You are on page 1of 2

1. Kumusta ang inyong panonood ng bidyo?

Ano ang inyong


naramdaman?
- Mag-kahalong lungkot, saya at pangungulila ang aking nadama sa
bidyong aking napanood. Pangungulila habang na-aalala ko ang
masasayang alaala ng aking pagkabata. Lungkot, sa kadahilanang hindi na
ito mauulit at saya dahil kahit papano ay naranasan ko ito. Maganda ang
kanta, swabe ang delivery, damang dama ko ang emosyon sa bawat liriko
ng kanta. 9/10 sya sa'kin.

2. Ano ang ibig sabihin ng salitang "Kanlungan" bilang pamagat at


napakinggan mula sa awit?
- Para sa akin ang ibig sabihin ng kanlungan ay isang tahanan ng mga
alaala at mga sandaling puno ng kasiyahan at kahulugan.kung saan ang
mga puso ay naging tahimik at panatag. Ito ay lugar ng kagalakan at
pagtanggap, kung saan ang mga tao ay nagbibigayan ng kapanatagan at
suporta.

3. Anong linya mula sa awit ang tumatak sa inyong puso at isip?


Bakit?
- Ang linyang tumatak sa aking puso’t isipan ay ang “Panapanahon ang
pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?”. Sa sandaling marinig ko ang
linyang ito, agad ko’ng naramdaman ang pagtaas ng aking mga balahibo
na sa kalaunan ay nauwi sa ngiti, ngiti dahil sa masayang alaala mula sa
pagkabata na aking naalala.

4. May naalala ba kayo habang pinanonood ang bidyo? Ibahagi.


- Batang ako, yung batang ako na mas pipiliing maglaro kesa matulog ng
hapon. Yung batang ako na nag papatuyo pagtapos maligo sa dagat para
hindi mahalata. palaging napapalo pero sulit.

5. Ano-ano ang mga bagay na nais ninyong balikan mula sa inyong


nakaraan? Bakit?
- Ang bagay na nais kong balikan mula sa aking nakaraan ay ang mga
simpleng kasiyahan ng paglaro sa labas hanggang sa magdilim, yung
tipong kahit ang dugyot-dugyot na nang itsura mo ay wala ka pa’rin
pakealam dahil busy ka sa paglalaro.

You might also like