamo ng papa mo.." Lalo syang umiyak.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Kung anong sasabihin. Paano ko mai-ibsan ang
sakit na nararamdaman nya, nasasaktan rin ako sa nalaman..

Umupo ako sa tabi nya at tahimik lang doong nag-iisip. Patuloy ang pagtulo ng mga
luha ko.

"Kailangan na nating pumunta sa Canada.. malubha ang lagay ng papa mo, kailangan
nya tayo doon." Iyak ni mama. "Ang sabi ng tita Angela mo, mas maaga daw tayong
pumunta, mas ayos.. dahil baka daw hindi pa natin maabutan ang papa mo.." Bumigay
na ang boses nga at humikbi.

Paano nasabi ni tita Angela yon? Hindi iyon totoo! Malakas na tao si papa!

Iyak ako ng iyak dahil sa sinabi ni mama. Pakiramdam ko ay hindi na yata mauubos
ang paglabas ng mga tubig doon.

Madaming bumabagabag sa isipin ko. Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko na


malaman ang uunahin ko.

"Aalis tayo sa 30, inaasikaso na ng tita mo ang flight ticket natin.."

Lumakas ang tibok ng puso ko. "S-sa 30 ma? Ngayong december?"

Tumango si mama habang nagpapahid ng luha. "Kung pwede nga raw bukas na, bukas na.
Kaso lang ay masyado tayong mahihirapan.."

Napa-yukyok ako. Nanginginig na ako. Masama ba akong anak kung pati ang boyfriend
ko na si Pierce ay ina-alala ko sa ganitong oras?

Oh god. Paano si Pierce? Paano kami? Wala pa kaming pag-uusap tungkol dito.. at sa
30? God, 28 na bukas!
Hindi ako pwedeng magreklamo o magsalita kay mama. Ayokong palalain ang sitwasyon.
Ayokong sabihin na kung pwede ay sa isang bwan na lang. Anong klaseng anak ako?!
Mas iniisip ko pa si Pierce kaysa sa ama kong naghahabol ng buhay?

Nang magpunta si mama ng kwarto ay naiyak ako lalo habang pinapanuod syang
nanghihina. Alam ko. Alam ko naman na sobra syang nasasaktan kagaya ko.

Nagpunta ako ng kwarto at umiyak. Kamusta na kaya si papa? Sobrang hina na ba nya?
Anong pakiramdam nya na wala pa kami doon?

Mas magiging better siguro sya pag nandoon na kami.

Naiyak ako. Damn! Why is this even happening? Bilang na rin ang araw ko rito sa
Pilipinas. Bilang na ang araw ko kasama si Pierce..

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko at nakita kong may text na doon si Pierce.
Siguro ay naka-uwi na sya.

From Pierce:

Miss na agad kita :(

=================

TKP 51

TKP 51
Iyak ako ng iyak. Tumawag agad ako kay Loraine kahit na anong oras na. Sinabi ko sa
kanya ang lahat, pinakinggang nya ako at inunawa.

"Wait, wait!" Sabi nya sa kalagitnaan ng pagke-kwento ko.

Tumahimik ako at pinakinggan sya.

"Mag-aayos lang ako ng gamit, dyaan ako matutulog okay?" Aniya.

Nagulat ako sa sinabi nya at tumingin sa orasan. 11 na! "May ma-sasakyan ka pa ba?
Delikado na, Loraine. Okay lang ako no."

Pero pinuntahan nya parin ako. Nakatanggap na lamang ako ng text mula sa kanya na
nasa labas na sya ng bahay.

Pagbukas ko palang ng gate ay niyakap na nya agad ako. Mamimiss ko ang isa na to!

"Sira ulo ka! Kahit saakin hindi mo man lang sinabi!" Kinaltukan nya ako.

Humikbi ako at natawa. Ito lang ang kailangan ko ngayon, ang mahigpit na yakap mula
sa isang malapit na tao.
Pumasok kami sa kwarto ko at humiga doon. Walang kahit na ano kaming hawak. Walang
phones, o kahit na anong pagkain. Nakayakap lang kami sa unan at nag-uusap.

"Anong balak mo?" Tanong nya.

"Anong 'anong balak'?" Tanong ko rin.

"Aalis ka nga?"

Nagbuntong hininga ako. "Hindi ka ba nakikinig? Na-aksidente si papa, anong gusto


mong gawin ko? Piliin si Pierce at magstay dito?"

Ngumiwi sya. "Sorry naman."

Natahimik ako.

"Hindi mo ba sasabihin kay Pierce?" Nanlaki ang mga mata nya. "Iiwan mo sya ng
walang alam?!" Gulat na hula nya pa.

Nakagat ko ang labi ko at kinununotan sya ng noo. Anong sinasabi nya? Hindi ko
sasabihin kay Pierce? Bakit ko gagawin yun? Iyon ang pinaka-malaking katangahan na
pwedeng gawin sa sitwasyon namin.
"Baliw, syempre sasabihin!" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.

Nakahinga sya doon ng maluwag. "Akala ko gagaya ka sa ibang mga palabas na bigla na
lang umaalis ay!" Tumawa sya ng tumawa.

Napa-iling ako at natawa. Alam ko namang nagbibiro sya para pagaanin ang loob ko.
Bigla na lang syang yumakap saakin.

"Ma-mimiss kita!" Sininghot nya ang amoy ko. "Amoy McDonalds ka!" Tawa nya pa.

Natawa na lang rin ako at nalungkot. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko na alam
ang dapat na maramdaman.

"Last day na nating magkasama ngayon, Cess.. maiintindihan ko kung sa mga susunod
na araw, iba na ang pagtuunan mo.." Ngumiti sya at nilagay ang ulo nya sa balikat
ko.

Napahikbi ako bigla. Bigla-biglang nagsasalita ng ganun! Mamimiss ko talaga sya.


"May Skype naman? Fb? Chat!"

Patuloy kami sa pagke-kwentuhan at pag-alala ng mga high school moments namin.


Nakakatuwa palang alalahanin.

"Kailan mo sasabihin kay Pierce?" Tanong ni Loraine.


Bumuntong hininga ako. Ayaw kong sabihin pero kahibangan iyon. May sira na lang
siguro sa ulo ang gagawa nun, isa pa ay may dahilan naman ako. Ayaw ko syang
masaktan pero iyon din ang ending, masasaktan ko pa rin sya.

"Bukas." Napalobo ko ang pisngi ko at inisip ang magiging reaksyon ni Pierce.


Magagalit ba sya? Iirapan nya ba ako at mababagot sya saakin?

Tahimik lang si Loraine na pinakinggan ang luha ko. Nakatulog kami nang nagke-
kwentuhan. Hindi ko na rin alam kung anong oras na kaming nakatulog.

"Cess, wake up!" Sigaw ni Loraine.

Dumilat ang isang mata ko. Ang bigat-bigat nun. Pakiramdam ko ay hindi pa ako
nakakatulog ng dalawang oras. Kulang pa ang tulog ko!

"Maya na.." Sabi ko nang makitang 7:30 AM pa lamang.

"Hindi pwede! Mahalaga ang bawat oras mo ngayon no! Hindi mo alam kung ano pa ang
mga kailangan mong gawin, kaya no sleep muna!" Hiyaw nya.

Natawa ako at bumangon. Naramdaman ko ang malaking butas sa puso ko. Today is
December 28.

Ang sakit at ang bigat. Iyon lang ang nararamdaman ko ngayon.


Lumabas kami ni Loraine ng kwarto at nagulat pa si mama nang makita si Loraine.
Nagmano si Loraine kay mama at pinag-almusal nya kami.

Maagang umalis si Loraine. Aniya'y mas kailangan ko daw ibigay ang oras ko kay
Pierce. Dahil mukha daw hindi magugustuhan ni Pierce ang ibabalita ko. Jeez.

"Ma.." Tawag ko kay mama na tulala sa cellphone nya. Siguro ay naghihintay ng


balita tungkol kay papa.

Tumingin sya saakin. Sya ay mukhang wala ring tulog. Naiintindihan ko na, mas
maganda nga talaga kung mas maaga kaming aalis. Hangga't hindi pa namin nakikita si
papa ay hindi pa talaga mapapanatag ang loob mo.

"Ma pwede ko bang.. p-puntahan muna si Pierce?" Tanong ko.

Nagtagal ang titig saakin ni mama at ngumiti sya ng malungkot. "Sorry kung
naapektuhan kayong dalawa.. sana naman ay maintindihan nyo, kung kayo naman talaga,
kayo, diba?" Aniya.

Tumango ako. Ayoko nang maiyak pero naiiyak parin talaga ako. Ngumiti ako kay mama.

"Ako na mag-aasikaso sa iba pang mga bagay. Bibilhin ko na ang mga kailangan nating
gamit, siguro bukas na yung iba. Ubusin mo na ang oras mo kay Pierce, naiintindihan
ko." Malumanay na sabi nya.
Agad kong kinuha ang cellphone ko para magtext kay Pierce.

To Pierce:

Date tayo?

Mabuti ay mabilis lang rin syang nakapagreply. Dahil siguro sa gising na sya kanina
pa.

From Pierce:

When? :)

Nasaktan ako. Namimiss ko na talaga sya. Ilang araw na lang kami dito! At magiging
busy naman kami sa paghahanda bukas kaya naman ngayong araw na lang ako libre.

Balak ko na sabihin ngayong araw. At sana ay hindi sya magalit. Sana lang ay
maintindihan nya ako.

Sinundo ako ni Pierce ng mga bandang 10:00 PM. Binati nya lang si mama at
nakipagkwentuhan sandali bago kami umalis. Inutusan ko sya na magpahatid na lang
papunta dito or magcommute, ayokong ipa-dala sa kanya ang bike nya, at ayoko ring
may driver kami.

Nakastriped white and blue muscle tee, knee length short, at dog tag sya.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan sa kanyang sabihin ang lahat. Dapat bang iyon
agad ang ibungad ko? Ngayon na ba o mamaya na?

Hinawakan ko ang kamay nya at nakaramdam ako ng saya at lungkot. Namimiss ko na sya
kahit hawak ko lang sya.

Nakita ko ang pag-usbong ng ngisi sa labi nya. Nang magkasalikop na ang kamay namin
ay hinigpitan nya ang hawak doon.

Higpitan mo lang, Pierce ah? Hwag kang kakawala.

"Your hand perfectly fits in mine.." Natutuwang sabi nya.

Natawa na lang rin ako sa sinabi nya at napa-iling. Paano ko sisimulan ang usap
kung ganito kasaya ang mga mata nya.

Inakay ko lang sya sa park. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin. Naglakad lang
kami nang magkahawak ang kamay namin, sa bawat gilid ay may mga couples rin.

Umupo ako sa isang swing at kumunot lang ang noo ni Pierce bago umupo rin sa katabi
kong swing. Tinulak ko ang ang sarili ko gamit ang paa, samantalang si Pierce ay
steady lang na nadoon, nakapatong ang dalawang siko sa medyo naka-parteng tuhod at
pinapanuod ako habang nakangisi.
"This is sweet," Sabi nya.

Natawa na naman ako. Anong sweet dito? Baliw na talaga sya. "Saan ka galing kanina,
Pierce?" Tanong ko. Bilis nya kasing pumunta sa bahay namin, parang handa na agad
sya.

"Nag-gala lang kami. Nung nagtext ka, nasa arcade kami nila Yvo, birthday ni
Clinton ngayon." Aniya

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi mo sinabi saking kasama mo sila Clinton!"

Tumaas ang kilay nya. "Ano naman?"

Ngumiwi ako. "Sabihin nun, ina-agawan ko sila sa oras nila sayo."

Kumunot ang noo nya at para syang may nakikitang maganda sa pagtitig saakin. Pwede
bang tigilan nya iyon?

"Alam naman nila na pagdating sayo, tapos na ang usapan. Isang sabi mo lang,
papunta na ako." Aniya. "Papunta sayo."

Nakagat ko ang labi ko at namutla. Tinigilan ko na ang pags-swing at hinayaan na


lang na medyo gumalaw ang inuupuan.
Isang sabi ko lang? Seryoso ka ba dyan, Pierce?

Nagtatawanan kami ni Pierce habang nilibot ang buong park. Isinakay nya ako doon sa
isang bilog na umiikot at tinulak nya iyon para paikutin. Noong takot na ako ay
tumigil na sya sa pag-iikot at pinababa ako.

Medyo mataas iyon kaya naman hinawakan nya ang magkabilang bewang ko para tulungan
akong makababa.

Nagwala ang puso ko nang makatungtong ang paa ko sa lupa at nagtama ang mga mata
namin. Ang gwapo, gwapo ba nitong lalaki na to! Tsk.

"Bili tayong ice cream.." Sabi ko habang hinihingal. Nang tignan ko sya ay naka-
awang rin ang labi nya at naghahabol ng hininga.

Pansin ko rin ang mga kababaihan sa gilid na nagtitinginan saamin habang kinikilig.

"Dirty ice cream?" Tanong ni Pierce.

"Yup!" Inakay ko sya papunta doon.

"Kain na lang tayo sa labas? O sa bahay na lang namin." Aniya.


Ngumiwi ako. "Gusto ko ng ice cream.."

Umiling sya. "Madumi yon. Dirty ice cream nga eh,"

Hinampas ko sya sa braso. "Hindi naman ganon talaga yon!"

Inakbayan nya ulit ako. Ang tangkad nya talaga. "Sa bahay na lang namin tayo.."

"Hwag na." Sabi ko at naisip na hindi ko na pala makikita ang mga magulang nya
dahil hindi ako tuloy sa kanila sa New Year.

"Wala naman sila mommy sa bahay.." Aniya. "Let's go, cook for me?"

Bandang huli ay napapayag rin ako ni Pierce. Naglakad kami papuntang sakayan ng
jeep. Hindi kami kasya sa Tricycle at wala namang dumadaan na taxi. Tawang-tawa ako
noong umakyat si Pierce sa jeep, muntik na syang mauntog dahil ang tangkad nya!

Nang maayos na ang upo namin ay umandar na ang jeep. May nag-abot ng pera kay
Pierce na lalaking nasa-mid 30s, ngunit tinignan lamang iyon ni Pierce. Pinagtaasan
nya iyon ng kilay.

Agad kong kinuha ang pera sa lalaki at inabot iyon sa driver. Hinampas ko si
Pierce. "Hindi ka pa ba nasasakay sa jeep?!" Gulat na bulong ko.
Inilagay nya ang braso nya sa likod ng inuupuan ko. "Ngayon pa lang."

Napa-iling ako. "Yung nag-aabot sayo ng pera, pinapaabot nya yung bayad nila
papunta sa driver." Turo ko sa kanya.

Napatango na lamang sya at pinagtawanan ko sya. Napangisi sya ag napa-iling at


kinurot ng mahina ang balikat ko.

Huminto kami ni Pierce sa babaan at naglakad papunta sa bahay nila. Bumukas ang
malaki at mataas na itim na gate nila at pumasok kami.

"Nandito si Maxine at si Kret." Sabi ni Pierce habang papasok kami sa bahay.

Napatango na lang ako at kinabahan. Si Kret ay nakita ko na, ngunit yung Maxine na
pinsan nya ay hindi pa gaano, sa picture pa lang.

"Close mo yon?" Tanong ko.

Umiling sya. "Hindi, si Klark at Kret ang close nun. Wala kasing kapatid kaya
laging nasa amin."

Tumango na lang ako at nakita ko si Kret na naka-upo sa lapag at naglalaro ng


barbie at ang malaki nyang dollhouse. Napatingin agad sya saamin at niyakap nya ako
nang makita.
"Hello ate Princess!!" Humagikhik sya at nagsquat ako para pantayan sya. Hinalikan
nya ako sa pisngi. Nag-apir kaming dalawa at kinurot ko sya sa pisngi.

Natawa si Pierce na nasa tabi namin at dumiretso sa kitchen nila.

"Hi," Narinig kong boses mula sa isang babae sa likod ko.

Nilingon ko sya at nakita ang pinsan ni Pierce, si Maxine na halos kasingtangkad ko


na rin. Una kong napansin ang buhok nya na itim ang itaas at kulay asul na hulas
ang ibaba, wavy iyon at parang ang sarap hawakan. Maliit ang mukha nya at makinis.
Icy blue eyes, pointed nose, at perfectly proportioned lips.

Ang akala ko noong una ay mukha syang Pilipino pero hindi pala. Although, may
tingin rin syang dugo ng Pilipino, mas malakas ang dugo ng ibang lahi sa kanya.

"Maxine Carley Francisco." Pagpapakilala nya at itinaas ang kamay. Ang puti nya!
She's almost perfect, she's flawless!

"Princess Jade," Pagpapakilala ko sa sarili ko at inabot rin ang kamay ko.

Dumating si Pierce at inakbayan ako. "Ipagluto mo ko," Aniya.


Namula ako nang makita ang amazed at amused na mukha ni Maxine. "Woah.." Bulong
nya.

Tumaas ang kilay ni Pierce kay Maxine.

Ngumisi si Maxine na para bang nanunukso sya kay Pierce. "Nice meeting you,
Princess."

"You should stop calling everyone with their names, you brat." Sabi ni Pierce at
umirap kay Maxine.

"Hindi uso ang ate at kuya!" Irap rin nya kay Pierce at sinuntok ito sa tyan.

"Ouch!" Napabalikwas si Pierce at ngumiwi. Nagmura sya ng sunod-sunod. "Sht! Sht!"

Tumawa si Maxine at kumaway. "Gotta go, Princess. Bye Kret!" Lumabas sya ng bahay. 

"Saan pupuna yon?" Tanong ko kay Pierce na hinihimas ang tyan.

"Ewan ko don," Iritado paring sabi nya. Natawa na lang ako. Pinapatulan nya yung
bata!

"Ilang taon na ba si Maxine?" Tanong ko habang naglalakad papuntang kusina.


Nakasunod naman sya saakin.

"She's 4 years younger."

Napatango ako at napa-isip. "Ahh.." Umikot ang mata ko sa kusina. "Anong gusto mong
kainin?"

Humalumbaba sya sa kitchen bar habang nakatitig saakin. "Anything that you can
cook,"

Napatango ako at namutla. Ano bang kaya kong lutuin? Wala. Ngumuso ako kay Pierce.
"Hindi ako marunong magluto, Pierce.."

Napakurap sya. Para bang may tumatakbo sa isipan nya. Umupo sya ng diretso.

"Paano pala pagkinasal na tayo.. Sino magluluto?" Bulong nya na may pagtataka sa
mga mata.

Natawa ako at lalong nag-init ang pisngi ko. "Syempre, matanda na tayo nun at
marunong na ako!"

Hindi ko maiwasang kabahan. Nakita ko syang napakagat labi at mukhang nag-iisip.


Anong iniisip nya?
Umupo ako sa tabi nyang highchair. Sinilip ko ang phone ko kung may nagtext at si
mama lang.

From Mama:

Nasa school nyo ako ngayon.

Napatango na lang ako at nagreply kay mama. Nakita ko si Pierce na nakasilip sa


phone ko kaya agad ko iyong nilayo.

"Katext ko si mama.." Sabi ko sa kanya.

Tumango na lang sya at nilabas ang phone nya. "What do you wanna eat?"

"Kahit ano.."

Tumawag si Pierce at nakahalumbaba naman ako habang nakatingin sa kanya. Paano ko


sisimulang sabihin sa kanya? Bibiglain ko ba sya? Uunti-untiin? Ngayon na ba?
Mamaya na kaya? Mamaya na lang, bago ako umuwi. Ayokong sirain ang meron kami
ngayon.

"Yes, make it large.." Sabi ni Pierce sa kausap. "Yes, three please." Sumulyap sya
saakin ng matagal. Ngumiti ako sa kanya. Kumunot ang noo nya.

"Cute mo." Bulong ko.


Umawang ang labi nya at unti-unting tumaas ang dalawang sulok ng labi nya. "Stop
that, Princess. Hindi ako makapag-concentrate." Aniya. Nanlaki ang mga mata ko. May
kausap pa sya sa kabilang linya! Bumaling sya ulit doon sa kausap habang nakangiti
parin. "No.. no, I wasn't talking to you. Anyway, did you get it?"

Napa-iling ako at hinintay na lang na matapos sila.

"40 minutes?" Halatang iritado ang boses ni Pierce sa kausap. Sumulyap sya sakin.
"Can you wait 40 minutes, Princess?"

Nanlaki ang mata ko sa walang hiyang si Pierce. "Oo naman!"

"Make it 30 minute—" Hindi nya naituloy ang sasabihin dahil kinurot ko sya sa
tagiliran. "Aww!" Hiyaw nya sa pagkaka-kurot ko.

"Isa pa, Pierce.." Bulong ko sa kanya. Ang kulit! Eh sa 40 minutes ang kaya eh.
Pinanlakihan ko sya ng mata. Lumabi sya saakin at hindi na kinulit yung nasa
kabilang linya. 

Matapos ng tawag ay papagalitan ko sana sya ngunit hinatak nya ako papunta sa taas.
Pinasok namin ang kwarto nya at agad syang humiga doon sa kama nya.

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto nya. Nakita ko sa gilid ng kwarto nya ang
isang MacBook, kinuha ko iyon. Wala akong makitang pictures ni Pierce sa phone nya,
siguro ay meron sya doon.
"Pierce peram nito!" Sigaw ko kay Pierce.

Umangat ang ulo ni Pierce. Naka-unan ang ulo nya sa dalawang kamay nya. "Ge,"

Dinala ko iyon sa kama. Tumabi ako kay Pierce at binuksan ang MacBook. Nagtuloy-
tuloy iyon sa pagbukas at wala iyong password. Nanlaki ang mga mata ko nang
bumungad saakin ang isang.. porn website.. at ang isang babaeng.. nakapatong sa..

"Oww.." Naibulong ko at nag-init ang pisngi ko. Hindi ko alam ang gagawin! Isasara?
Tatanggalin doon? Hindi ko alam!

"Fuck!" Bulong ni Pierce at agad na napa-upo mula sa pagkaka-higa. Kinuha nya ang
MacBook na nakapatong sa kama at inalis iyon sa website na iyon. "Shit, si Klark
ang gumamit nito! Fuck, I'm so sorry, Princess.." Paliwanag nya at hindi sya
makatingin saakin. Nakatagilid parin sya at kung ano-ano ang ginagawa doon sa hawak
habang mura ng mura.

Napalunok ako. This is awkward. Tapos ay paliwanag pa sya ng paliwanag. Naisip ko


tuloy kung nagsasabi sya ng totoo. Was it really Klark? Or.. him? Lalo akong
namula.

"Shit.." Bulong nya ulit at napahawak sya sa bibig nya at nilamutak iyon.

Malakas ang tibok ng puso ko. Tahimik lang akong naka-upo at naka-yuko. Please,
Kret! Pumasok ka ngayon na! Or iyong delivery boy! Sana ay dumating na! Please,
please..
Maya-maya ay sinara na ni Pierce ang MacBook nya at pinatong iyon sa bedside table
nya. Lalo akong kinabahan dahil wala na syang ginagawa. Oh Jesus.

"P-princess.." Nanlamig ako nang tawagin nya ako. Hinawakan nya ang braso ko at
nagtaasan ang balahibo ko. For God's sake! Naalala ko iyong nakita kong scene!

It's not that hindi pa ako nakaka-panuod o nakakita. Ang huli ay noong napagtripan
namin iyon noon ni Loraine noong third year pa, at damn! Kasama ko si Pierce at
kami lang ngayon! Sobrang awkward!

"Hmm..?" Bulong ko.

"S-sorry kung nakita mo pa yun.. Si Klark talaga yon, nanghiram kahapon. The jerk
didn't even close that site.." Paliwanag nya.

Lumunok ako at huminga ng malalim.

"Okay lang, Pierce.." Sabi ko. Pero hindi eh. Awkward talaga. Iyon lang.

"Si Klark talaga yon.." Ulit nya pa.

Nakagat ko ang labi ko. Hindi parin kami magkaharap. Para kaming ewan.
"Are you mad?" Tanong nya.

Napapikit ako. Pwede bang hwag na lang namin itong pag-usapan?

"W-wala namang masama kung manuod ng ganun eh.. lalaki ka, so okay lang.." Kabadong
sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman syang umusog. Niyakap nya ako mula sa
gilid.

"I swear I didn't, Princess.." Nagsusumamo ang boses nya.

Lalo akong hindi makahinga kahit na hindi naman sobrang sikip ng yakap nya.

"I swear it's okay, Pierce." Nilingon ko sya at ngumiti.

Bumitaw sya sa pagkakayakap. "I.. I can't look at other girls, right?"

Namula akong muli. Talagang pinag-uusapan namin to, ah? Sht!


"You can. Lalaki ka naman eh. You have.." Lumunok ako. "needs.."

Napapikit ako ng mariin. Hindi sya nagsalita. Ramadam ko lang ang titig nya sa
gilid.

Tumayo ako. "Manuod muna tayo habang naghihintay. Tagal naman nun. Gutom na ako."
Tumawa ako at binuksan ang TV. Bumalik ako sa kama habang hawak ang remote.

Pinaglaruan ko lang ang remote habang kinakabahan. Naka-indian sit ako sa kama, sya
naman ay nasa likod ko. Malamig na malamig ang temperatura sa loob ng kwarto nya
kaysa sa labas nila naka-centralized air-conditioner. Madilim sa loob ng kwarto nya
at tanging dim lights lang ang meron. Ramdaman na ramdam ko ang masarap at malambot
na tela ng kama nya sa binti ko.

"But I don't want looking at them though," Umusog sya ng upo papalapit saakin.

Nanatili ang titig ko sa TV na hindi ko naman alam ang palabas. Masyado akong
kinakabahan para alamin!

"I just want.." Pinagsisihan ko na nagsuot ako ng sleeveless nang maramdaman ang
labi ni Pierce sa braso ko, paakyat ang maliliit nyang halik sa balikat ko. "you..
Only you, Princess.." Namamaos ang boses nya at para iyong inaantok.

Ohhh.. God..

"Ha ha.." Nasabi ko lang at huminga ng malalim.


Hinawakan nya ang ang panga ko, marahan nyang hinawi ang mukha ko paharap sa kanya.
Tumama ang tingin ko sa mga labi nya! Ang labi nyang namamasa-masa at namumula!
God!

"I miss those.." Aniya habang nakatingin sa labi ko.

Pinatong nya ang dalawang kamay nya sa magkabilang gilid ko, sa kama nya. Malapit
na malapit na ang mukha nya sa mukha ko at ang sakit na ng puso ko dahil sobrang
lakas nun sa pagtibok.

