You are on page 1of 1

MY LIFE, MY HAPPINESS

Sa larawan na aking iginuhit, makikita rito ang apat na anino ng mga tao. Bawat isa ay
nagisimbolo ng miyembro ng aking pamilya, aking magulang, ako at ang aking bunsong
kapatid. Makikita rin ang malilit na “paw prints” na nagsisimbolo sa aking mga alagang
hayop, makikita rin ang ibat” ibang nota na nagsisimbolo sa hilig ko sa musika. Lahat ng
aking iginuhit ay nagbibigay sa akin ng kasiyahan sa aking buhay. Unang una ay aking
pamilya, sila ang dahilan ng aking kasiyahan, sila rin ang ang nagbibigay lakas loob
upang pagbutihin ko ang aking pag- aaral. Sunod naman ay ang aking mga alagang
hayop. Sinali ko ang aking mga alaga dahil itinuturing ko na din silang pamilya,
nagbibigay din sila sa akin ng kasiyahan, hindi man sila makapag salita ngunit palaging
adyan sa mga araw na hindi ako masaya. Nagbibigay aliw sa akin tuwing ako’y uuwi
galing paaralan. Isang magandang biyaya sa akin ang aking mga alaga dahil kapag
wala ka ng ibang masasandalan kahit papaano andyan sila upang pasayahin ka, huli ay
ang nota/ musika, minsan kapag ako ay malungkot at gusting mapag isa musika lang
ang paraan upang mabalik ang aking saya. Sa pakikinig ng musika, misan parang nasa
isang paraiso ako na nagbibigay sa akin ng kapayapaan at kasiyahan. Paraan ito upang
maka alis sa lungkot.

You might also like