You are on page 1of 1

Sheena DC. Doria 2011-19657 Musika ng Buhay Life is a road and I wanna keep going.

Love is a river I wanna keep flowing. Life is a road now and forever, a wonderful journey.. Ang mga linyang ito ng kantang At the Beginning ni Anastasia ang inspirasyon ko sa buhay sa bawat pagsubok na aking kinakaharap. Ang buhay ay aking maihahalintulad sa isang musika. Tulad ng musika, patuloy akong sumasabay sa indayog ng buhay. Ulanin mang ako ng suliranin, ako ay isang kantang babangon at laging mabubuhay na puno ng pag-asa tungo sa isang magandang kinabukasan. Anuman ang tono o genre ng musika ng aking buhay patuloy pa rin akong magiging positibo at hindi susuko sa lahat ng hamon. Sa bawat komposisyon ko ng karanasan, patuloy akong matututo at makikisayaw sa agos ng buhay. Sa bawat titik o liriko ng musika ng pagsubok ay nagpapahiwatig na kailangan ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal dahil kailan man ay hindi niya tayo pababayaan at tatalikuran. Natutunan kong marami mang klase ng kanta ang ating napapakinggan, tulad ng buhay ay may kalayaan tayong piliin kung saan tayo magiging masaya. Ako ay isang musika, musikang kakayanin ang bawat flat, liko, kulot, pagtaas, pagbaba at falsetto ng buhay.

You might also like