"Pierce.."

Tumaas ang tingin nya sa mga mata ko. "Just let me taste those lips, can I?" Pa-
alam nya.

Marahan na lamang akong tumango. Nang magdikit ang mga labi namin ay tumupi ang mga
daliri ko sa paa.

Bumuka ang labi ko at hinayaan ang dila nya sa loob ng bibig ko. Napapikit ko at
ninamnam ang tamis ng labi nya. Ang.. ang sarap nyang humalik. Ang sarap ng manipis
na labi nya. Ang sarap nun halikan.

"Pierce.. yung pinto. S-si Kret.." Sht! Baka makita kami ni Kret sa ganitong
posisyon!
Patuloy ang paghalik saakin ni Pierce. Nakahiga na ako, magkahiwalay ang mga binti
ko dahil nasa gitna nun si Pierce. Ang suporta lang ni Pierce bago nya ako
madaganan ay ang kamay nya sa dalawang gilid ko.

"Naka-lock," Aniya sa gitna ng halik.

Suminghap ako nang maramdaman ang halik nya sa panga ko. Ang akala ko ay hahalikan
nya na ako sa leeg ngunit bumalik ang labi nya sa labi ko. Ramdam ko ang kamay
nyang pagala-gala sa bewang ko. Napunta rin iyon sa tyan ko, paikot-ikot nya iyong
hinahaplos.

Init na init na ako kahit na naka-todo naman ang air-con nya!

Tumaas ang kamay nya papunta sa tadyang ko. Ramdam ko na malapit na sya sa dibdib
ko! Napapikit ako sa init ng haplos nya.

"P-pierce.."

Napunta ulit ang labi nya sa panga ko, at tumuloy iyon sa leeg ko. Halos umungol
ako nang halikan nya ang sensitibong parte ng leeg ko. Fck it, Pierce! Napahawak
ako sa buhok nya at nasabunutan sya habang patuloy nyang hinahalikan at sinisipsip
ang leeg ko.

Hinalikan nya ang collarbone  ko. "I love you.." Bulong nya. Ang boses nya ay
nahihirapan.
Hindi ko nagawang sumagot.

Naramdaman ko na naman ang kamay nya pai-taas. Bumababa iyon ngunit hindi iyon
lumalayo sa dibdib ko.

"Pwede ko bang hawakan?" Bulong nya.

Hindi ko na talaga mapigilan ang puso ko sa pagwawala. Pierce naman! Kailangan


talagang magpaalam?

"B-bahala ka.." Kabadong sabi ko.

Shit!

Naramdaman ko ang kamay nyang gumala ulit sa tyan ko. Tumaas iyon muli sa tadyang
ko at nagtagal doon. Naramdaman ko ang kamay nya sa ilalim ng dibdib ko, napa-ungol
ako ginawa nya at napamura sya. Maya-maya ay tumaas na ang kamay nya sa dibdib ko.
Halos hindi ko maramdaman ang kamay nya sa dibdib ko dahil napaka-light ng
pagkakahawak nya. Oh crap. This is his very first time!

"P-pierce.." Bulong ko nang maramdaman ang palad nyang pumisil ng kaunti sa tuktok
ng dibdib ko.

Patuloy parin ang halik nya. Napunta ulit iyon sa leeg ko, naramdaman kong
sinisipsip nya iyon! Ang kamay nya ay naglalaro na sa dibdib ko. Bumaon ang ulo ko
sa kama at ganun rin ang mga kamay at paa ko.

Pumasok ang kamay nya sa suot kong pang-itaas. Kinilabutan ako nang maramdaman ang
kamay nya sa balat ko sa tyan. Doon palang ang hawak nya ngunit tumataas na ang
likod ko.

Napunta ang kamay nya sa likod ko. Kusang umangat ang katawan ko para hayaan ang
kamay nya doon. Paitaas ng paitaas hanggang sa makapa nya ang likod ng bra ko.

Naramdaman kong kinakapa nya iyon, at alam kong hinahanap na nya ang hook ng bra
ko. Napangiti ako nang hindi nya iyon mahanap. Ang totoo ay ang hinahanap nyang
hook ay nasa harapan. Nasa harapan ang hook ng bra ko. Jeez! Hindi ko napigilang
tumawa.

"What the.." Bulong nya matapos ang ilang minuto ng paghahanap.

Napahagikhik na ako. Kanina ko pa sya hinihintay na mabagot.

"Nasa harapan ang hook, Pierce.." Tumawa ako.

"W-what?" Namula sya. "Diba nasa likod yon?"

Natawa ako lalo. Hindi ko na mapigilan. "Napaghahalataan kang nanunuod eh! Lahat ba
ng napanuod mo, masa likuran ang hook?" Tumawa ulit ako nang makita ang namumula
nyang mukha.
Kasunod nun ay may nagdoorbell na. Napamura sya at mukhang nawalan ng pag-asa.
Tinatamad syang lumayo saakin upang kuhanin ang wallet nya. Binigay nya iyon
saakin. Natatawa ko syang pinapanuod habang may hawak syang unan na naka-takip sa
shorts nya.

"M-mag C-CR lang ako.." Nakagat nya ang labi nya at hindi makatingin saakin ng
diretso bago tumalikod at dumiretso sa CR ng kwarto nya.

=================

TKP 52

TKP 52 

Ako ang may dala ng wallet ni Pierce at bumaba ng hagdan para pagbuksan ang
nagdeliver. Ngumiti saakin ang delivery boy at pinapasok ko sya dahil madaming
dala. Nagbayad ako sa kanya at nagpasalamat bago sya umalis.

"Kret!" Tawag ko sa kapatid ni Pierce na naglalaro ng doll nya. "Lika, kain muna
tayo.."

Masayang pumanhik saakin si Kret at naghatak ng upuan para tabihan ako sa table.
"Where's kuya Pierce, ate Princess?" Tanong nya.

"Nasa itaas pa." Sagot ko lang.


Ngumuso sya at kumuha ng isang slice ng pizza. "What is he doing?" Tanong nya
habang kumakagat.

Nginitian ko lang sya at sinuklay ang maganda at malambot nyang buhok. Siguradong
maganda rin sya paglaki kagaya nung Maxine.

"May ginagawa lang." Sabi ko na lamang at nginitian ulit ang cute na si Kret.
Tumingin ako sa hagdan. "Maya-maya lang baba na rin yon.

Habang nagke-kwento saakin si Kret tungkol sa aso nya ay bumaba si Pierce ng


hagdan. Nagpalit na sya ng puting shirt, medyo namamasa-masa pa ang buhok nya.

Nang makalapit sya ay hinalikan nya ako sa tuktok ng ulo ko bago tumabi saakin.
Kumuha sya ng malaking slice ng pizza at kumain. Para syang gutom na gutom.

"Hindi ba kayo nagbreakfast?" Tanong ko kay Pierce.

Tumingin sya saakin. "Why?"

"Mukha kang gutom na gutom!" Tawa ko.

Ngumisi lang sya at hinawi ang buhok nya. "Ewan ko, nagutom ako bigla.."
Matapos nya sa ilang slice ng pizza ay kumain naman sya ng burger at carbonara!
Lakas pala nyang kumain?

"Cute mo! Kain ka lang ng marami! Mas cute ang walang abs!" Sabi ko at tumawa.
Tinapat ko ang malaking fries sa bibig nya.

Natigilan sya sa sinabi ko. Para bang may mali doon. Bago sya magsalita ay sinubo
nya ang tinapat ko sa bibigay "You don't like abs?"

Natawa ako at napa-iling. Magandang may abs, pero hindi ko naman iyon talaga hanap.
Ayos na ang katawan nya.. pero tingin ko naman ay may abs sya? Pero bakit naman
magkakaroon? Hindi naman yata sya nagwo-work out.

"You're kidding me." Kinunutan nya ako ng noo.

Tinawanan ko sya. "Para namang may abs ka!" Tukso ko pa sa kanya.

Nakagat nya ang labi nya habang nakatitig saakin. Sinubuan ko ulit sya ng fries
habang tinititigan nya pa ako.

"Ano ba sa tingin mo?" Tanong nya.

Muntik na akong mabilaukan dahil ang seryoso lang kasi ng boses nya. "Wala!"
Tumagilid ang ulo nya habang tinitignan ako. "Gusto mo bang makita?"

Nanlaki ang mga mata ko pero hindi nya ako nakikita dahil kumukuha ako ng fries.
Seryoso ang tanong nya, so seryosong meron syang abs? Nakita ko na ang tyan ni
Kharl noon pero flat lang iyon at wala namang abs.

Nakagat ko ang labi ko at pinigilan kong ngumisi. Ugg. Umiling-iling ako, kahit na
ang gusto ay tumango-tango.

"Okay.." Aniya at kumain ulit ng fries.

Okay? Okay lang? Hindi nya ba ako pipilitin? Hindi nya ba ipagmamalaki ang abs nya?
Tss. Baka wala naman talaga.

Matapos namin kumain ay nagligpit na si Pierce. Natatawa akong nanuod. Ang cute-
cute naman nito. Akala mo, walang alam sa gawaing bahay pero meron din pala.

"Sa kwarto ko tayo.." Pag-aaya nya matapos magligpit.

Naramdaman kong namula ang pisngi ko. Naalala ko ang nangyari kanina. Kung alam nya
bang nasa harapan ang hook ng bra ko ay may mangyayari saamin? Titigil kaya sya o
magtutuloy-tuloy? Kung wala bang nagdoorbell ay mai-susuko ko na ba sa kanya?
Nakita ko ang pagpula ng mukha ni Pierce habang nakatingin saakin. Hinawakan na
naman nya ang maganda nyang kilay. "M-manunuod lang tayo.."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko napansin na nag-iisip na pala ako ng kung ano-ano
at napansin nya iyon. Siguradong iniisip nyang madumi ang iniisip ko!

Hindi sya makatingin saakin. "Manunuod lang talaga.. promise.."

Promise? Nagsalita ba sya ng 'promise'?! Pfft— what the hell, Pierce.

"Anong papanuorin natin?" Tanong ko sa kanya.

Lalo syang namula. Napahawak sya sa labi nya at pinaglaruan nya ang ibaba nun
habang mukhang tensyonado. "M-movie? Your choice."

Nakita ko ang sunod-sunod na paglunok nya. Kinuha nya yung baso sa gilid ko na
ininuman ko kanina, nilagok nya ang natitirang laman nun. Bumulong pa sya ng mura.

"Ah.." Tumango na lamang ako.

Nag-microwave muna sya ng popcorns at kumuha ng mga drinks.

"Where do you wanna watch? Sa theatre room?" Tapos ay nag-iwas sya ng tingin. "O sa
kwarto ko?"

Napatingin ako kay Kret na pagala-gala lamang sa buong bahay.

"Kahit saan.. saan ba?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

Kumunot ang kilay ko dahil nag-iwas na naman sya ng tingin habang namumula. Hawak
hawak nya ang bowl ng popcorn at ibang snacks, ako naman ang may hawak ng drinks.

"Mas komportable sa kwarto ko.." Aniya, hindi parin tumitingin sa akin. Sa hagdan
lang sya nakatingin.

Tumango ako. Baka naka-upo lang kami sa theatre room nila, gusto kong matulog.
Nakaramdam ako bigla ng antok, baka tulugan ko na lang si Pierce habang nanunuod
kami kung papayag sya.

Si Pierce ang nagset ng papanuoran namin habang pinagdidiskitahan ko na ang popcorn


sa tabi ko at naka-indian sit.

Nakapatay ang ilaw ng kwarto at tanging ang malaking TV lang ang nagbibigay ng
malakas na ilaw sa kwarto, dark pa naman ang walls nya at nakababa pati ang
makakapal na kurtina nya. Nilingon nya ako.

"What do you wanna watch?" Tanong nya.


"Kahit ano lang," Sabi ko. Hindi naman kasi ako mahilig manuod eh. Siguro ay mas
gusto ko pang magbasa.

Bumalik sya sa kama at tinabihan ako. Hindi ko alam ang una naming pinanuod.
Sumandal kaming pareho sa headboard ng kama nya at nagkumot sa paa.

Naramdaman kong bumibigay na ang talukap ng mga mata ko. Gusto ko nang matulog..
pero baka magalit si Pierce.

"You wanna sleep?" Tanong nya, nakatingin sya saakin.

Tinanggal ko ang tingin sa TV na may naglalakad na dalawang babae.

Pinikit ko ng mariin ang mata ko at tumango. "Inaantok ako.." Ngumuso ako. "Okay
lang?"

Tumawa sya. "Silly, of course it's okay."

Humiga sya sa kama at inilahad ang braso nya. Dineretso ko na rin ang katawan ko at
tumabi sa kanya. Pinatong ko ang ulo ko sa braso nya.

"Baka mangalay ka nyan.." Inaantok na sabi ko.


Sinuklay nya ang buhok ko at lalo akong nakaramdam ng antok. "Just sleep, I'll be
waiting.."

Nakangiti ako at dinukdok ko ang mukha ko sa dibdib nya. Biglang nawala ang antok
ko at nag isip ng kung ano-ano. Hangga't hindi ko pa nasasabi ay namo-mroblema ako
kung paano sisimulan.

"Pierce, di mo ba naiisip na masyado pa tayong bata?" Biglang sabi ko. Humigpit


lalo ang yakap ko, hindi ko na gustong lumayo sa kanya.

"Para saan?" Tanong nya.

Bumuntong hininga ako. "Dito.."

Hindi agad sya nakasagot. "I'm not.." Hindi nya parin matuloy ang sinasabi. "Hindi
naman kita pipilitin, I respect you.." Maamong sabi nya.

Kumunot ang noo ko sa sinasabi nya. Anong sinasabi nya?

"Huh?" Tanong ko.

"I-I can wait till we get married. I respect you.." Aniya na pabulong lamang. Oh my
god! Iniisip nyang sex ang sinasabi ko!
"Sira ulo!" Nabatukan ko sya ng hindi sinasadya. Ugg! Nahihiya ako! Bakit iniisip
nya yon?!

"What?" Kunot noong tanong nya.

"Puro iyan ang iniisip mo! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Bulyaw ko sa kanya.
Nag-iinit parin ang pisngi ko.

"W-what? Ano bang ibig mong sabihin?" Tanong nya.

Lalo akong namula at para bang nalimutan ko na ang dapat kong sabihin. Muli kong
ni-compose ang sarili. Nasan nga ulit ako? Tsk, ang pervert ni Pierce! Hindi ko
aakalaing malikot pala ang imagination nya. Napaisip tuloy ako kung ano pang iba
nyang iniisip? Nag-iisip kaya sya ng mga..

Nag-init na naman ang pisngi ko.

Hindi ko ito tinatanong dahil gusto ko ulit tumigil kami. Gusto ko itong itanong
dahil gusto kong marinig ang pananaw nya para sa aming dalawa.

"Masyado pa kako tayong bata sa relasyon natin.. hindi mo ba naiisip yun?" Tanong
ko. Binalik ko ang mukha ko sa dibdib nya.

Enjoyin na lang diba, at marami namang mas bata pa saamin sa mga relasyon. Pero ang
ibig kong sabihin sa kanya ay masyado pa kaming bata. Na hwag syang masasaktan, sa
oras na sabihin ko sa kanyang aalis na ako.

"What? I'm turning 17." Mahinang sabi nya. Para bang natatakot sya sa tanong ko.

"Magsi-sixteen palang ako." Sabi ko naman.

"What's the matter?" May takot sa boses nya, lalo nyang nilapit ang katawan ko sa
kanya.

Ramdam ko na nararamdaman nya ang nararamdaman ko. Alam kong alam nyang mag gusto
akong sabihin. Nasasaktan na agad ako. Hindi ko yata kayang makita syang nasasaktan
eh..

"Wala naman.." Sabi ko at may naramdamang luha sa mga mata.

Nakatulog ako nang nakayakap sa kanya. Pakiramdam ko ay safe na safe ako sa bisig
nya. Pakiramdam ko ay wala nang mas sasaya pa kapag kayakap mo ang lalaking gusto
mo nang maka-sama habang-buhay.

Habang buhay, huh? Gusto kong maging postibo pero hindi ito maiiwasan. Napka-dalang
na lang ng mga hindi nagbabago. Change always happens. It's bound to happen.
Pwedeng sa mga susunod na taon, hindi na sya ang mahal ko. Pwedeng sya, may iba na
rin... Fate is crazy.

Ang lamig. Lalo kong niyakap ang isang bagay na nagsisilbing init sa malamig na
kwarto. Maya-maya ay dinilat ko ang mga mata ko at natagpuan ang pares ng mga
matang nakatingin saakin.

"Do you feel cold?" Tanong ni Pierce at umayos ng higa.

Umupo ako mula sa pagkaka-unan sa balikat ni Pierce. Hindi ko alam kung ilang oras
ako nakatulog pero pakiramdam ko ay naka-bawi na akong muli.

"Hihinaan ko sana yung AC, kaso wala sakin yung remote. I didn't want to wake you
up, so.."

Ngumiti na lang ako at lalong hinila ang comforter. Hininaan nya na ang AC. Nakita
kong Warm Bodies na ang palabas sa TV nya.

"Ilang oras akong nakatulog, Pierce?" Tanong ko

"Almost 3 hours, I think." Aniya at tumabi saakin.

"Sorry kung natulog ako.." Sabi ko at nag-inat.

Nakita ko ang pagngisi nya. "I love watching you sleep, aga mo pa ngang nagising."

Natawa ako at napa-iling. 4:30 PM na nang tignan ko ang orasan.


Tinapos namin ni Pierce ang panunuod pero hindi naman talaga kami nanuod. Nagke-
kwentuhan lamang kami. Iyon naman ang gusto kong mangyari, gusto kong ubusin namin
ang oras namin para sa isa't-isa. Nang matapos ay niyaya nya ako sa labas.

Umupo kami ni Pierce sa under deck at doon pinagpatuloy ang pagkain namin. Nakita
ko syang pinulot ang bola ng basketball. Pinanuod ko syang nagshu-shoot ng bola sa
kanilang mini basketball court. Nang maka-shoot sya ay pumalakpak ako.

Ngising-ngisi ako habang papalapit sa kanya. Naks. Ang gwapo naman talaga ng
boyfriend ko. Anong pinakain ko dito?

"Pag naka-shoot ako, dito ka matutulog sa New Year?" Ngiting-ngiting sabi nya,
sigurado ang postura nya na mashu-shoot nya ang bola.

Natigilan ako sa pagngiti. Tinitigan ko lamang ang napaka-inosente nyang mukha.


Tinitigan ko lamang ang napaka-saya nyang mukha. Masakit man, pero papalisin ko ang
ngiting yan mamaya.

Hindi nya na hinintay ang sagot ko at nag three-point shoot na sya. Natawa ako at
napailing.

Kinuha nyang muli ang bola at pinaikutan ako habang nagdi-dribble. Yabang!
Pinapalusot nya pa sa gitna ng binti nya ang bola habang ngumingisi saakin na kunin
ko sa kanya ang hawak. Tawang-tawa sya habang kinukulit ako.

Nang subukan kong kunin ang bola sa kanya ay agad nyang pina-ikot ang bola.
Pinatalbog nya sa likod nya tapos ay bumalik ito sa kanya. Ang dami naman nyang
alam!

"Daya, pano ko naman makukuha sayo yan? Lalaki ka kaya magaling ka dyan!" Ngumuso
ako at iniwas ang tingin sa kanya na titig na titig saakin habang nagdi-dribble.

Tumawa sya at dumiretso ng tayo. Hinawakan na lang nya ang bola ngayon.

"Just ask, Princess. Isang salita mo lang naman, ibibigay ko na." Tinagilid nya ang
ulo nya.

Kumunot ang ilong ko. "Akin na?"

Narinig ko ang mahinang tawa nya. Pinatalbog nya ng isang beses ang bola at pumunta
sa likod ko. Binigay nya ang bola saakin at pinatong nya ang baba nya sa balikat
ko.

"Okay, baby." Nangungulit na nilagay nya ang tungki ng ilong nya sa leeg ko at
kinagat ng marahan ang balat nun.

Nag-init ang pisngi ko at nanlaki ang mga mata ko habang hawak ang bola. Siguradong
hindi nya nakikita ang reaksyon ko, pero ang landi nya. "Amp ka Pierce!!" Sigaw ko.

"Shoot," Binaliwala nya ang sigaw ko habang natatawang pinatong muli ang baba nya
sa balikat ko.
Nakagat ko ang labi ko at shinoot ang bola. Tinitigan ko iyon hanggang sa na-shoot.

"Shooter pala ang Princess ko.." Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi.

Pinanuod ko ang bola na lumagpak at gumulong papalayo. Hindi ako makagalaw sa


kinataayuan ko.

"Ha ha ha.." Tawa ko at nakagat ang itaas na labi. Fck.

Niyakap nya ako. Nakapalibot ang bisig nya sa tyan ko habang inaamoy-amoy ang buhok
ko.

"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, namimiss kita.." Bulong nya.

Napatingin ako sa mga paa ko. Nararamdaman mo rin ba, Pierce?

Humarap ako sa kanya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

Nilagay nya ang dalawang kamay nya sa magkabilang bewang ko habang nakatitig
saakin. Nakita ko ang pagkurba ng labi nya na pa-sad lips.

"Hindi ko alam," Bulong nya. "Nalulungkot ako pag iniisip kong bigla mo na lang ako
iiwan." Inosenteng sabi nya.

Pinigilan ko ang sarili ko na maapektuhan. Kinurot ko ang pisngi nya. "Ikaw talaga!
Mahal na mahal kaya kita, hwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano!"

Ngumiti sya saakin. Ang manipis na labi nya ay masaya na ngayon. "Mahal rin kita,
Princess. Hindi ko nga alam na pwede palang ma-in love ng ganito.. yung.." Lumapit
sya lalo at hinalikan ang noo ko. "Yung tuwing gigising ako, kailangan kong mag-
ayos kasi gusto ko sakin ka lang nakatingin.."

Na-touch ako. Ayaw ko na syang pakawalan. Ayaw ko na syang iwan. Pwede kayang
bitbitin ko sya papuntang Canada?

"Tara nga pasok na tayo.." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

Pumasok kami sa bahay nila at nandoon ulit si Maxine na kumakanta habang hawak ang
mic at nakatingin sa malaking screen.

"I don't wanna go to school,

I just wanna break the rules!

Boys and girls across the world..."


Natigilan sa pagkanta si Maxine at kumaway saamin. Meron syang kinakain na bowl of
fries at soda doon. Katabi nya si Kret na nakikinig sa pagkanta nya.

Inaya ko si Pierce na umupo doon. Tinabihan ko si Kret, si Pierce ay tumabi saakin.


Pinalitan ni Maxine ang kinakanta nya at inalok kami ng songbook na tinanggihan ko.
Kaya naman sya na lang ulit ang kumanta.

"And I'd give up forever to touch you

'cause I know that you feel me somehow,

You're the Closest to heaven that I'll ever be

and I don't wanna go home right now.."

Napangiti ako sa ganda ng boses nya. Ang sarap sa pandinig. Bumaling ako kay Pierce
na naka-akbay saakin at nasa screen ang tingin.

"Kantahan mo ako, Pierce.." Bulong ko.

Ngumuso sya, parang pinipigilan nya ang tawa nya. "Hindi ako marunong, baka ma-turn
off ka sakin."

Napa-halakhak ako. "Hindi, promise."

Kinapilit-pilit ko sya hanggang sa napapayag ko sya. Ugg! Napapayag ko sya!


Pumalakpak pa si Maxine dahil hindi pa raw nya naririnig ang boses ni Pierce na
kumakanta.

"Yes! Buti naman maririnig ko na ang boses mo.. Naumay na ako kay Klark eh." Sabi
ni Maxine ngunit hindi sya pinansin ni Pierce kaya naman tumawa ako sa sinabi nya.

Hinanda ko naman ang phone ko para ma-record ko sya.

Nagsimula nang magplay ang kanta. Nakagat ko ang labi ko nang mapagtantong ang
paborito kong kanta ang kakantahin nya! Wow!

"Baka iwan mo ako pagkatapos nito.." Lumabi sya.

Hindi ko na naman napigilan ang pagtawa ko. Ang baliw nya talaga! Pero seryoso ang
boses nya. Seryoso ba sya talaga?

Nakagat ko ang labi ko nang magsimula na syang kumanta.

"Let me in, to see you in the morning light

to get me on and all along the tears they come.."

Hindi ko kinaya. Hindi pangit ang boses nya pero hindi rin naman maganda.
Nakakakilig ang boses nya. Yung parang in love na in love sya.
Nakita ko ang namumula nyang mukha habang kumakanta. Damn! Ngayon lang sya kumanta,
diba? Kahit na hindi kagandahan ang boses nya ay tuwang-tuwa ako!

"I wish I could be..

every little thing you wanted, 

all the time.." Tumingin sya saakin habang kinakanta ang line na yun.

Hinigpitan ko ang labi ko ngunit hindi ko parin napigilan. Napangiti pa rin ako.
Mahal na mahal ko talaga itong lalaki na to.

Nang matapos ang kanya ay pumalakpak si Maxine. "In all fairness, mas maganda ang
boses mo kay Klark!" Tawang-tawang sabi ni Maxine. 

Natawa na lang din ako. Inakbayan ko si Pierce. "Alam mo yung kanta na yon?" Tanong
ko na lang kahit na halata namang alam nya dahil natapos nya.

Tumango sya. "Nakita ko yun sa most played song sa phone mo.."

Napatango ako. Pati ang mga pinapatugtog ko sa phone ko, tinitignan rin nya?

"Maxine, di ka pa ba uuwi?" Tanong ni Pierce kay Maxine na mukhang naiirita dahil


panay ang kanta ni Maxine.
"Sama nito!" Bulyaw ni Maxine. "Hinihintay ko lang si Klark, magde-date kami!"

Hindi nya pinansin si Maxine. "Sa backyard tayo, ingay ni Maxine.."

Napapa-iling pa ako habang hinihila ako ni Pierce palayo. Nagpaalam na lang ako kay
Maxine at sya naman ay tumawa lamang.

Kung ano-ano ang ginawa namin sa likod ng bahay nila. Ang akala ko pa ay may
swimming pool sila sa likod pero wala. Nalaman ko lang na meron pala silang indoor
swimming pool nang masilip ko iyon mula sa glass wall ng bahay nila. Paulit-ulit
naming sinakyan ni Pierce ang medyo may kahabaang zipline nila sa backyard.
Pagkatapos ay humiga kami sa trampoline na nakadikit sa ground nila at doon
nagkwentuhang muli.

