You are on page 1of 2

– Ako nga po pala si Verlin Santos, Founder ng Titik Poetry, 27 years old.

At ako’y nakatira sa Bacoor,


Cavite.

– Kasalukuyang isa akong Performance Poet, filmmaker, photographer, videographer, freelance artist,
motivational speaker, graphic artist saka peace advocate.

– Ang focus ko talaga ng art ngayon ay sa spoken word poetry. Dahil nga meron kaming grupo na
tinatawag ng Titik Poetry, isang art collective dito sa Cavite. At duon na tuon ang atensyon ko sa pag
buo ng mga tula, sa pagpeperform ng mga tula. Ayun, yun yung ginagamit kong paraan para maitawid
ko yung mensahe ko sa audience.

– So parang ano palang, second year high school pa lang, nadiskubre ko na kaya ko pala syang gawin.
Walang formal training talaga ano lang to parang, sarili ko lang pag eexplore sa sarili. Tapos pagdating
ng fourth year high school. Dun mas nakilala ako sa school namin na sumusulat ng tula. Dahil dun sa
force nay un parang na inspire ako “aba, pwede ko pala syang gawing career.” Hanggang sa maka
graduate ako at sa nabuo yung titik poetry. Gusto ko lang sabihin na, magmula pa lang ng highschool,
alam ko na kung saan ko gusto pumunta. Parang gusto ko hanggang sa pagtanda gusto kong
panindigan na itong buhay na gusto ko ay nakalaan para sa paggawa ng sining. Kase yun naman talaga
ang gusto ng lahat eh, ma create ng buhay na gusto nila. Bilang isang artist, yun din yung pananaw ko
sa buhay yun din yung mantra. Hindi lang para maka survive dito sa mundo kundi para gumawa ng
buhay na gusto ko. Alam nyo naman kasi dito sa pilipinas na pagka sinabing artist, walang pera eh.

– Ako kase di ko naman talaga toh trabaho, an otoh eh, Passion to eh, kaya sobrang nag-iinit ako sa
paggawa ko ng arts. Nagmamanifest sa akin eh, parang pag gumagawa ako ng sining ko, merong
bahagi ng sarili ko na pinapasa ko sa community o sa mga estudyante, sa mga ibang tao. Sa kahit na
kaninong nakikinig sa akin. Mas lalong appreciative sa mga nangyayari sa akin, sa mga experiences ko,
sa mga shared experiences ko. Kasama ng mga kagrupo ko sa titik poetry, pero maliban pa doon. Mas
nakita ko kung gaano nung kasaya maging payak lang. Tas nangarap ako galling sa art, yun talaga yung
pangunahin na naging legit para sa akin. Yung matutong mangarap eh, Ang mantra ko kase ano eh
lagging maniniwala sa kakayahan ng pangarap.

– Before pandemic siguro bilang lider ng isang collective, ng isang grupo, yun yung isa sa pinaka
mahirap kase meron kang pinagsasama sama na mga tao na may iba’t ibang paniniwala sa iba’t ibang
books ng life eh. Kaya parang siguro ito yung isa sa pinaka mahirap pero sobrang enjoyable kase may
chance na makapag bagong buhay yung ibang tao eh. Yung kagaya ng minsan wala kayong pangkain sa
event, minsan di kayo binabayaran sa mga gig. Naranasan namin yun mag perform sa mga bus,
Tumutula kami dun sa gitna ng bus dun sa may aisle. Tutula kami jan para lang magkaron kami ng
pamasahe papunta tsaka pauwi. Kase minsan di pa kami nababayaran sa mga gig, ano lang yung
maliliit na detalye na masarap ikwento sa iba parang gasolina, yung isa pang ano don kapag ka may
sinisilip ng mga magulang. “Ba’t ba sumasama ka sa taong yan?” “Di ka naman napapakain ng kung
ano” “Bat ka sumasama jan wala ka naming ano” “Lagi ka na lang wala sa bahay, gusto mo tumutula
ka palagi, uuwi ka wala ka naming dala.” Yun yung pinaka masakit sakin bilang isang lider kase sama ng
sama sakin tong mga toh wala rin naman akong mailagay sa hapag-kainan nila. Kase kahit naman
sinong lider magiging concern talaga, siyempre pag naririnig ko yun, nasasaktan ako kaya nag iisip ako
ng paraan. Papaano kaya kami kikita sa arts namin? Saang way kaya kami kikita? Kase iba kaseng
usapan yun eh, Passion sa pagpeperform kahit hindi ka bayaran minsan, okay lang. kaya nag-isip ako na
“okay sige, hindi kami binabayaran sa pagtutula, hanap tayo ng ibang racket na pasok sa skill set naten.
– para kase sakin ang pinakamahalaga sa kwentista , yung kayang isalin ang karanasan bilang isang
aral. Hindi lang siya experience, pinalalampas ko lang na parang wala kang natututunan. Para sakin
kase Kaya ko to naranasan meron akong dapat matutunan. Ganun yung level ng appreciation ko sa
buhay kaya yun din mismo yung naging gasolina ko para makapag sulat, makapag perform sa mga tao
kase nga nakikita ko, ito yung mga bagay na ginagawa ko na magkakarugtong, magkakakabit. Hindi
lang sa akin kundi kasama pati lahat ng mga kagrupo ko, mga kapamilya ko, mga kaibigan ko.

– Nung binubuo ko pa lang yung titik poetry alam kong may mararating pero hindi ko alam kung saang
lugar. Parang elementary pa lang ako o highschool, napapadaanna ako sa CCP (Cultural Center of the
Philippines) “Ang ganda ganda ng lugar na ito, paano ba ako makakapasok dyan? Papano ba kami
makakapag perform jan?” So parang panaginip lang sya para sa akin tapos nung ginagawa ko na yung
titik poetry. Nakilala tas lumaki, lumawak, dumami yung supporters, dumadami pumupunta sa events ,
nakakatuwa. Hanggang sa nakagawa kami ng pangalan, sa loob ng isang taon nag skyrocket yung titik
poetry dun. May invites sa mga napakaraming schools, UP, Adamson, Cavite State, FEU, PUP, DeLaSalle,
Google Philippines, nakapagperform na din kami sa CPP. Sa pinaka malalaking Schools. Sa Mall of Asia.
Yung makapag travel sa iba’t ibang lugar para lang magperform tungo sa mga bata, mag workshop.
Natry ko na rin pumunta sa presinto.

You might also like