You are on page 1of 4

ABSTRACT

This kit presents a


study on Creative
Writing and its
gather, study, and
analyze literatures
on thesignificance,
definition, nature,
principles, forms of
Creative writing
significance.
Further discussion
about Creative
Writing and its
forms are also

Jirahmae
Diasanta
[Course title]

E-Kit: Stretch of Imagination and


Freedom Expression
Natatawang sumambit ng asawa ko nang makitang pasimple akong kumakaway sa dumaang
eroplano katulad ng ginagawa ko simula noong bata pa ako.

"Ang laki mo na pero nagba-babye ka pa rin sa eroplano,"

"Nakasanayan lang," sagot ko habang kalong ang aming mumunting sanggol na nakatingala
rin sa kalangitan.

Hanggang ngayon walang kahit sino ang nakakaalam kung bakit ko ito ginagawa
magpahanggang ngayon na may sarili akong pamilya.

~~~

"Sinulat ko po ito upang malaman niyo kung gaano ko po kayo kamahal. 'Wag po kayong
mag-alala, para sa inyo ang gagawin kong ito. Nararamdaman ko po kasing nahihirapan na
kayo kaya aalis na muna ako. Tiyak na habang wala ako ay magiging magaan at maayos ang
buhay niyo."

Iyan ang nakasulat sa liham ni Tonyo habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha sa
kanyang pisngi. Siya'y labinglima na kaya't batid niya ang nararamdamang hirap ng kanyang
ina sa pagpapaaral at pagpapakain sa kanya. Ito lamang ang alam niyang solusyon para di na
niya makitang nahihirapan ang kanyang mga magulang, ang pag alis.

Nasa kwarto si Tonyo, naghahanda para sa kanyang pupuntahan. Natutulog pa ang nanay
nito kaya naisip niyang mas mainam kung ngayon niya na gagawin. Inilagay niya ang sulat sa
mesa upang madaling makita ito ng nanay niya.

Lumipas ang ilang oras at nagising na si Aling Minda at tumayo sa kanyang higaan.
Maghahain siya ng lugaw upang makakain muna ang pamilya, lalo na si Tonyo, bago siya
umalis para maglako ng sigarilyo sa daan.

Pinuntahan niya ang kanyang anak sa kwarto at sa pagbukas niya ay nakita niya si Tonyo,
nasa taas, may lubid sa leeg, nakapikit.

----

"Bili mo 'ko ng limampisong kornik, sa'yo na 'yung dalawa," utos sa akin ng aking ama. Amoy
ko ang alak na nilagok niya kanina lang. katulad ng ibang mga araw, lango na naman ito.
Pang-ilang gabi na bang ganito si Tatay simula nang mawalan siya ng trabaho at mamatay
ang bunso naming si Tonyo. Madalas na rin sila mag-away ni Nanay. Papaano ba naman eh
imbes na pambili na lang namin ng ulam eh ibibili niya ng alak. Parang hindi na nga kumakain
si Tatay eh, puro na alak ang laman ng katawan niya.

Pagbalik ko sa bahay ay sarado ang pinto. Marahan akong kumatok at idinikit ang aking
tenga sa pinto. Walang sumasagot sa loob. Sumilip ako sa munting siwang ngunit wala
akong nakita. Mukhang nasa itaas sila.

Maya-maya'y narinig ko ang sigaw ni Nanay mula sa ikalawang palapag ng bahay. Agad
akong kumaripas ng takbo. Bilang paslit ay walang nagawa ang munti kong katawan para
mabuksan ang pinto. Buong lakas man ang ibuhos ko ay walang nangyari kahit ilang beses
kong balyahin ito.

At biglang nanahimik ang paligid. Isa... Dalawang minuto...

Binuksan ni Tatay ang pinto, pawisan, at nakatingin sa hawak kong kornik. Nanginginig kong
iniabot ito sa kanya. Naupo na siya sa tabi ng bintana at sinimulang buksan ang isa. Hinamig
ko ang sarili at patakbong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Rinig ko ang paghabol sa
akin ni Tatay sa likod pero mas importanteng makita ko ang lagay ng aking ina. Baka nalaglag
ito, nasugatan, o --

Nabigla ako sa nakita kong posisyon ni Nanay: nakatali ang paa't kamay nito, nakatakip rin
ang bibig. Tumalikod ako upang maintindihan ang mga nangyayari, tiningnan si Tatay... at
nakita kong muli ang mga matang iyon na ilang beses ko nang naging bangungot.

Nagsimula sa dating gawain si Tatay, sinimulan niyang punitin ang aking pang-ibaba at
sinimulan akong babuyin. Naririnig ko ang sigaw ni Nanay mula sa likod ni Tatay, sabay na
sabay ang agos ng aming mga luha, ng aming mga galit, ng aming mga sama ng loob sa ilang
taong brutal naming nararanasan sa kamay ni Tatay.

Nang matapos ay pinunasan niya ng nanlilimahid na basahan ang ilalim ng mesa kung saan
niya ginawa ang kahalayan. Punong-puno na iyon ng aking dugo, na hindi magawang
banlawan ng aking ina dahil sa panghihina. Marahan niyang tinanggal ang pagkakagapos kay
Nanay at tinanggal ang busal sa bibig.

"Matulog na tayo," kanyang sambit, at maya-maya'y pumikit.

Sa tulong ng teknlolohiya ay nalaman kong nakakalason pala ang panlinis ng alahas. May
ganoon si Nanay dahil marami siyang alahas noon ngunit isinangla na lamang ni Tatay at
ibinenta ang iba para sa kanyang luho. Ayaw kong gawin ito, pero kailangan. Alam kong
ikapapahamak ko ito, pero ito ang maaaring magligtas sa amin ni Nanay.
Kinahapunan ay dumating ang ambulansya, kinuha ang nakahandusay na katawan ni Tatay
at dinala sa pagamutan. Naiwan lamang akong mag-isa noon sa bahay. Alam ko ang mga
nangyayari pero blangko ang aking utak. Ang tanging alam ko ay ligtas na kami, wala nang
mananakit kay Nanay at wala nang pang-aabuso sa amin.

"Anak," halos pabulong na wika ni Nanay pagkauwi galing sa ospital. "Malaki ka na para
maintindihang wala na ang Tatay mo. At ayaw kong lumaki kang isipin na iniwan na niya tayo
sa mura mong edad. Isipin mo na lamang na nangibang-bansa siya, anak. Magpaalam ka
palagi kapag nakakakita ka ng eroplano sa langit, isipin mo na umalis lang si Tatay at doon na
niya napagpasyahang manirahan. Tayong dalawa na lamang ngunit ipaparamdam ko sa'yo
na hindi ka nag-iisa."

Niyakap niya ako nang mahigpit at umiyak nang umiyak. Ubos na yata ang lahat ng aking
luha. Mahina kong tinapik ang likod ni Nanay bilang sagot sa kanyang mga bilin.

Nagkaroon siya ng iba't ibang kalaguyo mula noon, wala silang pinagkaiba kay Tatay: mga
maluho, bastos at balasubas sa mga babae, at tila manhid na si Nanay sa tuwing pagtapos
siyang gamitin ay ako ang isusunod. Sukang-suka na ako sa ganitong sistema ng buhay.
Kaya...

~~~

"Naalala ko lang kasi 'yung tatay ko na nag-abroad tapos hindi na bumalik. Sabi ng nanay ko,
ganu'n daw ang gawin ko para hindi ko na siya maalala," sagot ko sa kanya.

"Eh hindi ba, nanay mo 'yung umalis?"

Patago akong napangiti.

"Pareho sila."

You might also like