"Nagugutom ka na?" Tanong nya.

Tumingin ako sa orasan at nakitang 7:30 PM na. Doon ko lang narealize na nagugutom
na pala ako.

"Tara, nandyan na si Klark, marunong magluto yun." Sabi nya at tumayo sa


trampoline. Nilahad nya ang kamay nya saakin.

Kinuha ko iyon at sumunod sa kanya.


"Bakit hanggang ngayon wala pa sila mommy mo?" Tanong ko.

"Nasa business trip sila." Sabi nya at pumasok na kami. 

Nakita ko si Maxine doon na tumatawang kinakausap si Klark na nagluluto at may


nakalagay pang apron sa katawan. Napalingon sya saamin at kumindat sya saakin.
Napansin kong bago ang gupit nya, medyo maayos ngayon.

"Tara, kainan na!" Sabi ni Maxine.

Inakay ako ni Pierce at umupo kami ng magkatabi. Sakto namang tapos na magluto si
Klark. Hindi na kami umabot sa dining area at sa kitchen bar na lamang kumain.

"Ano yan?" Tanong ni Klark habang sumusubo gamit ang tinidor nya. Nginunguso nya
ang leeg ko.

"H-ha?" Sinubukan ko iyong tignan ngunit balikat ko lang ang nakikita ko.

"Klark! Hwag mong tignan ang leeg ni Princess!" Sigaw ni Pierce at tinakpan ang
isang parte ng leeg ko.

Kumunot ang noo ko. Lalo namang dumungaw si Klark para tignan ang leeg ko.
"Hindi eh.. may nakikita akong something.." Lalong ngumisi si Klark habang
natatawa.

"Fcker, those are hickies. Don't act innocent, freak." Inis na sabi ni Pierce
habang tinatakpan parin ang leeg ko mula kay Klark.

Namula ako. Oh god! Nalimutan kong hinalikan ako doon ni Pierce at sinipsip nya pa
iyon. Oh jeez. Nakakahiya! Nakita pa nila!

Kita ko ang pagngisi ni Maxine. "Hay, nagbibinata na rin ang kambal mo, Jimenez nga
naman oh.."

Namutla na naman ako. Baka iniisip nilang may nangyayari saamin ni Pierce..

"Tch," Kinuha ni Pierce ang buong paper towel holder at binato iyon kay Klark na
hindi parin tumitigil sa pagngisi. Nasapo iyon ni Klark at tumawa.

"Okay, bruh? Hindi na ako titingin!" Tawa pa ni Klark at umiiling-iling. Tumingin


na lang sya sa kinakain habang ngumingisi.

Matapos naming mag dinner ay umalis na si Maxine at Klark. Anila'y gagala raw sila
kasama si Kret. Inaya pa nila kami ngunit hindi na rin pumayag si Pierce dahil
masyado na raw gabi.

"You wanna go home?" Tanong ni Pierce habang iniipitan nya ang buhok ko.
Umiling ako. May kailangan ka pang malaman.

Natawa sya. "Baka magalit si tita?"

Umiling ulit ako. "Nagpaalam naman ako.."

Lumabas ulit kami sa backyard nila. Naupo kami sa pa-bilog na patio nila na gawa sa
bato. Sa gitna ay may firepit. Sinindihan iyon ni Pierce para magbigay init sa
amin.

Umupo si Pierce sa tabi ko at binuka ang hita nya. Tinapik nya ang gitna nun,
inuutusan na umupo ako sa pagitan nya. Natawa ako at napailing. Umupo ako sa gitna
ng mga hita nya at sinandal ko ang likod ko sa dibdib nya. Itinaas ko ang paa ko at
niyakap iyon.

Pinanuod ko ang apoy na sumayaw sa gitna ng kadiliman. Malamig at masarap ang


hangin. Naramdaman ko ang mahigpit nyang yakap na para bang ayaw nya na akong
pakawalan pa. Hinanda ko ang sarili ko sa mga linyang sasabihin ko. Paano ko nga ba
ito sisimulan?

=================

TKP 53

A/N: sa mga nagtanong saakin kung ilang chapters na lang, na sinagot ko, may
madadagdag lang na kaunting chaps. Ako na ang mahina sa pag-eestimate. Sorry!
Update: Hanggang chapter 55 na lang ito (or less) then PJ's POV, then Finale! Ciao!
:*
TKP 53

Umihip ang malamig na hangin. Pag sinabi ko kaya sa kanya, ano ang magiging
reaksyon nya? Lumunok ako. Hindi naman siguro sya magagalit saakin dahil may
dahilan naman ako diba?

Naramdaman kong inaamoy ni Pierce ang buhok ko at lalong humigpit ang yakap nya.

"Pierce may tanong ako.." Sabi ko at niyakap lalo ang magkasamang tuhod na nasa
tapat ng dibdib ko.

"Hmm?"

"Sa tingin mo kaya mo pang magkagusto sa ibang babae?" Tanong ko.

Natahimik sya doon. Nilapit nya ang ulo nya sa ulo ko at natawa sya. "Why?"

"Sagutin mo.."

Umiling-iling sya. "Ayoko ng iba."


Natawa ako. Of course nasasabi nya lang yun kasi ako ang mahal nya ngayon. Pero
kapag naghanap na sya at nakulangan na saakin, makakayanan nyang nagmahal ng iba.

"Maybe hindi mo gusto, pero malay mo naman.."

"Why are you saying all of these?" Tanong nya, hindi na natutuwa ang boses nya.

"Wala lang." Maikling sabi ko.

"Bakit nga?" Medyo naiirita ang boses nya at hindi ko alam kung bakit.

Nagkibit balikat ako. "Kasi hindi naman tayo sigurado sa isa't-isa eh. Oo mahal
kita, gusto ko tayo na hanggang sa huli, pero nagbabago ang mga tao diba? Nagbabago
ang lahat—"

"Why are you so negative?" Galit ang tono nya.

"Pume-pwesto lang ako sa katotohanan, Pierce.." Tumawa ako kahit walang nakakatawa.
"Pwedeng hindi talaga tayo sa huli, pero kung mangyayari yon, sana hwag mo akong
kakalimutan ah? Hwag mo akong susungitan kapag nagkita tayo katulad ng ginagawa mo
sa ibang babae. Masakit yun, Pierce." Pagbibiro ko pa.

Bigla na lamang nyang siniksik ang ulo nya sa leeg ko. "Iyan ka na naman eh.."
Bulong nya. "Sinasaktan mo na naman ako.." Narinig ko na naman ang boses nyang
parang mababasag.
At nasasaktan na naman ako. Hindi kita sinasaktan. Ipaglalaban ko naman to eh.
Gusto ko lang subukan ka ngayon. Gusto kong malaman ang mga pananaw mo bago ko
sabihing aalis na ako. Pampalakas lang ng loob na makakayanan natin to.

"Hindi naman kita sinasaktan, Pierce. Nagsasabi lang ako ng totoo.. ang bata-bata
pa natin. Tingin mo ba wala ka nang makikilalang iba?"

Kaso ayokong may iba ka pang makilala. Ang selfish naman masyado kung sabihin kong
sumunod ka saakin sa Canada diba? Diba? Para namang ganun lang iyon kadali.

Umiling-iling sya habang nakayukyok parin sa leeg ko. "Wala na. Ikaw lang yung
gusto ko, Princess."

Pinahiran ko ang tumulong luha.

"Ayaw mo sa ibang babae? Bakit ako? Madaming magaganda dyaan—"

"Ayoko sa iba! Ikaw lang! Why do you keep on questioning that?!" Galit na sabi nya
ngunit salungat iyon sa aksyon ng katawan nya. Lalong humihigpit ang yakap nya.

Huminga ako ng malalim at napangiti. Matibay tayo diba, Pierce? Ayoko rin sa iba.
Sayo lang ako.
Pinilit kong magtunog malakas at walang pakialam masyado. "Okay, kung tayo naman,
tayo—"

"Tayo talaga." Pagpuputol nya saakin. Proud ang boses nya at sigurado.

Hindi ko napigilan ang hikbi ko. Tsk. Agad na lumuwag ang yakap nya saakin at
hinawakan ang mukha ko para paharapin ako sa kanya. 

Nagpanic ang mga mata nya. "P-princess.. why..?" Marahang tanong nya habang
pinapahiran ang mga mata ko. Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa likod ko at tumabi na
ngayon saakin. Hinarap nya ako sa kanya at pilit na hinahanap kung may tutulo pa
bang luha sa mga mata ko.

Ayaw nya akong nakikitang umiiyak. Sana ay ganito ang lahat ng lalaki. Can I keep
you forever?

"I'm.. leaving Pierce."

Hindi agad sya nakapagsalita. Hinawakan nya ang mukha ko. Sa sobrang sarap sa
pakiramdam ng haplos nya ay parang ayoko nang tanggalin iyon.

"What do you mean, w-what is that supposed to mean?" Nawala ang ilaw sa mga mata
nya na kitang-kita ko kanina lamang.

Lalong umamo ang mga mata nya. Lalo iyong tumitig saakin ng nanunuyo. Oh god! Paano
ako magtutuloy-tuloy kung nasasaktan ako ng sobra sa pinapakita nyang reaksyon!
"Aalis ako, pupunta akong Canada dahil sa papa ko. I'm so sorry, hindi na ako
aabutin ng New Year dito.." Nasabi ko ng tuloy-tuloy. Nasabi ko na.

Naka-awang lang ang labi nya. Walang gustong lumabas doon ngunit kita kong pinilit
nyang magsalita. "When are you coming back? Is it a one week vacation? Two?"
Pakiramdam ko ay luluhod na sya sa harapan ko ano mang oras.

Stop it, please.

"For good, Pierce.."

Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata, nakatitig aya saakin. Lumunok sya at
napayuko agad. Parang agad na tinanggal ang puso ko sa sakit sa nakita. Naka-awang
ang labi nya at malalim ang paghinga nya.

Tumingin syang muli saakin, pero ngayon, kitang-kita ko na ang Pierce na sobrang
nasasaktan. This time, it's different. Para mo syang kukuhanan ng pinaka-malaking
parte sa buhay nya. Para syang kinuhanan ng isang bagay na matagal nya ng
pinapangarap.

"Bakit ngayon mo lang to sinabi?"

Naiyak ako doon. "I'm sorry, ang akala ko, after graduation pa, I'm really sorry.."
Umiling sya saakin. "Don't do this.." Hinawakan nya ang panga ko at naramdaman ko
ang pagmamahal nya. "Please stay with me.. please.."

Hindi ako halos makatingin sa kanya. "Na-aksidente ang papa ko, Pierce."

Nakita kong natigilan sya. Pero parang agad na may naisip.

"Then I'll come with you.." Desperado ang boses nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi nya iyon pinag-isipan at agad lang lumabas iyon sa
bibig nya. Na para bang ganun lamang iyon kadali.

"Pierce naman.." Napailing ako sa gusto nyang mangyari. Iba na iyon, hindi ko
inakala na masasabi nya iyon. Alam kong hindi sya seryoso. It was just his
expression.

We're too.. young. Too young para magdesisyon sya ng ganito. He could be wrong. Isa
pa, baka way na rin ito ni God para malaman namin kung talaga bang magiging matatag
kami at kung kami talaga hanggang sa huli.

"No.. no.. I'm serious." Aniya at pilit akong pinapaharap sa kanya, gusto nyang
makita ko na seryoso sya sa sinasabi.

"Don't. Iyon ang pinaka-maling desisyon na gagawin mo. Masyado pa tayong bata para
mag-isip ka ng ganyan, ayokong iwanan mo ang pamilya mo nang dahil sakin. Anong
mararamdaman ng pamilya mo—"
"I don't give a fck!" Sigaw nya.

"PIERCE!" Galit na sigaw ko. Pipiliin nya ako? Sasama sya? Alam kong madali lang
iyon sa kanila. Pero anong mararamdaman ng pamilya nya? "Ano bang pinag-iiisip mo?!
You can't! Anong gusto mong maramdaman ng pamilya mo?"

Baka nga isipin pa ng pamilya nya na porket alam kong mahal ako ni Pierce,
nilalason ko na ang utak ng anak nila.

"I don't fcking care! I wanna be with you!" Hinawakan nya ang dalawang balikat ko.
"Don't you understand?" Nanginginig ang mga mata nyang nakatingin sa mga mata ko,
nagsusumamo. "Ayokong malayo sayo.."

Nakagat ko ang labi ko sa mga binibitawan nyang salita. Umiling-iling ako. "Ako rin
naman, Pierce. Sino bang gustong malayo?"

"Edi susunod ako, anong problema, Princess? A-ayaw mo ba akong sumunod?" Tanong
nya. Napupuno ng pag-asa ang mga mata nya.

Gusto! Pierce, gustong-gusto!

"You can't. Ayoko, Pierce. Naiintindihan mo? Ayoko!" Ang tigas ng ulo nya. Ang
gusto ko lang ay magstay sya dito para sa pamilya nya hindi yung ako na naman. We
can wait for each other. Tutal naman ay bata pa kami. "We can wait.."
Ayoko na pagsisihan nya ang magiging desisyon nya. Naniniwala ako na mahal nya ako.
Pero hindi ko kayang isipin na susunod sya para lang saakin, paano kung may
magbago? Hindi iyon imposible. At least sa pagtanda namin, alam na namin ang tama
at mali. Alam namin na nakayanan namin. Alam naming nalagpasan talaga namin. Na
nasabi naming nakayanan namin.

It will be an immature move. It's very unsure. Mahirap.

Tahimik lang sya. Nakatingin lang ako sa firepit nila at sya ay nakaharap saakin
ang katawan ngunit nakayuko.

"Huwag namang ganito, Princess oh.." Nakikiusap ang boses nya na dinggin. Ang
sakit-sakit na marinig iyon mula sa kanya. "Huwag mo naman akong saktan," Mahinang
sabi nya.

Naiyak na naman ako! Tumingin ako sa taas at suminghap. Hindi nya ako pwedeng
papiliin.

"Kung gusto mong lumuhod ako, gagawin ko.." Paki-usap nya, nakatingin na sya saakin
ngayon at kita ko iyon sa gilid ng mga mata ko.

Umiling ako, pinipilit kong pigilan ang mga luha ko. "Hindi kita kayang piliin, si
papa ang pinag-uusapan. Please Pierce, hwag ka nang maki-usap sakin. Nasasaktan
ako.."

Napahawak sya sa ulo nya habang nakayuko.


"I'm not begging you to stay." Aniya. "I'm begging you to let me come.."

Napapikit ako ng mariin. Ganito ba sya talaga magmahal? Padalos-dalos?

"Kakayanin naman natin Pierce eh.. Ilang years lang yon. Sabihin nating, after two
years, pwede ka nang magdesisyon nun kasi matanda ka na, tska alam na natin kung
talaga bang matatag ang pagmamahalan natin.." Paglalason ko sa utak nya para hindi
na sya masyadong mag-isip. "Two years lang. Magiging daan natin yon, para maging
matatag tayo."

Umiling lang sya at hindi nagsalita, hindi sya sumasang-ayon. Ang kulit nya pero
hindi ko magawang magalit.

"Pierce.." Pinigilan ko ang paghikbi. "Sa isang araw na ang alis namin.." Sabi ko
pa.

Nanatili syang nakayuko. Hindi ko alam ang umiikot sa utak nya. Baka nag-iisip na
syang sumunod? Hindi ko alam. Natatakot ako.

"Baka hindi na tayo magkita bukas. Busy na kami nun. H-huli na to ngayon.. kaya
gusto kong may maayos tayong pag-uusap." Mahinanong paliwanag ko.

Hindi parin sya nagsasalita.


"Pierce.. kakayanin ba natin?" Tanong ko. "I need your word."

Tumingin sya saakin. "Hindi ko kakayanin." Umiling sya. "Susunod ako."

Napasapo ako sa noo ko habang nakatingin sya.

"Ayaw mo lang yata akong sumama.." Mahinang sabi nya. "Tss."

Nakagat ko ang labi ko. Ang hirap nyang paliwanagan. Ganito ba sya talaga magmahal?
Wala nang ibang iniisip kundi ang nararamdaman? Kasi ako, sinasama ko parin ang
pamilya ko, hindi lang ang sarili ko. Anong mararamdaman ng mga magulang nya? Tapos
ay wala pa silang alam saamin masyado. Nagka-kilala lang kami ngayong fourth year,
tapos ay susundan nya ako papa-ibang bansa?

"Hindi sa ganun, Pierce!" Iritadong sigaw ko.

"Sabihin mo kung ayaw mo na, pinapahaba mo lang ang usapan!" Parang rebeldeng anak
na sabi nya na malapit nang lumayas sa kausap.

Nalaglag ang panga ko. Iyon ang iniisip nya? "At kung ayaw ko nga? Ano,
maghihiwalay na ba tayo?" Tsk. Paano ako aalis kung hindi kami maayos?

Nakatitig lang sya saakin, naka-awang ang labi nya. Umirap ako at hindi na ulit
tumingin.
"Hinahamon mo na naman ako dahil alam mong ako lang rin ang susuko.." Bulong nya.

"Pierce naman! Kung hindi mo naiintindihan, paano tayo magwo-work out nito? Ilang
years lang naman, Pierce!" Sigaw ko.

"Susunod nga kasi ako!"

"Tangina naman Pierce, bakit ba hindi mo maintindihan?!" Naiinis na sabi ko at


tumayo.

Tumayo rin sya at hinawakan ako sa siko. "What now? Hihiwalayan mo na lang ba ako,
Princess? Dammit!"

Kahit na sumisigaw sya ay sirang-sira na ang boses nya. Tinabig ko ang kamay nya at
naglakad palayo sa kanya.

"Princess!" Galit na tawag nya at naka-sunod parin.

Pumasok ako sa pinto papuntang living room nila at kinuha ang bag ko.

"Princess.." Tawag nya ngunit hindi na galit ang ngayon. Nasasaktan na ang boses
nya.
Pinahiran ko ang luha ko nang hindi nya nakikita. Naglakad ako paalis sa living
room nila. Tama na muna to ngayon. Baka mag-usap na lang kami sa phone o sa tawag.

"You can't just leave me like this." Aniya at ngayon ay hinila nya ako papaharap sa
kanya bago ko marating ang terrace nila sa ibaba.

Tinitigan ko sya. Ang gusto ko lang naman ay intindihin nya. Para na rin naman
saaming dalawa ito. Ang gusto ko ay mas lalong lumaki ang tiwala namin sa isa't-
isa. Mas tumatag kami. At sa muling pagtatagpo namin ay hindi na kami bata. Kaya na
naming panindigan ang relasyong meron kami.

Pinahiran nya ang luha ko. "S-sorry na.. hwag ka nang magalit.."

Napapikit ako at nagbuntong hininga, tumango ako. "Pwede bang ubusin na lang natin
ang oras na to nang hindi nag-aaway, we can't meet tomorrow.." Sabi ko.

Tumango na lang rin sya. Hinila nya ako sa terrace sa taas ng bahay nila. Hindi
kami nag-usap, magkatabi lang kaming nakatingin sa ulap.

"Kapag nandoon na ako, hindi kita kakalimutang i-chat. Magvi-video call naman tayo
eh. Facebook pa!" Pagpapagaan ko sa kanya pero malamig parin ang mukha nyang
nakatingin sa labas.

Nakatingin lang sya sa ulap habang magkatabi kami.


Dumaan ang mahabang katahimikan at alam kong pinapatay na ako nun, paunti-unti.

"Pierce, sa tingin mo kakayanin natin to?" Tanong ko.

Hindi sya umimik.

"Kakayanin naman natin, diba? Kasi mahal naman kita.." Hinawakan ko ang kamay nya
ay pinagsalikop ko iyon. "At mahal mo rin naman ako.."

Pagkatapos ng ilang oras ay tumingin na ako sa relo ko.

"Uuwi na ako, Pierce.." Sabi ko sa kanya.

Tumingin sya saakin. Malamig parin ang mukha nya. Pwede ba kaming maghiwalay ng
ganito sya? Ng ganito ang mukha nya at alam kong galit sya? Tsk.

Tumayo ako at bumuntong hininga pa sya bago sumunod. Medyo nauuna ako sa kanyang
maglakad. At nang buksan nya ang mataas na gate nila ay ngumiti ako sa kanya.

"Pero, Pierce.. kung sakali mang may ibang.." Lumunok ako at nasaktan. "Ibang babae
kang magustuhan habang wala ako, a-ayos lang.. hindi mo kailangang.. isekreto.
Hindi mo kailangang italaga ang sarili mo saakin, maiintindihan ko naman.."
Kinurot-kurot ko ang palad ko.
Nakatingin lang sya saakin na para bang sobrang disappointed sya sa mga pinagsasabi
ko. Pero totoo naman eh. Nagmamahal sya at hindi sya tumitingin sa ibang sides,
pero ako, nagmamahal at tumitingin sa mga posibilidad. Iyon ang pagkakaiba namin.

Biglang tumakbo ang puting mabalbon na aso nila mula sa loob ng bahay papalabas,
nakabukas kasi ang gate. Iyon ang aso na nakita kong pinaglalaruan ni Kret.

Bago pa ako makasigaw ay nakita kong napunta ang aso nila Pierce sa grupo ng mga
kababaihan na parang napadaan lamang.

"Uy, ang cute!" Sigawan nila.

Hinawakan ko ang kamay ni Pierce at hinila sya sa mga kababaihan para kuhanin ang
aso nila.

Napatingin sila saamin, pagkatapos ay kay Pierce. Nanlaki pa ang mga mata nung nasa
gitna at nakatingin silang lahat kay Pierce. Sa tingin ko ay anim sila.

Sa sobrang titig nila kay Pierce ay nakalimutang nyang ibalik ang aso. "Uy, Althea,
ibalik mo na yung aso, parang sa kanila yata yan.." Nahihiyang sabi nung isa.

"S-sa inyo po ba tong aso?" Tanong ng babaeng Althea ang pangalan. Maganda sya.
Medyo singkit, matangkad at makinis.

Tumango si Pierce at kinuha ang aso.


"A-ang cute naman ng aso.." Sabi pa ni Althea, pero kay Pierce nakatingin.

Nahuli kong tumingin si Pierce kay Althea ng kalahating segundo at bumalik sa hawak
na aso ang tingin.

"Oonga.. ang cute-cute.." Sabi ng mga kaibigan nya na mukha nahypnotize na yata. 

"Thank you ah.." Sabi ko sa kanila dahil mukhang hindi magpapasalamat man lamang si
Pierce.

Agad na nagtinginan saakin ang mga  magkakaibigan. "A-ayos lang po! Hehe, uy,
Althea tara na nga!" Hatak sa kanya ng mga kaibigan nya.

Natawa na lang ako. Mukha silang mga bata. Siguro ay third years.

"Ba-babye po.." Sabi nung Althea at ngumiti kay Pierce.

Sumulyap pa ng isang beses si Pierce sa kanila, hindi malamig ang tingin nya ngunit
hindi rin masaya. Nainggit tuloy ako bigla. Hindi naman sya ganun saakin nung unang
kita nya saakin. Napapatingin kaya si Pierce dun kay Althea dahil nagagandahan sya?
Kunsabagay ay maganda naman talaga. Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na maganda.
Insecure tuloy ako sa magagandang babae. Tsh.
"Ang ganda nya no.." Sabi ko kay Pierce. Hilig siguro talaga ng mga babae na saktan
ang mga ego nila.

Tumango sya. "Oo."

Napasimangot ako pero hindi ko pinakita sa kanya. Nakuha mo na ang sagot mo,
Princess! At siguro ay talagang nagandahan sya dahil ngayon lang sya sumangayon!

Tahimik kaming bumalik sa bahay nila para ibaba ang aso nila.

"Princess.." Tawag nya, nakatalikod ako sa kanya.

"Hmm?"

"Masarap bang marinig?" Tanong nya. Seryoso ang boses nya.

"Ang ano?"

Suminghap sya ng mahina at nagbuntong hininga. "Na nagagandahan ako sa ibang


babae?"

Hindi syempre. "Ayos lang, alangan namang pagsinungalingin kita?"


Hindi agad sya nagsalita. Nakapa-squat parin ang upo nya sa gilid ko habag
tinitignan nya ang cute na aso. Ang cute ng aso.

"No it's not okay." Aniya saka tumayo at tumingin saakin.

Bakit sinasabi nya ito? "Alam mo naman pala eh." Bulong ko at nag-iwas ng tingin.

Hinawakan nya ang baba ko para patinginan ulit ako sa kanya. Nakasimangot akong
tumingin sa kanya. Ngumisi sya saakin, pero makungkot parin ang mga mata nya.

"Kung hindi mo ako kayang ipamigay sa iba," Piniga nya ang baba ko. "Then don't."

"Paano kung kaya ko?" Tanong ko.

Nalungkot ang mga mata nya bigla. Bumagsak ang kamay nya sa gilid nya. Kita ko ang
mariin na pagkagat nya sa ibabang labi. "Pwes ako hindi.." Huwak sya sa batok nya
habang nakatingin sa ere. "Sayo lang ako.."

Tahimik akong tumango.

Nagpunta kami sa sakayan ni Pierce. Hinatid nya ako hanggang sa bahay namin. Ayaw
nyang gamitin ang motor nya dahil baka magalit si mama. Ang driver naman nila ay
wala. Tahimik kami buong byahe. Ramdam ko na galit sya at hindi nya ako gustong
paalisin.

Pinapasok ko si Pierce at wala si mama sa bahay nang maka-uwi kami. 

Lumunok ako at tumignin kay Pierce. Nang tignan ko sya ay nakatingin pala sya
saakin, seryoso. "I'll go." Aniya.

Pwede bang mamaya na lang? "O-okay.." Sabi ko na lang.

Seryoso parin syang nakatingin saakin. Ang napaka-gandang mata nya ay malamig at
mukhang walang balak na maging masaya ulit.

"Pierce!" Tawag ko bago sya makalabas ng gate. "B-baka bukas.. hindi na rin tayo
pwedeng magkita. Tutulong rin ako kay mama sa pag-aayos." Sabi ko. Alam kong nasabi
ko na sa kanya, pinapa-alala ko lang.

Namungay ang mga mata nya. Hindi ko mapigilang malungkot. Sobra-sobra ko yata syang
nasasaktan.

Niyakap ko sya ng mahigpit. "I'll miss you.. I promise you, magtatagal tayo, kahit
na malayo tayo sa isa't-isa. Always remember na mahal na mahal kita, Pierce.."

Malamig syang nakatingin saakin pero alam kong puno ng sakit ang mga mata nya.
Tumango sya saakin. Galit sya. Galit sya saakin. Kita ko ang tampo sa mga mata nya.
"I'll text you." Iyon lang ang sagot nya sa mga sinabi ko.

Nakagat ko ang labi ko at pinigilang pumiyok. Ngayon ang huli naming pagkikita pero
ang bigat-bigat at parang ang labo-labo. Ano na kayang iniisip nya? Hindi ko sya
maintindihan. "Okay.."

Marahan nya akong tinalikuran. Kinabisa ko ang likod nya hanggang sa mawala na sya
sa paningin ko.

Gusto kong magmura ng maraming beses. I really wanna tell him to follow me, pero
hindi pwede. I can't be selfish. This is a very selfish thought. Paano kung maging
palpak kami? We can't make a decision just because of what we feel right now.

=================

TKP 54

TKP 54

Mabigat na mabigat ang kalooban ko kinabukan pag gising ko. Ang sinabi saakin ni
Pierce na ite-text nya ako ay hindi nangyari. Wala kahit isang mensahe mula sa
kanya.

Galit sya saakin at ang sakit isipin nun. Bakit ba ayaw nya akong intindihin?

Pati kina-umagahan ay wala akong na-tanggap na text mula sa kanya. Ako na ang
nagtext para hindi na tumagal ang away.
To Pierce:

Good morning! Kamusta umaga mo? =)

Naghintay ako ng mensahe mula sa kanya ngunit lumipas na ang kalahating oras ay
hindi naman sya nagreply. Siguro ay masama lang talaga ang loob nya. Hindi ko naman
sya masisisi dahil nabigla ko sya. Ang saya-saya pa naman namin nitong nakaraang
mga araw pagkatapos ay bigla ko na lang sasabihin to.

"Samahan mo muna ako, Princess." Sabi ni mama saakin noong 2:00 ng hapon.

Agad akong tumalon mula sa sofa at sumamang lumabas kay mama. Marami-rami pa kaming
bibilhin na mga kailangang dalhin. Hindi kasi kami handa kaya talagang busy.

Lutang ako habang nakasunod lamang kay mama sa mall. Wala paring text mula kay
Pierce. Galit nga talaga sya. Aalis ako ng galit sya saakin?

Hindi ko naman kasi pwedeng sang-ayunan ang mga sinasabi nya. Napaka-bata pa namin.
Kahit pa may pera sya pang-sunod, hindi pa rin maari. 15 lang ako. 16 sya. Hindi
magandang gumawa ng desisyon ng ganito kaaga. Kahit saan tignan, ang bottomline
talaga ay masyado pa kaming bata.

Long distance relationship. Huh. Paano namin magagawa yun kung ayaw naman nyang
maki-sama.

Nagtype ako ng text para kay Pierce ngunit wala na akong maisip. Kanina ko pa sya
tine-text. Ano pa ba ang dapat na sabihin ko?
Habang nag-iisip ng ita-type ay may nakabanggaan ako kaya muntik ko nang mabagsak
ang cellphone ko.

"Uy, Princess?" Pamilyar na sabi ng nakabangga ko.

"Uy, Yvo." Ngumiti lang ako.

Napahinto naman si mama at nakatingin saamin. Napatingin rin si Yvo kay mama. Si
Clinton lang ang kasama nya, wala sila Paris.

"Ah, mama ko pala." Sabi ko at tinuro si mama. "Ma, mga kaibigan ni Pierce."

Tumawa si Yvo at lumapit kay mama para magmano. "Hello po, ako po si Yvo
Ponferrada, naike-kwento po ba ako sa inyo ni Princess?" Tanong ni Yvo.

Tumawa lang si mama sa biro ni Yvo. Hinampas ko sya ng mahina sa balikat dahil sa
kayabangan nya. Ang katabi nyang si Clinton ay nagmano rin kay mama.

"Princess, pasok lang ako doon, sunod ka na lang." Sabi ni mama saakin at tinuro
ang pupuntahan nya.

Umalis na si mama, inakbayan ako ni Yvo at nilakad papunta sa railing ng mall kung
saan tanaw namin ang ibaba.
"Musta, butterfly? Happy New Year nga pala!" Tawa nya. "Musta Christmas?"

Tumawa lang ako kay Yvo at hindi sya pinansin.

Napatingin ako kay Clinton. "Uy, belated nga pala." Sabi ko nang maalala na
birthday nya kahapon.

Tumango si Clinton. "Thanks,"

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay saakin ni Yvo at tumingin sa kanya. "Ahh.. aalis na


ako bukas eh."

"Oh?" Ani Yvo.

Tumango ako. "Pupunta akong Canada."

"Oh?" Ani Yvo ulit.

Sinapak ko sya ng malakas. Seryoso naman kasi ako.


"Aray naman!" Sigaw nya at hinimas ang balikat.

"Seryoso naman kasi, Yvo. Aalis ako bukas.. for family. Basta." Umirap ako sa
kanya.

Ngumiwi sya. "Ouch, kawawa naman si baby Pierce.." Sabi nya at mukhang hindi pa rin
sineseryoso ang sinasabi kong pag-alis.

Nagbuntong hininga ako. "Pag-umalis ako, sana palagi nyong lalapitan si Pierce.
Galit sya saakin eh. Ang.. ang gusto nya kasi ay sumunod saakin."

"Pfft—" Pinigilan ni Yvo ang tawa nya. "Tang ina yon, lakas ng trip."

Nainis ako sa kanya. Sinabi nyang malakas ang trip ni Pierce, eh para saakin, bata
lang mag-isip si Pierce at hindi trip yon. Seryoso sya, mali nga lang.

"Sira! Palibhasa kasi hindi ka naman in love eh." Natawa ako.

Ngumisi sya saakin at umirap. Huh.

"Pero seryoso? Sinabi nyang gusto nyang sumama? Sayo, sa Canada?" Para bang hindi
naniniwala ang boses ni Yvo. "Asa namang payagan ni tita Steph yon."
"Para namang hindi mo kilala si Pierce pagdating kay Princess," Ani Clinton na nasa
gilid ni Yvo.

"Woah, alam kong baliw sya sa'yo, pero hindi ko alam na sukdulan na ang pagka-baliw
nya." Umiling-iling si Yvo. "Tang inang Jimenez yon, sobra-sobra kung magmahal.."

Napangiti ako sa sinabi nya. Ang sarap at ang sakit sa pandinig. Pakiramdam ko
naman pareho kami ng nararamdaman ni Pierce, oh siguro nga mas nanghihinayang ako.
Paano na lang kung ma-fall out of love si Pierce saakin, hindi ko yata kayang
magmahal ng iba. Hindi ko yata kayang malaman na may iba syang mamahaling babae.

"Pero, seryoso, Yvo. Sana hwag mong asar-asarin si Pierce pag umalis na ako.
Kaibigan lang ang kailangan nun.." Bulong ko. "Kailangan nya ng gabay.."

Seryosong tumango si Yvo. "Hwag kang mag-alala, nandito lang kami para gabayan
syang tahakin ang tamang landas." Tinapik nya ang balikat ko.

Nagbuntong hininga ako. Mas mabuti na sigurong hwag ko na lang kausapin ang
kaibigan ni Pierce na ito.

May lumapit saamin na dalawang lalaki na hawig na hawig kay Yvo. Nakatingin sakin
yung dalawa habang parehong sumisipsip ng milkshake nila.

"Mga kapatid ko, Yves at Ynnigo.." Kumamot si Yvo sa ulo nya.


Napatango ako. "Hindi naman mahilig ang mga magulang mo sa Y?" Tawa ko.

Natawa yung Yves sa sinabi ko. Kumindat sya saakin nang mapatigin ako. Crap,
kamukha nya si Yvo! Ang weird na may iba pang kamukha ang lalaki na to.

"Actually, yung iba kong kapatid, hindi Y, kami lang dahil triplets kami." Ngumiwi
si Yvo. Parang ayaw nyang sabihin na triplets nya ang dalawang ngising-ngisi.

Nalaglag ang panga ko. Triplets, huh? How adorable. Parang kagaya lang nila si Yvo,
kung paano pa lang sila tumayo at tumingin.

"Hi, I'm Ynnigo Ponferrada." Ngumisi sya saakin at naglahad ng kamay.

Sinapak sya ni Yvo. "Ulul, syota na yan ni Jimenez."

Nagkibit balikat si Ynnigo at binaba ang kamay. "Klark?"

"Ni Pierce." Pagtatama ni Yvo.

"Ni Pierce?" Muntik nang matawa si Yves.

"What the heck, ni Pierce?" Tumawa si Ynnigo. "Woah, didn't know he's doing
relationships now.."
Nagtawanan silang lahat. Napailing ako.

"Yep, loyal yun kay Princess.. at baliw pa." Tumaas-taas ang kilay saakin ni Yvo.
"Diba, Butterfly?"

"Princess Butterfly, name mo?" May gulat sa boses ni Ynnigo. Para syang nawe-
weirdan.

Tumawa ako. "Ah, hindi! Princess lang.."

"Endearment ko yon sa kanya, bugok." Inakbayan ako ni Yvo.

"Sige ne, sige na. Susunod na ako kay mama." Sabi ko at hinawi ang braso nya sa
balikat ko.

Ngumiwi si Yvo at muli akong inakbayan. Ang kulit rin nito. "Pero aalis ka nga
talaga bukas?" Gulat na tanong ni Yvo.

Seriously, ano bang problema sa utak ng Yvo na ito? Tinanggal ko ulit ang pagkaka-
akbay nya saakin. Sila Yves ay nakikipag-usap kila Clinton.

Umirap ako. "Oo nga. Nadisgrasya kasi ang papa ko.. dapat ay sa after graduation pa
sana eh.. Kaso.." Nagkibit balikat ako.

Nakagat ni Yvo ang labi nya. "Uh, sorry." Tumango na lang ako. "Bye, butterfly.
Mamimiss kita." Inakbayan nya ulit ako, halos sakalin nya ako dahil sa higpit ng
akbay nya.

Agad ko syang tinulak dahil pakiramdam ko ay mas lalo akong liliit dahil sa bigat
nya.

"Ako na ang bahala sa bestfriend mo.." Tumaas-taas ang kilay ni Yvo.

Nanlaki ang mga mata ko at sinuntok ko sya sa tyan. "Sira ulo! Hwag mong baliwin si
Loraine, broken pa yon!"

Tumawa sya. "Joke lang!" Iling nya pa at nakagat nya ang labi nya.

Naramdaman ko ang titig saakin ni Clinton. Napatingin ako sa kanya. Ano na namang
tingin yan?

Sa halip na sungitan sya ay ngintian ko na lamang sya. Misteryo para saakin ang mga
mata ni Clinton. Hindi ko alam kung ano ba talagang.. meron sa kanya. Crush nya ba
ako? Tss. Assume pa. Pero kung totoo man, siguro ay wala lang iyon. Isa pa ay ang
kaibigan nila ang mahal ko, at crush ko pa.

"Ingat ka na lang, Princess." Ani Clinton. Mahinahon at kalmado.


Lalo akong nangiti. Kahit papaano ay napa-mahal na rin ako sa mga kaibigan ni
Pierce. Nilahad nya ang kamay nya na parang may hinihingi. Tumawa ako at nakipag-
apir sa kanya. Nakipag-high five naman ako kay Yvo, pagkatapos ay kinurot nya ng
malakas ang pisngi ko.

Umalis ako at kinawayan sila. Nakangisi lang si Yvo habang nakasandal ang likod nya
sa railings. Katabi nya ang dalawang kapatid. Si Clinton naman ay nakahawak sa
ibabang labi.

5:00 PM ng maka-uwi kami sa bahay. Mamayang 6 ang dating nila lola at tito para
bumisita sandali. Mamayang 4:00 AM naman ang alis namin sa bahay.

"Kailangan mo ng tulong ma?" Tanong ko nang makitang may inaayos sya sa mga
baggage. 

Umiling lang sya nang hindi tumitingin saakin. "Si Pierce?" Tanong nya.

Hindi pa namin napag-uusapan si Pierce. Ngayon nya lang sya nabanggit. "Sinabi ko
na sa kanya. Iyon, medyo nagta-tampo sya."

Medyo nagtatampo nga lang ba?

Hindi agad sya nagsalita dahil marami syang inaayos. Si Samuel ay nasa kwarto nya
na.
"Oh, hindi ba kayo magkikita ngayon?" Tanong nya pa.

Kumunot ang noo ko. "Maghapon naman na kaming magkasama kahapon eh. Tska.. nakaka-
lungkot pag mismong kinabukasan na ang alis mo, tapos magkikita pa kayo ngayon."

Isa pa, hindi naman sya nagsasabi na gusto nyang magkita kami ngayon. Kung
sasabihin nya lang sana iyon, mamadaliin ko ang lahat ng ginagawa ko dito. Ang
buong akala ko ay sobrang dami naming gagawin ngayong araw pero tinapos na pala ni
mama ang halos lahat kahapon, noong nasa bahay ako nila Pierce.

Maya-maya lamang ay tapos na ang lahat. Pagod kaming umupo sa sofa at may
nagdoorbell na lamang bigla. Pumasok sila lola pati na rin sila Trisha. May mga
binigay lang sila saamin at nakipagkwentuhan sandali.

Dumating ang 8:00 PM ngunit wala paring text galing kay Pierce. Ang sakit lang.
Mamaya na ang alis namin ng madaling araw, pero ang labo ng paghihiwalay namin.

Umiyak ako sa kama ko at piniling matulog na lamang habang nag-iisip. Ngunit


patagal ng patagal ay madaming bumabagabag sa isipan ko. Hindi ako makatulog.

Ano kaya kung sabihin ko sa kanya na sumunod na sya? Na sundan nya ako? Tss. Namiss
ko lang sya sandali, kung ano-ano na ang naiisip ko. Ang selfish lang masyado! May
pamilya rin sya. Hindi ganun kadali yon. Ibang usapan na iyon.

Tulo lamang ng tulo ang mga luha sa mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone
ko. Pinahid ko ang luha ko at napangiti nang makitang si Pierce ang nagtext!
Pierce:

Nasa labas ako

Parang sasabog yata sa saya ang puso ko. Mas mahihirapan ako kung makikita sya pero
nahihirapan rin naman ako habang hindi. Edi kung mahihirapan lang rin naman pala,
doon na kung saan ka liligaya. Kahit sandali lang.

Huminga ako ng malalim at natawa habang umiiyak. Mahal na mahal ko talaga sya.
Bawat yata minuto ay mas lalo kong nare-realize na mahal ko talaga sya.

Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Ang pula ng mata ko. Suminghot ako.
Ang buong akala ko ay wala na syang pakialam ngayon.

Nagmamadali akong lumabas ng gate. Nakita ko si Pierce na naka-upo sa gutter sa


tapat ng gate namin. Nakasuot sya ng itim na hoodie at nakatakip ang ulo nya ng
hood. Nakatalikod sya sa banda ko.

"Pierce!" Sigaw ko.

Napatayo sya at nagulat nang yakapin ko sya ng mahigpit. Humagulgol ako. Ngayon ko
naramdaman na ayokong malayo sa kanya. Mamaya na kami aalis. Aalis na ako sa
bansang ito.

"Nakakainis ka! Akala ko wala ka ng pakialam saakin. Ni hindi ka nagtetext!" Hampas


ako ng hampas sa dibdib nya.
Lumayo ako ng yakap sa kanya dahil hindi naman nya ako niyayakap pabalik. God, he's
still cold.

Ang mukha nyang masungit na naman ngayon ay nakatitig saakin. "Walang pakialam?
Kailan pa, Princess?" Malumanay na tanong nya at nilamig ako sa sobrang lamig ng
boses nya.

Hindi nya ako hinintay na magsalita. Umupo syang muli sa gutter. Bumuntong hininga
ako at tumabi sa kanya.

"Galit ka parin ba talaga?" Tanong ko sa kanya.

Hindi sya umimik.

"Pierce naman eh.. ayokong umalis nang ganito tayo.."

Hindi parin sya nagsasalita. Nakayuko lang sya. Hindi ko rin makita ang mukha nya
dahil sa hood ng hoodie nya. Ang nakikita ko lamang ay ang perpektongg tangos ng
ilong nya.

"Pj, huwag ka nang magalit. Para rin naman sa atin to eh. Kapag hindi mo ako
kinausap, baka hindi magwork to. Ayoko ng ganun. Kasama ka pa sa pangarap ko.."
Mahinang bulong ko at tumitig sa kanya. Ngumiti ako at ine-expect na ngingiti sya o
mamumula dahil alam kong sa maliliit na bagay ay napapangiti ko sya.
Pero wala syang reaksyon.

Mula sa pagtingin nya ng diretso sa daan ay tumingin sya pabalik sa akin.


Namumungay ang mga mata nya at unti-unti iyong umamo pero mukha paring may sakit na
tinatapalan.

Lalo akong nararamdaman ng lungkot.

"Nakabuo na ako ng pangarap, Pierce.. tayong dalawa. Hanggang sa huli. Makakayanan


natin. Nakabuo na ako ng pangarap at kasama ka doon," Sinubukan kong pagaanin ang
loob nya, totoo naman ang mga sinabi ko. "Ikaw? Ano bang pangarap mo? Kasama ba ako
dyan?" Tumawa ako ng pabiro.

Hindi sya ngumiti o tumingin sakin. "Ikaw ang pangarap ko."

Hindi na yata ako makakahinga. Lalong naninikip ang dibdib ko. Pinatong nya ang
dalawang forearm nya sa magkahiwalay at naka-taas na tuhod. Nakatingin lang sya sa
baba.

Ako na yata ang pinaka-maswerte na babae sa mundo.

Dahil sa pagdaan ng mahabang katahimikan ay nagdesisyon na lamang ako na


magpatugtog na lamang ng kanta. Pinatugtog ko ang 'Every little thing' at naka-
repeat song iyon, kaya iyon lamang ang paulit-ulit na tumutugtog. Palagi ko iyong
pinapatugtog dati, espesyal na saakin ang kanta na ito ngayon, kinanta nya kasi
'to, para saakin.
'Let me in

to see you in the morning light

to get me on and all along the tears they come

see all come..'

Niyakap ko ang tuhod ko at tumitig sa magandang kalangitan.

Nilamig na naman ako. Hindi ko na ulit sya makikita matapos nang araw na ito. Sa
harapan na lamang ng screen. Hindi ko na sya mahahawakan. Ilang years kaya?
Magbabakasyon kaya kami dito? Eh magastos yon. Eh sya kaya, sa Canada? Pero busy
naman kami para sa college. Ang best option na lang siguro talaga ay after.. like..
3 years, 4 years? 5 years?

But the hardest question is, magtatagal ba talaga kami? May tumatagal ba sa
ganitong klaseng relasyon?

'I want you to believe in life

but I get the strangest feeling that you've gone away

will you find out who you are too late to change?'

"Alam mo kasi, way na rin to ni God eh." Nangingilid na naman ang luha ko. Sana
pala ay hindi na ako nagpatugtog.

Umihip ang napaka-lamig na hangin. Tila ba sinasabayan ang malamig na katabi ko.
Bakit ka ba ganito, Pierce? Ang hirap mo naman magtampo. Ang tahimik at ang lamig
mo masyado. Magsalita ka na lang. Magalit ka. Hindi yung ganito.

"Masyado pa tayong bata para sa sinasabi mo na susunod ka. 16 ka pa lang, Pierce.


16 ka pa lang, lalayo ka na sa pamilya mo, para kanino? Para sakin lang." Sinubukan
kong magpaliwanag at ipa-intindi sa kanya. Baka sakaling magliwanag ang isipan nya.

"Mahal kita eh."

Napahawak ako sa noo ko dahil sa dahilan nya. Ang bata nya talaga masyado
magsasagot. Hindi pa sya matured. I get it. Mahal nya ako. Pero hindi sya lilipad
papunta ng ibang bansa para saakin. Tss.

"So hindi mo ba mahal ang pamilya mo at sasama ka saakin?" Dahil ang childish ng
sagot nya, childish na rin ang sagot ko.

Ang akala ko ay matitigilan sya at mare-realize nya nang mali sya, ngunit matibay
sya at ito talaga ang gusto.

"Mas mahal kita eh."

Bumuntong hininga ako. Pumikit ako ng mariin.

"Talaga? Mas mahal mo ako sa pamilya mo? Sa mga magulang mo na nag-alaga sayo, na
nagmamahal ng sobra sayo at sa kanila na mag-aalala kapag wala ka sa puder nila?"
Tanong ko na gini-guilty sya.
Walang pag-iisip na tumango sya. Ang masungit na inosenteng mga mata nya ay
nakatingin lamang sa daan. Gusto kong tanggalin ang hood nya para makita ko lalo
ang mukha nya.

'I wish I could be 

every little thing you wantedall the time..

I wish I could be every little thing you wanted

all the time, some times..'

"My god, Pierce.." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. 

Dahil kung ako ang tatanungin, mas mahal ko pa rin ang pamilya ko.

"Basta, hintayin na lang natin ang isa't-isa. At least, diba? Pagtanda natin, kaya
na nating magdesisyon at alam nating may kapangyarihan na tayo para gawin ang mga
bagay-bagay. Basta ang panghahawakan natin, mahal natin ang isa't-isa."

Dinukdok nya ang noo nya sa forearm nyang nakapatong sa tuhod. Tuluyan na akong
walang nakita sa mukha nya.

Nagbuntong hininga ako. Dumaan ang ilang minuto at nakaganun parin ang posisyon
nya. Pakiramdam ko ay nakatulog na sya.
"Pierce.." Hinawakan ko sya sa balikat ngunit ginalaw nya ang balikat nya para
tabigin ang kamay ko.

Napasinghap ako. Ayaw nya na ring hawakan ko sya.. Nanikip ang dibdib ko sa
simpleng inakto nya na iyon.

"Pierce naman.." Tuluyan na akong umiyak. God, ilang oras na lang ay kailangan ko
nang pumasok sa kwarto at matulog dahil mamaya na ang byahe namin.

"Don't touch me.." Bulong nya.

Nakadukdok parin ang noo nya sa forearm nya. Naka-upo lamang kami sa gutter at wala
nang ibang nakakakita saamin dahil gabi na.

"Pierce.." Hinila ko sya mula sa pagkakadukdok. Kailangan naming mag-usap ng


maayos!

Ayaw nyang ipakita saakin ang mukha nya kaya naman nang mahila ko sya ay medyo
tumalikod sya. "I said don't touch me!" Iritadong sabi nya.

Nahimigan ko na umiiyak sya. Oh my God. Umiiyak na naman sya.

Niyakap ko sya mula sa likod. "Don't make it harder, please.." Bulong ko.
Narinig ko ang sobrang hinang pagsinghot nya. Medyo nanginginig ang balikat nya
dulot ng pagpipigil sa pag-iyak. "Bakit kasi ayaw mo na lang akong pasamahin eh.."

Lalong humigpit ang yakap ko. Hindi nya talaga ako kayang pakinggan.

'lift me up 

just lift me up don't make a sound

and let me hold you up before you hit the ground.. 

see all come you say your all right

but I get the strangest feeling that you've gone away- you've gone away

and will you find out who you are too late to change?'

"Pierce.." Humiwalay ako sa pagyakap sa kanya. Hindi nya ako naiintindihan kasi
hindi nya ako gustong intindihin. Ang gusto nya lang ay sumang-ayon ako na susunod
sya.

Umupo ako ng pa-squat sa harapan nya at nakita ko na ang mukha nya na may luha.
Hiyang-hiya syang nag-iwas ng tingin at tinaas ang hem ng hoodie nya para punasan
ang luha.

"Fck," Bulong nya pa. "Why won't it stop?" Galit na sabi nya habang pinupunasan ang
mukha.
Ngumiti ako at pinigilan ang kamay nya. Nanginginig iyon nang hawakan ko. Sumunod
sya saakin at binaba na lamang nya ang kamay nya. Ako ang nagpahid sa panibagong
luha na lumabas. Damn. Nagtutuloy-tuloy iyon at hindi ako makapaniwalang mabilis
syang napapa-iyak dahil lang saakin.

"Please, ayoko ng ganito. Ayaw kong nakikita kang ganito, umiiyak.." Bulong ko at
pinahiran muli ang ilalim ng mata nya.

"Then stop hurting me.." Nakikiusap na sabi nya.

Niyakap ko sya. "I will, pero hindi muna ngayon Pierce.." Lumayo ako at hinalikan
ang mga mata nyang namamasa. Lalo tuloy nadedepina ang mga lashes nya. Ang hahaba.

Hindi na ulit sya nagsalita at bumalik na sa pagiging seryoso at tahimik ang mukha
nya. Pinahiran nya ang mukha nya gamit ang sleeve ng hoodie nya. Ngunit bakas parin
ang pag-iyak nya.

Bumalik ako sa pag-upo sa tabi nya. "I love you, Pierce.." Sabi ko.

Hindi sya umimik. Napasimangot ako.

"Ang daya mo.. hindi ka na sumasagt sa mga I love you ko." Biro ko pa, pero totoo
naman.

"Anong oras ang alis nyo?" Tanong nya.


Nakagat ko ang labi ko. "Mamayang 4:00 ng madaling araw.."

Tahimik na naman. Paniguradong panibagong galit at tampo ang nararamdaman nya.

"Rest," Aniya. "Pumasok ka na.."

Malungkot na tumango ako. Tatayo na sana ako kaso ay tumayo sya at lumuhod sya
gamit ang isang tuhod sa harapan ko. Hinawakan nya ang mukha ko gamit ang dalawang
kamay nya.

"I'm not mad, hwag kang masyadong mag-isip. Baka mahilo ka, first time mo diba?"
Malambing na tanong nya. Tinutukoy nya siguro ay ang pagsakay sa eroplano.

Tumango ako. Ngumiti sya saakin. Isang malungkot na ngiti.

Habang nakaluhod parin ay hinalikan nya ang noo ko. Napapikit ako dahil sa
pinaghalo-halong pakiramdam. Alam kong galit parin sya at sinasabi nya lang ito
para hindi ako masyadong mag-isip. Alam kong galit parin sya pero ayaw nya akong
mag-alala dahil ba-byahe ako.

"Mahal, na mahal, na mahal, na mahal, na mahal kita. Mahal na mahal, Princess."


Bulong nya nang saglit na lumayo ang labi sa noo ko.

Napangiti ako at tumulo ang luha ko. Muli nya akong hinalikan sa noo, mas matagal.
Bumaba ang labi nya sa magkabilang mata ko. "I love you.." Bulong nyang muli.

Tumawa ako ng mahina.

Humalik sya sa pisngi ko. Namumungay ang mga mata nya. "I love you, more than
anything in this world, more than I love myself. I love you, I wanna give the whole
world to you. I love you that I can't even leave some for myself. I love you even
though it hurts.." 

Hinalikan nya ang ilong ko.

"I've never been this happy, Princess.. I don't care about the downsides of loving
you. It is what I feel when I'm with you that counts.."

Naiyak ako at naghintay sa labi nya na dumapo sa labi ko. Pinagdikit nya ang noo
namin at nagtama rin ang ilong naming dalawa.

"Mahal kita." Huling sinabi nya at isinara ang pagitan ng labi naming dalawa.

Lahat na yata ng pakiramdam ay naramdaman ko na kay Pierce. Ang matakot, kabahan,


ma-excite, ma-inis, matuwa, malungkot.. mahalin. Pero ngayon ay satisfaction ang
nararamdaman ko. Sapat na sapat na sya. 
Lord, sana si Pierce na hanggang sa huli, ah?

Tumayo ako at tumingin sa kanya. "Bye.." Naiiyak na sabi ko.

Tumango sya at ginulo ang buhok ko. "Pumasok ka na.."

Lumabi ako at tinitigan syang mabuti. Ang lalaking sobrang nagmahal saakin. Ang
lalaking nagligtas saakin sa mga kahihiyan. Ang lalaking tumanggap saakin. Ang
lalaking hindi ako iniwan. Kailan kaya ulit?

Kinabisa ko ang mukha nya. Ang napaka-inosente nyang mga mata. Ang perpektong laki
at tulis ng ilong nya. Ang napaka-ganda, pula at malambot nyang labi. Lahat ay
mamimiss ko sa kanya. Pati ang kamay nyang palaging nakahawak saakin. Sya, na
palaging naka-dikit saakin.

Mabagal akong tumalikod at naglabasan ang luha ko. Naglakad ako papasok sa loob at
sinara ang gate. Ang bigat-bigat. 

Tahimik akong pumanhik sa kwarto at humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa tahimik
na kawalan. Tinext ko na lamang sya na magtext kapag naka-uwi na ngunit hindi ko na
nahintay ang text nya dahil nakatulog na agad ako sa kakaiyak.

Maaga kaming gumising para maghanda. Mabigat sa loob ang gumising sa araw nang pag-
alis mo. Ang iwanan ang bansa kung saan ka lumaki. At lalo na ang iwanan ang bansa
kung nasaan ang taong minamahal mo.
Gusto ko sanang itext si Pierce. Kaso ay baka natutulog pa sya. Tulog kaya sya
ngayon?

At nang mag 3:50 ay dumating na ang sasakyan na sasakyan namin papuntang airport.

Inayos na nila ang mga gamit at nilagay lahat sa likod ng sasakyan. Sumakay ng
sasakyan sila mama at si Samuel. Tinitigan ko muna ang bahay namin bago
napagdesisyunang pumasok na rin sa loob.

Bago ako makapasok ay natigilan ako. Mula sa malayo ay may nakita akong naka-tayong
lalaki na nakasuot ng hoodie. Hindi makita ang mukha nya dahil madilim ang parte sa
kinatatayuan nya.

Nanigas ako at napasinghap.

No.. he can not be Pierce. He didn't wait for me until now. Umuwi sya kagabi diba?
Hindi sya nagstay doon. Hindi nya ako binantayan!

Lumunok ako at pumasok sa loob. Paano nga kung sya yon? Lalapitan ko ba sya? Pero
mas lalo kaming mahihirapan. Baka hindi na ako sumakay pa. Baka hilahin ko na lang
sya. Mabigat na ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko na kayang makita syang
nasasaktan sa oras ng alis ko.

"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ng driver.

Tumingin ako sa labas ng salamin. Nakikita ko parin ang naka-black hoodie na


nakatayo sa malayo. Nakatingin sya sa sinasakyan namin.
Nang sumagot si mama na ayos na ang lahat ay unti-unting lumakad ang sasakyan at
halos saksakin ako nun sa puso. Pinigilan ko ang luha ko habang papalapit ang
sasakyan doon sa naka-hoodie. Madadaanan kasi namin sya. Please, please don't be
Pierce.

Nanigas ako nang malapit na kami sa kanya. Nag-uunahang maglabasan ang luha ko.
Nakatingin sya sa sinasakyan namin na tinted kaya hindi nya ako makikita sa loob. I
saw the same innocent yet cold eyes. Ang seryosong mukha at ang tingin ng mga mata
na iyon na ayaw akong paalisin. Na nakikiusap na manatili ako sa tabi nya. Nakita
ko sa sandali na iyon ang mga mata nyang lubusang nasasaktan at nahihirapan.

It was him. Nandoon sya! Saan sya natulog? Natulog ba sya? Naghintay ba sya saakin?
Damn!

Agad kong inabot ang cellphone ko.

To Pierce:

Bakit ka nasa labas? Bakit naghintay ka dyaan? Kailan ka pa dyan? Umuwi ka na!
Malamig pierce! Pinagaalala mo ako!

Pinigilan ko ang luha sa pagbuhos. Nakita ko agad na may mensahe sya.

From Pierce:

I'm okay.
=================

TKP 55

TKP 55

Niyakap ko ang sarili ko sa loob ng sasakyan. Gustong-gusto kong tawagin si Pierce


ngunit pinili kong hwag na muna. Pinilit kong hindi sya lingunin. Pinilit kong hwag
nang tumingin.

15 years old ako at malapit nang mag-16 sa April. Si Pierce naman ay magse-17 sa
March. We're young, but we know what love really is, we know how to love.

Nang mag stopover kami para kumain ay doon ko lamang napagdesisyunang tawagan si
Pierce. Ni hindi sya nagte-text saakin. Galit parin sya.

"Yes.." Aniya sa kabilang linya.

Bumuntong hininga ako. "Kamusta?"

Hindi sya sumagot at tanging boses ni Kret ang naririnig ko. Nakikipag-usap yata si
Kret sa manika nya.

"Uhm, kalaro mo si Kret? Mukhang masaya dyan ah!" Bumungisngis ako. Ayoko lang na
matapos ang pag-uusap namin.
"Nope," Sagot nya lang.

Tumawa ako. "Anong ginagawa mo?"

"Naglalaro." Payak na sabi nya.

Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan dahil halatang galit parin talaga sya.

"Ng?"

"GTA," Aniya, mukhang tinatamad.

Nakagat ko ang labi ko. Mukha syang tinatamad. May takot ako sa buhay na baka
magsawa ang lahat ng tao saakin. Ganun talaga ang pag-iisip ko. Pero hindi naman
ganun si Pierce. Hindi.

Maayos naman diba? Kung iyon naman ang paraan nya para libangin ang sarili nya eh.
Siguro nalilibang lang sya ng sobra kaya hindi nya ako magawang kausapin ng maayos.
Siguro ganun nga.

Ngumisi lang ako. "Ahh.. sige, tinatawag na ako nila mama. Byahe na ulit kami.."
Naghintay ako ng halos sampong segundo ngunit hindi sya nagsalita. Tinignan ko ang
screen ng phone ko at pinatay na lamang iyon. Huminga ako ng malalim bago lumabas
ng restroom at pinuntahan sila mama.

Sobrang lungkot ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay wala nang mas lulungkot pa


rito.

Bago ako makatulog sa loob ng sasakyan ay nagvibrate ang phone ko at galing iyon
kay Pierce.

From Pierce:

Rest, okay? Did you have enough sleep? Baka mahilo ka, take meds okay? I love you.

Napangiti ako at agad na nagreply. Sya nga itong mukhang hindi nakatulog ng maayos.
Hindi ako sigurado kung naghintay talaga sya buong oras sa labas ng bahay.. sana ay
hindi.

To Pierce:

Okay :) Pahinga ka rin ah. I love you too.

Nakatulog ako dahil hindi na ulit nagreply si Pierce. Nang gisingin ako ay nasa
airport na kami. Bumaba kami nila mama at nagcheck in. Matapos magcheck in ay
naghintay kami sa departure area.

Kung akala ko ay wala nang mas bibigat sa pakiramdam ko ay meron pa pala. Lalong
bumibigat habang pinapanuod ko ang oras. Gusto ko ulit tawagan si Pierce kasi alam
kong sa kanya lang, huhupa na ang nararamdaman kong bigat. Isang salita nya lang.
Kung ayos sana kami ay hindi naman ito ganito mahirap.

"Ayos ka lang?" Tanong ni mama.

Tumango lang ako at ngumisi.

Naghintay pa kami ng isang oras bago napagdesisyunang pumasok. Hatak-hatak ko ang


isang maleta at nakasampay sa forearm ko ang jacket, ang bigat ng pakiramdam. Bakit
ganun?

Naramdaman kong tumulo ang luha ko ngunit agad ko iyong pinahid. Ang lungkot
talaga.

Alam ko namang nasasaktan ko si Pierce. Pero nasasaktan rin ako sa ginagawa nya.
He.. is not matured enough. Kung sana lang ay naiintindihan nya, o kaya naman ay
sinusubukan nya akong intindihin.

Dahil sa hindi pa sya ganun ka-matured mag-isip, alam kong pwedeng-pwede pa syang
magmahal ng iba. That is not impossible. Kapag nangyari yun, I guess,
magpapasalamat na lang ako na wala ako sa bansang ito para masaksihan.

Pero naniniwala akong mahal nya ako. Yun nga lang ay hindi ganun katibay. At ito na
talaga siguro ang paraan ni God para saamin.

Nang maayos na ang lahat ay tumanganga lang ako. Eto na yun. Nasa loob na kami ng
eroplano.
Ilang buwan na ba kaming magkakilala ni Pierce? Tss. Kung ano-ano talagang maiisip
mo kapag nahihirapan ka at nasasaktan ka. Mas mabuti na lang siguro na hindi ko na
muna isipin.

Sinaksak ko ang earphone sa tainga ko at nakatulog. Maya-maya ay naramdaman kong


nag takeoff ang eroplano.

"Hello, ate Princess!" Kumaway saakin ang anak ni tita Angela na si Sara. Sinundo
nila kami sa airport.

Ngumiti rin ako sa kanya at inakay sya. Halos 13 hours yata ang byahe namin kaya
naman pumupungas-pungas pa ako dahil halos puro tulog rin ako at hilong-hilo pa.

Gusto ko na agad puntahan si papa.

"Tuloy muna tayong, ospital?" Tanong ni tita Angela.

Pumunta na kami ng sasakyan. Ang nagmamaneho ay ang panganay na lalaki ni tita, si


kuya Ashley.

Nag-usap pa sila ni mama. Nakikinig lamang ako sa kanila at minsan ay sumasagot


kapag kinakausap ako.
Nagkunwari na lamang akong tulog dahil madilim na rin naman sa labas. Ang ganda..
dumapo ang mga mata ko sa street lights at nagtatangkarang buildings. Sana ay
kasama ko si Pierce ngayon.

Kinurot ang dibdib ko. May message na kaya saakin yun?

Nang makapunta kaming ospital ay hindi parin gumigising si papa. Maayos naman na
raw ngunit hindi pa rin sya dumidilat.

Hinawakan ko ang kamay ni papa. "Gising na pa.." Napangiti ako at naiyak. Miss na
miss ko na sya.

Gusto ko sanang doon na matulog ngunit pina-uwi kami ni tita Angela para matulog.
Hinatid kami ni Ashley sa tinutuluyan ni papa.

"Ahh.." Ungol ko nang makahiga ako sa kama. Nakakapagod. Gusto ko ng totoong tulog.

"San kwarto ko, ate?" Tanong ni Samuel saakin habang nakasilip sa kwarto ko.

Kinunutan ko sya ng noo. "Sa kabila ka raw ah? Tanungin mo na lang si mama.." Sabi
ko.

Lumabas ng kwarto ko si Samuel at agad akong nagbukas ng facebook. Laking dismaya


ko nang makitang wala syang message. 
Nakagat ko ang labi ko at chinat sya.

Princess: Nakauwi na ako at nabisita ko na rin si papa. :)

Hindi sya online.

12 hours yatang ahead ang Pilipinas dito. So oras na lang ang hinihintay nila
Pierce para mag New Year. 

Kung wala sanang nangyaring masama kay papa, siguro magkasama na kami maya-maya ni
Pierce.

Pumikit na lang ako at nakatulog.

Kinabukasan ay nagising ako nang 7:30 ng umaga. Hindi naman malamig na malamig
dahil may heater.

"Punta tayong ospital mamayang 10." Ani mama.

Tumunog ang cellphone ko at agad na nagtatakbo sa kwarto ko para tignan ang


nagmessage, ngunit hindi si Pierce ang nagchat saakin. Si Loraine.
Loraine: Cess! Kamusta ang canada?!

Nagtype ako ng reply sa kanya at matagal pa kaming nagka-usap. Nakita kong hindi pa
rin online si Pierce.

Umalis kami nila mama at nagpuntang ospital. Medyo patingin-tingin pa ako sa


paligid dahil medyo nakakapanibago. Ibang-iba rin ang mga itsura nila. Hindi ko
alam kung matatangkad ba talaga sila o sadyang maliit lang ako.

Nakipagkwentuhan kami kila tita Angela at close ko na ang anak nyang lalaki na si
kuya Ashley. May itsura sya at ahead sya saakin ng limang taon.

"May boyfriend ka sa Pinas?" Tanong nya habang kumakain ng ubas.

Tumango ako at natawa.

Napatango sya. Kumunot ang ilong nya. "Meron din ako dati,"

"Boyfriend?" Tawa ko.

Umirap sya saakin at lalo akong natawa. "May girlfriend rin ako noon, LDR rin kami.
2 years na kami nung pumunta ako dito. Nung nagtagal na ako ng limang buwan dito,
nagbreak kami.."
Nakaramdam ako ng matinding lungkot. 2 years.. ang tagal na nila.

"Bakit kayo nagbreak?" Tanong ko.

Ngumisi sya. Nakatingin lang sya sa mga paa namin na nasa sahig, magkatabi kasi
kami. Sila tita Angela at mama ay kalalabas lang.

"Masyado pa kasi kaming bata noon, tapos.. nakakilala pa ako ng iba." Aniya.

Nalaglag ang panga ko. "Huh?"

Tumango sya. "May nakilala ako eh. Pero mahal na mahal ko yung ex ko nun.." Aniya.
Tumango lang ako. "Iyak sya ng iyak, sabi nya, susunod na raw sya. Noong una kasi,
ang gusto nyang mangyari ay tapusin muna ang college sa Pilipinas, saka sya susunod
saakin."

"Bakit naghanap ka ng iba?" Kunot noong tanong ko. Nasaktan ako para sa babae.

Ngumuso sya. "Ewan.. bigla na lang akong na-in love sa iba eh."

"Tss!" Iling ko. Bakit nga kaya?


Natawa sya sa pag-iling ko. "Ganun talaga yun, Princess." Hinawakan nya ako sa
balikat. "Ang lalaki, mabilis mahulog yan, basta samahan at aluhin lang ng babae,
madaling mapa-mahal yan.."

Sumasakit ang dibdib ko sa mga pinag-sasasabi nya. "Bakit.. bakit hindi mo na lang
sya pinasunod agad?"

Bumuntong hininga sya. "Para saan pa? Para paasahin at saktan sya? Sapat na yung
nasaktan ko sya nang sabihin kong ayaw ko na."

Kung magsalita sya ay para bang mahal na mahal parin nya iyong babae. Na para bang
may matindi pa rin syang nararamdaman. Nakikita ko rin iyon sa mga mata nya. May
natitira pa rin.

"Hindi mo na ba sya mahal?" Tanong ko.

Ngumisi sya. "Sobrang ko syang minahal. Tagal namin eh, almost 3 years rin? Tropa
ko yun eh, kaya matagal na talaga kaming magka-kilala. Kaya nung may nakilala ako,
sinabi ko agad sa kanya. Masasaktan rin naman sya eh. Sinabi ko na agad.."

"Anong reaction nya?" Tanong ko.

Lalo syang napayuko. "Syempre, nagalit nung una. Tapos, nakiusap. Masakit syang
makitang ganun. Minahal ko yun ng sobra eh."

Minahal? "Pero ngayon.. hindi mo na ba talaga sya mahal?"


Suminghap sya. Natawa sya at sumandal. "Hindi ko alam? Nawawala ba yun? Medyo
guilty pa rin ako, pakiramdam ko, nagcheat ako. Pero kung tatanungin.. oo, siguro
mahal ko pa rin sya."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko sya maintindihan. "So.. bakit pa kayo naghiwalay?"

Nakagat nya ang labi nya. "Mahal na mahal ko yun, pero yung babae na to ngayon, iba
yung pagmamahal ko sa kanya eh. Tipong ayaw ko nang pakawalan, ayaw ko nang malayo
talaga. Para bang.. yung mga taong sobrang minahal ko noon, parang hindi ko talaga
minahal dahil labis-labis ang nararamdaman ko sa kanya." Nagkibit balikat sya.
"Wala eh, hulog na hulog ako sa isang to.."

Tinitigan ko lang sya habang may mga naiisip na malalim.

Natawa sya at tinapik ang mukha ko para hindi ko sya tignan. "Hey, I'm not a jerk
okay? Pakiramdam ko talaga, hindi ko na sya mahal, pero gusto kong isipin na
minahal ko talaga sya 'cause she's still.." Ngumuso sya at parang hirap na ina-
alala ang ex nya. "special, I know. Naalala ko pa kung gaano ako kabaliw sa kanya.
Pero hindi ko maalala yung nararamdaman ko.."

"Ganun.. ang hirap naman pala."

Tumango-tango sya. "Mahirap talaga pag malayo kayo sa isa't-isa. Nandyan yung,
masusukat kung may tiwala ba talaga kayo sa isa't-isa. Nandyan ang tukso. At
nandyan yung tanong kung talaga bang kakayanin nyo. At sa sorang katakutan, siguro
naisip mo na lang na hindi mo kaya."
Napa-iling ako. "Kakayanin namin.. malakas naman kami."

Natawa sya. Pero hindi ako nainis sa pagtawa nya. Napaka-sarap nyang kausap. Ang
relaxing nyang tignan.

"Hindi naman sa mahina kami, Princess. Siguro may mga tao talagang hindi ginawa
para sa iyo. May mga taong.. bandang huli ay iiwan ka rin. Kasi way lang iyon ni
God para palakasin ang pagkatao mo, para patibayin ka. Para pag natagpuan mo na
talaga ang taong para sa'yo, hindi ka na mahina. Makakayanan mo na."

Napatitig ako sa kawalan. Hindi ko alam ang dapat maramdaman.

"Tinatakot mo ba ako, kuya Ash?" Tanong ko.

Halakhak ang sinagot nya saakin. Napailing sya. Tumitig parin ako sa hangin. I
don't know his story, pero I'm sure that he still loves the girl.. yun nga lang,
sigurado rin ako na mahal na mahal nya ang isang to.

"Nah, sinasabi ko lang sa'yo yung nangyari saakin. That's life, Princess. You
should know when to hold on, and when to let go. May mga bagay na hindi talaga
naka-laan para sayo.. and we are made to accept it. To accept what is really for
us, and what is not."

Ang sakit nun.

Nang mga oras na kausapin ko sya ay doon ko narealize na iba pala talaga ang first
love, sa true love. Engaged na sila ng girlfriend nya ngayon na si Yvette.

Ang first love naman nya, kinuwento nya saakin na sobra-sobrang minahal nya.
Highschool lovers raw sila, naghiwalay sila noong nag-18 na sila. At inisip pa raw
nilang wala nang makapag-papahiwalay sa kanila.

Ang sakit-sakit ng kwento nya. Iniwan ako nun na nag-iisip. Si Pierce din naman ay
ganun saakin. Sobrang nya akong mahal ngayon, ako ang first love nya. Pero ako ba
ang true love nya?

Nang tignan ko ang orasan ay 12 na ng tanghali rito. Sa Pilipinas ay New Year na!
Paniguradong nanunuod na ng fireworks si Pierce. Kamusta kaya iyon? Hindi
nagpaparamdam eh.

Siguro busy? Kasama nya ang buong pamilya nya eh.

Tinapos namin ang araw na iyon sa ospital. Nag New Year kami kasama si papa na
natutulog lang.

Nitong mga nakaraang araw ay puro na iyak ang inaatupag ko. Nakakainis. Pakiramdam
ko ay lalo akong pumapangit.

Paggising ko kinabukasan ay chinat ko si Pierce. Online na sya ngayon.

Princess: Skype tayo? :)


Hinintay ko syang magreply.

Pierce: Next next week na lang.

Inabala ko ang sarili ko sa pagbibili namin ni mama ng mga kailangan pa naming mga
bagay sa malls. Pati na rin ang mga kulang pa naming damit. Kasama ko ulit si kuya
Ash at sya lang ang tanging kausap ko.

Iniiwasan kong mapag-usapan namin ang boyfriend kong si Pierce dahil pansamantala
pa kaming hindi maayos. Oo, hindi maayos si Pierce saakin. Ayoko muna syang replyan
dahil sa mga reply nyang mai-ikli at ayokong magalit dahil baka mas lalo lang
kaming mag-away.

Pero ang totoo.. masakit.

Sumalampak ako sa kama. Kinuha ko ang phone ko ngunit hindi naman online si Pierce.

Nagchat ulit ako sa kanya. Nagbabaka-sakaling, maayos na sya. Baka gusto nya lang
na ako ang mauna.

Ganun naman sa relasyon eh. Hindi kailangang lalaki ang nauuna, minsan dapat kahit
babae ka, matuto kang mauna. Anong mangyayari sa relasyon nyo kung palaging lalaki
na lang ang nanunuyo?
Princess: Uy, skype tayo? Miss na kita eh :)

Ngunit buong araw syang hindi nagreply.

Pagkatapos ng araw na iyon ay medyo umayos naman si Pierce. Nagrereply na sya


saakin, iyon nga lang ay sobrang mabagal.

Ramdam ko na ayaw makipagskype ni Pierce. Palagi syang may sinasabing excuse para
lang hindi kami magskype. It's been almost 1 week, hindi pa rin kami nags-skype.

I miss him already. Sinasabi nyang miss nya rin ako ngunit hindi naman nya gustong
makipag-video call.

Pierce: Can we just video call next week?

Iyon ang sinabi nya saakin. 7 AM ngayon at 7 PM naman sa kanila. Hindi ko na muna
sya china-chat dahil sobrang tagal nya magreply at mukhang hindi pa nya gusto
makipag-usap. Hanggang kailan kaya syang ganito?

Biglang nagring ang phone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang screen ng phone
ko. Tumatawag ang kapatid ni Pierce saakin na si Klark. Sinagot ko iyon agad.

"Klark?" Sagot ko sa tawag nya. 


"The one and only,"

Kumunot ang noo ko. Bakit kaya ito tumawag?

Humiga ako sa kama at nalungkot. Naalala ko tuloy si Pierce dahil magkaboses sila,
magkaiba lang ng tono. Si Klark ay.. malandi at mapaglaro kung magsalita.

"Bakit?"

"Kamusta sa Canada?" Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

Napatango lang ako kahit hindi ko sya nakikita. "Okay naman.. si Pierce? Kamusta
naman yung kapatid mo?"

"Uhh," Iyon ang narinig ko bago sya tumikhim. "I have something to tell you,
Princess." Aniya.

Kinabahan ako doon. Ewan ko ba. Hindi naman sya tatawag dahil lang mangungumusta.
Sigurado akong dahil ito kay Pierce.

"Ano?"
"Well.. ayoko na sanang sabihin dahil ayaw ni Pierce, pero masyado na kasing
matigas ang ulo nya at sumasakit na ang ulo ni mommy." Narinig ko ang pagbuntong
hininga nya na para bang may pakialam talaga sya.

Kumunot ang kilay ko. Ang dai nyang sinasabi. Kinakabahan lang ako! "Ano ba 'yun?
Pinapakaba mo naman ako.."

"Naaksidente si Pierce."

"ANO?!" Gulat na sigaw ko. Anong aksidente? Oh god!

Nakaramdam agad ako ng kaba. Gusto kong makita si Pierce. Bakit naaksidente sya?!
Paano na ngayon? Hindi ko sya makikita at mapupuntahan!

"K-kailan Klark? Kachat ko lang sya kanina.. Sabi nya hindi sya lalabas. Ano,
kamusta na ba? Saang ospital?"

Narinig ko ang pagtawa nya. "Relax!"

"Klark naman eh! Sinabi mong na-aksidente si Pierce tapos uutusan mo akong
nagrelax?!"

Suminghap sya sa kabilang linya. "Bago mag New Year pa sya na-aksidente. Relax.
Medyo ayos na sya ngayon. May cast na lang ang kanang balikat nya at may mga gasgas
at pasa pa sya sa mukha, pero ayos naman na."
Napasinghap ako. "Ano nangyari, bakit na-aksidente?"

"Sa motor nya. Naglasing eh. Sa kanya mo na itanong kung bakit. Kausapin mo na
lang. Sayo sumusunod 'yun eh."

Matapos kong magpaalam kay Klark ay binaba ko na ang phone ko. Chinat ko agad si
Pierce.

Princess: Skype. Now.

Galit na galit ako ngunit nagaalala parin ako. Paano nya nagawang hindi sabihin
sakin 'to?! Bakit hindi man lang nya sabihin sakin? Kailangan pa talaga nyang
isekreto.

Nakita kong nagta-type na sya. Matagal bago sya nakapagreply. Ngayon ko lang na-
realize na kaya baka matagal syang magreply ay dahil may cast ang kanang balikat
nya.

Pierce: I cant princess :( di pa ako naliligo

Nakagat ko ang labi ko. Kaya pala iba't-ibang rason ang ginagamit nya.

Princess: Excuses! Skype na kako. Isa.


Pierce: Matuturn off ka sakin

May iyak-iyak pa syang emoji na nakalagay.

Princess: Wala akong paki! Skype na!

Pierce: Please? Sa next week na lang..

Medyo nakakainis pa dahil sobrang tagal nya magreply. Wala talaga syang balak na
ipaalam saakin.

Princess: Ngayon na.

Pierce: Please..

Princess: Makikipagbreak ako kapag hindi ka nakipag-skype!

Hinintay kong magreply sya pero bigla na lamang syang tumawag sa skype.
"Thank god.." Naibulong ko. Gusto ko na sya makita. Kaya pala ayaw nyang
makipagskype, dahil lang sa na-aksidente sya! At hindi nya pa aaminin saakin, ah?

Nang bumukas ang camera nya ay nakita ko lang ang kwarto nya at ang kama nya. Wala
sya doon.

"Bakit ba 'yun..?" Tanong ni Pierce, pero hindi sya nakaharap. Baka nasa gilid sya
ng kama.

God.. I missed his voice. Hindi sya tumatawag saakin at hindi nya sinasagot ang mga
tawag ko. Sa tingin ko ay natatakot sya na malaman ko pa.

Nasapo ko ang noo ko. "Pierce. Harap. Isa."

"Tsk.." Daing nya. "Next week na ako haharap, please?"

Gusto ko syang hilahin mula sa laptop at sabunutan!

"Pierce, alam ko na, na naaksidente ka. Kaya humarap ka na kung hindi, break na
tayo!"

Natahimik lang sya sa kabilang linya pero maya-maya ay nakita ko sya sa gilid na
umupo. Nakaharap na sya ngayon sa camera. Nakaharap na iyon sa kanya at nakita kong
may cast nga ang kanang braso nya. At 'yung mukha nya ay may ilang sugat. Kitang
kita ko ang bandaids sa baba, ilong at kilay nya.
"Oh my god..." Lumambot agad ang puso ko nang makita sya. Nawala ang galit ko sa
hindi nya pag-sabi saakin. Naramdaman kong nangingilid ang luha ko.

Nakayuko lang sya at hindi makatingin saakin.

Pinahiran ko ang luha ko at hindi ko napigilang humikbi. "Ano bang ginawa mo?!
Pierce naman eh! Anong gusto mong maramdaman ko? Malayo ako sayo tapos, naaksidente
ka kasi nag-inom ka! Anong gusto mong maramdaman ko, na malayo ako at wala akong
magawa?!" Humikbi ulit ako.

Tumingin na sya saakin. "Kaya nga ayokong sabihin sayo.. ayokong magaalala ka."
Mahinahong sabi nya.

God! Yung boses nya! Humikbi ulit ako. Gusto ko syang haplusin. Masakit pa kaya?
Gusto ko syang alagaan.

"Sorry.. sorry.." Paulit ulit na sabi nya.

Hinahaplos nya pa ang buhok nya at hindi makatingin. Para bang naiiyak sya at nagi-
guilty.

"Bakit ba kasi naglalasing ka tapos ang dala mo lang, motor?!" Sigaw ko sa kanya.

Yumuko lang sya at hindi nagsalita.


"Ni hindi ko nga nalaman na magiinom ka pala! Bakit hindi mo man lang sinabi?!
Karapatan ko naman Pierce, papayagan naman kita! Sana lang sinabi mo sakin,
girlfriend mo ba talaga ako?"

Humikbi lang ako. Nakakainis naman kasi ang mga sugat nya sa mukha. Ang makinis
nyang mukha ay halos napuno na ng bandaids. Tapos may cast pa sya sa balikat. Paano
sa pasukan nyan? Mahihirapan sya.

"I miss you.." Bulong nya.

Umirap ako at tumingin sa taas para pigilan ang luha ko.

"Sinabi ko kila mommy na susunod ako sayo.." Bulong nya. Nakayuko parin sya. 

Doon nya nakuha ang atensyon ko. Kumunot ang noo ko. Nababaliw ba sya?

"Sa Canada rin nakatira ang tita ko. Nagpaalam ako na dyaan na lang mag-aaral. H-
hindi ako pinayagan.." Para syang bata na nagsusumbong saakin.

"What the— eh ano ba kasing kalokohan 'yun Pierce! Hindi ka talaga nila papayagan!
Ang bata mo pa!"
Ngumuso sya habang nakayuko parin.

"At kaya ka naglasing dahil hindi ka pinayagan? Ano ka ba? Para kang bata na
nagpaalam na gagala at hindi pinayagan ah! Hello, Pierce! Iba ang pinaguusapan!
Mangingibang bansa ka at iiwan mo ang pamilya mo, nahihibang ka na ba?"

"Para sa'yo naman eh.." Bulong nya. Malungkot parin sya at nakayuko.

Natahimik ako doon. "Pierce... masyado pa tayong bata. Maghintay na lang tayo..
kung tayo, tayo talaga."

"'Yan ka na naman sa masyadong bata.." Iritadong sabi nya. "Tayo talaga. I will
make that happen. Tsk!"

Niliko nya yata 'yung camera para hindi na nakaharap sa kanya. Laptop kasi gamit
nya.

Sumimangot ako. "Pierce humarap ka!"

"Ayoko na. Pinapalungkot mo lang ako. Wala ka namang tiwala sa'tin."

Napailing ako. "Hindi ganun yun! Ayusin nga natin to!"


Maya-maya ay muli nyang inayos ang pwesto ng laptop nya. Nakatitig na sya ngayon
saakin. Ako naman ang nag-iwas ng tingin. Paano ba to? Tsk. Ang kulit ni Pierce.

"Hwag ka nang magalit.." Aniya.

Tumingin ako pabalik sa kanya at nakagat ang labi sa pag-iisip.

"Hindi ako galit." Sabi ko lang.

Hindi ko sya narinig na nagsalita. Para tuloy wala akong kausap. Nakaharap nga ang
camera sa kanya ngunit hindi naman sya nakatingin saakin. Nakayuko sya at
pinaglalaruan ang hawak na maliit na bola.

"Uy.." Tawag ko sa kanya. "Para kang bata," Tawa ko.

Sumulyap sya saakin at sumimangot. "Tss.."

Natawa ulit ako. Para talagang bata! "Masakit pa ba?" Tukoy ko sa balikat nya.

Napangiti ako. At least ngayon hindi na ako nag-iisip kung bakit sya palaging
umiiwas. At hindi na rin ulit sya iiwas dahil alam ko na.

"Medyo, pero ayos na." Sabi nya lang at humalumbaba.


Natawa ako. Gusto ko na syang haplusin. Kung pwede lang manghatak mula sa screen,
kanina pa sya nandito.

"Kiss ko na lang para hindi masakit." Biro ko at tumawa.

Sumimangot pa rin sya at umirap. "Pano mo 'ko ikikiss kung wala ka naman dito?"
Inis na sabi nya.

Natawa ulit ako. Ang adik, manong sumakay na lang sa biro ko. "Ewan?"

"Bumalik ka na dito.." Aniya.

"Sige, bukas." Ngisi ko.

"Seryoso ako."

Umirap ako at nagbuntong hininga.

Pinilit nyang hindi ipakita ang lungkot sa mukha nya sa pamamagitan ng pagpapakita
sa akin ng malamig na ekspresyon. Pero kilala ko na sya. Alam kong nasasaktan at
nakulungkot sya ngayon. Eh ano ba ako?
"Ang hirap ng wala ka dito." Aniya at ginulo ang buhok. Nag-iwas sya ng tingin at
nagbuntong hininga.

Hindi ko alam ang isasagot. Paano ko sya iko-comfort?

"Paano na ako ngayon papasok sa school nito? Wala ka doon." Inayos nya ang patilya
nya. "Boring yun.."

Nakagat ko ang labi ko at muling hindi nakasagot.

"Ilang months na lang naman, graduation na." Sabi ko na lamang.

"Ayoko na magcollege." Aniya.

Pumikit ako ng mariin. He can't do this. Hindi pwedeng umiikot ang buhay nya
saakin. Hindi pwedeng ako yung distraction nya. Ako pa nga dapat ang inspiration
nya eh. Mali ito. Ang tamarin sya dahil lang sa wala ako.

"Pierce may buhay ka, hindi lang dapat dahil sa wala ako, tamarin ka. Hindi ka
dapat maging ganyan.." Frustrated na sabi ko.

Nagulo nya ang buhok nya. "Ito naman talaga ako. Tamad na ako noon pa, Princess.
Inayos ko lang ang sarili ko dahil nandyan ka, pero ngayong wala ka, hindi ko na
alam.."

Suminghap ako. "Pierce.. sana naman subukan mo akong intindihin oh. Kakayanin naman
natin."

Tumango sya kahit hindi nakatingin sa akin. Para bang paulit-ulit naman nya iyong
naririnig.

"Naiintindihan ko na. Ang hindi ko lang alam ay kung kakayanin ko."

Kumurap ako habang nakatitig sa kanya na nakayuko at tinitignan ang palad para lang
iiwas ang tingin saakin.

"Kakayanin mo yan! Kaya ko, kaya kaya mo rin!" Pagchi-cheer ko. Kung nanghihina ang
loob nya, edi papalakasin ko.

"Kaya mong wala ako," Aniya. "Pero ako hindi. Nasanay na akong nasa tabi mo."

=================

His Point Of View (Part 1)

PIERCE JYN JIMENEZ

"Akala ko ba may crush sakin yung bata na yun?" Naiinis na sabi ko kay Yvo.
Nakikipaglaro sya sa mga kaklase naming babae.

"Sino?" Tanong nya habang nakikipagtawanan.

"Yung Princess!" Naiinis na sigaw ko dahil ayaw nya akong pansinin. Isa pa,
nakakabadtrip yung Princess na yun!

"Hindi bata sa atin si Princess, grade 5 lang rin sya." Walang pakialam na sagot ni
Yvo dahil sya na ang titira sa laro nila.

Tumalon talon sya doon sa sementadong daan na may mga guhit gamit ang puting chalk.

Umupo ako sa tabi nila Clinton na naglalaro lamang sa gadget nya. Ibinato ko sa
lamesa ang laruang helicopter at remote control. Nakita ko si Jynx na nakaupo
habang minamasahe ang kamay ng babae naming kaklase na si Jela. Psh.

"Kainis," Iritadong bulong ko.

Ang sabi saakin ni Yvo ay may nagkaka-crush saaking babae na Princess ang pangalan.
Pero inaway ako ng Princess na yun kanina.

Lalo akong sumimangot habang inaalala ang itsura nya.


"Bakit inaway mo ang bestfriend ko?" Tanong ng babae na hindi ko kilala.

Tumingin ako sa kanya saglit para makita sya. Naka-ipit ang buhok nya na
naghihiwalay sa gitna at nakataas iyon.

Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ang pagcocontrol sa maliit kong helicopter na


inumit ko lang sa schoolmate ko dahil kinuha ni Klark ang laruan ko. Isa pa,
nakakasawa palang magcontrol ng mga kotse! Airplanes and helicopters are fun!

Mamaya magpapabili ako kay daddy.

"Akin na nga yan!!" Sigaw nung babae at inagaw saakin ang controller kaya bumagsak
ang helicopter.

Tumingin ako sa babaeng pakialamera.

"Sino ka ba!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Bestfriend ako ni Gian, yung inagawan mo ng laruan na to!" Inirapan nya ako.
"Hmp!" Pinulot nya ang helicopter.

Hindi ko alam kung bakit nya ako sinigawan. Hiniram ko lang naman yung helicopter
nung lalaki na yun, sino ulit? Si Gian!

Tumayo ako para kuhanin ang controller at helicopter ko sa kanya. Edi kung gusto
nya, yung Gian ang kumuha!

Napa-atras sya at parang iiyak dahil halos magkapantay lang kami. Hanggang kilay ko
yata.

Kinuha ko agad sa kanya ang laruan.

"Hindi naman sayo yan!" Sigaw nya.

"Inaangkin ko ba!" Iritadong sabi ko.

Kainis.

"Princess!" Tawag sa kanya ng isang batang babae na sa tingin ko ay kaklase nya.

Tumingin muna sya sa tumawag sa kanya bago bumalik ang tingin saakin. Umirap pa
sya. "Ang salbahi mo!" Sigaw nya sa mukha ko at dumila bago tumakbo palayo.

Princess? Sinabi saakin kahapon ni Yvo na may nagka-crush saaking Princess ang
pangalan.
Bad trip! That girl is so stupid! Hindi ganun magpakita ng pagka-crush sa isang
tao! Tsk!

Kinabukasan ay mayroon na akong bagong helicopter. Binalik ko na kay Gian ang bulok
nyang laruan, baka mamaya kasi ay lalo pang magalit saakin ang Princess na yun.
Tss!

Naglalaro ako nang biglang dumaan yung Princess. Hindi sya tumitingin saakin. Hindi
sya kagaya ng ibang nagkaka-crush saakin na panay ang tingin.

Napailing ako. Kakaiba naman tong isa na to.

"Hoy Princess!" Sigaw ko sa kanya. Nakakunot ang noo ko habang tinatanaw ko sya.

Lumingon sya saakin at nang makita ako ay umirap lamang sya at nagtuloy-tuloy ulit.

Tsk. Kakaibang klase 'tong babae na to. Gusto pa pala yung crush nya ang lumalapit
sa kanya? Bakit ayaw nyang magpapansin saakin katulad ng ginagawa ng ibang babae sa
crush nila?!

Nilapitan ko sya at hinatak sa siko. "Hoy!"


"Hwag mo nga akong ho-hoy-in. May pangalan ako!" Irap nya at pinilig ang braso,
nabitawan ko tuloy.

Ang lakas ng bibig nya! Hindi naman masyadong malakas ang sigaw ko sa kanya pero
sya kung makasigaw! Hinawakan ko ang ID nya para tignan ang buong pangalan nya.

Princess Jade Torres

Ngumisi ako. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako na crush nya ako. Ah, kasi hindi
sya kagaya ng iba. Kakaiba sya. Nakakatawa sya.

"Galit ka parin ba sakin?" Tanong ko.

Noong una ay nanlilisik ang mga mata nya pero nang marinig nya ang tanong ko at ang
kalmado kong boses ay umiling sya. "Medyo. Kasi pinaiyak mo yung bestfriend ko eh."

Bestfriend nya nga yung may ari ng laruan. May bestfriend syang lalaki?

"You have a guy friend?"

"Oo, wala namang masama doon ah?" Nagtataka ang inosente nyang mata.

Tss. May mga kaibigan akong lalaki. May mga malapit sa kanilang babae. Sabi nila,
kaibigan lang nila yon, pero hindi ganun ang nakikita ko.

I guess, iba naman si Princess. Mukha syang tahimik. Pero maingay sya.

Napatango ako. "Okay."

Ngumiti sya saakin at habang nakatitig sya saakin ay namula sya. Anong iniisip nya?

"P-pasok na ako.."

Hindi ako nakapagsalita hanggang sa nakapasok sya.

Sumarado ang pinto ng room nila at naiwan ako sa labas. Napahawak ako sa likod ng
ulo ko at pinigilang ngumiti. Nakagat ko ang labi ko at umiling.

Hindi na pala sya galit.

Napangisi ako.

Ano naman kung hindi na sya galit?


Bakit natutuwa ako?

"Pierce, pumasok ka na.. Baka ma-late ka pa. Malapit na si ma'am." Sabi ni Elaine
sa mahinang boses.

Hindi ko sya pinansin at dumiretso kila Yvo.

Gusto ko sanang magtanong tungkol kay Princess. Kinausap na ni Princess si Yvo?


Pero hindi na ako nagtanong. Baka isipin pa nya na crush ko rin si Princess. Hindi
ah?

Isang araw ay tumambay ako sa labas ng room nila. Hindi sa mismong labas ng room
nila, sa may malapit na upuan. Baka isipin pa ni Princess na hinihintay ko sya eh.

Nakita ko si Gian na dumaan. Tinanguan ko sya kaya naman ngumiti sya saakin.

Tumayo ako para makipag-high five kay Gian. Kahit kila Yvo ay hindi ko to ginagawa.
Pero bakit sa bestfriend ni Princess, kailangang gawin ko to?

"Si Princess?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa court eh, nakita ko kanina nakikipaglaro sa mga kaklase namin." Sabi nya.
Tumango lang ako sa kanya at pumunta sa court.

Nakita ko si Princess na nasa malayo habang nakikipaghabulan sa mga babae. Umagang-


umaga habulan. Pano kung pawisan sya? Tapos aircon pa naman sa room, matutuyuan
lang sya. Pinagbawalan na kami ni mommy na maglaro, dapat daw ay sa uwian na lang.

"Princess!" Tawag ko sa kanya at umupo sa bench.

Lumingon sya saakin at ngumiti. Kinausap nya ang mga kaklase nyang babae at
tumingin ulit saakin bago lumapit.

"Uy.." Namula sya habang nakatingin saakin.

Hindi sya umupo kaya naman tinapik ko ang tabi ko.

"B-bakit tinawag mo ako?" Tanong nya. Umupo sya sa tabi ko ngunit malaki ang space
sa gitna namin.

Nagkibit balikat ako. Nakaramdam agad ako ng hiya kaya napakamot ako sa ulo ko at
nag-iwas ng tingin. "Hindi ka dapat naglalaro kapag umaga."

Hindi sya agad nagsalita. "Ahh.." Sangayon nya.


Kinuha ko ang bag ko mula sa pagkakasakbit nun sa likuran ko. Walang laman iyon
kundi ang mga pagkain ko.

Nilabas ko ang dalawang chuckie. Kay Klark ang isa pero nalimutan nyang kunin sa
ref kanina kaya naman saakin pinadala ni mommy. Okay lang na wala syang chuckie
ngayon. Malilimutin naman sya.

"S-sakin na lang to?" Tanong nya.

Tumango lamang ako. Tinignan ko sya habang nilalagyan nya ng straw ang chuckie.
Hindi ko kasi sya matignan mabuti kapag sya ang nakatingin.

Tsk.

"May bago akong laruan, gusto mong subukan?" Tanong ko. I don't know what to say.

Sumulyap sya saakin at tumango. "Anong laruan?" Tanong nya.

Nilabas ko ang laruan kong helicopter. Medyo sumimangot sya.

"Hindi ako naglalaro ng ganyan eh.. Barbie lang." Aniya.


Ngumiwi ako. "Barbie? Ano namang ginagawa mo sa barbie?"

Tumawa sya. Yung medyo malakas at medyo mahina. Ang cute naman ng tawa nya?

"Syempre, binibihisan. Palagi ko ngang pinapalitan ng damit yon eh, ang cute-cute
kasi eh." Ngumiti pa sya.

Napatango na lang ako at nag-iwas ng tingin. "Nakakapagod naman pala laruin ang
laruan mo."

Ngumuso lang sya at nag-isip isip habang iniinom ang chuckie.

Biglang lumapit saamin ang kaklase kong si Elaine.

"Pierce, hinahanap ka na ng kapatid mo. Tska malapit na rin si teacher." Aniya.

Badtrip naman ang isa na to. Palagi nya na lang sinasabi saakin na malapit na si
teacher!

"Oo na, oo na! Tsk!" Iritadong sabi ko. Sana ay umalis na lang sya.

Sumimangot sya at yumuko, pero hindi parin umaalis.


"PJ bad yon..." Sabi ng katabi kong si Princess. "Hindi dapat tinatrato ng ganun
ang babae.."

PJ?

Nakita kong disappointed ang mukha nya. Kinabahan agad ako. Ano kayang iniisip nya
sakin? Salbahi ako sa babae?

Nilingon ko agad si Elaine na hanggang ngayon ay malungkot. Kahit na naiinis ako ay


pinilit kong magsalita ng maayos.

"Oo na, Elaine. Susunod ako.." Mahinahong sabi ko.

Bigla syang ngumiti at namula. Tumango sya ng maraming beses at nagpaalam saamin.
Hindi pa sya nakakadalawang hakbang ay lumingon ulit sya para kumaway.

Nakita ko si Princess na nanunuod parin kaya naman kumaway rin ako kay Elaine at
pasikretong umirap pagkatapos. Why am I doing this?

"PJ," Tawag nya saakin.

"You're calling me PJ?" Tanong ko.


"Kasi Pierce Jyn ang pangalan mo, eh?" Aniya habang nakatingin sa name tag ko.

Tumingin rin ako sa kanya. "PJ ka rin.." Bigla kong naisip.

Humagikhik lang sya. "PJ, sa susunod, laro tayo ah?"

Nagliwanag ang mukha ko. Hindi ko na kasi alam kung pano ko ulit sya kakausapin
pagkatapos nito. "S-sige."

Ngumiti sya at excited na humarap saakin. "Naglalaro ka ba ng Chinese garter?"


Excited na tanong nya.

"Oo." Sagot ko, mukhang kasi syang tuwang-tuwa at ayokong tanggalin ang ngiti nya.

Chinese garter? Ano yon? Tatanungin ko na lang si Yvo baka naglalaro sya nun.

"Wow, yes! Yung mga kaklase ko ring lalaki naglalaro nun, isasali kita saamin, para
naman kakampi mo ang boys!" Ang saya saya nya.

Okay. Sana maging magaling ako sa laro na yon.


"Jham, sagutin mo na raw si Ace!" Naghalakhakan ang mga kaklase ko. What the fck.
We are just in grade 5 at nagliligawan na sila. Ace even told me that he's friends
with Jham.

Namumutla yung Jham na matagal nang kaibigan ni Ace. Schoolmate namin sya.

"Oo nga, tignan mo yung kaibigan mong si Jella. Lagi silang nagde-date ni Jynx!"
Tumawa si Yvo.

Si Yvo lang yata ang walang pinopormahang babae. Pati na rin yung dalawang kapatid
nyang si Yves at Ynnigo.

Nagtuksuhan pa sila. Wala akong ginawa kundi ang tapusin ang kinakain ko. I wonder
what she's doing right now.

"Pierce gustong gusto ka raw kausapin ni Princess." Nanunukso ang ngiti ni Yvo.
Nasa canteen parin kami at kumakain.

Hindi ako interesado sa mga pinaguusapan nila kanina pero nakuha nun ang atensyon
ko.

"W-when?"
"Sinong Princess?" Takang tanong ni Clinton.

"Hmm.. di naman kagandahan si Princess eh, medyo makinis lang.." Singit ni Elaine
sa gilid.

Tumingin ako sa kanya at nagtagpo ang kilay ko. "Princess is pretty,"

Napatingin sya saakin at biglang umamo ang mukha nya. Para syang natakot. Tumahimik
lamang sya sa gilid.

"Ayan na pala si Princess!" Mahinang sigaw ni Yvo na nakatingin sa likod ko.


Nagtinginan pati sila Ace at mga kaklase namin. Kapag sakin kasi ang usapan,
interesado sila.

"Ayun naman pala!" Tumatawang sabi ni Kharl.

"Wooooh!" Hiyaw nila Ynnigo.

Kinabahan ako at parang natuyo ang lalamunan ko.

Lumingon ako para hanapin si Princess, pero hindi ko sya makita. Humarap ako kay
Yvo na nakangisi at nanunukso ang mga mata.
"Saan?" Tanong ko.

Ngumuso sya para ituro ang nasa likod ko, ngunit hindi si Princess ang nakita ko.

"H-hi, Pierce." Ngumiti saakin ang babaeng maputi na may hawak na malaking cotton
candy at binibigay saakin.

Sino to?

"Ayiiiie!!" Hiyawan na mga kaibigan ko. Nangingibabaw ang sigaw ni Yvo.

Hinanap ko si Princess ngunit wala namang Princess na naandito. Tumingin lamang ako
sa babae at tumingin ulit kay Yvo.

"Where's Princess?"

Binato nya ako ng fries. "Iyan nga si Princess!"

At doon ko lang narealize na ibang Princess ang tinutukoy nila. Hindi si Princess
na nakilala ko ang sinasabi nyang may crush saakin. Ang babae na to ay si Princess,
sya ang may crush saakin at hindi si Princess na umaway saakin.
Bumagsak ang balikat ko.

This is disappointing.

Tumayo ako at iniwan silang lahat doon. Gusto ko na lang umuwi ng bahay. Natahimik
silang lahat sa ginawa ko.

Hindi ako pinayagan ng guard na lumabas. Tinatamad ako. Nababadtrip ako!

Pumunta ako sa garden at pinagtripan ang mga dahon doon. Pinagdiskitahan ko ang
lahat ng dahon sumunod ay ang mga bulaklak.

"Anong ginagawa mo? Bawal yan.." Mahinhing sabi ng isang boses. Medyo humagikhik
sya.

Nilingon ko ang pamilyar na boses at nakita si Princess na nakangiti habang nasa


likod ang dalawang kamay at ayos na ayos ang buhok nya.

Ang.. ang cute nya.

Masaya sana kung crush nya ako pero nagkamali lang ako. Inirapan ko sya.
"Kahit sunugin ko to, walang pakialaman." Hindi naman nya ako crush. What does she
wants then? Friendship? I don't give that.

Nakita kong napahiya sya at yumuko. Hindi na sya tuluyang lumapit saakin. Huminto
na sya doon sa kinakatayuan nya. "Sorry, akala ko kasi.. close na tayo."

Mabilis syang tumalikod at tumakbo papalayo.

"Wait.." Pero hindi nya na ako narinig. Kaya naman nilagas ko ang lahat ng dahon sa
inis.

Nakakabadtrip!!

Palagi ko syang nakikita sa school at tuwing nagtatama ang paningin namin, umiiwas
sya at namumula. I wonder why.

Crush nya na ba ako? Parang hindi naman!

Pinanuod ko lang syang maglaro.

"Jade!" Tinawag sya ng kaklase nya at humagikhik sya.

It's been 20 days since we last talked. At ngayon, wala na syang pakialam kung
nakikita ako. Ni hindi nya na ako tinitignan.

Hindi alam nila Yvo ang tungkol kay Princess Torres. Hindi na nila ulit ako tinukso
doon sa isang Princess. Tss. Ang kinakausap ko lang tungkol sa kanya ay yung ibang
kaibigan ni Klark dahil kaklase nila si Princess.

"May crush ba si Princess sa room nyo?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang bola ng
basketball.

"Alam na ba ni Klark yan?" Tawa ni Oliver, hindi pa sinasagot ang tanong ko.

"What?" Kumunot ang noo ko.

"That you like Princess?" Tumawa sya. Tumawa rin si Ellis.

Kumunot lalo ang kilay ko. "I don't like her. I'm just curious." Depensa ko.

Tumango sya na nagkunwaring naniniwala na saakin.

Until we're in grade 6. Fck, dinadaan-daanan nya lamang ako. Like we never knew
each other. Like we never really talked. Nag-usap kami kahit na apat na beses lang
yon!
Damn it.

"Leizel.." Kinulit ni Paris ang kaklase naming babae na magpicture sila. Napairap
ako. Para silang si Klark, hindi ba sila makakatiis na walang babae? We're just in
freaking grade 6.

Agad silang nagpunta sa gilid para ngumiti sa camera. Kairita. Kung kaklase ko kaya
si Princess, close kaya kami? Ayokong close ang iba. Sya, gusto ko.

Ngumuso si Clinton habang tinatasahan ang lapis ni Clarince. Ang kaklase naming
mahiyain. Mahilig si Clinton sa mahiyain at hindi pala-salita.

"Tasahan mo rin daw ang kay Elaine, Clinton!"

"Ayoko nga, magagalit sakin si Cla.." Sumulyap si Clinton kay Clarince.

"Ang landi nyo naman. Parang tatasahan lang!" Iritadong sabi ni Yvo.

Yabang na yabang na inilabas ni Yvo ang kanyang pencil sharpener na pa-lighter ang
design. Tuwang-tuwa ang mga kaklase namin dahil mayroon syang ganun.

"Pa-cool ka talaga, Yvo.." Sabi ni Leizel sa kanya.


Natawa ako dahil totoo.

Nagsimula kaming gumawa ng slogan. Tungkol iyon sa pagpuputol ng puno. Si Yvo ay


pa-ikot ikot sa room upang magnakaw ng ideya. Ako naman ay nagpapagawa kay Klark.

"Yvo, pahiram naman ng pambura." Sabi ni Clarince.

"Ayoko nga! Manghiram ka kay Clinton mo, hah!" Tumawa si Yvo.

"Problema mo ba, Yvo?" Tanong ni Clinton habang nagdo-drawing. Binigay nya ang
lapis nya kay Clarince na may malaki pang pambura sa dulo.

Umirap ako sa pagkakairita sa kanila. Nakakainis. Ang ingay nila masyado. Bakit ba
pinoproblema nila ang maliliit na bagay?

"Pierce, sagutan mo naman to.." Sabi ni Elaine saakin. Pinakita nya saakin ang pink
na notebook na may nakalagay na SLAM BOOK.

Nakakapika. Tinapik ko iyon palayo. "Ayoko. Sa iba na lang," Umirap ako sa notebook
nya.

"Ako na lang ang sasagot!" Inagaw ni Klark ang hawak ni Elaine. Tapos na ni Klark
ang slogan naming dalawa.
Hindi ako nagpasalamat dahil pangit ang ginawa nya sakin. Sa kanya ay maganda.

Malungkot na umalis si Elaine. Nakakainis. Alam naman nyang hindi kami close pero
lapit parin sya ng lapit. Buti sana kung si Princess sya!

Tinatamad na pinanuod ko si Klark. Sinulat nya ang pangalan nya doon, nickname at
ang taon. Habang nagsusulat sya ay tinatamad nyang binato palayo ang hawak na
ballpen.

"Nakakatamad pala!" Iniwan nya ang notebook.

"Uy, Elaine! Ako naman ang sasagot dito ah?" Sigaw ng kaklase kong babae nang
makita ang Slam Book.

Nakasimangot na tumango si Elaine.

"Uy, Elaine, may mga friends ka pala sa kabilang section? Babasahin ko lang ah?"

Kumunot ang noo ko sa kaklase ko. "Hoy, hanapin mo nga kung may Princess dyan."

Nanlaki ang mga mata nya nang magsalita ako. Tumango sya at mabilis nagpalipat-
lipat ng page. Tumigil sya at tumingin saakin. "Princess.. Jade Torres?"
Inagaw ko agad ang Salm Book sa kanya. Ngiting-ngiti akong nagbasa. Hindi ako
mahilig magbasa pero mukhang interesante to.

Name: Princess Jade Torres.

Nickname: Cess/Princess/Jade

Agad kong napansin ang ganda ng sulat nya. Naisip ko tuloy kung matutuwa ba sya
kung makikita ang pagsusulat ko.

Binasa ko ang lahat ng favorites nya at napunta naman sa first crush at first love.

Frist crush: Lando

First love: Lando

First kiss: Wala pa. After ko pang ikasal. :)

Lando? Crush. Love. Love agad? Kainis! Ano bang itsura ng lando na yon?

=================

His Point Of View (Part 2)

Tahimik kong pinakinggan si mommy na pinapagalitan ako. The truth is, ayoko lang
talaga sa school namin ngayon. Ayoko nung isang school na pinasukan, ayoko din nung
isa at mas lalong ayokong kasama si Klark ngayon.
"Tell me, gusto mo pa bang magaral?" Mom asked me. Nanghahamon ang boses nya pero
mahinhin parin. Today, I got expelled. I think, dahil yon sa schoolmate ko si
Klark.

Wala naman akong ginagawang masama sa school.

Humalumbaba ako at tumitig lang sa gilid nya. Pinigilan kong humikbab.

"Jyn, talk to me! Ano bang problema? May kaaway ka ba? Bakit ba palipat-lipat ka ng
school? Kailan ka ba magpapakatino?"

Nagbuga lang ako ng hangin. I don't know. I got no problem. Nakakatamad lang
talagang pumasok araw-araw. Nakakatamad mag-aral. Psh. Nakakatamad gumising araw-
araw. Wala bang bago?

Dumating si Klark at humalik kay mommy. Tumingin sya saakin. "What's the problem
mom?" Ngisi nya. He saw me earlier talking to the principal so knows, tss. "Si
Pierce na naman?"

He is irritating. Hindi ko sya tinignan at nanuod lang ng TV.

Klark is the pain in the ass here. Sya yung maloko, hindi ako.

Natapos na ang pangangaral saakin ni mom nang dumating si dad. Umupo sya sa tabi ni
mommy and kissed her on the cheek. Pinagalitan lang ako saglit ni daddy. We are on
good terms. Sumunusod ako kay dad but he does not pressure me to do what my mom
wants. He said that if I don't want to study then my mom should just let me.
Pagkatapos ng dalawang araw ay suot ko na ang bago kong uniform. I'm going to my
new school today. What I know about the school is that few of my friends study
there. Sila Yvo, Ace.. and, well I'm not sure about this girl..

"Dude, hindi ka ba papasok?" Tanong nila Ellis.

Nagshoot ako ng bola pagkatapos ay sumulyap sandali sa kanila na pinapanuod lang


ako. Schoolmate ko sila bago ako na-expel. Hindi sila pumasok ngayon pero mga naka-
uniform rin. Gawain naman namin 'to bago ako mapatalsik.

"Nah." Iling ko.

"Gago ka talaga. Baka magalit si ina mo sayo nyan."

I just shrugged my shoulder.

"Alam mo, bakit ayaw mong mag girlfriend?" Tawa ni Ellis. "Maybe you'll find the
thrill when you have! Malay mo yun pala ang kailangan mo.." Tumawa sya.

"Are you gay, tol?" Tawa ni Oliver.

I raised my middle finger at him.


Nagtawanan sila. "You know what? You should meet Lily, yung running as
valedictorian. She is hot and she likes you." Suhestyon ni Oliver.

Lily? "Klark's ex." Sabi ko lang.

"Dude, hindi tipo ni Pierce and mga ganyang babae! Gusto nyan yung mga tipong
mahinhin at sya yung manunuyo. Hindi yung sya ang hinahabol." Salita ni Ellis.

Umupo ako at pinanuod lang sila habang napapailing.

Tumango si Oliver. "I think that's right. Ayaw nya nga pala kila Jannah."

Nagtawanan sila. "What? Kamukha nya si Princess, yet you don't like her?"

Nakuha nila ang atensyon ko doon. Jannah looks a little like her, yeah. And that is
why they keep on pushing Jannah to me, huh. The fck. Pati si Klark ay nakiki-sali
doon.

"I don't like Princess." Sabi ko at agad na ininom ang tubig sa tabi ko.

Now, now, stop thinking about her again, Pierce.


"Talaga? Iisipin ko na talagang bakla ka kung wala kang gustong babae! Basta ang
alam lang namin, obsessed ka sa kanya noong elemen-"

"That's not true!" Napipikong sabi ko.

"Weh! Palagi mo kaming tinatanong tungkol kay Princess kasi kaklase namin sya!"
Nagtawanan sila.

Napaiwas ako ng tingin. Fck this guys. Siguro sinabi nila kay Klark noon yon, kaya
pala tinutukso nya ako. "That was then."

"Crush na crush mo talaga si Princess since grade 4, why are you denying it now?"

"It's just a crush. And that was before. Fck you, Ellis. Stop mentioning it."
Napipikang sabi ko. For fck's sake.

"Alright, alright!" Tawa nya. "Pero si Princess ba ang dahilan kung bakit ayaw mong
pumasok ngayon? Is your little butt shy?"

Kumuyom ang panga ko sa pagkakairita sa kanila. The two of them used to tease me
before at tumigil iyon noong 1st year. And now that I told them the name of my new
school, nagsisimula na naman sila.
Alam nila kung saan nag-aaral si Princess. Not that I didn't know.

I didn't go to school today because I'm not in the fcking mood. That's all.

"Shut up. I don't even know if she still remembers me.." Sabi ko at tumitig sa
malawak na court.

"So how was your new school, hon?" Mom excitedly asked me.

"Fine, cool school." I said and headed straight to my room.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para isearch sya sa Facebook. Ngayon na
nga lang ulit ako pupunta sa FB, tapos sya na naman ang titignan ko. I think I'm
screwed. Lumabas ang profile nya na may kasamang lalaki. Kumunot lang ang noo ko at
nakita kong napupuno ng hearts ang comment box. Agad kong sinara ang facebook at
dumiretso sa kama.

What the fck was that? Kasama nya si Kharl Gomez.

Nothing is new today. Late na akong nagising at pinilit parin ako ni mommy na
pumasok. Klark is usually early to school to flirt. Palagi ko syang nakikita na may
kasamang babae noon sa dating school ko.

Meron akong maliit na hawak na papel. Gusto ko lang tignan ang room ko. Naka-lista
na kasi ang pangalan ko sa ibang room, pero pinabago ko at ako ang pumili ng room
ko, for some reason.

I thought I was late. Natanaw ko kung saang room ako at bumungad saakin ang
classroom na may babaeng nakaupo sa sahig habang mukhang binubully ng ilang mga
babae. Nagtatawanan sa loob ng room at nang huminto ako ay natahimik sila.

Tinignan ko ang babae sa baba. Napupuno sya ng kung anong puti sa mukha nya. Pulbos
yata iyon. Medyo basa ang ulo nya at mukhang paiyak na. Nakaramdam ako ng pamilyar
na kung ano sa katawan ko nang makita sya ulit.

The last time I saw her was three years ago.. yet she still looks so familiar to
me.

What.. what's happening to her? Anong ginagawa ng mga babaeng iyon sa kanya? Are
they bullying her? I feel mad. I feel really mad that time..

Nagsalita ang pinakamatangkad na babae. Hindi ko sya inintindi dahil nakatingin


lang ako kay.. Princess.

My head is hurting. Hindi ko alam kung anong nangyayari but I don't know why I feel
like I wanted to get her and keep her away from these girls.

"What do you need?--"

Hindi ko sya inintindi. I'm mad because Princess is looking at me like she never
knew me at all. I'm calling bullsht. Don't you remember me, Torres? Fck!
I cut her off. I cut that girl off simply because I hate how she looked at
Princess. I saw her just about to pour something on Princess before I came!

Umupo ako sa dulo because I don't like to talk to anyone. I'm simply irritated to
about the whole population in the world.

I just watched them. I wanna see her move. Why is she letting them? I wanna save
her but I don't think it will be a good idea. She doesn't remember me. That is so..
unfair.

Umalis sya. Umalis sya nang hindi nagsasalita at dumating na ang una naming
teacher.

It was boring again. Mabilis lumipas ang oras dahil kung ano-anong inisip ko. I was
introduced to the class and they all welcomed me. Will she too, if she was here?

I waited for the second period and she is not yet here. Where did that girl go?

"Princess? Dude, lakas ng karisma nun! Tas akala mo ang inosente nya! Sayang lang
at hindi na pala virgin.." They both laugh.

Nag init ang ulo ko. What the fck? Nakinig lang ako sa kanila and all along they
were talking about Princess.
Snack time. Binangga ko sa balikat ang isang lalaking naguusap tungkol kay
Princess. He looked at me with his furious eyes.

"Pre, problema mo?"

Tumingin ako sa kanya. Mas maliit sya sa akin. "I don't know. Why?" My head tilted
to one side.

Naramdaman ko ang bulungan at alam ko ring sumusunod saakin yung lalaki. Tinulak
nya ako mula sa likod kaya humarap ako sa kanya at ngumisi.

"Bago ka lang pero mayabang ka na?" Galit na sabi nya. Kaming dalawa lang sa lugar
na iyon.

"Do I need to be an old student first, then?"

Lumapit sya at aambang susuntukin ako. Wala akong ginawa dahil alam kong hindi nya
itutuloy. Lumapit lang sya hanggang sa magkalapit na ang mukha namin.

Ngumisi lang ako dahil hindi nya lang kayang gawin. "What?" Tanong ko.

"Lumabas ka. Sa back sa back gate magkita tayo." Hamon nya. Nagkibit balikat lang
ako at pinaunlakan ang pagyayaya nya.
I'm pissed. He is not allowed to talk about Princess like that. They aren't
allowed. No one is.

Ilang suntok pa ang binigay ko hanggang sa magmakaawa na sya. Binitawan ko lang sya
nang makiusap sya. Kinuhanan ko sya ng pera dahil wala akong allowance. Mom is just
too tight to me!

I puffed a ciggarete. Then I saw her. Gulat ang mata nya at halatang napanuod ang
nangyari.

Malinis na sya ngayon. Hindi na namumuti ang mukha nya. She still.. looks the same,
only that her face became more matured and.. more angel-like. Her face looks
suffering nevertheless, she still looks..

Napangisi ako nang makita sa mata nyang hindi ako naalala. I remember her yet she
doesn't remember me at all. How fcked is that? How unfair can she get? It's
irritating. I should not feel happy seeing her.

Mom's habit is to interfere with my life. I don't like taking orders. I'm old
enough and I know what I like and what I don't.

"Bye, Jyn! Enjoy sa school!" Mom exclaimed. I fcking hate mornings.

Tumango ako sa kanya. I love her but she is irritating sometimes. Mabuti pa si dad,
hinahayaan ako.
Hinatid muna si Klark sa school nila bago sa school ko. Nakakairita na may service
pa kami. Gusto naman to ni Klark dahil nakaka-tipid sya.

"How's Princess? Ikamusta mo na lang ako, ah?" May pang-iinis sa boses nya.

Fcker. Ako nga, hindi na-aalala, sya pa kaya.

Umupo ako sa dati kong inuupuan. Tumitingin sila saakin ng pasikreto pero hindi
nila ako tinatabihan. That's good. Para hindi nakakainis.

Naglaro na lang ako sa phone ko at naramdaman na may umupo malapit saakin. Nakita
ko sa gilid ng mata ko na naka-upo si Princess, napalunok ako at kinabahan. Natalo
tuloy ako sa nilalaro ko.

Inulit ko na lang ulit ang laro, pinagpapawisan ako kahit na air conditioned naman.

Halos malagutan ako nang masalita sya. Fck! Sana lang ay hindi nya napapansin, baka
isipin nya pang crush ko sya. Fck, crush?

Kinausap nya ako tungkol sa kaklase namin na kinuhanan ko ng pera kahapon. Tss.
Kinakausap nya ako dahil doon? Anong kalokohan yon? The Victoria girl came. She's
tall but not really that tall, maliit parin sya saakin. Inaway nya na naman si
Princess. Ano bang ginawa ni Princess sa kanila?
I wanna stop her, or shout at her. Ayoko lang mag-isip si Princess kung bakit.

Umiyak sya. Lalo akong nagalit. I wanna kill that Victoria. She can't just make
Princess cry! Pakiramdam ko, isang beses pa na mangyari to ay hindi na ako
makakapagtimpi.

Hinagisan ko sya ng puting panyo halatang nagtataka sya. She then thanked me.

"Don't thank me. Nandidiri lang ako sa itsura mo." Oh I wanna wipe those tears
away.

Sa canteen ay ganun ulit ang nangyari. I watched them bully her. Parang ako ang
naiinis dahil sa nangyayari sa kanya, what the hell is wrong with them?

Puro tawanan ang mga naririnig ko. Nakakainis. Walang may gustong tumulong kay
Princess. Wala ba syang kaibigan? That's impossible, she's too adorable para
mawalan ng kaibigan.

I was about to stand up for her, kaso ay nakita kong may tumayo sa kabilang table.
It was Kharl Gomez, her boyfriend. Hindi man lang nya sinundan si Princess. Is this
how you do relationships now? Because I will never do that to Princess!

Kaya naman nang nakita kong binastos sya ng mga kaibigan ni Kharl ay gumalaw na
ako. She can't remember me, alright. But I don't care anymore.
Hindi ako pumasok para hanapin si Kharl. Alam kong boyfriend sya ni Princess but
then, yung mga kaibigan nya ay binastos si Princess. Naririnig ko rin ang pangalan
nya kasama kay Princess. I guess it's something to do with him.

Nakita ko ang mga kaibigan nya. I forgot their names. Iyong Vince lang ang naalala
ko. Medyo lumalaban sya.

"What's your problem with Princess?"

Vince told me that Kharl and Princess broke up. And because of that, maraming
nagalit kay Princess. I didn't buy it. So I asked what really happened. I had to
pressure them to give me some more information. Nalaman ko ang tungkol sa pustahan.

Putang ina, pustahan? Ginaganon lang nila si Princess? How could that motherfcker
Kharl and his friends do that?

I waited for Kharl. I let his friends go. I must see this ass.

"Piere Jimenez," Ngumisi saakin si Kharl at tinaas ang kamay para makipaghigh five.

Kumunot ang noo ko. He's ugly.. and he looks so gay. Bakit kaya gustong-gusto to ni
Princess?

Hindi ako nakipag-apir sa kanya. I don't wanna touch him. Kaklase ko sya noon at
ayos lang kami dati, pero hindi na ngayon.

"Why would you do that to Princess?" I asked.

Kumunot ang kilay nya at binaba ang kamay. Naging seryoso ang mukha nya at tumingin
sa ibang direksyon. "I don't wanna talk about it, Jimenez.. may klase pa ako."
Sinubukan nyang umalis.

Hinawakan ko sya sa balikat at binalik sa harap ko. "Tell.me."

"Tangina, pustahan! Maliit na pustahan lang yon, wala naman akong balak talagang
gawin! Sht, pinagsisisihan ko na!" He trailed off. Mukha syang nagi-guilty.

Alam kong pustahan na, pero ang gusto kong malaman ay kung bakit si Princess!
Sinuntok ko sya. Pustahan. Huh. Pinaulanan ko sya ng suntok dahil nanginginig ang
kamao ko.

"You tell your friends to stop, Gomez. And stop bothering Princess, if that's not
clear yet, then I will kill you."

Why am I acting like this for Princess, for fck's sake, she doesn't even remember
me!

Fck! Dammit! Now she's mad at me. Ayaw nyang naki-alam ako sa kanila. Tsk! Tsk!
Bahala sya. I just did her a freaking favor, sya pa ang galit saakin!

Pero hindi ko talaga kayang tiisin ang babae na to. Noong nagkaroon ng grouping ay
kita ko ang kabado nyang mukha. Dahil ba sa wala syang makaka-group? We don't need
to be in a group. We could be partners.

Kaso ay may pumili saakin. Ang grupo nila Victoria. Sinabi ko sa isa sa kanila na
piliin si Princess. I saved her ass again. Will you please remember me now?

Kinuha ko ang kamay nya noong magkaroon ng activity. Mabuti ay by partner. Hindi ko
alam ang ginagawa namin, pero ang kailangan lang gawin ay bilangin ang rate ng
pulso. You can actually do it to yourself, pero by partner raw kaya kailangan mo
pang hawakan ang partner mo. I suddenly like this activity.

Victoria wanted to switch partners. Gusto nyang kami naman sa susunod na check-an.
Ayoko nga. Gusto ko ay si Princess lang.

I wonder why everyone hates her just because of Kharl. Is breaking up with him a
big deal? I can't even see what's so good about him.

I can't help but smile whenever I see her. I wanna help her, I wanna see her smile
more.

I denied that I smiled because of her. She can't think that I like her. She
shouldn't think that. She likes Kharl. She shouldn't know that she could make me
smile. Dammit, I don't even know why I feel so happy whenever I see her.
Gusto ko na tuloy palaging pumapasok. But I feel paranoid. What if she thinks that
I liker her? What if she knows that I don't really listen in class? And that, I
only go to school for her?

One time, na-late kami. Magka-cut sana ako kaso nakita ko si Princess with my
friends, Yvo and Jynx. Kaya naman imbis na magcut ay kinuha ko na lang sya kila
Yvo, dahil may balak pang ihatid si Princess. What the fck.

"We're 15 minutes late, Princess. Magcut na tayo." I said.

Pinagsisihan ko na sinabi ko yun. Sinabi nya saakin na hindi na sya nagka-cut after
nyang maging boyfriend si Kharl. Hindi raw kasi nagka-cutting si Kharl at napaka-
bait daw sa school.

Sinaktan sya ni Kharl, tapos ay nagagawa nya pang purihin sya? Tss! Kairita!

Ayoko na. Hindi na rin ako magka-cutting at magpapakabait na rin ako!

And then.. we saw Kharl and Elaine. She cried again. I fcking hate it when she
cries. Pumapangit sya at nanlalambot ako. Para bang gusto ko na lang syang hatakin
at ibaon sa dibdib ko.

I teased her. She can't love Kharl that much, could she? She shouldn't feel
something that much towards someone who doesn't want to give love back.
But then she teased me back. Kung mai-in love ako, pagtatawanan daw nya ako.

You'll never know, anyway.

Nahuli kami ni Princess na nagcutting. Pinapunta kami sa Principal's office. Kasama


si Princess. Wala naman syang ginagawa, nadamay pa. Tsk.

Gusto na akong pa-alisin ng school because of so many violations. For the first
time, naki-usap ako kay mommy na makiusap sya. I don't wanna leave that school. Sa
school lang na iyon ako nagtagal at ginanahang pumasok araw-araw.

Nagka-cut lang ako 'cause I don't wanna see Princess. Or.. maybe I wanna see her,
but I don't want to want to see her. Damn.

Nang bumalik ako sa school ay naabutan ko na naman ang pang-bubully sa kanya. That
was the day I admitted to myself that I wanna shelter her. I wanna protect her from
them.

I want her to need me..

Hindi ko maalala kung kailan pa nagsimula. Pero ang gusto ko ay akin lang ang
atensyon nya. Because the truth is, my attention is only for her. Since when? Since
the day I first met her.
And I wanna get even.

I want her attention. I want her to like me back. 

I like her, oh fck I do.

Crush yata sya ni Yvo. Nakaka-gago yun. I want Yvo to stay away from Princess. She
calls her butterfly, what the hell is wrong with him? And she's letting him! What?
What if I call her shortcake? Will she let me too?

Goddammit!

I snob her. I want her to know that I don't want anyone calling her pet names.

I wanna punch Yvo in the face! Sya ang pinaka-may alam na gusto ko si Princess, yet
he's calling her Butterfly?!

"Crush mo si Princess no.." Natatawang sabi ni Yvo isang araw.

"Crush siguro." Singit ni Clinton.


Umirap ako.

"Sabagay, crush ko rin naman si Princess.. lakas ng appeal nun." Tawa ni Yvo.
"Parang ang sarap shota-in!"

Nagsalubong ang kilay ko sa kanya. Hindi sya natinag at tumawa pa lalo dahil sa
reaksyon ko. Lalo syang nang-inis hanggang sa sinuntok ko sya sa mukha.

Pinalabas kami ng teacher namin dahil nagkokopyahan kami ni Princess. She was mad
at me. Really, huh? Gusto nya sya lang ang mapalabas? I can't think of a good
reason why!

It's obvious that she still likes Kharl. Tuwing nakikita ko naman sya sa school ay
gusto ko syang sapakin. Mukha namang bakla.

I wanna stop this bullsht. Ayoko na. Ayoko namg magpaka-ayos para sa kanya because
she will never notice it! Para saan pa?

Ilang araw akong hindi pumasok. Dati ay kaya ko namang magtagal sa bahay at maglaro
na lang ng mga video games, ngayon ay hindi. I want to go to school. I want to sit
beside her.

Palagi akong tumitingin sa phone ko, I was always checking if I have a message from
her. Pero wala. Isang text lang naman nyang pumasok ako, papasok ako. Pero fck..
Hindi nya ako pinansin kahit na pumasok ako. Dammit! I feel so sad! She doesn't
care about me.

What should I do, Princess? What do you want me to do? Pansinin mo lang ako.

Tinadtad ko sya ng text. I want her to see that I like her. Dammit, I do.

She said she wants my apology. So I did. It wasn't hard. Nothing is hard when it
comes to her. If she wants me to beg, then I will.

So I kept on dropping hints. I want her to see my intention first before I confess.
I want that Kharl out of her system.

When I saw her looking at Kharl, I was pissed. I want her full attention on me.
Kainis! Masyadong paepal ang Kharl na yon. She got sick that day, that's why I
didn't show her that I was mad. I'm furious. Why would you look at someone who
caused you so much pain?

I stayed at school and finished her reports. I was so worried. Mainit sya at
mukhang matindi ang sakit. I wanna check her. Kaya pinuntahan ko sya sa bahay nila
nang malaman kong wala pala syang kasama.

Binalak kong matulog sa bahay nila. I wanna take care of her. But then again,
sinampal lang ulit sakin na si Kharl talaga ang gusto nya. And no matter what I do,
it's not me who she wants.
Tang ina.

Kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay nila. But before that, tinignan ko muna
kung ayos na sya. I'm still mad at her. But I can't change the fact that I still
like her.

Tinext nya ako ng tinext. Sinubukan kong hindi sya replyan, fck. Only God knows how
hard it was trying to avoid her. What? She will only text me if she needs me? Fck
that! I want her to text me every fcking morning. Every time she has time.

But still.. kahit anong gawin ko pala talaga na pagtatanggal kay Princess sa akin,
hindi ko magawa. Isang tingin nya lang, lalo akong nahuhulog. Tangina, anong
nangyayari sakin?

Inabangan ko sya sa gate. It's the freaking first time na umupo ako dito para
maghintay sa isang babae. Pagkatapos nyang matulog sa bahay namin, umamin ako sa
kanya. I want her. She likes Kharl. I don't care. She needs someone who can make
her forget about her feelings for that douche. And that will be me.

"Bro, yung singsing mo, nakita ko kay Elaine." Sabi ni Paris.

Tumaas ang kilay ko sa kanya. Matagal ko nang hinahanap ang singsing na yun.
Matagal na iyong gawa. That ring is so special. That's for Princess.
"Pano mo nalaman?"

"I'm not sure yet! Pero nakita ko may pinagkakaguluhan sya kasama mga kaibigan nya.
Then Liza told me that they were talking about a ring." Sabi ni Paris.

"Who's Liza?" Tanong ni Ace.

"Kaibigan ko, kaibigan rin ni Elaine." Paris said.

I talked to Elaine. 

"Give me back the ring, Elaine."

Naabutan ko sya sa parking lot. May kinukuha sya sa likod ng sasakyan nila.

Her eyes panicked. She walked away from me but I got her forearm. Napasandal sya sa
dingding.

"I-I don't know what you're talking about Pierce." She said and looked away.
"Give me the ring." Utos ko.

I saw her eyes watered. Pagkatapos ay humikbi sya. Oh fck, she's so irritating.
Ibigay nya muna sakin ang singsing bago sya umiyak.

"Bakit ba si Princess pa? Ano bang ginagawa nya pag magkasama kayo? Parang hindi
naman sya exciting kasama.. at hindi sya kagandahan, Pierce. Ano na lang sasabihin
ng nga kaibigan mo--"

"Shut.up!"

Dammit! What's wrong with her? Is she insecure?

Lalo syang humikbi. "Pierce i-try mo ako. Wala naman kami ni Kharl eh. Kahit nung
elementary, diba nahihiya ka lang na kausapin ako? Tell me Pierce!"

Pumikit ako ng mariin. I want the ring.

"Pierce.. I'm available. Wala naman kami ni Kharl eh. I was always for you.. alam
kong nahihiya ka lang na kausapin ako." Iyak nya.

Nilahad ko ang kamay ko. "Give me the fcking ring,"


Niyakap nya ako bigla. Nagulat ako sa ginawa nya. I tried to remove her hug. Sht!
Baka makita kami ni Princess, o kahit na sinong estudyante! Fck! Magagalit si
Princess! She will never forgive me!

May kinuha sya mula sa bulsa nya. Iyon na ang singsing. Nang mahuka ay hindi nya pa
rin ibinigay saakin. Umiyak lang sya.

"Akin na." Sabi ko at muling nilagad ang kamay.

Pinagdikit nya ang kamay namin para ibigay ang singsing ngunit pinagsama nya ang
kamay naming dalawa at niyakap nya ako.

Fck! Bakit ba yakap ng yakap to! Mariin ko syang hinawakan para ilayo saakin. Mommy
told me to be gentle with girls. I'm gentle with Princess and that is all that
matters. I don't need other girls.

"Pierce, maghiwalay muna tayo."

What? Is she kidding me?

I can't fcking believer her. What's the problem now? I'm doing my very best to make
our relationship work! Para tanggapin ako ng mommy nya. Why would she break up with
me now? Dammit!
She's not serious. No she can't be serious! I pleaded and asked her not to, but
she's just so cold to me. How could she be this heartless? Fck, my Princess. I
don't why you're doing this to me.

You always do this. You always hurt me. But I love you. Dammit, I love you so damn
much.

"Oh sht, Pierce! Tumigil ka na nga!" Yamot na yamot ang boses ni Clinton habang
inaagaw saakin ang bote.

"We came here to have fun," Sabi naman ni Ace.

But they can't stop me. Fck them all. Fck every one of them. No one can ever
understand me. I feel like I'm the worst. I'm trying everything. Or am I really
doing everything? Goddammit. Ah, kulang ako! She should have told me, hindi yung
ganito kabilis. Fck!

"Nakipagbreak sayo si Princess because of Elaine. Asshole!" Umirap si Clinton at


nagsimula na ring uminom. "Nakita nya kayong magkayakap."

Tumitig ako sa kawalan. It's 4:30 AM, ilang minuto pa lang ang nakakalipas bago ko
sya makitang sumakay ng sasakyan. She doesn't want me to come with her. She doesn't
want me in Canada. Tumingin ako sa bahay nila. Fck, I miss her already.

Bakit kasi ayaw nya akong pasunurin? Kung susunod ba ako kahit hindi sya pumayag ay
magagalit sya? Nagulo ko ang buhok ko sa inis.

"Mommy please.."

Lumunok si mommy at tinalikuran ako. She doesn't want me to follow Princess in


Canada! She wants me to stay. Nakatira ang tita at tito ko, pati si Maxine sa
Canada, I can live in Canada too! She doesn't need to worry. I will be fine there!

"Mom!"

"Jyn, please.." Napahawak sya sa noo nya.

"Mom! Please! Princess is there, I want to be there!" If I have to beg, I will.

"Jyn, please understand me naman! Ang bata nyo pa masyado para dyaan. Just tell
Princess to wait, tutal ay ilang taon lang naman--"

"I can't!" Sigaw ko.

"Pierce Jyn, layuan mo muna ako. New Year mamaya, please, h'wag mo munang pasakitin
ang ulo ko--"
"You don't understand!" Giit ko.

"Of course, I do!"

Biglang dumating si Klark at humalik kay mommy. Kumunot ang noo nya habang
nakatingin saakin. "Anong problema?"

Tumigas lang ang panga ko. Umirap ako at tumingin sa gilid. Malalalim ang paghinga
ko.

"Pwede namang bumisita ka na lang ng Canada, but staying there for good? No, Jyn.."
Bulong nya.

Napatango si Klark. Alam na nila pati nila daddy na nasa Canada na si Princess.

"Bro, hayaan mo muna si Princess--" Hinawakan nya ako sa balikat pero agad ko iyong
tinanggal.

"Fck you, stop butting in."

"Pierce Jyn!" Galit na sigaw ni mommy.


"Susunod ako sa Canada! You don't tell me what to do. I'll ask daddy about it!"

Tinago ni Klark si mommy sa likod nya. "Tang ina, Pierce, tumigil ka nga!"

Mariin na hinawakan ni mommy si Klark sa damit para harapin ako. Pero masyado syang
maliit saamin kaya naman nanatili lang sya sa likuran ni Klark.

"No, you stop! Gago ka, h'wag kang maki-sawsaw."

Tinulak nya ako sa balikat at dinakot ang damit ko para ilapit sa kanya. "Watch
your fcking mouth! Sinasabi ko lang na hayaan mo muna si Princess! Let her breathe!
Let her have her space, dammit!"

"I can't! Kung sira ang relasyon mo nang dahil sa kapabayaan mo, h'wag mo akong
igaya sayo!" Diin ko.

Sinuntok nya ako. He's so mad. Sinuntok nya lang ako ng sinuntok. Hindi ako
makalaban dahil sobrang galit sya. Dumating si dad at hinatak si Klark. Nalasahan
ko ang dugo.

"What's happening?" Pumagitna si daddy.

Dinuro ako ni Klark. "Why don't you ask that motherfcker!"


Umiiyak si mommy sa gilid. "Klark stop it!"

Galit na galit parin si Klark but who cares. Umalis sya at tinapon ang jacket sa
gilid. Tinulak ko palayo si daddy at umalis ng bahay. Fck everything.

=================

Epilogue

Author's Note:

Hello po sa lahat ng nakatapos! Salamat dahil natapos nyo ang TKP at natagalan ang
kalokohan ko! Alam kong maraming typos, grammatical errors at salamat dahil
napagtyagaan nyo lol.

Maraming salamat sa lahat ng nagvote at lalo na sa mga nagkocomment. Yup, binabasa


ko silang lahat. Kilala ko kayo :D

Wala pong book 2.

-Mosh

+++

"Wanna hang out?" Tanong ni Jack saakin. Kaibigan ko sya dito sa Canada.

"Nope, I told you I'm going to see Pierce later." Napailing ako.

Tumango lang si Jack. Jackson Grant is his name. We've been friends for about, 3
months yata? He's a great guy. Matanda sya ng tatlong taon saakin, pero hindi ko
sya tinatawag na 'kuya' hindi tulad ni kuya Ash na Filipino naman. Nakilala ko sya
kay kuya Ashley.

Ngumisi sya. "Oh, again."

Tumawa lang ako. Kilala nya si Pierce dahil naike-kwento ko.

Tamad na nakaupo sya sa armrest ng sofa at pinapanuod ako. Sinulyapan ko ang kulay
berde nyang mata na nakatitig saakin.
"Good luck." Tumawa sya at nagpakahulog na sa sofa para humiga. Nanood lamang sya
doon ng TV.

Nag-iisip ako ng pwedeng isuot mamaya. Magi-skype kasi kami. Anong dapat kong
isuot? April 8 ngayon, 5 months na kami. Noong nakaraang buwan ay birthday ni
Pierce at nagskype lang kami. Miss ko na sya. Sobra-sobra. Hindi na sya sobrang
makulit ngayon. May isang beses pa na iniyakan ko sya sa sobrang kakulitan.
Nakakaawa naman kasi ang mommy nya.

Noong mga unang buwan ay galit pa rin sya, pero noong mga sumunod ay sya na ang
nangungulit saakin na magchat kami. Natawa ako ng pasikreto, miss din ako ng loko.

Habang sinusuri ko ang buhok ko ay tumingin ako kay Jack. Nakaunan ang ulo nya sa
dalawang kamay nyang nakataas habang nakahiga sa sofa, hinihintay nya kasi si kuya
Ash saamin. Palagi pa namang si kuya Ash ang kasama ko. Ang girlfriend nyang si
Yvette ay nakita ko na, simple sya at mabait.

"Hey, Jack." Tawag ko habang tinitignan ang buong bahay.

"Hmm?"

"Should I curl my hair? Or just let it like this?" Tanong ko habang pinapakita ang
buhok ko.

Kinakabahan kasi ako eh. Si Pierce ay sigurado kong gwapo sya. Hindi na magbabago
iyon. Ako naman, umaasa na lang yata ako sa ganda ng buhok ko. Tsh.

"You're perfectly fine, why worry? It's not like your boyfriend is 'that' hot!"
Nagmake face sya.

Umirap ako. Huh. "You're just jealous." Tawa ko.

"My ass," Sagot nya.

Kinatitig-titigan ko pa ang buhok ko. Ano na kaya ang height ko? Ilang months na
rin ako dito, three? Baka tumangkad na ako kasi iba naman ang nutrients ng pagkain
dito eh. Sa pagkakatingin ko ay mas matangkad si Jack ng kaunti kay Pierce.

"Ugg, I'll go. Tell Ash I'll be back tomorrow," Tinatamad syang tumayo.

"Ayaw mo bang kumain muna while waiting kuya Ash?" Tanong ko kay Jack. Kanina pa
sya naghihintay kay kuya Ash pero nagmessage naman saakin si kuya Ash na papunta na
sya.
"What!" Kunot noong tanong nya.

Umirap ako at umupo sa tabi nya. Kairita din 'to, dumudugo ang ilong ko sa kanya!
Tagal masanay, eh half filipino naman ang pinopormahan nya.

"You wanna eat first?" Tanong ko. "Or you wanna stay so you can meet my boyfriend
on skype?" Ngisi ko.

Ngumiwi sya. "No thank you, sweetheart."

Humalakhak ako. Bitter sya siguro sa mga gwapo! Para pa namang may halo ng ibang
dugo sila Pierce. Mas maganda ang mga mata ni Pierce dito kay Jackson kahit na
hindi kulay berde ang kay Pierce.

"Hay nako, ang pangit mo talaga.." Sabi ko na lang.

Naiinis na naman syang sumimangot. "What?"

Ngumisi ako. "Wala."

Tumingin akong muli sa mukha ko sa salamin. Nagpagupit ako at hanggang sa balikat


na lamang ang dating hanggang dibdib na buhok ko. Hindi pa ito alam ni Pierce, pero
ang gusto nya ay mahaba ang buhok ko.

Hinatid ko si Jack sa labas ng pinto. Ginulo nya ang buhok ko at kumaway na lamang.
He's a great guy. Sa loob ng tatlong buwan ay malapit na ako sa kanya at masarap
syang kausap.

Pumasok muli ako ng bahay at natagpuan si mama na naghahanda para umalis. "Samahan
mo muna ako, Princess. Mag go-grocery lang ako."

Tumango ako at kinuha ang cardigan ko. Nagmessage ako kay kuya Ash na umalis na si
Jack.

"Ma, maaga tayo umuwi. Skype pa kami ni Pierce eh.."

Nang makarating kami sa grocery store ay hindi naman ganun karamihan ang tao. Maaga
kaming natapos at umuwi na kami ng bahay.

Habang bumabyahe pauwi ay tumingin na lamang ako sa labas ng sasakyan. Napag-usapan


na namin ni Pierce ang tungkol sa halos lahat ng bagay. Pati na rin ang kukuhanin
nyang course. Hindi naman sya makulit ngayon, sa tingin ko ay natanggap nya na
talagang magkalayo kami. Magkikita naman ulit kami. Ilang years lang naman. At
nakakaproud na hindi na namin ito pinag-aawayan.
My innocent Pierce will be a sweet, understanding man.

Nakaramdam ako ng antok nang makauwi ako sa bahay. Tinulungan ko lang sandali si
mama na mag-ayos ng mga pinamili. Ngising-ngisi pa sya saakin, kinunutan ko lang
sya ng noo.

Nang matapos ang lahat ng inaayos ko ay nagtuloy-tuloy ako sa kwarto ko at inilapag


ang cardigan sa gilid. Hihiga na sana ako sa kama ko nang may mapansing ibang taong
nakahiga doon.

Nalaglag ang panga ko dahil namamalikmata ako.

Namamalikmata ako na preskong nakahiga si Pierce sa kama ko habang naka-unan ang


ulo sa isang braso, ang isang kamay nya ay nakahawak sa isang notebook na diary ko
simula nang tumira ako dito.

"Sht.." Bulong ko, kinakapos ng hininga.

Sumulyap saakin si 'Pierce' at tumaas ang kilay nya. Bumalik ang tingin nya sa
diary ko at biglang ngumisi. Umupo sya sinara na ang notebook ko. Oh sht,
namamalikmata ba ako o naandito nga si Pierce ngayon?

"P-p-pierce?" Hindi ako makapaniwala.

"Miss mo na pala ako, hindi mo sinasabi." Mayabang na sabi nya habang nakatingin sa
diary ko.

Oh god! He's here! Naririnig ko ang boses nya!

Bigla na lang umandar ang kamay ko upang kuhanin ang diary ko sa kanya. Agad ko
iyong nakuha at natawa lang sya. Tumayo sya at niyakap ako. Kahit na nagtataka ako
kung bakit naandito sya ay naluha na lamang ako dulot ng sobrang pagka-miss sa
kanya.

Nanikip ang dibdib ko, hindi ko malaman ang dapat na maramdaman.

"Fck, I missed you.." He sniffed my hair.

Hinampas ko sya sa dibdib. "Pierce naman! Anong ginagawa mo dito?" Galit na sigaw
ko pero hindi ako galit. Anong magagawa ko eh naandito na sya!

Tumawa sya. Nakakainis to, kanina pa tumatawa!


Hinalikan nya ang noo ko. "Damn, I really missed you."

Habang naiiyak ay natawa na lamang ako. Bwisit, bwisit. Ang saya-saya na makita
syang muli at mahawakan. Ang saya-saya ko kahit na nagtataka ako. Bakasyon na nila
ngayon, at siguro ay pumayag si tita Steph na magbakasyon sya dito. But still! Mas
maganda kung bubuuin man lang namin kahit isang taon, lustay sya ng lustay ng pera,
hindi naman sya ang naghihirap sa ginagastos nya!

"Bakit ka nga nandito!" Kunwari ay nagagalit ako. Syempre, alam ko naman kung bakit
naandito sya.

Umupo sya sa kama ko at nakita ko na may isang malaking-malaking puting teddy bear
na nakahiga doon na may nakadikit na sampong red balloons sa kamay. Sa tabi nun ay
isang bouquet of roses.

Nakita ko ang pagsimangot nya. "Bakasyon lang."

Tumabi rin ako sa kanya. Niyakap ko ang teddy bear. Ang lambot nito at ang bango.
Kinuha ko ang mga hawak nitong balloons. Bawat balloon ay may nakasabit na letter.
Excited kong binasa ang mga notes pero nadisappoint ako nang makitang puro 'I Love
You' lang ang nakasulat, wala nang iba.

"Wow! Puro I love you?" Tanong ko habang naghahanap pa rin ng ibang letter, baka
may ma-iba.

"What?" Inagaw nya ang ilang balloon saakin. "That's how I feel! What do you want
me to write?" Nakita ko ang pagpula ng mukha nya kaya nag-iwas sya ng tingin.

Natawa ako, halos lumabas na ang luha sa mga mata ko. "Hindi ba pwedeng 'You're the
best part of my life. Without you, I'm nothing'?" Tumawa ulit ako.

Lalo syang namula. Nang makita nya ang ngisi ko ay inirapan nya lamang ako. Psh!

"I'll stay here for 2 months.. pasukan namin sa June." Aniya, ramdam ko ang titig
nya saakin habang ako ay nakatingin lamang sa bear.

Suminghot ako ng kaunti dahil sa pag-iyak kanina. Hindi ako makatingin sa kanya.

Naramdaman ko ang marahang paghawak nya sa buhok ko. "Why did you cut your hair?"

"I like it a little shorter," Sabi ko lang at hinawakan ang buhok ko. Tumingin ako
sa kanya nang hindi sya magsalita. "I'm sorry, hindi mo nagustuhan?"

Natawa sya at umiling. Nakakainis yung mga ganung tingin. Yung parang lahat na lang
ng bagay na makita nya sa'yo ay gusto nya. Kahit pangit na, gusto pa rin nya. "I
like things my Princess likes."

Natawa ako at binitawan ang bear sa kama. Umusog ako at hinilig ko ang katawan ko
kay Pierce. Sya naman ay pinatong ang kamay sa balikat ko. I missed this kind of
hugs. Yung naka-akbay lang sya saakin at naamoy ko ang bango nya.

"Kailan ka pa nakarating dito?" Tanong ko.

Humiga kami sa kama at nagkwentuhan. Nakaunan ako sa dibdib nya at ang isang binti
ko ay nakapatong sa katawan nya. Sya naman ay hinahaplos ang buhok at ang ulo ko.
Nakarating sya dito kanina. Sila Maxine, na pinsan nya ay nakatira sa malayong city
mula saamin kaya naman bago pa lang makarating si Pierce dito ay inayos na ng
family nya ang pagi-stayan nya dito.

"Ah, si mama. Nakita ka na ba ni mama?" Napatayo ako mula sa pagkakahiga nang may
ma-realize.

"Yup." Pinagtawanan nya ako.

Nanliit ang mata ko. Stupid question Princess. Baka nga magkasabwat pa sila.

Lumabi lang ako sa kanya at nakatitig lang sya saakin habang natatawa. His eyes are
happy. They have so much to tell..

Bumalik na lamang ako sa pagkakahiga sa braso nya. Habang nakahiga ako sa braso ni
Pierce ay nakaramdam ako ng antok. Ang sarap sa pakiramdam na makatabi mo ulit yung
taong mahal na mahal mo. Yung taong gusto mo ng makasama sa buong buhay mo.

"Who's Jackson Grant?" Tanong ni Pierce. Normal lang ang boses nya.

"Friend ko, bakit?" Nag-angat ako ng tingin. Nakatingin lang sya sa kisame habang
hinahaplos ang buhok ko.

Hindi lang sya nagsalita. Nang tignan ko naman sya ay mukha namang normal ang
itsura nya. Nagseselos ba sya?

"Wait.." Lalo akong tumitig sa kanya. Nang mahirapan ako ay umupo ako sa kama at
tumitig sa kanya. "Selos ka?"

Kumunot ang noo nya na parang nakarinig ng kalokohan. "Di."

Pero kitang-kita ko na nagseselos sya. Matagal ko nang iniisip na baka nga magselos
sya kay Jack. Ayoko namang mangyari yon. Alam ko ang pakiramdam ng nagseselos. Alam
ko ang pakiramdam na natatakot.
"Palaging nagko-comment sa pictures mo sa FB, at palagi kayong magkasama sa mga
picture.." Aniya. Tignan mo nga, hindi raw nagseselos pero yung tono ng boses nya!

Tumawa ako. Alam kong mahirap magselos, pero ang cute kasi ni Pierce!

"Friends lang kami nun. Naalala mo si kuya Ashley na kinuwento ko sa'yo? Kaibigan
ni kuya Ashley yon. Syempre hindi naman pwedeng palagi akong mag-isa, kailangan ko
rin ng kaibigan. Isa pa hindi lang naman si Jackson ang palagi kong kasama.."
Kwento ko.

Tumango lang sya. "But what if, he fall in love with you?"

Muli akong natawa sa tanong nya. Grabe naman! "May girlfriend yong tao no!" Sabi ko
na lang kahit na sa totoo ay nililigawan pa lang. Ayoko lang magdoubt sya. Mahirap
ang pakiramdam na yon.

"And? That doesn't mean that he can't like other girls." Hinalikan nya ang kamay ko
habang nilalaro ang mga daliri ko.

"Pierce Jyn Jimenez," Umirap ako. "Sa'yo lang ako in love. Sa'yo lang ako paulit-
ulit na mai-in love.."

Tumitig lang sya saakin at napangiti.

"Nako, sa pasukan sa college marami kang magiging kaklase na magaganda!" Tumawa


ako.

Sa totoo lang ay ginagawa ko lang iyong biro pero ang totoo ay iyon talaga ang
pangamba ko. Ngayon lang sya mamumulat sa real world talaga. Mami-meet nya ang
iba't-ibang uri ng tao. Maari syang makahanap ng mas better saakin, oh well, mas
maraming mas better saakin.

Pero hindi dapat ako mag-isip ng kung ano-ano. May tiwala ako kay Pierce dapat. No.
Ako lang ang mahal nya.

"Are you terrified?" Ngumisi sya pero titig na titig ang mga mata nyang nangungusap
saakin. Para bang gustong-gusto nyang marinig na 'oo' ang sagot ko.

Tumagilid ang ulo ko at lalo akong tumitig sa kanya. "Dapat ba?"

Nangiti sya at hinalikan ako sa noo. Bumaba ang labi nya sa ilong ko. Umiling sya.

"How about me, should I be afraid, Princess?" Ang boses nya ay namamaos. Para syang
nakatitig sa isang gamot na kinaka-adikan nya.

Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa leeg nya. "You shouldn't be.."

Hindi ako yung tipo ng babae na magsasalita ng mga bagay tungkol sa mga pangako.
Ayokong pinipilit ang isang tao na mangako saakin pero gusto kong manigurado kay
Pierce. Yung kahit lang ba sa salita nya ay busog na ang diwa mo.

"Pierce.. sana hindi mo ako ipagpalit ah? Sana, h'wag ah?" Bulong ko.

Kumunot ang noo nya saakin. "Why would I do that?"

Bigla ko na lang naramdam na nag-iinit ang mga mata ko. Sa totoo lang ay mas takot
ako. Kung pinapakita ni Pierce na natatakot sya, na ayaw nya akong paalisin dahil
natatakot sya na baka hindi maging kami sa huli, sa totoo ay mas takot ako.

How.. just how am I going to find someone like him? Wala na. Wala nang ibang Pierce
sa mundo. Kung sya ay makakahanap ng iba na mas better, ako hindi. He is the best.
He's all I could ask for.

Niyakap ko sya dahil ayaw kong makita nya na umiiyak ako. It's me. Ayokong malaman
ng ibang tao na sobrang attached ako sa kanila. Ayaw ko ng ganun. Gusto kong
malaman nila na mahal ko sila, pero ayoko malaman nila na 'sobra' ko silang mahal.
Ganun ako.

Nanigas sya. Hindi sya gumalaw sa yakap ko.

"Natatakot ako, Pierce.." Hikbi ko.

Hindi sya agad nagsalita.

"Natatakot rin ako. Akala mo ba ikaw lang? Ayaw kong malaman mo, pero sa totoo
lang.. ang gusto ko ay akin ka lang. I just don't wanna sound so desperate.."
Bulong ko.

Matagal bago sya gumalaw. Naramdaman ko na lamang ang kamay nya sa likod. "You
never sounded desperate to my ears, Princess.."

Hindi na ako nagsalita pagkatapos nun. It's the right thing to do, right? Ang
sabihin ang totoo mong nararadaman. You don't need to hide things from someone who
feels the same.

"If you're scared, I want you to ask me to stay." Seryosong sabi nya.
Tumingin ako sa kanya. Ito na naman ba kami? Magagalit na naman ba sya kung ayaw
ko? Pinayagan na nga syang magbakasyon ni tita eh.

"Hindi natin pag-aawayan to, Pierce.." Pangunguna ko na sa kanya.

Umiling sya. "I just wanna let you know that you have all of me. You want me to
stay, I'll stay. You want me to go here? I will. You tell me what to do. You
control me, Princess."

Hinawakan ko ang pisngi nya. In order to make a relationship work, you need each
other's word, you need to talk, to listen and to trust.

"I love you.." Bulong ko.

Siniil nya ako ng halik. Muling tumulo ang luha ko. Ang inaasam kong pagiintidi nya
bago ako umalis ay ngayon nangyari. Ngayon nya lang yata lubusang naintindihan.

"I love you. My princess. My queen."

We're too young. At minsan ko nang naisip na malapit na kami ni Pierce magtagumpay
at matupad ang pangako namin sa isa't-isa pero nagkakamali ako. Ngayon pa lang kami
mag-uumpisa. Ngayon pa lang talaga magsisimula ang malalaking problema na hindi pa
namin nakakasalubong. Ngayon pa lang talaga kami susubukin.

Pero kakayanin namin. Bakit hindi? He's my knight. And this time, I will not let
him fight alone. We will win every fight, together.

=================

Author's Note

Hello! I just wanna say na meron na palang book 2. Hindi ko nirerekomendang basahin
nyong lahat ang book 2, doon lang sa may gusto. Kung kontento na kayo sa book 1,
then you can stop here. :) "Am I Wrong" and title ng book 2.
AM I WRONG kanta tan ng BTS hehehehehe
Kim Namjoon!!!!!!!!!!!
Kim Soek Jin!!!!!!!!!!
Jung Hoesoek!!!!!!!!!!
Min Yoongi!!!!!!!!!!
Park Jimin!!!!!!!!!!!!
Kim Taeyhung!!!!!!!!!!
Jeon Jungkook!!!!!!!!!!!!
BTS!!!!!!!!!!!!!!!

You might also like